Kaputol (12) by: aero.cock78

Continuation…

Humahangos si angelica na tumatakbo… Nakasunod sa kanya ang mga tao.. May mga pamalo sila na dala… Galit at pag kamuhi ang makikita sa kanilang mga mukha.. May daladala silang mga pamalo at ang ibay mga gulok..

Biglang napahinto si Angelica dahil sa kanyang unahan ay ang isang napakalalim na bangin.. Humarap sya sa mga taong humahabol sa kanya…

“wala ka nang tatakbuhan manananggal..!!!.. Papatayin ka namin.. Isa kang salot at malas sa aming bayan..!!!”.. Ang turan ng isang lalaking sa tingin nya ay leader ng grupo…

Habol ang hininga nyang napaluhod.. Umiiyak si Angelica..

“patawarin nyu po ako wala po akung kasalanan..”.. Ang pasigaw na turan ni angelica ngunit di nya madinig ang kanyang sariling boses..

“mag hunos dili kayo mga kababayan.. Wag nyu syang husgahan..!!!”.. Bigyan nyu sya ng pag kakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili..

Nagulat si Angelica sa kanyang narinig na nagsalita.. Napaangat ang kanyang mukha at nakita nya ang isang lalaking naglalakad sa kabilang banda ng grupo.. Sa tingin nya ay napadaan lang ito sa lugar..

May itsura ang lalaki.. Sa tindig nito at pananalita ay makikita ang pag ka ma autoridad nito.. Ang lalong ikinagulat ni angelica ay ang kaluluwa nito na kanyang nakita.. Ang kaluluwa ng lalaking iyun ay kulay pula na animoy nag liliyab.. Iba ito sa mga kaluluwa ng mga taong humahabol sa kanya.. Ang mga kaluluwa nila ay normal lang, isang kaluluwa lang talaga ngunit ang sa lalaking iyun ay nag liliyab na kulay apoy at itoy mapula..

Nakita nyang lumapit sa kanya ang lalaki at sya ay pinatayo nito.. Nakatitig sya sa lalaki.. Nag katitigan sila sa mata…

Napasinghap sya sandali at nakaramdam sya na may tumatapik sa kanyang braso…

“miss.. miss.. Ok ka lang?”.. Anung nangyari sayo? “.. Ang nadinig nyang boses ng isang lalaki..

Nagulat sya sa kanyang nadinig dahil ang boses na yun ay pamilyar sa kanya.. Dahan dahan nyang idinilat ang kanyang mata at hinawi nya ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang mukha..nakita nya ang mukha ng lalaki na may dalang lampara.. Napamulagat ang kanyang mata ng makita ang mukha ng lalaki.. Napalingun sya sa paligid.. Madilim at tanging ang lampara na dala ng lalaki ang syang ilaw sa kanila.. Napahawak sya sa kanyang mukha at bumalik sya sa kanyang alaala na syay nananaginip lang pala… Tumingin sya ulit sa lalaki at naalala nya ang mukhang iyun.. Iyun ang mukha ng lalaki sa kanyang panaginip… Ang lalaking kulay apoy ang kaluluwa na ngayun ay kanyang nakikita ngunit sa ngayun ay di na isang panaginip ngunit katutuhanan na…

……………………

Hingal na hingal si robin habang nakasandal sa isang malaking puno.. Di nya alam kung saan sya sa mga oras na iyun napapalibutan sya ng malalaking kahoy.. Pagud na pagud sya at takot na takot.. Sa kanyang harapan ay ang madaming kaluluwa.. Nakakatakot at kasindaksindak ang kanilang mga mukha.. Larawan ang mga kaluluwa na yun ng galit nakatayo ito sa kanya at palapit ng palapit..

“huwag kayung lumapit sa akin.. Huwag!!!”… Ang takot na takot na sigaw ni robin… Ngunit ang mga kaluluwa ay palapit ng palapit sa kanyang kinaroroonan..nabibingi sya sa nakakasindak na mga ungul ng mga kaluluwa, mga ungul ng pag dadalamhati at sakit, mga pag hihirap..

Tinakpan nya ang kanyang tinga at pumikit.. Ayaw nyang makita ang mga nakakatakot na kaluluwa na papalapit sa kanya…

Nagulat sya bigla ng makadinig sya ng isang boses ng babae..

“hayaan nyu sya at wag nyu syang gambalahin pa”!!!..ang turan ng babae..

Napa angat ang kanyang mukha at napatingin sa babae na nag salita..

Maganda ang babae.. Nabighani sya sa angking ganda nito ngunit nagulat sya dahil ang babaeng ito ay tunay na tao at hindi kaluluwa ngunit nakikipag usap sya sa kaluluwa na parang isang normal na tao ang mga kaluluwa… Nakikita nito ang kanyang nakikita… At ang mas lalong nag pa gulantang sa kanya ay ang kakaibang kaluluwa ng babaeng ito.. Kulay apoy ang kaluluwa nito at animoy nag liliyab.. Kakaiba ang kaluluwa nito na nakatawag ng kanyang pansin…

Lumapit sa kanya ang babae at sya ay hinawakan sa kamay.. Tumayo si robin na nakatingin sa babae..

“tumayo ka at wag kang matakot”.. Ang turan ng babae..

Nakatitig lang si robin sa magandang mukha ng babae..

Napasinghap sya bigla.. Nakaramdam sya ng malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha.. Napadilat sya ng kanyang mata at nasilayan nya ang bubungan ng kanyang kubo..

Tanging lampara lang ang kanyang ilaw…

“ahhhh.. Nakatulog pala ako.. Gabi na ah.. Matagal ata akung nakatulog ah..”.. Ang turan ni Robin sa kanyang sarili habang nakahawak sya sa kanyang mukha…

Naalala nya ang kanyang napanaginipan.. Para itong totoo natatandaan nya pa ang mukha ng babae na nakita nya sa kanyang panaginip..

” anu kayang ibig sabihin ng panaginip ko na yun? .. Kakaiba ang kaluluwa ng babae sa aking panaginip ngunit maganda sya”.. Ang bulong ni robin sa kanyang sarili…

Napatingin sya sa kanyang relo at mag aalas nuebe na ng gabi.. Uminat sya kunti at hinahaplos ang kanyang braso…

“ang sakit ng katawan ko..pero ok lang at natapos ko naman din ang lahat at bukas pwede na akung mag sabog ng palay para mataniman na ang ginawa ko kanina… Makauwi na nga at para makapaghapunan na.. Nakatulog ako sa pagod”.. Ang bulong nya ulit sa kanyang sarili at sabay nya kuha ng kanyang lampara at lumabas sa kanyang kubo na pahingahan at binaybay ang daanan pauwi…

Habang nag lalakad sa madilim na parang na napapaligiran ng manakanakang kakahuyan ay kanyang naalala ang kanyang panaginip.. Nakaramdam si robin ng takot ng maalala ang mga kaluluwa sa kanyang panaginip.. Tumaas ang kanyang balahibo at dahil doon ay halos patakbo syang nag lakad…

“anu ba yan kakatakot naman.. Bakit kasi nakatulog ako malalim na tuloy ang gabi”.. Ang pabulong nya ulit sa kanyang sarili habang mabilis na nag lalakad…

Natigilan sya ng may makita sya sa unahan.. Itinaas nya ang kanyang lampara at inaaninag ang nakikita.. Di nya masyadong maaninag dahil di masyadong maliwanag ang lampara nyang dala kayat dahan dahan syang lumapit dito..

Napaatras si robin dahil nakita nya ang nakahiga sa may damuhan.. Nakaputing t-shirt ito at pantalon na maong, nakatabon ang mahaba nitong buhok sa kanyang mukha ngunit sa pangagatawan at buhok ay aminado syang babae ito…

“bakit may nakahandusay dito?”.. Ang pabulong ni robin habang palingalinga sya..

Dahandahang lumapit si Robin sa nakahandusay at dahan dahang tinapik ang braso ng babae…

“miss.. miss.. Ok ka lang?”.. Ang tanung ni robin sa naka handusay…

Nakita nyang dahan dahang gumalaw ang babae at umangat ang kamay nito at hinawi ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang mukha..

Nakita nyang napatingin ang babae sa kanya.. Luminga linga ito at napahawak sa kanyang mukha.. At bigla ulit na tumingin sa kanya na may halong pagka gulat..

Nagulat din si robin ng makita nya ang mukha ng babae.. Ito ang babae na nakita nya sa kanyang panaginip.. Di man nya makita ang kaluluwa nito ngunit ang mukha ay di nya nakalimutan.. Ang pinagkaiba ay ang kakaibang kaluluwa nito na kulay apoy sa kanyang panaginip…

Napaatras ang babae at parang nagulat ito sa kanya.. Parang iyun palang ang oras na napagmasdan sya ng babae…

Nagtama ang kanilang mata.. Nabighani sya sa babae.. Maganda ito at maputi bago lang sa kanya ang babae di nya pa ito nakita sa kanilang lugar… Di nya lubos maisip kung bakit nandoon sa gitna ng parang ang babaeng ganun kaganda.. Ngunit nagtaka sya sa ayus ng babae na puno ng putik ang kanyang damit at pantalon at parang namamaga ang mata nito na parang umiyak ng matagal…

“bakit po kayo nandito sa gitna ng parang? Anu pong nangyari sa inyo?”.. Naligaw po ba kayo? “.. Ang kunot noo na tanung ni robin sa babae..

” hi.. Hindi ko po alam.. Naliligaw po ako”.. Huhuhu!!!.. Ang turan ng babae at humagulgul ito ng iyak..

“wag na po kayung umiyak sa bahay po muna kayo”.. Ang turan ni robin sa babae..

“salamat po”.. Huhuhu”.. Ang turan ng babae habang patuloy pa din itong umiiyak..

“Robin po ang pangalan ko.. Ang turan ni robin habang inalalayan ang babae..

” angelica din po ang pangalan ko.. Ang turan din nito kay robin..ngunit sa isang banda ay naguguluhan pa din sya di sya makapaniwala na ang lalaking ito ay nakita nya sa kanyang panaginip kanina lang, kahit ang kaluluwa nitong kulay apoy na mapula at nag liliyab.. Kakaiba ang kaluluwa ng lalaking ito di nya lubos akalain na sa katutuhan ay makikita nya ang lalaking ito..

Nakaalalay si robin kay Angelica habang sila ay pauwi sa bahay ni robin…

Tahimik na binaybay nila robin at Angelica ang daan pauwi.. Muling bumalik sa alaala ni Angelica ang dalawang matanda na muntik nang gumahasa sa kanya at naalala nya din ang ginawa nyang pag patay dito.. Di nya malaman sa kanyang sarili kung bakit pag naging manananggal sya ay para syang sinasapian ng ibang espirito.. Di nya ma control ang kanyang sarili animoy sunod sunuran sya sa kung anung espirito sa kanyang katawan pag sya ay manananggal…

Nakaramdam ng takot si Angelica sa kanyang ginawa….

“nakapatay ako ng tao… Kilangan kung itago ito..” ang pabulong na turan ni Angelica sa kanyang sarili..

Tumulo ulit ang kanyang luha.. Di nya lubos maisip kung anung buhay ang kanyang haharapin sa lugar na di nya alam at sa taong di nya kilala.. Kahit na nakita nya si robin sa kanyang panaginip ay di nya pa din maiwasan ang di mabahala dahil sa kanyang nagawa…

Bumalik lang ang diwa ni angelica ng madinig nya ang salita ni robin…

“nandito na tayo”.. Halika Angelica.. Pasok..ka “.. Ang nakangiting anyaya ni robin kay Angelica habang sa harap sila ng bahay ni robin..

Napatingin si Angelica sa bahay ni robin matapos silang makapasok sa loob ay isinarado ni robin ang pintuan ng kanyang bahay.. Tumingin sya sa orasan at mag aalas onsi na ng gabi..

“Maupo ka muna dito sa sofa angelica at mag luluto pa ako ng makakain natin..”.. Ang nakangiting turan ni robin kay angelica..

Tumango lang si Angelica kay robin habang palinga linga syang naka tingin sa kabuuan ng bahay ni robin..

Agad namang dumiritso si robin sa kusina at agad itong bumalik na may dalang isang tasa ng kape at ibinigay nito kay angelica..

“ito.. Inumin mo muna para mainitan ang tyan mo at ikukuha kita ng damit para makapag palit ka dahil puno ng putik ang damit mo”.. Ang turan ni robin habang nakatingin sya sa suot ni angelica na puno ng natuyong putik..

“salamat robin”.. Ang turan ni angelica sabay nya abot ng tasa ng kape na inabot sa kanya ni robin..

Agad pumasok si robin sa kanyang kwarto at ilang sandali lang ay dala dala na nya ang damit na pamalit ni angelica…

“pasensiahan mo na ito.. T-shirt ko ito at short.. Wala kasi akung damit pang babae eh”… Bibili nalang tayo bukas.. “ang nakangiting turan ni robin kay angelica…

” ok lang salamat.. “.. Ikaw lang ba ang mag isa dito?”.. Ang tanung ni angelica kay robin..

“oo.. na accidente ang mga magulang ko ilang buwan nalang bago ako mag tapos ng high school kaya naulila na ako ng lubos… Napilitan akung mamuhay mag isa akala ko ay di ko kaya ngunit sa kalaunan ay nasanay naman din akung mamuhay mag isa at ang lupang sakahan ng mga magulang ko ang naiwan nila sa akin na kinukuhanan ko ng aking ikinabubuhay.. “.. Ang nakangiting salaysay ni robin kay angelica…

Isang matipid na ngiti lang ang iginawad ni angelica kay robin..

” oh sya iwan muna kita dito ha at mag luluto muna ako ng makakain natin.. Doon ka nalang sa kwarto ko mag bihis at maligo may cr doon sa loob ng kwarto ko.. Doon ka na din matulog mamaya sa aking kwarto at dito nalang ako sa sala matutulog.. Sige na angelica magbihis kana at mamaya ay kakain na tayo”.. Ang nakangiting turan ni robin kay angelica..

“sige.. sa.. salamat..”.. Ang nakangiti ding turan ni angelica kay robin…

Binuksan ni robin ang kanyang kwarto at inanyayahan nyang pumasok si Angelica at itinuro nya din ang kanyang cr at matapos ibigay kay angelica ang kanyang mga gagamitin ay iniwan nya si Angelica sa kanyang kwarto at dumiritso na sya sa kusina para mag luto ng kanilang makakain…

Matapos makapasok ni angelica sa cr ay Napatingin sya sa salamin.. Di nya maiwasang umiyak.. Nakaramdam sya ng takot sa kabila ng kabaitan sa kanya ni robin na ngayun palang nya nakita sa buong buhay nya.. Magaan ang loob nya dito dahil napakabait nito at halos nagpakilala na ito sa kanya kahit na bago palang sya nitong nakita..ngunit natatakot sya sa kanyang sarili dahil sa kabila ng kanyang magandang mukha ay nakakubli ang halimaw na napuputol ang katawan.. Di nya lubos maisip ang mangyayari sa kanya kung malalaman ni robin ang kanyang tinatagong sekreto ang halimaw sa kanyang katawan at natatakot din sya sa kanyang kahihinatnan kung malaman ng buong bayan ang kanyang tunay na pagkatao…

Itutuloy…

Scroll to Top