Padre de Pamilya

ni Fiction-Factory

mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

“Sa bawat haplos.
Sa bawat ungol at halinghing.
Sa bawat galaw ng aming pinagpatong na katawan ay alam kong may isang babae na umiiyak at nagdurusa sa kawalan.

Ngunit dahil nagpatalo ako sa bugso ng kaligayahang aking natatamasa, paano ko pa maaalala ang babaeng ito?”

* * * * * * *

Buti pa si pareng Edgar tumama sa asawa. Bukod sa maganda’t sexy na, mabait pa at maaskaso. Kahit napaparami na inom namin ni Pare ayos lang sa kanya.

“Buti ka pa Pare sinwerte sa asawa.”
‘di ko maiwasang hindi mainggit.

Natigilan sya sa pagsalin ng Emperador brandy sa baso, napatingin sya sa’kin.

“Ba’t mo naman nasabi ‘yon?”
tanong nya, at ngayon pareho na kaming nakatingin sa misis nya na papalapit at may bitbit na ‘sang platitong sisig.

“O heto na pulutan nyo. Huwag kayong magpapakalalo sa toma ah! May pasok pa kayo bukas.”
paalala ng asawa nya matapos ilapag ang sisig sa lamesita.

“Oo. Mamaya ikaw naman pupulutanin ko ha?”
pagbibiro pa ni Pare.

“Ikaw talaga! Di ka na nahiya kay Pareng Jun!”
sabay pa kaming napangiti ni Mare.

“Wag kang mag-alala Mare, sanay na ako dyan!”
nasabi ko nalang.

“Hmp! Kayo talaga! Hindi ka naman ba hinahanap ni Mareng Lyn nyan? Baka hindi nya alam na nandito ka ha?”

“Sus! Yung kumare mong yon nahulog sa duyan! Wala namang pakialam sakin yun eh!”
pero ang totoo kanina pa sya text ng text sa akin.

Sa naisagot ko natahimik si Mare. Halatang ayaw nyang magbukas ng usapin tungkol sa sinabi ko kaya mas minabuti nyang magpaalam nalang.

“O sya maiwan ko na kayo, nag-umpisa na yung pinapanood kong teleserye.”

Pagkaalis ni Mare tinuloy na namin ni Pare ang inuman. Muli nyang sinalinan ang baso ko at nilagyan ng yelo.

“Mukhang may problema kayo ng Misis mo ah!”
pagpapatuloy nya sa usapan.

Napaisip ako…
May problema nga ba sa pagitan namin ng misis ko? Inalala ko yung mga nagdaan na araw. Pansin ko na nagiging mainitin ang ulo nya, lagi nya akong inaaway sa bahay. kaya nga ba ayoko nang mag-stay sa bahay eh.

“Si Misis kase pare lagi nya akong binubungangaan! Ni hindi ko na sya makausap ng maayos, lagi nya akong sinisigawan.”
paliwanag ko.

“Normal lang sa mag-asawa ang mag-away, basta wag nyong ipakita sa mga bata, lalo na sa panganay mong si Jonna, high-school na yon, may isip na yon.”

“Eh yun na nga problema pare eh! Wala syang pinipiling lugar at oras, kahit pa nasa harapan ng mga bata.”
bigla akong nalungkot.

“Pag ganon, wag mo na lang patulan, wag mo nalang sabayan ang init ng ulo nya. Ano bang pinag-aawayan nyo?”

Ano nga ba ang mga bagay na napag-aawayan namin?
Yung pag-uwi ko nang dis-oras ng gabi?
Yung pag-uwi ko nang lasing?
Yung kinukupit ko sa sahod ko?
Syempre hindi ko ito sasabihin kay Pare, lalo na yung pambababae ko.

“Ewan ko nga ba don, ang init ng dugo sa twing makikita ako. Dapat nga ako pa itong magalit eh! Kase biruin mo pare hindi na nya ako pinapasiping. Halos tatlong buwan na ata eh!”
at ito ang dahilan ng pambababae ko.

“Kaya ba nagbi-beerhouse ka?”
naging siryoso si Pare.

Nabigla ako don. Hindi ko inasahan ang pagsagot nya ng gano’n. Pa’no nya nalaman ang panggu-goodtime ko? Si pareng Elmer siguro.

Nagkatinginan kami,
“Kanino mo nalaman Pare?”
tanong ko.

“So, totoo nga?”
aniya.

Gusto kong magalit. Gusto kong magalit kase hindi tumupad ng usapan yung isa kong kumpare na si Elmer. May usapang lalaki kami na walang makakaalam ng pambi-beerhouse namin.

“Si pareng Elmer ba nagsabi sayo Pare?”
paniniyak ko.

“Hindi. Ang totoo nanghula lang ako. So kasama mo rin pala si Elmer?”

Hindi ako naniniwala. Alam kong matalino si pareng Edgar pero siguradong may nagbigay parin sa kanya ng ideya.

“Pare, hindi sa nanghihimasok,”
pagpapatuloy ng kausap ko,
“…walang masama sa panggu-goodtime, pero sana alam mo limitasyon mo. Sana hindi ito nakakaapekto sa pamilya mo. Tandaan mo na hindi lang pera ang nasasayang sa beerhouse, kundi pati panahon at oras mo na sana’y nalalaan mo pa sa pamilya mo–”

“Tama na pare…alam ko ang ginigawa ko…” hindi ko na sya pinatapos.”

“Huwag ka sanang magalit pare, paalala lang naman ang akin.”

Nakatingin ako sa hawak kong shotglass, natutulala gawa ng mga bagay na naglalaro sa’king isipan. Nasa tamang katinuan pa naman ako kaya nauunawaan ko pa si Pareng Edgar.

“Isa pa pare, baka naman may dahilan si Mare kung bakit hindi ka na pinapasiping. Mas mabuti pa tanungin mo sya, kausapin mo ng mabuti.”
dagdag pa nya habang hawak ang kaliwang balikat ko.

Nag-iisip ako ng mga bagay na posibleng dahilan kung bakit ‘di na nya ako pinapasiping. Ang lagi nyang dinadahilan, pagod daw sya sa kakaasikaso sa mga bata,lalo na kay bunso na hatid-sundo nya sa elementary school.

Pagod din daw sa mga gawaing bahay, at lalo na sa paniningil nya sa mga pautang sa 5-6 ng Tita nya. Kinuha kasi syang collector, dagdag kita daw.

Pagkatapos ng shot ko nagpaalam na ako kay pare. Nawalan na rin ako ng ganang uminom kaya hindi na namin naubos ang isang bote.

“Ahm… Pare, mauna na ako baka hinahanap na ako ng misis ko.”

Pero ang totoo ibang bahay ang pupuntahan ko. Napainit na kasi ng alak ang buong katawan ko kaya naman ngayon naghahanap na ito ng sariwang laman.

Sakay ng TMX motor ko, nilisan ko ang bahay ni Pareng Edgar. Dalawang kanto ang pagitan mula sa bahay namin, at imbes na kumanan ako pauwi, kumaliwa ako ng direksyon. Papuntang bayan.

Along the highway, may isang maliit na beerhouse na malimit puntahan ng mga kalalakihan. Hindi kasi ganun kaganda ang lugar, tapos iisa lang ang videoke.

Pero kami ni Pareng Elmer madalas magpunta dito pagkatapos ng trabaho. Sya ang nagyaya sa akin dito.
At dito sa lugar na ito, nakilala ko si Diana.

Pagpasok ko sa loob, wala pang gaanong tao. May dalawang lalaki lang na nagkakantahan dun sa gitnang table sa tapat mismo ng karaoke.

Nakita ko si Diana na nakatayo dun sa may counter, At nang makita nya ako bigla syang sumigla’t mabilis na lumapit sa akin.

“O, ba’t ikaw lang mag-isa? Nasa’n na si Elmer?”
pagsalubong nya sa’kin.

“Hindi kami nagkita ngayon eh! Niyaya kasi akong tumagay nung isa kong Pare.”
sagot ko.

“Ganun ba… Halika upo tayo.”
sa pag-upo namin, isang kampay lang ng kamay nya at kumilos na agad yung waiter sa counter.

Dinalhan nya kami ng isang Ladies’ drink at limang bukas na San Mig Pilsen, isang platitong mani at isang kaha ng Marlboro Lights.

“Oh teka! Hindi pa ako umorder ah!”
reklamo ko.

“He he Inorder na kita, ganyan din naman oorderin mo diba?”

Hindi na ako nakaangal at napilitang inumin ang mga nabuksan nang serbesa. Naalala ko yung sinabi ni Pareng Edgar kanina. Mukhang mapapalustay talaga ako ng pera.

Lumapit sa amin si Dina-ang babae ni Elmer-nilapitan nya ako.
“Nasa’n si Elmer?”
tanong agad nya.

“Naku, wala sya. Pero baka pumunta na yon maya-maya, pero ‘di ko sure ah!”
sagot ko.

“Naku sayang naman! Kung kailan pwede na kaming ilabas, dun pa sya wala. Hmp!

Padabog na umalis si Dina. Naiwan kami sa table ni Diana na magkatitigan. Nagulat kasi ako sa narinig ko. Pwede na silang ilabas ngayon?

Sa halos isang buwan kasi na pagpunta-punta namin ni Pareng Elmer dito, ni minsan hindi pa namin nailabas ang dalawang babaeng ito. Liban ngayong gabi, mukhang napakaswerte ko.

Ginanahan akong uminom. Inakbayan ko si Diana at napatingin sa siwang ng suot nyang tubetype blouse. Ang puputi ng pisngi ng mga boobs nya.

“Totoo ba yung sinabi ni Dina?”

Napatingin din ako sa parteng ibaba, sa mga mapuputi nyang hita na naggu-glow sa dim light. Naka-crisscross pa talaga sya, at dahil naka-mini skirt lang sya alam kong nakapanty lang sya.

“Oo. So ano, iti-take out mo ba ako ngayong gabi?”
malanding tugon nya.

Napahawak nalang ako sa legs nya habang hinihimas-himas sabay sagot ng;
“Oo.”

Pagtingin ko sa oras mag-aalas onse na ng gabi. disoras na kaya hindi ko na nagawang ubusin ang iniinom ko kaya lumabas na kami, at isa pa atat na atat na akong matikman ang katawan ni Diana.

Simple lang si Diana. Hindi man ganun kaganda pero hindi rin naman pangit. Malakas ang sex appeal nya dahil sa maputi sya at sexy. At pag lasing ka na yun lang naman ang mahalaga diba? Ang masarap na katawan ng babae.

Umangkas sa TMX ko si Diana, at habang nagdi-drive ako panay ang salat nya sa alaga ko, kinukunsinte nya tumitigas tuloy ang ulo.

Nag-check in kami sa pinakamalapit at pinakamurang motel sa bayan. Ni hindi ko na inalala na baka may makakita sa aming kamag-anak o kakilala. Basta ang alam ko, libog na libog na ako.

Sa edad kong 43 at sa 17 years ng married life ko aaminin kong tanging ang asawa ko palang ang nakakatalik ko, kaya siguro ganun na lang kung maghanap ng ibang putahe ang katawan ko. Lalo na ngayong matagal na akong walang sex.

Pagpasok namin sa kwarto, naghubad agad si Diana. Sabik na sabik akong makita ang hubad nyang katawan.

Unang lumantad ang mabibilog at malulusog nyang bundok. Medyo nalalaglag na at umaalog-alog sa lambot, medyo brownish na rin ang magkabila nitong jolens.

Ang nagpahubad sa akin ay nang matanaw ko na ang V-shape nyana kabibe. Dun na ako nataranta at nag-init ng todo.

Pinahiga ko agad sya sa kama at pinatihaya kasabay ng pagluhod ko sa harapan nya. Kinain ko agad ang namumula nyang rosas, ibinuka ang magkabilang petals at nilasap ko ang linamnam ng kanyang honey dew.

“Aaahhhh…. Ooohhhh….”
napapadaing pa sya sa twing tatamaan ng lengua ko ang perlas nya.

Hindi ko sukat akalaing isasarsyado ko agad ang tilapia nya sa unang beses palang. Ganito na ba talaga ako katigang?

Parang mamon sa lambot ang pagkababae nya. Nagbabad ako para masigurong sulit ang bawat sentimong ibabayad ko.

Naglakbay ang lengua ko. Mula sa base, umusad ito pataas, papunta sa puson nya, may nadaanan pa akong gubat.

Niromansa ko sya pataas, sa tyan nya, sa pusod nya hanggang makarating ang mga labi ko sa paanan ng dalawang matatayog na bundok.

Nag-hiking ang lengua ko sa malulusog at punong-punong bundok. At nang marating ang tuktok, isinubo ko ang nakausling jolen.

“Aaahhhh… Ahh… Ahh…”

Ang sarap sa tenga ng musikang dulot ng paghalinghing nya.

“Ohhh… Ohhh… Shiiitt…”

Inabot ko ang mga labi nya kasabay ng pagpatong ko sa kanya. Liyad ng liyad ang katawan nya nang sinimulan na namin ang halikan.

Ang galing nyang humalik. Tantyado ng bibig nya ang bawat kagat, kung saan kakagat, kung kailan kakagat. Alam din ipwesto ang mga labi nya. At ang lengua nya alam tiempuhin ang paglabas-pasok.
Kung may kurso lang ang halikan, siguradong CUMlaude sya.

“Mmmm…hhhhhmmmm…”

Nag-aalab na ang kaluluwa ko, at sa bawat daing nya alam kong libog na rin sya.

Bumukaka na sya. Handa nang salubungin ng prinsesa nya ang prinsepe ko.

“Aaahhhhhhhmmmmmmm….”

Tumindi ang pagdaing nya nang ipasok ko na ang susi ko sa susian nya, nag-lock ang aming kasarian. Damang-dama ko ang ligaya nang simulan ko ng umulos.

“Aaahhh… Shit…”

Minekaniko ng monico ko ang makina ng monica nya. Shit! Naglalabasan na ang likido sa katawan ko. Pinagpawisan agad ako.
Naglalapasag ang hito ko sa kailaliman nya.

“Ahh… Hu-huwag mong ipapasok ah? Hugutin mo ‘pag lalabasan ka na ok?”
bulong nya sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus ay binilisan ko pa ang pagwasak sa kabibe nya.

“Ahhh…Ahh…Ahh”

Randam ko na ang likido ko na dumadaloy sa kahabaan ng adan ko, at bago pa ito tuluyang lumabas, hinugot ko na ang kargada ko at sa tyan nya ito ko pinaputok.

“Ahhhrrrrgggg…. Aahhhrrr”
gigil na gigil ako.

Sa isang iglap lang, naubusan ako ng lakas.
Sa isang iglap lang, naubos ang laman ng wallet ko.

Binayaran ko ang serbisyo ni Diana. Patay kang bata ka! Halos matangay na ang kalahati ng sahod ko!

Hinatid ko na si Diana sa beerhouse at umuwi akong kakamot-kamot.
Ano naman kaya ang mainam na idadahilan ngayon?

Nasa daan pa ako pinatay ko na ang makina ng motor ko. Itinulak ko nalang papasok sa bakuran. Ayokong may magising pa, pasado ala-una na kasi at mukhang tulog na ang lahat dahil patay na ang mga ilaw.

Ginarahe ko na ang motor ko. Dumaan ako sa likod-bahay, sa may kusina tulad ng lagi kong ginagawa, at nang buksan ko na ang pinto, biglang nagliwanag ang ilaw.

“Bakit ngayon ka lang?!”
nagulat ako sa biglang pananalita ni Misis.

Nakatayo sya sa tabi ng switch at nakapamewang. Hindi ko inaasahan ‘to, ba’t naman kaya hinintay pa nya ako?
Hindi ko alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa asawa ko.

Kung titignan sya, parang hindi angkop ang edad nya sa hitsura nya. 40 pa lang sya pero ang aga nyang nalosyang. Parang sampu na ang anak nya gayung dalawa lang naman.

“Ah. Napasubo kami ni Pareng Edgar sa inuman eh!”
buti nalang nakahanda na ang idadahilan ko.

“Aba! Napapadalas ata ang pag-uwi mo ng madaling araw?”
patuloy nya habang nakatingin sa wall clock.

Syempre iiwas ako,
“Lyn, pagod ako, gusto ko nang magpahinga.”

Per mukhang hindi ako lulusot ngayong gabi,
“Sana man lang nag-text ka, para hindi ako nag-aalala sayo!”

Habang nag-uusap kami ikinakandado ko na ang pinto. Sya naman nakatayo lang do’n, parang tigre na ano mang oras handa nang kagatin ang bihag nya.

“Eh wala akong load eh!”

At hindi pa rin sya huminto,
“E’di sana naki-text ka kay pareng Edgar?”

“Wala din syang load!”

“Walang load? Samantalang tinext ko si Pare, nagreply sya!”
makulit talaga.

“Eh sabi nya sa’kin kanina wala syang load eh! Baka kakaload lang nya.”

Halatang nang-gigigil sya, napapakagat-labi pa.
Para matapos na, naglakad na ako papuntang kwarto, pero nang madaanan ko sya bigla nalang nyang kinabig ang braso ko.

“Kinakausap pa kita!!”
sigaw nya sakin. Bawat kataga punong-puno ng galit.

Nagkatinginan kami. Nakadama ako ng kaba dahil sa talim ng mga mata nya. Kitang-kita ko ang poot. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.

“Sa’n ka ba talaga galing? Ang sabi ni pareng edgar maaga ka daw umalis sa kanila!”
patuloy nya.

Hindi matanggal ang mga mata nya sa akin. Diretso ang tingin nya sa akin na para bang binabasa ang isip ko gamit ang instinct nya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil nagi-guilty ako.

“Bukas na lang tayo mag-usap! Baka magising pa ang mga bata!”

Sa sinabi ko bigla nya akong binitawan. At napansin ko na ang kaninang galit sa kanyang mukha ay napalitan ng lungkot. Nagtataka tuloy ako kung bakit bigla syang nalungkot.

Dumiretso na lang ako sa ‘ming kwarto at nahiga. Ni hindi ko na nagawang magbihis.
Huminga ako ng malalim habang hinihintay ko ang asawa ko.

Maya-maya lang narinig ko na rin syang pumasok sa kwarto namin. Nagtulog-tulogan ako. At nang mahiga na sya sa tabi ko narinig ko ang pag-iyak nya.

Anong drama ‘to?
Minulat ko ang aking mga mata para silipin sya.

“Hum huhuhu hibik”

Nakatalikod sya sa akin at napakasakit ng pag-iyak nya.

Ano bang gusto nyang palabasin ngayon?
Nakakairita na sya. Naiinis ako sa twing maririnig ko ang pagsinok nya.

Ang ginawa ko lumabas ako para magkape. At talagang gusto kong ihampas ang thermos dahil wala na namang laman!
Nagpakulo muna ako ng tubig sa takure dun sa stove.

Hindi ko na naririnig ang pag-iyak ng asawa ko. siguro nakatulog na sya.
Bigla kong naalala si Diana.

Pumunta ako sa banyo habang hinihintay ko ang pagkulo ng tubig.
Binunot ko ang wallet ko at kinuha ko ang secret sim ko na nakasingit sa driver’s liscence ko.

Oo secret sim! Kase hindi ito alam ng Misis ko. Umupo ako sa toilet seat habang pinagsi-switch ang sim ko sa cellphone ko.

Pero nang maisalpak ko na ang sim, dun ko pa lang naalala na ubos na pala ang load nito. Sayang naman at gusto ko pa naman sanang tawagan si Diana.

Nang matanggal ko na ang sim sa cellphone, may naamoy ako na parang nasusunog na lata.

“Putang–!”
bigla kong naalala yung pinapakulo kong isang basong tubig!

Sa taranta ko at labis na pag-aalala, hindi ko na napansin ang paglapag ko sa secret sim ko sa ibabaw ng pasamano sa loob ng banyo.

Lumabas agad ako at nadatnan ko ang takure na umuusok at natuyo na ang tubig!

“Letche naman!”

Sa inis ko hindi na ako nagkape at natulog na lang ako.

Kinabukasan maaga akong nagising. Akala ko maaga na ako pero mas maaga pa rin ang asawa ko.

Dumiretso ako sa banyo para maligo na. Nadaanan ko yung kusina, nakahanda na ang almusal. Pero alam kong hindi ito para sakin kundi sa mga anak ko na papasok sa eskwela.

Pagkatapos kong maligo, gising na nga ang dalawa kong anak at ngayon kumakain na sila kasama ng Nanay nila.

“Kumain ka muna bago ka umalis.”
sambit ng asawa ko pero hindi naman nakatingin sa akin.

“Oo nga po ‘tay. Magbihis ka na para makasabay ka na sa amin.”
dagdag pa na Jonna-ang panganay kong babae. Si Mark naman na bunso abala sa pagkain.

Ang totoo, ayokong sumabay kaya binaglan ko ang pagbibihis. Ayokong makaharap ang asawa ko dahil baka mag-away na naman kami kapag nalaman nyang kulang ang intrega kong sahod.

Ang ginawa ko iniwan ko nalang ang sobre ng sahod ko sa ibabaw ng durabox sa kwarto atsaka na ako dumiretso palabas, papasok sa trabaho.

Binarurot ko ang motor ko at mabilis na nakarating sa construction site na pinagta-trabahuan ko.

Nadatnan ko na do’n ang helper ko na si pareng Elmer. Karpintero kasi ako at ginaga namin yung mga drawers and cabinets sa isang malaking bahay sa subdivision.

“O. Nandya’n ka na pala Pare. Nilagare ko na yung mga flyboard na hindi natin natapos kahapon.”
pagsalubong nya sa akin.

“Ah talaga… Hmm… Pare, sinabi mo ba kay pareng Edgar na nagbi-beerhouse tayo?”
kumunot ang kilay nya sa naitaning ko.

“Huh?! Hindi. Lalaki akong kausap Pare, kaya wala akong pagsasabihan.”
naisagot lang nya.

Mukhang hinuhuli nga lang ako ni Pareng Edgar, at mukhang nagtagumpay sya. Sana lang wag na syang maingay sa asawa ko.

Kinwento ko kay pareng Elmer ang nangyari sa amin ni Diana kagabi, at talaga namang halos mamatay sya sa inggit. At labis-labis na panghihinayang pagkat naintrega na nya ang sahod nya.

“Alam ko na Pare. Babale na lang ako mamaya kay Boss. Samahan mo ‘ko Pare ha?”
sa sobrang pananabik handa nyang gawin ang lahat. Napangiti na lang ako.

Habang abala ako sa pagsukat, paglagare at pagpukpok, biglang nag-beep ang text message tone ko.

Ninerbyos ako dahil alam kong si Misis ang nagtext. Pagtingin ko sa cherry mobile ko, si Misis nga.
Nung una nag-aalangan pa akong buksan ang text nya, baka kasi tungkol ‘to sa kulang na sahod ko, pero nang buksan ko na, iba ang nakasaad;

“Maaga ka daw umuwi mamaya sabi ni Bunso. Mag-bike daw kayo.”

Whew!
Nakahinga ako ng maluwag.

Sinubukan kong umuwi ng maaga pero naharang ako ni Pareng Elmer. Alas-singko ng hapon nang magretiro na kami sa trabaho. Niyaya nya akong mag-inuman sa bahay nila kasama ng iba pa naming katrabaho.

Bilang pakikisama sa kanila, sumama ako. Tutal wala naman akong pasok bukas, kaya bukas na lang kami mag-bike ni Mark.

Inuman, kantsawan, kainan hanggang sumapit na ang gabi. Hanggang malasing na ang bawat lalaking kasama ko na nakapaikot sa isang mesa.

Alam ko na ang susunod na mangyayari, alam kong ilang sandali na lang yayayain na ako ni Pareng Elmer na mag-beerhouse.

“Pare wala akong pera eh”
bulong ko kay Elmer sa harap ng inuman.

“Ako’ng bahala sa’yo Pare. Ililibre kita.”
kinukulit talaga nya ako.

Syempre gusto ko rin lalo na kung libre lahat, kaya naman nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng beerhouse, kasama si pareng Elmer na nakaupo sa tapat ko.

Kayakap nya si Dina habang nagyoyosi, at ako, heto, nakaakbay kay Diana at paminsan-minsa’y hinihipo ang mga hita nya.

Biglang nagsalita si Pareng Elmer,
“Sya nga pala Pare, ano binuking ka ba ni pareng Edgar sa Misis mo–”

Lumabas na ang mga kataga sa bibig nya bago pa nya naisip na hindi alam ng kayakap kong si Diana na may asawa na ako.

“Ano kamo?! Misis?!”
nagtaka tuloy si Diana at kumalas sa bisig ko.

“Akala ko ba patay na ang asawa mo at ngayon binata ka?”
at nagsimula na syang manghalungkat.

Matalim ang tingin na ipinukol nya sa akin. Ang mga mata nya punong-puno ng pangungusap, para bang binabasa nya ang isip ko gamit ang instinct nya.

Naalala ko ang asawa ko. Ganitong-ganito ang mga mata nya kagabi. Ngayon naman si Diana ang nakatingin ng diretso sa akin. At dahil nagi-guilty ako kaya umiwas ako ng tingin, tulad ng pag-iwas ko sa tinginan namin ng asawa ko kagabi.

“O! Ba’t umiwas ka ng tingin? Ibig sabihin totoo?”
nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Diana.

Natigilan ako at natameme. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang asawa ko.
So ang pag-iwas ko pala ng tingin sa Misis ko kagabi, ang syang dahilan kung bakit ang galit nya ay napalitan ng lungkot. Ibig bang sabihin na may isang bagay sya na nakumpirma sa akin kaya ganun na lang kung umiyak sya?

“Hoy Pare! Mukhang malalim iniisip mo ah!”
nagulat ako sa tapik sakin ni pareng Elmer.

“Ayan Diana! nawala tuloy sa mood si Pareng Jun! Tumigil ka na kasi! Binata yang kumpadre ko, ano ka ba! kapag na-badtrip yan kasalanan mo!”
pinagsabihan pa nya si Diana.

Tumigil naman itong isa at muling kumapit sa braso ko.
Tinuloy namin ang inuman at kasiyahan. Hindi talaga maalis sa isipan ang asawa ko pero pilit ko syang iwinawaglit.

Salamat na lang sa tulong ng alak at bumalik na rin ang sigla ko.
Nalalasing na rin ako, kaya bago pa ako tuluyang mahilo niyaya ko na si Pareng Elmer.

Tig-isa kami ng motor.
Parehong may angkas sa na babae sa likod.
Parehong motel ang pupuntahan.
Fuck! Parehong landas ang tinatahak.

Pagdating sa loob ng motel nagkahiwalay na kami ng kwarto, pero parehong langit ang destinasyon.

Kapag libog ang pinairal wala kang ibang magagawa kundi magpaubaya.
Pagpasok namin ni Diana sa kwarto naghubad agad sya. Sa kilos nya parang syang nagmamadali.

Ako na isang lalaki, ano pa ba ang aasahan kung may hubad ng katawan ang nakahain?

Tama! Naghubad na rin ako dahil wala akong lakas ng loob na kontrolin ang paglaganap ng kalibugan sa buong katawan ko.

Naghalikan agad kami, at sa mapusok na pagdampi ng aming mga labi, tuluyan na akong nanghina. Naghari na ang tukso sa utak ko. Wala na akong ibang iniisip dahil lumabas na ang halimaw sa katauhan ko.

Sa bawat haplos.
Sa bawat ungol at halinghing.
Sa bawat galaw ng aming pinagpatong na katawan ay alam kong may isang babae na umiiyak at nagdurusa sa kawalan.

Ngunit dahil nagpatalo ako sa bugso ng kaligayahang aking natatamasa, paano ko pa maaalala ang babaeng ito?
Ang babaeng ibinigay at inilaan ang buong buhay sa akin.

Tuluyan na akong nilamon ng makasarili kong pagnanasa.
Sa gabing ito muling may milagrong nangyari sa amin ni Diana.
At sa gabing ito alam kong muli akong nagkasala sa aking asawa.

Nagsindi ako ng apoy.
Isang peligrosong apoy.
Naaliw ako sa paglalaro.
Ngunit alam ko sa sarili ko na ngayon ay unti-unti na akong napapaso.

Gusto ko nang patayin ang apoy, pero hindi ko kaya dahil mahina ako, lalo ko lamang pinapasiklab ang apoy.
Hindi ko napansing unti-unti na rin pala akong nasusunog.
Alam kong kailanman hindi ko na matutupok ang apoy na ito, dahil nung una pa lang naging abo na ako.

Ika nga nila;
“Walang apoy na hindi umuusok”

Pag-uwi ko ng bahay, alam kong naghihintay na naman ang asawa ko.
Ginarahe ko na ang motor at sa kusina pumasok.

Biglang bumukas ang ilaw kasabay ng pasangga ko sa isang lumilipad na bag.

“Lumayas ka sa bahay na ‘to!”
sigaw sa akin ng asawa ko. umiiyak sya. Isang masakit na pag-iyak na tumatagos sa puso ko.

“A-anong ibig sabihin nito?!”
takang-taka pa ako pero sa loob-loob ko kinakabahan na talaga ako.

May binunot sya sa bulsa nya at pinakita nya ito sa akin,
“Kaninong sim ‘to? Huwag mo nang itago dahil nakita ko na ang laman ng sim na ‘to! Puta sino si Diana?”

Shit! Naalala ko na! Naiwan ko nga pala ang sim na yon sa banyo kagabi!
Patay kang bata ka!

Syempre hindi ako aamin,
“Ano bang pinagsasasabi mo? Wala akong alam sa sinasabi mo! Hindi sakin ang sim na yan!”

“Bistado ka na nga, nagmamaang-maangan ka pa! Lumayas ka! Ayaw na kitang makita!”

Napakasakit ng pag-iyak nya. Kung tutuusin bahay ko to at wala syang karapatang palayasin ako.
Pero para sa mga anak ko, nagpasya muna akong umalis.

Pumunta ako kina Pareng Edgar. Sa mga pagkakataong ito alam kong sya lang ang maasahan ko.

“O, ano’ng nangyari Pare’t napasugod ka ng ganitong oras?”
nagalala tuloy sya.

“Pare, pinalayas ako ni Misis.”

Nagulat sya sa sagot ko.

“Huh? bakit naman? Halika, pasok ka!”

Pinatuloy ako ni Pare at ikinwento ko sa kanya ang nangyari. Syempre hindi lahat. Ang panig ko lang ang ikinwento ko, lahat pabor sa akin. At ang lahat ng sisi ipinaratang kong lahat sa asawa ko.

“Yun na nga Pare, lagi nya akong pinagbibintangan na may babae daw ako. Dahil lang sa sim na yon pinalayas nya na agad ako? Eh hindi naman akin yun eh!”
paliwanag ko.

Hinarap ako ni Pare habang nakaupo kami pareho sa tapat ng dalawang tasang kape. Napakasiryoso ng mukha nya.

“Pare, isang tanong, isang sagot! Totoo bang wala kang babae?”
sa tanong nyang ito nakarandam ako ng kaba.

Bumilis ang pintig ng puso ko at pinagpawisan pa ako, pero syempre hindi ko ito pahahalata.

“W-wala nga Pare! Ano ba…”
pagsisinungaling ko.

Napabugtong hininga sya. Halatang hindi naniniwala,
“Sige Pare hayaan mo’t sasabihin ko sa Mare mo na kausapin ang asawa mo bukas. Sa ngayon magpahinga ka na muna. Halos madaling araw na rin ah!”
pahuling salita nya.

Nawala ang lasing ko sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na ganun kabilis ako napalayas ng asawa ko. Siguro nga guilty ako… Hindi tuloy ako nakatulog buong magdamag.

Kinabukasan, nagkakape ako sa terrace nila nang mapansin ko ang asawa ko na naglalakad sa daan.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papasok ng bahay bago pa nya ako makita.

Nagkasalubong kami ni Mare sa loob at sinabihan ko sya na huwag sabihin sa asawa ko na nandito ako.

Nagtago ako sa may kusina. Sa lakas ng boses nila naririnig ko ang usapan nila. Hindi nga ako nagkamali, tunay na hinahanap nga ako ng asawa ko.

Dumungaw ako sa pinto para silipin ang dalawa sa labas. At ang asawa ko ang una kong nakita. Mas lumala ang hitsura nya. Lubog sa eyebags ang mga mata nya at para bang lalo syang nangayayat.

Iniisip ko kung bakit matapos nya akong palayasin, heto sya’t hinahanap ako.
May plano akong hindi na bumalik sa bahay at wala akong planong humingi ng tawad sa kanya kailanman.
Ngunit sya, hindi nya ako matiis…

Ayokong isipin na kaya nyang lunukin ang pride nya para sa akin. Nasasaktan kasi ako, at ewan ko kung bakit.
Nahabag ang damdamin ko, nababagabag ako na para bang ginugulo ako ng konsensya ko.
Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung papa’no ba umiyak.

“O, ba’t ka nagtatago kay Lyn?”
ginulat ako ni pareng Edgar.

Nasa likod ko sya at kalalabas lang sa banyo. pinupunasan pa nya ng twalya ang buhok nya, mukhang katatapos lang maligo.

Hindi ko nasagot ang tanong nya kaya muli syang nagsalita,
“Kung ako sa’yo uuwi na ako. Hindi mo ba nakikita? Tinatakot ka lang ng asawa mo…”

“Ano’ng ibig mong sabihin Pare?”
pagtataka ko sa sinabi nya.

“Pare, kagabi nung palayasin ka ng asawa mo, alam kong ayaw nyang gawin yon. Hindi nya yun sinadya at ginusto kundi ginawa lang nya yun para takutin ka.”

Hindi ko pa rin nauunawaan ang nais nyang ipabatid, at nang mahalata nya yon sa mukha ko muli syang nagsalita,

“Alam mo kasi Pare, yan lang ang alam na panakot ng mga babae para hindi natin sila iwan. Kagabi, imbes na umalis ka sa inyo, sana sinuyo mo nalang sya, sana humingi ka nalang ng tawad, sana nilambing mo na lang sya, dahil yun lang naman ang hinahanap ng babae sa ating mga lalaki. Ang iturin silang babae.”

Napalunok ako nang maalala ko ang mga araw na nagdaan. Kailan ko nga ba huling sinabihan ang asawa ko ng “I Love You”?

Kailan ko nga ba sya huling pinatawa?
Ang turin ko sakanya parang kasambahay lang na aasikaso sa amin ng mga anak ko araw-araw, maglilinis ng bahay, maglalaba, magluluto, tapos pasasahurin ko sa intrega ko.

Na-realized ko na unfair ako sa kanya all these years. Mas mahirap pa pala ang trabaho nya kesa sa trabaho ko. Ako 8 hours lang, sya 24 hours a day.

Buong buhay ko tinrato nya akong parang hari, sya ni minsan hindi nya naranasang maging reyna. Pero ni minsan hindi sya nagreklamo, sa kabila ng lahat ng reklamo ko. Tapos anlakas pa ng loob kong sabihing malas ako sa asawa gayung napakaswerte ko pala.

Tapos nagawa ko pang mangaliwa! Andami kong hinahanap sa kanya. Hindi ko na napapansin ang mga maliliit na bagay na nagpapatunay na nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ko.

Tumakbo ako palabas para puntahan ang asawa ko. Gusto ko syang yakapin at sabihin kung gaano ko sya kamahal, pero paglabas ko wala na sya.

“Kaaalis lang nya Pare eh!”
sabi ni Mare.

Hahabulin ko sana sya pero paglingon ko sa gate, nakita kong papasok si Jonna, ang panganay kong anak.

“Itay!”

“O, ba’t nandito ka? Di’ba may pasok ka?”

Bigla na lang syang umiyak at tumakbo palapit sa akin para yakapin ako.
“Itay, ayoko nang pumasok!”

Niyakap ko rin sya. Ngayon lang ako niyakap ng ganito ng anak ko.

“Inaasar nila ako sa school, kase mahirap lang daw tayo, anak lang daw ako ng construction worker. Kung di lang daw dahil sa scholarship ko hindi ko naman kayang mag-enroll sa school na ‘yon.
Ang totoo ‘tay wala lang sa’kin yon.
Alam mo kung bakit?”

Napatigil sya sa pananalita para habulin ang hininga nya at punasan ang kanyang luha.

“…dahil isa lang ang sinasagot ko sa kanila. ‘Oo mahirap nga ako, pero mas nanaisin ko na ang maging mahirap pero buo naman ang pamilya ko! Hindi tulad nyo na mayayaman nga pero mga broken family naman kayo!’
Alam nyo ba ‘tay, nananahimik na sila pag yun isinagot ko.”

Awang-awa ako sa anak ko. Hindi ko alam na namomroblema pala sya ng ganito sa school. Nasa’n ba ako sa mga panahong kailangan ng anak ko ng matatanggol sa kanya?

“Kaya Itay, please, umuwi ka na sa bahay. Ano pang isasagot ko sa mga classmate ko kung broken family na rin tayo? Ang Pamilya lang natin ang tanging maipagmamalaki ko sa mundong ito…”

Parang tinaga ng sampung sibat ang puso ko sa narinig ko sa anak ko. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit, at pingako ko sa sarili ko na mula sa araw na ‘to magiging karapat-dapat na akong ipagmalaki ni Jonna.

Nagpasalamat ako kina Pareng Edgar at sa asawa nya, tapos, nagpaalam na ako sa kanila at kasama ng anak kong si Jonna umuwi na kami sa bahay.

Pagdating sa bahay, wala ang asawa ko. Malamang hinahanap parin nya ako hanggang ngayon.
Ang tanging nadatnan lang namin ay ang bunso kong anak na si Mark.

Abala sya sa pagpupunas ng bisikleta nya na naka-stand ngayon sa harapan nya. Maalaga talaga sya dahil araw-araw ko nalang syang nakikitang nililinis ang bike nya.

“Mark. Nasa’n Mama mo?”
tanong ko sa kanya.

“Umalis po ‘tay! Pero hindi ko alam sa’n pumunta.”
tapos nilingon nya si Jonna,
“Pinapabantay nga nya ako kay Ate pero iniwan din ako.”
patuloy nya.

Napangiti na lang ako. Buti naman at walang alam ang bunso ko sa nangyayari. Pero saan naman kaya ako hinahanap ng asawa ko ngayon?

“Ahm. Jonna, bantayan mo muna kapatid mo, hahanapin ko lang Mama nyo–”

Hindi pa ako natatapos magsalita nang biglang sumabat si Mark,
“Itay, mag-bike na tayo!”
sigaw nya sa akin.

“Mamaya na anak, hanapin ko muna–”

“Hindi ngayon na!!!”

Nagulat ako sa kanya kaya naman biglang tumaas ang prisyon ko,
“Mark, ang sabi ko mamaya na! Huwag kang matigas ang ulo!”

“Ganyan ka naman ‘tay eh! Laging mamaya na! tapos mamaya, bukas ulit, tapos mamaya nanaman! Alam mo bang tinutukso na ako ng mga kalaro at kaklase ko?”
bigla syang napaiyak, parang matanda kung maglabas ng sama ng loob.

Syempre hindi ko na naman alam ang panunukso ng mga kalaro nya. Ano bang alam ko sa pamilya ko? Ang alam ko lang ata ay may asawa ako’t dalawang anak, bukod don wala na.

Isang paa akong lumuhod sa tabi ng anak ko,
“Bakit, ano bang tinutukso nila sayo?”
tanong ko.

“10 years old na daw po ako pero wala pa rin akong bike.”
nakayuko nyang tugon.

“O, diba last year pa kita binilhan ng bike?”

“Yun na nga po Itay eh! Binili nyo lang po ako ng bike pero hindi nyo naman ako tinuruan. Paano ko po ipapakita ‘tong bike ko sa mga kalaro ko kung ‘di naman ako marunong.”

Fuck! Unti-unti kong nalalaman na napakawala kong kwentang ama! Parang tinaga na naman ng sampung sibat ang puso ko.

Isang taon na pala akong hinihintay ng bunso ko. Isang taon syang nagtiis dahil ang gusto nya ako lang ang magturo sa kanya.

“Sige na Itay… Turuan nyo na po si Mark. Ako nalang po ang maghahanap kay Mama. Baka nagpunta lang yon kina Lola.”
nakangiting sambit ni Jonna.

Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit ang dalawa kong anak.

“Pasensya na kayo kay Tatay ha?”
ngayon alam ko na kung papaano umiyak.

Umalis na si Jonna. Ako naman sinimulan ko nang turuan mag-bike si Mark. Pinasakay ko sya sa bike nya, tapos hinawakan ko ang upuan ng bike para alalayan syang huwag matumba.

“Kapag pinedal mo na, diretso lang ang tingin sa daan ha?”
paalala ko.

“Ok ‘tay. Huwag po kayong bibitaw ha?”

“Huh? Paano ka naman matututo kung ‘di ako bibitaw?”

Napaisip ako.
Kailangan pa bang may bumitaw para lang matuto ka?

Pinaandar na ni Mark ang bike. Unti-unti na syang natututo sa tamang pagpepedal, kaso magalaw pa ang manibela, kailangan pa nyang matutong magbalanse. Kaya habang tumatakbo ang bike, binitawan ko ang pagkakahawak ko sa upuan.

Dire-diretso sa pagtakbo ang bisikleta, pero habang papalayo sya bumabagal naman ang takbo nya. Hanggang sa mawalan sya ng balanse at natumba sa kanyang bike.

Tumakbo ako palapit sa kanya,
“O Anak, ayos ka lang ba?”

“Ang sakit Itay, nasugat pa po tuhod ko.”

Halatang gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya. Gusto talagang matuto ng batang ito.

“Anak, lakasan mo ang loob mo. Kailangan talaga masaktan ka muna bago ka matututo…”

Ang alam ko kino-comfort ko ang anak ko, pero mukhang ako ang apektado at tinamaan sa sinabi ko.
Sa tingin ko kailangan mo muna talagang masaktan at magdusa bago ka pa mututo.

“Jun…”

Napatulala ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko mula sa likod ko. Paglingon ko una kong nasilayan ang mukha nya. Nakangiti sya pero may luha naman sa kanyang mga mata.

Nilapitan ko sya at niyakap ko sya ng buong puso. Walang kataga ang lumabas sa aming mga bibig, basta nakayakap lang kami sa isa’t-isa at pinapakirandaman ang bawat pintig ng aming puso.

Corny man pero nagawa kong ibulong sa kanya ang nilalaman ng aking puso;
“I love you…”

Ngayon lang naging masaya ang buhay ko. Pero ang buong akala ko nalampasan na namin ang matinding pagsubok na ito.
Nagsisimula pa lang pala ang kapalaran na ipaintindi sa akin ang mga pagkakamali ko.

Lumipas ang mga araw na naging maayos muli ang pamilya ko. Ngunit makalipas lang ang dalawang linggo, heto na naman ako.

Hindi mahirap iwasan ang tukso eh, ang problema nagpapadaig ako, nagpapatalo sa libog ko.

Muli akong niyaya ni Pareng Elmer na mag-beerhouse, at dahil maayos na ang lagay ng pamilya ko, sumama ako. Syempre wala ng problema eh! Wala na akong alalahanin, ok na naman ako.

Ganyan naman ang tao eh! Kapag may problema napakabait, napakaamo, lahat pinagsisisihan, lahat ng nagawang pagkakamali gustong itama. Halos magpakasanto na matanggal lang ang problema.

Pero pagkatapos no’n ano na?
Babalik na naman sa dati. Kapag walang problema, wala ring inaalala. Nakakalimutan na ang lahat at tiyak gagawa na naman ng kalokohan.

Pagdating namin sa beerhouse muli ko na namang nasilayan si Diana. Tila ba mas lalo pa syang gumanda ngayon. Naakit na naman ako sa alindog ng tukso.

“Uy Jun! Long time, no time ah! Sa’n ka ba nagpupupunta ha?”
pagbati sa’kin ni Diana.

Sa bati palang nyang yon napaorder na agad kami ni pareng Elmer ng sampung bote ng San Mig Pilsen.
Walang humpay na tawanan, kantahan, halikan at chansingan.

Nagpakasarap ako na walang inaalala. Nakalimot ako ng todo, walang inintinde kundi aliwin lang ang sarili ko.
Ni hindi man lang sumagi sa aking isipan ang naging problema ko Kamakailan lang.
Ni pangalan ng asawa ko nakalimutan ko…

Pagkatapos sa beerhouse, saan pa ba ang aasahan nyong kasunod?
Oo. Tumpak! Tama!
Sa motel nga nauwi ang gabing ito.

Pinaupo nya ako sa gilid ng kama. Kumandong sya sakin kasabay ng paghalik nya sa labi ko.

“Uhhmmmm… Hoy Jun! Matagal kang nawala kaya dapat bumawi ka sa’kin ngayon ah!”
malandi nyang sambit.

Nakatingin ako sa mga mata nyang mapang-akit. Parang nahihipnotismo ako sa landi nyang makatingin.

Bigla nya akong itinulak, napahiga ako sa kama. Tapos habang magkatitigan kami, naghubad sya sa harapan ko.

Hinila nya pataas ang suot nyang spageti blouse, tapos pakembot-kembot nyang hinubad ang perfect short nya, na sa sobrang ikse parang lang syang nakapanty.

Kumalat ang espiritu ng alak sa buong katawan ko nang makita ko syang nakabra’t-panty lang. Naipon ang libog sa pagkalalaki ko kaya naman tumayo agad ang poste ng meralco.

Kaya naman kahit nakahiga ako sa kama nagawa ko pa ring hubarin ang polo shirt ko pati ang masikip kong pantalon.

Ginapang ako ni Diana.
Nanginig ang buong katawan ko nang magkadikit ang mga katawan namin.
At lalo akong kinilabutan nang romansahin nya ako.

Hinahalik-halikan nya ako sa leeg.
Sa sobrang panggigigil ko napahawak ako sa butt nya. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa puti nyang panty, at nilamas ko ang magkabilang monay nya.

Parang akong pumisil ng dalawang malalambot na balloons.

“Hhhaaaahhh…”
napalanghap sya ng hangin.

Sya mismo sarap na sarap sya sa kanyang ginagawa. Pikit mata nya akong niroromansa, at ang kambal nyang boobita lapat na lapat sa aking dibdib.

“Na-miss kita, kaya dapat isagad mo ngayon ha?”
nakuha a talaga nyang magsalita.

Ikinikiskis nya ang buong katawan nya sa ibabaw ko, lalo na yung tilapia nya na ngayon nakahimlay sa hito ko. Sinasagad talaga ang libog ko ng lupiang dagat na ito.

“Hhhmmmnnn…”

Napapapikit ang mga mata ko sa sobrang kiliting nadarama ko. Pinaglakbay na kasi nya ang lengua nya sa kada balat sa buong dibdib ko. Nagugulat-gulat pa ako sa tuwing dinadampi nya ang dulo ng kanyang tounge sa utong ko.

“Sshhhiiittt…”

Napapaliyad ako, nanginginig ang kalamnan at tumitigas ang mga tuhod. Pakiramdam ko parang bakal na ang adan ko sa sobrang tigas.

Hindi ko na makayanan ang paninigas, parang gusto nang sumuot sa madulas na lungga. sabik na sabik.

Bigla akong napamulat. At nang mapalingon ako kay Diana para tignan sana ang kalandian ng mukha nya, nasindak ako at bigla ko na lang syang naitulak palayo.

“Huh?!”
pagkatakot ako.

Natakot ako kase parang naaninag ko ang mukha ng asawa ko sa mukha ni Diana.
Bakit ba bigla nalang syang pumasok sa isipan ko?

Sa nerbyos ko napaupo ako sa gilid ng kama. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko. Sa kaliwang palasinsingang daliri ko na may pinagbakatang singsing.

“Ba-bakit?”
pagtataka ni Diana.

Napaupo din sya sa likod ko.

“Ahm. Wala…”
nakayukong tugon ko.

“Kung may problema ka, kalimutan mo muna.”

Hindi ako kumibo, nanatili akong nakayuko.

Humawak sya sa balikat ko at nagulat na lang ako nang halikan nya ang tenga ko sabay bulong;
“Halika, tutulungan kitang makalimot.”

Hinalik-halik nya ang tenga ko. Hindi naman ako mapakali sa kiliting dulot nito. Pinapasok-pasok pa nya ang dila nya sa loob ng tenga ko.

Napapapikit ako sa sensasyon nito. Nasa isipan ko ang asawa ko sa mga sandaling ito. Ngunit sa bawat pagpikit ko unti-unti syang nabubura sa ala-ala ko.

Nadadala ako sa ginagawa ni Diana sa tenga ko, habang naiimagine ko ang asawa ko na nakamukmok sa aming kama at umiiyak na naghihintay sa pag-uwi ko.

Naguguluhan ang isip ko. Ang puso ko kayakap ng asawa ko pero ang katawan ko kayakap ng kalaguyo ko.

Alam kong sa bawat haplos ni Diana, luha ang katumbas kay Lyn. Ngunit sadyang marupok ang lalaki, lalo na kung malinamnam ang putaheng nakahain.

Biglang sinalat ni Diana ang pagkalalaki ko, habang patuloy na niroromansa ang tenga ko. Alam nyang puntiryahin ang kahinaan ko dahil ang sumunod nyang ginawa ang tuluyang bumura sa asawa ko sa aking ala-ala.

Yumuko si Diana sa harapan ko. Inilabas nya ang kargada ko mula sa brief ko, at nang matanaw nya ang ulo ng sariwang hito ko bigla nya itong isinubo.

Hindi nya na ito pinakawalan pa. Ineskabetche nya ang hito ko, at dahil sinamahan nya ng lengua muli akong napahiga.

“Ooohhhh…”

Bumagsak ang likod ko sa kama kasabay ng pagtayo ng poste ko, itong si Diana hindi talaga bumitaw sa paglamon sa adan ko.

Umikot ang katawan ni Diana at itinutok nya sa mukha ko ang pagkababae nya. Tapos sinenyasan pa nya ako na kainin ang biyak na tahong nya, na kung titignan ay parang may redtide sa sobrang pula.

Pinagbigyan ko sya. Sinarsyado ko ang tilapia nya habang inieskabetche nya ang hito ko.

“Aahhh… Ahh… Aaahhhhh”

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang ungol na yon gayung pareho kaming abala.
Tinuloy ko na lang ang pagkana sa malinamnam nyang talaba.

Muling sumagi sa gunita ko ang aking asawa, pero sa pagkakataong ito pilit ko na syang binubura.

Nanaig na naman ang tukso sa akin, ipagpabukas na lang natin ang konsensya.
Kapag nakasalang ka na hirap ng umatras, syempre ayaw mong sayangin ang pagkakataong makabanat ng ibang babae.
Wala kang ibang iniisip kundi makaraos sa makamundong kaligayahan.

Sa pwestong otso-otso, umusog si Diana papunta sa pagkalalaki ko, para makipag-EB sina adan at eba. At nang mag-meet sila biglang nilamon ni eba si adan.

Nawala sa paningin ko si adan nang sumagad na ito sa kaloob-looban ni eba. Nagmistulang palaka naman itong si Diana sa kanyang posisyon. At nang simulan na nyang mag-pump, say hello to adan dahil bigla nalang syang lulubog-lilitaw sa twing maglalabas-masok sa malaway na lagusan.

Iba’t-ibang posisyon ang ginawa namin ni Diana. Sinulit namin ang gabi. Sinulit namin ang pagkakataong maangkin ang iisa’t-isa, at syempre sinulit ko ang perang ibabayad ko sa kanya.

Kapag maayos ang lagay mo at wala kang problema, malaya kang gawin ang guso mo nang walang inaalala. Kase alam mo na sa bandang huli magiging ok din ang lahat.

Hindi mo na inalala na maaaring may masaktan kang iba, sabagay hindi mo yon agad maiisip, kase sa mga oras na yon ang kaligayahan mo lang ang naiisip mo.

Pasado ala-una ng madaling-araw nang ihatid na namin ni Pareng Elmer ang dalawa sa beerhouse.

Syempre nakaraos na ako kaya ngayon na bumabalik sa akin ang konsensya ko. Kase wala ng hubad na katawan sa harapan ko eh!

“Nag-enjoy ka ba Pare?”
tanong sa akin ni pareng Elmer.

Pareho kaming nakasakay sa motor namin, magkatabing nakaparada sa labas ng beerhouse.

“Ahm… Oo naman. Eh ikaw?”

“Syempre! Pati libag nun kinana ko eh! Putcha ansarap talaga nya! Ano pare bukas ulit?”

Natigilan ako sa tanong nyang yon. Kinuha ko ang pagkakataon para tanungin sya.

“Pare, matanong ko lang. Ano’ng gagawin mo kapag nahuli ka ng asawa mo?”

Bigla syang tumawa ng malakas,
“Ha ha ha Hinding-hindi nya malalaman ‘to pare. Alam mo bang labing-dalawa talaga ang sampung utos? Ang pang-eleven, ‘Huwag na huwag kang pahuhuli’, at ang pang-twleve, ‘Kapag nahuli ka, Huwag na huwag kang aamin’. Ha ha ha”

Kalokohan!
Puro kalokohan lang talaga alam nya.

Dumaan pa ang mga araw na muling napapadalas ang paglabas ko. Muling umuuwi ng disoras ng gabi. Muling kumukupit sa sahod at laging minimotel si Diana.

Hanggang dumating na ang gabi ng paniningil ng kapalaran.
Nanonood kami ng TV nang dumating si Pareng Edgar sa bahay.

Gusto daw makipag-inuman kaya nagpabili ako ng long neck emperador brandy.
Pumwesto kami dun sa tambayan sa bakuran namin, tulog na kasi yung mga bata.

“Narinig mo na ba yung balita Pare?”
nagbukas sya ng usapin.

“Ano?”

“Yung tungkol kay pareng Elmer?”

Nanlaki ang mga mata ko at nakadama ako ng kaba. Iniisip ko na baka nahuli na sya ng asawa nya sa kanyang pambababae.

“A-ano bang nangyari kay pareng Elmer?”
manginig-nginig kong tanong.

“Balita ko kasi nambababae daw ang manugang nya…”

Whew!

“Ano kamo? Si Jimmy ba? Yung asawa ng anak nyang si Joyce?”

“Oo sya nga. Eh sya palang naman manugang nya diba? 17 palang kasi nagpabuntis na! Ayan tuloy mukhang maagang mag-single Mom. tsk tsk”
pailing-iling pa sya.

“Eh ano’ng ginawa ni Pareng Elmer?”
halos di ko na malunok ‘tong tagay ko.

“Yun na nga nakakapagtaka eh! Wala man lang syang ginawa. Kung ako bubugbugin ko na yon!”

Napaisip ako. Siguro wala syang ginawa dahil na-realized nya na pareho lang sila ng ginagawa ng manugang nya.

Naalala ko ang anak kong si Jonna. Darating ang araw alam kong mag-aasawa din sya. At kung sakaling nakakalusot ako sa asawa ko ngayon sa pambababae ko, malamang kay Jonna sumemplang ang karma ko.

Napalunok ako. Bigla akong natakot. Parang akong gumawa ng sarili kong multo.
Nanginginig ang mga kamay ko.
Kailangan ko na talagang tigilan ang pambababae ko. Hindi bukas kundi ngayon na.

“Ahm… Pare… May aaminin sana ako sayo…”
buong tapang kong sinabi sa pinsan ko na kumpare ko.

Pagkatapos nyang tumagay tumingin sya sa akin,
“Ano yon?”

“Kase Pare, ang totoo nyan…”
tinignan ko sya ng mata sa mata.
“…may babae ako.”

Napabugtong-hininga sya,
“Alam mo Pare mukhang hindi mo dapat sa akin inaamin yan.”
tugon nya.

Naalala ko ang asawa ko. Sinong lalaki ba ang umamin sa asawa nya na may babae sya? At sinong asawa ba ang naniniwala pa sa mister nilang magbabago na sya matapos nyang amining may babae sya?

“Pare, hindi ko magawang sabihin sa asawa ko dahil alam kong masasaktan sya…”

“Putcha! Pare naman! Sana nung una pa lang naisip mo na yan!”

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Tama sya, sana nung una pa lang naisip ko na! Pero dahil marupok ako, nagkamali na ako bago ko pa na-realized.

“Nand’yan na yan Pare. Natutuwa akong marinig ang pag-amin mo. Salamat sa tiwala. Ang masasabi ko lang pare, tigilan mo na yan habang may pagkakataon ka pa. At makakaasa kang hindi ito malalaman ni Mare, basta ipangako mo lang na magbabago ka na.”

Malaki ang pasasalamat ko dahil may kumpare akong katulad nya. Dahil sa sinabi nya, nakabuo ko ng desisyon.
Titigil na ako. Hindi bukas kundi ngayon na.

“Sige Pare, maiwan muna kita. May pupuntahan lang ako.”
paalam ko sa kanya.

Tatayo na sana ako pero bigla nyang kinabig ang kamay ko,
“O, sa’n ka pupunta?”

“Pupuntahan ko yung babae ko, makikipaghiwalay na ako sa kanya.”

“Tsk! Para sa’n pa? Para magkasala ka na naman? Huwag mo na syang puntahan! Hayaan mo na lang sya!”
sambit nya.

“Pero pare, baka manggulo sya kapag hindi ako nakipaghiwalay ng maayos sa kanya?”

“Hmm… Ok. May number ka ba sa kanya? Tawagan mo na lang sya imbes na katagpuin mo pa.”

Naalala ko yung panibagong secet sim ko. Kinuha ko sa wallet ko at isinalang sa cellphone ko. Tinawagan ko si Diana, at nang sagutin nya napalingon ako sa bahay. Kinalabit ako ni pareng Edgar.

Nakita ko ang asawa ko na palabas ng pinto at may dalang isang platitong pulutan.

Sa sobrang taranta ko pinatay ko ang call at hinagis ko ang cherry mobile ko sa kung saan.

Bumilis ang palalakad ng Misis ko papalapit sa amin, kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko.
Nang mailapag na nya sa mesa ang hawak nyang pulutan ay hinarap nya ako.

“Bakit mo tinapon ang cellphone mo nang makita mo ‘ko?”
sigaw nya sa’kin.

Galit na galit sya at ang mukha nya punong-puno ng pag-aalala.

“Huh? Anong cellphone? Wala naman akong hawak na cellphone ah!”
pagkukunwari ko, nagkatinginan pa kami ni pareng Edgar.

Fuck! Ang problema, nag-ring ang at nagliwanag ang cellphone ko dun sa may damuhan.

Patay!
Matapos akong bigyan ng masamang tingin ni Lyn tinungo nya ang kinaroroonan ng cellphone ko.

Nataranta ako. Siguradong si Diana ang tumatawag dahil sya lang naman ang laman ng secret sim ko!
Malamang nag-callback sya gawa ng pag-hang ko kanina.

Bumubuo na ako sa isipan ko ng idadahilan kay Lyn habang pinupulot nya ang cellphone ko.

Nakaharap sya sa akin. Tumatagos ang titig nya sa kaluluwa ko.
Nang sagutin nya ang tawag hindi sya nagsalita, pinapakinggan lang nya ang kausap nya sa kabilang linya.

Putcha! Ano kayang sinasabi ni Diana ngayon? kinakabahan na ako ng husto.

Ilang sandali lang napansin ko ang namumuong luha sa magkabilang gilid ng mga mata ni Lyn.

“Sino si Diana?!”

Natigilan ako.
Hindi ako makasagot, ni hindi ko maibuka ang bibig ko. Ang totoo hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Napansin ata ito ni Pareng Edgar kaya napatindig sya para saluhin ako.

“Ah Mare kase–”

Ngunit hindi pa man sya natatapos magsalita binara na agad sya ni Lyn,
“Pare, please wag ka munang makialam dito. Huwag mo ng pagtakpan ang Pare mo.”

At sa pag-iyak ni Lyn, napilitan akong umamin.
“Lyn, magpapaliwanag ako–”
maling sagot ko.

Pak!

na katumbas ay palad ng poot.

Tumakbo si Lyn papasok ng bahay. Hinabol ko sya at nang matapat kami sa pinto kinabig ko ang braso nya.

“Lyn, hayaan mo naman akong magpaliwanag!”

“O, sige ano pang pananakit ang sasabihin mo?”

Sa paglingon nya sa akin nagtagpo ang mga mata namin. Nasindak ako sa takot nang makarating sa isipan ko na mawawasak na ang pamilya ko.

Pananakit?
Yun lang ba ang naiisip nya ngayon?

“Ano? Hindi ka na makasagot? Kung alam ko lang Jun, akala ko nagbago ka na! Sana noon pa kita hiniwalayan!”
sigaw nya sa akin.

Hindi namin agad napansin na gising pala si Jonna at nasa sala lang sya’t nakikinig sa usapan namin.

“Ma, ano’ng ibig mong sabihin? Maghihiwalay na ba kayo ni Itay?”
maluha-luha nyang tanong.

“Anak, pumasok ka sa kwarto mo at matulog ka na!”
Ako ang sumagot.

Tumakbo si Jonna palabas ng kusina na may sama ng loob. Hindi ko na sya pinansin at muli kong nilingon ang asawa ko.

“Lyn, sa maniwala ka’ sa hindi, gusto ko nang tigilan ang babaeng yon! Mahal kita Lyn, at kung nambabae man ako, hindi ibig sabihin non hindi na kita mahal! Tawag lang ng laman yon!”
paliwanag ko.

“Putcha! Anong klaseng rason yan ha? Bakit, ikaw lang ba may sakripisyo sa buhay ha? Ikaw lang ba may tawag ng laman? Ang mabuti pa Jun maghiwalay na lang tayo! Mamili ka, umalis ka sa bahay na ‘to o kami ng mga anak ko ang aalis?”
napakasiryoso nya sa pagbibitiw nya ng salita.

“Lyn, hindi mo kailangang gawin to! nakahanda akong magbago!”
pilit ko syang niyayakap pero nagpupumiglas sya.

“Ayoko na Jun! Ayoko na! Nung una sinabi ko sa sarili ko na ayos lang kahit mambabae ka, pero ngayong nangyayari na, masakit pala…
Masakit kasi nung mambabae ka, parang mo na rin sinabi sa akin na hindi mo na ako mahal…”

“Hindi totoo yan Lyn! Mahal kita!!”
napasigaw na ako.

Pailing-iling lang sya,
“Ayos lang sa akin kahit hindi mo na ako mahal. Handa pa rin kitang tanggapin dahil mahal na mahal kita. pero sa ginawa mong ito, pati pagmamahal ko sayo binubura mo na! Ano pang panghahawakan ko ngayon?”

Tuluyan na syang umiyak at ngayon nagpaubaya na sya na yakapin ko sya.
Habang yakap ko sya, napatunayan ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko, at kung gaano ako nagkasala sa kanya.

Nagulat kami pareho nang marinig namin ang pagsigaw ni bunso,
“Mama! Si Ate, may dugo!”
hinihingal sya habang nakaturo sa direksyon ng banyo.

Biglang nabalutan ng kilabot ang buong katawan ko. Mabilis kaming tumakbo papuntang banyo. Bawat yapak ko sumasabay sa kabog ng dibdib ko.

Nanlambot na lang ang mga tuhod ko nang makita ko si Jonna na nakahandusay sa loob ng banyo. dumanak ang dugo sa sahig na nagmumula sa kaliwang wrist nya.

Binuhat ko sya. Kinalong ko sya sa aking bisig para itakbo sa ospital. Mabuti na lang at dala ni Pareng Edgar ang tricycle nya. Ako mismo ang nagmaneho.

Pinalipad ko ang tricycle hanggang ospital sa pag-asang maisalba ang buhay ng anak ko.

Pagdating sa ospital, isa lang ang pinayagan nilang pumasok sa emergency room. At sa tingin ko mas kailangan ni Jonna ang kalinga ni Lyn kaysa sa akin na walang kwenta!

Naiwan akong nakaupo sa waiting area kasama si pareng Edgar at ni bunso.
Huminga ako ng malalim, malalim na malalim.

Hindi ko lubos maisip na magagawa ito ng aking anak.
Kailangan pa bang may bumitaw para matuto?
Kailangan bang masaktan at magdusa para matuto?

Mga ilang minuto pa wala pa ring lumalabas mula sa emergency room.
Napansin ko ang pintuan ng isang sagradong lugar. Ang chapel sa loob ng ospital.

Sa unang pagkakataon lumuhod ako.
Bawat patak ng luha ko ay nagpapabigat ng husto sa puso ko.

Isang salita lang ang lumabas sa aking bibig,
“Patawad…”
paulit-ulit kong sinasabi kasama’y luha at pighati.

“Patawad… Patawarin mo ‘ko…”

Sumisikip na ang dibdib ko dahil sa tindi ng pagtangis ko.

“Itay, nagkamalay na daw po si Ate.”
Sigaw ni bunso sa likod ko.

Ang buhay parang klima, minsan tag-araw, minsan tag-ulan. At kung ang problema ay ulan, tandaan mo na darating lang yan at lilipas. At kung ang kasiyahan ay tag-araw, ganun din, darating lang at lilipas din. Ang mahalaga ay kung paano mo pagdadaanan ang ulan, at kung paano ka makikitawa sa tag-araw.

Naging malinaw na kay Lyn ang lahat. Tinulungan ako ni Pareng Edgar na magpaliwanag sa kanya. Gumaling na rin si Jonna at nangakong hindi na uulitin yon. Tinigilan ko na rin ang pagbi-beerhouse ko at lalo na pambababae. Itinuon ko nalang ang lahat ng oras ko para sa pamilya ko.

Si Diana, hinayaan ko na lang sya. Hindi na ako nakipagkita pa sa kanya. Wala na akong pakialam sa kanya dahil alam ko naman na ganun din sya sa akin.

At ang unang ginawa namin ng mag-anak ko nang maayos na ang lahat, pumunta kaming SM. Nag-date kami ng pamilya ko at kumain sa Mang Inasal. Ginagawa namin ito kada linggo pagkatapos naming mag-simba.

Walang kasing sarap sa pakirandam kapag buo ang pagmamahal mo sa pamilya.

Sa pangaraw-araw nating gawain, hindi na natin napapansin kung alin nga ba ang quality time, at alin ang wasted time. Isa lang masasabi ko, pagdating sa pamilya, make your own time.

***WAKAS***

Scroll to Top