Continuation…
Lumilipad ang isip ni Angelica habang binabaybay ng taxi ang daan papuntang terminal ng bus.. Di nya din alam kung saan pupunta.. Lumilipad ang kanyang isip di nya maintindihan ang kanyang sarili.. Di nya maintindihan kung anu ang nangyayari sa kanya.. Gulong gulo ang kanyang isipan…
“ma’am nandito na po tayo sa sakayan ng bus”.. Ang turan sa kanya ng taxi driver.. “..
Napatingin si Angelica sa driver at pagkatapos ay tumingin sya sa labas..
” dito na ba ang sakayan ng bus? “.. Ang tanung ulit ni Angelica sa driver..
” dito na po, pero madami pong mga bus station di naman po kayo nag sabi kung saang bus station kayo pupunta basta ang sabi nyu lang bus station.. Ito na po ang malapit na bus station po sa inyo”. Ang tugon ng driver na nakatingin kay Angelica sa rear mirror..
Napatingin sa labas ulit si Angelica..binalik nya ang tingin sa driver at tiningnan ang metro ng taxi..
“ito ang bayad”.. Ang turan ni Angelica at sabay abot ng pamasahi at lumabas ng taxi..
“salamat po”.. Ang turan ng taxi driver at sabay labas nito at tumulung ilabas ang malita nya sa likod ng compartment ng taxi..
Nakatayo si Angelica at nakatingin sa mga nakaparadang bus sa bus station.. di malaman kung anung bus ang kanyang sasakyan.. Madaming bus ang nakaparada at bawat bus ay ibat ibang lugar ang pinupuntahan..
“bahala na”..ang turan ni Angelica sabay nya punta sa bus na malapit sa kinaroroonan nya..
Matapos nyang ibigay sa conductor ang kanyang malita at mailagay sa compartment sa ilalim ng bus ay dumiritso na si Angelica paakyat ng bus.. Nag masid masid sya sa luob at dritso sya sa pinakadulong upuan ng bus.. May isang babae na nakaupo sa dulo na medyo may edad na at may kasama itong anak na batang babae na sa tingin nya ay mga sampung taong gulang ang edad…
Pagdating nya sa dulo ay nakatingin sa kanya ang babae at ang anak nito.. Ngumiti ito sa kanya..
Tinapunan nya lang saglit ng tingin ang mag inang iyun at naupo sa kabilang dulo ng upuan..
Nakita nyang nag bulungan ang mag ina sa kabilang dulo ngunit binaliwala nya lang ito..
Nakatingin lang sya sa labas ng bus at malayo pa din ang kanyang tingin.. Minsan minamasdan nya ang mga madaming tao na nasa terminal ng bus na nag kakandabuhol buhol sa pag sakay sa kanya kanyang mga bus kung saang probinsya sila pupunta…
Napahugot ng hininga si Angelica.. Unang pagkakataon na makasakay sya sa ganung klasi ng transportation kaya nanibago sya sa kanyang bagong karanasan..
Bumalik ang kanyang diwa ng marinig nya ang conductor ng bus na naniningil na ng pamasahi sa mga pasahero.. Napalingun sya sa mag ina at narinig nya na tinanung ng conductor ng bus kung saan bababa ang mag ina at nag bayad ito ng pamasahi..
Mayamaya ay tumingin sa kanya ang conductor ng bus..
“miss saan po kayo pupunta at mangungulikta po ako ng pamasahi..”.. Ang turan ng conductor habang busy ito sa kanyang ticket na animoy may binibilang ito..
Di malaman ni Angelica ang kanyang isasagot sa conductor dahil talagang di nya alam kung saan sya pupunta.. Basta ang alam nya ay kahit saan.. Basta malayo sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang inang kanyang kinamumuhian..
“miss”.. Saan po kayo bababa.. “ang muling tanung ng conductor sa kanya.. Na nakatingin na ito sa kanya..
Napatingin si Angelica sa mag ina na nasa kabilang dulo.. Narinig nya kanina kung saan sila bababa kaya ito ang kaniyang sinunud din..
” ahh.. Sa.. San isidro po”.. Ang turan ni Angelica at sabay napatingin sya sa mag ina na napatingin din sa kanya at itoy naka ngiti sa kanya…
“250 po ang pamasahi..” ang turan ng conductor at sabay nito punch ng ticket at abot kay Angelica..
Matapos nyang bayaran ang pamasahi ay umalis na ang conductor.. Nakatingin si Angelica sa ticket..
“san isidro?”.. Saan kaya yun”.. Ang pabulong ni Angelica sa kanyang sarili sabay nya buntong hininga…
Napatingin ulit sya sa mag ina na nasa kabilang upuan..
“san isidro ka din miss?”.. Mag babakasyun ka? “.. Ang nakangiting turan ng babae sa kabilang dulo..
Isang tangu lang ang itinugun ni Angelica sa babae at ibinaling nya ulit ang tingin nito sa bintana ng bus…
Ilang sandali lang ay isinandal nya ang kanyang likod at ulo sa upuan at syay napikit at sa kalaunan ay nakatulog sa sobrang pag iisip ng mga bagaybagay na nag papapagud ng kayang puso at isipan…
————————-
Sa isang banda ay nakarating na sila robin at tony.. Masayang nag kamustahan ang mag pinsang linda at Raquel.. Magkatulog sina tony at robin sa pag papasok ng mga daladalang malita at gamit ng mag asawa…
“oh halina kayo at naka lapag na ang pagkain sa hapagkainan.. Kumain na tayo…”.. Ang anyaya ni linda..
“halika rob at kumain muna tayo”.. Ang anyaya ni tony kay robin..
Pinaunlakan naman ni robin ang anyaya ni tony at sabay sabay silang dumulog sa lamisa para kumain…
Tahimik lang si robin at panaka nakang sumusulyap kay linda at kay Raquel.. Nabibighani sya sa mag pinsan.. Parihong magaganda sina Raquel at linda na di nakaiwas sa paningin ni robin na kasalukuyang kumakain ngunit dama sa kanyang sarili ang paghanga sa dalawang babae..
Masayang nag uusap ang mag pipinsan at kamustahan at kung anuanu pang mga bagay ang kanilang pinag uusapan…
Nakangiti lang at nakikinig si robin at paminsan minsan ay sumusulyap sulyap sya kay Raquel.. At misan ay nag tatama ang kanilang paningin ni Raquel at minsan ay nahuhuli nya ding naka titig sa kanya si linda..
Binilisan nya nalang ang pag kain at agad na nag paalam kay tony at sa kanyang mga bisita…
“ahh ton.. Linda.. Salamat sa masarap na pananghalian..”.. Ituloy nyu lang ang inyung masayang pagkain at pasensia na at akuy mauuna na sa inyo.. Excuse me nalang.. “ang nakanginting pamamaalam ni robin sa harap ng hapag kainan..
” ok sige rob.. Salamat sa tulong at pagsama kanina ha”.. Punta nalang ako ulit mamaya dyan sa inyo isasama ko si danny mamaya.. May kasama na tayo mamaya sa inuman, masaya na tayo nito mamaya.. Hehe.. “.. Ang nakangiting turan ni tony kay robin..
” oo ba.. Sige punta ka lang mamaya ton.. “.. Ang nakangiting tugon ni robin at itoy umalis na..
Lahat ay kumaway kay robin ng umalis ito..
Pag dating ni robin sa kanyang bahay ay nag pahinga muna ito saglit sa sofa.. Nakatingila sya sa kisami at inaalala si Raquel…
” ang ganda naman ni Raquel.. Maganda din katulad kay linda.. Lahi ata sila ng magaganda..”ang nakangiting bulong ni robin sa kanyang sarili..
Medyo nakaramdam sya ng inggit sa asawa ni Raquel na si danny…
” ang swerte naman ni danny at may asawang napakaganda.. “.. Haiisst… Kilan pa kaya ako makakakita ng babaeng aasawahin”.. Wala naman kasing maayus ayus na babae dito sa lugar na to”..at isa pa sino namang magkakagusto sa akin, isa lang akung high school graduate at walang may mag kakagusto sa akin na may mga tinapusang babae”.. Ang pabuntung hininga na turan ni robin sa kanyang sarili…
Tumingin sya sa kanyang relo at mag aalasdos na ng hapon..
” may oras pa.. Sasaglit muna ako sa palayan para matapos ko na ang aking ginagawa doon at para makapag umpisa na akung magtanim ng palay…” ang bulong ni robin sa kanyang sarili..
Tumayo sya at nag bihis ng kanyang pangtrabaho at pumunta na sa kanyang palayan para tapusin ang mga trabaho nya na di pa nya natapos…
Matapos nya maasikaso ang kanyang gamit ay agad na syang dumiritso sa kanyang palayan na sinasaka…
————————-
Sa isang banda ay naalimpungatan si Angelica sa panggigising sa kanya ng conductor ng bus…
“saan po kayo bababa ma’am?.. Ito na po yung last ng san isidro sa unahan po ay san Gabriel na.. Ang ticket nyu po ay sa san isidro lang..” ang tanung ng driver sa kanya..
Palinga linga si Angelica… Wala na masyadong tao sa bus.. Pati sa dulo ng upuan na mag ina ay wala na.. Mga limang tao nalang ang natira sa bus..
” ahhh.. Dito na lang ako.. “ang turan ni Angelica.. Sa conductor…
Kinalampag ng conductor ang kisami ng bus at ilang sandali ay pumara ang bus..
Bumaba si Angelica at matapos mailabas ng conductor ang kanyang malita sa ilalim ng compartment ay lumisan na ang bus at iniwan na sya sa tabi ng daanan..
Palinga linga si Angelica, wala syang makitang bahay.. Puro kaparangan at palayan ang kanyang makikita sa daanan…
Tiningnan nya ang kanyang relo at mag aalasais na ng hapon..
“anu ba itong lugar na ito..” bakit ako bumaba dito walang mga bahay”.. Ang inis na pabulong ni Angelica sa kanyang sarili…
Naglakad lakad sya at sa unahan ay may isang maliit na bahay sya na natanaw… Medyo nakahinga sya ng maayus dahil sa bahay na nakita nya.. Binilisan nya ang kanyang paglalakad at nang mapalapit sya sa bahay ay nakita nya ang dalawang lalaking medyo may katandaan na na umiinom ng alak sa labas ng bahay.. Nakaupo sila sa maliit na lamisa na gawa sa kawayan…
Napatingin ang dalawang matandang lalaki kay Angelica ng makita nila ito..taas baba ang tingin sa kanya na animoy hinuhubaran sya nito…
“saan ka pupunta ining?”.. Ang bati ng isang matanda sa kanya..
“napadaan lang po ako”.. Ang turan ni angelica at patuloy lang sya sa pag lalakad..
“walang bahay dyan sa unahan ining makakakita ka ng bahay sa bayan at medyo may kalayuan pa simula dito”.. Ang tugon ng isang matanda..
Di na sumagot si Angelica dahil nabahala sya sa mga tingin ng matanda sa kanya.. Parang nakaramdam sya ng kaba sa mga tingin sa kanya ng dalawang matanda..
Binilasan nya ang pag lalakad.. Hindi na sya lumingun pa sa mga ito.. Ngunit matagal na syang nag lalakad ay talagang walang bahay syang nadaanan.. Puro palayan ang mga nanduruon.. Mga malalapad na palayan…
“sabi ko sayo ining na malayo pa ang bayan dito eh..”.. Ang narinig nyang boses mula sa kanyang likod..
Parang tatalon sya sa kaba ng makita nyang nakasunod sa kanya ang dalawang matanda.. Para itong hayok na nakatingin sa kanya…
Di nya ito pinansin at halos patakbo na syang nag lalakad bitbit ang kanyang malita.. Nakaramdam na sya ng takot at para na syang naluluha sa kaba…
Muli nyang nilingun ang dalawang matanda at nakasunod pa din sa kanya ito at nag tatawanan pa..
Huminto sya at hinarap nya ang mga matatandang parang aso na nakasunod sa kanya..
“bakit kayo nakasunod sa akin!! ?”.. Ang pagalit na na turan ni angelica sa dalawang matandang nakasunod sa kanya..
“sinusundan ka namin kasi baka mapaanu ka”.. Hahaha..bakit ayaw mo ba? “.. Ang tatawatawang turan ng isang matanda..
” di ko kailangan ang kasama kaya ko ang sarili ko”.. Ang turan ni angelica…
“abah..” suplada ka naman ining.. Taga maynila ka anu? “.. Magaspang ang iyung pananalita..”.. Ang seryuso na turan ng isang matanda na nakatitig sa kanya…
Di na sumagot si Angelica at pinagpatuloy ang kanyang paglalakad na patakbo na..
Nagulat sya ng biglang may humawak sa kanyang braso.. Mahigpit ang pag kakahawak sa kanyang braso.. Pag lingun nya ay nakita nyang hinawakan sya ng isang matanda at ang isa ay hinatak ang kanyang dalang malita..
Nahintakutan si Angelica dahil sa mukha ng dalawang matanda na nanlilisik ang mga mata at hayok na hayok itong nakatingin sa kanya..
Itutuloy….