ni BellaVictoria
A/N:
– Firstly, I would like to apologize that it took me a while to update this story (again, I know!). Life has been so busy lately wih work leaving me no time to actually write.
– Secondly, when I decided to continue this story, I have laid out the plans for Baste and Martine, it was all good stuff but I think I will not have enough time to finish the story that’s why I’m cutting the story shorter as planned. I could go on, but I get too pressured when there are people asking me “asan na po otor ang kasunod?” It’s flattering but at the same time, nakakapressure. 🙂
– And since I am wrapping up the story, this chapter will not have any erotic scene. I hope you guys can bear with me.
Cheers!
**
Tinabihan ko ulit si Marie sa kama. Inakap ko sya.
“Tara na, dinner time na maya-maya.” Bulong ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero alam ko na narinig nya ako.
Bumangon ako at naghanap ng maisusuot na damit. Dahil malinis pa naman ang hinuhad ko kanina, iyon na rin ang isinuot ko. Bumangon na rin si Marie nang makita nya na nagbibihis na ako. Pumasok sya sa CR at mabilis na nagshower.
Mag-aalas siyete ng bumaba kami sa cottage na nakareserve para sa group namin. Naka serve na ang dinner, andoon na si Dylan at Mico at ang iba pang family members ni Brad. Mga bandang alas otso y medya nang matapos kaming kumain. Sakto naman na dumating ang ermats ni Brad. Nagrereklamo na masyado daw ma-traffic.
Lumapit ang ermats ni Brad sa table namin, saglit syang nagpahinga habang wala pa ring tigil sa pagreklamo sa iba pang bagay. “First world problems” lalo ng mga babae. Napatingin sya kay Marie pagkatapos ay sa akin, at ibinalik ulit nya ang tingin nya kay Marie. Nakataas ang kilay nya sabay talikod at pumunta sa kabilang table. Mabuti na lang at hindi naman nakatingin si Marie sa kanya. Maya-maya ay lumapit ulit sya sa table namin.
“Dylan, hijo. May balita ka ba kung makakauwi si Martine?” Magkatabi kami ni Dylan. Hindi naman ako ang tinatanong nya pero sa akin sya nakatingin.
“I’m not sure, Tita. Matagal na po kaming hindi nagkakausap.” Napatingin din sa akin si Dylan.
“How about you, Baste? Do you know…?” Hindi na nya natapos ang kanyang tanong dahil dumating si Brad.
“She can’t make it, Mom. Busy sya with work.” Si Brad na ang sumagot sa tanong nya.
“Very well…” napatingin ulit sya kay Marie at nagtaas ng isang kilay. Tumingin din sya sa akin bago tuluyang tumalikod.
“Sorry guys ha, medyo pagod lang si Mommy sa byahe.” Pagpapaumanhin ni Brad. Tumayo ako para tapikin sya sa balikat. At nagkaintindihan na kami.
Maaga rin nagsipag-alisan ang mga tao sa cottage. Maaga daw silang magpapahinga para makapag beauty rest pa for tomorrow. Nang magpaalam si Dylan ay sumunod na rin kami ni Marie. Naglakad-lakad muna kami sa may clubhouse at pinanood ang mga bata na naghahabulan sa may kiddie pool. Alas-diyes na rin nang makarating kami sa aming kwarto.
Saglit kaming nagpahinga, after a while ay nagdecide na si Marie na magshower. Inayos ko ang isusuot ko bukas, buti nadeliver din ng laundry department ang request namin for ironing. Hindi rin nagtagal at lumabas na si Marie ng bathroom. Naka oversized T-shirt sya na may print ng pangalan ng company na pinagtatrabahuhan nya. Dahil hindi naman ako masyadong pinawisan ay mabilis lang din ako nakatapos mag shower at toothbrush.
Nahiga ako sa tabi ni Marie. Naglalaro sya ng kung ano sa phone nya. Humarap ako sa kanya, ibinaba nya ang phone nya, ini-lock nya iyon at ipinatong sa bedside table. Ilang minuto din kaming nagtitigan. Maganda si Marie, pero hindi ko sya gustong mahalin dahil sa kamukha sya ng taong minahal ko, at aamin ko, na mahal ko pa rin hanggang ngayon. Alam ko na marami pa akong gustong makilala about her and gusto ko na ganoon din sya sa akin.
“Goodnight na…” Dinampian ko ng halik ang kanyang labi.
“Goodnight.” Ngumiti sya sa akin.
“Bakit?” Tanong ko.
“Wala naman…”
“Bakit nga? What’s bothering you?” Hinila ko sya papalapit sa akin.
“Medyo scary yung nanay ng kaibigan mo.”
Natawa lang ako dahil masungit talaga ang ermats ni Brad. And totoo nyan, wala syang kinakausap masyado sa amin bukod kay Martine. Ilang beses din nyang sinabi sa harapan namin na gusto nya daw si Martine para kay Brad kahit pa daw ganoon ang naging gender preference ni Martine.
“Ahh, huwag mo na pansinin ‘yon. Ganun talaga sya sa amin. Nasanay na lang kami.”
“Hindi mo naman kasi sinabi na yayamanin lahat ng andito. Hindi ako sanay.” Medyo natawa sya sa sinabi nya, pero na sense ko ang awkwardness sa boses nya.
“Okay lang yan. Hindi naman payamanan ang contest dito. Besides, bukas mo lang naman sila makikita. And you’ll be with me naman most of the time, kaya don’t worry.” Hinalikan ko sya sa pisngi.
“Let’s go to sleep na.” Sabi ko, at ipinikit ko na ang mata ko. Maya-maya…
“Baste…?”
“Hm?” Mahina kong sagot. Hindi ko na minulat ang mata ko.
“Sino si Martine?” Hindi ako nakasagot kaagad. Pinakiramdaman ko kung eepekto ba ang pagtutulug-tulugan ko kay Marie.
“Baste!” Tinapik nya ang braso ko. Iminulat ko ang isa kong mata. Kunyari pang naghikab ako.
“Ano ulit? Sorry, napaidlip na ako.”
“Sabi ko, sino si Martine?”
“Ahhh. Barkada namin ‘yon simula pa noong bata kami. Ka-banda rin namin, basist. Si Dylan ang pumalit sa kanya.”
“Nasaan na sya?” Diretso ang tingin sa akin ni Marie.
“Nagpunta sya sa US. Last year lang.”
“Sya ba yung Martine na nabanggit mo dati?”
“Ha?! Kelan?” This time napahikab na talaga ako nang totoo.
“Dati…noong nagchat tayo after natin mag hamg out one time sa bar.”
“Ahhhh! Oo, sya yun. Sorry ah, nasanay lang. wala naman kasi masyadong difference ang Marie sa Martine.”
“Kaya pala hinahanap sya ng nanay ni Brad.”
“Yeah. Cream of the crop sya sa amin. Unang-una, sya lang ang babae kaya sya ang unang napapansin and aside from that, talented sya tapos mabait din.” Ipinikit ko ang aking mata. Para bang nag flash ang mukha ni Martine at ang iba’t-ibang scenes sa buhay ko na kasama sya habang idine-describe ko sya kay Marie.
Hindi ko na narinig kung may sinabi pa ba sya. Nagulat na lang ako sa alarm ng telepono ko. Alas sais na ng umaga. Ginising ko si Marie pagkatapos ay naghilamos at nagtoothbrush kami, mabilis kaming bumaba para mag breakfast at dali-dali ring bumalik sa kwarto para mag prepare para sa alas nuwebe na kasal.
Dahil isa ako sa mga groomsmen, mas maaga ang call time namin. Sinabi ko na lang kay Marie na magkita kami sa location ng ceremony sa beachfront, na icha-chat ko sya kapag papunta na ako doon.
**
Alas otso ng umaga nang mag chat ako kay Marie na pababa na kami sa may beachfront. Magkakaroon muna kami ng kaunting photoshoot kasama si Brad. Eto ang sa totoo lang, nakakapagod na part sa kasal, ang mag picture.
Bandang 8:30 nang matapos ang photoshoot. Pumunta na rin kami sa may entrance ng isle na dinecorate-an ng magandang arch ng bulaklak. Ito rin ang pinaka entrance ng lahat ng bisita. Maliit na celebration lamang iyon. Sa tantya ko ay wala pang 200 na seats ang naroon.
Umusod kami ni Marie sa may bandang likuran pa ng entrance. Andoon kasi ang family ni Brad na bumabati sa mga bisita na kakilala nila kahit pa ilang beses na sila sinabihan ng wedding coordinator na huwag mag-stay doon at lumayo ng kaunti. Sumunod naman sila, umusod sila nang mga isang metro lang.
“Ayyyyyyy!”
Nagulat ako nang biglang napasigaw si Marie at tumakbo para salubungin ang dalawang babae na naglalakad papalapit sa amin. Nagsigawan sila at nagyakapan. Nang marealize nila na medyo gumagawa sila ng eksena, natahimik sila pareho at natatawang nagbulungan na lang. Patakbong lumapit sa akin si Marie at hinila nya ako papalapit sa dalawang babae.
Para akong natuklaw ng ahas sa nakita ko. Maayos nang nakatayo ang dalawang babae habang papalapit kami sa kanila. May ibinubulong ang isang babae sa isa na unang tingin ko pa lang ay alam ko na kung sino sya sa buhay ni Marie.
Halos ilang hakbang na lang ang pagitan namin sa kanila pero hindi ko alam kung tatakbo ba ako papalapit o babalik sa kinatatayuan ko or tatakbo na lang palayo. Hindi ko alam.
“Baste, eto pala yung Ate ko. Si Marla. Ate, this is Baste, ahm, boyfriend ko.”
Mabilis akong napalingon kay Marie right after nya sabihin na “boyfriend” nya ako. Wait, wait, wait, teka lang! Kailan pa kami naging magkarelasyon? Napatingin ako kay Marla. Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay.
“Baste. Nice meeting you.” Ngumiti lang ako.
“Nice to see you here.” Mabait na bati naman ni Marla. Medyo hawig sila ni Marie, lamang ay mas matangos ang ilong ni Marla at mas lighter ang kulay ng balat nito.
“Ma’am, this is my younger sister, Marie. Pasensya na po kasi naexcite sya. Hindi rin po kasi namin ineexpect na magkikita kami dito.” Sabi ni Marla sa katabi nya.
Ngumiti ang kasama ni Marla. Kilala ko ang ngiti na iyon. Pero hindi ko masigurado dahil masyadong iba rin ang hitsura nya sa taong kilala ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko, at alam ko ang pakiramdam na ito. Nararamdaman ko lang ang ganitong tibok kapag kaharap ko ang isang tao na malaking parte ng buhay ko.
Hindi ko maiwasan na tingnan sya, mula ulo hanggang paa. Naka maxi dress sya na flowy ang tela. Kulay dagat. Seafoam yata ang tamang tawa doon. Green pero hindi masyadong green. Kung ako naman ang tatanungin, kulay pale green lang ang masasabi ko. May print iyon ng maliliit na bulaklak.
Naka flat shoes sya na pointed. Akala mo licensed to kill. Nakashades na Gucci. Nakita ko na iyon before, I know. Maayos ang pagkaka make up nya. Saktong pagkapula ng labi.
“Hi Marie…” Dahan-dahan nyang inabot ang kamay nya kay Marie. Nang maglapat ang palad nila, inalis nya ang suot nyang shades gamit ang free nya na kamay. Napanga-nga ako. Literal. Hindi ko nga alam bakit nagulat pa ako, pero gulat na gulat pa rin ako.
“I’m Martine.”
Magkahawak pa ang kamay nila, napatingin sa akin si Marie.
“H-h-hi po, Ma’am.” Halos mabulol na sagot ni Marie. Kita sa mukha ni Marie ang pagka surprise. Kagabi lang, tinatanong nya sa akin sino ba si Martine, tapos eto sya, kasama ng Ate nya na nasa harapan nya.
“Martine na lang.” nakangiti si Martine sa kanya.
“M-martine, ah eh, b-boyfriend ko p-po, si Baste.”
Gusto ko ulit mag cringe sa pagkakasabi nya na boyfriend nya ako. Hindi ko naman masabi na “Hindi ah.” Kahit medyo may bahid ako na pagka fucktard, gentleman naman ako sa totoong buhay.
Tumingin sa akin si Martine, ngumiti. Tumigil ang mundo ko. Parang nabingi ako. Wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko. Andito si Martine sa harap ko. Pero hindi sya ang Martine na kilala ko. Napatingin ako kay Marla na halatang nalilito at naguguluhan din sa nangyayari.
“We know each other, thanks.” Nakangiting sagot ni Martine kay Marie. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman or naiisip ni Marie pero ako, ang totoo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Good to see you, Baste.” Iniabot ni Martine ang kamay nya sa akin. Nakangiti pa rin sya.
“May girlfriend ka na pala.” Dugtong pa nya, may pagka condescending ang tono.
Inabot ko ang kamay nya. Naglapat ang mga palad namin. Malamig at tila mahina ang mga palad nya. Napansin ko rin na manipis ang mga daliri nya, bagay na hindi ko nakasanayan kapag hinahawakan ko ang mga kamay nya noon.
“H-hi, M-martine.” Ako naman ngayon ang nabulol.
“You look different.” Yun lang ang nasabi ko. Saka ko narealize na hindi dapat iyon ang sinabi ko.
Totoo naman na iba ang hitsura nya. Bukod sa malaki ang ipinayat nya, ngayon ko lang sya nakita na may mahabang buhok na halos hanggang kalahati ng likod nya. Kulay dark brown iyon na siguro ipina-parlor pa nya or malamang ay inayos nya, may malalaking curls iyon na bumagay naman sa kanya.
“You look the same to me.” Sagot nya sa akin. Sabay bitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Humawak sya kay Marla na maingat namang umalalay sa kanya.
“We’ll go ahead. See you both around!” Nakangiti si Martine kay Marie at pakiramdam ko naman ay nag iba ang timpla nya nang mapadako ang tingin nya sa akin.
Sinundan ko sya ng tingin, may ibinulong na naman si Martine kay Marla. Halos isang dipa lang ang layo nila sa amin. Tumigil si Marla at naglakad si Martine papalapit kay Brad na noon ay kausap ang pinsan nya.
Tumayo sya doon habang pasimpleng kumakaway kay Brad para makuha nya ang attention nito. Natigilan si Brad ng makita nya si Martine. Patakbo syang lumapit kay Martine. Walang Sali-salita, mabilis nyang inakap si Martine.
“Martine, Martine, Martine!!!”
Kahit pa maingay ang paligid, natahimik ang lahat nang sumigaw si Brad. Napatingin ang karamihan sa kanila. Nakita kong umiiyak si Brad na akala mo si Martine ang papakasalan nya, hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap kay Martine.
Malapit lang sila sa kinatatayuan ko at kitang-kita ko kung paanong halos matumba si Martine. Mabuti na lang ay naka-yakap siya kay Brad. May ibinubulong si Martine sa kanya, lalong humigpit ang yakap ni Brad sa kanya.
“You surprised me!” Kitang-kita sa mukha ni Brad ang saya nya.
Nang maghiwalay sila, andoon na si Mico sa tabi nila, mahigpit ding inakap si Martine. Nagtawanan sila. Napatingin sa akin si Mico, at alam ko na kung ano ang ibig sabihin noon. Pero hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa.
Patakbong lumapit si Dylan sa kinatatayuan nila Mico, Martine at Brad. Nagyakapan din sila at hinalikan ni Dylan ang magkabilang pisngi ni Martine. Napahawak sa akin si Marie. Pinipisil nya ang braso ko. Tumingin ako sa kanya.
“Go!” Pabulong nyang sabi, sabay nguso pa sa direction nila. Napatitig ako sa kanya.
“Ikaw na lang ang kulang doon.” Mahina nyang sabi.
Marami nang tao ang dumaan sa harapan namin. Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam. Halo-halo na naman ang nararamdaman ko at ang tumatakbo sa isip ko. Akala ko galit ako, nagtatampo? Pero bakit para bang nawala lahat ng iyon at natotorpe na naman ako?
Naglakad ako papalapit sa kanila. This time, katabi na ulit ni Martine si Marla. Nakahawak si Martine sa braso ni Marla. Bago ako makalapit ay naunahan ako ng ermats ni Brad. Sya naman ang nakayap kay Martine.
Nakahawak pa rin si Martine kay Marla at ang isang braso ay nakayakap din sa ermats ni Brad. Hindi na ako nagka chance na lapitan sya dahil nang maghiwalay sila ni Tita ay inakay na nito si Martine papunta sa mga upuan.
Bumalik ako sa tabi ni Marie. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinawag na rin ako ng coordinator dahil mag-uumpisa na.
“Maupo ka na, kung may space pa sa tabi ng Ate mo, doon ka na maupo. Kung wala, i-message mo ako and magkita ulit tayo dito after ng mass.”
Gulong-gulo ang isip ko habang naglalakad hanggang sa marating ko ang pwesto naming mga nasa entourage. Pakiramdam ko ay nadurog ng isang libong beses ang puso ko.
Hindi ko maialis sa isip ko si Martine. Ang hitsura nya, ang kalagayan nya dahil alam at ramdam ko na may mali. Nurse ang kapatid ni Marie sa US, sino ang magaakala na si Martine pa pala ang inaalagaan nya. Sobrang liit ng mundo.
Gusto kong matapos na agad ang kasal ni Brad para makausap ko si Martine. Gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya na balewalain sya. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit, mas mahigpit pa sa pagkakayakap ni Brad sa kanya. Gusto kong ako na lang ang hawakan nya, ang umalalay sa kanya. I just want to be there for her again. Kahit as a friend lang.
Tumugtog na ang music at naglakad sa kami sa isle. Nakaupo si Martine sa dulo na malapit dito kaya hindi ko napigilan na huwag syang sulyapan pagdaan ko doon. Ngumiti lang sya, tipid na ngiti, I smiled at her too, pero hindi na nya nakita dahil yumuko sya. Parang kinurot na naman ang puso ko.
Natapos ang mass. Nag gather pa rin ang mga tao para sa picture taking. Napansin ko na lumapit ang wedding coordinator kay Martine at may sinabi. Ngumiti lang si Martine in return. After a few minutes, tinawag kami ng coordinator: ako, si Mico at si Martine. Tinawag din si Dylan sa next shot.
Pagkatapos ay pina-iwan ang lahat ng groomsmen at bridesmaids. Inip na inip na ako dahil gusto ko na makausap si Martine, at hindi ko rin nakakalimutan na hinihintay ako ni Marie. Sa buong buhay ko, hindi ko naisip na maiipit ako sa ganitong sitwasyon.
I looked around para hanapin nasaan si Marie. Nakita ko syang nasa isang sulok malapit sa entrance, our eyes met at kumaway sya sa akin. I smiled at her. Kasabay noon, nakita kong naglalakd na si Marla at Martine palabas. Tumigil sila saglit at may sinabi kay Marie. Tumango lang si Marie.
Ilang beses din akong napagsabihan ng photographer na mag focus daw ako. At dahil ayoko i-spoil ang moment na para naman talaga kay Brad, sumunod lang ako sa lahat ng gusto nilang gawin. Pasulyap-sulyap ako sa paligid, para lang alam ko kung saan ko pupuntahan si Martine. Ilang beses na nagtama ang mata namin ni Marie. I could be wrong pero alam ko na marahil kung ano ang iniisip nya.
Nang matapos ang picture taking, nagpaalam ako kay Mico at Dylan. Sinabi ko na magkita na lang kami sa reception area. Busy si Brad kaya hindi ko na sya inistorbo. Mabilis kong nilapitan si Marie.
“Saan daw pupunta sina Ate mo?”
Napanganga si Marie. Magsasalita yata sya pero ilang beses nyang binuksan ang bibig nya but in the end wala naman syang sinabi. Napailing na lang sya. Alam ko, na mali ako. Alam ko na mali ang ginawa ko.
“I’m sorry, so sorry Marie…” hinawakan ko ang braso nya.
“Sya ba ang mahal mo?” Nakatingin sya sa akin. Kinabig ko sya papalapit sa akin. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko. Ilang beses akong napabuntong-hininga.
Pinili ko na lang na huwag sumagot.
To be continued.