ni BadJojoDotCom
Disclaimer: ito po ay kathang isip lamang. Anumang pangalan, lugar, at pangyayaring may pagkakahalintulad sa inyong mga personal na buhay ay pawang nagkataon lamang at hindi po sinasadya ng may akda.
“Tatlong beses mo akong pinatay”
Hindi tulad ng sa kantang Isang Linggong Pagibig, Linggo tayo nagkakilala.
Araw ng simba noon, naalala ko pa ang bawat pangyayari. Noong ako’y iyong lapitan habang ako’y papalabas ng simbahan at bumubili ng sampaguita.
Inabot mo ang iyong kamay at nakipagkilala. Sinabi mo ang iyong pangalan, at ganun din ako. Ang gaan sa pakiramdam habang kausap kita. Hindi ko na lang namamalayan na mag-gagabi na pala.
Lumipas ang mga araw at nagkapalagayan tayo ng loob. Naging mas madalas ang pagkikita natin. Sa tuwing kasama kita, tila langit ang pakiramdam. Nasasabi ko na lang sa sarili ko minsan na, “Oo, tama. Ito na ‘yung lalaking makakasama ko habang buhay.”
Hindi nga nagtagal ay nagtapat ka sa akin ng iyong pagibig. Ako naman si gaga, sumagot agad ng “Oo, tayo na.”
Naging maayos ang ating pagsasama bilang magnobyo’t magnobya.
Hindi rin nagtagal at namanhikan ka na kila mama at papa. Nagustuhan ka naman nila, lalo na ang aking kuya. Paano ba naman kasi, panay bigay ka ng panigarilyo’t pangtoma. Nakuha mo agad ang loob ng aking pamilya. Kaya naman ‘di na tumagal ng ilang buwan nung hayain mo na akong magpakasal na.
Araw ng kasal natin, ito ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Kung saan nangako tayo sa harap ng altar na mamahalin natin ang isa’t isa. Isinuot mo sa akin ang gintong singsing, at pagkatapos ay hinalikan nang puno ng pagmamahal.
Unang gabi natin bilang mag-asawa, buong pagkatao ko’y binigay ko sa iyo. Buong kaluluwa. Lahat lahat ng sa akin. Puno ng pagmamahal ang ating pagsasanib ng katawan. Ramdam ko kung gaano ka kasabik na ako’y maangkin. Ang pinaka iingatan kong yaman ay iyong nakuha. Ipinalasap mo sa akin ang rurok ng kaluwalhatian.
Lumipas ang ilang buwan, nang nagsimula kang magbago. Mabait ka pa rin naman. Responsableng asawa. Pero nagbago ka. Nagbago ka sa kama. Naging marahas at brutal ka. Sa tuwing tayo’y magniniig, halos mawasak ang katawan ko. Sagad na sagad ang titi mo sa puke ko. Kulang na lang yata ay isama mo pati bayag mo.
Lumipas ang mga araw at mas lalo kang lumala. Wala ka nang pinipiling oras at lugar. Kung saan ka tigasan, doon mo na lamang ako itutuwad at itataas ang suot kong daster at ibaba ang aking panty sabay kakantutin mo nang malalakas. Sa tuwing babayo ka, halos magiba ang aking katawan. Parang nabubugbog ang labi ng puday ko sa tuwing kakadyot ka. Hindi rin natatapos ang gabi na hindi napupuno ng tamod mo ang aking biyak. Kung minsan ayaw mo rin akong pagsuotin ng panty pag nasa loob ng bahay.
Sa totoo lang, natutuwa ako at mainit ka pa rin sa akin. Natutuwa ako sa tuwing napapasaya kita sa tuwing pagkatapos mo akong kangkangin.
Pero nitong nagdaang mga araw, sa tuwing tayo’y nagkakantutan, kapag katapos mong labasan ay bigla mo na lang hahatakin ang iyong burat mula sa pagkakabaon sa aking pekpek tapos ay tatalikod sa akin at matutulog na. Ni hindi mo na ako hinihintay makatapos bago ka labasan tulad ng dati mong gawi. Naisip ko na lang na baka pagod ka sa trabaho at ‘di mo na ako kayang sabayan pa.
Pero lumipas pa ang mga araw na tila medyo lumalamig na ang pakikitungo mo sa akin. Hindi ka na nagkekwento tungkol sa iyong trabaho tulad ng dati. Dito na ako nagsimulang kutuban. Naisip ko na baka may iba ka. Ito kasi ang sinasabi ng mga kaibigan ko na “signs” kapag may kabit ang aming mga mister.
Nagsimula akong magimbestiga. Sa trabaho mo, kaibigan mo, at sa mga taong nakakasalimuha mo.
Isang araw nagpaalam ka sa akin na gagabihin ka dahil “overtime” kayo ngayon sa office. Hinintay kong sumapit ang regular na oras ng labas niyo sa opisina habang naghihintay sa labas ng tarangkahan ng pinagtatrabahuhan niyo.
Kalahating oras ang lumipas mula noong oras ng regular working hours mo at wala ngang lumabas. Nasabi ko na lang na baka nga tamang hinala lang ako’t nag-overtime ka lang talaga. Paalis na sana ako nang biglang may narinig akong mga taong papalabas. Dalawang uri ng boses. Lalaki at babae.
Pero dito na ako kinabahan. Nakilala ko kasi ang boses ng lalaki. Boses mo ito! Maya maya lang at lumabas na ang dalawang tao, tama nga ako, lalaki at babae. Magka-akbay. Naghaharutan. Nagtatawanan.
Dito na tumulo ang aking luha. Ang mahal kong asawa, may kasamang iba. Nagtataksil ka sa akin.
Ito ang una. Ang unang pagpatay mo sa akin.
Hindi ko kayo sinugod dahil ayaw kong magmukhang walang pinag-aralan. Ang ginawa ko’y umuwi ng bahay at hinintay ko ang iyong paguwi. Pagdating mo ay saka na lang kita kakausapin.
Pero namuti na’t lahat lahat ang aking mata ngunit hindi ka umuwi. Maghahating-gabi na at nakatanggap ako ng text message mula sa’yo.
“Hon, sensya na. Bukas na siguro ako makakauwi. Nag-aya ang boss ko nang konting inuman. Hindi naman ako makatanggi.”
Dahil sa nabasa ko ay lalo lamang sumidhi ang sakit na aking nadarama. Nagsisinungaling ka sa akin.
Nagreply ako sa iyo,
“Ow ok lang, hon. Wala din ako sa bahay, nandito ako kila mama. Umalis kasi si papa kaya nagpasama muna sa’kin si mama na matulog dito sa kanila.”
Pagsisinungaling ko upang hindi ako magmukhang loser.
Kinabukasan nagising ako. Lumabas ako ng kwarto nang makita kitang natutulog sa sofa. Inisip ko na baka sa sobrang kalasingan mo’y hindi ka na nakaabot pa sa ating kama.
Nilapitan kita’t kinilatis. May nakita akong kulay pulang marka sa kuwelyo ng iyong polo. Dito ko nakita ang tila marka ng mga labi. Pero kahit ano pa ang nakita ko’y isinawalang bahala ko ito. Patungo ako ng banyo upang kumuha sana ng bimpo na panghilamos mo nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob nito. Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang isang babaeng nakatapis lamang ng tuwalya ang katawan. Tila bagong paligo ito. Ito ‘yung babaeng nakita kong kasama mo kahapon. Siguro akala mo’y wala talaga ako sa bahay kaya naglakas loob kang isama dito sa bahay ang kabit mo. Alam mo ba kung gaano ito kasakit? Sobrang sakit! Na parang madudurog ang aking puso.
Ito ang ikalawang beses. Ang ikalawang beses na pagpatay mo sa akin. Nagawa mo pang isama ang kalaguyo mo dito sa bahay natin.
Sinampal ko nang pagkalakas lakas ang babaeng haliparot. Saka ko tinanggal ang nakatapis na tuwalya at kinurot ang kanyang mga utong. Pinasipol ko siya. Hindi ako tumitigil hangga’t hindi nakakasipol ang kabit mo.
Nang makasipol siya, sinabunutan ko ang kanyang mga bulbol sa puke. Hinatak ko ito nang malakas na halos mahugot na ang mga ito. Umiiyak na sa sakit ang malandi mong kabit.
Ito ba ang ipagpapalit mo sa akin? Ang lago ng bulbol sa pekpek. Parang pekpek ng diablo. Walang panama sa puke kong mabalahibong pusa lamang at pikit na pikit pa. E eto ay halos buka na.
Matapos kong mapaiyak ang bruha, pinalayas ko siya nang hubo’t hubad. Pero nagalit ka pa sa akin. Anong ginawa mo? Sa halip na kayo ang lumayas, ako pa ang pinalayas mo at sinusumbat mong iyo ang bahay. Hayup ka! Magsama kayo ng kabit mong laspag ang puday.
Tatlong beses. Ito ‘yung pangatlong beses na pagpatay mo sa akin. Ang tuluyang piliin ang babaeng kabit mo kaysa sa akin. Binalewala mo ang ilang taong pagsasama natin. Hindi ka tumupad sa ipinangako mo sa harap ng altar. Wala kang isang salita. Puro ka lang tamod, pero wala kang bayag. Hindi mo binigyang halaga ang mga hirap at sakripisyo ko para sa iyo. Tinapos mong lahat ng iyon dahil lamang sa tawag ng laman na kung tutuusin ay kaya ko namang ibigay.
Lumipas ang ilang buwan mula noong tayo’y maghiwalay. Nakapag-isip isip ako nang maayos. Kakalimutan na kita. Kakalimutan ka na namin. Oo, “namin”. “namin ng anak natin.” tama ka. Buntis ako nang maghiwalay tayo. Susurpresahin sana kita noong araw na iyon pero ako ang iyong nasurpresa.
Pero huwag kang mag-alala. Hahayaan kitang mabuhay kasama ang kabit mong makati pa sa gabi. Hahayaan kitang kamutin ang nangangati niyang pekpek. Wala na akong pakialam sa iyo. Sa inyo ng kabit mo. Tanging iintindihin ko na lamang ngayon ay ang magiging anak ko.
Ngayon, nasa hospital ako’t katatapos ko lang maisilang ang isang anghel. Kasama ko sila mama at papa. Masayang masaya sila at nailuwal ko nang maayos at ligtas ang bata.
Nang makita ko ang mukha ng munting sanggol, dito ko napagtanto.
Pagkatapos mo akong patayin nang tatlong beses, nabuhay ako nang ilang milyon ulit pa kasama ang mga mahal ko at tunay na nagmamahal sa akin.