Sya Si Booba by: zaryxrei

Sya Si Booba_Part 1

PAUNAWA: Ang kwentong ito ay tunay na nangyari at ang mga pangalan ng taong involve at lugar ng pinangyarihan ay sinadyang pinalitan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga tauhan. Read on….

===

Namamasukan ako sa isang pabrika ng electronics dito sa isang malaking bussiness park sa parteng Laguna. May asawa na ako, subalit wala pang anak, ng mangyari ang kwentong ito. Maalaga ako sa katawan kaya’t kahit nasa edad 35 na ako ay masasabing matikas pa rin ako. Kung itsura ang titingnan ay average lang ako, yung tipong hindi mo titingnan ng pangalawa kapag nakita mo. Subalit iba siguro talaga ang appeal ng mga lalaking mahuhubog ang katawan, yung tipong lean muscle lang at hindi talaga yung parang pang-wrestling. Mahilig akong magsuot ng mga body hugging na damit upang ika nga ay i-display kung ano man ang asset na meron ako.

Sapagkat ako ay 35 na, ang trabaho ko ay nasa opisina. Hindi na kasi ako pwedeng ma-hire na production operator dahil lampas na ako sa limit na edad. Dagdag pa at mejo may alam ako sa computer softwares kaya naging technical support ako sa mga office personnel. Typical ang araw-araw na routine ng trabaho ko. Magra-round sa umaga sa production area tapos aakyat na sa office kung saan merong lamesa na nakalaan sa akin. Boring na nga minsan dahil talagang iyon at iyon lang talaga ang trabaho ko. Subalit kailangang magtyaga kasi nga ang hirap maghanap ng bagong trabaho bukod sa panibagong pakikisama na naman sa mga ka-opisina. Dahil maliit lang naman ang office namin, halos magkakasama na ang Accounting, HR at ang Tech. Support department.

Kakaiba ang araw na iyon sa aming company. Papasok pa lang ako sa gate namin ay napansin ko na kaagad ang mga nakapilang kababaihan at kalalakihan na pawang mga aplikante. Kalimitan sa kanila ay nasa edad 18-19 yrs old lang, o baka nga may mas bata pa ang edad. Naalala ko na nagpaskil ang HR Department namin ng advertisement para sa mga dagdag na production operator noong isang araw. Halos hindi ako makapasok sa dami ng aplikante. Naisip ko na ganito na ba talaga karami ang walang trabaho at talagang pinag-aagawan ang iilang pwesto para lang kumita? Pagkatapos ko mag-time-in ay diretso na ako sa office namin para maghanda sa morning round sa production area.

“Jerry, pwede bang pakitulungan naman ako?”, pakiusap ng HR namin. Sya si Rose, Ma’am Rose kung tawagin namin. Sexy sya, maputi at balingkinitan ang katawan. Ang alam ko ay hiwalay na raw sa asawa at may isang anak, subalit sya ay super hot na MILF. Palaging labas ang pusod sa hanging shirt na suot at hipster na maong pants.

“Yes ma’am”, agad na sagot ko sabay kuha ng mga papel na naka-ipit sa braso nya. Hindi sinasadya ay nadagil ko ang suso nya, biglang nanigas ang manoy ko pero hindi ko pinahalata. Ngunit hindi nakaligtas kay ma’am Rose ang nangyari at ngumiti lang sa akin. Sa hiya ko ay yumuko na lang ako.

“Saan ko po ba dadalhin to?”, balik tanong ko. Sa aking pagkakatitig sa mga papel ay nalaman kong mga test questions pala yon.

“Dun na lang sa canteen natin. Marami kasing mag-e-exam ngayon. Hindi magkakasya kung dito sa office ko gagawin ang exam.”, sagot nya.

Dinala ko ang questionaires sa canteen at nilubos ko na rin ang pagtulong. Inilagay ko isa-isa ang mga papel sa mga bakanteng lamesa. Maya-maya pa ay pumasok na si Ma’am Rose at kasunod na rin ang mga aplikante. Sa aking pagmamasid ay may umagaw sa aking attention. Morenang babae, katamtamang taas at talaga namang apaw ang hinaharap. Ika nga ng iba ay “kapus-palad”. Bigla na namang napukaw si manoy sa ganda ng tanawin ko. Mistulang napako na ang mata ko sa babaeng iyon na habang naglalakad ay ni hindi man lang umaalog ang dalawang matikas na hinaharap. Naisip ko na naka-push up bra to. Habang papalapit sya sa kinaroroonan ko ay mas lalo ko syang nabistahan. Hindi lang pala ang suso ang panalo sa kanya, pati na rin ang umbok ng pwet at kurba ng balakang. Maganda rin ang mukha at sa tantya ko ay mga 19 years old lang sya. Pag tapat nya sa akin ay nginitian nya ako. Awtomatiko rin akong napangiti sa kanya at sabay baling ng tingin ko sa iba pang aplikate, iniisip ko na baka nahalata nya akong nakatitig sa kanya.

Subalit hindi ako mapalagay, crush ko na kagad sya. Itiniim ko sa isipan na kailangang makilala ko sya. Di man sya pumasa sa exam at hindi makapasok sa company namin, kailangang makilala ko sya…

ITUTULOY


Add a Comment

Your email address will not be published.