Sex Note 11

Sex Note Guide #10:

A person can only be written in the Sex Note once as a target. Lust effect won’t work the second time a person’s name is written as a target. But if the lust effect expires and no intercourse happened between a target and the recipient, their names will be automatically erased from the notebook 24 hours after the expiration. And they can then be written again.

======

Lalong nanlaki ang mga mata ni Gerald sa narinig.
Natulala sya at walang salitang namutawi sa kanyang bibig.

Ibinaba ng nagpakilalang Ralph ang kanyang kamay na di inabot ni Gerald at nilingon na lang ang alalay nya.

“Magbantay ka lang muna dyan sa labas.” Utos nya.

“Pero Boss, baka bumalik yung kung ano man yon.”

“Hindi yun basta-basta makakabalik.”

Walang nagawa si Bogart kundi tumango.

Pumasok na si Ralph sa apartment at isinara ang pinto.
Tumuloy ito sa sofa at naupo.

“Alam kong naguguluhan ka. Alam kong marami kang katanungan ngayon. I will explain everything.” Sabi nya kay Gerald.

Tinitigan lang sya ni Gerald.

Tama ito. Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan nya ngayon.
Mukhang wala naman itong balak na gawan sya ng masama. Kaya naglakad sya palapit dito at naupo sa isa pang sofa.

“Now let us begin. Like what I have said earlier, ako si Ralph Solomon. And I am the real owner of the Sex Note which I know is currently in your possession.”

Wala pa ring mahanap na salitang sasabihin si Gerald. Biglang bigla sya sa mga pangyayari.

“Pamilyar ka ba sa kwento ni King Solomon?”

Napakunot lang ng noo si Gerald.

“Si King Solomon na anak ni King David. Ang pinakamatalinong haring nabuhay at ang…”

“Oo. Kilala ko sya.” Pagputol ni Gerald sa lalaki.

“Good. So pamilyar ka ba sa kwento nya? Particularly with the demons.” Tanong ni Ralph.

Saglit na nag-isip si Gerald bago umiling.

“So that’s where I’ll start.” Sumandal si Ralph sa sofa bago magsimula.
“Aside from great wisdom, binigyan din ng Diyos si Solomon ng isang singsing thru Archangel Michael. This ring had the power to command the demons. Magiging alipin ng taong nagmamay-ari ng singsing na iyon ang kahit na sinong demonyong matatatakan nito. At isa sa mga demonyo na naging alipin ni King Solomon ay si…” .

“Asmodeus!” Putol muli ni Gerald kay Ralph.

“You guessed it right! Ginamit ni King Solomon ang mga demonyong alipin nya para maitayo ang Temple of Solomon. I am assuming you’re familiar with it.”

Tumango si Gerald.

“Pero bukod doon, lingid sa kaalaman ng lahat and it’s not even listed in any writings or scriptures, ay ginamit din ni King Solomon ang mga demonyo for his personal agendas. He used them to destroy his enemies, conquer their kingdoms, find and take their wealth, subdue their people and many other things.”

“Teka. Kilala si Solomon as a man of God. Kung ginawa nya talaga yang mga sinasabi mo, hindi dapat sya kinampihan ng Diyos.” Kontra ni Gerald.

“Pero yung mga kalaban ni Solomon that time ay may mga ibang Diyos na sinasamba. So they were also enemies of God. You probably know how jealous God is. And you probably know what he did with His enemies back then.” Sagot ni Ralph.

Muli ay natahimik si Gerald.

“King Solomon would have been the perfect man of God if not only for his one mistake.” Patuloy ni Ralph.
“He wanted to change the world. He wanted to end the all conflicts and war. He wanted everyone to love one another. And he wants every person in the world to worship only one god. And he can only do that kung lahat ay sasang-ayon at susunod sa kanya. Starting with every leader in every country. And with all the power and wisdom he had, he thought of a thing that would help him achieve that dream.”

Tiningnan nya si Gerald sa mga mata.

“Can you guess what that thing was?” Tanong nito sa binata.

“Sex Note…” Mahinang usal ni Gerald.

“You got it right again.” Nakangiting sabi ni Ralph.
“Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga Sex Note ang gustong ipagawa ni King Solomon. It was originally called The Book of Peace. In their language of course.
Gusto ni Solomon na magustuhan sya ng lahat. He wanted every leader to be obedient to him and help in achieving his dream of a peaceful world. Mabuti ang layunin nya. Ang pagkakamali nya lang ay sa demonyo sya lumapit.”

Tumayo si Ralph at sumilip sa labas ng bintana.

“Sa lahat ng demonyo, si Asmodeus ang pinakatuso. Sa kanya pinakanahirapan si King Solomon. At kahit naging alipin na sya nito ay madalas pa rin itong sumuway sa mga ipinagagawa nya dito.
When Solomon asked him for help, the demon suggested a special book na magpapasunod sa lahat ng taong maisusulat dito ang pangalan. Solomon thought it was a good idea. Naisip nya na halos kapareho lang ito ng kapangyarihan ng singsing nya. Ang pagkakaiba lang ay sa tao ito gagana at di nya na kakailanganin pang tatakan ang mga gusto nyang pasunurin. All he had to do was write their names.
The King agreed and Asmodeus saw a way to set himself free.”

Binuksan ni Ralph ang bintana at hinawi ang kurtina para papasukin ang preskong hangin.

“He didn’t mention that the book will have another effect on the person whose name will be written on it.
Bukod kasi sa pagiging masunurin ay makakaramdam din ito ng matinding kalibugan sa taong nagsulat ng pangalan dito. At nang matuklasan ito ni Solomon ay doon na nagsimula ang pagkalulong nito sa tawag ng laman. Sa bawat lugar na puntahan nya ay nagkakaroon sya ng asawa. Lahat ng babaeng matipuhan nya ay nakukuha nya at nalululong sa kanya.” Pagpapatuloy nya.

Muling bumalik sa sofa si Ralph at naupo.

“But what he didn’t know was Asmodeus tore a page from the Notebook. Ibinigay nya yung page na yun sa isang babaeng sumasamba sa ibang diyos. Inutusan nya ang babaeng isulat ang pangalan ng hari sa papel na iyon. At nang masilayan sya ng hari ay agad tumalab ang bisa nito. Asmodeus conspired with that woman.”

“May nabasa ako about the downfall of Solomon. Nahumaling sya sa isang babae at inutusan sya nito na mag-alay sa ibang diyos.” Si Gerald.

“Correct! Sa sobrang pagkahumaling nya sa babaeng iyon ay nakalimutan nya ang Diyos nya. He made an offering to another god. He broke the very first commandment. And in that very moment, God abandoned Solomon. Nawala ang kapangyarihan ng singsing at lumaya ang lahat ng demonyong inalipin nya.” Pagtatapos ng lalaki.

Di makapaniwala si Gerald sa narinig. Di nya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o gumagawa lang ng kwento.
Pero paano nito nakilala si Asmo? At ano ang ginawa nito sa demonyo?

“Sabi mo ikaw ang totoong may-ari ng Sex Note. Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Gerald.

“Galing ako sa angkan ni King Solomon. Kaya natural lang na isa ako sa tunay na may-ari ng Sex Note. In fact, it’s in my family’s possession for generations. But for an unknown reason, itinakas yun ni Asmodeus about a decade ago. And I’ve been searching for it eversince.” Paliwanag ni Ralph.

“Paano mo naman nalaman na nasa akin yun?” Muling tanong ng binata.

“I just happened to see a viral video sa 7-11. Unang kita ko pa lang dun ay kinutuban na agad ako na hawak mo yung Sex Note. So I hired someone to investigate. At nakumpirma ko nga na tama ang kutob ko.” Sagot nito.

Saglit na natahimik si Gerald bago muling nagtanong.

“Yung ginawa mo kay Asmo, ano yun? Anong nangyari sa kanya? Nasan na sya? Buhay pa ba sya?”

“It was an old but very effective trick to drive that demon away. It’s written in the book of Tobit. Ayaw na ayaw ni Asmodeus ng amoy ng nasusunog na atay at puso ng isda. But don’t worry. He’s fine. Nagpakalayo-layo lang sya for now and it might take some time before he ever comes back here.” Sagot ni Ralph.

“Nandito ka ba para bawiin yung Sex Note?” Sumunod na tanong ni Gerald.

“Why else would I be here?” Nakangising sagot ni Ralph.

“Paano kung hindi ko yun ibigay sayo?” Pagmamatapang ni Gerald.

“I have my ways of getting what I want.”

“Papatayin mo ko?”

“I hope it wouldn’t come to that.”

Natahimik si Gerald. Sinipat nyang mabuti ang lalaki. Di hamak na mas malaki ang katawan nito sa kanya. At sa labas lang ng apartment nya ay may isa pang lalaki na doble ang laki ng katawan dito. Isang tawag lang ni Ralph ay susugod agad ito papasok at wala na syang magagawa.

“Kung ibibigay ko sayo yung Sex Note, paano naman ako makakasiguro na wala kang gagawing masama sakin?”

“You can’t. You will just have to trust my word.” Kampanteng sagot ni Ralph.

Nag-isip muli si Gerald bagoT tumayo at humakbang palapit kay Ralph. Tumayo din ang lalaki.

Inilahad ni Gerald ang kamay nya dito na inabot naman ni Ralph.

“Promise me na wala kang gagawin sakin pagkakuha mo sa Notebook.” Si Gerald.

“I promise.”

At nagkamay ang dalawa.

“Wait here.” Sabi ni Gerald.

Naglakad sya papuntang kwarto at pumasok. Pero bago pa nya maisara ang pinto ay nagsalita si Ralph.

“Kung binabalak mo na isulat yung pangalan ko sa Notebook, wag mo nang ituloy.”

Napalingon si Gerald sa kanya.

“Ralph Solomon. That’s not my real name. So it won’t work. Ralph came from the Raphael. The archangel who defeated the demon Asmodeus. And you know where I got the last name. Hahaha!”

Kagat ang labing isinara ni Gerald ang pinto at naupo sa kama.

“Fuck! Nabasa nya yung nasa isip ko. Napaghandaan nya talaga yung pagpunta nya dito.” Bulong ng binata sa sarili.

Sinubukan nyang umisip ng paraan para makatakas. Pero malabong makalabas sya sa pinto dahil may malaking taong nagbabantay. Kung sa bintana naman sya dadaan ay wala rin syang ibang mapupuntahan dahil magkakalayo ang mga bintana at balkonahe ng mga apartment sa building. Di nya rin naman kakayaning talunin ang pitong palapag.

Mukhang kailangan nya talagang isuko na lang yung Sex Note.

Tumayo sya at tinungo ang aparador. Kinuha ang Notebook mula sa isang sikretong drawer nito. Tapos ay lumabas ng kwarto kung saan nag-aabang si Ralph.

Napangiti ang lalaki pagkakita sa kanya at sa hawak nyang itim na notebook.

“Very good. I know you’re a sensible man.” Sabi nito.

Tumayo si Ralph at inilahad ang kamay para abutin ang notebook. Pero bago pa man ito tuluyang maibigay ni Gerald ay nakarinig sila ng sigaw mula sa labas na sinundan ng malakas na lagabog.

Sabay na napatingin sa direksyon ng pinto ang dalawang lalaki.

Nakita nila ang pagpihit ng door knob nito kasunod ang unti-unting pagbukas.

At nang tuluyan na itong bumukas ay tumambad sa kanila si Bogart na nakatayo pero ang mukha nito ay duguan at pikit ang mga mata.

Sa isang iglap ay bumagsak ito sa sahig at mula sa likuran nito ay lumitaw ang isang batang lalaki. Nasa apat na talampakan lang siguro ang taas nito. Nakasuot ng shorts at itim na t-shirt. Sa mukha nito ay may ngising nakakaloko. Ngisi na tila mala-demonyo.

“Sino ka? Ikaw ba ang gumawa nyan kay Bogart?” Tanong ni Ralph.

Bumuka ang bibig ng bata at nakakakilabot ang tinig na lumabas dito na talaga namang nagpatayo sa balahibo ng dalawang lalaki.

“Tinatanong mo kung sino ako?” Sagot ng bata sa tinig na tila higit sa sampung magkakaibang nilalang na nagsasalita ng sabay-sabay.
May tinig ng bata, matanda, lalaki, babae, tinig ng leon, kambing, baka at kung ano pang mga hayop o halimaw.

“AKO SI LUCIFER! AT AKO NGA ANG GUMAWA NYAN SA ALIPORES MO! KYAHAHAHAHAH!” Malakas na sigaw ng bata. Kasunod nito ay ang pagpula at pagkislap mga mata nya at may dugo rin na nagsimulang tumulo mula sa mga ito.

Itutuloy…

P.S.
Pasensya na kung wala ulit erotic content itong chapter na to. I just can’t seem to find the mood to write something erotic right now.

Maraming salamat sa mga nag welcome back sakin. Sa mga readers na hanggang ngayon ay sumusubaybay pa rin sa kwentong ito kahit na matagal tagal din akong nawala.
Di ko man mareplyan yung comments nyo, always remember to wash your hands regularly para makaiwas sa mikrobyong maaaring magdulot ng sakit sa inyo at sa inyong pamilya. Sa panahon ngayon, mahirap magkasakit. Kaya ako, I always wash with Safeguard. The leading soap that is proven to kill 99.99% of harmful germs and bacteria. Umiwas sa germs, umiwas sa bacteria, umiwas sa sakit. Gumamit ng Safeguard.<

Leave a Comment

>