Pomagat Part 1-5

ni pulandit

“Luzviminda Cebu!!” malakas na tinig ng kanyang terror na boss.

“Wala ka na ba talagang magandang kwento na maisusulat ha!? Paulit-ulit na lang tong kwento mo eh, walang sense, walang twist at higit sa lahat walang kwenta ang mga nobela mo!!” sermon ng boss ni Luz sa kanya.

Sabay tayo nito sa office chair habang hinataw ang pinasa niyang folder sa lamesa sabay iling na para bang nanghihinayang. Laman ng folder ang isinulat niyang nobela. Muling naupo ang kanyang boss at sumandal sabay patong ng kanang siko sa arm rest ng upuan habang hinawakan ang kanang parte ng mukha habang umiiling iling pa rin. Nakatulala pa rin si Luz at ninanamnam ang bulyaw at sermon ng kanyang boss, mga ilang segundo rin bago siya nakatugon.

“Hayaan niyo po sir bigyan niyo lang ako ng isang buwan at makakagawa na ako ng magandang nobela para sa kumpanya.” sagot ni Luz ng mahinahon sa boss niya kahit nagaalimpuyo siya sa asar, inis at galit ang kanyang puso na gustong sampalin, kutusan at sabunutan itong boss niya kahit ito’y napapanot na sa kunsumisyon sa kanya.

“Kung hindi mo na kaya gumawa ng magandang istorya, sabihin mo lang at papalitan na kita, sayang ang ibinabayad sayo ng publishing kung puro walang kwenta ang mga nobela mo, malulugi ang kumpanya ko niyan.” tugon pa ng malupit niyang boss na para bang sinasapian ng demonyo sa talas ng

dila nito na halos madurog na siya sa kahihiyan. Kahit pa sa kabila ng walang nakakarinig sa sermon nito dahil nasa isang kulong na silid sila ay ramdam na ramdam niya sa sarili ang pagkapahiya.

“ASUUSS! bwiset!” malakas na sabi ni Luz.

Ngunit sa kanyang isipan lamang, kung pwede nga lang niya sabihin ito sa kanyang boss siguro ay matagal na niyang ginawa, subalit may pag galang pa din siya dito.

“Pangako ho sir gagawa ho ako ng magugustuhan ninyo at ng mga readers natin sa loob ho ng isang buwan, bigyan niyo pa ho ko ng isa pang chance Mr. Mercado.” pagmamakaawa ni Luz habang siya’y nakayuko kahit pa hindi niya gusto magmakaawa sa panot na mamang ito na tinatawag niyang boss.

Naramdaman niya ang pagkalma ng galit ni Mr. Mercado sa huling salitang binitawan niya.

“Oh siya sige Luz, Bigyan mo ko ng magandang nobela, but within that time at hindi ko nagustuhan ang istorya mo eh, katapusan mo na sa publising na ito, nagkakaintindihan ba tayo?” medyo mahinahon at naging kalmado na sabi ni Mr. Mercado.

“Oho! Sir! Salamat ho” tugon ni Luz na may konting kagalakan na ng malaman na may chance pa siya na muling makasulat ng nobela.

“Siya sige na, at mag-isip ka na ng magandang istorya ng kumita naman tayo.” bigay pahintulot ni Mr. Mercado na pwede na siyang lumabas ng silid habang ikinakampay ang kanang kamay na akala mo bumubugaw ng langaw.

Tumayo si Luz at lumakad palapit sa pintuan, hinawakan ng kanang kamay ang doorknob at ng akmang pipihitin na niya ito ng may narinig siyang tinig.

“Luz!” tinig pala ulit ni Mr. Mercado.

Habang hawak niya ng kanang kamay ang doorknob pumihit ang ulo niya pakaliwa kasabay ng konti ang katawan para harapin uli ang kanyang boss.

Naghumindig ang balahibo niya at parang lumaki ang kanyang ulo na para bang siya’y mabubuwal sa kanyang nakita. Napabitaw siya sa doorknob at napaharap ng tuluyan sabay napasandal sa pintuan. Nanlalamig ang buo niyang katawan at ang mga butil butil na pawis sa kanyang noo ay nag umpisa ng mamuo. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya naka kita ng ganitong nilalang.

Isang lalaking duguan. Nakatayo ito sa likuran ng kanyang boss at agnas na ang kaliwang bahagi ng mukha na halos lumuwa na ang kanang mata sa sugat na natamo, may tarak ang dibdib na matulis na bagay ngunit hindi niya masabi kung anong bagay iyon dahil natatabunan na ito ng dugo. Ang mga sariwang dugo ay pumapatak pa sa dulo at naririnig pa niya ang tunog ng patak nito sa semento na parang tunog ng ulan mula sa butas na bubong. Marahil ay nasa tatlong pulgada ang haba ng pagkabaon mula sa dibdib subalit hindi niya lang masabi kung gaano kahaba ang buong bagay na pinansaksak dito ngunit sigurado siya na itinarak ito mula sa likuran.

Medyo matangkad at moreno ang lalaking puno ng dugo at sugatan. Bakas ang matipuno nitong pangangatawan kahit parang may edad na ito. Ang damit nito na nagkulay pula na sa dami ng dugo ay parang pamilyar sa kanya. Parang nakita na niya ito dati ngunit hindi niya matiyak kung saan. Nakatitig ito sa kanya ng matalim. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit habang nakangiti ito na tago ang ngipin at tila may binabalak na masama sa kanya. Pawang punong puno ng galit ang anyo nito na akala mo siya ang gumawa ng karumal dumal na itsura nito.

‘Sino ang lalaking ito?’ sabi niya sa kanyang sariling nagtataka. ‘Bakit parang galit na galit ito sa kanya?’ Mga tanong na umalingawngaw sa kanyang balintataw.

“Luzviminda!!” tinig ng kanyang boss na may kalakasan at tinutuktok ng ballpen ang lamesa. Dahil sa tinig na iyon ay nagbalik ang kanyang ulirat. Sa bigla niyang pag kurap ay biglang nawala ang lalaking duguan sa likod ng kanyang boss.

“Ba-bakit po si-sir?” tanong niya na nauutal.

“Anong nangyari sayo at nauutal ka?” hindi tumugon si Luz at nakatitig lang sa kanyang boss. Lumilipad pa rin ang isip niya tungkol sa nakita.

“One month Luz one month.” patuloy na paalalala nito sa kanya. Napatango na lamang siya na halatang nawawala sa sarili.

Tuluyan niyang binuksan ang pinto at lumakad palabas ng opisina. Bago niya ulit isara ang pintuan ay sumulyap muna siya sa lugar kung saan niya nakita ang lalaking duguan. Baka sakaling nandoon ulit at hindi siya namalik mata. Hindi nga siya nabigo. Nakatayo na naman ito sa dating puwesto. Walang pinagkaiba nung una niya itong makita. Nabaling ang tingin niya kay Mr. Mercado at napansin nito na nakatingin siya sa kanyang likuran sabay sabing

“Anong tinitingnan mo?” akmang iikot ang office chair nito upang talikuran si Luz at usisain na rin ang napansin nitong tinitingnan niya.

“Mapapaharap siya sa lalaking duguan” nasa isip ni Luz. Akmang iikot na ni Mr. Mercado ang upuan ng sumigaw siya.

“HUWAG! Sir! HUWAG!” para mapigilan niyang makita ni Mr. Mercado ang lalaki kung sakaling umikot ito. Napahinto si Mr. Mercado sa pag ikot halos nasa kalahati na ito at galit na sinabing “What Luz!?” sabay itinuloy ang pag ikot at tuluyang humarap sa lalaking duguan.

Akala niya ay maghuhumiyaw ito sa takot oras na makita ang lalaki ngunit walang reaksiyon ito indikasyon na hindi niya ito nakikita. Halos walang isang talampakan ang layo nila sa isa’tisa.

Muling inikot ni Mr. Mercado ang upuan paharap kay Luz dahil sa ginawa nitong pagsigaw na ngayon lang niya naalala.

“Bakit ka nga pala sumigaw?” urirat nito.

“Ka-kasi po si-sir” tugon ni Luz at sabay tingin sa kinaroroonan ng lalaki ngunit muli itong naglaho ng hindi niya napapansin.

“Wala po, tuloy na po ako.” Wala din saysay kung sabihin niya dahil hindi naman ito nakikita ng kanyang boss at malamang ay hindi naman ito naniniwala sa paranormal. Baka isipin pa nito na nawawala na siya sa katinuan dahil sa stressed.

Dito na niya tuluyan isinara ang pinto ng opisina at lumakad sa pasilyo ng second floor.

Ano ang meron sa kanya at bakit sa kanya nagpapakita ang lalaking duguan? Bakit hindi ito nakikita ng kanyang boss kahit na harap-harapan na ito sa kanya? Sino ang lalaking iyon!? Nangingilabot niyang tanong sa sarili na nagtataka habang binabagtas ang pasilyo pababa.

Siya si Luz o Luzviminda Cebu na buong pangalan, dalawampu’t walong taong gulang at nananatiling dalaga. Ayaw niya sa buo niyang pangalan dahil sa Cebu na nga ang kanyang apelyido pagkatapos ay Luzviminda pa ang kanyang unang pangalan na acronym ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Tampulan ng tukso ang kanyang pangalan nung siya ay bata at maging hanggang sa ngayon. Masasabi niya na naging dahilan ang kanyang pangalan para ma bully siya.

Isa siyang manunulat sa isang maliit na publishing company sa Parañaque. Naglalathala ito ng mga entertainment magazine, pocketbook, graphic novel at maging tabloid. Dahil sa tampulan ng tukso ang pangalan niya ay gumamit nalang siya ng pen name na TagaCebu kahit hindi siya bisaya at laki sa silangang katagalugan.

Marami na rin siyang kathang kwento at mabenta ang mga iyon kaya ganun na lamang ang galit ni Mr. Mercado ng hindi siya makasulat ng magandang istorya. Marahil ay nagkukulang na siya sa mga imahinasyon at inspirasyon kaya walang pumapasok na magandang istorya sa kanyang isipan. Patuloy pa rin siya sa pag iisip habang patuloy rin siya sa paglakad sa kahabaan pasilyo ng second floor. Pagpanaog niya sa hagdanan papuntang first floor ay nakasalubong niya si Eid sa kahabaan ng hallway ng ground floor.

Si Eid, binata, trenta anyos at ang head ng utility ng building na kanyang pinagtatrabahuhan. Masugid niya itong manliligaw at masasabi niya na may unawaan sila ngunit hindi pa niya ito pormal na sinasagot. Masasabi niya na isa ito sa taong mahalaga sa kanya dahil malapit na malapit sa puso niya ang binata. Mabait, masipag at mapagmahal sa magulang ang binata lalo na sa ina nito na natitira nitong kamaganak. Ayon sa binata ay iniwanan silang mag-ina ng kanyang ama ng siya ay sampung taong gulang pa lamang. Saksi ang dalagang si Luz sa pagiging mapagmahal nito sa ina lalo na at dadalawa na lamang silang magkatuwang sa buhay, dahil solong anak lamang ang binata. Agad siyang binati ng binata ng makita siya nito.

“Kamusta babes!?” bati ni Eid sa kanya.

“Tse!! Babes ka dyan!?” tugon ni Luz sabay ngiti.

“Nasermunan ka na naman ni boss ano?”usisa nito

“Natural oo, hindi niya nagustuhan iyong sinulat kong nobela eh” sagot niya.

“Sabi ko sayo eh, sagutin mo na ko para sa bahay ka na lang at ako na ang bahala sayo.” kumbinsi ng binata sa kanya.

“Eid, pinagusapan na natin to di ba? Alam mo naman na hindi pa tapos ang responsibilidad ko kay Lanie eh.” sagot ni Luz na may pagkabugnot.

“Kailan mo pa ako pag aantayin Luz, tumatanda na tayo baka naman alikabok na lang ako bago mo pa maisipan sagutin ako.?” sabi ni Eid na para bang may pagmamakaawa sa kanya na may halong pangungunsensiya.

“Ano ka ba naman Eid? Ano gusto mo sabihin sakin na mamamatay ka na? Wag ka nga magsasalita ng ganyan.”pikang sagot niya sa binata.

“Malay mo mamatay na ko mamaya o bukas o sa isang araw o sa isang linggo o ngayon na mismo di hindi na tayo naka buo ng pamilya.” sabi ni Eid sa kanya na may halong pangangatal ng boses dahil sa bugso ng damdamin.

“Ano ka ba!?” sabay hataw ni Luz sa braso nito na may pagaalala dahil sa mga tinuran ng binata.

“Sige, pagiisipan ko.” patuloy ni Luz.

“Talaga!?” tuwang tuwa sabi ni Eid.

“Ou nga, siya magtrabaho ka na at uuwi na ko” paalam niya sa binata.

“Okay! Ingat ka sa byahe ha. Text mo agad ako pag kauwi mo” sagot ni Eid.

“Okay” sabay lakad ng dalaga palabas ng building.

Paglabas ng building ay pumasok muna siya sa katabing cafeteria para makapagisip. Hindi niya mawari ang nakita niya kanina sa likuran ng kanyang boss. Dahil ba sa sama ng loob sa frustration sa kanyang nobela na hindi nagustuhan ng kanyang boss kaya kung anu-ano ang nakikita niya o dahil lang sa stressed na nakukuha niya na makagawa ng magandang istorya.? Itong mga bagay na ito ang naglalaro sa kanyang isipan subalit kahit ano pa man ang dahilan ay parang pakiramdam niya na tunay ang kanyang naranasan kanina at hindi imahinasyon lamang.

Hindi siya matatakutin at hindi rin masyado nagpapaniwala sa multo. Lalong wala naman siyang tinatawag na third-eye kaya pinilit na lamang niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan at inisip na guni-guni lamang iyon. Umupo siya bandang kanan sa tabi ng pintuang salamin at maging ang gilid ng cafeteria ay salamin din kaya tanaw na tanaw niya ang mga nagmamadaling mga tao na kung saan patungo maging ang mga sasakyan na humaharurot sa makitid na kalsadang iyon na gawa sa aspalto.

Umorder siya ng iced tea at hamburger para malamnan ang kanyang sikmura dahil hindi pa rin siya nagtatanghalian mula kanina. Inisip niya na dahil din siguro sa gutom kaya kung anu ano ang nakikita niya. Habang busy siya sa pagtetext biglaan siyang napalingon sa harap niya ng may pumasok at buksan ng guard ang salaming pinto ng cafeteria. Sumulak ng kaunti ang gulat sa kanya dahil parang naaninagan niya ang repleksyon sa salamin ng lalaking duguang nakita niya kanina sa opisina. Subalit ng ibalik niya ang kanyang paningin ay wala na ito maging sa bandang likuran niya o sa labas na maaaring pagmulan ng repleksyon.

Hindi pa niya nauubos ang inorder niya ng magpasya na siyang lumabas ng cafeteria at maglakad upang makahanap ng masasakyang jeep papuntang Alabang. Medyo takip-silim na ng makasakay siya ng jeep sa Alabang biyaheng Biñan, naging gawi na niya ito araw-araw.

Puno na ang jeep at paalis na ito. Medyo nagaagaw antok na siya at halos bumagsak na siya sa kaharap niyang pasahero kundi nga lamang siya nakakapit sa baras ng jeep ay kanina pa siya lumagapak sa katapat na pasahero. Natauhan lamang siya ng may madinig na tinig ng isang pasahero na nagbabayad.

“Bayad ho!” sa harapan niya ang kamay ngunit nanlaki ang mata niya sa nakikitang kamay na puro dugo. Walang mga kuko ito at durog ang mga daliri animoy pinitpit. Nawala ang antok niya, napatunganga, gusto niyang sumigaw ngunit pinigilan niya ang sarili. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata at dito ay dahan dahan niyang sinundan ng tingin ang kamay na puro dugo papuntang braso na halos naaagnas na at kita na ang mga buto. Nasa stage na ito ng decomposition at parang naamoy niya ang alingasaw ng laman na nabubulok. Parang slow motion ang nangyayari at dahan dahang binagtas ng mata niya ang brasong naagnas paakyat sa balikat papunta sa mukha. Dito ay inaasahan niya na ito ang lalaking duguan na una niyang nakita sa opisina. Hindi siya kumukurap at sobrang bagal ng paggalaw ng kanyang ulo dahil sa takot na mawalan siya ng malay oras na makita niya ang lalaki. Huminga siya ng malalim bago niya makita ang may ari ng kamay na naaagnas subalit nagkamali siya. Isang binatilyo at hindi ang lalaking duguan at sabay nagsabing…

“Ate pasuyo ng bayad.” Muli niyang tinitigan ang kamay subalit normal na iyon. Agad nagbalik siya sa ulirat at inabot ito papuntang driver.

Namalik-mata na naman ba siya? Pero hindi siya kumurap kahit kisap mata lang. Paano nangyari iyon? Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari at dito ay naghumindig na naman ang kanyang balahibo at akala mo siya nakalutang sa hangin. Litong lito na siya sa nangyayari sa kanyang sarili at sa nakikitang kahindik hindik na itsura ng lalaki.

Binagtas nila ang SLEX at nakarating na sila sa babaan niya, magaantay na lang siyang mapuno ang tricycle para makaalis na at makarating na siya sa bahay. Pagdating sa bahay naabutan niya si Lanie na nagaaral.

Si Lailanie Cebu o Lanie ang kanyang kapatid dalawampung taong gulang na at graduating na sa kolehiyo sa kursong journalism. Si Lanie ang dahilan kung bakit hindi pa siya maka oo kay Eid kahit gustong gusto na niya. Pangako niya kasi sa kanyang namayapang ama na pagtatapusin niya ito ng pag aaral bago siya lumagay sa tahimik. Matalino kasi si Lanie at nakikita niya na magiging matagumpay ito sa larangang pinasok. May hilig din itong sumulat, idolo niya ang kanyang ate ngunit mas gusto nito ang mga may makabuluhang pagsusulat at hindi mga kathang isip lamang.

“Ate! Andyan ka na pala kumain ka na ba? Maghahanda lng ako.” sabay sara ng aklat at tayo upang mag ayos ng kanilang pagkain.

“Sige, gutom na nga din ako eh.” umupo siya sa lamesa at pinatong ang dalang shoulder bag.

Pagkatapos mag hapunan ay agad pumasok si Luz sa kwarto para makapagpahinga. Alas diyes na ng gabi at pinipilit niyang makuha ang tulog subalit hindi niya magawa bagkus ay pumasok sa isip niya ang mga nangyari ngayong araw. Ngayon lang niya naranasan ang bulyawan ng kanyang boss at sabihan na sisisantihin kung hindi makagawa ng magandang istorya. Alam niya naman na hindi siya kayang tanggalin ni Mr. Mercado sa publishing dahil malapit na magkaibigan ang kanyang ama at si Mr. Mercado. Sa katanuyan nga ay ninong niya ito sa binyag ngunit kahit kailanman ay hindi niya ito inabuso. Manunulat din ang kanyang ama at mentor nito si Mr. Mercado. Hindi pa pumapanaw ang kanyang ama noon ay hinabilin na silang magkapatid ng kanyang ama kay Mr. Mercado para gabayan sa buhay kaya parang pangalawang tatay na niya na ito kung tutuusin. Subalit malupit ang kanyang ninong lalo na sa trabaho kaya minsan ay naaasar din siya.

Kamamatay lamang ng kanyang ama, halos wala pang 3 buwan ang nakakaraan at kaarawan mismo ni Lanie ng ito’y pumanaw. Atake sa puso ang sabi ng doktor na ikinamatay nito na labis niyang pinagtatakhan, sapagkat hindi naman na diagnose ng high blood o na stroke ang kanyang ama o ng ano mang dahilan na maiuugnay sa atake sa puso. Ang pagkamatay nito ay parang misteryoso din dahil dilat ang mata nito at parang naging puti lahat, nakanganga na animo’y sumisigaw. Wala naman siyang kakayahan para pangunahan ang mga findings ng doktor kahit may alinlangan siya.

Hindi niya rin maipaliwanag ang mga nakita niya kanina. Ang alam niya lang ay sa horror movies lang nangyayari iyon. Ano kaya ang binabalak ng lalaking duguan sa kanya? May gusto kayang ipahiwatig ito sa kanya? Mga tanong niya sa sarili. Sa sobrang pagod at pag iisip ay nakatulog na siya na hindi pa nakapag bihis ng pantulog na damit.

Kinabukasan, nagising si Luz sa alarm ng kanyang cellphone na tumutunog tuwing alas siyete ng umaga. Tumayo siya agad at nagpunta sa banyo para mag hilamos. Hinanap niya si Lanie, nasa kusina ito at nag hahain ng almusal. Agad silang kumain para makapasok na siya sa publishing at si Lanie sa university. Pinapayagan naman siya na tuwing magpapasa na lamang ng nobela tsaka siya pumunta sa opisina, pero mas nais niya na dun na lamang dahil wala din naman siyang makakasama sa bahay dahil papasok din ang kanyang kapatid. Minsan ay dito na lang din sa bahay siya nagsusulat kapag tinatamad siyang bumiyahe.

Nagtapis siya at nagpunta sa banyo, agad na tinanggal ang tapis na tuwalya at tuluyang lumantad ang hubad niyang katawan. Humarap siya sa salamin na isang tao ang laki at pinagmasdan ang kanyang itsura. Bagamat hindi siya masyadong matangkad ay maputi at makinis ang kanyang balat. Bakas na bakas din ang hubog ng kanyang katawan na animo hinulma dahil sa perpektong kurba nito. Ang kanyang pares ng dibdib ay tayong tayo pa at ang namumula mulang utong nito na tumatayo kapag malamig ang panahon ay isa niyang asset kaya marami ang nagnanasa na matikman iyon. Dahil sa busy sa karera ay sinapit niya ang edad na beinte otso ay wala pa siyang karanasan sa pakikipagtalik at tanging halikan lamang. Wala pa ring kamay na nakakadapo sa kanyang malulusog ngunit katamtamang laki ng dibdib maging sa kanyang kaselanan. Subalit hindi lamang magandang katawan ang kanyang ipinagmamalaki kundi pati ang kanyang magandang mukha na may singkiting mata at matangos na ilong. Mayroon din siyang biloy sa magkabilang pisngi at matamis na ngiti na maraming nahahalina dahil sa maganda at mapuputing niyang ngipin. Umikot siya at tiningnan ang kanyang puwet na bilog na bilog at firm na firm pa ang talbog sa tuwing siya’y maglalakad.

Nagsawa siyang pagmasdan ang sarili at binuksan ang shower. Pumikit siya at tanging lagaslas lang ng tubig ang kanyang naririnig na tumatama sa kanyang likod paagos sa kanyang babang katawan. Tumunghay siya at umikot habang nakapikit pa rin at hinahayaan na bumagsak sa mukha niya ang tubig mula sa shower habang nagsasabon ng kanyang katawan.

Napatigil si Luz sa pagsasabon ng katawan ng maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Kahit hindi niya ito nakikita ay agad siyang nakaramdam ng kaba na pakiramdam niya ay may kasama siya sa banyo at pinag mamasdan siya sa paliligo. Pinatay niya ang shower at pinakiramdaman ang paligid ng nakapikit. Ramdam talaga niya na may nakatingin sa likuran niya at kinikilabutan na siya. Ang mga balahibo niya ay tumatayo kahit basa ng tubig at parang nanlalamig ang kanyang pakiramdam.

Habang nakayuko, binuksan niya ang kanyang mga mata at nagsimula bumilang sa isipan.

“Isa… Dalawa… Tatlo…” sabay paling ng ulo’t katawan paharap sa likuran niya ngunit wala siyang nakita.

Nakahinga siya ng maluwag at bumuntong hininga. Payapa na ang loob niya at kalmado ng mapatingin sa pintuan na may nakasabit na maliit na salamin at duon niya nakita ang lalaki na nakangiti na ngayon na labas ang mga ngipin. Yumuyugyog ang balikat sa pag ngisi ngunit walang tunog na nakatingin sa kanya. Nakatayo ito sa likuran niya katabi ng isang malaking salamin na ginagamit niya kanina. Napasigaw siya at bumalot sa buong kabahayan ang kanyang palahaw.

“Aaaaaaaaahhhhhhh!!” tili ni Luz.

Rumaragasang pumasok si Lanie sa banyo ng marinig ang ate niya na nagtitili. “Ate! Ate! Ano nangyayari sayo?” tanong ng kapatid habang kinuha ang tuwalya at ibinalot sa hubad na katawan ni Luz.

” May lalaki, may lalaki.!” nang hihilakbot na sabi ni Luz.

” Ate! Walang tao dito tayong dalawa lang.” sagot ni Lanie.

Binuksan ni Luz ang mga mata at wala na nga ang lalaki kaninang nasa likuran niya. Inalalayan siya ng kapatid palabas at papuntang kwarto. Dito ay kinalma siya ni Lanie at kinumbinsi na guni-guni lamang iyon.

Halos mag aalas dies na din ng makarating siya sa opisina. Dahil sa pagod niya sa biyahe at sa stressed na dulot ng nangyari sa banyo ay umupo muna siya sa kanyang office chair at saglit nagpahinga bago niya simulan ang pagsusulat.

Makaraan ang limang minuto ay binuksan niya ang dalang laptop na ginagamit niya sa paggawa ng nobela. Regalo ito ng kanyang ninong na bumisita sa bansang Japan kaya hindi pa ito nabibili sa Pilipinas ay mayroon na siya. Binuksan ang application kung saan niya sinisimulan ang pagsusulat at pagkatapos niya maka buo ng nobela ay tsaka niya ito babasahin muli para sa bahaging kailangan niya ng editing bago niya ipasa sa kanyang editor na sa kasamaang palad ay ang may ari rin ng publikasyon na si Mr. Mercado.

Tinutuktok niya ng apat na daliri ang office table habang nag iisip ng magandang titulo ng kanyang nobela, subalit walang pumapasok sa isipan niya, nagpasya siya na sa huli na lang siya maglalagay ng titulo. Halos wala rin pumasok sa isipan niya kung paano i bi build up ang kanyang character na dapat ay kakaiba para maging interesado ang mga readers.

Sa kadesperadahan ay itinype niya ang salitang “Pamagat” sa header na animoy humihingi siya ng magandang titulo habang nakapikit na nag iisip pa rin sa plot ng kanyang bagong nobela. Mahusay siya tumipa ng keyboard at kapa niya ang mga letra dahil sa isa siyang touch typist na hindi na kailangan tumingin pa sa keyboard para maiwasan ang pagkakamali. Laking gulat niya ng maimulat ang mata at tingnan ang kanyang naisa titik sa kanyang kompyuter.

“Pomagat” ito ang kanyang nabuong salita na imbes na Pamagat. Bihira siya magkamali ngunit hindi na niya iyon binigyan ng panahon para isipin pa kaya hinayaan na lamang niya. Balisa siya sa pagiisip ng may maulinigan siyang malamyos na tinig.

“Lllhhhuuuuzzz!” mahina at mahaba na parang hangin lang, animoy nanggagaling ito sa hukay at malalim ang pinanggalingan ng nakakakilabot na boses.

Nagpalinga- linga siya at hinanap kung may tao malapit sa kanya subalit wala siyang nakita. Mga ilang metro din ang layo ng mga ibang empleyado. Ibinalik niya ang tingin sa laptop ng marinig niya ulit na may tumawag.

“Llluuuuzz!” parang malapit ito sa kanya dahil parang lumakas ito. Subalit wala pa rin siyang makita na tao na maaring tumawag sa kanya. Marahil ay guni-guni na naman niya iyon at mga haluhalong tunog lamang na nabibigyan niya ng kahulugan. Nagmadali siyang ibalik ang paningin sa laptop at dito ay nagulantang siya sa isang malakas na tinig na nagpakabog ng todo sa kalmado niyang pakiramdam.

“BULAGA!!”malakas na tinig na halos lumuwa na ang puso niya sa gulat.

Nagmula sa kanyang gilid. Si Eid pala, halos mahataw niya ng laptop ang binata dahil sa sobrang gulat.

“Hi! Babes!” bati nito.

“Para sayo.” sabay abot ng bulaklak at puting tsokolateng tobleron.

“Kanina ka pa dyan?” matamlay na usisa ni Luz imbes na magalak sa pagiging malambing ng binata.

“Hindi naman, kararating ko lang, parang ayaw mo ata sa regalo ko?” sagot ng binata sa kanya.

“Ay hindi naman, thanks ha.” sabay kuha sa bulaklak at tsokolate.

“Sige, balik muna ko sa trabaho tapos na break eh.” paalam ni Eid sa kanya.

Tumango na lamang siya na parang nag iisip. Lumakad si Eid palayo at pabalik sa kanyang opisina. Malakas ang kutob niya na hindi si Eid ang una niyang narinig na tumawag sa kanya. Matagal na niyang kilala si Eid at kilalang kilala niya ang boses nito. Alam niya din na boses na ng binata ang pangalawang tinig na narinig niya. Malaki ang kaibahan ng unang tinig na narinig niya kaysa pangalawa.

Gulong gulo pa din ang isip niya at lalo na siyang hindi nakasulat. Lumipas ang oras, alas-tres y media na at wala siya kahit buod o balangkas man lang ng kwento. Pumunta siya sa restroom ng second floor at sa pinakadulong cubicle pumasok. Ibinababa ang takip ng inodoro at saka umupo. Ipinatong ang dalawang siko sa hita at saka itinakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha.

Dito’y nagbaka sakali siyang makaisip ng ideya. Tahimik na tahimik sa banyo at kahit hininga niya ay naririnig niya ng may biglang dumampi sa kaniyang kanang balikat at siya’y napasigaw ng bahagya.

“Aayy!” maikling sigaw ni Luz.

Ramdam pa rin niya na parang may nakapatong sa kanang balikat niya. Hindi agad siya makalingon sa takot na baka kung ano iyon. Agad siyang nakabuo ng mga tanong sa kanyang isipan.

‘Ano ito? Baka kamay ito ng lalaking duguan? Ano ang gagawin ko? Titingnan ba o tatakbo?

Ngunit mas pinili niya ang kumalma. Pinilit niyang lakasan ang loob kahit nangangatal na siya sa takot. Lumunok siya ng laway sa kaba habang nagumpisa na siyang magpawis.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling kamay ito ng lalaking kahindik hindik ang itsura. Sinimulan niyang lingunin kung ano ang nakapatong sa kanyang balikat.

Dahan dahan niya ipinihit ang ulo pakanan at tiningnan niya kung ano iyon. Nakahinga siya ng maluwag ng isa palang mop na dumulas sa pagkakasandal at bumagsak sa balikat niya.

Kinuha niya ito inilagay sa harapan niya at sinuri. Isang lumang mop na putol ng kapiraso ang dulo. Lumang luma na ang basahan at madumi ngunit maganda pa ang kahoy, siguro ay gawa ito sa sinaunang kahoy na talagang matibay. Hinawakan niya ito sa bandang gitna ng dalawang kamay at saka pumikit ulit.

“Sana makagawa na ako ng magandang istorya” hiling nito sa kanyang isipan habang nakatukod ang mop sa semento na hawak niya ng dalawang kamay. Nagpasya na siyang bumalik sa table niya at simulan ulit magsulat. Akmang tatayo na siya sabay minulat ang kanyang mata. Dito ay halos mawala na siya sa sarili sa nakita. Muli siyang napaupo at nanginig na ang hininga ay habol habol niya na parang inaatake sa puso.

Nakatayo ngayon sa harapan niya ang lalaking duguan, walang sapin sa paa, gula gulanit ang pantalon at naaagnas na ang balat, may mga uod na gumagapang at kinakain ang laman ng mga binti, ang mga ibang uod ay naglalagan sa sahig. Nakakapit ito sa hawak niyang mop dahilan para bitawan niya iyon. Napa atras siya at napasandal sa flash ng kubeta. Nanginginig ang katawan niya habang nakatitig sa lalaki. Ang lalaki namang duguan ay naka titig sa kaniya na may matatalim na tingin at ngiti. Hindi niya kinaya ang namamasdan kaya nagtakip siya ng dalawang tenga at napapikit sabay humiyaw ng pagkalakas lakas.

“Aaaaaaaaaahhhhhhhh! Tili ni Luz na umalingawngaw sa ikalawang palapag ng building.

Narinig ito ni Eid, alam niya na si Luz ang sumisigaw. Natukoy niya na sa banyo ito galing at sa huling cubicle kung saan ito lang ang sarado, Agad niya itong kinatok.

“Luz! Luz! Buksan mo ito.”sabi ng binata habang kinakalabog ang pinto.

Walang sumasagot at wala na din ang sigaw ni Luz, sa pangamba na may nangyari sa dalaga, agad niyang sinipa ang pinto at bumungad sa kanya ang dalaga na wala ng malay. Tinapik tapik niya pisngi nito habang tinatawag sa pangalan.

“Luz! Luz! Luz!” Sabi ng binata habang sinamahan na ng konting yugyog ang katawan ng dalaga.

Laking pasalamat ni Eid ng nagkamalay ang dalaga. Nahihilo pa ito at waring wala sa sarili habang hinanap ang mop na dapat ay nasa harapan niya subalit nakita niya na nasa gilid na ito ng banyo at nakasandal muli at parang walang nagbago. Dahil doon ay tuluyan na nawalan ng malay ang dalaga.

Nagising na lang si Luz na nasa clinic na at sinabi ng nurse na dinala siya dito ni Eid. Ipinaliwanag din ng nurse na over fatigued at stressed ang dahilan ng kanyang pagka himatay at kailangan niya ng pahinga. ‘Nananaginip lang ba siya kanina?’ Tanong niya sa sarili habang minumuni muni kung totoo ba ang mga naganap. Nakaramdam na siya ng pagkabagot sa clinic kaya sinilip ang kanyang relo, ala singko na. Maayos na ang pakiramdam niya kaya nagpaalam na ito sa nurse na uuwi na lang. Pinayagan naman siya at sinabihan na magpahinga na lamang muna para mabawasan ang pagod.

Nakatayo si Luz sa labas ng building na pinagtatrabahuhan, malapit sa kalsada at tabi ng poste ng Meralco. Sa likod niya ay bangketa ng kung anu-anong paninda na nakahilera sa tabi ng daan. Inaantay niya si Mang Carding dumaan, ang driver ng taxi na lagi niyang sinasakyan kapag ayaw niyang sumakay ng jeep.

Lumapit sa kanya ang isang paslit, nasa walo hanggang sampung taong gulang ito.

“Ate, pahinge nga po ng dalawang piso?”. Agad na dumukot si Luz ng barya at agad iniabot sa bata.

“Natatakot po ba kayo sa Mamang salbahe?” tanong ng bata.

“Sinong mama Boy?” tanong niya sa paslit.

“Iyon pong sumusunod sa inyo na puro dugo at naagnas na ang katawan.” umupo si Luz at hinawakan ang bata sa braso. Naging interesado siya sa mga sinasabi ng bata dahil sa eksaktong pagkaka larawan nito.

“Nakikita mo ba siya?” tanong niya pa sa bata.

“Opo, katabi ninyo po siya kanina” sagot ng bata.

Kinabahan si Luz at nagpalinga linga siya sa paligid ngunit wala ang lalaki duguan. Ngayon ay sigurado na talaga siyang hindi panaginip at guni-guni ang nakikita niya. Bukod sa wala siyang pinagsasabihan ay hindi niya kilala ang batang ito at ngayon lamang niya ito nakita.

“Sa inyo na lang po ito.” sabay abot ng bata sa kanya ng isang metal na hugis tatsulok at kung anu anong kakaibang letra ang mga nakaukit at naka disenyo dito. Tinanggal ito ng bata mula sa pag kakakwintas sabay abot sa kanya.

“Ano ito boy?” habang sinusuri ang ibinigay sa kanya.

“Para po layuan kayo ng mamang salbahe, sabi po ng nanay takot daw po sila dyan” paliwanag ng bata, “Kaya nga po nawala siya nung lumapit po ako sanyo.” patuloy ng bata.

“Ganun ba? Salamat dito ha.” parang naniniwalang tugon ni Luz dahil sa mga nakakakilabot na nangyayari sa kanya ay mas pinili niyang paniwalaan ang paslit.

“Halika po kayo, papakilala ko po kayo sa nanay ko.” hinila siya nito at dinala sa bangketa.

Manghuhula pala ang nanay niya at nagtitinda ng kung anu anong bagay.

“Sino ang kasama mo Utoy? Tanong ng matanda “ginagambala ka ng masamang espiritu iha.” Dugtong pa nito.

Labis na nagtataka si Luz kung paano nalaman ng matanda na andito na ang kanyang anak at may kasama dahil sigurado siya na bulag ang ina nitong bata. Kita niya ang dalawang mata nito na kinain ng sakit na katarata at tuluyang nabulag. Bukod pa roon ay alam nito na isa siyang babae dahil sa katagang iha at ang pagsambit nito na ginagambala siya ng masamang espiritu kahit hindi pa sila tuluyang nakakalapit at nakakapag usap.

“Papaano po ninyo nalaman? Bulag ho kayo di ba?” tanong ni Luz sa matandang babae.

“Hindi ko kailangan ng mata para makita ang mga hindi nakikita ng ordinaryong tao. Naaamoy ko ang bawat espirutu kung kanino, kung masama o mabuti, minsan mabango kapag ang harangin sa tao ay mabuti, minsan naman ay mabaho kapag ang balak sa tao ay saktan at pasakitan o maging kunin ang buhay. Minsan ay agresibo at minsan ay mapanganib kagaya ng gumugulo sayo.” litanya ng matanda.

Parang nahihintatakutan siya sa sinasabi ng matandang babae, sabay narinig ang busina ng taxi ni Mang Carding sa di kalayuan. Parang hindi niya kayang marinig pa ang sinasabi ng matanda kaya agad siyang tumalikod at palakad na papunta sa taxi ng magsalita ang matanda.

“Hayaan mong tulungan kita iha!?” anyaya ng matanda.

“Di bale na lang ho!” dahil sa nanghihilakbot na siya sa pinagsasabi ng matanda.

“Iha!” pahabol ng matanda, ” Walang nabubuhay sa nakaraan subalit ang nakaraan ang daan para mabuhay ka sa hinaharap.” mahiwagang sabi nito.

Hindi ito naintindihan ni Luz at gusto pa sana niyang bumalik at linawin ito ngunit narinig niyang bumusina ulit si Mang Carding. Marami pa sana siyang katanungan kagaya ng bakit siya ang nakakakita sa lalaki? Ano ang dahilan nito at gusto siyang saktan? Ano ang nagawa niya dito at wari’y galit ito sa kanya.? Mga katanungang wala siyang kasagutan, subalit wala na siyang oras para itanong pa ito o natatakot lamang siyang malaman ang katotohanan at ayaw niyang paniwalaan na nangyayari sa kanya ang mga bagay na iyon. Gulong gulo ang isip niya habang tuluyan na siyang lumakad at sumakay ng taxi.

“Magandang hapon ho ma’am” bati ni Mang Carding habang inabante ang taxi.

“Gabi na ho Mang Carding” pagtatama naman ni Luz.

“Ala sais pa lang naman ho kaya hapon pa din.” palusot nito. Kamusta naman po ang mga nobela natin? Wala pa po ba kayong bagong katha?” Urirat ng taxi driver. Kilala kasi siya nito na siya si Tagacebu.

“Wala pa ho eh, baka sa susunod na mga linggo po.” bigay pagasa ni Luz.

“Aabangan ho namin yan ma’am. Paborito ho kayong writer ng anak at misis ko, lahat ho ng nobela ninyo ay may kopya sila, pati nga ho ako eh, paborito ko po un My Lover is a Taxi Driver, bagay ho kasi sakin.” pilyong tawa ni Mang Carding habang minamaniobra ang taxi.

“Hmmmmpp! Kayo ha, kwento po un ng playboy na taxi driver ah? Ganun din siguro kayo?” tukso niya.

“Noong kabataan pa po un ma’am, hindi napo ngayon dahil mahina na ang tuhod.” sabay tawanan silang dalawa ng malakas.

“Sana ho horror naman ma’am ang sunod ninyong kwento, dahil paborito ho iyon ng aking anak na dalaga.” suhestiyon ni Mang Carding.

Napatango na lamang siya at napangiti sa taxi driver. Dahil sa dami ng kanilang kwento ay hindi niya namalayan ang oras at pababa na pala siya, agad siyang nagbayad at bumababa at mabilis tinungo ang bahay para makapag pahinga sa mga nakakapagod na araw.

Ilang araw at linggo na din ang lumipas ng ibigay sa kanya ni Utoy ang tatsulok na bagay. Hindi na nga siya dinadalaw ng lalaking duguan, mukhang may bisa nga ito.

Dahil sa nawala ang dagdag na gumugulo sa kanya para makapag isip ay halos matatapos na din siya sa kwentong kanyang sinusulat. Ipapasa na lang niya ito sa kanyang editor para maaprubahan kung ipupublish sa publiko o hindi. Pagdating niya sa opisina, sinalubong agad siya ni Eid. Matamis ang ngiti nito at agad siyang binati.

“Kamusta Babes!? Gumaganda ka lalo ah.” bola nito. Nginitian lang siya ni Luz. “Punta ka naman maya sa bahay paguwian natin?” yaya nito

“Eid, kasi…” di pa siya natatapos magsalita ay pinutol na ito ng binata.

“Wala ng kasi kasi babes, basta mamaya aantayin kita, magrelax ka na man paminsan minsan, Linggo naman bukas eh.” pangungunsensya ng binata.

‘Tama nga ito, kailangan ko din magrelax relax.’ nasa isip ng dalaga.

“Sige mamaya” pagpayag ni Luz, malapit lang naman ang bahay nito at dito lang din sa Parañaque. Wala na din naman siyang gagawin masyado dahil halos tapos na din ang kanyang nobela, konting editing na lang at ipapasa na niya ito sa lunes.
Mabilis tumakbo ang oras at namalayan na lang niya na nasa bahay na sila ng binata.

“Magandang gabi po Nay?” bati ni Luz sa nanay ni Eid.

“Magandang gabi din iha, maupo muna kayo dyan sa sala at maghahanda lang ako ng hapunan natin.” wika ng nanay ni Eid.

Umupo si Luz sa sofa at paikot ikot ang kanyang mga mata sa paligid. Napatingin sa mga litratong nakasabit sa dingding, mga medals at graduation pictures ng binata. Natuon ang pansin niya sa isang litratong hindi niya kilala.

“Sinu yan Eid?” interesadong tanong niya sa binata.

“Yan si tatay, iniwan niya kami nun sampung taon ako. Pogi no? Pero mas pogi ako” pagmamayabang ni Eid sabay kindat at taas baba ang kilay.

Napatango na lamang siya at di na inurirat ang mga detalye dahil sa sensitibong bagay na sinabi nito na iniwan sila ng siya’y bata pa. Pagkatapos kumain ay pinagpahinga muna ni Eid si Luz sa kanyang kwarto. Pumasok ang binata at umupo sa gilid ng kama, hinaplos ang buhok ng dalagang nakaidlip na sa pagod. Sinuyo ng halik ng binata si Luz sa may noo pababa sa pisngi. Nagising si Luz at pinigilan ang binata sa ginagawa.

“Luz! Mahal na mahal kita.” mangiyak ngiyak na sabi ng binata.

Walang maisagot ang dalaga sa sinabi ng binata. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit na nangangahulugan na mahal din niya nito. Siniil ni Eid ng halik ang dalaga, nagpaubaya na ito dahil sa dami na din ng sinakripisyo ng binata para sa kanya ay subok na mahal siya nito. Tuloy pa rin sila sa paghahalikan, maalab at mainit parang wala ng bukas. Inalalayan ng binata si Luz na muling inihiga sa kama habang hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga labi. Ibinababa ni Eid ang halik patungo sa leeg habang tinatanggal nito ang pagkaka butones ng blouse ng dalaga. Napapaliyad si Luz sa bawat dampi ng maiinit na labi ng binata sa kanyang balat. Matapos makalas ng binata ang blouse ay lumantad sa binata ang itaas na bahagi ng katawan ng dalaga at kitang kita na niya ang katamtamang laki ng dibdib nito ngunit may angking kakinisan na parang gatas na natatakluban ng itim na bra na suot nito. Bumababa ang halik ng binata papunta sa may balikat, dahan dahan patungo sa cleavage ng dalaga. Pababa ng pababa ang malamyos na halik ng binata hanggang sa tiyan at pusod. Nilulukuban na si Luz ng init ng katawan dahil sa mga malalalim na paghinga nito na naramdaman ng binata kaya lalo nitong pinag ibayo ang pag romansa.

Kinalas ng binata ang hook ng bra ni Luz kasabay din ng pag hubad ng blouse nito ay ang pagtanggal ng itim na bra. Sa unang pagkakataon ay namasdan ni Eid ang makinis at tayong tayong dibdib ng dalaga. Agad niyang sinibasib ng halik iyon at nilandi ng dila ang utong na naninigas na dahil sa libog. Unang beses naranasan ni Luz ang dedehin kaya damang dama ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan sa tuwing napapadiin ng sipsip ang binata. Ramdam ng dalaga na naglalawa na ang kanyang kaselanan dahil sa ginagawa ni Eid.

Hinila ni Luz pataas ang suot na t shirt ng binata at tuluyang hinubad. Muli niya itong niyakap at dinama ang taglay nitong init. Bumaba ang halik ng binata sa pusod niya habang nilalamas ng dalawang kamay ang kanyang dibdib. Kakaibang ligaya at sarap ang nararamdaman niya lalo pa at mahal niya ang gumagawa noon sa kanya. Binitawan ng binata ang kanyang dibdib at kinalas ang suot niyang jeans. Hindi siya makatingin sa binata dahil sa hiya kaya inutusan niya itong patayin ang ilaw. Binuksan ng binata ang lamp shade upang maaninag nila kahit papaano ang isa’t isa. Muling bumalik ang binate sa kaselanan ng dalaga at marahang hinalik halikan iyon sa labas ng panty. Napakapit si Luz sa ulo ng binata at napasabunot. Kinagat ng binata ang garter ng panty at hinila pababa. Tuluyan niya iyong hinubad at bahagyang pinabukaka ang dalaga.

Walang pag sidlan ng saya ni Eid dahil sa matitikman na niya ang puri ng dalaga. Hinalikan niya iyon ng marahan at napa angat ang katawan ng dalaga sabay ang marahang ungol. Sinungkal sungkal ni Eid ng dila ang hiwa ng dalaga at lalo iyong naglawa dahil sa laway at katas ng dalaga na naghalo na. Tumayo saglit ang binata at hinubad ang suot na pantalon. Muli itong pumatong at itinutok ang kanyang ari sa bukana ng kaselanan ni Luz. Bahagya siyang umulos at napaatras ang dalaga ng maramdaman ang pagpasok ng ulo ng ari ng binata. Muli iyong hinugot ng binata at ikiniskis sa hiwa para mabasa at dumulas at saka muling ibinaon ng dahan dahan. Napapakunot noo si Luz sa hapdi at sakit dahil sa una niyang karanasan ang binata. Ramdam ng binata ang pagkakasakal ng kanyang ari dahil sa makipot na butas nito. Inilabas pasok niya iyon kahit kalahati pa lamang ang nakapasok para mawala ang sakit dahil sa nagkikiskisan nilang laman. Nakakaramdam na si Luz ng sarap dahil sa dumudulas na ang kanyang ari at dama niya ang pagbaon ng tuluyan ng ari ng binata.

Ramdam niyang may napunit sa kanyang kalooblooban ngunit ng umpisahan na muling umindayog ng binata ay napalitan muli ng sarap ang hapdi. Ibinaluktot ng kaunti ng binata ang katawan para abutin ng kanyang bibig ang dibdib nito at susuhin habang naglalabas pasok sa kaselanan nito. Ibayong sarap lalo ang nararanasan ni Luz ng pagsabayin ng binata ang pag ulos at pag dede sa kanya. Napadaklot siya sa likod nito at bumaon ng kaunti ang kanyang mga kuko. Bumilis ang pag labas pasok ng binata hudyat na malapit na itong labasan at maging si Luz naman ay sinasalubong ang bawat patak ng balakang nito. Napapakagat labi na ang dalaga dahil sa orgasmo, kasabay ng dumadaloy niyang likido sa ari ng binata. Naramdaman ni Luz ang mainit na likido na sumirit mula sa kanyang loob at naramdaman ang pagbagsak ng binata sa kanyang katawan. Iginawi ng binata ang kanyang ulo sa kanang panig ng ulo ng dalaga habang dinadama nila ang narating na ligaya. Nakababad pa rin ang ari nito sa kanyang kaselanan at siya naman ay nakapikit pa rin habang nakayakap sa binata.

Muli niyang naramdaman ang mainit na hangin na nagmumula sa hininga ng binata habang muli siyang sinuyo ng halik nito. Muling nakadama ng init ang dalaga sa masuyong halik na binibigay ng binata sa kanyang tenga at sa likod nito. Ramdam din niya ang pagkitib ng ari nito mula sa loob ng kanyang kaselanan na hindi pa rin lumalambot. Mas nasarapan pa si Luz ng naging marahas ang paghalik ng binata sa kanyang tenga at inilabas nito ang dila ngunit nagulantang siya ng marinig ang tinig na nagmumula sa dumidilang si Eid.
“Papatayin kita!!” narinig niyang tinig mula sa tenga niya na hinahalikan ni Eid.

Agad nagmulat ng mata si Luz. Imbes na si Eid ang kanyang makita ay mukha ng lalaking duguan ang kanyang namasdan na labas ang dila malapit sa kanyang mukha. Mabilis niya itong itinulak at nalaglag ito sa kanang bahagi ng kama sabay bangon niya at kinuha ang kumot para matakpan ang hubad niyang katawan pagkatapos ay nag sumiksik siya sa kaliwang bahagi ng kama. Nanginginig ang katawan niya sa takot at inaantay kung sino ang lilitaw sa kanang bahagi ng kama kung si Eid ba o lalaking duguan. Bumangon mula sa pagkakalaglag si Eid at laking pasalamat ni Luz ng makita ang binata.

“Bakit Luz!?” tanong ng binata “bakit mo ko tinulak?” patuloy nito.

” Sorry! Eid. Ka kasi.” paumanhin ng dalaga.

Dito ay sinalaysay niya ang nagaganap sa kanyang kababalaghan at hinagilap ang shoulder bag, hinanap niya ang tatsulok na bagay ngunit wala doon. Pinilit niyang inalala kung saan ito napunta at napagtanto niya na naiwan niya ito sa banyo ng siya’y maligo.

Nag-ayos siya ng sarili at binabalak ng umuwi “Luz! Dito ka na matulog.” suhestiyon ni Eid na may kasamang pag pigil.

“Eid, walang makakasama si Lanie sa bahay tsaka maaga pa naman, madami pang masasakyan” sagot ng dalaga.
“Ihahatid na kita, magbibihis lang ako saglit” prisinta ng binata. Pumayag naman ang dalaga at inihatid siya nito hanggang sa bahay.

Pagdating sa bahay alas onse na ng gabi agad niyang tinawag si Lanie.

“Lanie, Lanie,” tawag niya.

“Bakit Ate?” Lumabas ito galing kwarto niya na pupungas pungas na nagising sa kanyang pagdating.

“Nakita mo ba sa banyo kanina un parang tatsulok na bagay.?” tanong ni Luz.

“Oo Ate, tinapon ko na kanina kala ko basura lang eh, naghakot na din kasi ang truck kaya inilabas ko lahat ng basura natin, para san ba iyon ate?”mahabang paliwanag ni Lanie. Nanlumo si Luz sa narinig at napaupo sa sala seat.

“Ah wala Lanie, sige matulog ka na ulit.” nanlulumong sabi ni Luz.

Pumasok si Luz sa kwarto niya at nahiga, nag isip isip. Ngayong wala na ang bagay na pangontra niya ay siguradong muli siyang dadalawin ng nakakatakot na lalaking iyon. Madami pa siyang katanungan sa sarili ng dapuan ng antok at makatulog.

Kinabukasan, araw ng linggo ay pinilit niyang maging normal sa mga nangyayari. Walang pasok si Lanie kaya dalawa sila sa bahay. Umupo si Luz sa sala at binuksan ang kanyang laptop para sa editing.
Dumating ang Lunes at ipinasa na niya ang kanyang nobela kay Mr. Mercado, sinuri ito at binasa ang buod. Napahataw ito sa Lamesa, hindi na naman ata nagustuhan ang kanyang isinulat.

“Ito ang kwentong gustong mabasa ng mga tao.” masayang sabi ng kanyang boss.

“Maganda ang kwentong ito Luz at siguradong papatok.” patuloy nito.

“Isang lalaki na biktima ng krimen at ngayon ay nagbabalik mula sa kabilang buhay para maghiganti, eto gusto ng mga tao, iyong hindi kapani paniwalang mga istorya, na gagawin mong kapani paniwala na nangyayari talaga.” Sabay tawang parang sinasapian ng demonyo.

“Very good iha. Ipupublish na natin ito sa lalong madaling panahon at ibebenta na natin sa publiko, siguradong magkakapera na naman tayo nito, at alingawngaw na naman ang Mercado Publishing.”tuloy pa sa pagtawa si Mr. Mercado habang pabalik balik sa kanyang paglakad.

Ilang araw at linggo ang lumipas at hindi na siya ginagambala ng lalaking duguan kahit wala na ang bagay na ibinigay ni Utoy. Sinimulan ding ibenta ang kanyang bagong nobela matapos itong maimprenta at talagang mabili iyon kaya naman tuwang tuwa ang kanyang ninong dahil sa pumapasok na pera.

Umupo si Luz sa kanyang swivel chair sabay dating ni Eid dala ang isang maliit na kahon. Alam na niya kung ano iyon, mga kopya ng libro na kanyang isinulat.

“Oh eto na babes, congrats! At talagang mabenta.” sabi ni Eid sabay patong ng dalang kahon sa table niya.

“Salamat nga pala at ako pala ang ginawa mong main character sa nobela mo at maganda din ang title.” patuloy ni Eid.

Parang muling sumulak ang kaba sa kanya dahil sa naalala niyang bagay mula sa mga sinabi ng binata. Nakalimutan nga pala niyang bigyan ng titulo ang kanyang nobela at tanging “Pomagat” ang kanyang nailagay, maging ang sinasabi ni Eid na siya ang ginawang protagonist ay hindi niya din maintindihan. Sa kuryosidad ay agad niyang binuksan ang kahon pagka alis ni Eid at kumuha ng isang kopya. Laking gulat niya ng mabasa ang titulo ng kanyang nobela.

“TAGAMOP” nanghilakbot siya, parang may malamig na bumalot sa buo niyang katawan. Bakit bumaligtad ang pagbasa ng kanyang titulo na dapat ay “Pomagat” na nakalimutan niya na i-edit. Dali dali niyang binuksan ang pahina at binasa ang prologue hinahanap niya ang kanyang main character na si Fredie.

“Ako si Eiderf isa akong janitor sa malaking hotel sa makati dahil sa……..” hindi na niya tinapos ang binabasa dahil sa kilabot, Pomagat ay naging Tagamop, Fredie ay naging Eiderf. Eiderf nga pala ang tunay na pangalan ni Eid kaya pala nito nasabi na siya ang main character.

Mabilis niyang binuksan ang laptop at hinanap ang kanyang orihinal na manuscript. Pagbukas ng application na kanyang ginagamit ay lalo siyang naghilakbot. “TAGAMOP” ang bumungad na titulo, pati ang bidang si Fredie ay naging Eiderf kahit sa lahat ng pahina. Halos mahimatay siya sa mga nangyayari, akala niya ay tapos na ang kababalaghan sa kanya ngunit lalo pa itong tumitindi.

Sumapit ang Ala sais at nagpasya na siyang umuwi. Inaantay niya si Mang Carding, ilang araw na din di niya ito nasasakyan. Pumunta siya sa mga nakaparadang taxi at nagtanong sa mga driver.

“Manong, bakit hindi ho namamasada si Mang Carding?” tanong niya sa isang driver na naninigarilyo sa may tindahan.

“Ay ma’am, patay ho ang kanyang anak na babae, nagluluksa po. D’yan lang po ang bahay nila sa gilid ng bangketa may iskinita ho dyan at un bahay ho na may lamay un ang bahay ni Mang Carding.” mahabang sagot ng driver.

“Maraming salamat po!!” paalam ni Luz na medyo nabigla sa narinig.

Lumakad siya papuntang bangketa at pumasok sa iskinita para makiramay sa itinuring na niyang kaibigan. Dito ay nakita niya ang bahay na may lamay at agad hinanap si Mang Carding, nakita niya ito nakaupo malapit sa kabaong ng anak.
“Mang Carding” tawag ni Luz habang lumalakad palapit.

“Nakikiramay ho ako, nabalitaan ko po sa mga kasama ninyong taxi driver ang nangyari sa anak niyo.” malungkot na sabi ni Luz.

Dito ay humagulgol ng iyak si Mang Carding, nawala na ang dating makulit at masayahing mamang taxi driver. Umupo siya sa tabi nito sabay tinapik tapik ang likod at ng kalmado na ito ay nagsabing..

“Sandali lang ma’am at ikukuha ko kayo ng maiinom” sabay tayo sa kinauupuan at hindi na siya inantay sumagot.

Nabaling ang paningin niya sa pangalan ng nakaburol at tiningnan ang petsa ng pagpanaw nito. Halos kasunod na linggo lamang iyon ng isapubliko nila ang kanyang nobela. Masyadong ring malaki ang pagkakasulat ng umpisang letra kaya una niyang nabasa ang initial F. R. I Fely Rose Ibay 16 years old.

Bumalik na si Mang Carding, may dalang isang baso ng juice at biscuits. Iniabot sa kanya ang juice at ipinatong ang plato ng biscuits sa isang bakanteng upuan. Umupo ito sa kinauupuan niya kanina at sinimulang magkwento.

“Malakas at masayahin pa siya nung isang araw, wala naman siyang sakit kaya hindi ko matanggap ang pagkamatay niya” pasimula ni Mang Carding.

“Martes ng ilabas ang nobela mong “TAGAMOP” sa publiko ay agad siyang bumili at hindi ito tinigilan hangga’t hindi natatapos dahil sa iniidolo ka niya.
Maghapon niya itong binasa sa kanyang kwarto ni magmeryenda ng hapon ay hindi niya ginawa matapos niya lang ito basahin. Maghahapunan na at hindi pa din siya lumalabas kaya nagpasya akong tingnan siya, halos mahimatay ako sa aking nakita, maputla na siya at dilat ang mata, nakanganga ito akala mo sumisigaw, at tsaka…. ” hindi na niya naituloy ang pagsasalaysay at bigla muling humagulgol, marahil ay mabigat sa kanya ang idetalye pa ang nasaksihan sa pagkamatay ng anak.

Sa base ng pagkakadetalye ng pagkamatay ng anak ni Mang Carding at pagkamatay ng kanyang ama ay parang may pagkakapareho.

Nahihiya man siyang magtanong dahil nagdadalamhati pa ito subalit hindi na niya mapigil ang sarili mag-urirat dahil may kutob na siya.

“Nawala ba ang itim ng mata at parang puro puti na lang?” tanong ni Luz.

Napatigil sa paghagulgol si Mang Carding at napatingin sa dalaga, “Papaano mo nalaman iha?” nagtatakang tanong ni Mang Carding.

Walang maisagot si Luz.

“Ah eh, Narinig ko ho sa mga kaibigan ninyo” palusot niya.

Dito ay nakumpirma na niya na hindi aksidente o sakit sa puso ang ikinamatay ng kanyang ama pati ang anak ni Mang Carding. Ngunit may mga katanungan pa din siyang wala pang kasagutan.

“Ano ang kinalaman ng anak ni Mang Carding sa pagkamatay ng kanyang ama at bakit halos pareho ito ng itsura ng mamatay?” Tanong niya sa sarili.

Nagpaalam na siyang uuwi at lumabas ng eskinita, naglalakad siya sa bangketa ng marinig ang malakas na boses ng matandang babae.

“Lalo siyang lumalakas iha!” napatingin siya at hinanap ang nagsalita, ang nanay ni Utoy.

Napatigil siya at nilapitan ang matandang babae.

“Ano po ang kailangan niya sa akin?” mahinahong tanong ni Luz sa matanda.

“Paghihiganti!! Paghihiganti!! Iha!!” malakas na boses ng matandang babae.

Paghihiganti? Bakit maghihiganti sa kanya ang lalaking iyon gayong hindi niya ito kilala? Ano ang nagawa niya dito? Tanong niya sa isipan at balak itanong sa matanda ng magsalita ito.

“Ikaw ang nakakakita sa kanya kaya ikaw ang may kakayahang pigilan siya.” Paliwanag nito.

“Paano ko siya mapipigilan? Malakas siya at wala akong kalaban laban sa lalaking iyon?”

Hindi sumagot ang matanda at tumayo, kinuha ang tungkod at tumalikod sa kanya at lumakad ng ilang hakbang palayo. Tinawag niya ito at sinundan.
“Manang! Manang! Manang sandali, may tinatanong pa ho ako, di ba gusto ninyo akong tulungan.” Tumigil ang matanda sa paglakad at nagsalita kahit nakatalikod sa kanya.

“Walang nabubuhay sa nakaraan subalit nakaraan ang daan para mabuhay ka sa hinaharap” ito ulit ang sinagot ng matanda.

” Patayin mo siya!” wika ng matanda.

” Multo na siya, papaano ko siya mapapatay?” nagtatakang tanong ni Luz.

” Patayin mo siya, gaya ng unang siyang mamatay, patayin mo siya gaya ng ikinamatay niya.” matalinghagang sagot ng matanda.

“Ano po ang ibig ninyong sabihin? Hindi ko maintindihan, may kinalaman ba ang lalaking ito sa pagkamatay ng anak ni Mang Carding at ng aking ama?” Sunod sunod niyang tanong.

Bagkus siyang sagutin ng matanda ay tumuloy na ito sa paglakad habang nagsabing…

“Ipatigil mo ang pagbebenta ng aklat na hawak mo.” sabi ng matanda sabay sulyap ni Luz sa hawak na aklat. Ito ang bago niyang nobela na ireregalo sana niya kay Mang Carding. Nagpatuloy umalis ang matanda at naiwan siyang nagiisa at napagpasyahan na niyang mag imbestiga.

Nakaupo si Luz sa salas at hanggang ngayon ay pinag iisipan pa rin niya ang mga matalinghagang sagot sa kanya ng manghuhula. Dito ay naalala niya na pinapatigil ng matanda ang pagiimprenta at pagbebenta ng kanyang bagong nobela.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mr. Mercado.

“Krriiiing! Krrriiing! Kriiiiing!”

” Hello! Fernando Mercado Publishing” sagot ni Mr. Mercado.

” Hello! Sir! Si Luz po ito.” pagpapakilala ni Luz.

“Oh, Luz napatawag ka?”

“Sir, ipatigil ninyo na ang pagbebenta ng bago kong nobela,” sabi ni Luz.
“Bakit iha? Mabenta ito at tuloy tuloy ang order ng mga bookstore, kahit mga bangketa ay makikita ang nobela mo. Bakit mo naman naisipang ipatigil? ” parang galit na sabi ni Mr. Mercado.

“Ka-kasi ho sir.” utal na sagot ni Luz subalit hindi niya masabi ang dahilan dahil wala naman talaga siyang maisip na kaugnayan nito sa lalaking duguan at sa mga nagaganap na kababalaghan kundi ang pahayag lang ng nanay ni Utoy.

Pinutol niya ang linya at binaba ang cellphone ng hindi nagpapaalam. Papaano nga naman niya ipapatigil ito kung wala naman siyang basehan, baka bulyawan lang siya ng kanyang boss lalo na at mabenta ito.

Lumabas si Lanie sa dating kwarto ng ama na may dalang kahon.

” Lanie! Ano yan?” tanong niya sa kapatid.

” Mga gamit ni tatay, itatago ko na lang, wala naman gagamit nito dahil pareho tayong babae.” sagot ni Lanie.

“Patingin nga ako ” sabi ni Luz at agad itong dinala ng kapatid, bumalik ulit ito sa kwarto para ituloy ang paglilinis.

Hinalungkat niya ang laman ng kahon mga pantalon at damit ng kanyang tatay, hinugot niya din ang polong light blue na nakakuha ng kanyang atensyon.

Binasa ang nakasulat sa bulsa sa kaliwang dibdib ng polo. “Fernando Mercado Publishing”, sa likod nito ay Utility ang nakasulat.
Eto ang kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya, si Fernando Mercado ay tatay ng kanyang ninong. Pinamana kasi sa ninong niya ang publishing ng pumanaw ang mga magulang nito, kwento ito ng kanyang ama sa kanya. Naalala rin niya ang kwento ng kanyang ama na dati itong janitor at ng ipamana ang publishing sa ninong niya ay hinikayat siya nito na maging manunulat kaya niya naging mentor ito.

Dito ay parang kinuryente siya sa takot sa naalala, ang unipormeng ito ay ang siyang suot ng lalaking duguan, kaya pala pakiramdam niya ay nakita na niya ang damit na iyon. Ibig sabihin ay trabahador ito ng publishing. Naghalungkat pa siya at dito ay nakita niya ang isang litratong black and white ng tatlong lalaki. Ang Ama niya at si Mr. Mercado ngunit hindi niya kilala ang nasa gitna pero parang nakita na niya ito kung saan. Biglang may kumudlit sa kanyang isipan, ang lalaking ito ang nakita niya sa bahay nina Eid. Ibig sabihin ay tatay ito ni Eid? Tanong niya sa sarili.

Scroll to Top