ni BellaVictoria
“CCTV po dyan, Ma’am, Ser!”
“Promotion po, Ma’am, Ser! Free Installation pa!”
Paulit-ulit na sigaw ng promodizers na nagpa-part-time sa booth namin sa isang malaking tech expo sa World Trade Center. Medyo matumal ang bentahan ngayon dahil mas interesado ang mga consumers sa latest gadgets. Buti na lang at bukod sa CCTVs, may mga video recorders, digital cameras at drones din na binebenta ang stall namin.
Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang mga expo and exhibitions na ganito. Mainit kahit may aircon naman, crowded at bukod sa lahat maingay. Kung hindi lang dahil pinilit ako ni Daddy na tulungan sila, mas gugustuhin ko pa na sa office na lang at mag-manage ng business namin.
My name’s Bernard and I’m 35 years old. I’m single and very much ready to mingle. Kakabreak lang namin ng girlfriend ko of six months dahil, well it’s complicated! Kung gaano ka complicated? Naging isang malaking chain reaction dahil one time habang nagse-sex kami ng ex-girlfriend ko na si Sarah, she was doing a very good job sa paggiling on top of me. I got carried away at noong lalabasan na ako, pangalan ng ex ko ang naisigaw ko. Ang jerk lang diba?
Si Sophie (the ex-girlfriend) kasi… We were together for 4 happy years. Nakipag-break sya sa akin dahil she said she needs to “find herself”. Biktima rin ako ng bullshit “it’s me not you” lame reason na iyan. Few months after ng aming break-up I found out that she was seeing a girl. Not really as magkarelasyon, but she’s sleeping with that bitch of a lesbian.
Nasaktan ang ego ko, sinong lalaki naman na nasa tamang pag-iisip ang hindi? It went on for a while hanggang sa nabalitaan ko na kaya naman pala nakipag-close si Sophie dun sa girl ay dahil gusto nya mapalapit dun sa bestfriend/bandmate nung girl na nagkataon naman na classmate ng younger sister ko noong college.
Rumor has it na Sophie slept with the guy but in the end, he dumped her. She is now seeing another guy. Hanep diba dahil alam na alam ko? Madali lang iyan dahil may pakpak ang balita, plus I have eyes everywhere!
Patuloy pa rin sa pagsigaw ang promodizer ng CCTV Cameras namin. Halos malagot na yata ang hininga nya kaya tinawag ko muna sya at pinagpahinga.
“Alam mo ba weird ang behaviour ng mga consumer?” Tanong ko sa promodizer.
Mukhang tanga lang sya na tumingin sa akin, sarap batukan. Saan ba kasi nakuha ng HR namin ang kumag na ito?
“Pansinin mo sa mall, ayaw nila na sinu-sundan-sundan sila ng sales lady. At kapag may promotion naman kahit interesado sila sa isinisigaw ng sales staff sa labas ng store, hindi sila lalapit dahil natatakot sila na ma-hardsell sila.” Tatango-tango lang si kumag.
“Iikot-ikot muna sila tapos after a while babalik din sila sa shop mo. Kagaya nyang ate na iyon na naka floral na dress. Makita mo, babalik yan mamaya-maya. Kagaya ng iba, babalik din sila dito sa shop mamaya.”
“Eh boss paano kung hindi bumalik yung ate na naka floral na dress?” Aba! Nagsalita rin si kumag.
“Basta, babalik iyan. Kapag hindi, edi ililibre kita ng meryenda!”
“Sige boss, deal!” Masayang sagot ng kumag.
May dumating na mag-asawa na prospective buyer. Mabilis naman silang inintindi ni kumag na promodizer. May tatlo pang dumating na inasikaso naman ng isa pa naming staff. Pinagmasdan ko lang sila mula sa pagkakaupo ko at masaya ako dahil naka-attract din ang store namin ng prospective buyers. Inilabas ko ang phone ko at nag check muna ako ng Instragram, baka sakaling nag-post na ng picture ang mga babes na ini-stalk ko.
Thirty minutes later, successful na nakabenta ng dalawang unit ng CCTV si kumag na promodizer. Masaya naman sya dahil may porsyento sya dun. Masaya din ako dahil finally — money, money, money!
Bumalik ako sa pang-iistalk sa Instagram habang may dumating na naman na customer na kinausap ang promodizer namin. Napailing na lang ako nang makita ko si Sophie sa isang post ng common friend namin. Nanghihinayang ako sa apat na taon na pinagsamahan namin. Siguro hindi pa ako nakaka move-on totally dahil pakiramdam ko nagkulang ako sa kanya na kinailangan pa nyang “hanapin pa ang sarili nya”. Bullshit.
Habang nagmumuni-muni ako, dumating ang naka floral na dress na ate. Sinalubong sya ni Alan, ang promodizer. Napatingin pa sa akin si Alan sabay kindat. Iiling-iling din dahil walang libreng meryenda si kumag mamaya. Napatingin ako kay ate, maganda pala sya sa malapitan. Halos kahawig sya ni Barbie Almalbis na crush ko noong kasikatan nya sa OPM industry. Iba rin ang aura nya, hindi ko napigilan na mapatingin sa kanya once in a while.
Ngumiti sya sa akin at ako rin sa kanya. Ibinalik ko ang tingin sa phone ko dahil biglang nag text si Daddy, kinakamusta ang status ng shop. Mabilis akong nagreply, sabay tago ng phone sa bulsa ko.
Tumayo ako at lumapit kay Alan at sa ate na naka floral dress. Nakinig lang ako kung paano nagdedemo si Alan ng latest na CCTV sa kanya. Mas maganda pala sya kapag malapitan. Mala-porselana ang kanyang kutis at wala ka halos makitang kahit anong marka ng pimple or kung ano man sa kanyang mukha
“Hi Ma’am, ano pong maitutulong ko?” Singit ko pagkatapos mag-demo ni Alan.
“Ah, okay na. Na-explain na ng maayos nitong kasama mo dito.” Nahihiyang sagot nya.
“Mabuti naman kung ganoon.” Sagot ko sabay ngiti. Ngumiti rin sya sa akin. “Nakapag-canvass na po ba kayo sa iba pang stalls na nagbebenta ng CCTV dito?” Tanong ko ulit.
“Hmm.. yes.”
“Napansin nyo po ba na yung sa amin ang pinaka mura at mas high quality sa iba?”
Ngumiti lang si Ate.
“Bukod doon, we don’t charge installation fee kahit pa isang piraso lang ang bibilhin nyo. And dahil swerte ka ngayon miss, may additional promotion pa kami – may libre kang dalawang unit ng smoke detector.”
“Talaga? Hindi naman ‘yan na-mention sa akin kanina huh?” Medyo nag warm up na si ate, nakikipagbiruan na rin sya, kahit hindi naman ako nagbibiro.
“Ah pasensya ka na Ma’am…”
“Call me Claud.” Sabay abot ng kanang kamay nya para makipag-hand shake. Inabot ko naman iyon.
“Call me Maybe…” Sagot ko sabay pisil sa kamay ni Claud. Natawa sya. Lalo pala syang gumaganda kapag tumatawa.
“Hey, I just met you. But this is crazy!” Biglang sabi ni Claud. Patuloy pa rin ang pag shake hands namin.
Benta ang joke ko sa kanya kaya itinodo ko na. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya at kinuha ko ang stack ng calling card na nasa ibabaw ng glass display. Mabilis kong ini-abot ang card kay Claud.
“Here’s my number. Call me, Maybe.” Natatawa sya habang kinuha nya ang card. Binasa nya ito saglit and andun ang totoo kong pangalan.
“So Claud, going back sa item and promotion, three days naman kami here so you’re welcome to come back in the next days if you are still having second thoughts about it.”
“What if dalawa ang bibilhin ko na CCTV, that means may four units ako ng smoke detecter na free?”
“Yes ma’am!” Mabilis kong sagot. Napatingin lang si Alan sa akin.
“If that is the case, I’ll get two CCTV cameras yung pinaka compact na size lang.”
Sakto naman na mas dumami pa ang buyers sa store na napilitan si Alan na i-assist ng mga inquiries ng iba. Naiwan si Claud sa akin at isa-isa kong ipinakita sa kanya ang available na models that she can choose from. Matapos ang 30 minutes, nakapili na rin sya finally.
“Thanks Bernard for your assistance on this ha.” Mabait na sabi ni Claud. Kinilig ako ng slight for that.
“That’s nothing, Claud. Just pure customer service.”
“So kailan ako pwede magpa-schedule ng installation?”
“Three days later pwede na. Tatapusin muna namin ang expo ang we can arrange on that. Saan ba location mo?” Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanyang magandang mukha.
“Sa Parañaque. Sa BF.”
“O sakto, nasa isang village lang pala tayo. Ako na personally mag-install sa inyo kapag walang available na staff.” Sagot ko.
“Really? That’s awesome. Pero shall we make it on Saturday instead kasi I have work pa and wala naman ibang tao sa bahay.”
“Walang tao? You mean no hubby and kids or parents and siblings?”
Napangiti lang si Claud.
“Oh sorry, I know it’s a personal question. Forget about it, my bad.” Nag blush ako sa pagkapahiya ko.
“It’s alright.” Nakangiti pa rin sya. “And yes to your question. Kaya nga I need those CCTV cameras.”
“And that’s a very smart choice, Claud. Lalo na for single professionals like you. Especially sa panahon ngayon.” Kinuha ko ang tablet namin na pinagrerecord-an ng customer details and schedule. “Okay Claud, I just need you to fill this out and then We or I shall see you again on Saturday.”
Habang nagpi-fill out si Claud sa tablet, nalinga ko ang paligid ng stall at napangiti ako dahil sobrang busy ng mga staff ko. Good business today, kaya naman naisip ko na magpameryenda sa lahat.
“Here you go.” Iniabot sa akin ni Claud ang tablet. I checked her details and made sure na andun lahat ng address at contact details nya.
“That’s about it. I’ll see you soon, Claud.” Inabot ko ang kamay nya for another shake hands. Nagpaalam na rin sya kay Alan after.
Nakatitig pa rin ako kay Claud habang naglalakad sya palayo ng stall namin. Bigla naman lumapit si Alan sa akin.
“Sir, meron po ba talaga tayong free na smoke detector? Hindi ko ini-offer sa iba kasi wala naman iyon sa promotion natin…”
“Wala. Pero ako na bahala kay Claud.” Bulong ko kay Alan. Napatango na lang sya. “Yung sales nya sa iyo ko ipinangalan.” Pagpapatuloy ko. Napangiti na lang si Alan.
“Salamat Sir.”
“Edi bilib ka na sa akin?” Tanong ko kay Alan.
“Opo sir! Ang bangis nyo po!”
Tinapik ko si Alan sa balikat. At dahil nakita ko na maganda attitude nya sa work, kinausap ko sya at binigyan ng target. Pagkatapos ng exhibition namin at na-hit nya ito, sinabihan ko sya na iha-hire ko sya as trainee sa isa sa mga store namin.
As for Claud, excited na ako na dumating ang next Sabado.
To Be Continued.