Padrasto

ni phil_gabriel73

Si Emong. Taong palaban. 1994 nang lumuwas siya ng Maynila mula Bicol pagkatapos mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa bagsik ng bagyo na humagupit sa kanilang barangay. Labing anim na taon pa lang siya ay batak na siya sa trabaho — kargador, barker, padyakero, mason, drayber ng traysikel. Sa kasalukuyan ay drayber siya ng isang dyip.

2012 nang makilala ni Emong si Ora na isang tindera sa karinderyang malapit sa terminal kung saan siya namamasada. Simple lang ang kagandahan nitong trenta ayos na babae dahil sa balingkinitang pangangatawan nito, bukod pa sa taas niyang limang talampakan at kulay morenong balat, may kakaiba rin itong karisma na nakakapabighani sa mga lalaki. Ang tsismis sa lugar nila sy separadang babae si Ora nang dalawang beses — sa isang lalaki at ang huli ay sa isang tomboy. Bagamat dati na itong nakipagrelasyon ay hindi naman nabiyayaan ng anak. Gayunpaman, hindi naging dahilan ito para ligawan ni Emong si Ora hanggang sa sinagot ng babae ang binata. Pagkatapos ng isang buwan ay ay nagsama na sila bilang mag-asawa.

Isang araw ay nagkaroon ng sunog sa palengke at nadamay ang karinderyang pinapasukan ni Ora, dahilan para mapilitang huminto ang misis ni Emong sa pagtatrabaho. Sinubukan ng babaeng maghanap ng ibang mapapasukan pero dahil elementarya lang ang kanyang natapos ay hirap siyang makahanap ng disenteng trabaho kaya pansamantalang pumirme na muna siya sa bahay.

Dahil walang mapagkakaabalahan, naging mainitin ang ulo ni Ora. Halos araw-araw nag-aaway ang dalawa kapag kapos ang ini-entrega ni Emong kita sa pamamasada na nagiging dahilan para ma-“outsayd da kulambo” si lalaki. Kung malaki naman ang naibibigay niyang kita ay hindi rin ma-“labing-labing” ni Emong ang asawa dahil sa sobrang pagod sa kakabiyahe kaya paggising niya sa umaga ay aawayin pa rin siya ni Ora dahil hindi niya “nadiligan” si misis. Upang magkaroon ng mapagkakaabalahan ang asawa, naisipan ni Emong na bilhan ito ng ihawan at mga sangkap sa pag-ihaw para magbtinda na muna sa harapan ng kanilang bahay. Kahit paano ay mabawasan ang pagkabagot nito sa kapipirmi sa bahay at mabawasan na rin ang pakikipagtsismisan sa mga kapitbahay nila.

Halos gabi na nang umuwi si Emong sa bahay nila pagkatapos ng pamamasada ng dyip maghapon para mananghalian at maibigay na rin ang pambili ng ulam nilang mag-asawa nang may napansin siyang mga anino sa kurtina nila na tila mabilis ang kilos.

“Si Ora, nagbibihis…” sabi na lang ni Emong sa sarili.

Pagpasok ni Emong sa loob ay nagulat siya nang maabutan niya si Ora na nakaupo sa lamesa at may kausap na lalaki sa harap niya. Sa tingin ni Emong ay nasa sisenta na ang edad ng lalaki na sunog ang balat sa araw. Matangkad, makapal ang buhok at balbas bagamat naghahalo na ang uban sa buhok niya. May pagkahawig nga ito kay Ruel Vernal pero mas matanda nga lang ang itsura.

“Kumusta mahal…” salubong ni Ora sa asawa sabay halik nito sa labi.

“Tila may bisita ka.”

“Emong, si Tatay Kulas, padrasto ko.”

Kulas. Padrasto ni Ora. Pangalawang asawa ng nanay niya matapos madisgrasya din sa bagyo ang tatay ni Ora sa laot habang nangingisda. Naging maganda naman ang trato nito kay Ora at sa kanyang ina at dalawang kapatid. Yun nga lang, nahuli ito at nakulong sa Bicol provincial jail nang habambuhay dahil sa bigat at dami ng mga shabu na nakumpiska sa kanya na isang “buy-bust operation” pala. Naikwento sa kanya ng misis niya ito noong nililigawan pa lang niya ang dalaga. Katwiran ni Ora, mas mabuti nang malaman na ni Emong niya ang pagkatao niya at ng mga mahal niya sa buhay nang maaga.

“Ah, kayo po pala ang tatay ni Ora. Kumusta na po kayo?” sabay kuha sa kamay ng matanda para magmano.

“Mabuti naman iho. Ikaw pala si Emong na nabanggit sa akin ni Ora minsan. Kayo pala ang nagkatuluyan.”

“Mabuti naman po at hindi kayo nahirapang hanapin si Ora dito sa Maynila.”

“Konti lang, hehe. Matagal in kasi akong tumira dito sa Maynila noong buhay pa ang nanay ni Ora. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang mga pasikot-sikot dito kahit matagal din akong nawala sa kabihasnan.”

“Bhe, lalambing sana ako sa iyo kung pwedeng dito na muna tumira si Tay Kulas habang naghahanap siya ng ibang malilipatan.”

“Pansamantala lang naman iho. Inaantay ko kasi ang isa ko pang kasamahan sa bilangguan noon na lalaya na rin, hindi na siguro matatapos ang taon makakalaya na siya. May konting kabuhayan kasi siyang naiwan sa Bicol, nakiusap sa akin na kung pwede eh tulungan ko daw siya sa pangasiwaan ito para kahit paano ay may ikabubuhay pa rin kami. Tulad ko, wala na rin kasi siyang mahal sa buhay na babalikan. Maswerte nga ako at nakita ko pa si Ora.” Paliwang ng matanda.

“Ganoon ho ba?” Walang problema ho sa akin. Kayo ho ang tatay ni Ora. At saka mas maganda kasi may kasama siya dito sa bahay. Talamak na rin kasi ang mga masasamang loob ngayon…” sagot ni Emong.

At dumaan nga ang araw, naging maayos ang takbo ng pamumuhay nila. Masipag din ang matanda sa mga gawaing bahay at sa pag-alalay kay Ora na magtinda ng barbecue sa harap ng bahay nila na parang naging swerte naman dahil simula nang tumira ito sa kanila ay dumami ang mga kostumer ni Ora sa pagbili ng barbecue. Dahilan din para lumaki ang kinikita niya araw-araw. Naging mabait at malambing na rin si Ora kay Emong. Kahit paano, kapag kumakalabit siya, ay pumapayag nang makipag – “labing-labing” sa kanya. Pero may kasabihan tayo na ang buhay ay parang gulong; minsan nasa ibabaw ka, minsan nasa ilalim. At sa pagkakataong ito, nasa ilalim ng gulong ang takbo ng kapalaran ni Emong.

“Pare, pwede bang makausap ka sandali?” tanong ni Berto, kaibigan at kumpare ni Emong.
Nakahiga si Emong at nagpapahinga sa upuan ng dyip niya nang lapitan siya nito.

“Oo naman pare, ano ba ang pag-uusapan natin?” sabay tayo ni Emong.

“Pare, alam mo namang kaibigan kita kaya gusto kong malaman mo muna ito bago ko ipaalam sa pulisya.”

Napakunot-noo si Emong sa sinabi ng kumpare niya pero hinayaan lang muna niya itong magpaliwanag.

“Si Fredie, ang inaanak mo, nalaman kong nagbubulakbol sa eskwelahan, hindi pumapasok. Kaya minsan sinundan ko nang palihim. Pumunta pala sa bahay niyo, may kausap na matandang lalaki sa may pintuan. Pumasok siya at pagkatapos ng ilang minuto lumabas. Nag makalayo-layo sa lugar niyo ay sinundan ko pa rin nag sikreto hanggang sa makatyempo akong sitahin siya. Nang binuksan ko ang bag ay may nakuha akong mga shabu. Inamin niyang gumagamit na siya nang ilang buwan na kaya pinadala ko sa rehabilitation center kahit masakit sa loob ko. Pare, kung kilala mo ang matandang nagbebenta ng shabu sa lugar natin, pakisabi umalis na siya kasi magrereport na ako sa pulis para ipahuli siya. Pero dahil magkumpare tayo, gusto kong malaman mo muna ang balak ko para walang samaan ng loob.”

Nanlumo si Emong sa narinig. Balik na naman pala sa iligal na gawain ang padrasto ni Ora. At sa lugar pa nila. Ang masaklap pa nito, ang inaanak pa niya ang pinagbentahan ng shabu.

“Pare, pasensya ka na…hindi ko alam na ganon ang gawain ng padrasto ni Ora. Pare, pakiusap kung pwedeng huwag ka munang magsumbong sa otoridad. Kakausapin ko muna ang tatay ni misis na umalis nang tahimik sa lugar natin. Bigyan mo ko ng isang linggo para paalisin ang matanda. Ikaw na ang bahala sa kanya pagkatapos ng isang linggo…”

“Hindi pwede pare ang isang linggo. Marami pang bata ang mapeperwisyo ng biyenan mo. 24 oras pare pagbibigyan kita…”

“Pareng Bert, mahirap ang 24 oras kasi kailangan ko pang tantyahin ang pagsasalita ko. Kung bibiglain ko ang pagpapaalis sa kanya baka lalo itong magtago pag umalis. Hahanap ako ng dahilan. Ayoko naman kasing sumama ang loob ng asawa ko dahil nahuli siya sa bahay namin. Tatlong araw pare, yun na ang huling pakiusap ko para maayos ito nang tahimik…”

“Sige pare tatlong araw. Paglipas noon ako na ang gagawa ng paraan para matigil na ang kasamaan ng biyenan mo.”

Ala una na ng hapon nang makabalik si Emong sa terminal galing sa pamamasada ay iginarahe na niya ang dyip para kausapin ang padrasto ni Ora. Tahimik ang bahay nang makarating siya. Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya ang kanyang misis na natutulog sa sofa. Nakita din niya ang mga sangkap na iihawin niya na naiwan sa lamesa at nilalangaw na dahil tila nilatag lang.

“Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito? Ora. Ora! Gumising ka diyan, asan si tatay?“ tanong niya habang banayad na niyugyog ang balikat nito.

“Ummm…ano ba? Natutulog ang tao eh!” padabog na sagot ng asawa niya sabay talikod nito paharap sa sandalan ng sofa.

“Ora…nasaan ba si tatay? Gusto ko siyang makausap importante ang pag-uusapan namin,” sagot ni Emong na napahawak sa hita ni Ora. Pero iniangat lang ni Ora kanyang ang hita sabay yugyog para palisin ang kamay ni Emong na tila sinasabing “Huwag mo akong istorbohin!” kaya ang nangyari ay lumilis ang laylayan ng daster niya hanggang bewang niya.

Napailing na lang si Emong. “Malakas ang antok ni misis ah. Napagod siguro sa pagbili ng mga ititinda niya…” sabi na lang ni Emong sa sarili kaya inayos na lang niya ang laylayan ng daster nito.

“T-teka ano itong malagkit sa hita niya? A-at ang lansa parang…tamod?” Inamoy niya uli ito
para makasiguro. “Putang ina…tamod nga! Bakit…?”

Hindi na natuloy ang tanong ni Emong dahil kinapa na niya ang pekpek ni Ora.

“Basang basa ang…Ora! Ora! Gumising ka diyan!” Malakas na ang yugyog ni Emong sa asawa
bagay na ikinagulat din ng babae.

“Emong! A-ano..ano ka ba ha? Buwisit! Kita nang natutulog ang tao eh!” Pasigaw na sagot nito.

“Ano ba ang ginawa mo at wala kang panty! At bakit basang basa ang pekpek mo, ha? Ano?” galit na tanong ni Emong sabay umang ng nanlalagkit niyang kamay sa mukha ng asawa.

“Anong…h-ha? t-teka…” parang natauhan si Ora nang kapain din niya ang harapan niya at tila namutla din sa naramdaman niya doon.

“Ano sumagot ka! Bakit may katas na tumatagas diyan sa pwerta mo? Sinong kumantot sa iyo ha? Ha!”

Pero tila nakabawi si Ora sa sarili. “Gago ka ba Emong? Ano akala mo sa akin? Anong malay ko, baka ikaw ang kumantot sa akin!” bintang nito kay Emong.

“Nasaan ang tatay mo? Bakit nagbebenta na naman ng shabu ang tatay mo? Huwag ka nang tumanggi dahil may testigo ako!”

“A-anong…hayup ka Emong! Huwag mong ibahin ang usapan! At huwag mong pagbibintangan ang tatay ko! Oo dati siyang tulak pero nagbago na siya!” sabay punas niya sa ibaba dahil halata ang pagtagas ng katas nito sa daster niya na lalong ikinagalit ni Emong.

“Putang ina Ora! Sino ang kalaguyo mo! Umamin ka na kung hindi papatayin kita!” banta ni Emong.

“Sige magpatayan na tayo!” dagling tumakbo si Ora sa kusina at sinimulang pinagbabato si Emong ng mga plato at baso na nagkabasag-basag. Lahat na ng kagamitan sa bahay na nahawakan ni Ora ay inihagis na niya kay Emong.Lalong naulol sa galit ang lalaki na tila dadambahin si Ora para suntukin kung hindi lang siya napigilan ng kanilang kapitbahay na isang tanod.

“Pare tama na yan! Tama na!” Pigil ng tanod na humila kay Emong palabas ng bahay kaya hindi na rin natuloy ang salpukan ng dalawa.

“Sige lumayas ka na! huwag ka nang bumalik! Wala kang kwentang asawa!” sigaw ni Ora na nanggagalaiti sa galit.

Dinala ng tanod si Emong sa barangay outpost nila para magpalipas ng init ng ulo. Doon na rin nagkwento at kinumpirma ng mga tanod pagbebenta ng shabu ni Mang Kulas.

“Matagal na naming gustong sabihin ang gawain ng biyenan mo Emong, pero madalas ka kasing nasa biyahe, hindi kami makahanap ng tyempo…”

“Pare pasensya ka na. Alam kong mabigat ang pakiusap kong ito pero, pwedeng kausapin ko muna ang biyenan ko? kahit ganoon yun eh tatay pa rin ng misis ko yun. Ayokong magkaroon kami ng samaan ng loob ni misis kung sakaling mahuli siya ng mga ototridad. Kung mahuli man siya, at least wala sa bahay namin.”

“Para sa iyo pare, pagbibigyan kita. Pero kailangang maresolba mo na ito hanggang maaga pa dahil mainit na ang mata ng batas sa biyenan mo,” sagot naman ng kaibigang tanod ni Emong.

“Salamat pare. Sige pare mamasada na lang uli ako, para mawala ang init ng ulo ko ngayon. Mahirap ng umuwi ngayon sa bahay nang galit si Ora…”

Ilang minuto pa at nasa biyahe na naman si Emong. Bagamat nabawasan ang init ng ulo niya ay hindi pa rin niya matanggal sa isip kung sino ang kalaguyo ni Ora, o kung may kalaguyo nga ba siya?

“Siguro isang kostumer ni tatay ang tumira kay Ora…sinamantala lang nito na tulog nang malalim si misis kaya naka-iskor ito nang madalian…oo yun nga…bakit mabibigla si misis kung alam niya ang nangyari…?” pagpapaliwanag ni Emong sa sarili.

Maghahatinggabi na nang makabalik sa terminal si Emong. Pagkatapos niyang maigarahe ang dyip ay dali-daling naglakad na siya pauwi at nagdesisyong hihingi siya ng tawad kay Ora sa away nila kanina.

Dahil madilim na ang bahay nang makarating siya, inaasahan niyang tulog na ang asawa sa kwarto kaya dahan dahan niyang binuksan ang pintuan. Nakadaan na siya sa sala nang may narinig siya sa kusina

“H-huwag…maawa ka…”

“Sige na…sandali lang ito…”

Natulala siya sa nang marinig ang boses ni misis. At may kaulayaw siya? Nagsimulang sumiklab ang galit ni Emong at handa nang sugurin ang lalaki pero dahil madilim ay nagtago muna siya sa likod ng sofa para hindi siya makita hanggat hindi niya nakikita nang husto ang itsura ng salarin.

“Sige…bilisan mo at baka dumating na si Emong…”

Nagpanting siya sa narinig. Kinusot niya ang mata para makita na niya nang maayos ang lalaking kasama ng misis niya. At unti-unti nakita niya ang korte ng dalawa na magkayakap pero hindi pa rin niya makita ang mukha ng lalaki. Nakatalikod ang dalawa, ang likod ng lalaki ang nakikita ni Emong ngayon. Malikot ang kamay ng lalaki dahil palipat lipat ang paghimas nito sa mga suso ni Ora pababa sa pagitan ng hita niya. Tila nakasuot siya ng sando pero wala na ang pang-ibabang suot.

“Hahhh…ang sarap po….matagal ko nang nami-miss yannnn…”

“Uhmmm…mas lalo akong nangungulila sayo…halikaaahhhh…umphhh!!!” sabay dukwang ng ulo nito sa dibdib ni Ora na nakasandal ngayon sa lababo.

“Hayup ka…hayup kayo!” Sa galit ni Emong ay naluluha na ito at napaupo saglit kaya natabig niya ang lamesa sa tabi ng sofa at natumba ito. Nagulat din siya kaya mabilis niyang binalik ang natumbang lamesa sa pwesto nito, bagay na napansin ni Ora.

“Unghh…t-teka, tekaahhh! P-parang may natumba sa sala…titingnan ko…”

“Huh? Wala naman eh…sige na…ituloy na natin…nabitin ako sa iyo kagabi…”

“Naman…ang dami mo ngang nilabas na tamod sa akin baka mabuntis ako…”

“O eh ano ngayon? Ayaw mo ba? Mabuti nga kung sakaling mabuntis ka hindi naman mahahalata ni Emong na ako ang tatay. ”

“Kung bakit naman kasi iniwan mo pa ako sa Bikol…sana tayo na ang mag-asawa ngayon.”

“Anong magagawa ko eh sa nahuli nga ako ng mga alat? Tama na nga ang satsat uhmmm…” at sinibasib ng halik ng lalaki ang misis niya.

Sa puntong iyon kinabahan na siya sa usapan ng magkalaguyo dahil dati na silang magkakilala. Nakikilala niya na ang lalaki dahil sa hubog ng katawan nito at ang magaspang na boses. Ayaw niya munang beripikahin ang mga hinala niya hanggang hindi nakikita mismo ang mukha ng lalaki.
Tinulak paluhod ng lalaki si Ora sabay sandal niya sa lababo. Dali-dali namang hinubad ni misis ang cargo pants niya at doon nagsimulang magtaas-baba ang ulo ni misis na hinawakan naman ng lalaki ng dalawang kamay niya. Paalon-alon ang bewang ng lalaki habang walang humpay naman ang impit ni Ora sa pagpapala niya sa titi ng lalaki.

“Tslap! Tslap! Tslap! Ummphhh…”

“Ahhh…tang-ina ang sarap…ituloy mo pa…ohhh…”

Mas marahas na ang pagbayo ng lalaki sa bibig ni misis na parang pekpek.

“Tslup! Glurkk…ohrrkkk…urmmmm…”

“T-teka tama na muna ayaw kong labasan agad…hehehe ang sarap mo pa rin Ora. Sige tumalikod ka na…”

Tumalima naman agad si misis na tumayo sabay talikod sa kanya paharap sa may refrigerator. Ilang segundo ring naglumikot ang lalaki sa likod ni misis na tila hirap siyang hanapin ang butas dahil sa tangkad at laki nito pero maya maya lang ay napaigik si misis at nagsimulang umindayog ang lalaki sa likod niya.

“Ahhhh…um…um…um…ang init at ang sikip pa rin ng pekpek mo…kinakantot ka ba ng mister mo ha?”

“Ohhhh…unghhh…h-hindi na…bihira na nga akong galawin ng kumag na yon dahil puro trabaho ang inaatupag…palaging kapos naman ang entrega niyang kita. Walang kwenta…ohhh sige pa bhe…hayan malapit na akoo…”

Pabilis nang pabilis ang pagkadyot ng lalaki sa likod niya habang pabaluktot nang nakakapit si Ora sa hawakan ng pintuan ng ref. Dahil siguro sa bigat ng kapit niya sa ref ay hindi niya sinasadyang bumukas ito at sa pagbukas ay lumiwanag ang bahagi ng mga mukha at katawan nila na kung saan si misis ay namumungay ang mga mata at pinapaikot ang dila sa sarap habang ang lalaki na kahawig ni Ruel Vernal ay nakapikit at papaling paling ang ulo dahil siguro sa tindi ng sarap na nadarama niya.

Sa puntong iyon ay nanlumo at nanginig ang katawan ni Emong dahil nakumpirma ang hinala niya kung sino ang lalaki: si Mang Kulas, ang padrasto at kalaguyo ni Ora. Sa tindi ng kanyang pagkabigla ay parang nawalan siya ng lakas, na parang namanhid ang kanyang buong katawan.
Nanatili siyang nakaluhod sa likod ng sofa habang nagpapakasa ang dalawa sa harapan ng ref.

“Um! Um! Um! Um! Ang sarap moooo…ang init ng pekpek mo Ora..ang sarap naman talaga…”

“Anghhh! Ang sarap mo rin Kulas! Sige pa…kantutin mo ako…iyong iyo ako…”

“Um! Hindi na kita iiwan uli Ora…sumama ka na sa akin. Iwan mo na ang asawa mo…aalis tayo ngayon din…”

“OOOhhhhh…sige, papayag ako…ayoko nang mawala ka uli…tutal walang kwenta naman ang asawa ko sa lahat ng bagay…payag na akong maging asawa mo…ayyyy lalabasan na akooo…”

“Sige ilabas mo na yan at lalabasan na rin akoooo!”

Hindi matanggap ni Emong ang ginawa ng dalawa sa kanya lalo na ang mga sinabi ni Ora na wala siyang kwentang asawa? Lahat ng pagmamahal at pagsisikap niya ay ibinuhos niya sa kanya pagkatapos iyon lang ang igaganti niya sa kanya?

“MGA HAYOP KAYO! MAMATAY NA KAYO!!!”

Hindi na alam ni Emong kung paano ang nangyari pero nakita niya na lang ang sarili na pasugod na tumakbo sa kanilang dalawa at inihagis ang lamesitang nasa harap ng sopa kaya biglang nanlaki ang mga mata ng dalawa nang marinig si Emong at makitang nagmamadali na lumapit sa kanila.
Sinalubong siya ni Ora at biglang niyakap para pigilang bugbugin si Mang Kulas na mabilis ding naisuot ang cargo pants sa sahig at maliksing nakaiwas sa mga bigwas ni Emong. Nakita na lang niyang nabuksan ang pintuan at humahangos na tumakbo palabas ng bahay. Sa edad niyang iyon ay napahanga si Emong sa liksi ng matanda.

Galit na nagpupumiglas si Emong sa mga yakap ni Ora hanggang sa makahulagpos ito sabay sinapak ang misis niya kaya napasalampak sa sahig si Ora at nawalan ng malay. Hangos ding sumunod si Emong kay Mang Kulas nang may biglang napatigil siya at tinakpan ang mga mata dahil nasilaw siya sa pagsindi ng mga ilaw galing sa mga limang sasakyan na nakaharap sa bahay ni Emong.

“Tigil!”

“Huwag kang gagalaw!”

“Sumuko ka na! Dapa! Dapa ka!”

“Putang ina niyo! Hindi ako susuko!”

Nakarinig na si Emong ng sunud-sunod na putok ng mga baril kaya napadapa siya at tinakpan ang mga tenga ko dahil sa nakakabinging putukan. Ilang saglit pa at tumigil na ang putukan kasabay ng pag-alingasaw ng usok galing sa pulbura.

Ilang minuto pa at nagsilabasan na ang mga usiserong mga tao sa kalye. Lumabas na rin si Emong para lumapit sa kalsadang naganap ang barilan pero pinigilan na sila ng mga tanod at pulis na makalapit pa. Sa malayong distansiya, nakita niya ang isang lalaki na nakabulagta sa kalsada, tadtad ng bala ang katawan. Bagamat hindi niya nakita nang buo ang mukha, pamilyar naman sa sa kanya ang suot nitong cargo pants.

Pabalik na si Emong sa bahay nang makita niya si Ora na nakupo sa harapan ng pintuan , duguan ang labi at namamaga ang pisngi, umiiyak habang papalapit sa kanila ang mga pulis para magtanong sa insidente. (End)

Scroll to Top