Chapter 4: “Her Lover”
“Could I have another stalker?” natanong ni Hannah.
“We still don’t know yet sis.” Sagot ni Marjorie.
Magkatabi sila sa loob ng classroom habang hinihintay dumating ang teacher sa unang subject.
“Gosh, what am I supposed to do? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ibang stalker ito, maaari kasing tulad ng nauna ay man-threaten din it ito sa bandang huli at bigyan din ako ng kung anu-anong bagay.”
“Posible nga iyan sis.”
“Natatakot na akong masyado, pakiramdam ko kasi kahit saang lugar ako pumunta ay nanganagnib ang buhay ko. I’m not safe anymore. Do you think I need to go somewhere else?”
“What do you mean?”
“Magtratransfer na lang ako ng school, sa ibang lugar na lang ako titira.”
“What? At saan naman ‘yan?”
“Ewan, may townhouse naman kami sa San Alonzo, doon na lang siguro.”
“Di ba malayo ‘yun? No sis. Dito ka lang.”
“But—-“
“We will find your stalker. And besides, ayaw kong mawala ang best friend ko sa akin.”
“Hindi naman ako mawawala eh, lalayo lang ako.”
“Kahit pa!”
Ilang sandali pa ay nag-ring na ang bell at pumasok na si Mr. de Lima na teacher nila sa English. Habang nagtuturo ito ay panay ang sulyap kay Hannah. Napapansin naman ito ni Marjorie kaya nagtitigan ang magkaibigan. Pagkatapos magturo ay lumabas ang dalawa.
“What’s wrong with our teacher? Tingin ng tingin sa’yo.”
“Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman ganyan ‘yun dati si Sir, he’s creeping me out.”
Hindi sila nagmamalay na nasa likuran lang pala nila ang kanilang guro. Nabigla sila nang akbayan sila nito, “Hi girls! What are you talking about?”
“Ay si-sir, nand’yan po pala kayo. Nothing po.”
“Uhm, Ms. Ortiz, pwede ko ba munang makausap itong si Ms. Lorilla? May sasabihhin lang ako.”
Hindi alam ni Marjorie ang isasagot kaya napatango na lang ito at lumayo samantalang gumilid naman ang dalawa.
“Sir, ano pong sasabihin ninyo?”
“Napansin ko kasi na parang may iniisip ka. Bumaba rin ‘yung exam mo. Is there something wrong?”
“Na-naku Sir, wa-wala po. I’m okay, napuyat lang po ako siguro kagabi.”
“Ah okay, good to hear that you’re okay, next time wag magpupuyat, matulog ng maaga, if you need to talk to someone, I’m here.” Sabi nito at ibinigay ang calling card pagkatapos ay umalis na. Agad siyang nilapitan ni Marjorie.
“Anong sabi sa’yo?”
“About lang sa mababang grade ko sa exam noong nakaraan sa subject n’ya tapos ibinigay itong calling card n’ya.”
“Hmmmm, may kakaiba kay sir, hindi kaya may gusto sa’yo ‘yun?”
“I hope wala.”
“Hay naku sis! Sobrang ganda mo kasi! Ayan tuloy mainit ka sa mata ng mga lalake.” Pabirong sabi ng kaibigan.
Nasa library sila at nagreresearch nang tabihan sila ni Daniel. “Hi friends! Anong ginagawa ninyo?” tanong nito.
“Can’t you see we’re having a research?” sagot ni Marjorie.
“Uhm, Danny, what do you need?”
“Itatanong ko lang sana kung nakita n’yo si Randy.”
“Hindi eh. Saka Danny, lagi ka na lang nakabuntot sa boyfriend ko. Para siyang may side kick.”
“Eh what’s wrong with that?”
“To be honest Danny boy, everything’s wrong with that. Para ka na tuloy asong sunud ng sunod dun sa tao.” Naiinis na sabi ni Marjorie.
“Heto namang si Marj, ang harsh. Hindi nakakatuwa ‘yung joke mo ah.”
“Do I looked like I’m joking?” wika nito habang nakaismid.
“Oh well, sabay ako mamaya sa inyo pag-uwi huh, hanapin ko lang si Randy.” Wika nito t lumabas na ng library.
“Oh dear, I really don’t like his guts. Eh ikaw ba Hannah?”
“Hindi naman, he’s kind nga eh.”
“Anong kind? He’s such a retard! Akala n’ya talaga nagbibiro ako sa mga sinasabi ko sa kanya. Sabihan ko nga ‘yang si Randy na lumayo na sa taong ‘yun. Naku Hannah, lumayo ka dun ha, feeling ko may binabalak na masama ‘yun sa’yo.”
“Hindi naman siguro.”
“Hay naku bahala ka, sinasabi ko sa’yo.”
Nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa.
Pagkatapos ng klase ay agad na lumabas sila ng campus, subalit nakaabang pala si Daniel sa may gate ng unibersidad kaya hindi rin nila ito naiwasan. “Girls, uuwi na baa gad kayo?”
“Ah oo Danny. May gagawin pa kasi kami.” Sagot ni Marjorie.
“Sayang naman. Kain muna tayo sa labas! Nasa Santa Cruz pala si Randy kaya wala siya ngayon. May inaasikaso lang.”
“Oo Danny, alam namin ‘yan.”
“Bakit hindi n’yo naman agad sinabi sa akin. Kanina ko lang nalaman nung tinawagan ko na.”
“Sinabihan ko kasi ‘yun.”
“Sinabihan na ano?”
“Wala.” Sambit nito at hinila si Hannah palayo.
“Hey girls! Kain muna tayo oh!”
“Busy much kami Danny!” sigaw ni Marjorie. Napakamot na lang ulit ng ulo si Daniel.
***************
Sa isang bahay ay matatagpuan ang isang basement. Nakadikit sa dingding ang mga larawan ni Hannah, kuha sa iba’t ibang bahagi ng school. Mapapansin sa mga larawan na stolen ang lahat ng mga ito. Sa harap ng mga ito ay nakatayo ang isang taong naksuot ng itim na hoodie, hawak ang isa pang nadagdag na larawang kuha niya kanina lang.
“Mahal na mahal kita Hannah. Sana ako na lang.”
Chapter 5: “Kontrabida Something”
Tahimik na nakaupo si Hannah sa isang bench malapit sa fountain sa kanilang school nang lapitan siya ni Angela.
“Hi Hannah!” wika nito at tumabi sa kanya.
Sa una ay nagulat si Hannah pero ngumiti rin.
“Well, kumusta naman ang Campus Queen?”
Hindi nagsalita si Hannah bagkus ay ngumiti na lang ulit. “You know what Hannah girl, you’re beautiful, you’re smart but I don’t think you’re a winner. Mali ang mga judges na ikaw ang pinili bilang Campus Queen. It should have been me. I’m a lot smarter than you.”
“Well Angela, ‘yun ang decision nila, it couldn’t be altered.”
“That’s because kakilala mo ang isa sa kanila, malamang ikaw ang papaboran.”
“As far as I know, being bias is not allowed in a competition. Why can’t you just accept the fact that you lost?”
“How dare you! May araw ka rin! Hahanapan kita ng butas!” sabi nito at galit na umalis. Dumating naman si Marjorie.
“What’s wrong with her?”
“Ewan ko ba kay Angela. Bitter pa rin sa pagkatalo niya sa pageant.”
“Ganun talaga. Masyado lang siyang nag-expect na siya ang mananalo. Obvious naman na mas maganda ang sagot mo sa question-and-answer portion at ikaw ang crowd favorite.”
“Huwag na nating isipin ‘yan, may mas malala pang problema eh.”
“Hannah,may naisip ako, habang iniisip ko kasi kung sino ang posibleng maging stalker mo ay naalala ko si Sir de Lima.”
“So ano naman ang kinalaman niya?”
“Di ba ang pangalan niya ay Marlon? Marlon de Lima. Initials n’ya ay M.D. na siya ring name ng stalker mo. Malamang hindi niya masabi sa’yo na gusto ka niya kaya idinadaan niya sa pasikreto.”
“Bakit naman gagawin’yun ni Sir?”
“Eh di ba nga bawal magkarelasyon ang teacher at estudyante? Eskandalo kaya ‘yun!”
“Posible ‘yan pero wala tayong ebidensya.”
“’Yan ang kailangan natin.”
************
Kinabukasan ay ipinatawag si Hannah sa student council room. Nadatnan niyang naroon ang mga committee at organizer ng pageant.
“Well, Ms. Lorilla, maupo ka.” Sabi ng president ng committee.
Naupo naman si Hannah subalit nagtataka siya kung bakit siya ipinatawag.
“May nakarating na reklamo sa amin laban sa’yo. Ayon kasi sa kanya, hindi ka na maaaring maging Campus Queen dahil may nilabag kang rules ng nasabing pageant.”
“A-ano po ‘yun?”
“Naorient naman kayo di ba? Ayon sa number 7 ng rules, the winner of the pageant must not be involved in any activity or other circumstances that will affect her representation as being the model and Campus Queen.”
“Eh ano pong ginawa ko?”
“Ms. Lorilla, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na naging boyfriend mo ang suspect sa pagpatay sa isa ring dating Campus Queen.”
“What’s wrong with that? He’s just a suspect, hindi siya ang pumatay kay Andrea di ba?”
“Kasiraan kasi ang ginawa mo, that’s an issue Ms. Lorilla, hindi pa tapos ang term mo, wala kaming magagawa kung hindi idethrone ka at ipasa ang korona sa first runner-up na si Ms. Angela Crisanto.”
“You know what, forget it, maybe I really don’t deserve that crown. I’d rather choose him than my stupid crown. Ayaw ko lang na masama pa rin ang tingin ng tao kay Jake.” Wika nito at lumabas na ng room na iyon. Sa labas ay nakasalubong niya si Angela, malaki ang ngiti nito sa mga labi.
“Congarts Angela.” Sabi niya at umalis na.
***********
“Whaaaaatttttt? You gave up your crown ng ganun-ganun na lamang? Hindi mo ipinaglaban?!” gulat na sabi ni Marjorie nang magkita sila sa cafeteria ng school. Kalat na sa buong unibersidad ang pagkakadethrone kay Hannah.
“Hayaan mo na sila sis, hindi ko naman kailangan ‘yun. Mas okay na ako na walang title kaysa naman magrepresent ng mga taong mapanghusga sa kapwa. Mas bagay si Angela as Campus Queen.”
“What are you saying?!Halika, sasamahan kita sa committee, ipaglalaban natin ang right mo.”
“Sis, no need, saka ibinalik ko na sa kanila ang crown. I don’t need that.”
“Ah okay, pero sayang naman kasi.”
“It’sokay nga lang eh.”
“Sige tayo na nga lang, ikain na lang natin ‘yan sa labas. Bilis na, baka hinihintay na tayo ni Randy.”
**************
“Hon, daan lang muna tayo kina Dan huh, may kukunin lang ako.” Sabi ni Randy nang makasakay na ang dalawa sa kotse nito.
“What? Di ba sabi ko huwag ka nang makipagclose doon sa creepy guy na ‘yon.”
“Hon, he’s my friend, saka ano namang creepy sa kanya?”
“Basta I don’t like him.”
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa harap ng bahay ni Daniel. Nagbusina na sila subalit walang lumalabas. Inulit ni Randy ang pagbusina subalit wala pa rin.
“Hon, you can just call him.”
“Hindi ko nga nacocontact kaninang umaga pa kaya pinuntahan ko na lang dito.”
Ilang sandali pa ay may lumabas na may edad na babae. Bumaba si Randy at nilapitan ito.
“Hi Tita! Si Danny po nand’yan?”
“Ah wala, lumabas, may inaasikaso raw eh.”
“Saan po kaya pumunta?”
“Hindi ko nga alam eh, akala ko nga papasok sa school ngayong hapon pero nagbilin nga pala siya.”
Pumasok ulit ito ng bahay at ilang segundo lang ay lumabas muli dala ang ibibigay kay Randy.
“Oh ‘yan na ‘yung mga notes.”
“Salamat po Tita!” wika nito at sumakay na ng kotse.
“Ano ba ‘yang mga notes na ‘yan?”
“Notes sa Biology class, hiniram ko kay Danny, ipapaphotocopy ko lang. Wala ako di ba noong pumunta ako sa Santa Cruz.”
Habang nagbibyahe sila ay napadaan sila sa harap ng isang flowershop. Nakita nilang palabas doon si Daniel, may dala itong bouquet ng rosas. Bubusinahan sana ito ni Randy subalit pinigilan ito ni Marjorie kaya dumiretso na lang sila.
“Para saan kaya nag mga rosas na iyon?” natanong ni Marjorie.
Nagkatinginan silang tatlo.
Chapter 6: “Danny”
“How could we be so stupid not knowing that your stalker is just around the corner? At barkada pa nitong si Randy!” nasabi ni Marjorie. Nasa coffee shop sila noon at nagmemeryenda.
“Relax Sis, we still don’t know yet.”
“Oo nga naman Hon, I know Danny for a some time, I don’t think gagawin niya iyon dito kay Hannah.”
“Well, ilang years mo na ba siyang kilala? Sa pagkakaalam ko a year pa lang.”
“That’s right pero I know most of his life story.”
“Of course, you said MOST. Not ALL. May sikreto pa ring tinatago ‘yang barkada mo.” Sabi ni Marjorie bago sumubo ng isang piraso ng cake na inorder.
“Fair enough pero I don’t think magagawa niya iyon.”
“So do you know his full name?”
“Daniel Rimo Serrano.”
“So have you asked him how many girlfriends he had? And is he in love right now?”
Hindi agad nakasagot si Randy, napaisip muna ito. “Well, he had his first girlfriend when he was in second year high school, the next one was when he was a senior and then… in love? I don’t know.”
“See? You don’t know. Kasi nga he’s a stalker of Hannah.”
“Think of it. Bakit naman niya kjailangan pang i-stalk si Hannah kung magkakilala naman, he could just tell her.”
“’Yun na nga ang point, he doesn’t have the courage to tell Hannah kaya idinaan niya sa cards and flowers. Malamang natatakot ‘yung mareject.”
Tahimik lang si Hannah habang pinakikinggan ang pagtatalo ng magkasintahan. Sa huli ay napagdesisyunan nilang puntahan si Daniel sa bahay nito.
*************
Malawak ang loob ng bahay nila Daniel, maraming nakasabit na paintings sa dingding. May mga tropeo rin itongnakadisplay at mga medals. Nakaupo sila sa sala. Sa maliit na mesa sa may di kalayuan sa kanila ay nakapatong ang isang bouquet ng mga puting rosas.
“Ibabalik ko lang sana itong notes na hiniram ko.” Wika ni Randy.
“Naku, dito na kayo magsnack, sinabihan ko si Ma na maghanda ng spaghetti at juice.”
“No, she doesn’t need to do that, busog na kami, kagagaling lang namin sa coffee shop.” Sagot ni Hannah.
“No, I insist, you should eat, masarap si Ma na gumawa ng spaghetti!” masayang sabi ni Daniel.
“Uhm, Danny, hindi naming alam, magaling ka pala sa chess. Ang dami mong medals.” Puri ni Marjorie pero halata sa boses nito na gusto lang nitong magkaroon ng conversation.
“Ah oo, d’yan nga lang ako nagchachampoin eh.”
“Well…… good… good for you.”
Hindi na mapakali si Marjorie kaya nagsalita na naman ito, “Uhm Danny, nakita ka namin kanina palabas ng flo—- ouch!“ napahinto ito ng kurutin ni Hannah sa tagiliran. “Sis, ano ba, we need to know.”
“This is not the right time.” Sagot ni Hannah.
“Anyways, nakita ka namin kanina palabas ng flower shop na may dalang mga rosas, para kanino ang mga ‘yun?”
“Uhmmmm, may pagbibigyan lang ako n’yan mamaya.”
“Sino? Itong si Hannah ba?”
“Ah naku hindi. Hahahaha, pero pwede rin.”
Pinandilatan ni Hannah si Marjorie, telling her na tumigil na sa pagtatanong.
“Ahh, Danny, aalis na kami, may gagawin pa kasi ako.” Wika ni Hannah at tumayo na. Ganoon din ang ginawa ng dalawa pang kasama.
“Agad? Wait, hindi pa ninyo natitikman ‘yung luto.”
“Ah eh, sa sunod na lang. Sorry, pasabi na lang kay Tita na aalis na kami.” Sabi nito habang palabas na ng bahay.
“Ah okay sige, sayang naman. Ingat kayo ah!”
Nagmamadali na silang lumabas ng gate at sumakay ng kotse. “Sis, why did you do that?”
“What? Tinanong ko lang naman siya. May pagbibigyan daw siya. Hindi siya sinabi pero nabanggit n’ya na pwede ka n’yang pagbigyan.”
“It doesn’t mean na siya ‘yung stalker ko. I got nervous sa tanong mo kanina. Kung hindi pa ba naman siya mapaisip na siya ang pinaghihinalaan natin na stalker n’ya.”
Tahimik lang si Randy. Halatang napapaisip din ito.
“Ano hon? Naniniwala ka na, na maaaring ‘yung friend moa ng stalker nitong si Hannah?”
“Well, I have a plan.”
Ipinarada ni Randy ang sasakyan sa isang kanto malapit sa bahay ni Daniel. Aabangan nila ang paglabas nito at susundan. May posibilidad na magtungo ito sa school, pagabi na at wala nang masyadong estudyante sa campus. Mag-iisang oras din silang nag-abang nang makita na nilang lumabas si Daniel, hawak nito ang mga puting rosas. Sumakay ito sa kanyang scooter at inipit nag dulong hawakan ng bouquet sa pagitan ng dalawang hita para hindi mahulog. Pinaandar na nito ang motor at mabilis na pinatakbo. Kaagad naman nilang sinundan si Daniel. Akala nila ay sa school ito hihinto subalit lumampas ito, nagtaka ang tatlo kaya sinundan pa nilang muli, medyo malayo ang agwat nila para hindi mapansin ang kotse ni Randy.
Nakarating sila sa isang sementeryo. Sa may di kalayuan sila nagmasid. Naglakad si Daniel sa pagitan ng mga lapida na nasa ibabaw ng lupa na may carpet. Huminto ito sa isang lapida at lumuhod, dito nito ipinatong ang mga rosas. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na ito.
“Sino naman kaya ang dinalaw no’n?” natanong ni Marjorie.
Kaagad naman nilang pinuntahan ang puntod. “Amelia Jerez.” Mahinang sabi ni Hannah.
“Sino kaya siya sa buhay ni Danny?”
***********
Kinabukasan ay araw ng Sabado kaya niyaya ni Randy si Daniel para maglaro ng basketball samantalang sina Hannah at Marjorie naman ay bumalik sa bahay nila Daniel, tanging ang mommy lang nito ang makakasagot kung sino si Amelia Jerez.
Pagkababa nila sa tapat ng bahay ay siya namang pagbaba rin ni Jake sa kotse nito. Kaagad na hinalikan niya si Hannah sa pisngi.
“Oh Jake, nakabalik ka na pala.” Bati ni Marjorie.
“Oo nga eh. Naging busy lang dahil I need to justify sa korte.”
Medyo natahimik ang dalawa, “Okay tawagin na natin si Tita.”
Pagbasag sa katahimikan ni Hannah.
Ang doorbell ng bahay ay nasa gate kaya madali nilang natawag si Mrs. Serrano. Kaagad naman sila nitong pinapasok.
“Oh, napasyal yata kayo, pero wala rito si Daniel eh, magbabasketball kasama ‘yung isa ninyong kaibigan, hindi ba niya nasabi sa inyo?” tanong nito habang naglalagay ng juice sa mga baso.
“Ah eh, Tita, hindi mo si Danny ang ipinunta naming dito, kung hindi po tungkol kay Danny.”
“Oh, ano naman ‘yon?”
Sa una ay nag-aalangan si Hannah na magtanong, natatakot siya sa magiging reaksyon ni Mrs. Serrano. “Uhmmmm, sino po si Amelia Jerez sa buhay niya?”
Saglit na natigilan si Mrs. Serrano, napasandal sa upuan at tumingala. “Bakit, gusto ninyong malaman?”
Walang maisip na dahilan si Hannah, sa pagsisinungaling ay hindi siya magaling kaya si Marjorie na ang sumagot, “Ah kasi po nabanggit niya iyon,nacurious po kami, eh ayaw niyang sabihin kaya sa inyo po kami pumunta, may something…. Something.. uhmm.. dare po kasi.”
“At ano naman ‘yun?”
“Sige na po Tita, sabihin n’yo na.”
“Siya kasi ang tunay na ina ni Daniel.”
Nagulat ang dalawa samantalang si Jake ay naroon lang, walang reaksyon at wala ring ideya sa kung ano ang nangyayari. Ang sinabi lang kasi ni Hannah ay mapasama ito sa isang kaibigan.
“A-ano pong ibig n’yong sabihin?”
“Adopted son ko si Daniel, matalik na kaibigan ko ang nanay niyang si Amelia. Iniwan siya nang nakabuntis sa kanya kaya ako na lang ang nag-ampon, the same time na nalaman namin na may breast cancer pala siya. Eh maagang namatay ang asawa ko kaya hindi na kami nabibiyayaan ng anak, wala rin naman ako planong mag-asawa muli kaya perfect si Daniel para sa akin.”
Hindi sila makapaniwala sa rebelasyong inilahad ni Mrs. Serrano, may kinuha itong photo album sa ilalim ng mini table sa sala, may ipinakita silang litrato ni Daniel noong isang taong gulang pa lamang ito. May nakasabit na name tag dito, nagbigla sila sa nabasa.”
“Ito po ba ang pangalan ni Danny?”
“Oo, ‘yan sana, binago ko lang para idedicate sa namayapa kong asawa.”
Pagkatapos ng mga nalaman nila ay nagpaalam na sila.
“Basta Tita, don’t tell Danny about this, okay?” sabi ni Marjorie.
Tumango si Mrs. Serrano at inihatid na sila sa labas.
“Babe, pinapatawag ako ulit sa police station, hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan nila sa akin kaya pupunta ako. Sorry.” Wika nito at nagmamadali nang sumakay ng kotse.
“Gosh, your boyfriend is so…. so busy.”
Malungkot ang mukha ni Hannah. “Wag na nating isipin. But do you think Danny is really my stalker?”
“I’m positive! No doubt!”
Sa isipan niya ay tumatakbo ang orihinal na pangalan ni Danny kasabay ang mga cards na natatanggap niya galing sa stalker na si M.D.
“Mark Daniel….”
Chapter 7: “The Fall of a Queen”
Ikinuwento nila kay Randy ang nalaman, sinabi ni Randy na pakikisamahan pa rin niya si Daniel para makakuha ng sapat na ebidensya na ito nga talaga ang stalker ni Hannah. Simula ng araw na iyon ay umiwas na sila rito, kahit kausapin kapag nakakasalubong ay hindi nila ginagawa.
“Sis, mag c.r. lang ako ah.” Wika ni Hannah.
“Sige, magpapasama ka pa ba?” tanong nito habang hindi tumitingin sa kaibigan, abala sa pagsusulat sa notebook sa lng kanilang classroom.
“Ah no need na. Tapusin mo na ‘yang ginagawa mo.” Nagpaalam na siya sa teacher at lumabas na para magtungo sa c.r. Dahil nga hindi pa labasan ay walang estudyanteng makikita sa loob ng c.r., mag-isa lang siyang naroroon, habang nasa cubicle ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto ng c.r. Medyo nakahinga ng maluwag si Hannah dahil may kasama na siya. Pumasok ang kung sino mang tao katabi ng cubicle niya. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya na parang may gumagapang sa paanan niya. Nabigla siya nang makakita ng mga ipis sa ibaba niya, kasunod ang isang pagtapon ng isang putting rosas sa paa niya. Napasigaw siya sa takot at mabilis na tumakbo palabas ng cubicle. Hindi niya napansin na may madulas na likido na nakakalat sa sahig at nadulas si Hannah. Bumagsak siya sa at nauntog ang ulo, dahil sa lakas ng pagkauntog ay nahilo siya at nanlabo ang paningin. Dahan-dahang lumabas ang isang tao sa kabilang cubicle, hindi na niya malaman kung sino ito. Lumapit ito sa kanya at napapikit na, kasunod ang mga boses ng estudyante na tumatawag sa pangalan niya.
************
Pagmulat ni Hannah ay bumungad sa kanya ang isang duktor. Bumangon siya at napansin na nasa clinic pala siya ng school. Naramdaman niyang masakit ang ulo niya at naramdaman na may bukol pala ang ulo niya.
Niyakap agad siya ni Marjorie. “Oh my God sis, okay ka na ba?” I’m so worried about you!”
“Yeah, kinda. Medyo masakit lang ‘yung bukol.”
“Nadulas ka sa c.r. sis, mabuti na lamang may mga estudyantemg tumulong sa’yo. This is my fault, dapat hindi kita hinayaang mag-isa sa c.r. Tingnan mo tuloy nangyari sayo. Sorry talaga.” Naiiyak na sabi ng kaibigan.
“No, no, no, this is not your fault. I’m just clumsy.” Wika nito at naramdaman na parang basa ang palda niya ng malagkit na bagay.
“Oh what’s this?”
“Sis, nadulas ka sa hair gel, ewan ko ba kung sinong careless na estudyante ang magdo-drop ng gel sa sahig. Ayan tuloy.”
Sumingit na magsalita ang isang duktor. “Uhmm, excuse me. Nilagyan ko na ng cold compress ‘yang bukol mo, buti na lang ‘yan lang ang inabot mo.” Sabi nito.
Unang beses nilang nakita ang duktor na iyon sa clinic.
“Uhmm, nasaan na po si Dr. Mendez?”
“Ah wala na siya, nagresign na noong isang linggo kaya ako na ang bagong school doctor. I’m Dr. Eduardo Salazar. Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang ‘yung school nurse. Sige maiwan ko muna kayo.”
Sa palagay niya ay nasa edad tatlumpu na ito, medyo matipuno ang katawan, matangkad at malinis tingnan, dahil na rin siguro sa suot nitong puting damit na pangduktor at may napansin din siya. Siniko ni Hannah si Marjorie. “Napansin mo ‘yung nakasulat na name tag niya?”
“Hindi, bakit? Anong meron?”
“Dr. Eduardo Salazar, M.D.”
**************
“Imposible naman siguro na siya ang stalker ko di ba?” natanong ni Hannah habang naglalakad sila palabas ng unibersidad.
“Oo, kasi nga si Danny ang stalker mo! Siya ang may kagagawan ng lahat!”
“Nasa c.r. ‘yung stalker ko kanina, tinakot na naman niya ako by putting some insects and a rose under my feet.”
“Oh really?” napaisip si Marjorie. “Posibleng siya rin ang may kagagawan ng hair gel sa sahig kaya ka nadulas!”
“Pwe-pwede.”
“Oh my Gosh sis, sineseryoso niya ang mga sinabi niya! He wants to hurt you!”
Napahinto sila sa paglalakad nang makita nila sa unahan si Daniel, nakatambay ito sa isang poste, malamang na inaabangan sila nito. Hinila niya si Hannah sa kabilang daan para iwasan si Daniel subalit nakita rin sila nito.
“Hi girls!” pagtawag nito habang tumatakbo palapit sa kanila.
“Oh-hi, hi Danny, nand’yan ka pala.” Wika ni Marjorie, napatingin siya sa ulo ni Daniel at may napansin sa buhok nitong nakahapay.
“So girls, may lakad ba kayo?”
“Uhmm, meron, meron, ma-may pupuntahan kami ni Marjorie? Di ba sis?”
“Ah oo.”
“Pasama naman ako oh, wala rin naman akong gagawin.”
“Ah eh, hindi pwede eh, girls bonding lang.”
“Ah ganun ba.. pwede naman akong chaperon n’yo eh.”
“Eh Danny, hindi talaga pwede.”
“Eh di magkwentuhan muna tayo.” Hinatak ni Daniel ang kamay ng dalawang babae papunta sa gilid. “Sayang, wala kayo kahapon, ang saya ng paglalaro naming ng basketball ni Randy.”
“Ahh..”
“Tapos——“
“Danny, stop. We’re in a hurry okay? Sige, alis na kami.” Sabi ni Marjorie at agad na hinila si Hannah palabas ng gate.
*************
“Have you noticed?” tanong ni Marjorie.
“Noticed what?”
“His hair! Danny’s hair! May gel!”
Napahinto si Hannah sa sinabi ng kaibigan. “Could it be? But how did you know?”
“I know it! Hair gel ang gamit ni Randy dati pero I adviced him na wax na lang ang gamitin. I know the difference between the two.”
“So sa tingin mo siya ang naglagay ng gel sa sahig para madulas ako?”
“Probably yes! Danny is beginning to get dangerous Hannah. I’m scared for your life.”
Sa labas ay nakasalubong nila si Angela, sa likod nito ang mga kaibigang nakabuntot sa kanya. “Oh hi Dulas Queen and her puppy!”
Huminto ang dalawa at hinarang ang daan ng bumati sa kanila.
“What’s wrong with you?”
“Me? What’s wrong with me? Nothing. Masaya lang ako na napunta sa tamang tao ang title ng pagiging Campus Queen. Hahaha. Noong nauntog ka ba, wala kang narealize? Wala ka bang napag-isipan na I really deserve the title and the crown?”
Hindi sumagot si Hannah.
“Bakit parang may problema ka pa sa kaibigan ko? Di ba nasayo na ang korona!” tanong ni Marjorie.
“Hindi ko lang kasi kaso feel, and I’m thankful na ako ang nagwagi! Hahaha. Padaan nga!” galit na sabi nito at dumaan sa gitna nila.
“Alam mo sis, may hinala ako na bukod si Danny, pwedeng si Angela rin ang nananakot sa’yo dahil naiinggit siya sa’yo.”
“Ano pang ikaiinggit niya, eh nasa kanya na ang title ah.”
“Aba, malay natin, maldita kaya ‘yung babaeng ‘yun! Feeling n’ya siya ang pinakamaganda sa campus. Sa attitude pa lang naku, nilalangaw na!”
“Huwag na lang nating pansinin.”
“Eh nakakapikon eh.!”
Sa may di kalayuan ay nakatago sa likod ng puno ang isang tao, kumukuha ito ng litrato ni Hannah gamit ang camera habang bumubulong ng mahina, “I love you Hannah, mapapasakin ka rin.”
Chapter 8: “The End of Flashback”
Tahimik na natutulog si Hannah sa kwarto niya nang maalimpungatan siya dahil nakarinig siya ng kalabog sa labas ng bintana. Binuksan niya ang ilaw, alas dos pa lang ng madaling araw. Sumilip siya sa bintana at nagulat nang may bumato rito. Napasigaw siya sa gulat. Nakita niyang may crack ang salamin. Sa ibaba ay naroon ang isang tao, nakatayo. Hindi man niya maaninag ang mukha nito pero sigurado siyang nakatingin ito sa kanya. Napasandal siya sa pader sa sobrang takot. Naiiyak na naman siya.
Nagdial agad siya sa cellphone at tumawag sa himpilan ng pulisya. Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis. Kausap ng mga pulis sina Sarah at Nina para makapagbigay ng statement, umiiyak si Hannah nang dumating si Marjorie kasama si Randy.
“Oh Sis, mabuti naman at okay ka lang.” nag-aalalang sabi nito habang yakap siya.
“Yes, I’m just scared. But I’m thankful na I’m safe.”
Sa loob ng isang plastic na hawak ng isang pulis ay naroon ang isang kahon na may lamang mga patay na insekto at sa isa pa ay ang maliit na card na may sulat galing sa stalker niyang si M.D. maya-maya pa ay nilapitan siya ng Ate Nina niya. Sa isang malaking plastic rin ay naroon ang mga inipong card ni Hannah galing sa stalker.
“Uhmm, Marj, kakausapin ko lang ang kapatid ko huh.”
“O-oh sige po.” Wika nito at lumayo sa magkapatid.
“Honey, sa hotel muna tayo titra hangga’t hindi nahuhuli ang stalker mo huh.”
Tumango lang si Hannah.
“Don’t tell anyone about kung saan tayo titira pansamantala. Ako ang maghahatid-sundo sa’yo sa school para safe. Aalis kasi si Ate Sarah, pupunta kay Lola Belinda sa hacienda kaya tayo lang doon. Promise me, don’t tell anyone, even your friends kung saan tayo huh. Mahirap na.”
“Okay ate.”
Nang sumunod na araw ay inimbita ang mga malalapit na tao sa buhay Hannah for fingerprinting sa police station. Kahit na ang mga kapatid niya pati ang mga kaibigan niya. Halos lahat ng kaklase niya maging ang mga teacher ay isinama na rin.
**************
“So sis, saan na nga pala kayo tumutuloy ngayon?” tanong ni Marjorie habang nasa canteen sila.
“Ah eh, hindi ko pwedeng sabihin.”
“Why? Best friend mo ako.”
“Eh, as much as I would like to tell you pero—-“
“Don’t tell me pati ba naman kami ni Randy, pinaghihinalaan na stalker. That’s ridiculous. Halos araw-araw tayong magkasama magsstalk pa ba ako sa’yo?” naiinis na sabi nito.
“I know sis but—“
“Whatever. I don’t understand you. From now on, you’re on your own.” Naiinis na sambit ng kaibigan at iniwan siya.
“Sis, wait!!!!”
Lumapit agad sa kanya si Daniel at umupo sa harap niya. “Hey Hannah, napansin kong parang nagtalo kayo ni Marj, so what’s that all about?”
“Nothing Danny, it’s just a little misunderstanding between two best friends.”
“Oh buti naman. Baka tungkol na naman sa stalker mo? Balita ko nagstalk na naman sa’yo kagabi.”
“Kanino mo naman nalaman ‘yan?”
“Well.. usap-usapan sa campus. You’re too popular to be talked about.”
“I guess I don’t have any privacy anymore.”
“That’s the hard part of being famous in this university. Lahat ng pangyayari sa buhay mo, alam.” Wika ni Daniel at tiningnan si Hannah sa mga mata. Parang may pakahulugan ang mga sinabi nito kaya nakaramdam siya ng takot.
“Danny, mauna na a—“ hindi niya naipatuloy ang pagsasalita nang hawakan siya sa braso ni Daniel. “No please, talk to me for another few minutes. Bakit ba parati n’yo na lang akong iniiwasan? Akala n’yo ba hindi ko napapansin? Maging si Randy umiiwas na rin. Ano ba problema ninyo sa akin?”
“Dan-Danny wala, I just need to go.” Subalit mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya kaya hindi siya makatayo. Nakita niya na parang nanlilisik ang mga mata nito.
“Danny, you’re—you’re scaring me please, let me go!” napasigaw na si Hannah. Napatingin ang mga estudyanteng naroroon.
“Oh Han-Hannah, I’m so- I’m so sorry, Hannah, I’m so sorry.” Wika ni Daniel pagkatapos bitawan ang hawak kay Hannah.
“No, from now on, get away from me.” sabi ni Hannah at mabilis na umalis.
Nagmamadali ang lakad ni Hannah subalit napansin niyang sinusundan siya ni Daniel sa likod. “Hannah wait! Sorry na!” sigaw nito pero hindi niya pinapansin. Nang makalapit na sa kanyaay hinarang siya nito.
“Danny, what do you want?”
“Hannah, please I’m so sorry.”
“Okay, apology accepted. Happy? So padaanin mo na ako.”
“No, no, kausapin mo naman ako oh, ‘yung maayos.”
“Ano ba ang gusto mong pag-usapan? Ang dami kong problema Danny.”
“Tutulungan kita.”
“How?”
“Like I said noon, ako na lang ang magiging bodyguard mo, promise, babantayan kita.”
“Can’t you hear what you are saying?! It seems that what you’re saying is a definition of a stalker!”
“What???? Hannah—- pinaghihinalaanmo ba akong stalker mo?”
“To be honest Danny, YES. At nalaman naming Mark Daniel ang pala ang orihinal mong pangalan, coincidentally, M.D.is the initials of my stalker.”
“Really? Dahil lang do’n? You know what Hannah, I tried to reach out sa inyo, I tried to be close sa inyo especially to you kasi ang hirap ng wala akong close friends. They think that I’m crazy or something.”
Hindi nagsasalita si Hannah. Alam niyang guilty siya sa pakikitungo kay Daniel, aminin man niya o hindi.
“Hannah. Please naman oh. I just want…. want—-“
“Want what????”
“Hindi ko kayang sabihin kasi nahihiya ako. I can also give you flowers and cards just what like your stalker gave to you, kahit na ‘yung Ferrero chocolates. All I want is—-“
“What did you just say????”
“Gusto kong malaman mo na—-“
“No Danny, ako lang at si Marjorie ang nakakaalam na biigyan ako ng stalker ko ng chocolates na ganoong brand—-“
Hindi nakapagsalita si Daniel. Nanginig na ang mga kamay nito at naiiyak na.
“Don’t tell me that—-“
“Hannah! I’m so sorry.” Wika nito at hinawakan siya sa mga kamay.
“Let me go Danny! YOU’RE MY STALKER!!”
Pilit na kumakawala si Hannah, nakita sila ng ibang mga estudyante kaya tinulungan siya ng mga ito habang nagwawala si Danny.
“Hannah! Let me explain!!!!”
Umiiyak na si Hannah. Nilapitan siya ng teacher niyang si Sir de Lima, “Okay ka lang Hannah?” Hindi siya sumagot. Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya, sinagot niya ang tawag ng kanyang Ate Nina, “Honey, may natuklasan ang mga pulis sa pag-iimbestiga nila, base sa examination na ginawa nila sa mga cards, isang card doon ang may dalawang fingerprint lamang, sayo at sa isang nagngangalang Daniel Serrano! Kaya please lumayo ka na sa kanya kung kilala mo siya. Pupuntahan na kita d’yan kasama ko na ang mga pulis.”
Hindi na siya nakapagsalita. Patuloy ang pag-iyak niya. Sa paligid ay nakita niya ang mga estudyanteng nagkakagulo at nakikiusyoso sa nangyari, naroon sina Marjorie na halatang malungkot subalit may sama ng loob. Naroon din si Randy, si Angela na may ngiti sa mga labi nito at ang bagong duktor sa kanilang school. Bagaman naguguluhan ang lahat sa nangyayari ay may hula na sila kung ano talaga ang nangyari