Kaputol (13) by: aero.cock78

Continuation…

Takot man at nag aalala si Angelica sa mga posibling mangyari na kanyang kinakatakutan ay kanya muna itong iwinaglit at nag linis ng kanyang katawan at isinuot ang ibinigay ni robin sa kanyang damit..

Paglabas nya ng cr ay inikot nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto ni robin…humanga sya sa maayus na kwarto ni robin na bihira sa mga lalaking walang asawa na katulad ni robin na maayus sa kwarto na likas na sa mga lalaki na salaula pag dating sa kwarto.. Ngunit si robin ay kakaiba.. Maayus ito sa kanyang kwarto…

Napangiti sya sa kanyang ayus ng tumingin sya sa salamin at nakita nya ang sarili dahil napakalaki ng damit na binigay sa kanya ni robin..

Asiwa man at di komportable sa kanyang suot ay minabuti nya nalang na huwag ng bigyan ng pansin ito dahil nahihiya sya dahil nag papasalamat sya sa kagandahang loob ni robin sa pag papahiram sa kanya ng damit nito na kahit papano ay may isinuot syang damit…

Lumabas sya sa kwarto ni robin at nakita nya na nakahain na ang lamisa… Inikot nya ang kanyang paningin at nakita nya si robin na may dalang pitsil ng tubig at mga baso…

“halika na Angelica, kumain na tayo”.. Ang nakangiting turan ni robin habang inusug ang upuan para maka upo si Angelica…

Natuwa naman si Angelica sa pagka maginoo ni robin sa kanyang kilos…

“pasensya ka na sa luto ko ha.. Hehe”.. Pabilisan lang kasi masyado dahil malalim na ang gabi eh”…

“ok lang masarap naman ang luto mo..” nang matikman nya ang ulam ni robin na sardinas na may miswa..

“salamat.. Nasanay kasi akung mag isa kaya di ako masyadong nagluluto ng madami kaya wala akung masyadong stock na pag kain.. Minsan binibigyan lang ako ng aking kaibigan sa kabilang bahay ng ulam na niloloto ng kanyang asawa dahil nga na ako lang ang mag isa dito sa bahay.. “.. Ang salaysay ni robin habang nakangiti na nakatingin kay Angelica habang sumusubo ng pagkain..

Nakangiti lang si Angelica habang kumakain dahil medyo naiilang sya kay robin.. Napaka maginoo ni robin para sa kanya, kakaiba ito sa mga nakakasalamuha nya na mga lalaki na habol palagi ay ang kanyang alindog…

“ok ba ang damit mo?”.. Pasensia ka na, malaki ata sa iyo ang damit.. Hayaan mo at bibili na lang tayo bukas “.. Ang turan ulit ni robin kay angelica..

” ok lang.. “ang matipid na tugon ni Angelica…

Patingin tingin si robin kay angelica habang sila ay kumakain ngunit sa kanyang isipan ay nag lalaro ang maraming katanungan.. Nahihiya sya at nababahala na mag tanung kay angelica ng mga bagay na baka makasakit o makasama sa kanyang pandinig…nakakaramdam man ng kunting takot at pangamba si robin dahil sa pagkatao ni angelica ay minabuti nya na lang na ipag paliban muna ito at bigyan muna ng oras na makapag pahinga si Angelica para mapanatag ang kanyang loob dahil alam nya na may nangyari dito dahil sa ayus nya kanina ng makita nya si Angelica na nakahandusay sa parang at punong puno ng putik ang kanyang damit…

Tahimik silang kumain ni angelica na animoy nakikiramdam sa isat isa..

Pati din si Angelica ay nag aalangan na makipag usap kay robin dahil sa kanyang nagawa sa dalawang matanda na kanyang napatay.. Di nya malaman kung papano nya ito sasabihin kay robin kung sakali na mag tanung ito sa kanya…

Nag iisip sya na umuwi nalang sa kanila ngunit sa tuwing maaalala nya ang kanyang ina ay umaapoy ang galit nya sa kanyang puso… Wala syang magawa sa mga oras na yun dahil tanging katawan nya ang naiwan sa kanya wala syang gamit kahit isa dahil di nya alam kung saan na napunta ang malita nya dahil itoy inagaw sa kanya ng matandang manyakis na muntik ng gumahasa at pumatay sa kanya..

Wala syang magagawa kung di pasamantala ay tumigil muna kay robin…

Bumalik sya sa kanyang katinuan mula sa malalim na pag iisip ng madinig nya ang boses ulit ni robin na nagtatanung sa kanya…

“ahh angelica.. May pamilya ka ba?”.. O asawa? “.. Ang tanung ni robin kay angelica dahil di ito makatiis na mag tanung upang kahit papano ay makilala nya ng konti si Angelica sa kanyang pagkatao…

Natigilan saglit si Angelica at napatingin kay robin.. Nag iisip sya kung sasabihin ba ang totoo kay robin o hindi dahil nakaramdam sya ng takot kung sasabihin nya ang katutuhanan.. Di nya alam kung papano ipapaliwanag kay robin ang lahat lalong lalo na ang pagkamatay ng dalawang matandang manyak na muntik ng gumahasa sa kanya.. Sigurado syang di maniniwala si robin na mapapatay nya ang dalawang matanda na sya lang mag isa..

“angelica?”.. Ang tanung ulit ni robin na nakatingin na ito kay Angelica…

“a.. Di ko matandaan eh.. Di ko nga malaman kung bakit nandoon na ako sa parang.. Hindi ko matandaan ang mga nangyari sa akin..”.. Ang pagsisinungaling ni angelica kay robin, ngunit sa kanyang isipan ay ang dalangin na sanay di sya mahalata ni robin sa kanyang pag sisinungaling..

” ahh, ok.. Hayaan mo na pag katapos nating kumain ay magpahinga ka na, baka nag karoon ka lang ng truma kaya nakalimutan mo ang nangyari sa iyo..” ang nakangiting turan ni robin kay angelica..

Tumango lang si Angelica sa tinuran ni robin..

“sorry robin sa aking pag sisinungaling hayaan mo at lilisan din ako..” ang bulong ni angelica sa sarili..

Panaka nakang nakatingin si robin kay angelica naguguluhan sya, ngunit umiral ang awa nya kay angelica..

“baka may amnesia sya kaya di nya matandaan kung anung nangyari sa kanya..” ang bulong din ni robin sa kanyang sarili..

“ahh.. May bahay na bakanti sa tabi ng bahay ko, bahay namin yun dati na luma walang tumatao.. kung ok lang sa iyo doon ka muna tumira habang wala ka pang maalala sa nakaraan mo.. Wag ka munang umalis kung di mo alam kung saan ka tutungo at baka mapahamak ka sa daan.. Babae ka pa naman.. “.. Ang nakangiting turan ni robin kay angelica..

” salamat”.. Ang matipid na tugon ni angelica na may matipid din na ngiti sa labi..

“walang anu man..”.. Bukas aayusin ko ang bahay sa kabila para makalipat ka at mag karoon ka ng parivacy”.. Ang turan ulit ni robin kay angelica…

Isang ngiti lang ang itinugun ni angelica.. Ngunit sa kanyang puso ay nakaramdam sya ng tuwa sa kabutihan ni robin sa kanya..

Naiilang man si robin ngunit nakaramdam sya ng tuwa sa kabutihan nyang ginawa kay angelica.. Di maiwasan na mag isip sya kung anung sasabihin nya sa kanyang kaibigan tungkol kay angelica..

“bahala na”.. Ang tanging nasabi ni robin sa kanyang sarili habang nakatingin pa din sya kay angelica at di nya maiwasan na mabighani dito dahil sa angking ganda nito…

Matapos silang kumain ay pinapahinga na ni robin si Angelica.. Dinala nya ito sa kwarto nya at inayus ang higaan nito para maka pag pahinga na ito.. Nang maayus na nya ang kalagayan ni angelica ay iniwan nya ito at isinarado ang pintuan ng kanyang kwarto..

Niligpit nya ang pinagkainan nila at ng matapos sya ay nahiga sya sa sofa at nakatingala sa kisami habang nag iisip…

Lumingon sya sa nakasaradong pintuan ng kanyang kwarto.. Naiisip nya si Angelica.. Nakaramdam sya ng tuwa dahil sa unang pagkakataon ay may nakahigang babae sa kanyang kama..

Naalala nyang dalawin si Angelica sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang espirito sa katawan..

Si Angelica naman ay di rin makatulog at nag iisip pa din na nakatingin din sa kisami.. Naalala nya ang mga dumaan sa kanya ng araw na yun.. Dumaan din ulit sa kanyang alaala ang kanyang panaginip..

“kaluluwa”.. Ang nasambit ni angelica sa kanyang sarili..

Lumingon sya sa nakasaradong pintuan at ikinisap nya ang kanyang mga mata at sa isang iglap ay tumagos ang tingin nya sa labas ng kwarto.. Nakita nya si robin na nakahiga din at naka tingin sa driksyun nya.. Nakikita nya ang nag lalagablab na kulay apoy na kaluluwa ni robin..

“bakit kaya kakaiba ang kanyang kaluluwa?”.. Ang bulong ni angelica sa kanyang sarili…

Nakita nya si robin na nakahiga ngunit nakatingin din sa kanyang diriksyun..

Habang nakatingin sya kay robin ay nakita nya ng tumayo ang kaluluwa nito at lumabas ito sa kanyang katawan.. Nanlaki ang mata nito sa nasaksihan kay robin.. Di sya makapaniwala sa kanyang nakita.. Dahan dahang tumayo ang kaluluwa ni robin at Palinga linga pa ito.. At dahan dahan itong nag lakad papunta sa kanyang driksyun.. Nakita nyang dritso ito palapit ng dingding..

Nagulat si Angelica ng makita ang kaluluwa ni robin na nakahawak sa dingding at parang gustong pumasok…

Sa isang banda ay nagulat si robin dahil di sya makatagos sa kanyang kwarto.. Parang may nakaharang sa dingding ng kanyang kwarto na di nya malaman..

“bakit kaya di ako makatagos sa ding ding ng aking kwarto?”.. Ang bulong ni robin sa kanyang sarili..

Dahan dahan syang umatras at dumiritso palabas sa pintuan ng main door at tumagos sya palabas dito.. Nagulat sya sa kanyang nasaksihan..

“bakit dito sa main door tumatagos ako palabas?”.. Ang di maintindihang tanung ni robin sa kanyang sarili..

Dahan dahan namang bumangon si Angelica sa kanyang pag kakahiga dahil nagulat sya ng nakita nyang tumagos sa maindoor si robin.. Napagtanto nya na gustong tumagos ni robin papasok sa kanyang kwarto ngunit di ito makapasok..

Nakakunot ang noo ni Angelica na nag taka sa ikinikilos ni robin..

Dahan dahang tumayo si Angelica at lumabas sa kwarto.. Nakita nyang nakahiga ang katawan ni robin sa sofa ngunit alam nyang wala ang kaluluwa nito sa kanyang katawan..

Nagulat sya ng pag lingun nya sa bandang pintuan ay nakatayo ang kaluluwa ni robin sa harap ng pintuan sa loob.. Nakapasok na pala ito ng bahay at nakatingin sa kanya sa mga sadaling iyun..

Nagulat naman si robin ng makita si Angelica na naka tingin sa kanyang katawang lupa na nakahiga sa sofa.. Dito nya nakita ang kaluluwa ni Angelica na parihas ng nakita nya sa kanyang panaginip.. Itoy nag liliyab na parang apoy at itoy mapula..

“ha?”.. Totoo ang nakita ko sa panaginip.. Nag liliyab na parang apoy ang kanyang kaluluwa.. Bakit kaya kakaiba ang kanyang kaluluwa sa ibang mga kaluluwa? “.. Anu kayang meron sa babaeng ito?”.. Ang pabulong na tanung ni robin sa kanyang sarili..

Biglang iniwas ni Angelica ang kanyang tingin ng makita nyang nakatingin sa kanya si robin.. Alam nya na nakikita nito sya kaya bigla syang dumiritso sa kusina at kunwari ay kumuha ng tubig..

Nang makita naman ni robin na biglang nag lakad si Angelica papuntang kusina ay agad naman itong bumalik sa kanyang katawang lupa..

“ohh.. Gising ka pa pala?”.. Ang nakangiting turan ni robin habang naka upo ito at nakangiti na nakatingin kay Angelica na kasalukuyang bitbit ang baso ng tubig na nag lalakad galing sa kusina..

“ahh.. Ku.. Kumuha lang ako ng tubig nauhaw ako..” ang paputol putol na turan ni Angelica ngunit halos mabitawan nya ang kanyang dalang baso dahil sa gulat ng madinig nya ang boses ni robin..

“ahh ok.. Di rin nga ako makatulog..” ang turan ulit ni robin kay Angelica..

“sige balik na ako sa kwarto”.. Ang turan ni Angelica at sabay nya pasok sa kwarto..

Isang nakangiti at tangu lang ang itinugon ni robin kay Angelica…

Pag pasok ni Angelica ay halos manlambot sya sa kaba.. Di sya makapaniwala sa kanyang nakita..

“anung klasing tao sya?”.. May kakayahang makalabas sa kanyang katawan ang kanyang kaluluwa ?.. Ang naguguluhang tanung ni Angelica sa kanyang sarili habang naka sandal sya sa pintuan ng kwarto…

Napahawak naman si robin sa kanyang ulo at nag iisip.. Di makapaniwala sa kanyang nakita dahil parihas na parihas ang kanyang nakita sa kanyang panaginip.. Si Angelica ang babeng nakita nya sa kanyang panaginip…

“anung klasing babae kaya sya.. Bakit kakaiba ang kanyang kaluluwa?.. At bakit di ako makatagos sa dingding ng aking kwarto kahit kaluluwa ako habang nandyan sya sa loob.. Bakit sa pintuan ng main door ay nakakatagos naman ako..?” parang may nag poprotekta sa loob ng aking kwarto habang nandyan si Angelica sa loob”… Pailing iling at naguguluhan si robin sa kanyang nasaksihan kay Angelica…

Parihong naguguluhan si robin at Angelica sa kanilang nasaksihan sa isat isa…

Itutuloy…

Scroll to Top