Kinang At Lilim – Chapter 2 by: Stalker_Eyes

Chapter 2

Ang karugtong…

Lunes, unang araw ng klase. Dagsaan na ang mga estudyante sa isang kilalang unibersidad sa Quezon City. Kilala ang unibersidad na ito dahil ito ang may pinakamalaking populasyon ng mga magagandang mga kababaihan. Karamihan sa kanila ay mga nasa first year college at mga Grade 12.

Ilang minuto na lang at magsisimula na rin ang klase para sa unang period. Nakapasok si Lance sa isang classroom at naghahanap ng mauupuan. Ilang saglit pa’y nakahanap rin ng mauupuan ang binata. Umupo siya sa ika-walong row na kung saan wala pang ibang estudyante ang naroon.

Labis pa rin ang ngiti ni Lance dahil sa nangyari sa kanila ni Ashley noong Sabado. Hindi pa rin nabubura sa isip ng binata kung paano magsalsal ang dalaga noong araw na yun. Dahil sa lalim ng naiisip ng binata ay hindi niya namalayan na tumigas ulit ang alaga niya.

Di nagtagal ay dumating si Ashley na dala-dala ang pink na sling bag. Pinagmasdan ni Lance ang naging porma ng dalaga. Tinalian nito ng ponytail ang buhok nito at sobrang ganda niya kahit minimal lamang ang make-up nito.

Nang makitang naghahanap ng mauupuan si Ashley ay tinawag ni Lance ang dalaga. “Ashley,” tawag ni Lance. “Dito ka na umupo sa tabi ko.”

Lumingon si Ashley at nakita niya si Lance na ngumiti sa kanya. Gumanti naman ng ngiti si Ashley at kumindat sa binata.

Parang nakuryente naman itong si Lance sa pagkindat ni Ashley sa kanya. Naramdaman niya ang lalo pang pagtigas ng alaga nito sa harap ng slacks nito.

Tumama ang mga mata nina Lance at Ashley. Nakita ng binata na nakatayo pa si Ashley at hindi pa umupo. Si Lance na ang nagsalita.

“Ash. You can sit here. Wala pang nakaupo dito.”

“Oh. Thank you, Lance!” nakangiting sagot ni Ashley. “I didn’t knew na wala pa palang nakaupo diyan.” Umupo na si Ashley sa tabi ni Lance at itinabi ang bag nito.

Ilang saglit pa’y nakarating naman ang tatlong babae na sina Angela, Gwen at Kyzha. Late na sila nakarating dahil dumaan muna sila saglit sa cafeteria para kumain at hindi nila namamalayan ang paggalaw ng relo. Napilitan silang umupo sa dulo dahil halos occupied na ang mga upuan sa bandang harap. Nakahanap naman sina Kyzha at Gwen ng mauupuan at agad nang umupo sa silya. Nananatiling nakatayo pa rin si Angela.

“Girl, wala na ba ibang bakante diyan?” tanong ni Angela kay Kyzha.

“Nakahanap ako, Ate. Doon sa left side,” turo ni Gwen sa bakanteng silya sa eighth row sa kaliwang side. May ten rows of chairs sa classroom at apat na silya bawat row at yung ikaapat na upuan sa left side ang itinuro ni Gwen kay Angela.

“Thank you, Gwen,” sagot ni Angela. Agad nagtungo si Angela sa nabanggit na upuan at umupo na. Nagmamasid ang dalaga sa mga estudyante sa kanyang paligid. Napansin niyang may pamilyar na mukha na nakaupo sa tapat niya.

Lumingon ito kay Angela at masaya itong binati. “Hi. I’m Lance. Lance Carr,” bati ng lalaki sa dalaga.

“Rolyn Angela Tungol. Angela for short,” bati naman nito sabay kaway sa katapat. Di nagtagal ay binati rin siya ng babaeng katabi ni Lance.

“Hello. I’m Ashley,” nakangiting bati ng dalaga kay Angela. Ngumiti lang ito kay Ashley at ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa harap. Medyo nakaramdam ng konting pagkaarte si Angela kay Ashley.

“That girl. She’s so maarte…” wika niya sa sarili. Negative ang first impression ni Angela kay Ashley. Sa tingin niya, mataray at insecure daw si Ashley sa kagandahan niya. Matalim ang tingin ni Angela kay Ashley habang masaya itong nagkukuwetuhan kay Lance.

“Ang gwapo naman ni Lance,” bulong ni Angela sa isipan niya. “Pero ayaw ko sa Ashley na yan. She’s like, duh!”

Biglang naputol ang mga iniisip ni Angela nang binati siya ng dalawang lalaki. “Miss, excuse us,” sabi ng lalaki. “Dito kami nakaupo sa tabi mo.”

Kusa namang umurong si Angela para makadaan ang mga lalaki para makaupo sila. Ilang saglit pa’y nagpakilala ang mga lalaki sa dalaga.

“Ako nga pala si Alfred Beruzil,” pakilala ng lalaki sabay abot ng kamay kay Angela.

“Hi Alfred,” bati naman ni Angela. “Ako si Rolyn Angela Tungol. Call me Angela na lang.”

Pagkatapos ay pinakilala din niya ang kasama. “Ito naman si Shoichi Oka.”

“Angela! It’s good to see you again,” bati ni Shoichi.

“Yes. Nagkita na tayo noong Sabado, tama?” sabi ni Angela.

“Bingo! Noong nasa bar tayo, kasama si Mich.”

Nang marinig ni Angela ang pangalan ni Mich ay agad natigilan ang dalaga. Bumalik ang mga masasakit na ala-ala niya nung may relasyon pa silang dalawa.

“Please. I don’t want to hear his name again,” bigkas ni Angela.

“Oh! My bad. I’m sorry about that,” sabi ni Shoichi. Naputol bigla ang kanilang usapan nang narinig nila ang tunog ng stillettos, palatandaan na dumating na ang kanilang guro sa first subject.

Naging sentro ng atraksyon ang gurong pumasok sa classroom. Naka-red dress ito at black high heels. Kitang-kita rin ang pagkendeng ng puwit ng guro habang naglalakad ito. Halos hindi mapalagay ng karamihan ng mga kalalakihan ang gurong kapapasok lang.

Di nagtagal ay nagpakilala ang guro. “Good morning class. I’m Mrs. Coleen Crawford, and I’m going to be your instructor for this subject.”

Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa kanilang nakita. Hindi nila akalaing si Coleen Garcia pala ang magiging instructor nila sa subject na ito.

Pinag-uusapan nina Alfred at Shoichi si Coleen. “Can you believe it? Si Coleen Garcia lang naman ang instructor natin sa Philippine Literature!” wika ni Alfred.

“Nagulat nga ako, eh. Akala ko kamukha lang niya eh. But she’s the real deal, pare!” sagot naman ni Shoichi. Napansin ng dalawang binata na tahimik lang pinagmasdan ni Angela ang instructor ng klase sa kanilang harapan.

“Angela, okay ka lang?” tawag ni Shoichi sa kaibigan. “Ano ba kasi ang pinag-iisipan mo diyan?”

Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Angela nang tinawagan siya ni Shoichi. “Ha…? W-wala. Okay lang naman ako. Bakit?”

“Alam ko na ang nasa isip mo ngayon,” wika ni Shoichi. “Siguro mahal mo pa si Mich, ano?”

Marahang sinapak ni Angela si Shoichi. Napatili naman ang binata sa sakit ng sapak ng dalaga.

“Aray naman!”

“I already told you, huwag mo na kasing ipapaalala si Mich, eh!” inis na wika ni Angela.

Hinaplos-haplos ni Shoichi ang mukha niya. “Sorry naman… Hindi ko naman intensiyon ang saktan ka…”

Umirap na lang si Angela at ibinaling ang atensiyon sa instructor na nasa harapan. Mariin niyang tinitigan ang cleavage ni Coleen sa revealing nitong red dress. Medyo hindi nagustuhan ni Angela ang pananamit ng instructor nila. Kulang na lang at makikita na ng ilan ang malaking suso nito.

“Grabe naman yang si Ma’am… Very revealing na ang pananamit. Siguro gusto niyang magpapalandi sa mga lalaking estudyante?” wika ni Angela sa isipan niya. Umiiling na lang siya. “No. Never mind, Angela. It’s just you. Just calm down.”

Dagli siyang sumilip kay Lance. Nakita ng dalaga na masaya silang nag-uusap ni Ashley. Noong una ay balewala lang ito sa kanya. Ngunit habang tumatagal ay may umiiba na ang pakiramdam nito.

“Lance is just so cute,” sabi ni Angela sa sarili niya. “Pero ang saya talaga nila ng Ashley na yan. It kind of feels weird… I somehow started to develop feelings for him…”

Di nagtagal ay isa-isa nang tinatawag ni Coleen ang mga estudyante sa mga class cards.

“Rolyn Angela Tungol,” tawag ng instructor.

“Present!” wika ni Angela sabay taas ng kamay. Muli niyang tinignan si Ashley sa side niya at inirapan ito.

Samantala, habang nagbabasa si Coleen ng mga pangalan sa class cards ay nag-uusap naman sina Ashley at Lance.

“Ash. Remember what I’ve promised to you last Saturday?” sabi ni Lance.

“Yeah. You promised to treat me later during the night, right?”

Ngumiti si Lance. “Yes. What food do you wish to eat?”

“I’ll decide later. I’ll think of it deeply.”

“It’s settled, then. For now, let’s be attentive in this class. Baka we might get caught pa,” wika ni Lance at humarap na silang dalawa para makinig sa klase.

Si Ashley nama’y pasimpleng sinilip si Angela. Matalim niyang itong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang taglay nitong kagandahan.

“So Angela is that pretty, I guess,” wika ni Ashley sa isip niya. “I hope she’s that friendly…”

Ilang saglit pa’y nagsimula na ang diskusyon sa klase. Lahat ng mga estudyante ay nakinig nang mabuti. Ang ibang mga lalaki ay halos mawindang sa taglay na kaseksihan ng kanilang instructor na si Coleen.

******

Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumunog na rin ang bell. Sa kabilang building ay umupo sa hagdanan si Tan Roncal. Grade 12 student si Tan. Hindi gaanong katangkad si Tan, mga 5’3″ ang height. Bagaman maliit lang ito ay nakabawi naman ito sa kanyang ibang klaseng kaguwapuhan. Naka-shaggy cut si Tan at simple lang kung manamit. Kung kaya nama’y kinagigiliwan siya ng mga kababaihan.

Hindi lang kaguwapuhan ang asset ni Tan. Out-of-this-world ang talino nito. Magmula noong elementary pa lang siya ay consistent honor student ito hanggang junior high. Dahil dito ay siya madalas ang pinipili sa mga quiz bees at iba’t ibang mga extra-curricular activities.

NGSB pa itong si Tan. Bagaman okay na sa mga magulang niya ang magkaroon ng jowa ang kanilang anak ay mas pinili ni Tan na unahin ang pag-aaral. Ngunit hindi rin maiiwasan ng mga babae na magpakita ng motibo sa binata.

Kasalukuyang nagbabasa ng libro sa hagdanan si Tan nang nilapitan siya ng kanyang mga kaibigang sina Batit Espiritu at Emjay Savilla.

“Pareng Tan! Busy pa rin sa pagbabasa, ano?” wika ni Batit. “Ayaw mo bang sumama sa aming mag-recess?”

“Hilig mo din talaga ang Biology, eh ano?” sabad naman ni Emjay. “Baka nakakalimutan mo na kami, ha? Magtatampo na kami sa’yo niyan!”

Tumingin si Tan sa kanyang mga kaibigan. “Mga pare, hindi muna ako makakasama sa inyo sa ngayon. Kita niyo naman na busy ako dito sa pagbabasa nito, ano?” Ipinakita ni Tan ang hawak nitong librong binabasa niya.

“Pero don’t worry, mga pare. Babawi ako next time.”

“O sige, pare. Take your time!” masayang sabi ni Batit.

“See you later, Mr. Genius!” sagot naman ni Emjay at sabay na lumakad ang dalawa pababa ng hagdanan.

Nagpapatuloy sa pagbabasa si Tan ng libro habang nakaupo sa hagdanan ng building. May isang babaeng napadaan kay Tan at hawak-hawak nito ang sandamakmak na libro. Halos mahihirapan na ito sa pagdala dahil sa dami at bigat ng kanyang dinadala.

Dahil dito ay nabitawan niya ang mga dalang libro at nahulog ang mga ito sa sahig. Narinig ito ni Tan at agad binitawan ang libro para tinulungan ang babae.

“Miss, do you need some help?” sabi ni Tan habang pinupulot nito ang nalaglag na libro sa sahig.

“Yeah, sure. Thank you,” sagot naman ng babae. Mabilis namang naipulot ni Tan ang lahat ng dala ng babae.

“Thank you so much,” pasasalamat ng babae. “By the way, I’m Lalaina Ashley Del Mundo. Or simply Ashley.”

Iniabot naman ni Tan ang kamay ni Ashley at kinamayan ito. “Hi. My name is Tan Roncal.” At kinamayan ng dalawa ang isa’t isa.

Ngumiti sila sa isa’t isa habang nagtama ang kanilang mga mata. Halos nabighani na si Tan sa taglay na kagandahan ni Ashley. Ilang saglit pa’y nag-offer si Tan na tulungan si Ashley patungo sa pupuntahan.

“Uhh, Miss Ashley, saan mo gusto pumunta?” tanong ni Tan.

“I want to go to the library,” sagot ni Ashley. “One professor said that the library is located here in this building.”

Agad napansin ni Tan ang Australian accent ng dalaga. “Oh, okay. Here, let me help.”

Ngumiti nang matamis si Ashley kay Tan. “Sure.”

Sabay nang naglakad ang dalawa papunta sa library. Nag-volunteer naman si Tan na dalhin ang ilan sa mga libro ni Ashley.

Nang nakarating na sila sa labas ng library ay nagsalita ulit si Ashley. “Thanks again for your help, Tan. I can take it from here,” wika ni Ashley. Agad namang ibinigay ni Tan ang iba pang libro ni Ashley.

Papasok na sana ng pintuan si Ashley nang magsalita naman si Tan.

“So Miss Ashley—“

“Just call me Ashley. It would be awkward if you call me that.”

Ngumiti si Tan sa half-Australian. “Okay. So A-Ashley. Anong year ka na?”

“Grade 12. ABM.”

“Grade 12 din ako. STEM. Our room is here at this building.”

“You mean that room from here?” turo ni Ashley sa unang silid sa tabi ng library.

“Yeah. That one,” sagot ni Tan.

“Now I must go inside. See you again.”

“Yeah. Be seeing you again, Ashley.”

Bago tuluyan nang pumasok si Ashley at ngumiti ulit ito nang matamis kay Tan. Gumanti naman ng ngiti si Tan sa dalaga at tuluyan nang naghiwalay ang landas nila.

Bumalik na si Tan sa hagdanan kung saan ito nagbabasa ng libro kanina. Bigla na lang may nagsalita sa likod niya.

“Wow naman, Tan! Parang version 2.0 na ng MayWard yun, ah!” sabi ng tinig. Lumingon si Tan sa pinagmulan ng tinig at ngumiti ito.

“Sheena! Yen!” masayang bati ni Tan. “Andiyan pala kayo.”

“Nakita ko kayo kanina. Kinikilig na nga dito si Sheena, eh!” sabi ni Yen.

Binatukan naman ni Sheena si Yen. “Huy! Grabe ka sa akin, teh!”

“Ano ba naman kayo, ni hindi ko pa nga nagawang kilalanin siya ng lubusan, eh!” sabi ni Tan.

“Pero may crush ka sa kanya, no?” makulit na tanong ni Yen. “Aminin!”

“Ayieeeee! Kinikilig siya… Wag mo nang ideny!” sabad ni Sheena. Ngunit naging unfazed naman si Tan sa panunukso ng dalawa.

“Kayo naman, bago pa nga lang kami magkakilala, di ba?” kalmadong sagot ni Tan. “Kapag tinulungan mo lang ang isang babae, crush na agad?”

“Baka malay mo, magkakatuluyan din kayo niyan. Ayieeee!” kantyaw ni Yen.

“O sige na, tama na muna yan. Bata pa tayo para sa mga ganyan. Baka gusto niyong makisama sa pagbabasa ko dito. May mga pocketbook akong dala.”

“Ganoon ba?” mungkahi ni Sheena. “Pabasa naman, oh!”

Tumango naman si Tan at agad silang umupo sa tabi ng binata. Binuksan ni Tan ang bag niya at inilabas niya ang lahat ng nilalaman nito. Puro mga pocketbooks nga ang laman. Agad namang kumuha ng tig-dalawang pocketbook sina Sheena at Yen. At nang makuha na nila ang mga librong napili ay nagpaalam na sila kay Tan.

“Hiramin muna namin ito, Tan ha?” wika ni Yen. “Don’t worry, isosoli naman namin ang mga ito kapag natapos na kami.”

“O sige. Take good care of my books, okay?”

*******

Sa cafeteria naman ay mag-isa lang kumain si Lance dahil nasa library si Ashley para makapag-study. Umorder siya ng dalawang burger at isang bote ng 7-Up. Pinagmasdan niya ang mga estudyante sa paligid. Habang ginagawa niya ito ay nag-isip-isip ang binata sa magiging “first date” nila ni Ashley mamayang gabi.

Nagmumuni-muni si Lance tungkol sa planong date nila mamaya nang biglang may lumapit na babae sa kanya. Nagandahan naman ang binata sa dalagang napadaan sa table. Pinagmasdan niya ang katawan nito at naaliw siya sa katamtamang laki ng suso nito.

“Hi. Puwede ba akong makikain dito?” tanong ng babae. May hawak itong tray na may isang bote ng Coca-Cola at isang bowl ng Yang Chow.

Lumingon si Lance sa babae at agad niya itong nakilala. “Oh. Hi, Angela!” bati ng binata. “Sure naman, wala naman akong ibang kasama.”

“Thank you talaga, ha!” masayang wika ni Angela at umupo sa tapat ni Lance. Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa.

Nang matapos nang kumain ang dalawa ay nagkukuwentuhan sila tungkol sa first day of school. Masaya at matagal ang kanilang pag-uusap. Hanggang sa dumating ang kanilang usapan tungkol sa relasyon nina Lance at Ashley.

“Oh, Ashley? She’s just my friend. Bakit mo pala naitanong iyan?” sabi ni Lance.

“Wala lang. I just noticed something sa inyong dalawa habang nag-discussion ang instructor natin kanina,” wika naman ni Angela.

“Anong nakita mo sa amin?”

“You and Ashley were constantly holding hands and cuddling each other. Habang may klase.”

“Huh? We just missed each other, ano? Kasi nga, close friends na kami. Matagal na.”

“Pero Lance, kung hindi lang kayo nakita ni Ma’am Coleen kanina, baka naman eh sinita na kayong dalawa. Bawal pa naman ang PDA dito sa school na ito.”

Hindi makasagot si Lance. Nakaramdam siya ng kaunting guilt sa kanilang nagawa ni Ashley kanina.

“Hindi naman ako sa nagseselos sa inyo, Lance. But what you did is just a violation of the school’s rules. Suwerte mo lang at hindi ka nakita ni Ma’am Coleen, kung nagkataon…”

“Aaminin ko sa’yo, Angela. na-guilty ako doon,” usisa ni Lance. “At isa pa, I never kissed her pa. Kasi hindi naman kami mag-jowa, di ba?”

“Now tell me, Angela. Insecure ka ba kay Ashley?” patuloy ni Lance. Umiling si Angela.

“I understand. Mabait naman si Ashley. Hindi naman siya mataray tulad ng mga naiisip mo. Who knows, magiging bestfriends pa nga kayo, eh.”

Dito ay napa-isip na lang nang husto si Angela. Nakaramdam siya ng paghanga sa binata. May feelings siya para kay Lance. Pero ang problema nga lang ay close friends na sila ni Ashley. Ayaw ipahalata ni Angela kay Lance na may feelings nga siya sa binata. Ngunit sa kabilang banda, kinakabahan siya na kausapin si Ashley ang tungkol dito.

Sa di kalayuan ay napadaan si Mich sa cafeteria. Nakita niya si Angela na may kausap itong lalaki. Nangangalaiti naman si Mich sa galit nang makita niya ang dating kasintahan na may kausap na iba.

“Sinasabi ko na nga ba, eh. Tama nga talaga ang hinala ko. Pinagpalit talaga ako sa mokong na iyan. Hindi iyan maaari!” Pagkatapos ay galit na nilapitan ni Mich sina Angela at Lance sa kanilang table at malakas na sinuntok si Lance. Bumulagta naman si Lance sa sahig at hindi na ito nanlaban dahil hindi siya makagalaw.

Kinumpronta ni Angela si Mich at agad tinulungan si Lance na bumulagta sa sahig ng cafeteria.

“Mich!!!” sigaw ni Angela. “Ano bang problema mo? Bakit bigla mo na lang sinuntok si Lance?!”

“Nakisawsaw kasi ang mokong na yan sa relasyon natin, eh!” galit na sagot ni Mich.

Hindi makapaniwala si Angela sa bilis ng mga nangyari.

ITUTULOY….

Scroll to Top