ni watchingoverme
Ako si Raul Natividad.
Gwapo. Matangkad. Moreno. Maganda ang katawan. Pantasya ng lahat. Higit sa lahat ay marumi ang isip at malibog.
May misis na ko. Si Joy. Mahal na mahal ko ‘yan. Tindera sa palengke. Habang ako naman ay rumaraket-raket sa tabi-tabi. Minsan ay tubero, karpintero, hardinero, nag-aayos ng mga sirang gamit, at marami pang iba. Karamihan sa mga kliyente ko ay mayayaman. Mga mayayamang malibog. Mga mayayamang gustong-gustong kuhain ang serbisyo ko para mapagpantasyahan nila. Mga mayayamang gumagawa ng paraan para makita akong walang pang-itaas. Pero kahit kailan ay hindi nila matitikman ang titi ko. Sa asawa ko lang ito. Hanggang tingin na lang sila.
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Iyon ay dahil sa lintik na pamilyang sumira sa buhay ng mga magulang ko. Hayop ang pamilyang Mondragon. Sinira nila ang buhay ng pamilya ko. Ng mga magulang ko. Kaya naman nang malaman ko kung saan sila nakatira at nangangailangan sila ng driver, nakaisip ako ng masamang plano. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon.
Joy: Ngayon ka na ba mag-a-apply doon sa sinasabi mong naghahanap ng driver, mahal ko?
Raul: Oo, mahal ko. Humihina ang mga raket ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
Siyempre alam ko kung bakit. Humihina ako sa mga kliyente dahil hindi nila nakukuha ang gusto nila sa akin. Ang napakalaki kong alaga. Sumasakit siguro ang puson nila sa tuwing nakikita ang natural na bukol sa shorts ko pero wala silang magawa. Natural. Asawa ko lang ang may karapatan dito. Kahit ba bihira na lang kami mag-sex ni misis.
Joy: Pinaghanda kita ng merienda para may makain ka sa biyahe. Peanut butter sandwich. Alam ko favorite mo ito.
Raul: Ang sweet talaga ng misis ko. Kaya mahal na mahal kita, eh. Pa-kiss nga.
Ginawaran ko ng malalim na halik ang asawa ko. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag hinahalikan ko si misis.
Joy: Mmmmmm… Nambobola ka pa. Oo nga pala. Nanggaling dito si Aling Ludy. Naniningil na naman sa upa. Mahina ang kita ko sa palengke kaya hindi pa ko makakabayad. Hay…
Raul: Sige, mahal ko. Ako ang kakausap sa kanya mamaya pagbalik ko.
Joy: Salamat, mahal ko.
Lumabas na ko ng unit na inuupahan namin matapos kong makahirit ng isa pang halik kay misis. Nadaanan ko pa ang bahay ng landlady namin. May kausap siyang babae. Sexy. Kahit naman may asawa na ko, nakaka-appreciate pa rin ako ng maganda. At itong babaeng ito ay sobrang sexy.
Sexy girl: Tita Ludy, okay lang ba na rito muna ko makitira? Naghahanap kasi ako ng trabaho. Walang swerte sa probinsya natin.
Tita Ludy: Oo naman. Miss na miss na kita, pamangkin. Halika pasok ka.
Bago sila pumasok ng bahay ay dumaan ako sa harap nila.
Sexy girl: Ay! Hindi mo naman sinabi, Tita, na may Adonis dito sa lugar niyo. Grabe. Namumutok ang mga kalamnan, ah.
Tita Ludy: Tumigil ka ngang bata ka. May asawa na ‘yan.
Sexy girl: Sus! Kahit naman may asawa na, kapag pinakitaan mo ng pekpek, bibigay din ‘yan.
Nilingon ko sila. Nakita kong tumingin ang sexy na babae sa natural na bukol sa pantalon ko. Kagat-kagat niya ang ibabang labi niya. Umiling na lang ako.
Sexy girl: Bye, pogi! Syet! Tenant ba ‘yon?
Tita Ludy: Oo. Diyan sa kabilang pinto.
Sexy girl: Oh. Exciting! Sige. Makikibisita ko mamaya. Hihi!
Masyadong malakas ang mga boses nila kaya dinig na dinig ko bago ko makasakay ng jeep papuntang subdivision kung saan nakatira ang pamilyang paghihigantihan ko.
—————
Nasa harap na ko ngayon ng mansyon ng mga hayop na sumira sa buhay ng pamilya ko. Ang pamilya MONDRAGON.
Pinapasok ako ng security guard matapos kong sabihin sa kanya ang pakay ko. Kung anu-ano pang hiningi sa akin. Buti na lang ay handa ako. Ngayon ay nandito ko sa isang kwarto ng mansyon kung saan ako hinatid noong maid. Nagpa-cute pa sa akin ang maid bago ko iniwan.
Mukhang study room ito. Sinabi ng maid na hintayin ko ang mag-i-interview sa akin. Hiniling ko na ang ilaw ng tahanan sana ang mag-interview sa akin, ngunit hindi ako sinuwerte ngayon. Dahil ilang minuto lang ay isang matandang lalaki na may tungkod ang pumasok sa kwarto.
Sinubukan kong bumati at makipagkamay, ngunit tuloy-tuloy lang ang matanda at umikot sa malaking study table at umupo. Saka lang niya ako tiningnan. Pigil na pigil akong magkuyom ng mga kamao.
Matandang lalaki: Maupo ka.
Umupo ako. Hiningi niya ang mga requirements na dala ko. Pagkatapos niyang mapasadahan ng tingin ang paraphernalia ay nagsimula na siyang magtanong.
Matandang lalaki: Ako nga pala si Emilio. Emilio Mondragon. Ang may-ari ng bahay.
Alam ko na iyon. Alam ko na ang lahat sa pamilyang ito simula nang ako ay magpasiya sa sarili kong magbabayad ang mga demonyong ito sa pagkawala ng mga magulang ko.
Raul: Raul po. Raul Natividad. Ikinagagalak ko po kayong makikilala, Sir Emilio.
Emilio: So, Raul, ano ang trabaho mo ngayon? May experience ka na ba sa pagmamaneho?
Ang totoo niyan ay wala akong alam sa Maynila. Ngunit dahil sa iba-iba kong raket, halos makabisado ko na ang mga lugar rito.
Raul: Marami po akong raket, Sir. Minsan tubero. Minsan karpintero. Minsan nagkukumpuni ng mga gamit. Wala po akong permanenteng trabaho kaya malaking tulong ho kung matatanggap niyo ko bilang driver. Marami na rin po akong alam na mga lugar dito sa Maynila at sa mga karatig-lugar.
Tumango-tango si Emilio. Nagtanong pa siya nang nagtanong ng kung anu-ano bago niya sinabing tanggap na ko.
Napangisi ako sa sarili ko. Muntik na ko mapangising-demonyo sa harap ni Emilio. Hindi niya makakalimutan ang araw na ito. Ang araw kung saan nagpapasok siya sa mansyon ng taong sisira sa buhay nito at ng pamilya nito.
Emilio: Halika Ipakikilala kita sa pamilya ko. Ang mga taong mangangailangan ng serbisyo mo.
May pinindot siyang buzzer sa study table at isa-isang pumasok sa study room ang mga miyembro ng pamilya Mondragon.
Emilio: Raul, ang babaeng naka-asul ang panganay ko. Cecilia Guanlao. Ang lalaki sa tabi niya ang kanyang asawa. Rigo Guanlao.
Tiningnan ko si Cecilia. Mukhang sopistikada sa suot na asul na blusa at pencil cut na palda. Nakataas ang noo habang nakatingin sa akin. Aristokratang-aristokrata ang dating. Ang tipo ng tingin niya sa akin ay ‘yong parang hindi tumatanggap ng pagkakamali mula sa isang tao. ‘Yong tipong kapag nagkamali ka ay tatanggalin ka niya sa trabaho.
Ang kanyang asawa ay mukhang hindi mapalagay sa pagkakatingin sa akin. Parang pinagpapawisan. Sa tingin ko ay bading ito. Ganyan makatingin ang mga binabae kapag tipo ako. Pero uso naman ‘yon ngayon. Kawawa nga lang si Cecilia.
Emilio: Iyang nakasimangot ay si Adriana. Pangalawa sa magkakapatid. May pagkamataray ‘yan. Masanay ka na lang.
Nang tingnan ko si Adriana ay nakataas ang isang kilay nito at mukhang bored na bored. Iniisip marahil nito na hindi ako dapat pagtuunan ng pansin dahil magiging driver lang nila ko. Typical matapobre.
Emilio: Iyang naka-bikini ay si Lavinia. Maldita ang batang ‘yan. Kaya mag-iingat ka.
Sa tingin ko ay itong Lavinia ang pinaka-sexy sa tatlong Maria. Sobrang sexy nito. Mukhang galing swimming pool at kaaahon lang. Tumutulo pa ang butil-butil na tubig sa buhok nito patungo sa cleavage nito. Napailing ako. Nang tumingin ako sa mukha niya ay pilya ang ngiti nito. Nahuli yata ko. Hindi dapat ako magpa-distract sa ganda ng mga babaeng Mondragon. Hindi. Ako ang maniningil sa kanila kaya dapat kontrolado ko ang sitwasyon.
Emilio: Si Raul ang magiging bago nating driver. Mula ngayon ay dito na siya titira. Sa servants’ quarter. Tuwing Linggo ang off niya. Inaasahan ko na magiging mabuti kayo sa kanya. Nasaan pala ang Mama niyo?
Bago pa may makasagot ay pumasok na sa pinto ang magandang ginang. Ang babaeng siyang puno’t dulo ng paghihiganti ko. Sa edad nito ay mukha pa rin itong bata. Wala masyadong wrinkles sa mukha. Maninipis ang kilay. Mapupula ang pisngi. Mapupula ang labi. Ang dibdib nito ay siguradong magpapabaliw sa lahat ng lahi ni Adan. Ang makurbang balakang ay nag-aanyaya ng dalawang kamay na humulma dito. Ang baywang nito na mukhang kaysarap hatakin.
Nakasuot ito ng blue gown na may mataas na slit na halos umabot sa singit nito. Nakakaakit ika nga. Kaya pala nabaliw si Tatay dati. Napailing ako. Ito ang babaeng makakatanggap ng matindi niyang paghihiganti.
Humanda na ang pamilya Mondragon. Magsisimula na ang impyerno sa buhay nila.
Napatingin ako sa mukha ng ilaw ng tahanan ng mga Mondragon. Nakaismid siya sa akin at bilang ganti ay ngumisi ako. Hindi ako dapat magpadala sa pangmamata ng mga taong ito.
Emilio: Sandra, buti naman ay nakababa ka na. Ipinakikilala ko sa ‘yo ang bago nating driver, Raul Natividad. Raul, siya ang asawa ko. Si Sandra Ysabelle Mondragon.
Lumapit ako kay Sandra Ysabelle Mondragon. Hindi ko inalintana ang mga babaeng anak nila na nakatingin sa akin papunta sa kanilang ina. Inilahad ko ang aking kamay.
Raul: Ikinagagalak ko po kayong makilala, Donya Sandra Ysabelle Mondragon.
Tiningnan muna ako ni Sandra mula ulo hanggang paa bago niya inabot ang aking kamay. Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa aking kamay na ginantihan ko nang mas madiin na pagpisil. Tinitigan ko siya sa mata. Naroon ang pilit na ikinukubling pagkabigla.
Ngumisi ako.
Simula na ng paghihiganti.