Sa Kandungan ng Biyuda Part 2

ni mrs_jones

Habang patuloy ang paghagod ko sa likuran ni Tita Em ay napapaungol siya at lalong napasubsob ang mukha sa aking dibdib at nadama ko rin ang malulusog niyang dibdib. Nabigla ako nang naramdaman ang kanyang mga labi sa paghalik sa aking dibdib at sinupsop ng marahan ang mga utong ko. Paulit ulit siya sa kanyang ginawa at hinayaan ko na lang siya dahil kakaibang sarap ang gumuhit sa aking kalamnan. Hindi ko alam kung sasawayin siya sa kakaibang hilig at nagtagal pa ang kanyang pagsupsop sa aking mga utong.

“Ganito ang ginagawa ko noon sa aking asawa…sorry…pero sana ay maunawaan mo ako”, ang sabi ni Tita Em habang patuloy sa paghalik at supsop sa aking mga utong. Lumipat na mula sa kanyang likuran ang paghimas ko at dumako naman sa kanyang buhok. Langhap na langhap ko ang halimuyak ng kanyang kabanguhan. Animo ay sanggol siya na sabik sa pagsuso sa aking mga utong at ako naman ay labis na nasasarapan sa ginagawa ni Tita Em.

Si Tita Em na rin ang tumigil sa ginagawa nang marinig ang mahihina kong ungol, at napatawa siya. “Naku baka kung saan tayo makarating nito, hi hi hi, mamasyal muna tayo sa bakuran sa likod bahay”, tumayo na kami at lumabas sa basement. Kumapit siya sa aking baywang at inakbayan ko naman siya sa balikat habang naglalakad kami sa malawak naming bakuran.

Napakaraming kuwento ni Tita Em habang kami ay paikot ikot sa looban lalo na ang mga kuwento noong araw na sila ay mga bata pa. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama sa pagkakaakbay ko sa kanya at sa pagkakadikit ng mga katawan namin. Nakakailang din na ilan beses hinahatak niya ang aking kamay na nakaakbay sa balikat pababa at nadadampian ng palad ko ang malusog niyang dibdib at namumukol niyang utong. Ako na rin ang umiilag na madagil ang malaki niyang suso subalit parang tukso ang ginagawa ni Tita Em dahil minsan ay sa dibdib niya mismo idinadampi ang palad ko.

Nang mapatapat sa malaking puno ay tumigil siya, sumandal sa dibdib ko at sinabing yakapin ko siya at mula sa likuran niya ay niyakap ko na siya ng mahigpit. Matagal na raw siya huling nakatikim ng ganoon yakap sa kanyang asawa at wala nang lalaki ang dumating sa buhay niya.

Saglit pa at siya ay umupo at sumandal sa puno, sinabihan ako na humiga sa kanyang mga hita. Tumalima naman ako at ipinatong ang ulo sa kanyang kandungan. Nakalilis pataas ang kanyang negligee kaya walang takip ang mga bilugan niyang hita sa aking paghiga.

Naikuwento na noong araw ay ganon sila ng kanyang asawa pag nasa looban namin lalo na sa gabi. Himimas himas ang aking buhok ng kanyang malambot at mainit na palad na parang kuryenteng dumaloy. “Tita Em matagal na po patay si Tito Robert, kalimutan mo na siya”, ang sabi ko habang patuloy ang paghagod ng kanyang palad sa aking ulo. “Mahirap malimutan ang kagaya niya dahil sa panahon ng aming pagsasama ay wala kami naging gulo at away”, ang sagot niya.

“Disisiete anyos na mula nang namayapa siya pero sariwa pa rin ang alaala niya”, ang pagpapatuloy ni Tita Em. “Naku wala pa pala kayo kuwarenta anyos noon!”, ang nasabi ko.