Pay It Forward – Ela 8 Submitted by darkangel1311

Nagulat ako sa inasal ni Lester, hindi ko inasahan na bigla na lang siyang aalis at lalong hindi ko inasahan ang ginawa niya sa mainit na tagpo na naganap sa amin. Hindi lahat ng lalake ay kakayaning pigilin ang sarili lalo na sa isang first timer, kaya naman bagama’t bitin ay ikinatuwa ko ang kanyang ginawa.

Sa nangyari ay lalo akong humanga sa pagkatao ng binata, kaya naman naisip kong kailangan ko nang isagawa ang susunod kong mga hakbang, gabi bago ako matulog ng araw na ‘yon ay tinawagan ko si Joey at ikinuwento ang lahat ng nangyari.

Kinabukasan dahil araw ng Sabado at walang pasok sa opisina ay nag stay lang ako sa bahay, ginawa ang daily routine, naglinis, naglaba, at paminsan-minsan ay nag oopen ng emails at messages sa laptop. Pero walang sandali na hindi ko naisip si Lester, alam kong napakabilis at hindi tama pero hindi ko maiwasang maisip na lumalalim na ang pagtingin ko dito. Nakadagdag pa sa isipin ko ang nangyari, bata pa ako at open sa kamunduhan kaya naman nag-iinit ang pakiramdam ko sa tuwing bumabalik sa isip ko ang namagitan sa amin.

Lunes, maaga pa lang ay bumangon na ako para gumayak para sa trabaho, excited ako dahil makikita ko ulit si Lester. Dalawang araw ang lumipas na gustong-gusto kong itext o tawagan ito pero pinigil ko ang sarili ko, hinayaan ko na muna siya dahil alam kong naapektuhan siya sa nangyari sa amin. Kaya naman masaya ako at muli ay makikita at makakausap siya.

Napagpasyahan kong kausapin si Lester sa opisina at sabihing ok lang ang nagyari, na ginusto ko ang lahat at ikinatuwa ko ang kanyang ginawang pagpipigil sa sarili.

Pagdating sa opisina ay dumeretso ako sa CR at sinigurong maganda ang aking itsura, “naglalandi na naman ata ako hihi!” Bulong ko sa sarili habang paikot-ikot sa harap ng malaking salamin na naroon. Matapos masigurong ok na ang aking itsura ay pumuwesto na ako sa aking lamesa at sinimulan ang aking trabaho habang naghihintay sa pagdating ng binata.

Dumating ang alas nuebe ng umaga pero walang sumulpot na Lester, isang oras na itong late kaya naman tinawagan ko na ang aking secretary at sinabing tawagan ito at alamin kung bakit wala pa.

“Ma’am un-attended po ang number niya nakailang try na’ko pero gano’n parin.” Sabi ng secretary ko makalipas ang ilang minuto.

“Ok Margareth thank you.” Sagot ko dito.

Pilit kong inisip na late lang ito kaya wala pa pero hindi naalis ang pag-aalala ko na baka hindi ito pumasok at baka may masamang nangyari dito. Pero tama ang naging kutob ko dahil lumipas ang buong araw na walang Lester na dumating.

Pauwi na ako nang maisip kong puntahan ang binata pero pinigilan ko ang sarili ko, masyado na akong naging garapal at ayokong maisip niya na masama ako at isang mababang klase ng babae kaya naman napagpasyahan kong umuwi na lang ng bahay.

Lumipas ang isang linggo pero hindi parin pumapasok si Lester, araw-araw kong pinapatawag si Margareth pero nanatiling un-attended ang cellphone ng binata, kaya naman napagpasyahan kong tama na ang pagtitiis, kailangan ko na siyang makita at makausap kung bakit hindi siya pumapasok, patuloy ang panalangin ko na sana ay walang masamang nangyari sa kanya.

Pagdating ko sa inuupahang bahay ni Lester ay mahina akong kumatok sa pintuan. Maya-maya ay bumukas ito at humarap sa akin ang isang matandang babae.

“Sino po sila?

“Ahm nandiyan po ba si Lester?” Tanong ko dito.

“Ah si Lester, hindi na siya nakatira dito, ako po ang mag-ari nitong paupahan kailangan ko na kasing lumipat dito dahil sa amin na tumira yung anak ko doon ko sila pinatira sa bahay ko.” Sagot ng matanda.

“Alam nyo po ba kung saan siya lumipat?” Nag-aalala kong tanong.

“Oo doon sa talyer namin, nakiusap kasi siya na babalik sa pagpasok sa talyer namin e sakto may isang kwarto do’n na bakante kaya natiyempo din na kailangan ko na bumalik dito sa bahay…ah girlfriend ka ba niya? Ang ganda mo naman iha bagay ba bagay kayo ni Lester!”
Masayang sagot nito.

Ngiti lang ang naisagot ko sa matanda, akma pa sana akong magtatanong kung saan ang talyer nang nauna na ito sa pagsagot at sinabi sa akin kung saan makikita ang lugar. Nang malaman ay magalang akong nagpasalamat at naglakad na palabas ng iskinita.

Sa labasan base na rin sa instruction sa akin ay lumakad ako pakanan at pagkalampas ko ng tatlong iskinita ay nakita ko na ang isang maliit na talyer na may nakaparadang dalawang kotse na pinapagawa.

Nagpalinga-linga ako sa loob pero hindi ko nakita si Lester nang may lumapit na matandang lalake sa akin.

“Miss ano kailangan mo?, papagawa ka ba ng kotse?” Tanong nito sa akin.

“Nandiyan po ba si Lester?”

“Ah si Lester, oo miss nandun siya sa dulong kotse nagkukumpuni teka at tatawagin ko.” Nakangiting sagot naman nito.

“Les may bisita ka! Parine ka muna!” Sigaw ng matandang lalake, sabay paalam sa akin pumasok na ito sa loob ng talyer.

Makalipas ang ilang saglit ay nakita ko si Lester na tumayo mula sa kotseng nasa dulo at lumingon sa labas, nang makita ako ay natigilan ito at parang hindi alam kung lalapit ba sa akin o hindi pero nagsimula na rin itong lumapit sa akin habang pinupunasan ng basahan ang grasa sa mga kamay.

“Ma’am..ano pong ginagawa niyo dito? Pa’no n’yo nalaman na nandito ako?” Tahimik na tanong nito na hindi tumitingin sa mga mata ko.

“Ah one week ka kasing hindi pumasok, hindi ka rin daw ma-contact ni Margareth…e since magkalapit lang tayo ng lugar e dumaan na ako dito.” Medyo nahihiyang sagot ko.

“Kamusta? Bakit hindi ka nagrereport sa office, hindi ka rin nag advise sa HR department ng status mo, may work ka pero nandito ka sa talyer ngayon, ayaw mo na ba sa trabaho mo sa office?” Sunod-sunod kong tanong, pinilit kong maging pormal ang tono ng boses ko para hindi niya mahalatang medyo emosyonal na ako ng mga sandaling ‘yon, kung alam niya lang ang habag na naramdaman ko para sa kanya, kung alam niya lang ang tuwa ko nang makita ko siya ng mga oras na ‘yon, at kung alam niya lang na gustong-gusto ko siyang yakapin and tell him how much I missed him. Lahat ‘yon kinimkim ko lang.

Tahimik lang ito at hindi sumasagot, nakayuko lang pero paminsan-minsan ay tumitingin sa mukha ko, ako naman ay seryoso lang ang itsura, sa totoo lang ay hindi ko alam if what kind of face expression ang dapat kong gawin that time, and my heart is beating fast dahil sa kaba sa isasagot niya. What if ayaw niya na ako makita? What if bumaba ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa kong kahalayan at pang-aakit sa kanya sa bahay ko? All questions in my mind na sana ay hindi magkatotoo.

“Lester pakisara na lang ang gate ha, uuwi na’ko magsara ka na.” Sabi ng matandang lalake na hindi namin namalayang nakalapit na pala sa amin, tinanguan lang ako nito nang nakangiti at saka umalis.

“Sige po Kuya Osme, ingat ako na bahala dito.” Sagot ni Lester.

“Ma’am sa loob tayo.” Alok sa akin ni Lester after maisara ang gate ng talyer, sumunod naman ako sa kanya, nilampasan namin ang dalawang kotseng nakaparada, hanggang sa makarating kami sa isang silid na kurtina lang ang nagsisilbing pintuan.

Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa papag na naroon at tumabi ito sa akin pero wala paring imik.

“Sorry Ma’am sobrang nahihiya kasi ako sa..sa nangyari.” Sa wakas ay nagsalita na ito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, all the plans of telling him that it was ok and that ginusto ko ang lahat ay hindi ko nagawa, pero may bigla akong naisip na sabihin at matapos ang paghugot ng lakas ng loob ay sinabi ko ito.

“Stay in my house…’wag ka na dito…you can still go back to the office or stay working here but I want you to stay in my house…can you do that?” Mahina kong sabi, malakas ang loob ko at likas na sa akin ang pagiging prangka at alam lagi ang ginagawa pero that time I felt stupid. Alam kong obvious na ang pagpapaka baba ko sa kanya, babae mag-aalok na patirahin ang isang lalake sa bahay niya? That’s insane and I don’t know where it came from pero alam ko na iyon ang gusto kong mangyari, lumalabas na bukod sa pagtulong ay ako na ang nanliligaw sa kanya pero wala na ako pakialam, basta ang alam ko lang ay may bagay o ano man na naguudyok sa akin na i-offer ‘yon.

Sukat sa narinig ay bigla itong napalingon sa akin, medyo kunot ang noo at halatang malalim ang iniisip na ikinatakot ko.

“Ma’am ‘wag ka sana magagalit sa sasabihin ko…hindi ko po alam kung may sira na po ba kayo sa pag-iisip o sadyang mabait ka lang, una kinuha niyo ako bilang personal assistant samantalang may secretary naman po kayo, second is binilhan niyo ako ng mga damit, ihinatid sa tinitirhan ko, inimbitahan sa bahay niyo, something even happened to us and now gusto nyo ako patirahin sa bahay nyo?” Seryosong sagot nito na ikinatulala ko.

Na blangko ang isip ko ng mga sandaling iyon, magaang ang loob ko sa kanya, and I wanted to help him by anymeans pero hindi ko alam kung tama ba ang naging way ng pagtulong ko, ng pagpapakita ko ng giliw sa kanya, o tama bang sa iksi ng panahon ay ginawa ko agad ang mga bagay na ‘yon. Wala akong naisagot, namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko.

“Shit…sorry…please don’t cry hindi ko sinasadyang may masabing mali.” Natatarantang sabi nito sa akin nang makitang umiiyak ako.

“It’s ok..I’m ok…I’ll be alright…sorry.” mahina kong sabi sabay tayo at labas ng maliit na silid habang pinupunasan ang mga luha ko.

Malapit na ako sa gate nang habulin ako ni Lester at humarang sa harapan ko na ikinatigil ko.

” I said I’m ok Mr. Prado….let me go.”

“No you’re not ok and It’s all my fault…sorry.” maemosyong sabi nito.

“No wala kang ginawang mali…I..I have to go.” Nilagpasan ko siya sabay bukas ng gate at lakad takbong pinuntahan ang aking sasakyan. Nakita ko pang humabol si Lester pero huli na dahil nakasakay na ako sa kotse at paharurot na pinaandar ito.

Nang makarating sa bahay ay inubos ko ang magdamag sa kakaiyak, ang gusto ko ay makatulong, makapagbigay ng pag-asa sa buhay ng iba, ang maghanap ng espesyal na tao na pwedeng umangat ang estado sa buhay, pero sa likod nito ay iba na pala ang hinangad ko…ang makahanap ng mamahalin at magmamahal sa akin, at dahil dito ay nasaktan ako, sakit na hindi ko naman dapat maramdaman dahil wala pang kahit anong espesyal sa amin ni Lester, ako lang, sa tingin ko ay ako lang ang nanakit sa sarili kong damdamin.

Kinabukasan ay mugto ang mga mata ko nang magising, pinasya kong hindi na muna ako papasok ng isang buwan para makapagisip-isip, sinabihan ko si Margareth na huwag akong istorbohin kahit ano pa ang mangyari, tinawagan ko din si Joey at ikinuwento ang lahat ng nagyari, lahat pati ang sakit na nararamdaman ko.

Makalipas ang isang buwan ay hindi pa dapat ako papasok kaya lang ay nag-alala ako dahil baka masyado ko nang napabayaan ang aking trabaho at baka tambak na ang mga kailangan kong gawin, kaya naman I decided na pumasok na and I think I am ok na to face a new day. Without Lester.

Nang makarating ako sa opisina ay masaya akong binati ni Margareth. Sumunod ito sa akin at inireport ang mga nangyari mula ng hindi ako pumasok. Maraming naging problema, mga bagay na kailangang ayusin pero in the end ay sinabi nito na maayos na ang lahat at wala na akong dapat ikabahala na ipinagtaka ko.

“I don’t get it Margareth, who attended the meetings in my behalf? Sino ang humarap sa problema sa site sa Pangasinan? Si Joey ba?” Tanong ko dito na naguguluhan, malalaking tao ang kailangang harapin sa mga meetings na hindi ko napuntahan, lahat ito ay nga boss na tulad ko mula sa mga negosyo ng Valero’s. Naisip ko na baka si Joey pero I doubt dahil hindi naman sa minamaliit ko ito e alam kong wala siyang kapasidad para sa ganong klase ng meetings and gatherings.

“Ah hindi po si Sir Joey Ma’am…siya po.” Sagot ni Margareth sabay turo sa taong pumasok sa loob ng opisina. Dirediretso itong lumapit sa amin, may iniabot na papel kay Margareth.

“Please have a copy of these documents and send it to Mr. Castro, and also send the powerpoints I have sent to you to all the department heads of all our branches.” Tuloy-tuloy na utos nito sa aking secretary sabay harap sa akin.

“Welcome back Ma’am, it’s nice to have you back.” Nakangiting sabi nito sa akin.

Ako naman ay natulala sa taong bumati sa akin. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Nagpalipat-lipat ang tingin ko dito at sa aking secretary hanggang sa magsalita ito.

“Ok po I will give you feedback once all is done..Sir Lester.”

May karugtong….


Add a Comment

Your email address will not be published.