ni daks_bogmali
Ang ganda ng gising ni Weng, maaliwalas ang mukha at halatang nakatakas na siya sa mga gawain sa school. Bakasyon na nga. Si Weng na 18 anyos na dalaga, solong anak at isang incoming College Freshman sa susunod na pasukan.
Natapos man ang pasukan, ngunit nagsisimula pa lang ang mainit niyang pagbabakasyon.
”Weng, alam kong gising ka na riyan bumaba ka na rito nang tayo ay makakain na.”, sigaw ni Mama mula sa kusina ng bahay. “Susunod na po, ma!”, pasigaw kong tugon kay Mama.
”Salamat, bakasyon na nga”, pabulong sa aking sarili.
Pagbaba ko ay nakahain na ang pagkain at sabay na kami kumain ni Mama. Habang kumakain,
”Anak, excited ka na makita ng lolo Victor mo. Mga 8 taon na rin kayong hindi nagkikita ng lolo mo mula noong mamatay ang iyong lola, dadalawin natin sya at doon ka muna magbakasyon habang hinihintay natin ang mga resulta ng mga entrance exams mo. Okay?”, ani ni Mama.
”Pero ma, pwede po bang saglit lang ako doon? I’m sure maboboring lang ako dun.”
”Andun naman ang mga pinsan mo anak, mga kasing edad mo na rin yung mga yun. Magkakasundo kayo nun for sure.”, hikayat ni Mama. Napatango na lang ako, dahil wala na rin naman akong choice dahil aalis din si mama para sundan si papa abroad para sa tinatayong business nila.
Habang kami ay nasa byahe, tila nanaginip ako na may humihila sa mga paa ko, at bigla akong napasigaw sa takot at sakto namang malapit na kami bumaba ng bus aming sinasakyan.
”Nak, gising na, mukhang nanaginip ka. Tayo na at pababa na tayo.”
Pagbaba namin sa terminal, may sumalubong samin na isang lalaki, 5’6 ang taas dahil 5’5 ako kaya medyo tansya ko ang height nya, kayumanggi ang balat, ngunit bakas mo ang tindig nya at ang maputi niyang ngipin. Tingin ko ay nasa 35 anyos na sya. “Oh iha, magmano ka sa tito Dennis mo”, utos ni Mama.
Ako ay nagmano sabay inabot niya ang mga gamit namin. “Ito na ba si Rowena? Ang laki na ah!”, banggit nya kay Mama. “Oo Dennis, mana ba sakin?”, tugon ni Mama sabay tawa.
”Si ate talaga, osiya tara na at baka lumamig na yung niluto kong tinola sa bahay.”, ani ni tito Dennis.
Hindi naman kalayuan ang bahay nila tito, mga 15-minute ride lang na tricycle mula sa mismong terminal. Dumating kami sa bahay nila tito at mukhang siya lang ang tao roon. Tahimik at feeling probinsya talaga, may dalawang palapag ang bahay nila lolo, may tatlong kwarto sa taas, may veranda at mini-garden sa labas.
Habang kumakain na kami ng nilutong tinola ni tito,
“Oh Dennis, sayo ko muna ipapaubaya ang anak ko ngayong bakasyon ah”, ani ni Mama. “Ipakilala mo rin siya sa mga pinsan niya”, pahabol niya.
”Ate, nagbakasyon ang mga pinsan niya sa ibang lugar. Kaya nga lungkot na lungkot si Tatay dahil wala siyang mapuntahang apo”, sagot ni tito. “At ako naman ay susunod sa Batangas kila Ate Vane sa susunod na linggo”.
Panganay na kapatid nila si Tita Vane, yung isa ko pang tito sa abroad na walang pamilya na siyang nagpapadala kay lolo madalas, sumunod si Mama at bunso si Tito Dennis.
“Hala, eh sino ang kasama ni lolo dito at magbabantay kay Weng? Maboboring lang ang bata rito, edi sana pinasama ko na lang sya kila ate Vane sa Batangas.”, paliwanag ni Mama.
”Ate, pasensya na kung ngayon ko lang nabanggit, biglaan din kasi. Kaya naman ni lolo alagaan si Weng at dalaga naman na. Di ba Weng?”, sabay ngiti sakin.
“Oo ma, kaya ko naman dito, may wifi naman at mukhang kaya ko naman manirahan dito habang nagbabakasyon. Namimiss ko na rin ang bonding namin ni lolo dati habang namimitas kami ng mga prutas sa bukid.”, paliwanag ko kay Mama para mawala ang pangamba niya.
“Sige anak, magpapakabait ka rito ah. Yung mga bilin ko sayo ah, be a good girl here. Huwag pasaway kay lolo at kay tito mo”, ani ni Mama. “Yes, ma.”
”Ate di ka na ba magstay dito?”, tanong ni tito. “Hindi na Dennis, nagtext na rin si Tatay, kakatapos niya lang daw maggym at baka magkita na lang kami sa terminal ng bus para magpaalam dahil maaga pa ang flight ko bukas”, tugon ni mama. “Osya Dennis mauuna na ako.”
”Sige ate, hatid ko na po kayo”, alok ni tito. “Kaya ko na ito. Anak, Weng makinig ka kay lolo mo ah, wag maging sakit ng ulo. I love you”, sabay halik sakin ni mama sa noo.
”Ingat Ma, I love you too”, tugon kay mama. “Ingat ate”, pasigaw ni tito habang papalabas si mama ng gate.
Napaisip ako dahil si lolo ay nagygym pa. Napaisip ako ng mga gagawin kong activities upang di ako maboring sa bakasyon ko. “Weng, ako’y lalabas muna at mamamalengke para may pagkain tayo mamaya at para bukas, may gusto ka bang ipabili? Or kainin man lang?”, tanong ni tito. “Anything tito, di naman po ako pihikan sa pagkain eh, basta po masarap”, tugon ko sa kanya.
Pagkaalis ni tito ng mga ilang oras ay may biglang kumatok sa front door. “Weng?”, alam kong si lolo na iyon at agad kong binuksan ang pintuan. Pagbukas ko ay si lolo Victor nga, agad akong nagmano sa kanya at niyakap ko sya dahil sa sobrang pagkamiss, dahil 10-anyos pa lang ako noon, nung huli naming pagkikita.
“How are you apo ko? Grabe ang laki mo na. Kelan lang eh uhugin ka pa noon. Hahaha. Dati rati pumipitas tayo noon ng mga prutas sa bukid para ipasalubong sa lola mo, ngayon eh dalaga ka na.”
”Namiss ko nga iyon lolo eh.”, tugon ko sa kanya. “Pasensya na at pawisin ang lolo, galing sa gym. Alam mo na, kailangan magpalakas dahil tumatanda na ang lolo mo.”, sabay tawa.
Nagpunta si lolo sa CR. At pagkalabas niya ay wala na siyang pangtaas dahil sa dami ng pawis nito. “Oh iha, aakyat lang ang lolo upang maligo ah, feel at home. May wifi naman dyan at tv.”, ani niya. “Sige lo”.
Nagulat ako sa nakita ko kay lolo, di ko naimagine na magiging ganoon kaganda ang katawan niya, batak na batak ang muscles at kahit nasa edad 60 na ay di bakas sa kanya ang tunay na edad nya. Kasing batak niya si tito Dennis, maugat na biceps, defined chest at abs. At di ko naamoy sa kanyang pawis ang amoy matanda. Super health conscious kasi si lolo ayon kay mama, nakakaproud dahil may lolo akong cool.
Habang naliligo si lolo sa taas ay bigla namang dumating si tito Dennis nang may dalang pinamili at lulutuin namin.
Itutuloy…