Kalabaw Lang Ang Tumatanda 4 by: coolestblue69

Isang maliit na function room ng magandang restaurant ang kinuha nila upang pagdausan ng kaarawan ni Yelan. Pili lang naman ang mga taong naroroon. Mga kapatid at pamangkin ni Jim, at iilang mga kaibigan ni Yelan. Kagustuhan din ni Yelan ang ganito. Mas gusto niyang maging intimate ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Pagbaba pa lang nila ng taxi ay nakatingin na ang mga tao sa kanila.

Nakakawit ang braso ni Yelan sa bisig ni Jim.

Kung titingnan sa malayo ay mapagkakamalang magsyota nga silang dalawa.

Pagpasok nila ng restaurant ay may mga napapalingon pa sa kanila. Napapatingin ang mga ito kay Yelan. Malakas ang dating ng dalaga kahit simple lang ang damit nito.

Kumalas lang si Yelan kay Jim nang nakarating sila sa function room.

Laking gulat ni Yelan sapagkat sinalubong siya ng mga magulang at kapatid.

“Akala ko po…” hindi na natapos ni Yelan ang sasabihin dahil niyakap na siya ng mga kapatid.

“Ang ganda ganda na talaga ng anak ko… Happy birthday…” mangiyak ngiyak na saad ng nanay ni Yelan habang pinagmamasdan ang anak.

“Nanay naman… nagmana lang naman po ako sa iyo…” sagot ni Yelan.

“Oo nga Nay… ang ganda na talaga ni ate…” pag sang ayon ng nakababatang kapatid naman ni Yelan.

“Sows… puro kayo bola… maupo na nga tayo…” sabi ni Yelan sabay akbay sa mga kapatid nito at tumungo sa mesa.

Naiwang magkatabi ang nanay ni Yelan at si Jim.

“Jim… maraming salamat sa pagaaruga mo sa anak namin. Nakikita naming lumaki siyang mabait, at napakaganda.” Mahinang sabi ng nanay ni Yelan sa lalake.

“Naku Nay… wala po yun. Kami nga po ang dapat na magpasalamat dahil hindi niyo iniwan ang pamangkin ko kahit na may mga anak din po kayo…”

“Napamahal na rin kasi sa akin yung bata. Para ko na rin siyang anak. At di naman kami pinagbabawalan ni Julie na bumisita ang mga anak ko sa akin.”

“Maliit na bagay lang naman po kasi yun…”

“Basta Jim…” Nakatitig ang nanay ni Yelan sa kanya. “Huwag mo sanang pabayaan si Yelan…”

“Hindi po Nay….”

“Ipangako mo yan Jim. Nasa iyo na si Yelan. Ikaw na ang bahala sa kanya.”

“Pangako po yan Nay.” Nakangiting sagot ni Jim.

——–

Masaya ang lahat. Magkasama sa iisang mesa sina Yelan, Jim, mga magulang at kapatid nito. Sina Evette at Monique ay piniling makasama ang iba pang mga kaibigan nila ni Yelan.

Kumustahan, kuwentuhan; iba iba ang mga nagiging paksa sa bawat mesa.

Si Yelan ay naglibot sa mga mesa. Kinakausap ang mga bisita niya. May mga nagbibigay ng regalo sa dalaga.

Nang magumpisa nang dumating ang mga pagkain ay bumalik na sa kanyang mesa si Yelan.

“Jim…” lumapit ang nanay ni Yelan kay Jim. “Palagi naman kayong nagtatabi nitong dalaga ko. Hiramin muna namin at kami muna ang magtatabi.” Nakangiting hiling nito.

“Sige po Nay. No probs po.” Nakipagpalit ng upuan si Jim upang mapagitnaan ng mga magulang niya si Yelan.

Nagsimula nang kumain ang lahat.

Sa buong kahabaan ng kainan, pasimpleng nagbabatuhan ng mga sulyap at nagpapalitan ng mga ngiti sina Jim at Yelan.

Pagkatapos kumain, tumayo si Yelan at lumapit kay Jim. Pasimple niya itong kinalabit para tumayo rin.

Sumunod si Jim sa dalaga.

Nakahanap si Yelan ng isang pwesto na walang tao at maaari silang makapagusap na dalawa.

May pagtataka sa mukha ni Jim na tumingin siya kay Yelan.

“Tito…” tila hirap si Yelan sa panimula ng kanyang sasabihin. “…You know how much I love you, and how much I care for you…”

May kaba nang nararamdaman si Jim. Alam na niyang may hindi tama.

“This is hard for me and this will be harder for you. Pinagisipan ko po talaga ito ng maraming beses. Hindi ko lang po nasabi sa inyo ng maaga pa, pero simula pagkabata ko pa lang, bago pa man po tayo nagkakilala, nasa isip ko na po ito. Ito po ang pangarap ko noon pa. Alam ko naman po na gusto niyong matupad ang mga pangarap ko, hindi po ba?”

“Oo naman Jelly… pangarap mo yan. At kung kaya mo na matupad, bakit naman kami hahadlang sa gusto mo…”

“Tito… im very sorry… just let me explain. Try to open your mind to my ideas and let me help you… let me help you help yourself too…”

May sapantaha na si Jim sa mga sinasabi ng dalaga. Tila ang kinatatakutan niya ang mangyayari.

“Nakausap ko na po sina ate, sina mama at papa… pinaintindi ko po sa kanila ang mga plano ko… alam nila. Alam ko rin po ang maaaring kahantungan nito. Im a risk taker tito. I wouldn’t be living with you if im not a risk taker by nature. Kaya po ako pinadala nina mama sa bahay niyo, kasi alam nila na kaya ko ang makipagsapalaran. This is a risk worth taking tito. Just trust me tito.”

Lumalakas na ang kabog sa dibdib ni Jim. Ayaw na niyang marinig ang mga susunod pang sasabihin ni Yelan.

“Im taking a nursing course tito Jim.” Desidido ang mukha ni Yelan.

Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Jim. Nanlamig ang buo niyang katawan. Kaagad naman itong sinundan ng tila apoy na sumiklab sa kanyang katawan. Nilukob ang buong pagkatao niya. Sobrang lamig na dagling napalitan ng sobrang init.

Nagsasalita si Yelan sa harapan ni Jim. Ibinibigay nito ang mga rason kung bakit ganon ang naging desisyon niya, ang mga plano. Lahat ay idinetalye ni Yelan.

Ngunit tila wala nang naririnig si Jim. Nagmanhid na ang buo niyang katawan.

Ilang minuto pang nagsalita si Yelan. Ilang minuto ring nakatayo lang sa harapan ng dalaga si Jim, walang naiintindihan sa mga sinasabi nito.

May lungkot sa mukha ni Yelan nang matapos siyang magsalita. Lumapit siya sa lalake. Yumakap. Saka humalik sa labi nito. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa ginagawa niya. Ang mahalaga ay magawaran niya ng halik ang lalake.

Hinawakan na ni Yelan sa kamay si Jim at hinila ng marahan para muling pumasok sa loob ng function room.

Naupo si Jim sa kanyang upuan, nakangiti.

Si Yelan naman ay nagsimulang magsalita, ibinahagi niya sa lahat ang plano niyang kurso sa kolehiyo.

Bagay na ikinatuwa naman ng mga taong nandoon. May mahinang palakpakan.

Nanatili ang ngiti sa mukha ni Jim, ngunit ito ay walang katuturan. Ngiting balatkayo. Kusang gumalaw ang kanyang mga kamay para pumalakpak.

——–

Natapos ang munting salo salo sa kaarawan ni Yelan.

Unti unti nang nagalisan ang ibang mga bisita ng dalaga. Silang magkakapamilya na lang ang naiwan, kasama na rin ang dalawang matalik na kaibigan ng dalaga.

Kapansin pansin ang pagkawalang kibo ni Jim. Bagamat nakangiti ito ay alam ng lahat ng naiwan sa function room ang saloobin ng lalake. Wala namang naglakas ng loob na lumapit at kumausap sa kanya.

——–

May maliit na terrace na may iilang mesa ang restaurant. Pinili ni Jim na magtungo dito kasabay ng pag order niya ng kape.

Walang ibang tao sa terrace. Tahimik. Tamang tama sa pagkakape at pagmumuni muni niya.

May isang kamay na dumapo sa kanyang balikat. Paglingon niya ay nakita niya ang kanyang kapatid.

“Papaiwan ka ba muna dito Jim?”

“Oo te. Magkakape muna ako dito bago uuwi. Isesettle ko din muna yung bills, pagkatapos ko dito.”

“Ok na ang bills Jim. Nabayaran ko na.”

“Ganun ba te… thanks…”

“Jim… just hear out, listen to, and understand the girls reason… ok?” sabay pisil ni Julie sa balikat ng kapatid.

“I will ate… I will….”

“Mauna na kami Jim… isasabay ko na sila…”

“Sige te…”

Hindi pa nakakalipas ang ilang saglit nang umalis si Julie ay may pumalit sa puwesto nito.

Si Monique.

“Tito Jim… sasabay na po kami ha…”

“Sige Moon… maya maya na ako…”

“Were just here for you tito Jim.” Hinawakan ni Monique ang kamay ni Jim. “Well make you happy tito.”

Mahiwaga ang mga katagang nanggaling sa dalaga. Ngunit hindi na ito nabigyan ng gaanong halaga ni Jim.

——–

Gusto nang maiyak ni Yelan sa loob ng restaurant. Gaya ng inaasahan niya, nangyari nga ang kanyang kinatatakutan.

Nagpakatatag na lang siya ng loob. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa ganitong kahihinatnan.

Nagkausap na siya ng kaniyang mga magulang. Sa bahay na muna siya matutulog ngayon kasama ang kanyang dalawang kaibigan.

Maaga na lang silang magkikita kinabukasan upang mamasyal. Hindi pa naman agad na uuwi ang mga magulang niya.

Nakita ni Yelan na kinausap ni Julie si Jim. Pagkatapos ay sumunod si Monique.

Hindi na niya kayang lapitan sa ngayon ang tito Jim niya. Alam niyang masama pa ang loob nito sa kanya. Mapapahiya at mas masasaktan lamang siya kung lalapit pa siya dito at makikipag usap.

Hahayaan na lang niya muna itong magpalipas ng sama ng loob.

Scroll to Top