ni cloud9791
Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.
——————————-
Bawat isang putok nang sniper Rifle ni Crystallia may isang sapol na Kirbasos!
PAGOWSH!!! CHICHIICK!! PAGOWSH!! CHICHIICK!! PAPAGOWSH!!
Patalon-talon kaliwa’t-kanan ang Mishrin!! Kala mo’y isang kuneho!! Mabibilis!
“You!! You Want some?!! You! You There??!! Want Some More!?? Umm!! UM!!” ang
malakas na mga sigaw nang pang-Anim sa mga pinaka-malalakas na Mishrin…
Pagtalon nya nang mataas papunta sa kanan… May isang halimaw ang tumalon
pasalubong sa kanya sa ere… sa posisyong hindi kaagad nakita nang Mishrin!
“ORAAHH!! TAPOS KA NGAYON!!” sigaw sa isip nang Halimaw.
“You think it will be that easy huh…” ang tila baliw na kinakausap pa ang sarili nang
deadliest Sniper sa mga Mishrin.
Kinasa ni Crystallia ang armas… CHICHIICK!! Malapit na ang halimaw sa likod
nya…
Mabilis na Umikot-Tinutok pakanan… papunta sa direksiyon nang malaking halimaw ang
dulo nang Sniper Rifle nya… Tila alam na nya kung saan na banda ang Halimaw….
sabay…
TAGOOWSH!!! Ang tunog na malakas nang putok nang Sniper Rifle ni Cystallia!
Sabog ang pinagsamang nguso at leeg nang Halimaw! Bumagsak ang wala nang buhay na
katawa nang Kirbasos na butas na ang ulo… dumanak ang maraming itim na dugo nang
halimaw sa lupang may kaunting damo…
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
————————————-
Pagbagsak nang dalagitang Mishrin sa Lupa…. lapat ang dalawang paa… May nag-aabang
na pala sa dalagita!
May dalawa pang Halimaw ang tila hindi napansin ni Crystallia ang patalon mula sa likod
nya! Isang Buwaya at Isang Kirbasos!
“Hehe… You never learn do you… Do you guys honestly think you can catch me by
surprise huh?!?” ang pangiti-ngiti pang Mishrin…
Mabilis na kumilos uli paikot ang mandirigmang may Aura nang dilim…
TOGUK!! Sapol ni Crystallia sa may panga ang Matangkad at Maitim na Kirbasos nang
likod ng kanyang Sniper Rifle!
“URK!!” ang halos mawalan nang malay na Halimaw! Sabay tutok pa nang Armas nya sa
may sikmura nang Halimaw…
“Say Hello to my baby here!!” ang may pagka-baliw na ngiti pa nang dalagitang Mishrin.
TIGGOOWWSSH!!!SPLAMM!! Butas ang gitnang bahaging iyon nang Kirbasos!!
Talsikan ang dugo at lamang-loob kakaibang Nilalang!
May tumalsik pang unting dugo sa mukha ni Crystallia. Nabahiran tuloy ang magandang
mukhang nito nang maitim-itim pang dugo nang Halimaw….
Mula sa likod ang pangalawang halimaw… “BUWAHHH!!!!” ang sigaw pa nito.
Ang Buwaya!! Ang kalahating-tao, kalahating buwaya na nilalang… Buong laki nang
pagkaka-nganga nang bunganga!
Sa kamay nang Mishrin naman… naiipon ang isang malakas na enerhiyang gawa sa Aura
nang Kadiliman…
TEEEEWWWWEEEEE!! Ang tunog nang naiipong enerhiya na yun! Isang maliit
na parang hugis bilog na kulay Itim ang nabuo sa kanang kamay nang 6th Rank Mishrin.
Gustong-gustong sagpangin nang Buwaya ang magandang dalagita!
Tumiyempo ang Mishrin… tinantiya ang pagdating nang Halimaw sa likod nya…
“Now…” sabi nang Mishrin sa isip.
Duon mabilis na umilag-tumalon papalayo si Crsytallia… Umikot nang mabilis ang
katawan sa ere na parang nagba-ballet… sabay buong lakas na hinagis ang itim na
parang bomba ata yun sa bunganga nang nakangangang Halimaw… Sakto lang bago ito
mag-sara… Mabilis na shumoot sa loob ng bunganga nang Buwaya ang Granadang gawa
sa purong Aura nang Kadiliman! Isa sa mga maraming pwedeng maggawa nang isang
Manifestor Type Manipulator of Aura…
Buong lakas at bilis pa na… Ikinagat nang Buwaya ang malaking bungangang puno nang
ipin…
SNAP!! Ang napakalakas na tunog nang paglapat nang malaking bunganga nang
Buwaya…
“Huh?! Nakagat ko!!” Ang may pagmamalaking sabi ng Halimaw na buwaya…
Pero bakit parang wala syang naramdamang nadurog na buto at laman sa pagkagat nya??!
Kung hindi nya nahuli ang dalaga… Pero ano yung nalunok nyang bagay?
Nakita na lang nya ang dalagitang tao… naglalakad na palayo sa di kalayuan… papunta sa
kung nasaan ang Pinuno nilang si Babut…
Sumigaw pa ang Buwaya nang…”Sandali Babae! Hara…”, Hindi pa natatapos nang
halimaw ang sinasabi nang…
BOOMMM!!!! Ang nakakabingi na pagsabog nang Granadang Yun!!
Makikita na lang ang Isang malaking bilog na liwanag!! Halos wala nang natira sa
kawawang Halimaw…
“Huh? What?! No more already?? I Guess it’s Time for the Big Boss…” ang pabulong-
bulong pa nang dalagitang Mishrin… may mga ningning pa sa mga matang… tila
naghahanap pa nang mapapatay na halimaw…
TEEWEEEE!!! WEEEEEM!!! Ang malakas na tunog… Sa dalawang kamay nang dalagita
naiipon na naman ang malakas na enerhiyang gawa sa purong Aura nang Kadiliman…
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
—————————–
Malapit sa may bungad nang Peryahan…
“VLADERIAAHHHH!!!!” ang sigaw nang babaeng puno nang poot sa kanyang puso.
Mabilis! Lubhang sobrang liksi nang Pang-pito sa pinakamalalakas na Mishrin sa buong
mundo! Parang tumatalbog lang sa lupa na parang bola ang bawat ang mga yapak at
mabilis na mga hakbang ng mga paa ng dalaga.
Saglit lang at… malapit na sya kay Vladeria. Doon nakita nya ang Apat na lalaking tila
mga bantay nang mortal na kaaway!
Nagulat si Alfredo, ang isa sa mga bantay ni Vladeria. Di nya akalaing gagawa nang
ganitong karahas na desisyon agad ang dalagang Mishrin.
Pilit tiningnan sa mga mata si Nia. Gusto nyang senyasan ang Mishrin na wag muna
ngayon…. Delikado! Pero alam nyang sa kalagayan ngayon nang babae, parang wala na
itong napapansin. Ang mga mata nito tigas na nakatuon nalang sa kanyang Reynang
pinaglilingkuran…
“YOUU!!!! You’re gonna Pay!!” Ang tila nawawala na sa sariling si Nia. Itinapon na lahat
ang pag-iingat at kalma. Punong-puno nang galit ang magandang mukha.
Lalo pang nag-init si Nia nang makitang lumingon na sa kanya ang Kinamumuhian.
Naka-ngisi pa ito… Tila lalo pa syang hinahamon.
“Who’s that Girl?? So Unsociable… so Indecent… hummm… Max… Alberto… take care of
her… ” ang mahinang bulong nang Reyna Vladeria… sabay talikod uli… hawak sa
mga balikat ang dalawang batang lalaki at babae… Muling naglakad papunta sa isang
magarang sasakyan…
“Yes your highness… Heheh…” ang nagpapaputok pa ng mga kamay na Malaking
tiga-bantay nyang si Max… Prook! Prook! Ang mga tunog na likha nito.
“Good as done our beloved Queen!” ang sabi naman ni Alberto… ang isa pang guwapo
ring tagabantay nang Vladeria Artemitifiri na naka-brush-up ang suklay nang buhok.
Kapwa humakbang ang dalawa sa daraanan nang Mishrin. Kapwa naghahanda at
inaabangan ang galit na galit na Mandirigma…
“Raaahhhh!!!” Ang sigaw nang Mishring si Nia… tumalon ito sa ere nang pagkataas-taas.
Binunot ang malaki at mahabang espadang si Magellia nang kaliwang kamay!!
“Come you pretty little thing!! I’m gonna catch you and make you my slave! Wahahaha!”
ang padila-dila pang si Max.
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
================================
Richard…
Hindi ako papatalo sa Manila Boy na yun! Hindi ko isusuko si Jasmine! Hinde!! Tingnan mo!!
Humanda ka! Ang mga tumatakbo sa isip nang binatang masidhi rin ang pagmamahal sa
kababatang si Jasmine.
Bata pa lamang sila… alam na nyang may malaki na syang pagtingin sa kababata. Grade 3!!
Oo!! Nasa ikatlong baitang pa lamang sya nang gradeskul! Alam na nang bata pa nyang
puso ang gusto!
Classmate nya nuon si Jasmine at Rachel sa pinapasukang maliit na paaralan sa kabilang
barrio.
Nuong unang pasukan sa eskuwelahan… Nang inihatid sya nang kanyang tatay… duon nya
nakitang naka-uniporme ang kapitbahay at kalaro. Natigilan sya… napatitig sa bata pa rin
namang si Jasmine…
Sa murang edad… Ang kagandahan nang kababata ay lutang na!! Ang mamula-mulang
mga labi! Ang mapungay at may pagka-masungit nang unti na mga mata!! Hindi na
tuloy napansin ni Richard ang pagdila-dila at pang-aasar sa kanya ni Rachel na katabi
lang ni Jasmine naglalakad.
Nagnanasa ba ako!! Umiibig??! Ang sabi nang musmos pang isip ni Richard. Hindi nya
maalis ang tingin sa kalaro-kalaro lang nya.
“Anak… tara na at mahuhuli ka sa pagpasok….” ang mahinang sabi sa kanya ng Tatay
nya. Tinapik sya sa kanyang braso.
Duon lang uli tila binalikan nang ulirat si Richard.
“Tay…”
“Ano yan anak…”
“Paglaki ko…”
“Oo alam ko na yan… papalakihin mo ang sakahan natin di ba?” Ang ani nang tatay nya.
“Ay oo Tay! Tsaka… tsaka…”
“Ano yun anak?”
“Papakasalan ko si Jasmine Tay!” ang inosente at direchong sagot nang isang bata pa
lamang na umiibig.
“Ahahahaha! Ikaw talaga kulit mong bata ka!” sabay mahinang ginulo ang buhok nya.
“Tay! Hindi ako nagbibiro! Seryoso po ako!!” ang seryoso ang mukha at may
paninindigan nang sabi ni Richard.
“Haha! Wala naman ako tutol anak… Kaygandang bata talaga nyang inaanak ko… Sige
anak… suportado kita! Pero sa ngayon… mag-aral ka muna ha! Paglaki mo… ligawan mo
si Jasmine….” ang payo sa kanya nang tatay nyang si Romel.
“Opo Itay…” ang sabi nang napangiting bata na si Richard. Habul-habol pa rin ng tingin
ang iniirog nang puso.
Biglang natauhan si Richard sa pag-aalaala sa mga nakaraan. Nakita nya bigla ang dalaga
nang si Jasmine nang kasalukuyan! Di hamak na mas lumaking mas maganda at mas kaakit-
akit na ngayon ang kababata nya! Sabay tumibok ang puso nya at libido nang katawan.
Napangiti sya abot hanggan langit na ata. Sobrang sabik at kasiyahan nang makita ang
dalaga.
“Ja… Jasmine… Jas… Jasmine…” ang nanginginig pang boses nang pagtawag ni Richard.
Mabilis na lumakad papunta sa kababata. Parang di sya narinig nang dalaga at
mahina ata ang lumabas na boses nya, hindi nya alam kung bakit. Nasobrahan ata sya
nang kasabikan at nangangatog ang mga tuhod nya.
Nang matigilan sya nang makitang papalapit si Jasmine sa isang binatang kinaiinisan nya.
Si Romeo!! Ang Putanginang Nalintikan na!! Ang biglang pagtaas nang damdamin ni
Richard. Bakit andito na agad tong!! Ang kasabikan at ligaya kanina ay nawala na uli. Napalitan
nang Selos at inis.
Lalong pang Sumikdo ang dugo sa ulo nya nang makitang nakahawak si Jasmine sa kamay
nang karibal nya.
Tang-ina Masakit ah!! Napa-higpit ang pagsara ng kamao ni Richard.
Sa tindi nang bugso nang selos at galit. Nag-aapoy na ata ang kamao ng binata kahit hindi
pa sya umuusal nang oracion para sa kanyang Bertud ng Apoy.
Lalo nang nag-init nang husto ang ulo ni Richard nang parang nakita nyang humilig pa
ata ang pinaka-iibig na dalaga sa may balikat ni Romeo.
Tangina… Ang sakit naman nito! Ako!! Ako ang mula pa pagkabata, hanggan sa naging
dalaga’t-binata na sila ni Jasmine… Kasama mo na ako Jasmine… Bakit hindi ako?? Ang mga
nasa loob ngayon ni Richard.
Gusto nyang kalabitin at sapakin sa mukha ang karibal nya, pero natigilan si Richard nang
makitang masaya at naka-ngiti ang kababatang si Jasmine habang kasama si Romeo.
NGayon lang nya nakitang ganung kasaya at kasigla si Jasmine. Kahit papaano’y
nasisiyahan din sya na nakikitang maligaya ang Iniibig.
Gusto nya palagi itong nakikitang masaya at nakangiti. Tulad ngayon… lalong kayganda
tuloy pagmasdan nang dalagang iniibig.
Kasunod nun lumitaw ang nakasimangot na konsensya nya sa isip nya, nakatayo daw sa
may kaliwang balikat nya.
“Ano Ricardo?!? Paki-ulit mo nga ang sinasabi mo? Nahihibang ka na talaga ano?!!
Gusto mong ng batukan kitang lalaki ka??!” ang galit na galit na sabi nito sa kanya.
Sunod naman lumitaw sa kanang balikat nya ang mukhang mabait naman na konsensya
nya…
Bumulong ang mabait na konsensya nya sa kanang tenga nya…
“Ok lang yan Bhoy!! At Least masaya si Jasmine natin… Ganyan ang tunay na pag-ibig…
hindi maramot… hindi makasarili…”
“Ahhh… oo nga… masaya naman si Jasmine eh… bakit hindi… Ok na rin siguro”
bahagyang ngiti ni Richard.
Yun nga lang, sana sya ang pinagmumulan ng kaligayahan nang magandang dalaga.
Naisip ni Richard.
Doon nagsalita at sumingit na muli ang masungit na konsensya nya, na nakatayo sa
kaliwang balikat nya…
“Anong Ok?? Hindi ok Yan!? Ano basta-basta mo nalang isusuko si Jasmine natin??!
Upakan mo!! Sapakin mo yang Romeong Yan!!” Pang-uudyok pa nito sa kanya.
Nang may maramdamang syang napakalakas na puwersa!
Doon na nag-laho sabay ang dalawang makulit na konsensya ni Richard.
Nakita nya kahit si Romeo at Jasmine ay lumingon din kung saan ang pinanggalingan
nang kapangyarihan yun!
Isang Aura’ng pamilyar na sa kanya. Galing sa bago nilang kaibigan dalaga! Yung Nia!!
May ilan nang nagtatakbuhan mga tao… Nakita ni Richard… sa may di kalayuan sa may
bungad nang peryahang karnabal… Andoon ata ang pinanggagalingan ng kaguluhan!!
Dun din nagmumula ang malakas na kapangyarihan galing kay Nia!
May napadaang lalaki at pinigil ito ni Richard…
“Manong ano pong meron?” tanong nya.
“Doon! Doon… may nag-aaway na grupo!” tinuro nang lalaki ang direksyon kung saan,
sabay takbo uli.
“Ricardo?? Ano yun?” tanong ni Jasmine sa kanya. Magkasamang nasa harapan na nya
ngayon ang kababata at si Romeo.
Masama ang binigay nyang titig sa karibal.
Pero paglipat nang mga mata ni Richard sa mga mata nang iniibig, ay saglit syang
natigilan…
Anong nangyayari?? Ano ko nahihiya o kinakabahan? Ilang segundo rin bago sya
nakapag-salita….
“Si… Si Nia ata yun!! Mukhang doon sa harapan ng Peryahan, Jasmine!” ang naisagot na
rin ni Richard sa kababata.
“Si Nia?” ang kapwa nagulat na si Romeo at Jasmine.
“Tara tingnan natin!” aya pa ni Richard. Tiningnan pa ng masama si Romeo bago
tumalikod para umalis…
Mamaya ka sakin Manila Boy!! Mamaya kita sisingilin! Bantay-salakay ka ha!! Ang mga
gustong sabihin ni Richard, na kinimkim na lang nya sa kanyang loob.
Doon na mabilis tumungo ang tatlo patungo sa kung saan naroroon si Nia.
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
=================================
Ang unang paghaharap…
Kitang-kita ni Alfredo, isa sa mga taga-bantay ni Vladeria ang mataas na talon ni Nia sa
ere! Parang hindi isang tao!! Naisip nya. Dalawang kamay ang hawak sa isang mahaba at
malaking espada!
“Come! Come mah dear!! I’m gonna make you squirm with delight on my bed!” ang
naka-ngiti pang kapwa tiga-bantay nyang si Max, habang naka-tingala at sabik na
inaabangan ang mabilis na pagbulusok nang dalaga mula sa ere.
Nang malapit na si Nia sa harapan ng malaking tiga-bantay…
Buong lakas na umigkas ang malaking kaliwang kamao ni Max para tamaan
ang pangahas na dalaga!
Pero bago pa man dumating ang suntok nang malaking bampira… nawala na ang
mandirigmang Mishrin! Walang tinamaan ang malaking bampira lalaki. Puro hangin
ang tinamaan ng kamao nito!
“On youre right you stupid brute!!” sigaw ni Alberto naman ang isa pa nilang kapwa tiga-
bantay.
Nakita nalang ni Alfredo lumitaw na sa may kanan ni Max ang mandirigmang dalaga!!
Mabilis na Papahiwa na pakanan ang dalang dambuhalang espada!!
“”Duck you Fool!! “sigaw babala uli ni Alberto kay Max.
SWISSS!! Ang tunog nang humiwa sa ere ang espadang Magellia!
Pero Mabilis rin naman na nakayuko ang malaking bampira. Doon lumagpas ang
dambuhalang espada ni Nia… na ang puntirya sana ay ang leeg nang kalabang tiga-bantay.
“That was a close!! “ang pagmamayabang uli ni Max.
Nang… SCHLAACCKKK!!!!! Ang tunog na likha nang tumusok na espada sa katawan
ng tao.
“I know youre gonna do that…” ang mahinang sabi nang boses ng isang babae.
“Ennghh?! Urrkkk…” biglang bumulwak ang dugo mula sa bibig ni Max.
Nakatarak na pala tagos hanggang sa likod ang Magellia sa gitnang dibdib ng malaking
bampira.
“My Ghod!! She’s unbelievable!!” ang manghang-manghang si Alfredo.
Sobrang bilis ng mga pangyayari… pero kita nya kung paanong… sa unang pagsuntok
palang ni Max… umilag na ang dalaga. Umikot uli ang katawan sa ere para hiwain sana
ang leeg nang kapwa bampira…. Pero nakayuko-ilag agad si Max sa ginawa na yun nang
babaeng Mishrin. Pagtayo uli ng direcho nang malaking tigabantay. Umikot uli na parang
trumpo ang dalaga…. At duon na isinalaksak nang Mishrin ang espada direcho sa dibdib
nang kawawang Max.
Ganito pala ang mga Mishrin naisip ni Alfredo. Ang huma-hunting sa mga kapwa nya
bampira. Ngayong nakikita na nya ng kanyang mga mata. Sobrang malulupit pala talaga
ang mga mandirigmang ito na binuo nang isang malaking relihiyon sa Europa.
Alam nya may bilang ang mga Mishrin mula numero uno pababa. Ang pinakamalakas ay
ang may ranggong Pang-Isa. Ang Number 1!! Ang ika-Una kung tawagin. Ang pinakamalakas
sa mga Mishrin!! Pinaka-makapangyarihan!
Hindi nya alam kung pang-ilan itong si Nia. Pero narinig nyang ang mga pang-Sampu
pataas ang numero ay ang mga pinaka-mababangis at pinaka-magagaling!!
“Now youre gonna die….” ang sabi ni Nia kay Max. Nakatapak pa ang dalawang paa sa
dibdib nang kapwa-tigabantay.
“Hehehe… Dumb bitchh… Dont you know we’re immortal?… ang pagyayabang pa ng
bampira.
“I know… that’s why I’m gonna do this….” si Nia.
“HuH??! AAAHHHH!! What’s this!?? ITS becoming HOT!!” tapos biglang nagpanic
ang malaking tiga-bantay.
Unti-unti na palang lumiliwanag ang espadang Magellia na naka-salaksak pa rin sa
katawan nang Tiga-bantay na si Max.
“Help!! Help!! I’m gonna die!!!” pagmamakaawa ni Max.
Scchllaaack!! Ang tunog nang Muling nabunot na espada sa katawan nang Bampira.
Tinulungan pala si Max ni Alberto, ang isa pang tiga-bantay.
Ang kanang kamay ni Alberto ay naging isang napaka-tulis na patalim… Sinugod nito si
Nia…
Kaya napilitang sipain ni Nia sa mukha si Max! Nabunot ang Magellia sa katawan nang
Malaking bampira kasabay nuon ang pagtalsik nito sa di kalayuan.
BRAKAGGSSH!! Ang tunog nang sumalpok si Max sa kung saan.
“Youre the idiot, You Fool!” ang sigaw ni Alberto sa kapwa Tiga-bantay. Hinarap ang
dalagang nakatayo ngayon sa di kalayuan.
Pinahaba pa lalo na parang isa nang samurai ang kanang kamay.
“Dont underestimate her Alberto… She’s Dangerous…” ang babala naman ni Johannes ang
tiga-bantay na may mahabang buhok na wavy sa likod. Kay-gwapo rin nang itsura nito na
parang si Alfredo.
“Dont worry… I wont… I’m not the same like Max you know…”sagot naman ni Alberto.
Inayos pa ang bahagyang nagulong brush-up na buhok.
Pagkasabi nuon… Unti-unting nabalutan nang Itim na Aura ang Kanang kamay nito na
hugis espada na ring kulay itim.
“She’s a generator type…” bulong nang mahina ni Johanes.
“What?” si Alfredo.
Napatingin si Alfredo sa kapwa Tiga-bantay na si Johanes Si Johanes ang pinaka-
matalino sa kanilang Apat. Dito lagi humihing nang payo ang Reyna nilang si Vladeria.
“A Generator Type Manipulator of Aura… So far there are four known types of Aura
Manipulation…
Firstly…
Manifestor…
Projector…
Reflector…
and her a Generator… which as you can see…
Her body generates a huge amount of Holy Aura inside… giving her body incredible boost in
speed and defense… She can even extend her Aura unto that huge and deadly sword… Not
only that… using her Third Eye… she’s using her telekinetic powers to control that heavy
sword…”ang patuloy na paliwanag ni Johanes.
“Ahhh…”So thats it…” si Alfredo na napatingin uli sa magandang dalagang kalaban nila
ngayon.
Kaya pala ganun nalang ito kabilis at kalakas sa pagwasiwas nang ganung kalaki at
kahabang Espada.
Sigurado sya mabigat yun. Hindi ito mabubuhat nang isang normal na tao.Kita nya pa ang
ang lalong paglaki nang nakabalot na aura’ng maliwanag sa buong katawan nang Mishrin.
Umandar naman ang sasakyan kung nasaan nanduon nakasakay ang Reyna Vladeria
Artemitifiri.
“I’ll be going with our Queen… Alfredo, Alberto… Take care of this ok…” ang paalam ni
Johannes.
“I am more than enough for this lady… You can take Max and Alfredo with you
Johannes…” ang tila pagyayabang na pahayag naman ni Alberto.
“No… Take Max… I’m staying…” mahinahon, pero may otoridad na pagkakasabi naman ni
Alfredo.
Brraaggaaassshhhh!!! Ang tunog nang nagtalsikang mga kahoy sa di kalayuan. Si Max!! Ang
pinaka-malaki sa mga bampira… bumangon muli!
“I’m also staying!! That’s my Girl!! I’m gonna take that Girl home!” ang sigaw ni Max sa
may bandang likod nila. Naglakad na uli ito papunta sa kanila.
Medyo wasak-wasak na ang suot nitong pormal na parang sinaunang suot noon ng mga
taga-europa. May karamihang bahid nang dugo sa gitnang bahagi nang katawan nito… sa
kung saan ito nasaksak ng espada ni Nia.
Napakamot naman si Johannes sa noo,”Alright… I’ll be going with our Queen now… You
three… finish this… fast…”.
Sabay naglakad na eto papunta sa magarang sasakyang kung saan nanduon si Vladeria.
Magkakasama na ngayon ang tatlong naiwang taga-bantay nang Reyna.
“You two… dont interfere… I’m gonna catch her… Look what she did to me… I’m gonna
make her bleed too… in my bed… hehehehe…” si Max na nagsisimula nang mabalutan
nang maitim na Aura sa katawan.
“No… You had youre chance… Its my turn now…” si Alberto naman na nagliliyab na rin
kamay nyang naging mahabang espadang patalim sa Maitim na Aura.
“NO… she’s mine… step aside…” is Max na humakbang na papunta kay Nia.
“No… YOU step aside… or I’m gonna fuckin cut your throat…” ang medyo nagalit na rin
si Alberto sa kasamahan.
Nagharap ang dalawang tiga-bantay nang Reyna ng mga Bampira. Kapwa galit…
Nagtinginan nang masama.
“Stop it you two…” ang saway naman ni Alfredo sa dalawa.
Sabay pang tumingin si Max at Alberto sa nagsalita. Nakita nilang parehas na seryoso ang
mukha ni Alfredo.
“But Alfredo…” ang biglang malumanay na ngayong boses nang malaking si Max.
“You know by right… It’s my turn Alfredo…” si Alberto namang, huminahon na rin ang
tono nang boses.
Kapwa respetado nang dalawa si Alfredo… Hindi lang dahil sa isa ito sa mga paborito
nang Reyna nila… Pati na rin sa lakas at kapangyarihan ay kapwa nila nirerespetong
dalawa si Alfredo.
“LOOK OUT!!” Ang biglang sigaw ni Alfredo.
PAAVISSSHHHH!!! Ang malakas na pagsabog nang lupang tinamaan ng malakas na
pwersa.
Nagtalunan sa iba’ibang direksiyon ang tatlong tiga-bantay. Sa gitna nang unti-unti nang
nahahawing alabok, andoon ang ang Mandirigmang Mishring babae. Galit na galit pa rin
ang itsura nito. Nagbabaga ang katawan sa Aurang Maliwanag. Sa may paanan nang
Dalaga ang malaking hiwa sa Kalupaan. Manghang-mangha si Alfredo sa nakita.
What did you do to be this strong pretty Girl… naisip nya.
Pero napansin ni Alfredong hindi sa kanila nakatingin si Nia. Nakatitig ito sa sasakyang
papalayo… sa sasakyan kung saan doon nakasakay ang Reyna nila…. May binabalak ang
dalaga.
“No!! Her target is our Queen, Stop HER!” ang sigaw ni Alfredo.
“Raarhh!! I’m the one who’s gonna stop her!!” Mabilis na tumalima din ang malaking si
Max.
Ganun din naman si Alberto… may kabilisan din sumunod sa utos ni Alfredo. Humarang
kapwa sa daraanan nang dalaga.
Lubhang mabilis din kumilos ang dalawang tiga-bantay nang Reyna na nang mga
Bampira. Ilang hakbang lang at nasa harapan na sila nang mandirigmang Mishrin.
Natigilan naman si Nia… nakaharang na ngayon sa daraanan nya ang dalawa sa tiga-
bantay.
“No… No one can stop Me!! No One!!” malakas na pahayag ni Nia.
WIIIIIWWWWWVVSSHHH!!!!! Ang papalakas pa na Aura’ng banal ni Nia. Ang mga
lupa at hangin sa paligid nang dalaga ay malakas ang pagtalsik sa paligid.
Pitumpitong Porsyento… Pitumput-Apat na porsyento… Ang patuloy na pagbuka nang
Pangatlong mata nang dalaga…
Nababalot na ngayon nang purong galit at poot ang puso nang dalagang Mishrin. Wala na
ang taktika at pagpaplano sa laban. Patay kung Patay!! Puro paghihiganti nalang ang nasa isip!
“This Girl… Who is she?” ang mejo kinabahang malaking bampirang si Maxx.
“Jus be ready… I heard she’s a Mishrin… One of the Top Ten… She’s Dangerous… We’ll
work together this time… I’ll distract her… Give her the Finishing Blow…” si Alberto
naman.
“Alright… Here goes!!!” ang sigaw ni Max.
Pagkasabi nuon… nabalot nang malakas na Itim na Aura ang Dalawang kamay ni Max.
Unti-unting nagbago ang dalawang kamay ng bampira.
KAKRACKK…KRACKK… Ang tunog nang unti-unting transformasyon nang mga
kamay nang Malaking Bampira.
Kapwa Lumaki… Kapwa humaba… PArang gawa sa purong semento at bato na ngayon
ang mga kamay ng malaking lalaki.
Biglang nawala sa kung saan nakatayo si Nia Wohlenger…
“Here She Comes!!!” Sigaw ni Alberto.
WATAANK!!!!
Nasa harapan na pala nila sa isang saglit lang si Nia. Nasangga ni Alberto nang kanyang
Espada ang pababang i-slash nang Magellia nang Mishrin!! SA lakas nang puwersa nang
dalawang nagtamang espada… lumikha ito nang malakas na hangin pakalat.
“Ugh!!” si Alberto.
Muntik na kasing mag-crack ang kamay nyang naging Espada sa lakas ng puwersa nang
Dalaga. Kung hindi ito nababalutan nang Aura nang kadiliman nya… siguradong putol na
ngayon ang kanang kamay nya.
The Fuck!! Ang nasa isip nang Alberto. Who the Hell is this Girl. This Rage! This
Anger!! It’s adding more to the power of her Holy Aura!! And this Sword… Its absorbing
her Aura… The two combination… It’s Giving her more Offensive Firepower!!
“RAAHH!!” si Max naman. Sinuntok ang Dalagang nasa harapan ngayon ni Alberto.
Pero walang tinamaan ang higanteng kamay nang Max. Naka-ilag na agad ang
pinapatamaang dalaga.
Nasa kanan na pala uli si Nia nang dalawang bampira. Agad iwinasiwas ang espada bilang pag-
atake! Isang pahalang na hiwa!!
WATANKK!!! Ang tunog nang masangga ni Alberto ang pag-atake nang Mishrin.
WATANK! WATANK!! PATANK!! Ang sunod-sunod na tunog nang dalawang
espadang nagtatama.
Halos hindi na makita ang pagtatama nang dalawang espadang kay bilis.
She’s Fast!! This Bitch is really Fast!! She can match Alberto’s Inhuman Speed!! Ang
namamangha namang si Max!! But how Come!? She’s only Human!! I gotta help Alberto
or he’s gonna Lose.
“Need a Boost… HELIAS!! INJECTAS!!!!!” sigaw ni Max.
Mabi-bilis na sunod-sunod na mga malalakas na mga suntok ang pinakawalan nang
Malaking Bampira kay Nia.
WIPWIPWIPWIPWIP!!! Ang mga tunog nang mabibilis na suntok na yun.
Pero hindi sya makapaniwala!! Lahat yun naiilagan nang dalagang Tao. Para lang syang
sinasayawan nang mortal na babae. Kitang-kita nya bago pa man dumating ang mga
suntok nya umiilag na ang babae… Kaliwa-kanan… payuko… Paiwas…
“HELIAS INJECTAS… EDOS!!!” Sigaw muli nang Malaking bampira.
WOBWOBWOBWOBWOBWOB!!!
Mas lalong bumilis… Mas lalong lumakas ang mga sunod-sunod na mga suntok nya….
PAPANK!! PAPAPAPANK!! PANK!! Ang mga tunog naman ngayon…
Hindi na umiilag ang babae… pero lahat yun sinasangga na nang dambuhalang espada na
dala nang dalagang Mandirigma!!
“YOU!!! HELIAS INJECTAS ESTRES!!!” tinaas pa uli nang Bampira ang Pag-atake
nya sa antas Pangatlo na!
WAPANK!!! WAPAPAPANK!!! WAPAPANK!!!
Lumikha na ngayon nang matinding dagundong ang bawat pagtatama nang mga armas ni
Nia at nang bampirang si Max…
Bawat tama… lumilikha nang malakas na Hangin sa paligid… Ang ibang pwesto sa
perya na gawa sa mahinang materyales ay isa-isang nagtumbahan!
NO!! This is not happening!!! pag-iisip ni Max. She can still block my attack boosted to
level 3!!? Impossible!! No Human can?!!And… and… she’s doing it with one Hand!!?
Ang hindi pa ring makapaniwalang isa sa mga tiga-bantay ng Reyna Vladeria Artemitifri.
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
=====================================
Herberto at Rachel…
“OMG!!! Anong nangyayari rito!!?” ang sabi ni Rachel nang makita ang mga nagaganap.
“Miss Nia!!” si Herberto naman.
Nalintikan na! Maraming tao ang nakakakita sa mga nagaganap na ito. Isa sa mga
patakaran nang mga Mishrin ang maging Discrete sa paghunting sa mga Kakaibang
nilalang. Pero syempre kilala nya si Miss Nia. Isa sa mga numero unong Pasaway na
miyembro nang Mishrin.
Nakikita nilang dalawa ngayon ni Rachel na may kalabang isang malaking tao si Nia.
Mabibilis ang mga suntok na pinakakawalan nang malaking lalaki sa Mandirigman
Mishrin… Pero lahat yun sinasangga ni Nia gamit ang Magellia. Ang isa sa mga banal na
Armas na pandigma.
Meron na rin ilang mga tao ang tumigil at sumaksi sa nakakamanghang pangyayari sa
ligtas na distansya. Di makapaniwala sa napapanuod na hindi maka-taong mga kilos nang
mga nagtutuos.
I have to do something about this!!! Ang sabi ng isip nang Accompanist na medyo
nagpanic sa nakikita.
“Isbikta… openus Triktus!!” ang mabilis na usal ni Herberto.
Doon nagbukas sa mahigit walumpong porsyento ang third eye ni Herberto!! Kumalat
pabilog sa halos kalahating Kilometro ang kanyang Aurang banal.
Nakapikit… naka-concentrate nang maigi…
“Here goes!”
Isa sa mga kapangyarihan nang third eye ni Herberto ang Hypnotic mental persuasion…
“Wala kayong nakita… uuwi na kayo sa mga bahay nyo… isang malakas na buhawi lang
ang saglit na lumitaw sa peryahan…” Ang sabi nang isip nang Accompanist.
Lahat ng mga normal na taong nasakop nang pagkalat ng kanyang Aura ay narinig ang
mga sinasabi nang isip ni Herberto. Ilang segundo lang…
“Umalis na tayo Paeng… baka madamay lang tayo….”
“Uuwi na ako Bhe… may labahan pa ako hindi natatapos…”
“Magsasaing pa pala tayo… balik na lang tayo mamayang gabi…”
Ang ilan lang sa mga sabi nang mga taong naapektuhan nang Hypnotic Mental
Suggestion ni Herberto.
Yun lang at karamihan sa mga taong nakiki-usyuso at pumunta sa peryahan at nagsialisan
na. NAgsimula nang magsitalikuran at naglakad pauwi.
“Huy… Anong ginagawa mo? Huy!?” si Rachel naman na panay ang uga sa balikat ni
Herberto habang nag-coconcentrate ang isa.
Napadilat tuloy ang lalaking Mishrin Accompanist.
“Sandali! Wag ka magulo Uy!…”saway naman ni Herberto sa makulit na dalaga.
Marami itong hawak na mga premyo na galing sa pinaglaruan nila kanina.
“Te-teka saan galing yan? Di ba natalo tayo?” ang nagtataka namang si Herberto, habang
patuloy sa ginagawa.
“Oo nga…” ang naka-ngising si Rachel.
“E paanong…?” si Herberto naman.
“Hihihihi… kinuha ko…” si Rachel uli.
“Nye-Nyeh!” si Herberto’ng gulat na gulat. May sapi ata tong babaitang to, naisip na
lang nya.
“Eh bakit ba… e wala namang mga tao eh…” pagmamalaki pa ni Rachel.
PAMMM!!!! Ang biglang malakas na tunog.
Napatingin muli ang dalawa sa nagaganap na paglalaban.
Tumalon na pala muli sa ere si Nia. May tumulong sa malaking mama na kalaban kanina
ni nang Mishrin. Isang lalaking naka-brush-up ang buhok, na may espadang mahabang
kulay itim. O maiging sabihin… ang kanang kamay nito ay isang Espada…
“You pesky!! Stop moving around Girl…” sabi pa nito.
“Grrr… She’s Making me Angry!!” sabi naman nang malaking lalaki.
“Let’s combine our powers!!” sabi uli nang isa.
“I hate to say this but… Yes” ani nang malaking Lalaki.
Kapwa pumikit ang dalawang lalaking kalaban ni Miss Nia. Ang mga Aura nang
Kadilimang sa mga katawan ay unti-unting nagbaga… Anong klaseng nilalang kaya ang
mga ito?? Pagtataka ni Herberto. Nang makita nya ang mga pangil nang mga lalaki…
Isang distinct na pagkakakilanlan nang isang Vampire Type na Supernatural being!! Pero
bakit may Bampira rito sa Pilipinas!?!
“Now!!!” sabay na sigaw nang dalawang lalaki na yun.
Biglang nawala ang dalawa sa kinatatayuan nang mga ito. Nakita nalang ni Herbertong…
nasa ere na rin pala ang mga ito. Sinundan na pala si Miss Nia.
WATATATANGK! WATANGK!! WAPAPAPAPAG!!!
Kitang-kita ni Herberto ang sabay na pag-atake nang dalawang lalaking bampira kay Miss
Nia.
PATAG!! PATAG!! PATATATAG!!
Ang espadang kamay nang lalaking naka-brushup ang buhok at ang Mala-sementong
malaking kamay nang malaking lalaki… Laban sa Kay Miss Nia at ang espada nyang
Magellia na nababalot sa Aura Liwanag!
Oh Miss Nia!! Walang tatalo talaga sayo!!! Ang proud na proud na nasa isip ni Herberto.
Kahit dalawang bampirang mukhang mga ancient at guardian level Vampire ay
nasasabayan nang nag-iisa nang Mishring kanyang pinaglilingkuran!!
PAG!!!! Ang malakas na tunog nang pag-sipa ni Miss Nia sa lalaking naka-brushup ang
buhok sa mukha.
Mabilis ang pagtalsik nito sa lupa!! BRAGSSH!!!! Ang malakas na tunog nito. Sumabog
ang maraming Alabok at lupa sa lakas nang pwersa nang pagbagsak nito.
“Why YOU!!!” sigaw nang malaking lalaki. Lalong binilisan ang mga pag-atake kay Miss
Nia.
WATANGK!! WATATATANGK!! Ang mga likha nang pagtatama nang mga kamao
nang malaking bampira at espada nang pang-pito sa malalakas na Mishrin.
“Levelus… Maxisss… Espada Magelliaa!!!!” sigaw bigla ni Miss Nia sa ere.
Lumakas ang pagliyab ng Aurang banal sa espada nang pang number 7 na Mishrin. Alam
ni Herberto yun… Ang mga salitang magpapalakas nang lebel kay Magellia!!! Kung
ikukumpara sa Pilipinas… tulad din ito nang pagpapataas nang antas nang lakas sa isang Anting!
Tulad nang mga oracion ni Richard na may hawak nang bertud ng Apoy. A
WASSLAARRRSHHH!!!! Ang tunog nang na likha nang isang bagay na nahiwa!
“WAAARAAH!!!” ang sumunod na sigaw nang Malaking Lalaking Bampira sa sakit!!
Sumabog pira-piraso ang kaninay solidong mala-bato at sementong kamay nito.
Isang pababang i-slash pa nang espada sa katawan nang bampira at mabilis na tumalsik na
rin pabagsak sa lupa ang kawawang nilalang!!
BRAGISSH!!! Ang malakas na pagtama nito sa Lupa. Malapit lang din sa kung saan
bumagsak ang nauna nang tumalsik na Bampira.
Kasunod nuoon… mabilis na bumagsak na rin mula sa ere si Miss Nia.
DAGG!!! Ang tunog na likha niyon!! Nang tumama sa lupa ang dalawang paa ni Nia
Wohlenger. Lamsikan ang mga bato at lupa!
Nagbabaga pa rin sa Liwanag na banal ang Katawan nang Mishrin. Nakita ni Herberto
kung hanggan ilang porsyento ang pagka-bukas nang pangatlong mata ni Miss Nia… nasa
pitumpong Apat na porsyento!!! Ano ang nagbunsod kay Miss Nia para buksan nang
ganun kalaki ang kanyang 3rd Eye!!?! PAgtatanong sa sarili ni Herberto. Kaya pala
nakakasabay si Miss Nia sa dalawang Guardian level Vampires!!
“Galing pala nya ah!!” ang narinig naman nyang puri ni Rachel sa tabi nya.
Naglalakad na ngayon to patungo sa dalawang bampirang bumagsak kanina. Dahan-
dahan naman bumabangon na rin ang dalawang bampira nang mabagal. Mga naka-dapa
sa kamay at tuhod ang mga ito.
“Stand-up you big Oaf! She’s coming!!!” sabi nang isa.
“I cant… My wounds… they’re not healing…”sabi naman nang malaki sa dalawa bampira.
Hanggan sa nasa tapat na nila ang Mishrin Warrior…. si Nia Wohlenger!! Itinaas ang
dambuhalang espadang Magellia!! Lalong lumakas ang liwanag sa paligid ng espada!!
Nakakasilaw!! Kahit malayo silang dalawa ni Rachel… damang-dama ang mainit-init na
pakiramdam mula sa liwanag na yun!!
Eto na!! Ang pantapos ni Miss Nia!! Naiipon na ang Aurang banal sa Magellia.
WWEEEEEMMM!!!!!! Ang tunog nito.
“Time to End this… Pay for youre sins in Hell!!!! YAAAAHHH!!!” Sigaw
bigla ni Miss Nia!!
Wala pa rin ito sa normal na pag-iisip! Ang mga mata ni Miss Nia ay nagliliwanag din sa
banal na Aura! Ayan na… pababa na ang Magellia!! Puntirya ang dalawang Bampirang
naka-luhod parin sa lupa.
“NO!!!!” sigaw nang isa sa mga bampirang nakataas pa ang kamay na parang sumusuko
na.
Yung isa naman… Yung Malaking Bampira… halos Humalik na sa lupa sa
pagmamakaawa.
“PLEASE!!! NO!! Have MERCY!!!” sigaw nito na parang may halong iyak.
Pero bago tuluyang mahiwa ni Nia ang dalawang bampira…
“I cant allow this…” ang sulpot nang isang kalmadong boses.
Sa gitna ni Nia at nang dalawang bampira… lumitaw ang isa pang lalaki!! Isang lalaking
mas matangkad pa kay Miss Nia! Magandang lalaki at blonde ang buhok.
Laking Gulat pa ni Herberto nang makita ang mga susunod na pangyayari… Ang lalaking
yun!!!
Hawak nang isang kamay ang espadang Magellia!!! Pinigil ba nito ang buong
pwersang lakas nang Pag-atake ni Miss Nia gamit lang ang isang kamay??!! Nababalot
din ang lalaki sa sariling Aura… Isang Aurang kulay maitim na violeta!! Hindi kaya??!!
Naisip ni Herberto….
“You!! Why!!?” ang gulat na gulat na Mishrin warrior.
“Sorry Little Girl… Much as I hate them….” ang malambing pa rin na boses nito para kay
Miss Nia.
“But! But!! You know what they did! You know what they did to my Family!! Step
aside… I dont want to hurt you… please…” si Miss Nia’ng may Tumulong Luha sa mga
mata.
“I know… but they are still my comrades… I cant… I just cant leave them alone…” ang
malungkot na ring mukha na paliwanag nang gwapong lalaki.
“Huy! Huy! Sino yun?? Ang Gwapo!! Mas gwapo pa ata kay Romeo ko ah!” ang singit
naman nang makulit na dalagang si Rachel.
Iba talaga utak neto… naisip ni Herberto…
“Then… I have no choice… I have to kill you too…” ang bumabalik nang galit sa mukha ni
Nia.
“No… you cant do that…” ang sagot naman na malumanay nang magandang lalaki.
Kasunod noon ang Bigla at mabilis ang malaking naipon na Aura sa kaliwang kamay
nang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Herberto sa susunod na pangyayari… Kahit si Nia ay hindi agad
naka-galaw sa pagkagulat.
Mula sa kanang kamay nang pangatlong Bampirang dumating… Tumira ang Purong
enerhiyang gawa sa Aura nito.
POOOWVVVVVVVVVSSSSSSSHHH!!!!! Ang malakas na tunog nito.
Ang laki at ang lawak nang likha na panira na yun nang bampira. Halos hindi na nya
nakita si Miss Nia!! ISANG Malaking Tirang Nakakasilaw na Kulay Itim halos na may
unting halong Violeta. Sa Laki nang Enerhiyang yun mas mataas pa parehas sa lalaki at
kay Nia!
“MISS NIAAAH!!!!!” ang napasigaw tuloy na si Herberto.
Kinabahan si Herberto… Harap-harapan ang ginawang tira nyun nang Bampira.
Si Miss Nia!! Hinde!! Baka kung anong nangyari sa kanya!! Wala man lang syang
naggawa!
Sa lakas nang ginawa nang pangatlong Bampira… Dumating sa kanila ang
malakas na hangin!! Tumalsik silang dalawa ni Rachel!!
Napa-angat sila kapwa sa kinatatayuan nila!! Nasa ere sila na parang dahong hinipan nang
malakas na hangin!
“Ayyy!! Ang mga laruan ko!!” ang napatiling si Rachel. Nabitawan ang mga premyong
kinulimbat sa perya.
“Miss Nia!!! Miss Nia!!” ang sigaw naman ni Herberto habang tumatalsik sa ere.
“I’m sorry Little Girl… I’m really sorry…” ang tila nalungkot… malungkot na malungkot
na ngayon ang mukha nang gwapong bampira.
“Very Good Alfredo!! Very Very GOOD!! ang puri nang bampirang naka-brushup ang
buhok, pero ngayon ay bahagya nang nagulo. May natuyong dugo sa may gilid ng labi. Si
Alberto. Gwapo rin ito… pero kaiba… Halata ang bakas ng kasamaan sa mukha nito.
“That Girl!!! If I get my hands on her…” si Max naman na dahan-dahan tumayo.. hawak-
hawak ang sugat na likha ni Nia. Isang hiwang pahaba sa kanyang katawan. Halos gula-
gulanit na ang suot na pampormal nito.
Pagbagsak nila ni Rachel sa Lupa…
TAGOK! TAGUG!! Ang mga tunog nang kapwa sila lumagapak sa malayo.
“Aray ko!! Ampuwet ko!” sigaw ni Rachel.
“Aaahhhhh…Ok ka lang? Te-teka… Ke…kelangan tulungan ko si Miss Nia!!” pilit namang
tumayo agad si Herberto.
Naglalakad na kasi uli ang dalawang bampirang na yun… siguradong… Siguradong si
Miss Nia na ang hanap nang mga ito.
“Uy! Teka lang! Sigurado ka? Mukhang malakas kaya yung mga yun…” si Rachel, pinigil
pa sa may balikat si Herberto.
Nag-isip saglit si Herberto… Di naman sya katangkaran… Hindi sya ganoong kalakas sa
pisikal, sa kapangyarihan, at sa Aura… Pang-backup lang talaga sya at suporta.
“Alam ko… pero kelangan ako ni Miss Nia eh…” ang sabi uli nang accompanist.
Muling tinuloy ang paglalakad patungo kay Miss Nia. Pero ang totooy nangangatog ang
mga tuhod nang Accompanist.
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
=============================================
Nia Wohlenger…
Nagulat sya… hindi nya akalaing papatamaan sya ni Alfredo. Hindi rin nya akalaing
ganung kabilis maka-ipon nang ganung kalakas na enerhiya ang Bampirang tiga-bantay ni
Vladeria. Hindi tuloy sya naka-ilag kaagad sa malakas na tira nang enerhiya na yun nang
inaakalang kakampi. Ibinaba nya ang depensa dahil sa maling akala…
Buti na lamang at, naipangsangga nya ang Magellia at sinalo ang ilang pwersa nang
napakalakas na Aura nang kadiliman nang Bampira. Pero ganumpaman… sugatan sya.
Ang mga galos sa mga braso balikat… sa mga binti at hita… Marami… masakit… mayroon
ding ilang patak nang dugo sa kanyang punit-punit nang damit… Halos labas na ang suot
nyang bra at gula-gulanit na rin ang kanyang pang-itaas. Ang maong pants naman nya at
butas-butas na rin at panay punit sa tinamo nyang biglaang pag-atake ni Alfredo.
Why?? Why after all this years? I was looking for you… I thought you cared for me… I
thought… I thought… ang sobrang nalilitong puso nya.
“I’m sorry little Girl… I tried to hold back my power… but still…” ang mahinang sabi nito
sa kanya… o masasabing… nabasa nya ang sinasabi nito sa pagbasa sa mga labi nito.
Napalayo na kasi sya kay Alfredo dahil sa lakas nang tirang pinakawalan nito.
Mula naman sa tabi ni Alfredo… hayan na naman ang dalawang naunang nakalaban nya.
Yung malaking Bampira at yung isang pang may espadang kamay na matulis. Pinilit
nyang tumayo nang mabilis pero nangatog ang mga tuhod nya sa panghihina. Napuruhan
ata nang purong enerhiyang yun ang mga binti nya…
“Hehehe… Cant stand babe? Dont worry… I’ll take care of you…”si Alberto.
“Hey! She’s mine! I’m gonna punish her a little bit, then fuck her Fast and Hard until she
screams!” ang naka-ngisi pang si Max naman.
No… this cant end this way… si Nia.
Eto na ba? Dito na ba matatapos? Hindi pa nya naipaghihiganti ang Pamilya nya! Patuloy
na papalapit na ang dalawang bampira nang kasamaan.
“Huhu… No… Sorry… Mom… Dad… Kuya… Ate…” ang mahinang mala-dasal ni Nia.
Nasa harapan na nya ang dalawa… Ang mga tinging iba ang ngiti…
“Come…come now… didnt I tell you… I’m gonna take care of you? Hehehe” si Max…
aabutin na sya nang malalaking mga kamay nito.
Nakatingin nalang si Nia sa kawalan nang… Sa Isang kisapmata… Isang babaeng halos
malabo na sa paningin nya ang Sumulpot mula sa ere sa pagitan nila nang bampira!!
BOWG!!!! Ang tunog nang isang napakalakas na sipa na tumama sa malaking bampira!
Kitang-kita nya kung paanong halos mabali ang leeg nito sa lakas nang sipa nang
babae sa may kanang pisngi nito!! Baun na baon sa pisngi nang bampira ang sipang yun sa
mukha!! But Who!!?
It’s Jasmine!!!!
© 2017 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
===================================
Sa Lakas… Tumalsik pabalentong-balentong ang malaking katawan nang Bampirang si Max sa
malayong-malayo!! Paikot-ikot ang katawan… magkandabali-bali ang mga siko…
kandabali ang mga tuhod sa matinding paaikot-ikot nito na halos hindi na ito makita sa
pagkakatalsik.
Nanlaki parehas ang mata ni Alberto at Alfredo sa nangyari sa kasamahan nila si Max.
Halos hindi na nila makita si Max sa layo nang tinalsik nito!
At ang may kagagawan…
Isa lamang pala itong dalagang pagkaganda-ganda at nakapang-aakit… Pero ang nagliliyab na
Aura nang Kadiliman palibot sa katawan nito ay nakakatakot. Parang isang malaking Apoy na
kulay pinaghalong itim at asul.
Alam nila hindi ito Bampira, pero meron pa bang ganitong kalakas na nilalang bukod sa
lahi nila?! Kapwa tanong nila sa kanilang mga sarili.
“Fuck!! Alfredo… You think You can handle her? She looks… She looks…” Ang nangangatog
na sabi ni Alberto.
“Alberto… Do you mean to say youre scared of the girl?” ang bawing tanong naman ni Alfredo
sa kasamahan.
“No…NO! Of course not… Fine I’ll take care of her if you cant” parang napilitang si Alberto
Pikit matang sumugod ang Bampirang napilitan.Pero bago pa man makalapit si Alberto sa
dalagang kinikilalang Alindog nang kisapmata…
WOOOMMMBISSH!!!!! Ang tunog nang pagtama nang malaking Apoy na hugis Bola sa
harapan nang bampira sa may lupa.
“OH SHIT!! Where the Fuck!!?” ang sigaw ni Alberto nang mapatalon ito paatras. Nasunog
ang ilang bahagi nang suot nyang pampormal.
“Hehe… Wag na wag Bhoy!! Wag na wag mong kakantiin si Jasmine kundi susunugin talaga
kita!! ” ang pagdating naman ni Richard.
Ang buong katawan ay balot nang nagliliyab na kay-init na Apoy!!
“YOU!!! Who are YOU!! Dont call me Boy!! I lived for a thousand years now you know!!”
ang tila napikon namang si Alberto.
“HEHE!! Bhoy!! Hahaha!” ang ulit pa lalo ni Richard.
“Fuck!! If I get a hold of you!! I’m gonna cut you to pieces you little piece of shit!!” si Alberto
uli.
Biglang nabuhayan nang loob si Nia sa nakita…Thank you!! Thank you very much!! Dasal nya
nang pasasalamat sa pag-saklolo nang mga bagong kakilala! Akala nya… dito na matatapos ang
paghihiganti nya.
Saglit lang ang kasayahan ni Nia nang makita si Alfredo… sa kanang kamay nitong naka-bukas
ang palad… naiipon na naman nang mabilis ang Aura nang Kadiliman! Nakapuntirya ito sa
kanilang tatlo!!
“NOO!!! Get OUT!! Jasmine!! Richard!! Out of the WAY!!!” Ang halos magitil ang mga ugat
sa leeg na sigaw ni Nia.
Huli na!! Tumira na ang malakas at malaking enerhiyang yun ni Alfredo!!
PIIWWWVVVVSSSSHH!!!!! Ang malakas na tunog na likha nun!
No!! What happened to you!? Do you really want to kill me?? Ang nakaluhod lang na si Nia.
Nakatingin sa paparating sa malaking enerhiyang paparating… Napatingin saglit ang Mishrin kay
Jasmine na nakatayo sa bandang kaliwa nya sa harapan… Nakatayo lang ito…Wala atang balak
umilag!
Nang may marinig sya galing sa bandang likuran…
Mabilis na tiningnan agad ni Nia yun…
“HOTSHOT!!!!” napasigaw si Nia nang makita kung sino yun.
TOOWEEEEEEEEE!!!! Sa kanang kamao ni Romeo… Naiipon ang napakalakas na
purong liwanag na gawa sa Aura’ng Banal!! Palaki nang palaki ang halos hugis pabilog na
enerhiya…
“Eto na ata… Wuta… TABI!!!” ang kinakabahan ding si Romeo. Unang beses palang nya eto
naggawa.
TEEEGIWWWWSSHH!!!! Ang malakas na tunog nang tumira ang isang napakalaking
Aura nang liwanag mula sa kanang kamao ni Romeo!! Tumalsik pa si Romeo sa lakas nang
puwersa nang sariling Tira!
“Aaahhh…”sigaw ni Romeo habang papatalsik palayo sa lakas ng recoil.
Dumaan-lumagpas ang parang linya na yun nang maliwanag na Aura sa gitna nila Jasmine, Nia at
Richard… Napakaliwanag nuon!! Halos mapatakip ang lahat sa mata sa nakakasilaw na Aurang
Banal!
Direcho yung pasalubong sa Paparating na malaking Aura nang Dilim galing sa kalaban!
“HOLY SHIT!!! Hold on to something!!” sigaw ni Nia nang makitang magtatama ang dalawang
malaking pwersa.
“Tangina mo Romeo!! Muntik nako tamaan… Yaaahh!!”sigaw naman ni Richard.
Si Jasmine naman ay nanatili lang nakatayo… iniintay ang mangyayari.
Lahat parang napatingin sa magsasalubong na dalawang enerhiyang gawa sa mga Aura… SAglit
na Dumilim ang paligid… tapos biglang…
TOGGOOOWWWWWW!!!!!! Ang malakas na pagsabog!!! Nang magtama ang dalawang
purong enerhiya!!
Nayanig ang lupa!!! Isang napakalaking bola nang delubyo ang nabuo!! Lamsikan ang mga
napakaraming Lupa, hangin, Bato kung anu-ano na…
Wala nang panahong umilag… napatakip nalang ang lahat nang kani-kanilang mga mata… Sina
Richard… Nia… Jasmine…Rachel at Romeo sa paparating na Shockwave!!
“Tangina mo Romeo… Gusto pa naming mabuhay!!” sigaw ni Richard.
“Sorry!! Ayan na!!” sagot pasigaw ni Romeo.
Nang biglang lumitaw si Herberto sa harapan nang lahat!
“Eyieldus MAXXISSS!!!” sigaw nang Accompanist ni Nia.
Mula sa dalawanng nakataas na kamay ni Herberto. Mabilis na nabuo ang napakalaking
pangharang at baluti na gawa sa Aura nang Liwanag nya!!
BIWWSSHSHHHH!!! Nang dumating na ang malakas na hangin na may kasamang mga bato
at kung-anu-ano! Naharangan ito lahat nang Aura na pangharang ni Herberto.
“Thank Ghod Herbertoo!” puri ni Nia.
“Walang anuman Miss Nia!” ang ngiting abut tenga naman si Herberto.
Matagal… matagal bago nahupa ang Malakas na hangin na may pinaghalong alabok at Usok.
Kitang-kita nila lahat ang Nabuong isang malaking hugis kabute usok papunta sa langit.
“Ok ka lang Miss Nia?” tanong kaagad sa kanya ni Herberto.
Di agad nakasagot si Nia… Tiningnan isa-isa ang mga nanduon kasama nya… May mga
na kakampi sya!
Sa sobrang ligaya… May tumulong munting luha mula sa kanang mata nya! Di naman sya dating
ganun. Pinahid agad at nahihiya.
“The-thank you Guys… never think… never think you guys would help me… Really… Thank
you!!!” ang pasasalamat ni Nia sa lahat.
Sa harapan nya… Nakita nya tahimik na ngumiti lang si Jasmine.
Si Richard naman nakapamewang pa at “Ako pa!!”
“Wag kanang senti diyan… May bayad yun no…” ang singit ni Rachel.
Napatawa naman si Nia sa asal nang dalaga.
“Bayad!! E wala ka naman ginawa! ” Ang kontra naman ni Herberto.
“Che!! Hmp!! E bakit Boyfriend ko ang tumulong no! ” pagsimangot naman ni Rachel sa
Accompanist.
Napa-hikbi-singhot si Nia… Matagal syang lumalaban nang walang ibang kakampi kung
hindi si Herberto lang. Pero ngayon… ngayon… marami na syang kasama… Mga Kaibigan…
Mga malalakas at mabubuting kaibigan!
“Where’s Romeo??!” ang palinga-linga na Mishrin.
Lahat sila napatingin sa likod… malayo pala ang tinalsik nang binata. Pagka-pagpag nang
nadumihang damit… Naglakad na ito papalapit sa kanila.
He’s so cool!! Naisip ni Nia habang naglalakad dahan-dahan ang binata papunta sa kanila.
“Ay Shet! Ang pogi talaga nang boyfren ko!!” Ang kinikilig na si Rachel.
Napasimangot tuloy si Jasmine sa narinig sa kaibigan. Pero… nakaka-akit naman talaga ang
itsurang yun ni Romeo habang naglalakad….
Umuusok pa ang kanang kamao ni Romeo. Ang buong katawan balot nang nagliliyab na Aurang
banal.
Bilib na talaga sya sa balak kuning para sa Mishrin… isip ni Nia.
In just a short time!! He has grown much, much stronger…
But Who is he anyway??! Even with no training yet… his Power and Aura are far too strong for
a beginner!! Hmmmm…
“Tangina… bilisan mo nga maglakad… pa-Bida ka pa eh…” ang puna naman ni Richard sa
karibal.
Narinig ni Romeo ang sinabi ni Richard… bumilis nga ang lakad nito… papunta sa
karibal… Nagtapat na naman ang dalawang binata…
“Anu! Ano! Ulitin mo nga sinabi mo!” si Romeo.
“PA-BIDA KA!! O yan inulit ko!!! O ano gagawin mo ngayon??” sagot naman ni Richard.
“Gusto mo ba subukan ko sayo yung ginawa ko kanina?! HAH! HAH!!” Si Romeo naman.
“Ah Talaga!! Sige lang brad! Meron din akong gustong subukan sayo eh!” Si Richard naman.
“Eto na naman sila Miss Nia… Magkasundo pa ba tong dalawang to?” si Herbertong
napakamot sa ulo nya.
“Maybe… We’ll see… We”ll just have to wait wont we…” si Nia… na nagpapahid na nang luha.
Ipagpapatuloy…