Larawan by: paradoxxxx

“Ohhhh… Ohhhh… ang saaraaap…. Ahhhh sige paaa!” halinghing ng babae habang titig na titig sa mukha ng estrangherong hayok na hayok sa pagbayo sa kanya, kapwa nakapako ang kanilang paningin sa mga mata ng isa’t isa.

Bakit ako ha? Bakit sakin ka nagpabiyak?!”

Di na niya hinintay pang tumugon ang dilag, agad niya itong ginawaran ng isang matamis na halik. Halik na hindi niya naipadadama kailanman sa ibang babaeng nakakasiping. Halik na kahit di niya man aminin ay may kalakip na pagtatangi.

************************

Napabalikwas ng bangon si Daniel Ramirez dahil sa sunod-sunod na tunog ng kanyang cellphone. Si Jorge pala na matalik nyang kaibigan ang nasa kabilang linya.

Aga mo naman mang-istorbo brad!” asar na sabi nya dito, habang pupungas-pungas na naglalakad.

Nasaan ka ba ngayon?” singhal din ng nasa kabilang linya.

Dahil sa tanong na iyon ay dun lamang sya parang natauhan na may kasama siyang babae nang nagdaang magdamag. Napalingon siya sa kama ngunit wala na ito, tanging lukot na puting kobre kama na lang ang kanyang nakita at ang bahid ng dugo na naroon.

Pilit pa din nyang inalala ang nangyari sa nagdaang gabi, hawak-hawak ang sintido dahil sa tama ng alak na nainom. Di siya makapaniwala sa nangyari… He couldn’t believe that the girl he had taken out was a virgin!

Yan si Daniel, easy-go-lucky guy, playboy. Kung mag-uwi ng babae akala mo nag-uuwi lang ng pansit na ti-nake out. Bukod kasi sa lumaki sa layaw dahil mula sa may kayang pamilya, binigyan pa ng kakisigan na walang anak ni eba ang makakatanggi. Pero kahit ganoon, mayroon siyang isang rule na hangga’t maaari ay iniiwasan nyang mabali. Ang huwag tumikim ng virgin. Sa kadahilanang ayaw nyang magkaroon ng anumang dalahin sa konsensya.

Pero ngayon ay di sya makapaniwala na ganun kadaling naipagkaloob sa kanya ng babae ang pagkabirhen nito. And of all the righteous men in the world, bakit sa kanya pa na kilalang palikero at walang balak na makipag relasyon ng totoo.

“Oh kanina pa ko dakdak ng dakdak dito di ka kumikibo?” ani ni Jorge sa kabilang linya.

Sige pre at pauwi na din ako” tugon ni Daniel.

Teka nga pre… may kasama ka ba dyan? Ikaw siguro kasama nung bebot na bisita ni Liza no? Bigla din nawala eh.” usisa ni Jorge.

Ah shit mamaya na lang brad nalilito ko!” sambit nya habang isa-isang pinupulot ang mga nagkalat na kasuotan sa sahig.

Tangna nadale mo na naman ah, ganda nun brad… shit, wala bang video jan? Hehehehe…” Di na hinayaan ni Daniel ang iba pang sasabihin ng kaibigan at agad na niyang pinutol ang usapan.

Naalala nya ang mga nakaka-one night stand na minsan ay nakukuhanan nya ng video na siya nyang ipinapasalubong sa kaibigan. Agad naman niya iyong binubura upang tiyaking hindi na kumalat pa. Pero iba itong isang to.

May mali, parang may hindi tama. Ang ipinagtataka nya, sa lahat ng mga nakasama nya, ito lang ang nang-iwan sa kanya, ito pa ang di sya nahirapang takasan. Pero bakit? Maraming katanungan ngayon ang gumugulo sa kanyang isip, na pawang bago para sa kanya.

“Bakit siya umalis, bakit nya ko iniwan?”

************************

Hindi mapakali at binabagabag ng matinding kalungkutan si Trisha Cruz habang nakatanaw sa pagbubukang liwayway sa may baybayin ng Manila Bay. Kahapon ay niyaya siya ng kaibigan na pumasyal sa Maynila upang dumalo sa isang okasyon, at kanya namang pinaunlakan ang paanyaya.

Habang nakahalukipkip ang kaliwang braso sa kanyang katawan, hawak nya sa kanang kamay ang isang bead bracelet na nakalapit sa kanyang labi. Hinalikan nya iyon at umusal ng bulong na tanging puso nya lamang ang nakakaunawa. Ito’y alaala ng isang kaibigang napaka-espesyal sa kanya mula nung sila ay mga bata pa.

Napalingon sya sa tawanan ng mga batang naglalaro sa may sidewalk. Di nya maiwasang malungkot lalo na pag nakakakita siya ng mga batang masayang naghahabulan, na para bang gusto nyang bumalik na lang sa panahon na iyon na kasama nya ang isang kaibigan.

Parang ang sarap maging bata ulit. Iyak, tawa, yun lang ang emosyon. Sa katawan ka nga lang makakaraamdam ng sakit kapag bata ka. Pero habang tumatanda pala tayo, hindi na nararamdaman ng katawan ang sakit… dahil puso na nakakaramdam nito. At dito na nalaglag ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak…

Nasaan ka na ba kasi!” pabulong niyang usal na parang kinakausap ang pulseras na kanyang hawak.

************************

Bakit ba kasi nalagay siya sa sitwasyon na ganito. Wala siyang pamimilian, wala siyang laya makapag-desisyon. Napatitig siya ng malayo sa karagatan, tinatanaw kung hanggang saan makakaabot ang kanyang paningin. Sana ay ganoon lang kadaling tumakas sa kinasasadlakan niya ngayon, talikuran ang anumang obligasyon at magpakalayo-layo.

Hindi na niya matutupad kailanman ang kanyang pinakamimithing pangarap na makasal sa lalaking kanyang iibigin. Isang perfect wedding at perfect groom na kanyang pinakamimithi.

Nakatakda siyang ikasal ay Marco Vargas. Isa sa pinakamayaman sa kanilang probinsiya at kilalang pulitiko sa kanilang bayan. Ginagalang dahil sa kanyang napakahusay na pamamahala at walang bahid ng anumang katiwalian.

Pero bukod sa mga katangiang ito, kilala din siya na may kahiligan sa magagandang babae. Bukod kasi sa pagiging matagumpay na negosyante at matinong pulitiko, sa edad na singkwenta’y singko, kababakasan mo pa din sya ng kakisigan nung kabataan niya.

Malaki ang utang na loob ng pamilya ni Trisha kay Marco. Nang mawalan ng trabaho ang kanyang ama na si Mang Bert sa pinapasukang shipyard sa Subic, umuwi na ito sa kanilang bayan at kinuha siya nitong personal driver simula pa noong hindi pa ito tumatakbo bilang Punong Bayan.

At di dun natapos ang pagtulong ni Marco sa pamilya nila. Siya din ang tumulong para makatapos ng kolehiyo ang dalawa niyang nakakabatang kapatid. Tinuring sila nitong parang kapamilya, dahil siguro sa nag-iisa lang itong namumuhay sa kanyang mansion simula ng mawala ang kanyang maybahay. Meron itong nag-iisang anak na sa hindi malaman na kadahilanan ay kinuha ng kanyang tiyahin para mamuhay sa Amerika.

Agad naputol ang kanyang pag-iisip nang dumating na ang kanyang kaibigan. Humahangos itong lumapit sa kanya.

Hoy bruha ka! San ka nagpunta kagabi?! Bakit bigla ka na lang nawala ng di man lang nagpaalam ha! Aba nag-CR lang ako saglit at medyo napa-chika paglabas, pagbalik ko wala ka na dun sa pwesto natin!” paninita ng kaibigang si Janet.

Napatitig lang siya at parang wala ni isang letrang masabi sa kaibigan. Tumulo na lang ang luhang kanina pa nya pinipigil at napayakap na lang kay Janet.

Wala nang nagawa si Janet kundi hagurin na lang ang likod ng kaibigan. Hinayaan niyang mailabas kung ano man ang bumabagabag dito. Pilit nya ring pinapatatag ang sarili dahil kagabi pa siya nag-aalala sa pagkawala nito na hindi man lang siya nakuhang i-text.

Ano ba nangyare sayo bes? OMG pati ako kinakabahan na. Saan ka ba nanggaling? May masama bang nangyari sayo? Sunod-sunod na tanong niya sa kumakalma nang si Trisha.

Napatitig siya kay Janet, di alam kung paano umpisahan magsabi sa kaibigan.

Bes, I… I… ughhh… I just had a one night stand.” halos pabulong niyang salita. Napamulagat na lang si Janet at napanganga.

“ANO! Pakiulit nga parang nabingi ko!” bulalas niya, di makapaniwala sa nadinig.

Bes sayo ko lang kayang sabihin to, pangako mo na wala kang pagsasabihang iba please!” pakiusap nya sa naguguluhang si Janet.

Teka teka wait… ahhhh nasisira na ba ulo mo?! Bakit? Ano pumasok sa isip mo bakit mo ginawa yan? Nakalimutan mo na ba na malapit ka ng ikasal!” sambit ni Janet habang sapo-sapo ang dibdib.

“Wag mo na ko sisihin please, basta pangako mo na lang na wag mo sasabihin kahit kanino, keep it a secret please!”

“Sagutin mo muna ko bakeeeet??… At sino ang mapagsamantalang lalake na nakagalaw sayo?!”

Tumigin lang ulit si Trisha sa karagatan saka nagsalita.

Lam mo bes, simula pa lang pagkabata di ba iisa pangarap ko. Makapaglakad papuntang altar habang natatanaw ko yung lalaking pakakasalan ko na puno ng pagmamahal. Yung lalaking pangarap ko makasama habambuhay, yung magiging ama ng mga anak ko.” pagpapatuloy nya.

Pero di na magkakatotoo pa yun bes, huhuhu… So I decided na lang na ibigay ang puri ko sa isang lalaking tumutugma sa pangarap ko. Yung kahit isang sandali lang inisip ko siya yung lalaking hinihintay at pinaangarap ko, huhuhu…” at dito na tuluyang nagpalahaw ng iyak si Trisha.

Napakunot naman ang noo ni Janet sa narinig.

Paano mo naman Ieexplain kay Mayor yan? Sa dinami-rami ng babaeng naging GF nun, bakit kaya ikaw ang gustong pakasalan ng wala man lang ligawang nangyari aber. Di ba alam nya NBSB ka, so ineexpect nya na siya bibiyak dyan sa flower mo!” pabirong sabi nito.

“Wala na kong pakialam bes. Kung talagang mahal nya ko, di yun ang hahabulin nya. Kung ayaw nya edi isauli na lang nya ko huhuhu…” patuloy pa din ang kanyang pag iyak.

“Haaaay ewan ko sayo luka-luka ka rin eh, di talaga kita maintindihan. Papable pa naman si Mayor ah, daming nagkakandarapa maging Mrs. Vargas… Ano ba talaga nakita mo sa lalaking yun at agad-agad eh bumukaka ka ha? Pogi ba? Kamukha ba ni Alden? Nakuha mo man lang ba name niya? Ano, sagoooot?! pag-uusisa nito kay Trisha.

Napanganga na lang siya ng marinig ang huling tanong ng kaibigan.

H-Hindi ko nga alam eh… di ko naitanong name nya.” sabay yuko nito. Napatampal na lang sa kanyang noo si Janet.

Ano ba pinainom sayo nun? Waaaah!!… Grabe ka kung magwala nagsisi tuloy ako bakit kita sinama pa dun sa event eh sabit lang din naman ako.”

Nag-iisip siya ulit kung ano nga ba ang dahilan, kung bakit nga ba. Sa tipo naman kasi ng lalakeng nakasama nya kagabi, di na kakailanganin pa ng kahit anong gayuma nun. Ngunit ang ganong klase din ang makikita mong di sumeseryoso ng babae, tipong di na marahil mabibilang ang mga babaeng nakaniig.

Pero kahit ganun ay wala siyang nararamdamang kahit konting panghihinayang, wala ni katiting na pagsisi. Dahil kahit sa huling sandali ay naramdaman nya ang katuparan ng isang parte ng pangarap nya, ang maisuko sa pinapangarap nyang lalaki ang kanyang puri.

Oh siya tara na bes, umuwi na tayo at masyado nang marami nangyari sayo dito, di ko na kakayanin pa kung meron pang susunod haaiist!” yaya ni Janet.

************************

Habang binabaybay ni Daniel ang kahabaan ng Roxas boulevard ay di pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari nang nagdaang gabi. Isa na namang babae ang nahulog sa kanya. Di na bago sa kanya ang karanasang yon ngunit may kakaiba sa dalagang nakaniig nya.

Ito lamang ang nang-iwan sa kanya matapos ang mainit na pinagsaluhan. Kadalasan ay siya ang gumagawa ng paraan upang maiwasan ang anumang emosyon na mabuo sa bawat babaeng nakakasama nya.

Ano nga ba ang meron sa dalagang iyon na bukod sa nuon nya lang nakita ay buong puso nitong ipinagkaloob sa katulad nya ang pinakaiingatang bagay nito.

May kung anong damdamin ang umusbong sa napakabilis na pangyayaring naganap sa pagitan nila. Damdamin na parang pamilyar sa kanya na matagal na niyang nakalimutan.

Lumilipad ang kanyang isip sa nangyari kagabi kaya’t di nya namalayan na papalapit na pala siya sa pedestrian lane at duon ay nagulat siya sa mga taong papatawid ng mga oras na yon.

Mabilis ang kanyang dating, mabuti na lamang at agad din siyang nakapagpalit ng tapak ng pedal. Umalingawngaw ang matiinis na tunog ng kanyang pagpreno at halos isang dangkal na lang ay mabubundol na sana nya ang mga tumatawid. Kita nya ang pagkagitla sa grupo ng mga pedestrian lalo na sa dalawang babae na mismong tinumbok ng kanyang sasakyan.

Reflex na napataas na lamang sya ng kamay sa mga tumatawid upang humingi ng pasensya, sabay dukdok sa kanyang manibela, di halos makatingin sa mga ito dahil sa labis na hiya.

“AAAYYYY!!!! ANO BAAAA! TUMINGIN KA NAMAN SA DAAN!” galit na bulyaw ng isa.

“Okay ka lang ba bes?” sabay hawak nito sa braso ng kasama at hinatak ito upang mapabilis ang kanilang pagtawid.

Titig na titig naman ang kasama nito sa lalaking nakaupo sa likod ng manibela at nakayukod. Tila ba puno ng panghihinayang na sana ay sinagasaan na lang siya ng sasakyang iyon para matapos na ang kanyang mga alalahanin, ang kanyang labis na lungkot sa nakatakda niyang pagpapakasal.

Itutuloy…

Scroll to Top