Sya Si Booba_2 by zaryxrei

Sya si Booba – Part 2

PAUNAWA: Ang kwentong ito ay tunay na nangyari at ang mga pangalan ng taong involve at lugar ng pinangyarihan ay intentional na pinalitan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga tauhan. Read on….

===

Lumipas ang tatlumpung minuto at natapos na ang kanilang written exam. Isa-isa ng sinamsam ni Ma’am Rose ang mga answer sheets. Binilinan nya rin akong ako na ang magligpit ng mga questionaires.

“Jerry, pakiakyat mo na rin sa itaas ang mga yan. Sa mga applicants, pakihintay na lang ang test results at ipapaskil ko sa labas ng canteen ang listahan ng mga nakapasa.”

“Hi, ako si Jerry”, bati ko sabay abot ng kamay ko sa babaeng crush ko pagkakuha ng questionnaire nya.

“Joana po manong.”, sabay abot din ng kamay nya.

“Wahhh..Manong talaga?”, panunudyo kong sabi habang nakikipagkamay sa kanya.

“Ay sorry po, nininerbyos kasi ako. Di kasi ako sigurado kung makakapasa ako sa exam. Kailangan ko kasi talaga ng trabaho e.”, hinging paumanhin naman nya.

“Ngek, ok lang. Sa totoong matanda na naman ako e. Don’t worry, sigurado akong makakapasa ka don. E kita mo nga parang di ka naman pinawisan dun sa exam?”, palakas loob ko sa kanya.

Napangiti na lang si Joana sa sinabi ko, “Sana nga po makapasa ako.”

“O sya sige at iaakyat ko na muna to. Huwag kang mag-alala at titimbrehan kita kung ano ang sitwasyon ng test results mo.”, sabay gitgit ko sa puwang sa may bandang harapan nya. Biglang nanigas ang buo kong katawan ng madagil ko ang kanyang naguumapaw na dibdib. Sobrang lambot sa pakiramdam at napagtanto ko na hindi sya nakapush-up bra. Parang natural na ganon talaga ang suso nya, tayung-tayo. Nagpatay malisya na lang ako na parang walang nangyari at di ko sinasadya. Hindi na rin naman sya kumibo at umatras sya ng konti upang lakihan ang puwang sa pagitan naming dalawa para makadaan ako. Palihim ko pa ring sinulyapan ang dalawang bundok nya noong ako ay dumaan sa puwang sa pagitan namin. Talaga namang nakakagigil po! Tungayaw ng utak ko…

“O Jerry pakilagay mo na lang dyan sa ibabaw ng mesa ang mga questionaires. Pwede bang humingi naman ng tulong uli sayo?”, si Ma’am Rose.

“Ok lang po Ma’am. Wala namang problema sa production area kaya wala pa rin akong trabaho. E, ano po ba ang maitutulong ko?”, sagot at tanong ko naman.

“P’wede ba na tulungan mo akong mag-check nitong mga exam ng applicants?”, magiliw na sagot ni Ma’am Rose.

“Aba opo yon lang pala e.”, hindi na ako nagdalawang isip. Ito na ang pagkakataon para magpabida kay Joana. Sisilipin ko ang exam nya para matimbrehan ko kagad sya kung ano ang result.

“O sya eto ang answer sheet at eto kunin mo ang kalahati ng test papers.”, nakangiti namang sagot ni Ma’am Rose.

Siguro ay praning lang talaga ako o talagang may nahahalata ako kay Ma’am Rose. Para bang giliw na giliw sya kapag ako ang kausap nya. Parang palaging may kislap ang mata nya kapag nakatingin sa akin. Hmmm…, di kaya kursunada ako nitong babaeng to? Well, di na rin masama kapag nagkataon.

Huling test paper na ang tsi-chek-an ko. Hindi ko pa rin nakikita ang pangalan ni Joana. Ngunit laking tuwa ko na ang huling test paper pala ay kay Joana. Binilisan ko ang patsi-check para malaman ko kagad kung nakapasa ba sya o hindi. Muli ay napangiti ako ng makitang 40 out of 50 items ang nakuha nya. Ibig sabihin ay pasado si Joana sa written exam. Yahoo! Sigaw ng isip ko, maha-hire na sya dito sa company namin. Ibig sabihin ay araw-araw ko ng makikita ang mga “kapus-palad” nyang suso. Haysss…, nakakagigil talaga, muling pumasok sa isip ko.

Subalit biglang napalis ang tuwa ko kasi meron pa nga palang interview. Paano kung di makapasa si Joana sa interview? Aba, hindi pwede to! Kailangan na siguruhing makapasa sya. Nag-isip ako ng paraan kung paano nya maipapasa ang interview. Sinulyapan ko si Ma’am Rose at seryoso pa rin sa pagtsi-check ng mga test papers.

“Ma’am Rose.”, untag ko sa kanya. “Tapos na po ako dito sa mga test papers.”, sabay abot sa kanya.

“Ang bilis mo naman?”, nakagiting sagot sa akin ni Ma’am Rose.

“Ma’am, ano pong miryenda ang gusto nyo? Ibibili ko kayo sa canteen.”, tanong ko sa kanya.

Nag-angat ng paningin at matiim na tumingin sa akin si Ma’am Rose. Nagtataka at waring iniisip kung bakit ko sya ililibre ng miryenda.

“Huwag na Jerry, sa totoo lang e ikaw dapat ang ilibre ko kasi tinulungan mo ako e.”, sagot nya.

“Hindi po Ma’am. Ako na po ang maglilibre sa inyo.”, giit ko naman.

“Hmmm…, may kailangan ka ba sa akin Jerry?”, tanong uli ni Ma’am Rose.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Para akong bata na nasukol habang may ginagawang kabulastugan.

“E, Ma’am may ipapakiusap sana ako sa inyo.”, alanganing sagot ko.

“Ano naman yon?”, nakangiti na sya ngayon.

“Gusto ko po sanang arborin yung Joana Marasigan. Kasi po ay pinsan ko yon at kailangan lang talaga ng trabaho.”, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa pagsisinungaling ko.

“Hmmm…, teka tingnan ko ang test score nya.”, sabay buklat nya ng mga test papers.

“Well, mukang OK naman sya at mataas ang test result. O sige, ako na ang bahala sa kanya. Basta sikreto lang natin to ha? At saka di mo na ako kailangang ilibre, consider this na utang mo sa akin at balang araw ay maniningil ako sa yo.”, makahulugang sagot at sabay pilyang ngiti nya sa akin.

Bagamat ibinaba na nya ang tingin nya sa kanyang tsini-check-an na test papers ay napansin ko pa rin na parang hinagod nya ako ng tingin mula dibdib at naghangga sa pagitan ng aking hita. Bigla akong nilukuban ng kilig hindi dahil pinagbigyan nya ang hiling ko kundi parang nararamdaman ko ang mga titig nya na hinahaplos ang aking pagkatao.

Nagmadali na akong bumaba sa canteen para ibalita kay Joana ang test results nya. Nakita ko si Joana na nakaupo sa isang stool sa loob ng canteen habang nagmimiryenda sya. Bakas pa rin ang kaba sa mukha nya dahil siguro sa hindi sya sigurado kung ano ba ang resulta ng exam nya.

“Hi.”, bati ko sa kanya sabay hatak ng isa pang stool na nasa ilalim ng lamesa. Di ko na hinintay na yayain pa nya akong makiupo sa lamesa nya.

“Jerry.”, tipid nyang sagot sa akin.

“Ayos na, pasado ka sa written exam.”, masaya kong banggit na pabulong sa kanya. Baka kasi marinig ng ibang aplikante.

“Talaga?!”, masaya at namimilog ang kanyang mata sa sinabi ko.

“Shhhhh…., oo nga.”, sawata ko sa kanya habang nakangiti ako.

“Hayyyy… sa wakas may pag-asa na akong magkatrabaho.”, natutuwang sagot ni Joana.

“At saka, wag ka na mag-alala sa final interview mo. Inayos ko na rin kay Ma’am Rose yun. Ang sabi nya e pasado ka na raw at pormalidad na lang ang interview mo mamaya.”, dagdag ko pa.

“Talaga?!”, bulalas ni Joana. “Jerry, maraming salamat sa tulong mo ha? Kailangan ko kasi talaga ng trabaho e.”, halos maiyak pang sabi ni Joana.

Siguro dahil sa tuwa ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa itaas ng mesa. Nanigas na naman ang katawan ko, at higit sa lahat ay ang manoy ko. Ngayon ko lang napagtanto na talagang kakaiba ang epekto ng babaeng ito sa aking pagkatao. Ramdam ko ang init at lambot ng kanyang mga palad. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Ilang segundo rin akong nakatingin at saka pa lang nya binawi ang kanyang kamay.

“Ay, sorry Jerry.”, hinging paumanhin ni Joana. “Di ko lang kasi napigilan ang sarili ko dahil sa sobrang tuwa na may chance akong magkaroon ng trabaho ngayon.”, dagdag pa nya.

“Wala yon Joana. Sa totoo lang e you deserve it kasi mataas naman ang nakuha mo sa written exam.”, ngiting sagot ko naman.

Maya-maya lang ay halos parang isang tao na nagsilapitan ang mga aplikante sa nag-iisang bulletin board sa labas ng canteen. Ipinaskil na kasi ni Ma’am Rose ang result ng exam.

“O hindi mo ba titingnan yung test result?”, nakangiti kong tanong kay Joana.

“Hindi na, may tiwala naman ako sa yo e.”, nakangiti ring sagot ni Joana.

“Sir Jerry, may problema po kami sa isang computer sa production area.”, panirang moment ng isang operator.

“I have to go.”, sabi ko kay Joana. “Call of duty e.”

“Ok lang, salamat sa tulong mo ha?”, si Joana.

“Ano ka ba, wala yon. You deserve it.”, sagot ko sa kanya. “O paano, good luck na lang sa interview mo mamaya ha? Baka di na kasi tayo magkita bago ka umalis kasi usually pag may trouble ang computer sa production area ay talagang mejo matagal ayusin.”

“Ok sige, salamat uli.”

ITUTULOY

Please like and comments… Salamats…
Para sa mga nag-comment sa Part 1, salamat mga Braders… Eto na ang karugtong…

Scroll to Top