NBSB Pero Hindi Na Virgin; Pagkakakilanlan (Not Your Ordinary Story) Part 2 by: hidden01

PAGPAPATULOY..

Mama.. Lalakad na ako kumain nalang kayo dito!!!

*Sigaw ko habang dali dali akong naglakad palabas ng aming bahay Eto na araw na ng Linggo di masukat ang kasabikan ko

WALLET Check
PANYO Check
PABANGO (sabay ang pag amoy ko sa suot kong puting polo shirt) Check

*Nakahanda na kaya siya,. Masyado ba akong maaga kung anu-anong tanong ang pumapasok sa isip ko kinakabahan ako namalayan ko nalang nasa harap na ako ng kanilang bahay numero 143 eto yun dito ko siya unang nasilayan

Tao po Ate Joy!!!

Aling Lourdes: oohh Pao nandyan kana pala pasok ka muna at mag almusal

Kayo po pala aling Lourdes magandang umaga po sainyo napaaga po ata ako ng pag punta nasaan po pala si Ate Joy at si Mica

Aling Lourdes: Nasa itaas pa ang dalawa nagaayos hintayin mo nalang at pababa narin ang mga yun

*Dalawa? nagaayos..? napaisip ako bigla sasama pala si Ate Joy akala ko pa naman solo kong makakasama si Mica

Ahh sige po aling Lourdes

Ate Joy: Aba ang Pogi naman ng escort namin

*Gulat akong napatingin sa hagdan nakita ko si Ate Joy nakaayos ng suot mukhang sasama nga talaga siya at kasunod niya sa kanyang likuran si Mica at bumati ng magandang araw

Magandang araw din sainyo Ate Joy sayo din Mica magandang araw

*Napangiti lang ito sakin

Ate Joy: Pao sasama ako sainyo sa pagsisimba ok lang ba

Oo naman po Ate Joy wala pong problema dun

Ate Joy: Ohh cya sige tara na nandyan na ang tricycle sa labas ate Lourdes kayo na po muna bahala sa bahay

Aling Lourdes: Ohh sige Magiingat kayo Mica anak mag iingat ka

Mica: Opo Inay

Lalakad na po kame aling Lourdes salamat po

*Pagdating sa Simbahan kinausap muna kame ni Ate Joy bago kame pumasok sa loob

Ate Joy: Pao pagkatapos ng Misa dibay mamimili pa kayo sa palengke?

Opo Ate bakit po?

Ate Joy: nasabe ko na kay Mica kanina na pagkatapos ng misa mauna na kayo sa palengke at may dadaanan akong opisina sa kalapit na baranggay

Ganun po ba sige po wala pong problema

Ate Joy: Sige sige cya tara na magsisimula na ang misa

*Habang nasa loob ng simbahan nakaluhod at nagdarasal hindi ko maiwasan di mapatingin kay Mica napakaganda ng kanyang mukha habang nadadampian ng liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw

Diyos ko po marameng salamat sa araw nato binigyan niyong daan para magkatagpo kame ng landas ng babaeng ito(Bulong ko sa aking sarili)

*Matapos ang Misa nagpaalam na si Ate Joy na aalis at naiwan kameng dalawa ni Mica sa harap ng simbahan

Mica: Anu tara na san ba ang daan papuntang palengke?

Ahh oo Dito.. (Medyo gulat kong sabe nagsalita siya ibig sabihin di siya naiilang na kasama ako bulong ko sa aking sarili)

*Sa aking pag lingon paharap sa kanya aking napagmasdan ang kanyang kasuotan itim na bestida simpleng kasuotan pero napaka bagay na bagay sakanya

Mica: anu tara na?

*Matapos makapamili ng mga kailangan nagpasya muna kameng umupo sa kalapit na park sa tapat ng simbahan di ko inaasahan na mapapabilis ang pamimili himala kakaunti ang tao sa palengke

Dito Mica may bakanteng pwesto sa ilalim ng puno

Mica: Sige salamat naman

*May ilang minuto pa bago bumalik si Ate Joy sasamantalahin ko na

Ahh Mica pasensya na pala at nahatak kita dito ng biglaan

MIica: Wala yun ok lang nag enjoy din naman ako ang ganda ng simbahan dito

Di pa pala ako nakakapag pakilala ng maayos sayo haha Kay ate Joy ko lang nalaman ang pangalan mo ilang taon kana nga pala?

Mica: 25 lang ako.. para san pala yang mga pinamili mo may handaan sainyo?

Naku wala para eto sa pinapasukan kong training school nag pi feeling cook ahahaha

Mica: Ahh talaga Chef ka galing naman

Naku hindi pa nagtraining palang.. ikaw ba nagbakasyon kalang dito?

*Sa haba ng aming kwentuhan naramdaman ko na mas naging komportable na siyang kausap ako madami dami din siyang naikwento sakin nalaman ko na di lang pala sila nagbabakasyon kundi plano na ng kanyang inay at tita joy na dito na niya pag patuloy ang kanyang pagaaral tutal magisa lang naman si ate joy sa kanilang bahay dahil ang asawa neto ay nasa ibang bansa nalaman ko rin na wala na siyang tatay bata palang daw siya ng iwan sila ng kanyang inay na ikwento din niyang may maliit silang tindahan nuon sa palengke sa kanilang probinsya sa visayas hindi na ako nag tanung masyado tungkol sa buhay nila sa visayas nuon dahil ramdam kong naiilang siya di ko na pinilit baka dina ako kausapin

Ate Joy: Mica!! Pao!! kanina paba kayo diyan naku pasensya na ahh ang dameng tao sa opisinang pinuntahan ko may nagwala pang matanda hahaha

Mica: Ok lang po Tita nasa maayos naman po ang pwesto namin dito kaya di rin namin napansin ang oras

Ate Joy: Buti naman kung ganun tara na at baka nagaalala na si Ate sa bahay.. Pao ok kana ba?

Oo Ate Joy salamat

Ate Joy: Tricycle!!!

*Tanghalian na ng makarating kame sa bahay nila Ate Joy

Ate Joy: Pao dito kana mananghalian

Naku ate joy salamat nalang po uuwe po muna ako ng bahay para maipasok sa ref itong mga napamili ko hindi rin po kase ako nakapag paalam ng maayos kay mama

Ate Joy: Ganun ba sige ikamusta mo nalang ako kay mare

*Pumasok na eto sa loob ng bahay nila dala ang mga pinamili din niya naiwan ulit kameng magkasama ni Mica

Mica marameng salamat ulit sa pagpayag mong sumama sakin at sa maikli pero masayang kwentuhan sobrang nag enjoy ako

Mica: Wala yun salamat din Pao nag enjoy din ako galingan mo bukas ahh patikim ako ng lulutuin mo

Aba sige sasarapan ko para sayo hahaha nga pala Mica hihingin ko sana number mo kung ayos lang sayo

Mica: Sige eto

Salamat lalakad na ako sa uulitin pakisabe nalang kay aling Lourdes na salamat

*Ngumiti eto at nagsabing

Mica: Oo ba Next time ulit

*Abot langit ang ngiti ko para akong baliw sa aking itsura tirik ang araw pero nakangiti parin akong naglalakad namalayan ko nalang nasa bahay na ako

Patay!!! Natunaw ung Butter ko!!

ITUTULOY…

Scroll to Top