Mga Liham

ni CyChris

Liham Panawagan

From Anonymous

June 2014

Sa kinauukulan,

Adios patria adorada, ano kaya ang nararapat na parusa?

Sa asawang lalaki na nagbabahay ng kanyang kerida.

Nambubugbog na nga, hindi pa nagbibigay ng pera.

Wala na ngang trabaho, panay pa ang toma hanggang umaga.

Ngayon ay pangit na ang mukhang dati ay ubod ng ganda.

Puro pasa at ang tenga ay rindido na sa mga tungayaw at mura.

Ang luma niyang daster, panty at bra ay manggigitata na.

Kelan ka ba lalaban para makamit mo ang ginhawa?

Minsan naman nasa babae ang problema.

Pagod na si lalaki panay pa ang pagbubunganga.

Selos nang selos wala namang ebidensiya.

Sa mga nangingikil sa mga miyembro ng toda.

Lie detector test para sa mga kaduda duda…

Galing ba sa masama ang ipapakain mo sa pamilya.

Paano na ang mataas na pangarap ni Nena?

Paano pa siya magiging de kampanilyang abogada.

Kung kahit pangalan nya at di maisulat o mabasa?

Adios patria, adorada… Ano kayang magandang kaparusahan?

Ang kaban ng bayan, ibinulsa ng mga taong gahaman.

Nagpapakasasa sa perang hindi nila pinaghirapan.

Lumabas na pero alin nga ba ang tunay na listahan?

Ang mga kasali lahat halos ay mga taong nakapwesto sa pamahalan.

Kawawa naman ang taong bayan, ninakawan na ay hindi pa nalalaman.

At ang salarin ay tila nagpapaikot lamang, wala daw siyang matandaan.

Tila lumiliko na ang pangakong tuwid na daan.

Paano tayo uunlad kung ang mga lider natin ay panay tiwali?

Alalahanin nyo si Garci, na phone pal ng dating presidente.

Sa buong bansa, si madam ay humarap at sinabing ‘I am Sorry’.

Pero sa kaso niya ay wala pa ring nangyayari.

Hustisya para sa mga namatay na members ng media.

Sa lupa napadilig ang mga dugo at pawis nila…

Kung saan sila ibinaon ng back hoe’ng dambuhala.

Pansinin nyo ang inyong kapaligiran, maganda bang halimbawa sa mga bagong kabataan?

Beerhouse, magdamag na pasugalan at mga babaeng nagkukubli sa pusikit na kadiliman.

Mga bagay na sinasabing nagbibigay ng sandaling mga kaligayahan.

Pero ang dala nama’y problema sa iyong kalusugan, maging sa kabuhayan.

Dahil ba sa mga kasamaan kaya ang bansa nati’y tila pinarurusahan?

Baha, lindol, bagyo at kaguluhan dala ng hindi pagkakaunawaan.

Laboratoryo ng droga at ang mga marijuana’y may malawak na taniman.

Kahon ni Padora ay nabuksan at nasilabasan ang laman.

Pagnanasa, inggit, poot, katakawan. kasakiman, katamaran at kayabangan.

Pero huwag mag-alala dahil may pag-asa pang naiiwan.

Lubos na umaasa,

Inang Makabayan

Ansabe ni ENGEL Bebepong :

Ang lahat ng mga tao ay may kanya kanyang personal na mga problema na bahagi na ng mga buhay natin. Paano pa ang bansang tinitirahan at pinapatakbo natin? Eh di syempre panay problema rin kakaharapin. Problema sa edukasyon, sa taas ng bilihin, mga kriminalidad, mga abusadong may kapangyarihan, trapik, mga baha, walang trabaho, at marami pa. Mga problemang kinakaharap ng bawat bansa at ng mga taong nakatira sa bawat kanilang mga bansa. Ang problema ay may matagal o may mabilis na gamutan iyan, matagalan o mabilisang solusyunan… as individual what I can do is kung di mo kayang solusyunan ang problema ng bansa (sure namang di ka super hero para magawa iyon) ang dapat mo lang gawin ay maging mabuting tao at mamamayan. Huwag kang gumawa ng masama, sumunod sa mga batas, sumunod lalo na sa utos ng Diyos, tumulong sa kahit kakaunting paraan, like donate ka sa mga organization na tumutulong sa nangangailangan o kung walang pang donate eh di mag volunteer ka para makatulong or kahit mag donate ka ng dugo. Ang point ko lang, sa dame ng problemang hindi natatapos, huwag nang dumagdag pa. Instead maging maayos na tao sa iyong bansa. Mahalin ang bansa at mga taong nakatira dito.

Ansabe ni ENGEL Kitkat :

I agree with sissy bebe with regards to the issue in the first letter. If we do not kn0w how can we help our beloved country, then, all we can do as an individual ay maging mabuting citizen na lang in our own simple ways. Huwag nang dumagdag pa sa mga ta0ng pasakit na sa lipunan. Huwag nang gayahin pa ang mga taong walang ibang ginawa kundi magreklamo nang magreklamo, wala namang nagiging solusyon sa lahat ng mga isyu o problemang kinakaharap ng bansa. Hindi naman kailangan na tumakbo kang presidente o kahit an0 pang posisyon sa pulitika para literal na makatulong ka sa mga problema ng bansa. Just be one of the samahan ng responsableng mamamayan para naman mabawasan ang suliranin ng sambayanan.

Ansabe Cychris :

Isa lang ang masasabi dyan ng utol nating hoodlum na si Robin Padilla… “Hindi sila nababagay dito. Bagay sila doon sa mga taongpalara, sa mga taongnakahiga sa salapi, sa mga taongdyinodyosang pera, sa mgataong sumasamba sa piso… Doon sila nababagay”…

Sundin mona lang ang payo ng dalawang Engels na maging good citizen ka dahil alam kong kaparis mo rin si Ms. Maricel Soriano sa pelikulang ‘Kaya Kong Abutin Ang Langit’ na sinabing… “Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!”

Ang naman ni ate Vilma Santos sa Sister Stella L ay “Kung hindi tayo ang kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”

______________________________________________________________________________

Liham ng Isang Matandang Dalaga

March 194gotten

Somewhere Down The Road

Dear Engels,

Isa ako sa mga taong nabubuhay sa mundo na walang katuwang sa buhay, ulilang lubos sa mga magulang ni wala nang kilalang kamag-anakan. Ngayon ay may sarili na akong matagumpay na negosyo. Matagal akong naglingkod sa isang mayamang negosyante hanggang sa masapit ang edad na hindi na makikita sa kalendaryo. Naging pihikan ako sa pagpili ng lalaking mamahalin kaya nagkatotoo ang pananakot ng mga kaopisina at kaibigan ko na maiwan ng biyahe. Totoo palang mahirap ang mag-isa, sana hindi pa ako nalipasan ng panahon o sana naman ay may last trip pa. Matagumpay ako sa napili kong karera pero tanging sarili ko lamang ang pag-aalayan ko ng tagumpay. Tuwing uuwi ako sa aking bahay, hindi ko maiwasang maghimutok. Dahil halos lahat ng bagay doon ay tila nagpapaalalang nag-iisa ako sa buhay.

Mabuti pa ang kalendaryo, araw araw ay may date sya, samantalang ang edad ko, doo’y hindi ko na makita. Mabuti pa ang salamin, laging may tumitingin, eh ako… sa kagandahan ko’y walang nangangahas na pumapansin. Maswerte ang mga pangarap na laging sinisikap abutin. Tanging hair brush ang humahaplos sa mahaba, itim at makintab kong buhok na alaga sa salon. Branded na make up lang ang dumarampi sa aking mukha at labi. Ang nighties ko at kumot lang ang yumayakap sa aking nilalamig na katawan na dala ng aircon sa aking silid. Habang ang mga magic pillow ang aking niyayakap at tanging kaulayaw sa buong magdamag. Gigising ako sa umaga na may lungkot sa aking mga mata at bigat sa aking puso.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maisip na, mabuti pa ang heater pinaiinit ang tubig para pawiin ang lamig. Mabuti pa ang sabon, hinahaplos ang buo kong katawan, kasing palad ng aking pwetan kasi malapit sa langit langitan. Ang ihi naman, talagang nakakakilig kapag parating na. Sa aking pagbibihis ay ganun na naman, mabuti pa ang bra ko, sinasalo ang dibdib ko. Eh ang pustiso, kadalasa’y you can’t smile without it. Magbe breakfast na ako, buti pa itong coffee bagay sila ng pandesal. Eh ako, mag-isa lagi kung mag-almusal. Itong asukal, palagi na lang sweet. Ang dyaryo, laging may nagbabasa di gaya kong ang damdamin ay tila naiiga. Nabasa ko nga pala ang isang balita, hayyzt pati ba naman ito, tila nang-aasar pa. Si mamang holdaper, ibibigay mo sa kanya ang lahat wag ka lang sasaktan. Suicide, homicide, insecticide, puro pamatay, walang by my side. Buti pa itong snatcher, laging hinahabol… napansin ko din itong mga cp apps laging may ka compatible.

Nakaalis na ako ng bahay at lulan na ng aking Camry, mabuti pa ang aking kotse, laging sinasakyan. Anlakas ng buhos ng ulan pero kahit anong mangyari sa lupa pa rin ang bagsak nya. May nadaanan akong bahay ng bubuyog, buti pa ang bees, may honey. Pagdating sa opisina ay haharap sa aking computer at makikita ang keyboard sa aking harapan. Ang password, bibihira kung makalimutan. Kay palad na keyboard, lagi na lang nata type an. Gayundin ang note pad na palaging sinusulatan. Pati na ang Crayola na laging nagbibigay ng kulay kahit saan. Si google, halos nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng sinoman. Mabuti pa ang dictionary laging nagbibigay ng kahulugan. At ang kutsara naman, napapanganga ka kahit padating pa lang.

Sweldo nga pala ngayon, buti pa ang salary palaging inaabangan at ang mga trabaho lagi na lang ginagawa nang dibdiban. Mapalad ang scientist kasi meron syang lab. Naalala ko ang aking mga pautang na habang tumatagal buti pa sila ay lumalaki ang interest. Nang sumapit ang coffee break, bumili ako ng makakain sa canteen. Maaga pa kaya wala silang pansukli sa one thousand peso bill, mabuti pa ang barya, umaga pa lang ay kailangan mo na. Ang mga bilihin naman ay minsan lang magmura, kadalasa’y nagmamahal sila. Hay… ang picture laging nadedevelop, ang pabrika ng yosi ay laging may hope. Ang posposporo ay laging match ang mga ito, sa axis lamang umiikot ang mundo. Hmmm, alcohol… buti pa ito kasi ang mga germs kasi patay na patay sila dito. Mabuti pa ang salitang MENU, merong ME N U at ang umpisa ng UNIverse ay meron U N I.

Hanggang dito na lang, sana may makabasa nito at mahanap ko na ang lalaking para sa akin.

Asa pa,

Ms. Old Maid Boss

Ansabe ni Engel Bebepong :

Okay… Ms. Old maid, hmmm. For me… Kung iyun ang talagang kapalaran mo, na mabuhay nang nag iisa, okay lng… At least you can love your self more. Magandang gawin naman ay i-enjoy ang sarili, kaysa mag mukmok at isipin napakalungkot ng mag isa ka lang sa buhay. Madamemg pwedeng gawin to entertain youself. Go out with friends, kung ayaw mo naman na kasama ang kaibigan dahil mang aasar lang sila, eh di mag solo kang lumabas. Shopping, movies, out-of-town, night-outs and a lot more… Hindi dahilan ang pagiging old maid ang maging malungkot. May mga mag asawa nga, pero miserable naman ang buhay, na ang napangasawa ay masamang tao, na lalo lng nagbibigay ng problema at sakit ng ulo. Totoo na mas magandang may katuwang sa buhay kung ang makakasama mo ay responsableng tao… Oo, masaya na at the end of the day ay may dadatnan kang tao sa bahay na magbibigay lakas sa’yo after ng nakakapagod na maghapon na trabaho, pero paano kung yung madadatnan mong tao ay sya pang lalong nakakapagpadagdag ng problema at sakit ng ulo? Mas okay pa sigurong wala ka na lang datnan, ano?

My point is, kung old maid or may asawa, ay wala sa status yan on how you handle you life. On how to be happy with or without someone else. Kasi nasa tao kung pano mo desisyunan ang buhay mo. Pwede ka maging masaya sa lahat at madameng paraan. Kung iniisip mo naman kung saan mapupunta ang mga pinagpaguran mo sa trabaho, nanjan ang family mo, nanay, tatay, kapatid, pinsan., mga pamangkin at iba pa..hindi dahil wala kang anak malungkot na, mag ampon kung gusto mo… Madameng paraan para di malungkot.. Ang kalungkutan ay dumarating kung iisipin mo at pipiliin mo. Bakit mo pipiliin maging malungkot kung mas magandang choice ang maging masaya. Kung init naman ng katawan, maligo ka lang ng malamig na tubig, lagyan mo pa ng yelo kung mainit pa din ang pakiramdam mo..hehehe

Ansabe ni ENGEL KitKat :

Sa iyo, Ms. Old Maid Boss, huwag mong masyadong pakaisipin ang sitwasyon na iyong kinalalagyan ngayon. Bakit ? Hindi yan ang major problem ng isang tao. Kung nagsisisi ka sa pagiging mapili mo pagdating sa lalaki kung kaya napag-iwanan ka, ito ang isipin mo. hindi ka magtatagumpay at hindi mo mararating ang matayog mong kinalalagyan kung inuna mo ang kalandian.. Oo, nandun na tayo na pupwedeng pagsabayin yan. Pero mapupunta ka sa sitwasyong mahihirapan kang pumili between dreams or love. . As for now, set aside that kind of situation. Instead i-entertain mo ang ganyang isipin, why dont you try enjoying yourself ? Andun na tayo na hindi kayang mabili ang kaligayahan ng tao kahit anong yaman mo, pero spend it with your self or tumulong ka sa mga kapus palad. Why not? help others, diba? Kung ang problema mo naman ay wala kang matatawag na anak, then whats the use of adoption? With that, at least maibabaling mo atensyon mo to other things.. Kung init ng katawan hinahanap mo, dyan mo palabasin ang word na ‘practical’ and use your money for a short so called ‘lust’. Hahaha, bad influence ba? Joke lang. The more iniisip mo that you are lonely, the more kang mababaon sa tinatawag na “self pity”. Appreciate all the things you have right now while you’re still alive and kicking. Si God lang nakakaalam kung ano ang plano niya sa isang tao. Do not blame yourself and live with a miserable life. There are lots of ways na pwedeng pagpilian. Either choose to be happy or not.

Ansabe ni CyChris :

Huwag kang mawalan agad ng pag-asa, sabi nga ‘habang may buhay, may pag-asa’. If there’s a will, there’s a way. At ang sabi nga ng isang henyo na kilala ko, ang legendary na si Rene Requiestas, “Have faith in yourself. Because if you do not have faith in yourself, you cannot swim where the water is cool, clear and refreshing, instead you will slide down and float among the devils and scum, and may bently melt away in the liquid of eniminity of a boundless sea”.

______________________________________________________________________________

Liham ng Isang Tigang

July Morning

Hotel California

Para sa mga Engels,

Isa po akong biyuda, sampung taon na ang nakakaraan nang mamatay sa isang vehicular accident ang mister ko. Hindi na ko nakapag-asawang muli dahil naging abala ako sa pagpapalago ng naiwan niyang kabuhayan sa akin at sa aming talong mga anak. Ngayong matanda na ako at pensiyonado na ay saka ko nadarama ang lungkot ng pag-iisa. Ang mga anak ko ay may kanya kanya nang mga pamilya at madalang pa sa patak ng ulan kung bumisita. Sa aking pag-iisa ay hindi ko maiwasang maisip ang mga bagay na namiss ko sa panahong subsob ako sa trabaho.

Ang mga balls ay palaging hinahanap ang butas ng ring, ang mga inahing manok, sa mga itlog laging nakalimlim. Ang swerte ng bagoong dahil laging sinasawsawan ng talong, gayundin ang palay na laging binabayo sa lusong. Mapalad ang lamesa na laging pinapatungan, maging ang pintuan na madalas pasukan at labasan. Ang ice cream sa cone na madalas dinidilaan gayundin naman ang chicaron na maingay sa oras ng kainan. Sino kayang may tricycle na pwede kong sakyan kahit hanggang labasan lang. Inggit ako sa buko na madalas gustong biyakin at sa kahoy na laging ibig sibakin o kaya sa sa bagay na naka steady na laging gusto mong galawin.

Noong buhay pa ang mister ko bihira na kaming maglabing labing, hindi na kaya siya nag-iinit sa akin? Mabuti pa ba kesa sa akin ang freezer na kayang magpatigas. Nakakainggit ang tubig sa batis na panay lamang ang lagaslas. Maging magic lamp ni Aladdin na laging hinihimas. Buti pa ang cake tinitikman ang isang hiwa nya, ang asawa kong panadero laging nilalamas ang harina at ang pag-aaral ng mga anak namin ay ginagapang din niya. Ang swerte naman ng baril dahil pwede syang kalabitin at paputukin ng kahit na sino, habang ang sabi ko sa panty na suot ko, I won’t last the day without you. You wouldn’t know how sweet life could be… unless you’ve tasted somebody that’s so yummy like me. Mabuti pa ang sementeryo laging pinagbabaunan kahit na mga dead, ang nasusunog na bahay laging may bumberong bumobomba ng liquid. Naaalala ko noong mag bf/gf pa lang tayo, lagi mong sinasabi, ‘twinkle twinkle little star, let’s have s*x inside my car’.

Sige po, hanggang dito na lang ang sulat ko, sana ay mapayuhan nyo ako.

Lubos na gumagalang,

Gng. Tee Gang

Ansabe ni Engel Bebepong :

Biyuda – like ng old maid, sabi malungkot maging biyuda,,, pero kung itutuon mo ang pag iisip mo sa ibang bagay, lalo na sa mga anak mo, mag magiging maayos ang pamumuhay at nakapasaya na nakatuon lang ang oras mo sa mga anak mo habang bata pa sila, dahil sa paglaki nila at mag kakakanya kanya na sila ng buhay at konting panahon na lang ang mailalaan nila sa’yo. Kaya sulitin mo ang oras nila na kapiling mo sila. At kung dumating na ang panahon na iyun, nakakalungkot pero maraming pwedeng gawin para ma-divert ang lungkot.. Go to spa, shopping, movies, at go to amigas y amigos. Or kung may apo na, mag alaga ng apo… Yes malungkot na wala kang katabi sa pagtulog sa gabi pero mas okay ang katabing matulog ang apo.. Wala na kong masabi..hihihi… Para sa aking kung masaya ang iyung pananaw sa sarili, you can live alone and HAPPY.

Ansabe ni ENGEL KitKat :

Bakit ba ang pinaka common na problema ng tao ay SEX? Kung hindi naman, LOVE or MONEY. All I can say, Usually talaga sa mga biyuda, nawawalan na ng time when it comes in finding another person na pwedeng ipalit sa nawalang kapareha nila sa buhay. Ang disadvantage kasi ng nabiyuda ay dumadating ang punto na hinahanap mo ang presensya at ginagawa nyang pagpapaligaya sa’yo ng nawalang partner mo. Pero face the reality na ang init ng katawan ay panandalian lamang. Try using ‘self service’ ika nga, para at least temporarily mai-release ang dapat mai-release (hahaha turuan daw ba?). SEX is just a simple one word na madaming pwedeng isolusyon. And here’s the bright side of being biyuda.. lahat ng atensiyon mo ay mapupunta sa mga anak mo . In which, very advantage kasi, makikita mo yung output ng sakripisyo mo. Masarap sa pakiramdam when you know, wala kang naging pagkukulang sa mga anak mo and you raised them well even ikaw lang mag-isang nagtaguyod sa kanila. Andun na tayo na lahat ng tao ay naghahanap ng magpapaligaya sa atin.. Pero kung para sa akin, happiness is the only one word na masasabi ko kung nakita kong okay ang kalagayan ng lahat ng mga anak ko. Yang mga bagay na masyado mong namiss like what we called Lust, Sex & Lover eh, gawin mong motto ang sa sinabi ng BDO na, ‘WE FIND WAYS’.

Ansabe ni CyChris :

Masakit ang katotohanan, totoo pa lang “Natitiis ang kahit na anong hapdi, ang kati ay hindi”. Pakaayos ka nga… Andaming pwede mong pagbuhusan ng pansin kesa sa kembelar. Maganda ang mga naunang mga payo, nasabi na nila ang mga options na pagpipilian mo, ggawin mo na lang. Kung hindi mo naman matiis talaga, sa dami ng mga lalaki sa mundo, sigurado namang may makikita ka pang magmamaghal sa iyo nang totoo at syempre joined force dapat ang damdamin at kukote.

______________________________________________________________________________

Kwento Mula sa Isang Advertising Agency

November Rain

Sleepless in Seattle

To Engels,

Ako po si Emil, nagtatrbaho po ako sa isang advertising agency dito sa kalakhang Maynila. Nais ko lang pong ibahagi ang mga kwento sa aking buhay binata. Noon pong teenager pa ko, “Kailangan pa bang i-memorize yan? Naging bisyo ko na to!” ang magsariling sikap tuwing tag horny. ‘Wala pa ring tatalo sa Alaska’ kapag ito’y lumabas na. Hindi pa ko noon nagkaka girlfriend kaya ito ang kaya ko lang gawin. Ang mukha ko naman ay para Boysen ‘The quality you can trust’, ang porma ko naman ay parang Levis na ‘Never goes out of style’ at ang pangangatawan ko po ay parang Family Rubbing Alcohol na ‘Hindi lang pangpamilya, pang-sports pa’. Mula ako sa isang mahirap na pamilya na hindi inaasahang parang Bayantel,na ‘Gaganda pa ang buhay’. Ayoko sa sinabi ng Volkswagen na ‘Think Small’, gusto ko ang sinabi ng IMAX na ‘Think big’. Ginawa ko ang sinabi ng EA na ‘Challenge everything’ at sumagot naman ang Canon ng ‘See what we mean’ na sinegundahan ng Adidas ‘Impossible is nothing’ at ng Sony ‘Make believe’ daw. Sinunod ko din ang sabi ng Walmart na ‘Save money, live better’.

Dala ng kahirapan, maaga kaming namulat sa pagtatrabaho ng aking apat na nakababatang mga kapatid – ako ang panganay. Nagbunga ang diskarte naming magkakapatid hanggang makatuntong ako sa pampublikong kolehiyo. Nakatapos ako at inalok ng magandang trabaho, sabi ng Sky Flakes Crackers ‘Ito na ang break mo… Kagatin mo’! Nakatapos na rin sa ngayon ang mga kapatid ko at parang PLDT na ‘We’re changing lives’. Stable na ang aming kabuhayan, dahil sa laki ng kinikita ko ay natutunan ko mula sa mga kaopisina ang Chowking, ‘Tikman ang tagumpay’. Sumama ako sa kanilang kumuha ng babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw. Hanggang sa naging parang Mang Inasal ang s*x sa aking sistema na ‘Hahanap hanapin mo’. Para ba itong, Disneyland na sinasabing ‘The happiest place on Earth’ at McDonalds na ‘I’m loving it’.

Napansin ng isang malapit kong kaibigan ang madalas kong paggu-good time kaya pinayuhan nya ako na parang Century Tuna, ‘Think healthy’ daw. Sabi nya, humanap ako ng girlfriend para doon ibuhos ang aking Cobra Energy Drink, ‘Tunay na lakas na di umaatras’. Natuwa ako sa payo nya at nasabi kong Studio 23 – ‘Iba Kabarkada’. Sa aking pagmo mall ay nakilala ko si Mia. Nabighani ako sa kanyang mga katangian na parang SM Malls dahil ‘She’ve got it all for you’. Mga katangiang panlabas at panloob na tila M. Lhuillier, ang ‘Numero uno ng bayan’. Para siyang Aston Martin na combination ng ‘Power, beauty and soul’, para sa akin ay Porsche si Mia ‘There is no substitute’. Basta mahirap ilarawan ang katulad ni Mia, ang alam ko para siyang Smart Communications, ‘Simply Amazing’.

Niligawan ko siya dahil pakiramdam ko na para kaming Pop Cola na ‘Always tama ang timpla’. Nagdadalawang isip na sagutin ako ni Mia dahil baka lokohin ko lang daw siya. Sinabi ko ang katagang Metrobank, ‘You’re in good hands’. Isa daw sa gusto nya sa akin ay ang pagiging Reebok ‘I am what I am’ at Goldilocks Bakeshop, na ‘How thoughtful, how Goldilocks’. At Lucky Me! Instant Mami, sinagot ako ni Mia ng ‘oo’. Dahil kay Mia, parang Meralco ang lahat, ‘May liwanag ang buhay’ ko. Dahil sa isang kagaya nya, masasabi mong Globe Telecom, ‘Abot mo ang mundo’. Siya na ang gagawan ko ng sinasabi ng Kodak na ‘Share moments, share life’. Minamahal ko siya ng tama lang na hindi gaya ng sinasabi ng Calvin Klein na ‘Between love and madness lies obsession’.

Minsan nag movie date kami ni Mia, habang nanonood kami ay nakahilig ang ulo nya sa balikat ko. Sa pwesto naming iyon ay talagang Jollibee, ‘Langhap sarap’ ang aroma na nagmumula sa buhok at katawan nya. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na nakapag check in na pala kami sa isang motel. Hinahalikan ko pa lamang siya, pakiramdam ko’y parang Max’s Restaurant sya na ‘Sarap to the bones’ at Bingo Biscuits ‘Bi-bingo ka sa sarap’. Napakaalab ng aming foreplay, hanggang sa sabihin ni Mia, Super Ferry, ‘Sakay Na!’ pero sinabi kong paano kung mabuntis sya? Sumagot lang siya ng Nike, ‘Just do it’. Kaya ginawa ko ang sinabi ng Yellow Pages – ‘Let your fingers do the walking’ at ng KFC – ‘Finger lickin’ good’. Natuklasan kong ang kaangkinan ni Mia pala ay parang M&Ms – ‘Melts in your mouth, not in your hands’. At habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagtatalik ay naisip ko ang Piattos, because I ‘Never had this good’ kaya naman ay para akong Energizer na ‘Keeps going and going and going’. Hanggang sa sumapit ang climax, Maynilad dahil ‘Dumadaloy ang ginhawa’. Sa mga oras na iyon ay masasabi mong Rebisco dahil ‘Ang sarap ng filling mo’ at kapag araw araw na ganito para akong Pure Gold na ‘Always panalo!’

Akala namin, kaming dalawa ni Mia ay San Miguel Beer, may ‘Samahang walang katulad’. Para bang Sky Cable na “All you want under one perfect sky”. Pero, ang buhay ay parang Fita Biscuits, ‘Parang Life’ at sa isang relasyon pala ay hindi mawawala ang UFC Banana Ketchup, ‘May tamis, may anghang’. Ayaw sa akin ng ‘Kapamilya’ (ABS-CBN) at mga ‘Kapatid’ (TV5) ni Mia para maging ‘Kapuso’ (GMA 7) nya, ang gusto nilang mapangasawa ni Mia ay isang lalaking mala Mega Sardines, ‘Tatak barko, tatak sariwa’ o seaman sa madaling salita. Kaya ang sabi ko kay Mia ay mag ala BDO kami, ‘We find ways’ para magkita nang patago at magmahalan.

Dumating ang puntong nalaman ko ang tunay na kulay ni Mia. Para pala siyang Mercury Drug Store na “Nakasisiguro, ang lalaki nya ay laging bago” . Akala ko ay tapat siya sa pagmamahal sa akin, iyon pala ay naniniwala siya sa sinasabi ng Voice Combo Sandwich na “Iba ang sarap pag my Boys (Voice)” . Nadurog ang puso ko sa aking natuklasan, ang mukha ko ay parang nakahigop ng Datu Puti Vinegar, “Mukhasim talaga”. Pero inaayos ko ang aking sarili at ipinagpatuloy ang buhay ko dahil marami pa namang babae dyan at umaasa akong makakakita ako ng magmamahal sa akin ng tapat. Ginawa kong bumangon mula sa pagkakadapa sa larangan ng pag-ibig dahil Red Horse Beer – “Ito and tama” .

Akala ko, si Mia na ang Coca Cola ko na ‘Mag-oopen ng aking happiness’. Inakala kong ang pagmamahal namin sa isa’t isa ay ang Nokia – ‘Connecting People’, hindi pala. Nandyan naman ang Kapamilya ko sa mga panahon na pakiramdam ko ay Fedex – ‘When there is no tomorrow’. Hanggang dito na lamang ang aking liham…

Lubos na nagpapasalamat,

Emil

Ansabe ni Engel Bebepong :

Iniwan at niloko – hmmm… Ang sakit na niloko ka lang ng taong akala mo di ka lolokohin. Yung taong di mo naisip kahit konti na lolokohin ka. Anyway nangyari na. Napapaisip ako kung bakit may mga taong manloloko? May mga kakilala akong niloko rin sila at may kaibigan din akong mga manloloko talaga, pero hindi lahat sa kanila di daw nila sinasadya. “daw” ang sabi nila. Tinanong ko sila bakit nila nagawang manloko…

Eto yung mga dahilan na sinabi nila…

1. Gusto lng nilang tumikim ng ibang putahe. Pero babalik at babalik naman sila sa original.

2. Boys and girls like exciting. Everyone. Kung nakaramdam silang exciting sa ibang tao, they will grab it kung okay naman or game yung other side. Kung may usapan naman sila na for good benefits lang naman.

Ayan yung mga dahilan nila na di naman daw nila sinasadyang manloko. They did not know that they risking their relationship sa mga ginagawa nila. Na pwedeng mawala ang mahal. I am not tolerating them, kasi di dapat… Nashare ko lng kung anong reason ng kaibigan kong nanloko. Masakit na maloko kaya dapat di mo gagawin yun kung ayaw mong gawin sayo. Regarding naman sa iniwan, kung dapat kang iwanan dahil di ka marunong magpahalaga sa taong nagmamahal sayo, tama lang na iwan ka to realize ang mga mali mo. So that for your future relationship, alam mo na ang dapat gawin. Pero kung iniwan ka dahil may bago syang iba, ang pinaka mabuting magagawa ay mag move on. Maybe di kayo ang nakatadhana, na di kayo para sa isa’t isa. At maraming iba jan na darating pa. So move on and live you life to the fullest. Pero kung niloko at iniwan ka… Ang panget nya! Di nya deserve ang mga iyak at luha mo. Hayaan mo sya at magpakasaya ka dahil wala na sya.

Ansabe ni ENGEL Kitkat :

Ito ang sinasabi kong kasama sa top 3 na problema ng tao. Hear my side dude… Hmm… Niloko at iniwan ang drama? Ang sakit niyan! Hindi lang sa puso kundi pati na rin sa ego lalo na sa mga lalake na may mas kokonting bilang kesa sa mga babaeng ganyan ang naging kapalaran… well, yung mga ta0ng gumagawa nyan are worthless, selfish, immature and miserable. Characteristics na hindi dapat gayahin ng iba para mabawasan man lang populasy0n ng mga ta0ng nasasaktan at nagdurusa.‘Move on’ na kuya na kahit sinabi mong nagawa mo na, dama ko pa sa sulat mong nandun pa rin ang kirot. Two words na napakasimpleng sabihin ng ibang tao sayo. Napakadaling sabihin, pero mahirap gawin. Am I right? Kasi nakadepende yan sa’yo kung how you cope up from a failed relationship. Ang pagmo-move ay hindi magagawa sa isang pitik lang ng kahit sinong magician. Kailangan yang dumaan pa sa tinatawag na process of healing, sabi nga nila. Much better nga na you give yourself a break, To think after that, try to find an0ther. But be wise and just be careful. Huwag puro puso ang gamitin at baka magtampo naman ang iy0ng utak. Alugin mo din yan minsan at nang hindi matigang. But you know what, kahit anong gawing payo ng isang tao sa’yo, sariling desisyon mo pa rin ang masusunod. Additional thought on how I could defined LOVE? Ito.. make sure makahanap ka ng may ganitong paniniwala..

” Love is a strong feeling of affection that involves; honesty, loyalty & trust.”

Ansabe ni Cychris :

Well, si Mia pala ay yung sinasabi ni Ms. Vilma Santos na para siyang karendiryang bukas sa lahat ng gustong kumain at ikaw naman ay si Val, puro na lang si Val. Si Val na walang malay… Hanggang sa maging halos ‘Pasan mo ang Daigdig’ at ‘gutay gutay na ang katawan mo, pati ang kaluluwa mo, gutay gutay na rin’. Tama ang ginawa mo dahil “Kapag puno na ang salop, dapat na itong kalusin”.

______________________________________________________________________________

Liham ni Inday

Para sa mga Engels,

Isa po ako sa mga nagbabasa ng mga sinulat nyo kaya nais kong ibahagi ang nararamdaman ko sa aking buhay sa ngayon. Ako po si Inday, isa po akong kasambahay ng pamilya Enriquez. May isa silang anak na dalagang kasing edad ko. May bagay lang po akong pinagtatakahan, iyon ay ang mga salitang ginagamit ng mga mayayaman na iba sa aming mga mahihirap. Iisa naman po ang kahulugan pero bakit kapag ang mga mayayaman ang tumutukoy sa mga salitang iyon na kahit may negatibong kahulugan ay tila nagiging class. Heto po ang ilang halimbawa ng mga salitang tinutukoy ko…

Uumpisahan ko po sa kulay ng aking balat na dark, madalas akong tuksuhing baluga o negrita sa paaralan. Pero narinig ko mula sa mga kaibigan, kaklase, nanay o maging sa mga manliligaw ni senyorita na ang kulay daw nya ay sun tanned o kaya morena. Magkasing taas lang kami ng senyorita ko pero ang tawag sa kanya ng mommy nya ay petite, samantalang ako ay bansot kung tawagin ni nanay. It hurts, you know? Si senyorita, lingid sa kaalaman ng nanay nya ay kung kani kaninong lalaki sumasama. Liberated daw kasi siya, subukan kong gawin iyon, siguradong kurot sa singit ang aabutin ko kasama ng isang malutong na ‘Malandi ka’ mula sa aking ina. Dahil ba sa isa lamang akong dukhang alembong? Ganun din sa palaging pakikipag party ni senyorita kasi socialite daw sya pero kung si nanay ang tatanungin, pakawala daw ang tawag doon.

Minsan, umuwi ako sa amin at ginaya ko ang pagiging fashionista ng senyorita ko na sunod sa uso. Hmmp! Naimbyerna lang naman ako nang mapagkamalang Japayuki ng mga kalugar namin! Dahil ang senyorita ko ay misguided at spoiled habang ako naman daw ay pasaway at matigas ang ulo ay naging pareho ang kapalaran naming dalawa. Nagkaanak kami nang walang kinikilalang ama ang aming mga baby. Si senyorita ay naging single parent habang ako nama’y tinawag na disgrasyada. Parehong malulusog at tabain ang mga anak namin ni senyorita, overweight daw ang anak nya pero ang sa akin daw ay tabatsoy or kung di ko nadidinig ay tinatawag na biik. Minsan may mga tumubong mga butlig sa pwetan ng baby ni senyorita, rashes daw iyon pero ang butlig sa pwetan ng anak ko ay galis daw sabi ni nanay.

Noong nag-aaral pa lamang kami sa elementarya ay nalaman kong pareho lang kami ng lagay ni senyorita. Slow learner daw siya na nahihirapang humabol sa leksiyon habang ako nama’y tinawag na bobo o gunggong. Nangangatwiran din kami sa guro, assertive daw si senyorita habang ako nama’y tinawag na bastos. Madalas, kumakain daw kami ng damo dahil laging gulay ang ulam namin, gayundin sina senyorita pero dahil vegetarian daw sila. Madalas noon ubuhin si senyor, may pneumonia daw kasi siya habang si tatay naman kapag dinadalahit ng ubo ay ipinapalagay na may TB na. Ang amo kong lalaki ay may problema sa posture nya, scoliotic daw ayon sa doctor habang si tatay ayon sa albularyo ay hindi na maaalis ang pagka kuba. Minsan sumakit ang ulo ni senyora dahil daw sa migraine, ang sabi ni senyor pero nang sumakit ang ulo ni nanay, nalipasan daw ng gutom ang sabi ni tatay. Minsan naman, hindi makakain si senyora dahil sa maasim ang sikmura dahil daw sa hyper acidity habang si nanay naman ay may ulcer dahil hindi nakakakain sa tamang oras.

May kamag-anak silang nagte take ng illegal drugs na tinatawag nilang drug dependent. Kumukuha din ito ng mga bagay na din kanya o kleptomaniac. Kami rin, ang pinsan kong sugapa sa bawal na gamot ay adiktus. Naniniwat din siya ng mga bagay na hindi kanya kaya isa siyang kawatan. May kamag-anak silang may sakit sa pag-iisip na tinatawag nilang eccentric na nasobrahan sa stress nagka nervous breakdown. Kami rin, may kamag-anak na may sayad dahil nabuwang sa problema. Si senyora ay dating escort na inilalabas lang ni senyor bilang kanyang guest habang si nanay naman ay dating pokpok at si tatay ang madalas nyang customer. Matanda na si tatay kaya tinatawag ni nanay na gurang habang si senyor ay tinatawag ni senyora na senyor citizen.

Hanggang dito na lamang po. Sana ay matulungan nyo akong mabigysn ng kasagutan ang aking tanong. Maraming salamat po.

Naguguluhan,

Inday

Ansabe ni Engel Kitkat :

Ang isyu ng mayayaman at mahirap when it comes to words or terms. (hahaha) Natatawa ako dito, pati pala sa ganyang aspeto, angat pa rin ang mga mayayaman. Well, ikaw Inday ay wag malito. Lahat ng terms or words na ginagamit ng mayayaman ay pareho lang ang meaning sa ginagamit ng mahihirap. It’s just that, para sa kanila they had that kind of terms kasi yun tingin nila na angkop sa estado nila. Na para nga namang nakakainis for us na hindi mayayaman kasi parang sa atin, kung yan ang gamit na words or terms ng mahihirap, it was too degrading diba? But don’t think about it too much. It was just a word or term with the same meaning. Pareho lang ang gawain ng mayaman at mahirap. Lalo na kung may kasalanan na nagawa. Estado, pamumuhay at lenggwahe lang yan. Pero tao pa rin. Lahat tayo pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Ginawa man ang mundo na may mayamam at mahirap ang estado, still, pantay pantay pa rin tayo.

Ansabe ni Cychris :

“Iha, kung ikaw ay naguguluhan, Tagalog – English dictionary na lang ang iyong lapitan. Malamang sa alamang ay mahahanap mo ang kasagutan”.

Scroll to Top