Pay It Forward – Ela 13 by: darkangel1311

May ngiti sa mga labi nang magising ako ng umagang iyon, nag-iisa na ako sa kama pero ayos lang malamang ay nauna na itong bumangon at siguradong naghahanda ng almusal. Sinilip ko ang hubad kong katawan sa loob ng kumot. Kinapa ko ang aking hiyas at napapikit ako nang maalala ang sarap na naranasan ko sa piling ni Lester, ang mainit at buong ingat na pag-angkin nito sa akin na parang ako ang wala pang karanasan sa aming dalawa, naalala ko ang pagpapala niya sa mga labi ko na punong-puno ng pag-iingat.

Napangiti ako sa mga naisip, napagpasyahan kong magtapat ng nararamdaman sa kanya, na sabihin na dito na hindi lang pagpapalabas ng init ng katawan ang dahilan ng nangyari sa amin hindi tulad ng ginawa kong pang-aakit sa kanya noon.

Natigilan ako sa naisip, bigla ang pagbabago ng damdamin ko dahil nabalik sa isip ko ang mababang tingin nito sa akin dahil sa mga naging kilos ko noon, na malamang ay lalo na ngayon dahil may nangyari sa amin.

Ayoko sanang bumaba dahil bigla ay nakaramdam ako ng kahihiyan, biglang nagbago ang isip ko na kausapin ito tungkol sa nangyari, pero kailangang harapin ang buhay kaya matapos maligo ay nagbihis muna ako ng pambahay saka bumaba at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko si Lester na nagluluto ng almusal, maiksing batian lang ang ginawa namin at tahimik akong uminom ng kape sa lamesa, napatitig lang ako dito na nakatalikod habang nagluluto. Pinasyal ko ang paningin ko sa malapad na likod nito hanggang sa maumbok nitong pang-upo. Pang apat na si Lester sa naka angkin sa akin, at lahat naman ay hindi papahuli ang mga itsura pero iba siya, iba ngayon, ngayon ko lang naramdaman ang ganong klase ng damdamin.

Nabalik ako sa reality nang maghain na ito ng almusal at sabay na kaming kumain. Sasabihin ko sana dito na umuwi na si May base sa nabasa kong text message nito kahapon pero kanina ko lang nabasa pero hindi ako makapagsalita, maging siya ay tahimik hanggang sa matapos ang pagkain namin.

Habang nasa daan kami papuntang opisina ay pareho kaming tahimik, nagsimula lang ulit kaming mag-usap nang nasa trabaho na kami, pero halata ang medyo pag-iwas nito sa akin, na naisip kong natural lang dahil malamang ay nahihiya ito tulad ko. Pero masaya ako dahil atleast ay kasama ko siya hindi lang sa opisina kundi maging sa bahay.

Lumipas ang mga araw at naging maayos ang pagsasama namin ni Lester, bumalik ang natural na kulitan namin, ang pagiging joker nito, ang kuwentuhan namin tungkol sa kung anu-ano maliban sa pag-uungkat ng namagitan sa amin.

Napapansin ko ang minsang malagkit na tingin nito na nagpapakilig naman sa akin, sanay na kasi akong magsuot ng maiiksing shorts para presko at ilang beses ko siyang nahuhuling nakatingin sa bandang ibaba ko lalo na kapag magkaharap kami sa sala. Pero himbis na makaramdam ng pambabastos ay nagpapasaya pa ito sa akin.

Ilang beses ko ring muntikan nang mahuli ito na nagsasariling sikap, una ay pangatlong araw mula ng may nangyari sa amin, hindi ako makatulog kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas pero hindi ko naituloy gawin dahil saktong malapit na ako sa banyo nang makarinig ako ng mahina at maiksing ungol, hindi ako maaaring magkamali alam kong si Lester ‘yon dahil ilang beses ko na siyang narining na umungol nang may nangyari sa amin at kaming dalawa lang naman sa bahay, pangalawa ay nang sumunod na araw, gabi ay kinatok ko ito sa silid niya para sabihin ang naisip ko para sa report, pagbukas niya ng pinto ay halatang nagmadali ito at napansin ko ang bukol ng galit na alaga sa loob ng shorts nito na pasimple niyang tinatakpan.

Ilang beses ‘yon na nagpainit ng husto sa katawan ko pero dahil hindi ko nakagawiang magsarili ay dinadaan ko na lang sa ligo, kung alam niya lang sana ang tama sa akin ng mga sandaling ‘yon, kung nagbigay lang siya ng motibo na gusto niyang maulit ang nangyari sa amin ay buong puso ko siyang pagbibigyan, hindi lang dahil sa libog, kung hindi dahil mahal ko siya at gusto kong ibigay sa kanya ang kaligayahan.

Araw ng sabado, nakatanggap ako ng tawag mula kay Joey na papunta siya sa bahay. Gusto ko sanang sabihin na ayoko dahil malamang ay magiging pangit na naman ang tingin sa akin ni Lester pero hindi ko puwedeng gawin.

Nasa silid ako nang dumating ito at sabay sa pagbaba ko sa hagdan para salubingin ito ay ang pagdaan naman ni Lester dala ang alak na pasalubong ni Joey, sa pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, gusto kong sabihin na sorry pero tanging tingin lang ang nagawa ko hanggang sa dumiretso na ito sa kusina.

Hindi ko pinahalata pero nataranta ako nang mapansin na hindi gustong maki join sa amin ni Lester sa amin dahil wala itong dalang baso para sa kanya, buti na lang at napansin ito ni Joey at agad siyang sinabihan na sumali sa amin. Hindi ako nagsalita basta tumingin lang ako dito habang iniisip na sana ay samahan kami sa pag-inom. Hindi sa ayokong maiwang mag-isa kasama si Joey basta ang gusto ko ay lagi ko lang itong nakikita.

Nagalak naman ako nang kumuha rin ito ng sarili niyang baso at sumali sa amin. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang biglang banggitin ni Joey ang nangyari sa amin sa pool ilang taon na ang nakakaraan, ito ang unang beses na may nangyari sa amin, hindi detalyado pero pinamulahan ako ng mukha, walang malisya sa sinabi ni Joey pero halata kong naintindihan ito ni Lester, tanda ito nang pagbabago sa kanyang mukha.

Hindi ko kinaya ang eksena kaya nagpaalam ako sa mga ito na magbabayo muna. Sa loob ay napatingin lang ako sa pader ng banyo, naguluhan ako sa mga naging reactions ng binata, sana ay selos ito, pero kung sakali man na may gusto ito sa akin ay alam kong hindi ito maglalakas ng loob dahil alam niya ang tungkol sa amin ni Joey.

Nagpatuloy kami sa inuman, tinatamaan nako pero sige lang hanggang sa wakas ay nagpaalam na si Joey para magpahinga, sa wakas ay masosolo ko na ulit si Lester.

“Pasensiyahan mo na yun madaldal lang talaga.” Sabi ko dito nang kami na lang ang naiwan sa sala.

“Pasensiya ka na rin kay May ha malandi lang talaga ang bruhang ‘yon hihi!” Dagdag ko pa na lumalakas ang loob dahil sa alak.

“Ok lang Mahal.” Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong Mahal, mahinang mahina iyon pero dama ko ang isinagot niya, nagpalusot ito, binago ang sagot na natatawa pero ok lang, iba parin ang naging dating sa akin.

Ilang minuto kaming tumahimik at nakangiti lang nang magsalita ito.

“Naaalala mo ba nung nandito si May?” Tanong nito, biglang naging seryoso ang mukha ko, naalala ko kasi ang kalandian ng kaibigan ko at ang pagpatol naman ng lalake.

Sinagot ko si Lester na halos hindi ko na maitago ang nararamdamang selos, paano ay hindi ko makakalimutan ang mga nangyari, kitang-kita ko noon kung paano hinawakan ni May ang alaga nito, ang paghawak sa hita nito na alam kong tumatama na sa pagkalalaki ni Lester, napansin ko din ang nakabukol sa harap ng lalake na halatang gusto ang nangyayari, hindi ko na kinaya noon kaya nagpaalam na ako na aakyat sa silid ko, pero pag-akyat ay hindi ako dumiretso sa aking silid, kahit masakit sa maaari kong makita ay sumilip ako sa ibaba at sa pagkakasilip ay bigla ang sakit sa dibdib ba naramdaman ko dahil kitang-kita ko nang isubo ni May ang matigas na pagkalalake ni Lester, ang pinaka masakit ay ang nakita kong reaction nito, napatingala ito at halatang nasarapan sa nangyari.

Puro biro ang mga naging sagot sa akin ni Lester, hindi niya man aminin ay alam kong nag-enjoy siya sa nangyari. Hindi niya alam na lalo akong naiinis at nagseselos.

“Walang nangyari sa amin dahil iba ang gusto ko…kaya nga pinuntahan kita sa kuwarto mo.” Narinig kong sinabi nito. Naalala ko, nang maupo ito sa tabi ko habang umiiyak ako, nang hindi ko na napigilan ang sarili ko at may nangyari sa amin, ligaya ang naramdamam ko noon pero hindi nawala sa isip ko na dahil sa nagbigay ako ng motibo noon sa kanya ay ok lang sa akin na may mangyari, na dahil sa nag-iniy siya sa ginawa ni May ay sa akin niya iyon ibinuhos ang libog na naramdaman niya, na dahil alam niyang game ako ay madali akong papayag, hindi niya alam na kaya ko ginusto ang nagyari ay dahil mahal ko siya.

Mangiyak-ngiyak akong biglang tumayo at umakyat sa silid ko, pero nakita ko si Joey na nasa pintuan ng kanyang silid na mukhang inabangan talaga ang pag-akyat ko. Tumingin ako dito at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko.

Hinawakan ako nito sa kamay saka hinila papasok sa kuwarto niya, matapos i-lock ang pinto ay pinaupo ako nito sa kama saka ako tinabihan.

“It’s ok Ela, sige umiyak ka lang.” Mahinang sabi nito habang hinihimas ang likod ko.

“I think it’s time we stop this.” Napatingin ako dito nang sabihin niya ‘yon.

“I love you Ela, alam mo yan, pero alam ko ang nararamdaman mo.” Pagpapatuloy nito.

“Pe…pero papano ka?” Tanong ko.

“Hay naku alam mo naman diba? Sinabi ko naman sa’yo noon na kapag nakakita ka ng lalakeng mas mamahalin bukod sa akin ay ok lang, sinabi ko naman sa’yo whatever makes you happy e ok lang sa akin.” Napahagulgol ako sa sinabi nito, mahal ko si Lester pero ayokong saktan si Joey.

“I’ll be ok, hindi naman masakit.” Mukang nabasa niya ang isip ko pero ikinagulat ko ang sagot niya.

“Mahal parin kita pero naiba na ng aspeto, may aaminin ako sa’yo at sana ay hindi ka magalit.” Dugtong nito, at napatakip ako sa bibig ko nang may aminin ito sa akin, mahaba ang naging explanation niya at naguluhan ako pero sa huli ay nagawa ko itong matanggap ng buong puso.

Kaya pala napansin kong marami na itong hindi ginawa sa nakasanayan nitong gawin sa akin nang huli itong bumisita, tulad ng paghalik sa akin, ang pagyakap at lalo na ang pagpapakita nito ng motibo na gusto nitong makipagniig. Naalala ko pa ang sinabi nito na makikitulog sa silid ko pero hindi nito ginawa na ipinagpasalamat ko. Open ako kay Joey, lahat ay sinasabi ko pati ang pagkakagusto kay Lester pati ang naramdaman kong sakit nang ma reject ako nito noon, pero ni minsan ay hindi ko sinabing hindi ko na siya mahal at napapatungan na ito ng nararamdaman ko sa isa.

Niyakap ko ng mahigpit si Joey, hindi ko inakala ang mga sinabi niya sa akin, pero nagpasalamat ako sa pagiging totoo nito.

“Now talk to him, at sabihin sa kanya na hindi ako dapat alalahanin.” Nakangiting payo nito sa akin.

Nagpasalamat ulit ako dito saka mabilis na bumaba, bahala na, kahit ipagduldulan ko ang sarili ko sa mahal ko kahit sex lang ang maging papel ko sa buhay niya ay ok lang basta malaman niya lang na malaya na ako at wala siyang dapat ikabahala.

Pagbaba ko ay agad kong hinanap si Lester pero wala siya doon kaya bumalik ako sa itaas baka nasa silid niya pero wala rin siya doon. Mabilis kong tinawagan ang cellphone niya, nag ring ito pero napalingon ako sa kama niya nang marinig ang ringtone, sinundan ko ang tunog at mula sa ilalim ng unan niya ay nakita ko ang kanyang cellphone.

Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik na lang sa aking silid, hihintayin ko na lang ang pag-uwi niya, atleast this time ay mas malaya kong magagawa ang lahat, ang problema na lang ay kung paano at bakit ko sasabihin sa kanya na wala na kami ni Joey, hindi puwedeng sa akin magsimula, kailangang siya ang unang magtanong, sana nga ay si Joey lang ang balakid at hindi ang pagiging mababa kong babae sa tingin niya ang dahilan para hindi niya ako matutunang mahalin.

Alas diyes ng gabi, pinuntahan ako ni Joey sa aking silid para magpaalam na aalis na ito.

“I wish the best for you, hindi na muna ako pupunta dito to give space, basta balitaan mo na lang ako ok? Ako naman ay ieexplore muna ang natuklasan ko sa sarili ko…I Love you friend.” Naluha ako sa sinabi nito, niyakap ko siya ng mahigpit at muling nagpasalamat.

Pagkahatid ko sa kanya palabas ay nag stay muna ako sa sala, doon ko na lang balak antayin si Lester, nangangamba ako na baka kung ano na ang nangyari dito kaya naman hindi ako mapakali.

Isang oras mula nang magpaalam si Joey ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng gate, balikwas akong napaupo sa sofa nang bumukas ang pintuan.

Mula rito ay dahan-dahang pumasok si Lester, namumula ang mukha at mukang lasing na lasing, timigil ito sa pintuan at tumingin sa akin, hindi ko alam kung tatayo ako para salubingin ito o manatili sa puwesto ko. Mabilis na lumapit ito sa akin at dahil sa nahihilo ay pabagsak itong napapatong sa akin na dahilan ng pagkakahiga kong muli sa sofa.

Magkalapit ang mga mukha namin at naamoy ko ang amoy alak niyang hininga pero hindi ko ito pinandirihan, maya-maya ay napapikit ako nang bigyan niya ako ng madiing halik sa mga labi, pero kabaligtaran sa nakaraan ay mas madidin ito na halos mayupi ang mga labi ko. Narinig ko ang mga mahihinang ungol niya habang magkahinang ang mga labi namin na nagpainit sa pakiramdam ko.

Patuloy ang halikan namin nang maramdaman ko ang mabilis na pagpasok ng kamay niya sa loob ng aking shorts, deretso hanggang sa loob ng panty at naramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapo sa aking hiyas, hinagod niya ang biyak na naroon hanggang sa mapaungol ako nang ipasok nito ang isang daliri sa aking pagkababae.

Ninamnam ko ang sarap ng kanyang daliri sa paglabas at pasok sa aking hiyas, mapusok, nagmamadali at walang pag-iingat ang mga naging kilos niya, taliwas sa unang beses naming pagtatalik. Kumalas ito sa halikan namin at mabilis na ibinaba ang aking shorts hanggang sa tuluyan na itong mahubad, pinanood ko lang ito sa kanyang ginagawa, tumingin ito sa aking hiyas at matapos iangat sa sandalan ng sofa ang kanang paa ko ay naghubad na ito ng pang-ibabang suot.

Pumuwesto na ito sa pagitan ng mga hita ko at hinanda ko ang sarili ko sa susunod na magaganap. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang deretsong pagbulusok ng kanyang matigas na pagkalalake sa kaloob-looban ko at ang mabibilis nitong bayo matapos maisagad ang lahat.

Tuloy-tuloy ang pagbayong ginawa niya, madidiin na halos mayupi na ang mga puson namin sa banggaan ng mga ito, napapaungol ako sa sarap na nararamdaman pero may kirot sa puso ko dahil sa medyo marahas na kilos nito.

Tumingin ako sa mukha niya habang walang habas itong bumabayo sa aking hiyas, at sa pagtama ng mga mata namin ay nakita ko ang purong libog, nawala ang lamlam sa mga mata nito.

Patuloy ito sa pag-ungol na sarap na sarap. Malalakas ang pagyugyog ng katawan ko dahil sa mga bayo niya, aaminin kong nasasarapan ako ng mga sandaling iyon at patunay ang mahihina ko ring mga ungol, pero kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata.

“Sige lang Lester, gamitin mo ako, angkinin mo ang katawan ko, sa’yo yan, sa’yong-sa’yo kaya kahit laspagin mo ay ok lang dahil may mas higit pa akong ibinigay sa’yo na hindi mo alam..at ito ay ang puso ko na kahit kailan ay hindi malalaspag ang pagmamahal para sa’yo.” Bulong ko sa sarili sabay pahid ng mga luha na alam kong hindi niya napansin.

“Uunngghhh….aaahhh…!” Medyo malakas niyang ungol nang yumakap siya sa akin, isinubsob ang mukha sa leeg ko at kasabay nito ay ang naramdaman kong pagpintig ng kanyang pagkalalake sa loob ng aking hiyas, at ang mainit na katas na pumuno dito, pati ang luwalhati nang ako man ay marating ang sukdulan.

Saglit kaming nanatili sa ganoong ayos matapos ang aming pagniniig, hanggang sa kumilos na ako para kumalas at napansin kong nakatulog na ito. Maingat akong umalis at ito ang ipinalit sa pagkakahiga sa sofa, matapos kong isuot sa kanya ang kanyang pang-ibabang saplot ay tinignan ko ang kanyang mukha, at napahawak ako sa dibdib ko dahil mula sa nakapikit niyang mga mata….ay ang patuloy na pag-agos ng mga luha.

Itutuloy…


Add a Comment

Your email address will not be published.