Kaputol (1) by: aero.cock78

Si robin ay uliran na sa mga magulang.. Di sya nakapag aral sa kolehiyo at tanging ang pagsasaka nalang ng kaunting lupa na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang ang tanging nag bibigay sa kanya ng kanyang ikabubuhay.. Sa edad na 25 anyus ay high school lang ang kanyang tinapos… Nag iisang anak lang sya at dahil sa pagka aksidente ng kanyang mga magulang ay naulila sya nung ilang buwan palang bago sya magtapos sa kanyang high school…

Nahulog ang sinasakyang bus ng kaniyang mga magulang sa matarik na bangin dahil nawalan ng prino ang bus na kanilang sinasakyan.. Kasama ang kanyang mga magulang sa nasawi sa mga pasahero ng bus.. Galing ang kanyang magulang sa syudad dahil sa dinaluhan nilang kasal ng kapatid ng kanyang nanay.. Ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ang sinasakyan nila..

Parang gumuho ang lahat kay robin sa nangyari sa kanya sa mga oras na yun sa isang iglap ay naging ulilang lubos sya, napilitan syang mamuhay ng mag isa sa buhay.. At dahil nga sa ulila na sya ay sa kanya naiwan ang ariarian ng kanyang magulang… di na nag aral pa sa kolehiyo si robin at minabuti nalang na asikasuhin ang palayan na naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang…

Pasamantala sya ngayung naka upo sa pilapil nakataas ang paa at humihigop ng mainit na kape na nilagay nya sa termos at kumakain ng malamig na na pandisal habang nag papahinga sa medyo malilim na parti ng pilapil na natatabunan ng dahon ng niyog…alas nuebe palang ng umaga ngunit matindi na ang init ng araw…

“ahhh.. Ang sarap ng kape at pandesal..”…ang turan nya sa kanyang sarili habang humihigop ng mainit na kape…

Nakatingin sya sa malawak na taniman ng palay na kanyang inaararo…

“ang dami ko pang aararuhin ahh.. Hirap talaga ng buhay”… Ang turan ni robin habang patuloy pa din sa pag higop ng kape at kain ng pandesal na kanyang baon…

Di nya napansin na parating ang kanyang kaibigan na si tony galing sa bukid at may dala itong kahoy at napadaan sa pilapil kung saan nakaupo si robin.. At tumigil sya muna at inilapag ang kahoy at nag pahinga saglit..

“rob.. Ang dami pa ang aararuhin mo ah…”ang natatawang turan ni tony habang umupo ito katabi ni robin…

Biglang napalingun si robin nang madinig ang nag salita.. Itoy kanyang kaibigang si tony…

” oo nga, piro mamayang hapon tapos rin yan.. “.. Ang dami mo atang dalang kahoy ah..”.. Ang nakangiti ding turan ni robin..

“oo hirap pala may asawa na rob.. Hehe kilangan ko talagang mangahoy para may panggatong.. Masarap pa na walang asawa at kahit di mangahoy ok lang.. Haha”.. Ang nakatawang turan ni tony..

“haha.. Syempre ganyan talaga, may asawa kana eh.. Mabuti ka nga may mag aalaga sayo at may katabi pag gabi.. Haha..” ang tawa din robin..

Pariho silang nag tawanan na mag kaibigan…

“ohh halika mag kape ka muna”.. ang yaya ni robin kay tony..

At agad namang sinalinan ni robin ang takip ng termos na ginawa nyang pinakatasa ni tony…

“ahh sarap ng kape rob.. Hehe.. Dapat nag asawa kana kasi.. Ang dami namang babae dito sa atin pihikan ka kasi at masyadong seryuso sa buhay.. Doon mo lang sa palayan mo inuubus ang oras mo.. Ang turan ni tony habang humihigop ng kape…

” wala akong magustuhan eh.. Haha.. At sino namang magkakagusto sa akin wala naman akong tinapusan, high school lang ako at pag sasaka lang ang aking ikinabubuhay..” ang turan ni robin kay tony habang humihigop ulit ng kape ngunit mababakas sa kanyang mukha ang lungkot…

” wag kang magsalita ng ganyan.. Gwapo ka naman bilad ka lang kasi sa sikat ng araw kaya sunog ang balat mo.. Pero sa itsura ay pang laglag ng panty ka naman.. Mag sasaka ka nga maganda naman ang bahay na iniwan sa iyo ng mga magulang mo.. Asawa nalang talaga kulang sa iyo kumpleto kana”… Ang turan ni tony habang nakatingin kay robin..

“tamang tama lang naman yung bahay na iniwan nila sa akin di naman masyadong malaki.. Pasalamat nga ako dahil kahit paano may iniwan sa akin ang mga magulang ko..”.. At saka hayaan mo na ako.. Di pa pinapanganak ang babae para sa akin.. Haha.. Masaya na ako sa buhay ko na mag isa at kasama ko ang kalabaw ko at lupa ko na sinasaka..”.. Ang nakatawang turan ni robin habang naka tingin sa malayo…

“hay nako papano naman pag gabi.. Walang pag papasokan yang itits mo.. Hanggang salsal ka nalang.. Haha..” ang nakatawa at nang iinis na turan ni tony habang ngumunguya ng pandesal..

“haha.. Ikaw talaga pinuproblema mo talaga ang itits ko ah.. Haha..”.. Ang nakatawang turan ni robin na nakatingin kay tony..

“haha.. Naaawa lang ako sayo… Sya nga pala, mag inum nalang tayo mamaya at pumunta nalang tayo doon sa club malapit sa bayan at kumuha nalang tayo ng bayaran..”.. Kisa mag salsal ka.. Kumuha ka nalang ng bayaran para di ka mapagod ng kakasalsal.. “.. Ang nakangiting turan ni tony kay robin..

“haha baka kalbuhin ka ni linda pag nahuli ka.. Kukuha ka din ng bayaran.. Sigurado bugbug ka sa asawa mo..”.. Ang tumatawang turan ni robin kay tony..

“hehe.. Syempre ikaw lang kukuha.. Gusto ko lang tumingin para may pang pagana ako mamaya pag nag kantutan kami ni misis..”.. Ang nakangisi na turan ni tony..

“haha.. Ikaw talaga.. Di ka na nag bago.. Mahilig ka parin talaga..”.. Oh sya itutuloy ko na ang ginagawa ko.. “ang turan ni robin habang dahan dahan ng tumayo at nililigpit ang kape na pinag inuman na kanyang inilalagay sa basket..

” oh sya.. Tutuloy na din ako rob.. Salamat sa kape at pandisal, Kita nalang tayo mamayang gabi ha.. “.. Puntahan kita mamaya sa bahay mo..”.. Ang turan ni tony sabay abot nya ng tasa na pinagkapihan kay tony at binuhat na ang dalang isang bigkis na kahoy at tumuloy na at iniwan si robin na nag aayus…

…………………………

Sa isang banda ay naka simangot nanaman na nag mamaniho si angelica.. Malayo ang tingin sa mahabang traffic.. Makikita sa mukha nya ang pag ka suplada.. Spoiled sa magulang at dahil doon ay di maganda ang asal nya… Puro mayayaman ang mga kaibigan.. Di sanay sa hirap.. Easy go lucky ang kinagisnang pamilya..

Ang ama ni angelica ay isang negosyante.. At ang kanyang ina ay dentista… Malaki ang kanilang bahay at may kanya kanya silang sasakyan…

Nag iisang anak din sya kaya ganun nalang ang pag ka spoiled sa kanya.. Kahit na dalaga na ay may yaya parin na nakabuntot sa kanya…

“anu ba yan ang traffic.. Ang inis na turan ni angelica habang panay ang padabug at pahampas ng kanyang kamay sa manibela ng sasakyan…

Kahit na naka simangot at naiinis ay sadyang maganda parin talaga si angelica… Maputi sya at makinis ang kutis… Matangus ang ilong.. Maganda ang hugis ng mukha na bumagay sa magaganda nyang ngipin na may maninipis at mapupulang labi.. Tamang tama ang laki ng dibdib na bumagay sa kanyang taas na 5’2″…makurba ang katawan kaya kahit sinong lalaki ay nag kakandarapa sa kanya dahil sa kanyang angking kagandahan..

Ngunit dahil nga sa masama ang kanyang pag uugali ay sawing palad at laging luhaan ang mga lalaking nag kakagusto sa kanya.. Parang laruan lang ang tingin nya sa mga lalaki.. Matapos nyang paglaruan ay sadyang iiwanan nalang…

“hay nako nakarating din.. Ang turan ni angelica matapos nyang maiparada ang kanyang sasakyan sa tabi ng daanan….

Nag mamadali syang lumabas sa kanyang kotse, dahil sa bagong bukas na store na kanyang inaabangan dahil may bibilhin sya dito…

Matapos nyang makalabas sa kotse ay dumukot sya sa kanyang bulsa at kinuha ang cellphone at tumawag sa kanyang matalik na kaibigan..

“hello.. ohh.. Tina.. Saan kana?”.. Nandito na ako.. Papunta na ako sa store.. Nakakainis ang traffic.. Sira nanaman nga ang araw ko.. Bwesit..!!!”..ang sunod sunod na turan ni angelica sa kabilang linya na may pagkainis sa kanyang boses…

” relax lang bes.. Masyado ka namang masungit ang aga aga eh.. Dito na ako sa loob.. Hehe.. Pag dating mo pila ka katabi ko at ako na bahala sa katabi ko, sasabihin ko lang na nag cr ka”.. Ang turan ni tina na tumatawa sa kabilang linya ng cell..

“ohh sya sige.. Nag mamadali na nga ako eh… Saglit lang nandyan na ako..” bye!!! “.. Ang turan ni angelica sabay nya putol ng tawag at pasok sa kanyang bulsa ng kanyang cell…

Nag mamadali syang naglalakad ng mabanggaan nya ang isang matandang babae na pulubi na naglalakad din…

Natumba at napasubsub ang pulubi sa daanan..

” anu ba yan!!! .. Dyan kasi kayo paharang harang eh.. Alam nyu na na madaming tao eh.. Dyan pa kayo.. Nabangga ko tuloy kayo… Dapat sa inyo sa dswd na nilalagay hindi na pakalat kalat pa sa kalye..”.. Ang inis na turan ni angelica sa matanda…

“pasensia na po..” ang turan ng matanda habang dahan dahan sa pagtayo dahil sa pag kakasubsub…

“ok na wag na kayung lumapit pa sa akin.. Dumikit na ang damit ko sa inyo.. Maamoy na kayo.. Haiissttt.. Anu ba namang araw na ito.. Nakakainis naman!!!!”… Ang iiling iling na turan ni angelica at sabay na nag lakad ulit at iniwan ang matanda na halus hirap na sa pagkakatayo…

Tiningnan si angelica ng matanda habang itoy papalayo…

” sagad na ang iyung masamang ugali.. Kilangan ka nang bigyan ng liksyun..”.. Ang bulong ng matanda sa kanyang sarili…

“angelica.. Dito.. Dali”… Ang tawag sa kanya ni tina habang kumakaway ito kay angelica na pasamantalang palingalinga habang hinahanap ang kaibigan…

Ilang sandali pa ay nakita nya din si tina at itoy pumunta doon at pasimpling tumabi sa likod ni tina at pumasok sa linya…

“ahhh miss.. Doon po sa dulo ang pila..” ang sabi ng isang babae na nasa likod ni angelica..

“miss.. Kaibigan ko po sya at nag cr lang, dito na sya kanina pa, umalis lang sya kanina..”.. Ang agaw ni tina sa babae na Nakatingin kay angelica…

Isang masakit na tingin ang ipinukol ni angelica sa babae at wala ng nagawa pa ito kung hindi tumahimik na lang…

Masayang nag usap ang mag kaibigan habang nasa pila sila…parang walang ibang tao sa tabi nila kung silay mag kwentuhan…

……………………….

Nakaupo si robin sa balkunahi ng kanyang bahay.. Puno pa ng mga putik ang kanyang mga binti… Basa sa pawis ang lumang kamisitang suot…

“hirap ng buhay..” ang bulong nya sa kanyang sarili…

Naalala nya ang sinabi ng kanyang kaibigan na si tony na kilangan na nyang mag asawa para may mag asikaso sa kanya..

Napabuntung hininga nalang sya sa mga isiping iyun at pumunta na lang sya sa cr at naligo…

Matapos nyang maligo at makapagbihis ay pumunta sya sa lamisa at nag halungkat ng mga natatakpang pagkain..

“ok na to.. Di na ako mag sasaing.. Tama na ito sa akin..”.. Ang turan ni robin ng makita ang tirang ulam nya kaninang umaga at kunting kanin na natira sa kaldero…

Kumuha sya ng pinggan at sabay lagay ng kanin at lagay ng ulam isinama na nya lahat sa isang pinggan at sabay punta sa balkunahi at nakataas ang isang paa sa upuan at naka pwesto para kumain..

Susubo na sana sya ng magulat sya sa matandang babae na nasa harapan ng kanyang balkunahi at nakatayo…

“ahh lola.. Naliligaw po ba kayo?”…. Ang turan ni robin sa matada dahil parang bago lang sa kanyang paningin ang matanda.. Di pa nya ito nakikita sa kanilang lugar..

Gusgusin at madungis ang matanda at mukhang pulubi…may bitbit itong supot na plastic at may tungkod na patpat..nakatingin ito sa kanya…

Tumayo si robin sa kanyang kinauupuan at pumunta sa matanda..

“lola naligaw po ba kayo?.. May hinahanap po ba kayo?”.. Ang tanung ulit ni robin sa matanda..

Tumingin ang matanda kay robin.. Tumitig ang matanda sa mata ni robin na parang inuukit nito sa kanyang isipan ang mukha ni robin…

“nagugutom ako anak”.. Ang turan ng matanda na mahina ang boses…

Napaisip si robin.. Wala na syang pagkain at di pa sya naka pagluto.. Napatingin sya sa kanyang pinggan na naka patung sa upuan na iniwan nya saglit sa balkunahi…

“ahh.. Hali po kayo dito at sa inyo nalang po ang pagkain ko.. Busug pa naman po ako..” ang turan ni robin habang hinawakan nya ang kamay ng matanda at inakay sa kanyang balkunahi at pinaupo sa upuan..

Sumunod naman ang matanda kay robin at pag kaupo sa upuan ng matanda ay ibinigay ni robin ang kanyang pagkain…

Halatang gutom na gutom ang matanda dahil kinain nya kaagad ang pagkaing nasa pinggan.. Nakatingin si robin sa matanda at nakaramdam sya ng awa dahil sa sitwasyun nito..

“dahan dahan po lola.. Baka mabulunan po kayo..”.. Saglit po at kukuha po ako ng tubig at para makainum po kayo.. “.. Ang turan ni robin sabay nya tayo at kuha ng tubig sa kusina…

Pag balik nya sa balkunahi ay nagulat sya na wala na ang matanda doon.. Ubus na din ang pagkain sa pinggan at naka lapag ito ng maayos sa upuan..

Lumabas sya sa balkunahi at palinga linga sya na hinahanap ang matandang pulubi…

“saan na kaya pumunta si lola.. Natakot siguro”.. Ang bulong ni robin..

Iiling iling nalang syang bumalik sa kanyang balkunahi at kinuha ang pinagkainan ng matanda at nilagay sa kusina…

Itutuloy…

Scroll to Top