Sex Note 12

Sex Note Guide #11

You can write identical names in the notebook as long as they are of different persons. That’s why thinking the face of the person is required when writing a name.

======

Almost an hour ago…

“PUTANGINAAAAAA!!!” Nayanig ang buong impiyerno sa sigaw ng demonyong si Asmodeus.

Naramdaman iyon ng lahat ng naroon at alam agad nilang may di magandang nangyari. Kaya sa isang kisap-mata ay nagsulputan sa lungga ni Asmodeus ang iba pang mga demonyong kumakatawan sa 7 deadly sins. Maliban lang sa batugan na si Belphegor.

Kingina! Anong nangyari sayo?” Tanong ni Satan.

Nanggagalaiti pa rin sa galit si Asmodeus kaya di agad ito makasagot.

“Kalma ka lang. Ano bang nangyari?” Si Lucifer.

“Hinga ka muna ng malalim. Sundin mo ko. Inhaaaaaale…” Si Leviathan.

Sumunod naman si Asmodeus. Huminga ito ng malalim gaya ng sinabi ni Leviathan.

“Inhaaaaale…” Si Leviathan pa rin.

Sunod naman ulit sa pag-inhale si Asmodeus.

“Inhaaaaaale…” Patuloy ni Leviathan.

Kulay talong na ang mukha ni Asmodeus pero pinilit pa rin nitong mag-inhale. Halos sumabog na ang baga nito sa dami ng nahihigop na hangin.

Inhaaaa…”

WAPAK!

Di natapos ni Leviathan ang sasabihin dahil isang malakas na dagok ang ibinigay ni Satan dito.

Aray! Tangina bakit mo ko binatukan?” Reklamo ni Leviathan.

Eh kikinangina mo, puro ka inhale eh!” Si Satan.

Gyahahahah! Ano ba kasi yung kabaliktaran ng inhale? Nakalimutan ko na eh.” Tanong ni Leviathan.

“EXILE! Bugok!.” Si Satan.

Anong exile? Bobo! Inhale yung pagpasok di ba? So yung paglabas,eh di walang iba kundi EX-CON!” Si Beelzebub.

Tanginang yan! Nakatuntong ba kayo ng grade 2? Anong EXILE? Anong EX-CON? Di naman hangin ang pinag-uusapan dito. Hangin! Hindi kriminal! Pag ang hangin papasok, INHALE. Kapag papalabas naman, EXHAUST! Mga tanga!” Si Mammon.

At habang nagtatalo-talo ang mga gagong demonyo ay nangingitim na ang mukha ni Asmodeus.

Wag nga kayong maingay! Alam ko yun eh. Nasa dulo na ng dila ko…” Si Lucifer na seryosong nag-iisip.

Nakarinig na lang sila ng isang malakas na lagabog at paglingon nilang lahat ay nakahandusay na sa sahig si Asmo at walang malay.

Alam ko na! EXHALE!” Si Lucifer ulit.

=

Nang magkamalay si Asmodeus ay ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari.

“At yung pukenanginang lalaking yun! Di ko alam kung pano nya kami nahanap.” Si Asmo.

Ibig mong sabihin na may buhay pa sa lahi ni Solomon? Yung taong umalipin sa ating mga demonyo?” Si Beelzebub.

At matagal mo nang alam pero wala ka man lang sinabi samin?” Si Satan.

Ano namang gagawin nyo kung sakaling sinabi ko? Papatayin nyo sya? Alam nyo na di tayo puwedeng makialam sa kamatayan ng isang tao.” Si Asmodeus.

Pero nakagawa sana tayo ng paraan para di na umabot sa ganito. Tingnan mo, muntik ka pang mapahamak. Kung alam nya kung paano ka lalabanan, di malayong alam nya din yung kahinaan namin.” Si Mammon.

Posible nga yang sinabi mo. Malaking problema satin to.” Si Lucifer.

Ang totoo ay nalilibang ako sa kanya nung umpisa. Pero nung kalaunan ay ginamit nya na lang yung Sex Note para magpayaman at gawing makapangyarihan ang sarili nya. Naging boring na sya. Kaya itinakas ko yung Sex Note.” Kwento ni Asmodeus.

Pero nahanap nya kung sinong may-ari ngayon ng Sex Note at balak nya ulit itong kunin.” Si Leviathan.

Oo. At nasa panganib si Gerald ngayon.” Si Asmo.

Ako nang bahala. Di ako papayag na magkaroon ulit ng isang taong aalipin sa ating mga demonyo.” Sabi ni Lucifer bago naglahong parang bula.

===

Kasalukuyan…

Di makapaniwala sina Gerald at Ralph sa nilalang na nasa harapan nila ngayon.
Si Lucifer! Ang prinsipe ng mga demonyo!

Mula ka pala sa dugo ng pangahas na si Solomon! Ang taong umalipin sa aming mga demonyo! Ngayon ay pagsisisihan mo ang kasalanang ginawa samin ng ninuno mo!” Singhal ni Lucifer.

Dahan dahang umatras si Gerald papalayo kay Ralph habang tulala pa rin ito sa biglaang pagdating ng isa pang demonyo.

Mula sa anyong isang bata ay unti-unting tumangkad si Lucifer. Naging isa itong makisig na lalaking may ginintuang buhok at ang mukha ay kumikinang. Nagkaroon din ito ng pakpak na tulad ng sa anghel pero kulay itim na terno sa suot nitong itim din na Amerikana.

Itinaas ni Lucifer ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay may sumulpot na isang bolang apoy.

Wala na akong pakialam kahit pa makipag-giyera sa amin ang langit. Tuluyan ko nang buburahin ang lahi nyo sa mundong ito!”

Ibinato ni Lucifer ang bolang apoy sa direksyon ni Ralph.
Isang napakatinding liwanag ang biglang sumabog sa buong silid. Ilang segundo ring nanatili ang matinding liwanag na iyon bago ito unti-unting naglaho.

At habang papawala ang liwanag ay may tatlong pigura ang lumilitaw sa kinatatayuan ni Ralph.

Kumunot ang noo ni Gerald.

Maging si Lucifer ay natigilan din.

Kilala nila ang pigurang nasa gitna. Si Ralph iyon. Pero sa magkabilang tagiliran nito ay may dalawa pang pigurang higit na mas matangkad dito.
At mula sa tagiliran ng dalawang pigurang ito ay may biglang sumulpot. Mga pakpak na biglang bumuka!

Dito na tuluyang nawala ang liwanag at nabunyag ang anyo ng dalawang misteryosong pigura.

“Kamusta ka na, kapatid kong rebelde?” Wika ng isa sa mga pigura.

Matagal din tayong di nagkita mula nang itapon ka dito sa lupa.” Wika ng isa pa.

Kahit pa kumikinang ang mukha ni Lucifer ay bakas dito ang labis na pagkabigla. Tila may takot din na mababanaag mula rito.

Nilingon ng demonyo si Gerald.

Gerald! Halika na! Umalis na tayo!” Sigaw ni Lucifer.

Di agad nakakilos si Gerald sa labis na pagkataranta. Di nya din naiintindihan kung anong nangyayari.
Alam nya na isang demonyo si Lucifer pero nililigtas sya nito ngayon.
Basta sinunod nya na lang ang kutob nya at tumakbo papunta kay Lucifer.

Pero bago pa man sya tuluyang makalapit sa demonyo ay nahablot ni Ralph ang Sex Note mula sa kamay nya. At huli na ang lahat para mabawi itong muli ng binata dahil nahawakan na sya ni Lucifer at sila ay biglang naglaho na parang bula.

Hahahahahah! Hawak ko na ulit ang Sex Note! Ako na ang maghahari sa buong mundo!

Tiningnan sya ng dalawang nilalang na nasa tabi nya.

Ahm, ang ibig kong sabihin ay maitutuloy ko na rin sa wakas ang pangarap ni Solomon na gawing mapayapa ang buong mundo. Hehe…”

Binuklat ni Ralph ang notebook at natigilan sya nang makita ang pinakaunang pahina na kasunod ng guides nito.
Nagsalubong ang kilay nya at napatiim ang kanyang bagang.

Fuck!” Sigaw ng lalaki.

===

Sa isang abandonadong warehouse sumulpot sina Gerald at Lucifer.

Putangina!” Sigaw ni Lucifer sabay sipa sa isang luma at kalawanging lata.

A-anong nangyari dun sa apartment ko? Sino yung dalawang biglang dumating?” Tanong ni Gerald.

Tiningnan sya ni Lucifer pero di nito sinagot ang tanong nya. Bagkus ay…

Kailangan malaman ng lahat kung gaano kaseryoso itong problemang ito.” Sabi ng demonyo.

Naglakad sya patungo sa isang pader ng warehouse.

Walang nagawa si Gerald kundi sundan lang ito ng tingin.

Idinikit ni Lucifer ang hintuturo sa sa pader at nagsimulang gumuhit. Sa bawat madikitan ng daliri nito ay may naiiwang marka na nagliliyab.
Isang malaking bilog ang una nitong iginuhit.

Alam ko to…” Bulong ni Gerald sa sarili.
Gagawa sya ng pentagram at magbibigkas ng orasyon…”

Pero imbes na pabaliktad na star ang iguhit ay isang burat ang iginuhit ni Lucifer. Yung klase ng pagkakadrowing ng burat na parang gawa ng grade 1. May tig tatlong bulbol pa sa magkabilang itlog.

Halos mabilaukan si Gerald sa pagpipigil sa sariling matawa pagkakita sa drowing ni Lucifer.

Maya-maya ay pumikit ang demonyo at nag-concentrate. Huminga ng malalim at nagsimulang bumigkas ng orasyon…

Ang Na, Ang Na!” Simula nito.
Su La Ki Hin!”
“So Mas Ki Dot!”
“Mo Ko, Mo Ko!” Pagtatapos nya.

Nagsimulang tumindi ang apoy na nasa pader. Hanggang sa ang ginta ng bilog ay magsimulang bumuka at maibunyag ang nasa kabilang bahagi nito.

Ano yan?” Tanong ni Gerald.

Yan ang impiyerno. Ang kaharian naming mga demonyo.” Sagot ni Lucifer.
Nasan na ba yung mokong na yun?”

Ikinumpas ni Lucifer ang kamay at umusog ang view na ipinapakita ng mahiwagang bilog sa pader.

Iginala nya ito hanggang sa makarinig sila ng…

REQUEST BACK UP!

At nakita nila si Asmodeus na nakaupo at may hawak na smartphone.

Huy!” Tawag ni Lucifer dito.

Pero di sya pinansin ni Asmo.

Huy!” Tawag ulit ni Lucifer.

“Oh, bakit?” Sagot ni Asmo nang di inaalis ang paningin mula sa nilalaro.

May problema tayo.” Si Lucifer

INITIATE RETREAT!

Ano yun?” Si Asmo na tutok pa rin sa smartphone nya.

Tangnang yan! Itigil mo nga muna yan!” Inis na singhal ni Lucifer.

“Di pwede. Rank game to.” Sagot ni Asmo.

Putangina mo! May problema nga tayo! Asan ba yung iba?”

Ayan oh!” Si Asmo.

Muling ikinumpas ni Lucifer ang kamay at nakita nila ang iba pang demonyo na abala din sa paglalaro sa kani-kanilang devices.

Puta! Patay ako! Back! Uwi! Umuwi muna kayo!” Sigaw ni Lucifer.

ENEMY DOUBLE KILL!

Puta! Uwi sabi! Magsiuwi kayo!” Sigaw pa rin ni Asmo.

ENEMY TRIPLE KILL!

“Putangina! Uwiiii! Takbo sa baaaase! Tangina nyooo!” Gigil na si Asmodeus.

ENEMY MANIAC!

ENEMY SAVAGE!

“Putaaaaaa!”

DEFEAT!

“Puta talagaaaaaa! Mga bobooooooo!”

At sabay-sabay nagsigawan ang kakampi nyang mga demonyo.

PUTANGINA NYO! NAPAKABOBO NYO! KINGINA NYO! MGA KANSER!”

Nagsimula na silang mag-away at magsisihan.

Di naman na nakapagtimpi si Lucifer kaya sinigawan nya ang mga ito.

PUTANGINA NYO MAKINIG KAYO SAKIN!

Natahimik ang limang demonyo sa impiyerno at sabay sabay na napalingon kay Lucifer.

“Oh, andyan ka pala! Kamusta lakad mo?” Si Leviathan.

Pumunta kayo dito ngayon. May problema tayo.” Sagot ni Lucifer.

Bakit di na lang ikaw ang pumunta dito?” Si Beelzebub.

Kasama ko si Gerald. Alam nyong di pwedeng pumunta jan ang buhay na tao.”

Ganun ba? Tara na guys!” Si Asmo.

At magkakasunod na nagsulputan ang limang demonyo sa warehouse maliban pa rin syempre sa tamad na si Belphegor.

Anong nangyari sa lakad mo?” Tanong ni Asmo.

Ikinuwento ni Lucifer ang nangyari…

“At biglang dumating sina Raphael at Michael para iligtas yung taong yun.” Pagtatapos nya sa kwento.

Raphael at Michael?” Si Mammon.

Oo. Yung dalawang yun.” Si Lucifer.

Putangina! Kalaban na natin yung Ninja Turtles?” Si Mammon ulit.

WAPAK!

Isang malakas na dagok mula kay Satan ang tumama dito.

Putangina mo! Anong Ninja Turtles? Mga Archangel yung mga yun! Mga mortal nating kalaban!” Singhal ni Satan.

Ah sila ba? Kapangalan kasi nung Ninja Turtles eh.” Si Mammon habang kinakamot ang parteng dinagukan ni Satan.

Seryoso nga iyan. Di ko akalaing makikialam ang mga Archangel dito.” Si Asmo.

Si Gerald ay nasa isang tabi lang at manghang mangha sa nasasaksihan. Anim na demonyong tila nagmi-meeting.

Nasan yung Sex Note?” Tanong ni Asmo sa kanya.

Ha? Ah, eh… Naagaw ni Ralph sakin bago kami makatakas.” Sagot ni Gerald.
Tangina! Isa pang problema yan. Siguradong bantay-sarado nya na yun dahil aasahan nyang kukunin ko ulit yun.” Sabi ni Asmo.

Pero nakuha ko to…” Singit ni Gerald.

Napatingin ang anim na demonyo sa binata.

Dinukot ni Gerald ang kanyang pitaka mula sa bulsa.
Pitakang may kalumaan na pero napakatibay pa rin dahil ito ay pitakang gawa ng Seiko. Ang wallet na talaga namang maswerte. Kaya kung kailangan nyo ng pitaka, Seiko wallet ang piliin. Dahil ang balat nito ay genuine kaya napakatibay. International pa ang mga design kaya tiyak na magaganda.
Seiko wallet. Ang wallet na maswerte.

At mula sa kanyang Seiko wallet ay may binunot siya.

Teka… Tama ba ang iniisip ko? Yan ba ay…” Tanong ni Asmo na naputol sa pagsingit ng isa pang demonyo.

Condom?” Si Mammon.

Hindi…” Inilabas at binuklat ni Gerald ang kapirasong papel.

Alam ko na! Listahan ng utang?” Si Leviathan.

Hindi rin…” Sagot ng binata.

Pahina ba yan ng ng Sex Note?” Pagpapatuloy ni Asmo sa tanong nyang naputol.

Oo. Naisip ko kasi na nandito pa yung mga isinulat kong pangalan. Baka madamay sila kaya pinilas ko to.” Paliwanag ni Gerald.

Nyahahahahah! Isa ka talagang henyo! Nyahahahahah!” Sabi ni Asmo sabay akbay kay Gerald.

Tumawa din si Gerald at nagsitawanan na rin ang iba pang mga demonyo.

Napuno ng tawanan nilang lahat ang buong warehouse.

Teka, bakit ba tayo tumatawa?” Tanong ni Leviathan.

Di ko din alam. Basta nakitawa na lang ako. Bwahahahahah!” Si Beelzebub.

“Gyahahahahah!” Tawang muli ni Leviathan.

At nagtawanan muli silang lahat na parang mga tanga.

Natigil lang sila nang muling magsalita si Gerald.

Teka, pano nga pala ako? Malamang hina-hunting na ako ng mga yun kaya di na ko makakabalik sa apartment ko.” Sabi ng binata.

Oo nga noh. Di ka rin namin pwedeng isama sa impiyerno.” Si Asmo.

Saka kung totoong may mga anghel nga na tumutulong kay Ralph, ibig sabihin kahit saan ako magtago ay madali nila akong makikita.” Si Gerald ulit.

Tama ka rin dyan. Sa ngayon ay safe ka dito dahil natatakpan ka ng mga aura namin.” Si Lucifer.

Ganun ba? Eh di samahan nyo na lang ako.” Si Gerald.

Hindi pwedeng matagal kaming mawala ng sabay-sabay sa impiyerno. Baka agawin ng ibang mga demonyo yung mga teritoryo namin. Mga demonyo yun eh. Walang sinasanto.” Sagot ni Satan.

Pero may isang paraan para maiwan namin yung aura namin sayo.” Si Asmo.

Anong paraan yun?” Tanong ni Gerald.

Tinitigan syang mabuti ng demonyo.

Napanood mo ba yung My Hero Academia?” Tanong ng demonyo.

“Yung anime? Oo naman. Bakit?”

Bumunot si Asmo ng isang pirasong buhok sa kili-kili at inabot kay Gerald.

Yuck! Ano yan?”

Anting-anting yan. Kailangan mong kainin yan para masaniban ka ng aura ko at di ka makita nung mga anghel.” Sabi ni Asmo.
Kayo, bigyan nyo din sya ng buhok sa kili-kili nyo para mas maging mabisa ang epekto ng anting-anting.” Sunod na sabi nito sa ibang mga demonyo sa warehouse.

Nagkatinginan naman ang ibang mga demonyo at nagsipagngisian. Tapos ay bumunot sila ng tig-iisang buhok sa kanilang mga kili-kili at inabot sa binata.

Tinitigan ng binata ang mga hibla ng buhok sa palad nya. Halatang nag-aalangan ito.

Ganyan talaga. Buti nga ikaw yan lang gagawin mo eh. Si Ramon Revilla kung anu-anong mahihirap na pagsubok ang pinagdadaanan para lang magkaroon ng anting-anting.” Udyok ni Asmo.

Wala nang nagawa si Gerald kundi pumikit at isubo ang mga hibla ng buhok.

Nalunok mo na?” Tanong ni Asmo.

Oo.” Sagot ni Gerald na ibinuka pa ang bibig para ipakitang nalunok na nga nya ang mga buhok.

Pagkakita dito ay sabay-sabay na naghalakhakan ang mga demonyo.

Pukenang! Nilunok nya nga talaga! Gyahahahahah!” Si Leviathan na maluha-luha sa katatawa.

Bwahahahahah! Hayup ka talaga Asmo! Andami mong kalokohan!” Si Beelzebub.

Putangina nyo! Mga demonyo kayo!” Sigaw ni Gerald nang malaman nyang pinagtripan lang pala sya ng mga demonyo.

Demonyo naman talaga kami! Wuhahahahah!” Si Mammon.

Nyahahahahah! Pero wag kang mag-alala. Nasayo na yung aura namin. Di ka na nila matutunton dahil sa mga buhok namin sa katawan mo. Pero di talaga kailangang kainin yun. Kahit ilagay mo lang sa bulsa pwede na. Nyahahahah!” Si Asmo.

Nang matapos ang tawanan ng mga demonyo ay bumalik sila sa pagiging seryoso.

Balik na daw tayo sa pagiging seryoso sabi ni AdobongLamok.” Si Asmo.

Sige. So anong plano natin ngayon?” Si Lucifer.

Kung totoong hindi na nga nila ako matutunton, baka pwede muna akong mag stay sa hotel o motel. Dala ko naman yung Seiko wallet ko. Ang wallet na maswerte. At dahil maswerte, andito rin yung ATM at credit card ko.” Suhestiyon ni Gerald.

Hindi pwede. Delikado. Mahirap na.” Si Asmo.

Bakit naman?” Tanong ni Gerald.

Masyadong malawak ang sakop ng kapangyarihan nung lalaking yun. Nagamit nyang mabuti yung Sex Note nung mga panahong hawak nya iyon. Kaya di ako magtataka kung nakatimbre ka na sa lahat ng hotel at motel. Pati na sa mga bangko. Baka ma-trace ka nya kapag gumamit ka ng ATM o credit card.” Si Asmo ulit.

Wow! Techy ka na ngayon? May alam ka nang trace trace ngayon?” Si Mammon.

Oo. Napanood ko sa CSI.” Si Asmo.

Pero sino ba talaga yung taong yun? Totoo ba na galing sya sa lahi ni Solomon? Saka anong tunay nyang pangalan?” Tanong ulit ni Gerald.

Naglakad si Asmo at dumampot ng isang lumang kahon na gawa sa kahoy. Tapos ay naupo doon.

Halikayo dito guys. Magtipon-tipon tayo dahil ibabalik tayo ni AdobongLamok sa nakaraan sa pamamagitan ng isang flashback.” Sabi ni Asmo.

Nagtipon-tipon nga silang lahat habang unti-unting nagzu-zoom out ang camera at lumalabo ang imahe na dulot ng pagtransition sa bokeh effect…

Flashback in 3… 2… 1…” Sigaw ni AdobongLamok.

===

Labinlimang taon na ang nakakaraan…

Abala si Asmodeus noon sa pag-edit ng Fiendster layout nya nang bigla siyang makaramdam ng kakaiba. Di nya maintindihan. Tila may biglang lumukob sa kanya na malamig na hangin at tumawag sa kanya na kung ano.

Di nya muna pinansin ito dahil akala nya ay pinapagtripan nanaman sya ng mga kapwa demonyo.

Ilang araw ang nakaraan nang muli nya itong naramdaman.

Mga putangina nyo! Alam ko kayo yang nagttrip sakin!” Sigaw ng demonyo.

Pero walang sumagot. Pinakiramdaman nya ang paligid pero wala namang ibang demonyo.

Ilang araw muli ang nakalipas nang maramdaman nya itong muli.

Putangina! Kayo ba di titigil? Pag ako ang gumantis sa inyong mga hindot kayo tingnan ko lang…” Banta ni Asmo.

Pero muli ay walang sumasagot.

Ilang ulit nya pa itong naramdaman. Tig-iilang araw lang ang pagitan.

Putangina! Iba na to ah. May nagmumulto ba sakin? Minumulto ba ang demonyo?” Tanong nya sa sarili.

Hindi na maganda to. Kailangan kong malaman kung ano ba itong nararamdaman ko.” Sabi nya sa sarili.

Kaya nang mga sumunod na araw ay inabangan nya na ang muling pagsumpong sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Nakahanda na sya.

At nang muli nga itong dumating ay…

Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”
“Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”
“Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”

Asmo, ngayon na! Iwagayway mo ang titi ng malibog na kunehong kirat!” Sigaw ni Uncle.

Agad sinunod ni Asmo ang utos ni Uncle.
At mula sa hangin na nilikha ng pagwagayway ng titi ng malibog na kunehong kirat ay nabuo ang isang ipo-ipo.

Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”
“Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”
“Gu Mo Gok Yaw Fan Ji Tao”

Patuloy si Uncle sa pagbigkas ng orasyon nya.
At mula sa ipo-ipo ay may imaheng nabubuo.

Ayan na, Asmo! Nagpapakita na ang sanhi ng kakaiba mong nararamdaman! Tingnan mo na agad! Hindi ko kayang panatilihin yan ng matagal! Bilisan mo!” Sigaw ni Uncle.

Agad sinilip ni Asmo ang imahe sa ipo-ipo. At nanlaki ang mga mata nya sa kanyang nakita.

Buhay ka pa pala!” Bigkas ng demonyo.

At sa isang iglap ay nawala ang imahe.
Napaluhod si Uncle at hiningal.

Masyadong malakas ang kapangyarihan ng kung ano mang may gawa nyan sayo, Asmo. Pasensya na dahil hanggang dun lang ang magagawa ko.” Paghingi nito ng paumanhin.

Malaki na ang naitulong mo, Uncle. Maraming salamat.” Sabi dito ni Asmo.

Alam mo na ba kung anong may gawa sayo nyan?” Tanong ng matanda.

Oo, Uncle. Alam ko na. At totoo nga na makapangyarihan sya. Dahil ako ang may likha sa kanya.” Sagot ni Asmo.

Inilahad ni Asmo ang kanyang palad at mula doon ay may sumulpot na isang maliit na kahon.

Bilang pagtupad sa ating napagkasunduan, narito na ang hinihingi mo.”

Inabot ni Asmo ang sa matanda na agad nitong binuksan.

“Sa wakas! Napasakamay ko na rin! Ang ikalabintatlong agimat! Ang Agimat Ng Tungaw!” Sigaw ni Uncle.

Agad namang naglaho si Asmodeus para bumalik sa impiyerno.

Buong akala ko ay nawasak na iyon kasama ng templo. Pero buhay pa pala iyon! Ang notebook ni Solomon! At may taong gumagamit nito ngayon. Kailangan kong malaman kung sino iyon at kung paano nya nakuha ang notebook.” Bulong ni Asmodeus sa sarili.

Itutuloy…

======

P.S.

Ito po ang totoong karugtong ng “Sex Note 11”.

Yung “Kantot Kwaderno Espesyal” ay ginawa ko lang bilang pasasalamat sa pagsuporta nyo pa rin sa series na ito sa kabila ng kawalan ng erotic content ng mga nakaraang chapters. Bale ang title dapat nun ay Sex Note 9.5 pero hindi naman makatawag pansin yung ganung title kaya iniba ko.

Di naabot ang inaasahan kong 1 million views at 100k likes, hearts at comments. Siguro dahil di ko sinabing female author ako kagaya nung tip dun sa blog.

Pero kahit ganun pa man ay masaya pa rin ako dahil nagustuhan ninyo yung special chapter na iyon.

Kaya maraming salamat sa patuloy na pagsuporta.

Muli ay walang erotic content ang chapter na ito kaya humihingi nanaman ako ng paumanhin sa inyo.

Lalong lalo na sa mga umaasang makakapagparaos sila sa story na ito tapos umabot na sila ng pagbabasa dito tapos nabasa nila yung sinabi ko na “Muli ay walang erotic content ang chapter na ito”.
Awit!
Pero itinuloy pa rin nila yung pagbabasa hanggang sa umabot sila sa puntong ito tapos mapapangiti sila tapos sasabihin sa sarili na “Ako yung tinutukoy nito ni AdobongLamok.”

Kaya itutuloy-tuloy pa rin nila yung pagbabasa kahit walang kwenta na yung mga pinagsasabi ko dito kasi tutal malapit na rin namang matapos to.

Sa inyong mga nabigo ng chapter na ito, wag nyo po sana akong ireport sa admin.

Pasensya na rin kung di ko narereplyan ang mga comments nyo. Sinusubukan ko naman. Kaya lang ay palagi akong nagkakamali sa captcha.

Stay safe, all!<

Leave a Comment

>