by: kaloks.
This story is purely fictional, characters and settings are not real and are only due to the author’s playful imagination.
Lucena st. Tarlac, Metro Manila
Isang babaeng itago natin sa pangalang Nena ang matamlay na nagmamatyag sa mga dumadaang sasakyan sa may tapat ng kanilang abang tahanan.
“Putangina ayoko nang mabuhay.” Sa isip-isip n’ya habang malungkot na inaalala ang nangyari sa kanya at ng nagdaang nobyong si Alex. Mabait naman si Alex, guwapo, matalino kung baga ea ‘percect boyfriend’ na maituturing. Ang problema lamang ea dahil sa sobrang pagkaperfect n’ya ay sadyang lapitin ng chix itong si Alex. Minsan, may dumating na bagong chick kay Alex… ‘Wag na nating pahabain pa ang istorya, sa madaling salita ipinagpalit ni Alex si Nena dun sa bagong dating, well just to be blunt, nilandi nung babae si Alex, wala s’yang nagawa lalaki lang siya hindi n’ya kinaya ang tukso at tawag ng laman.(hehehehehe).
Samantala, sa kabilang dako ng Lucena, nagsusulat nanaman ng bagong piyesang itatampok n’ya sa isang amateur spoken word poetry competition si Brando, isang binata na matagal nang nangangarap maging kilalang manunula. Walang maaninag na inspirasyon si Brando ngunit desedido s’yang magsulat, kaya sa bandang huli ay natapos niya rin ng piyesa. Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng patimpalak hindi mapakali si Brando sa backstage, kumukumpas-kumpas pa ang paa nya habang naghihintay na matawag ang kanyang numero. At ilang sandali pa ang lumipas… “Palakpakan natin si Brando Ferer!” sigaw ng host. At buong-puso at pagmamahal na binigkas ni Brando ang kaniyan piyesa sa harapan ng napakaraming tao, pero mayrong isang pumukaw sa kaniyang paningin, si Nena… Taimtim na nanunuod, hangang-hanga siya kay Brando, at nang mapansin niya na nakatingin ito sa kaniya ay nginitian n’ya ito ng napakatamis. Matapos ang pagtatanghal ay nagtungo na si Brando sa backstage upang magbihis, walang masabi si Nena sapagkat bilib na bilib ito sa husay ni Brando sa pagtutula.
Lumabas panandali si Brando sa Gymnasium para manigarilyo, at habang bumibili ay nilapitan siya ng isang babae, “eto yung babae kanina na nginitian ako,” sigaw ng isip ni Brando, “angganda nya pala talaga.” Nabasag ang pagmumuni-muni nang kausapin siya ng dalaga.
“Anggaling mo kanina Brando, ako nga pala si Nena. ” sabay ngiti at abot ng kanang kamay sa lalaki.
“Owww Nice meeting you Nena, salamat sa papuri hehehe. ”
Agad na nakapagpalagayan ng loob ang dalawa at nagkakuwentuhan din sa mga bagay-bagay at gulat ang dalawa sa natulklasang parehas pala silanh mahilig manuod ng mga pelikula. Inubos muna nang binata ang sigarilyo sa kaniyang kamay matapos ay inaya niya na si Nena na bumalik na sa gymnasium upang saksihan ang awarding ceremonies. At natawag ang pangalan ni Brando, siya ang 1st placer sa patimpalak. Tuwan-tuwa siya, maging si Nena ay lihim na natuwa sa tagumpay ng bago nyang kaibigan.
“Congrats Brando! ” bati ng dalaga.
To be continued…