Lyka… Ang Maid Na Matandang Dalaga Nabingwit Ang Batambatang Amo (Final)

Agad akong nagpaalam sa mga amo ko para mag-resign. Sinabi ko na rin ang tunay na dahilan na nabuntis ako ng kanilang anak. Pero pinangako ko na hindi ako maghahabol sa anak nila at paninindigan ko na palalakihin ang bata nang mag-isa. Nakahihiya na isang 39 gulang ay pumatol pa sa 25 anyos na binatang tulad ni Friedrich. Hindi ako bagay sa kanya. Isang probinsiyanang tsimay lang ako na walang ipagmamalaki kahit ganda man lang. Sino ba ako na magdemanda ng kasal sa amo ko? Sa chubby kong katawan at sa kapandakan na 4’11”, wala akong karapatang ikumpara ang sarili sa mga babaeng naikama na ni Friedrich na bagamat alam kong palipas oras lang niya ako ay nagawa ko pa ring mahalin siya nang lihim.

May pagkapilyo, na may pagkabastos ang dating sa iba ang ugali niya pero alam ko kahit paano ay mabait at karapat-dapat mahalin ang binata pero alam kong hindi ako iyon kaya para hindi na maging komplikado ang lahat ay umalis na lang ako sa poder ng mga amo ko.

Bagamat inalok ako ng suportang pinansyal ng mag-asawang Schulz ay hindi ko na ito tinanggap para wala nang dahilan para ma-obliga silang panagutan ang pambubuntis ng anak nila. Wala noon si Friedrich na nasa US dahil sa negosyo.

Pagbalik ko sa Pinas, malugod pa rin akong tinanggap ng mga magulang ko at kapatid ang aking pagbubuntis. Ang importante sa kanila ay nakabalik ako na nang ligtas at maayos at kahit paano ay may anak akong pagbubuhusan ng pagmamahal. Masaya ako na magkakaanak na ako kahit walang asawa. At least, hindi na ako tatanda pa mag-isa. Mapalad pa nga na maituturing dahil nalahian ako ni Friedrich. Malamang magiging maganda o gwapo ang aking magiging anak tulad ng ama niya.

Ilang linggo pa lang ang lumipas at nagulat na lang ako isang araw nang dumating sa bahay ang mag-asawang Schulz kasama si Friedrich na tila namamanhikan.

Nagpaalam si Friedrich kung puwede akong makausap nang personal kaya saglit muna kaming lumabas ng bahay hanggang sa maglakad kami sa baybayin ng dagat.

“Why did you come here?”, tanong ko.

“You left without saying goodbye. Lucky for me, mom and dad is a member of the Chancellor’s delegation who will conduct business with your government counterparts so I decided to come along with them. Also, I miss you.”

“Don’t say that sir. What we did…”

“Was special my love. I know I sound crazy at this point but this is what I am feeling for you. Don’t ask me because I cannot explain it. Somehow along the way, I fell in love with you.” sabi ng binatang Aleman.

“Sir…”, naguguluhan at hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Kahit may konting kilig din akong nararamdaman.

“I am not asking you to answer my feelings back. Let me prove to you how sincere I am.”

Marami pa kaming pinag-usapan pagkatapos noon. Nang bumalik na ang mag-asawa sa Germany, naiwan si Friedrich sa siyudad at doon tumira dahil mayroon siyang bagong negosyo na itinayo: isang hotel kung saan siya mismo ang nagpapatakbo nito.

Lingguhan siyang pumupunta sa bahay para bisitahin at alagaan ako hanggang sa manganak ako. Pilit niya akong sinusuyo ngunit ako’y medyo nagpakipot pa rin.

Sa puntong iyon ay halos hindi na niya ako nilubayan. Hanggang nang inalok niya ako ng kasal, pumayag na rin ako dahil napamahal na rin ako sa kanya. Yun naman ang talagang hinihintay kaya hindi na ako nagpakipot pa.
Natuloy ang aming kasal nang halos 6 na buwan na ang pagbubuntis ko. Sa gabi ng pulot-gata ay hindi kami napilgil ni Friedrich na magniig kahit buntis ako. Iningatan na lamang niya akong niyari at ginamitan ng posisyon na hindi makasasama sa baby namin. Sa muli ay naranasan ko ang hindot na hinahanap ko. At alam ko habang-buhay ko na itong malalasap sa piling ng aking batambata at machong asawa. Nakakakiliting isipin na napasa-akin ang gwapong binatang ito. Malamang marami ang nagtataka kung anong meron ako o kung may ginawa ako para mahumaling ang lalaking ito. Ang masasabi ko, swerte ko lang ito. Hindi ko ito hinanap bagkus kusang nakamit ko na bigay ng tadhana.

Nagpasiya nang dito na manirahan si Friedrich. Kasama si Dirk, ang panganay naming anak, bumukod kami ng tirahan at nanirahan na sa siyudad para matulungan ko ang asawa ko sa pagpapatakbo ng hotel bilang manager. Nabuntis ulit ako ni Friedrich ng 2 beses pa bago ako nag-menopouse. Kaya 3 lalake ang inanak ko, puro gwapo kamukha ng daddy nila. Enjoy sana akong palahi sa brusko kong asawa kaso dahil sa aking edad ay hindi ko na rin makaya. At least naka-tatlo kami.

Ngayon ay 50 na ako at si Friedrich ay 35. Higit na lumakas ang dating ng asawa ko dahil sa maturity. Lumabas lalo ang pagiging lalake nito sa mukha at katawan. Humaling na humaling ako sa kanya. Im sure ganun din siya sa akin. Hanggang ngayon ay nalalasap ko ang sarap ng pagniniig. Maganda at panatag na ang buhay para sa akin. At akala ko pa naman ay wala na ang forever ko.

Hanggang dito na lang, Mareng Lyka. Sana ay magkita naman tayo, kung hindi man dito sa Pinas ay sa Germany pag-bumisita kami ng pamilya ko. Pero pakiusap ko lang na huwag mo sana akitin ang asawa ko. Alam ko mahilig ka. Natandaan ko na minsan ay nagbiro ka sa akin na gusto mong tikman si Friedrich. Please lang, binabalaan kita, mare! Kung tututohanin mo yun eh baka magdilim ang paningin ko syo. Maliwanag?! Sana ay nagkakaintindihan tayo. Regards kay Pareng Heinz Focker!

Hanggang sa susunod,

Mareng Aning

Scroll to Top