Pay It Forward – Ela 9 by: darkangel1311

“Welcome back Ma’am, it’s nice to have you back.” Nakangiting sabi nito sa akin.

Ako naman ay natulala sa taong bumati sa akin. Hindi ko akalaing makikita ko siya after one month. Nagpalipat-lipat ang tingin ko dito at sa aking secretary hanggang sa magsalita ito.

“Ok po I will give you feedback once all is done..Sir Lester.”

Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko si Lester na napaka pormal ng itsura, naka long sleeved polo ito with neck tie, malayo sa itsura nito nang huli ko siyang makita at makausap sa talyer one month ago. Automatic na kumabog ang dibdib ko, shit bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko with the mixed emotions that I have felt, happy to see him, actually longing to see him, naguguluhan kung bakit naroon siya, at ang kiliting bumalot sa aking katawan nang masilayan siya.

“What are you doing here?” Pormal kong tanong ba pilit itinatago ang tunay na nararamdaman.

“I work here Ma’am as your personnal assistant, have you forgotten about that?” Nakangiting sagot nito na ikinataas ng kilay ko, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin, not that he answered wrong, tama naman siya but I was expecting a different answer.

“Hindi yan ang sagot na gusto kong marinig Mr. Prado, and you know what I mean.” Matigas at ma otoridad kong sagot. Nakakainis, napaka ipokrita ng ipinakita kong karakter, kabaligtaran sa nararamdaman ng puso ko. Gusto kong lumundag at yakapin siya ng mahigpit pero hindi ko magawa, hindi dapat at hindi tama.

Naupo ito sa upuang nasa harap ng aking lamesa, tumingin sa mga mata ko na ikinataranta ko pero hindi ako nagpahalata, basta nakipagtitigan lang ako dito.

“Well you deserve an explanation, I was assigned to take your place while you were on leave Ma’am, I was also given the authority to access all your files and emails to know everything and address matters and attend meetings in your behalf.” Sagot nito, alam kong matalino ito pero iba, napansin kong mas magaling siya sa pagsasalita sa ngayon at mas confident sa mga salitang binibitawan.

“I..I dont get it, paano…sino ang nag assign sa’yo…at bakit hindi ko alam, bakit hindi hiningi ang approval ko, may iba pang mga managers dito under me na pwede kong i assign.” Naguguluhan at medyo tumataas na ang boses ko, oo natuwa ako na makita ulit ito pero nakaramdam ako ng pag bypass sa authority ko as the executive senior manager.

“Ako.” Boses na nanggaling sa pintuan na ikinatayo ng lahat ng balahibo sa aking buong katawan, mabilis akong tumayo para magbigay galang sa taong pumasok sa aking opisina.

“Sir…Sir Gab..good morning po.” Magalang kong bati dito.

“How are you Ela?” Nakangiting bati nito sa akin, pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko, narito sa opisina ko si Eddie o si Gabriel Peter Valero, ang mismong may-ari at may pinakamalaking share sa Valero’s group of companies. Sa likod nito ay naroon si Joey na nakangiti sa akin.

Naguluhan ako, bakit narito si Eddie at Joey? At bakit lahat sila ay nakangiti at ako lang ang nagulat sa nangyari? Natigil ang pag-iisip ko nang tumayo din si Lester at bumati dito.

“Ow you must be Lester, You did a great job in handling matters here and at the meetings, very good.” Masayang sabi ng boss ng Valero’s dito.

“Thank you very much Sir, I just presented Ma’am Ela’s report and it was brilliant so the credit should go to her not mine Sir.” Magalang na sagot ng binata.

“Well magaling naman talaga itong si Ela and I am very proud of her, you two has a great partnership so keep it up.” Si Eddie, natuwa ako sa pag commend niya sa akin pero hindi ko masyado na absorbed dahil hindi pa nawawala sa isip ko ang pagkalito, ang daming nangyari and sa loob lang ito ng isang buwan.

“Ela meet me at my office in 30 minutes, bring Lester along.” Si Eddie sabay labas ng pinto at kasunod nito si Joey na tumingin muna sa akin na hindi naalis ang ngiti sa mga labi.

Pagkasara ng pintuan ng opisina ay tumayo na si Lester at naupo na sa kanyang pwesto samantalang ako naman ay parang naubusan ng lakas na dahan-dahang napaupo sa aking upuan. Paano at bakit? Tanging paulit-ulit na tanong sa aking isipan.

“Ma’am maybe we should prepare for the meet up with Sir Gabriel.” Si Lester na nagpatigil sa pag-iisip ko.

“O…ok I’ll just freshen-up…and Mr. Prado, you have a lot of explaining to do.” Sabi ko sabay tayo at pasok sa loob ng banyo.

Magkasabay kaming umakyat ni Lester sa hagdanan papunta sa itaas na palapag kung nasaan ang office ni Eddie, ang buong palapag na iyon ay opisina niya lang na may tatlong silid isang kusina, conference room at private room na parang bahay na dahil kumpleto ang mga gamit at sa pinakamataas na floor ay ang helipod.

Habang paakyat sa hagdan ilang baitang na lang ay natalisod ako, mabuti na lang at maagap si Lester sa aking likuran kung hindi ay tuluyan na akong nasubsob. Nahawakan niya ako sa magkabilang balakang at mabilis na hinatak ako para hindi ako matumbang paharap, at dahil sa ginawa niya ay napasandal ako sa kanyang katawan at halos magdikit ang aming mga mukha.

“Ma’am ok lang? Ingat po.” Nag-aalalang sabi nito sa akin, samyo ko ang kanyang mabangong hininga na lalong nagpalambot sa aking mga tuhod.

“Ok lang ako..thank you.” Maiksing sagot ko at humiwalay na sa katawan nito.

Nang makarating kami sa opisina ni Eddie ay naabutan kong nakaupo ito sa malaking sofa na naroon, nakapalibot ang mga sofa sa isang malaking center table. Walang pagbabago sa itsura nito, ito parin ang Eddie na nakilala ko, matikas ang katawan, maputi na parang amerikano at hindi nagbago ang taglay nitong kaguwapuhan.

“Come have a seat Ela, Lester.” Aya nito sa amin.

Naupo ako sa tapat ng pwesto ni Eddie at si Lester naman ay naupo sa tabi ko pero nasa dalawang metro ang layo, maya-maya ay dumating mula sa isang silid si Joey dala ang tray ng mga alak, pagkalapag sa center table ay naupo din ito sa single sofa sa aking kaliwang side.

“I am here dahil alam nyo naman malapit na ang birthday ni Pete, and I want you all to be there, hindi na kayo iba sa akin, at gusto ko din na makitang magkakasama ulit tayo.” Panimula nito.

“Well Ela, I’m sure naguguluhan ka sa nangyayari, about Lester to be exact…tama ba?” Wala akong maisagot, tanging tango lang ang nagawa ko.

“Actually it is Lester who will explain all to you, besides siya naman ang partner mo, I just want to remind you that alam ko ang ginagawa ko and I just want the best for us all.” Dagdag pa niya, tumango kami ni Joey maliban kay Lester, marahil ay dahil hindi naman nito alam ang mga pinagsamahan namin ni Eddie.

“Get Lester away from that place, Ela pwede ba na sa’yo muna siya makitira habang naghahanap pa siya ng bahay na malilipatan?” Tanong nito sa akin na ikinagulat ko, iyon talaga ang gusto kong mangyari one month ago, pero hindi naging maganda ang naging resulta.

“Opo Sir ok lang po sa akin.” Sagot ko naman.

“Ok good, now get your bottles habang malamig pa, lets skip work today and just have some fun.” Si Eddie na nauna nang tumungga ng beer.

Nagsisunuran naman kaming lahat maliban kang kay Joey. Tahimik lang ito nakatingin sa aming lahat.

“Lester here have a drink, I like your personality and I’m sure hindi ako nag-iisa.” Nakangiting sabi nito sabay simpleng tingin sa akin. Ako naman ay pinamulahan ng mukha at tumungga ng beer.

“Thank you very much Sir, it’s an honor to meet you in person.” Sagot ni Lester sabay abot ng beer.

“Well after this you can stay or go, basta Ela ikaw na ang bahala kay Lester, papasok muna ko sa room ko para makapag pahinga.” Paalam ni Eddie matapos masaid ang laman ng sanmig light, tumayo na ito at pumasok sa isang silid.

“Joey anong nangyari?” Tanong ko kay Joey na sa simula pa lang ay panay na ang tingin sa akin.

“Narinig mo naman si Boss Eddie, alam nya ang ginagawa niya hehe!” Pang-aasar na sagot nito.

“Ha?!..halika nga.” Tumayo ako at hinatak ito sa kamay palayo kay Lester, at nang makasigurong malayo na sa binata ay muli ko itong kinausap.

“May alam ka ba sa nangyayari? Sa’yo ko lang sinasabi ang lahat between Lester and me kaya malamang ay may alam ka.” Tanong ko dito.

“Come on baby…basta magtiwala ka lang, mahal kita alam mo yan, mahal ka namin ni Kuya Eddie kaya we want the best for you.” Sagot nito sabay hawak nito sa magkabilang bewang ko. Huli na ng mapansin kong abot tanaw kami ni Lester at nakita nito ang ginawa ni Joey.

May mga itatanong pa sana ako pero umalis na ito at lumabas ng opisina. Ako naman ay nanatiling nakatayo at napatingin kay Lester, I don’t know if tama ako pero I saw jelousy in his eyes, hindi ito nakatagal sa pagtitig sa mga mata ko at yumuko sabay tungga ng beer.

“Let’s go Mr. Prado.” Aya ko dito sabay lapit sa pintuan ng opisina para lumabas. Sumunod naman ito sa akin at sabay kaming dumeretso sa aking opisina. Sa labas ay hinarang ni Margareth si Lester para sabihin dito na ok na ang lahat ng ipinag-utos nito. Narinig kong nagpasalamat ang lalake at pumasok na kasunod ko.

“Paano yan Mr. Prado, I am going to ask you again, but this time e dahil sa utos sa akin ni Sir Gab…ok lang ba sa’yo na sa bahay ko ikaw mag stay? Alam kong ayaw mo kaya I’m asking you again para masabi ko na kay Sir.”

“It’s ok with me Ma’am, the question is ok pa po ba sa inyo?” Sagot nito.

“I don’t need to answer that, lets go pick-up your things, and pag-uwi sa bahay ay marami kang sasabihin sa akin.” Seryosong sagot ko dito sabay tayo, kuha ng aking shoulder bag.

Sa kotse ay pareho kaming tahimik ni Lester, walang imikan, parehong nakikiramdam hanggang sa itinigil nito ang kotse sa harap ng talyer.

“Ma’am wait lang po kukunin ko lang ang mga damit ko.” Paalam nito sabay labas ng kotse at dumiretso sa loob ng talyer.

Pinagmasdan ko ito habang papalayo at muli ay humanga ako sa kisig nito, pinakiramdaman ko ang sarili ko at napatunayan ko na hindi nawala ang pagtingin ko dito kahit alam kong hindi ako nito gusto. Masakit isipin pero gano’n talaga ang buhay, napaluha ako sa isiping iyon pero dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko nang makita ko siyang papalapit na sa kotse dala ang isang maleta.

Pagkalagay ng maleta sa compartment ng sasakyan ay sumakay na ito at nagsimulang mag drive papunta sa aking bahay.

“Gamitin mo muna ang room ni May, mag share na lang kami sa kuwarto ko kapag napasyal siya dito.” Sabi ko dito pagdating namin sa bahay, sinamahan ko siya sa kwarto ni May na pansamantalang gagamitin nito.

“Master’s bedroom lang ang may sariling CR kaya you will use the one downstairs.” Sabi ko dito sabay labas at pasok sa sarili kong silid.

Pabagsak akong nahiga sa aking kama, napatitig lang ako sa kisame at nag-isip. Ang bilis ng mga pangyayari, paano nabalik si Lester sa office, paanong siya ang na appoint ni Eddie? Paano siya nakilala nito? Ang daming tanong sa isip ko that needs immediate answer. Pero ang lahat ng questions ay napapalitan ng saya at hinayang.

Saya dahil narito na sa bahay ko si Lester, makikita ko na siya palagi at makakasama pero may hinayang at lungkot dahil nangyari ito hindi dahil sa kagustuhan niya kundi dahil sa utos ni Eddie. Nakakalungkot isipin na hindi ako nito gusto, siya ang tamang tao alam ko ‘yon dahil nakapasa siya sa pagsubok na ginawa ko, lalong alam kong siya ang tamang tao para tulungan at pagyabungin ang buhay dahil sa angkin nitong talino at pagpupursigi para maiahon ang pamilya sa hirap, pero hindi pala siya ang tamang tao para sa akin.

“Ma’am ok lang ba if magluto ako ng hapunan natin?” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Lester mula sa pintuan ng silid ko, hindi ko pala naisara ito at naroon siyang nakatingin sa pagitan ng aking mga hita. Sa pagkakahiga ko sa kama ay medyo nakabuka ang aking mga hita kaya naman kita mula sa maiksi kong palda ang aking panty.

Nakita kong nabigla si Lester sa nakita niya at agad na inilayo ang tingin. Ako naman ay agad na itiniklop ang mga hita sabay upo.

“Ah oo sige ok lang if you want, feel at home, you can use anything in this house dahil dito ka naman na titira.” Sagot ko. Nagtaka ako sa sarili ko dahil napahiya ako sa hindi sinasadyang pagkakasilip niya sa pagitan ng mga hita ko samantalang noong una ay malakas ang loob ko na ipakita ang lahat sa kanya, ipinakain at inihain ko pa sa kanya ang aking hiyas noon.

“Sige po Ma’am salamat po.” Wika nito sabay alis pero bago ito ay isinara niya ang pintuan ng aking silid.

“God anong nangyayari sa akin?” Tanong ko sa sarili ko matapos i-lock ang pinto at nagsimulang maghubad para maligo.

Matapos maligo at nagbihis ng pambahay na shorts at spaghetti strap na blouse ay bumaba na ako, nalanghap ko ang bango ng niluluto nito kaya naman nagtuloy ako sa kusina para puntahan ito.

“Ma’am malapit na ‘tong matapos maya-maya lang pwede na po kayo kumain kapag gutom na kayo.” Magalang na sabi nito, tumango lang ako at pumunta na ng sala para manood ng tv.
Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa aking tabi sa kabilang dulo ng mahabang sofa, paglingon ko ay nakita ko itong nakatingin sa akin.

“After two days mula nung huling kita natin sa talyer ay may naging bisita ako.” Panimulang salaysay nito. Ako naman ay tahimik lang na nakinig hanggang sa matapos ito, nalaman ko ang lahat at sa pagkuwento niya ay nanumbalik sa akin ang sakit, likas talaga kay Eddie ang kabutihan at masaya ako sa ginawa niya, nila ni Joey pero may kulang, kaya niyang magpabago ng buhay ng iba, tulad ng ginawa niya sa amin ni Joey at sa marami pang iba, pero hindi niya kayang baguhin ang damdamin ng isang tao. Natapos si Lester na tumutulo ang mga luha ko.

“Ma’am don’t cry, I will quit sa trabaho if that’s what you want…I’m sorry sa mga nasabi ko sa talyer…mali…maling-mali ako, hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na ‘yon.” Si Lester.

Pero himbis na sumagot ay tumayo ako at pumunta sa aking silid. Masaya ako dahil naging instrumento ako sa pagbabago sa buhay ni Lester, alam kong unti-unti ay maiaahon nito ang sarili at pamilya sa hirap, pero nabigo akong hanapin ang taong para sa akin, kung alam lang ni Lester na siya ang dahilan kaya ako umiyak, alam kong hindi niya ako gusto dahil sa pagtanggi niya sa naging alok ko sa kanya.

Nakatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa magising ako sa mga katok sa pinto.

“Ma’am kain muna po, malilipasan ka ng gutom.” Narinig kong sabi nito, tumingin ako sa wall clock at nakita kong 10pm na pala ng gabi.

Pagbaba ko ay nakahain na sa lamesa ang pagkain pero wala doon si Lester at wala din akong ganang kumain kaya umakyat ako para puntahan ito. Napagpasyahan kong kausapin ito at sabihing hindi niya kailangang mag quit sa trabaho.

Kumatok ako sa pinto ng kanyang silid, pero ilang katok na ang nagawa ko ay wala paring nagbubukas ng pinto kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob, hindi ito naka lock kaya dahan-dahan ko itong binuksan, sa pagsilip ko sa pinto ng kwarto ay walang tao doon, kinabahan ako na baka umalis na ito at tuluyan naring aalis sa trabaho.

“Ma’am bakit po?” Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko, si Lester na basa ang buhok at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan at bagong ligo, hindi ko naiwasang mapatingin sa maganda nitong katawan at sa pagyuko ko ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakaumbok na bagay sa loob ng tuwalyang puti.

“Ahm gusto ko lang sabihin na hindi mo kailangang umalis sa trabaho and that you can stay here in my house as long as you want.” Yun lang at mabilis na akong bumalik sa kwarto ko.

Naupo ako sa kama ko, nanariwa sa akin ang namagitan sa amin ni Lester noon dahil sa nakita kong hubad nitong katawan. Naisip ko na akitin itong muli dahil sa init na naramdaman ko pero mas nanaig ang aking damdamin, iba pala kapag may iba nang nararamdaman, nawawala ang garapal na kapusukan, nawala ang salitang play time, nawala ang basta na lang sibol ng kalibugan, iba pala kapag ang nararamdaman ay pagmamahal.

May karugtong…..

Scroll to Top