Chapter 9: “M.D.’s Back”
“Hannah? Hannah?” tanong ng Ate Nina niya.
Parang bumalik si Hannah sa reyalidad, bumalik sa kanya ang lahat ng alaala noong mga panahong naghihirap ang kalooban niyang puno ng takot, pangamba at pagdurusa dahil sa stalker niya. Noong araw na malaman ni Hannah na si Daniel ang stalker nito ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan, tila gumaan ang pakiramdam niya lalo pa’t napatunayan dahil sa ebidensya. Nakulong si Daniel dahil sa kasong grave threat na isinampa ng kampo ni Hannah. Simula noon ay naging normal na ang buhay ni Hannah, hindi na siya kinakabahan kahit mag-isang maglakad dahil alam niyang walang nagmamasid sa kanya, walang kumukuha ng litrato niya nang hindi niya alam at higit sa lahat ay wala ng nagpapadala ng mga patay na insekto sa locker at bahay nila. Nagkaayos na rin sila ng kaibigang si Marjorie at nagtulungan para mabilanggo si Daniel.
“Oo, inaamin ko na! Nagpadala ako ng roses at chocolates kay Hannah! Huhuhuhu” sabi nito sa korte habang nakaposas ang mga kamay. Tagaktak ang pawis nito at basang-basa na ang damit. Dahil sa sobrang pag-iyak nito ay tumutulo na ang uhog at laway nito. Kasabay ng pag-iyak na parang isang maliit na bata ay ang bakas sa mukha nito na pagkatakot. Labis ang panginginig ng katawan lalo pa nang ihain na ang ebidensya. Nakuha sa bag nito ang isang camera na naglalaman ng mga mga nakaw na kuha kay Hannah. Nang halughugin din ng mga pulis ang bahay nito ay natagpuan sa basement ang dingding na puro larawan ni Hannah. Ito ang mga ebidensya na nakapagpadiin pa kay Daniel. Bagaman pilit nitong sinasabi na isang bese lang ito nagpadala ng mga rosas at tsokolate ay hindi naging sapat ang salaysay niya. Naroon si Hannah nang mga panahong ‘yon, bagaman naaawa siya sa hitsura at kalagayan ni Daniel ay nakaramdam siya ng pagkamuhi dahil sa ginawa nito sa kanya kaya itinuloy niya ang demanda.
************
“Ate? Posible kayang bumalik si Danny para takutin ulit ako?” nag-aalala niyang tanong sa kapatid. Naroon pa rin siya sa ospital, sugatan, nanghihina at may trauma. Samantalang ang kasintahan ay nananatiling walang malay.
“Imposible ‘yang sinasabi mo Honey, nakakulong na si Danny, hindi ka na niya maaaring padalhan ng mga ganoong bagay.”
“Pero bakit ganoon? Bakit gustong magulo ng kung sino mang taong iyon ang buhay ko? I’ve been through so many things in life, ang pagkamatay nina Lola at Ate Sarah, bakit kailangan pang dagdagan?” lumuluha niyang sabi.
“Bakit kasi ayaw mo pang ipaalam ang nangyayari sa’yo kay mama?”
“No Ate, please, ayaw ko nang dagdagan ang problema niya. Kaya nga isinekreto natin ito kay mama nang bumalik siya rito sa bansa para sa burol at libing nila Ate, ngayon pa ba natin ipapaalam? Okay na ‘yung wala na siyang aalalahanin.”
“Pero kasi dapat alam niya di ba na may stalker ka?”
“Ate please, okay na ang buhay ni mama sa America, hayaan na natin ‘yung ganoon.”
“I can’t believe na naisikreto natin sa kanya ang problema mo.”
“And I can’t believe na nagbabalik ang stalker ko.”
Lumapit ulit sa kanya si Marjorie. “Sis, magpakatatag ka. Maaaring gawa lang ‘yan ng isang estudyante sa school. Alam mo na, stupid prank.”
“Hindi ko na alam ang iisipin ko sis.”
Maya-maya pa ay dumating na sina Randy kasama ang isang may mestisong lalake na nakasuot ng cap at jacket at isang maputing babae na curly ang buhok na may gold highlight na hanggang likod at nakabestidang bulaklakin.
“Bakit ka na naman umiiyak?” nababahalang tanong ng lalakeng si Alvin. Siya ay pinsan ni Randy na nagtransfer mula sa ibang school at nag-aral sa kanilang unibersidad. Mabilis na naging close siya sa grupo ni Hannah.
“Hindi ninyo ba napansin ‘yung mga nasa sahig sa may labas ng pinto?” si Marjorie na ang sumingit.
“Oh my God sis! You’ve been stalked again????” hindi makapaniwalang bulalas ng babaeng si Lara. Siya ang isa rin sa matalik na kaibigan nina Hannah at Marjorie. Sa ibang bansa ito nag-aral noong mga panahong may stalker si Hannah.
“Wag mong sabihing kagagawan na naman ito ni Danny?” si Randy naman ang nagsalita.
“Hindi ko alam.”
“Honey, tatawag ako sa police station just to be sure okay?” sambit ni Nina. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa kabilang linya ay parang gulat na gulat ang mukha nito at parang ayaw sabihin ang nalaman. “Honey, I found out something……”
Lahat sila ay nag-aabang sa sasabihin ng ate ni Hannah.
“Si Danny—– nakalabas na pala ng kulungan noong isang araw….”
Lahat sila ay napanganga sa pagkabigla.
Chapter 10: “A Tale of Two Stalkers”
“How could that be possible?” natanong ni Marjorie.
“Malamang nagpyansa ang mommy ni Daniel. Pero alam nating hindi pwedeng makalapit ang taon ‘yon, he should be at least 200meters aways from Hannah or else makukulong ulit ito.” Paliwanag ni Nina.
“Pero dapat pa rin siyang ipakulong dahil nagpapadala na naman siya ng kung anu-ano kay Hannah!” wika naman ni Lara.
“Yeah, we should talk to the police about this.”
Hindi na tumatanggap ng kahit ano si Hannah sa ospital, kahit na prutas lalo na kung ‘get well’ flowers. Inilipat na si Jake sa bagong kwarto dahil tila lumalala na ang kondisyon nito, samantalang si Hannah ay nagpapagaling na lang para makalabas na agad.
**************
Makalipas ang ilang araw ay nilisan na ni Hannah ang ospital, bagaman may mga sugat pa rin siyang hindi naghihilom ay maayos na siyang nakakapaglakad. Deactivated na rin ang account niya sa lahat ng social media account para makasigurado na wala ng makaalam ng kanyang personal na impormasyon.
“Mga sis, maaari n’yo ba akong samahan sa bahay ni Daniel?”
“No sis, we can just leave that to the police, sila na ang bahala sa kanya. And besides you can’t go near him.” Sabi ni Marjorie.
“Oo nga sis, delikado.” Segunda naman ni Lara.
“I just wanted to tlk to him.”
“But—–“
“Kung ayaw ninyo akong samahan, ako na lang.”
“We can’t do that. Hindi ka pwedeng mag-isa. Pero sige, kung ‘yun ang gusto mo.”
************
Nasa tapat na sila ng bahay ng mga Serrano, nang makita pa lamang si Hannah ni Mrs. Serrano ay kita na sa mukha nito ang galit.
“Anong ginagawa ninyo rito?! Pagkatapos ng ginawa naming kabutihan sa inyo, ganoon pa ang ginawa ninyo sa anak ko?!” tanong nito na hindi pinagbubuksan ang grilled gate.
“Gusto ko lang pong makausap si Danny!” sagot ni Hannah.
“At bakit? Para saan pa? You’ve destroyed his life. We all know that Danny’s not well, in fact, obsess siya sa’yo Hannah pero hindi masamang tao ang anak ko!!”
“Please Tita, I received another card from my stalker last week.”
“Oh anong kinalaman ng anak ko dun? You think siya ang nagpadala?”
“Uhmmm, o-opo.”
“That’s ridiculous. Magsilayas na nga kayo!”
“Tita, please!”
“No! At saka kung narito si Daniel, hindi ko siya ipapakausap sa inyo!”
“Kung nan’dyan??????? What do you mean Tita?”
“Simula nang lumabas si Daniel sa kulungan, hindi ko na siya nakita pa!”
“Paanong—-“
“Hindi ko na siya nacocontact. Nagsarili na yata siya. Kaya kung kayo may problema sa kanya, lalo na ako! Nag-aalala na ako sa kanya kaya please get the heck out of here!”
Umalis na agad ang tatlo na may kaguluhan samga isip.
“Nagsasabi kaya ng totoo si Tita Luz o baka itinatago na n’ya talaga si Danny?” natanong ni Marjorie.
“Hindi natin alam. Pero sa mukha niya, parang totoo ang sinasabi niya.” Wika naman ni Lara. “Gosh, bakit ba kasi naging friend ninyo ‘yung Danny na ‘yon.” Dugtong pa nito.
“Sis Lara, hindi namin naging friend ‘yun, assuming much lang.” sagot ni Marjorie.
“So nasaan na kaya si Danny ngayon?” nababahala nilang tanong.
***********
Sa isang lihim na lugar ay nakatayo ang isang tao, nakasuot ito ng black hoodie, pants at gloves. Sa buong dingding ng kwarto ay naroon ang mga nakaw na larawan ni Hannah o galing sa social media. Sa pinakagitnang dingding ay naroon din ang tig-iisang larawan nila Nina, Randy, Lara, Alvin, Marjorie, Danny at maging ang kay Angela. Sinulatan niya ng pulang marker na ekis ng taong iyon ang mukha ni Danny kasabay ang pagtusok ng thumbtacks sa mata nito.
Kinuha niya ang isang maliit na kahon na kulay pula at nilagyan ng mga patay na insekto. May card din na kasama na ang mga letra ay dinikit na mga letra mula sa mga magazines,”The time will come and you’ll be mine Hannah. –M.D.”
************
“Mag-eenroll ka ba for next year sis?” tanong ni Lara kay Hannah. Nasa labas sila ng bahay ng mga Lorilla at hinihintay si Marjorie para gumala. Naisipan nilang isa iyon sa mga paraan para makapag-unwind at marelease ang stress na nararamdaman.
“I don’t know, should I?”
“Of course you should. No one can stop you from achieving your dreams,even your freakin’ stalker.”
“I know, but lahat ng nangyayari sa akin, it’s hard to take in. I’m so overwhelmed.”
“Don’t be. Matatapos din ang lahat.”
Naiiyak na naman si Hannah subalit pinipigilan niya. Ayaw na niyang magpatalo sa lungkot at sa pangamba na kahit anong oras, maaaaring manggulat na naman ang stalker niya.
At tulad nga ng inaasahan, may deliveryman na naman na dumating sa bahay nila, “Excuse me po, padala para kay Ms. Hannah Jane Lorilla.”
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. “Yeah, that’s me.”
“Hindi namin tatanggapin ‘yan. Ibalik ninyo ‘yan.” Sagot ni Lara.
“P-pero—-“
“Alis na!” tumaas na ang boses ng kaibigan ni Hannah kaya walang nagawa ang delivery man kung hindi umalis na lang.
“See? Another gift from your stalker.”
“I’ve had enough sis, that’s too much.”
Ilang sandali pa ay may dumating na naman na delivery man, pero galing sa ibang courier company. Tulad ng nauna ay hinahanap si Hannah at may padala na naman dito.
“We don’t need that. Ibalik ‘yan!” galit na sabi ni Lara.
“Natatandaan kita, di ba ikaw ‘yung laman ng mga balita dati na may stalker?” tanong ng delivery man.
“Why don’t you shut your mouth and go?!”
Napaiyak na si Hannah kaya pumasok na sila sa loob ng bahay. Hindi na niya alam ang gagawin. Kinausap niya ang ate niya na kung maaari sa America na pumunta at doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral.
“Pwede naman ‘yan para ligtas ka na rito pero ano ang irarason mo kay mommy?” tanong ni Nina.
“Bahala na. Hindi naman ako makikitira roon sa bago niyang pamilya, naroon naman sina Tita Grace sa New Jersey. Doon na lang siguro.”
“Sige, sige, pag-iisipan ko ‘yan.”
Sa labas ng bahay nila, sa may di kalayuan ay naroon nakatayo ang isang lalake na payat ang pangangatawan, inaabangan ang paglabas muli ni Hannah. May pasa ito sa mukha at may namumugto ang mga mata. Ang buhok nito ay hindi pantay ang gupit at may bahagi na napanot. Mahaba na rin ang bigote at balbas nito. May mga sugat din ito sa braso at binti at ang tanging suot lamang ay maruming Tshirt, butas na shorts at sirang sapatos.
“I told you. Hindi niya tatanggapin ang binigay mo.” Sabi ng isang tao na nasa likuran niya.
Lumingon ang sinabihan noon at malungkot na sumakay ng isang itim na kotse.
“Please get over her, Danny.” Sabi ng taong iyon at sumunod nang sumakay.
Chapter 11: “Dr. Know”
Nakasimangot si Marjorie nang lumabas ng kanilang bahay. Paano kasi ay tumawag si Randy na hindi siya nito masusundo papunta kina Hannah dahil may lakad ito. Wala siyang nagawa kung hindi maglakad na lamang dahil ilang kanto lang ang layo ng kanilang bahay sa mga Lorilla. May pagkasubdivision-type ang lugar nila kaya walang pampasaherong mga sasakyan ang dumaraan. Kailangan mo pang magpahatid sa may labasan para makasakay.
Habang naglalakad siya ay may napansin ito mula sa kabilang kalsada. Sa likod ng isang puno ay may nakasilip na tao pero hindi niya makita kung sino at kung tinitingnan ba siya nito. Nagpatuloy na lamang siya sa paglakad. Subalit napansin niyang sinusundan siya ng taong iyon! Nagtatago lang ito sa mga likod ng puno, nakita niyang nakasuot ito ng itim na hoodie. Binilisan niya ang paglakad at kinuha ang cellphone para tawagan na si Hannah, subalit dahil sa takot ay nanginginig na ang kamay niya at hindi mapindot ang dial button. Kapag minamalas nga naman ay wala pang tao sa paligid. Sisigaw na sana siya nang sunggaban agad siya ng taong iyon at matumba sila sa malagong damuhan sa gilid.
**************
“Sis, anong oras na wala pa rin si Marjorie, talaga bang late ‘yun sa mga lakad?” tanong ni Lara habang naghihintay sa may pintuan.
“Tinawagan ko na, out of coverage naman.”
“Hay naku, nasaan kaya ‘yung babaeng ‘yun? Call Randy, baka magkasama ‘yung dalawa.”
“Siya na rin. Eh hindi naman niya kasama.”
“Where could that girl be?”
***************
Kagagaling lang ng isang kilalang child psychiatrist na si Dr. Alfred Jimenez mula sa ibang bansa dahil katatapos pa lamang ng bakasyon nito. Kaagad na tinungo niya ang kwarto para makapagpahinga samantalang si Mary Kate ay naroon lamang sa sala at nanood agad ng telebisyon. Papikit n asana ang mga mata niya nang marinig ang balita sa telebisyon.isang pangalan ang nakakuha ng atensyon niya. Napabangon siya at pumunta sa sala para tingnan ang ibinabalita ng local news. Napakunot ang noo ng duktorat napasalita, “Really????”
Napatingin sa kanya ang bata, “Kilala mo po?”
“I think dapat magiging pasyente ko siya dati pero tinanggihan niyang dumaan sa mga psychiatric tests. Akala ko pa naman magaling na siya, hindi pa pala.” Sagot nito. Napailing siya ng ulo, “Kawawang bata, bakit kailangan pang maging stalker ng magiging pasyente ko rin sana?”
“Bakit lahat ng napapabalita, nagiging pasyente mo?” natatawang tanong ni Kat.
“You know Kat, hindi mo alam na halos lahat ng mga bata ngayon ay may problema sa loob ng pamilya, it’s just the matter na ‘yung ibang pamilya has the courage to consult their children to me. ‘Yung iba lalo na ‘yung mga walang kaya sa buhay, hindi nila pinapansin ‘yun, they just ignored it. Ang hindi nila alam, may epekto ito paglaki nila at tingnan mo ang nangyari. Katulad ng dalawang taong ‘yan. They refused to be treated.”
“Sa dami ng nagiging pasyente mo, natatandaan mo pa?”
“Oo naman, clients and potential clients, I know all of them, it’s part of my job as a psychiatrist. Alam mo Kat, kahit anong tanggi mo sa isang bagay, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. May mga sikreto na pilit mang itago, ang panahon na ang magdidikta kung kailan ito lalabas. Hindi kasi iniisip ng mga tao na hindi sagot ang paglilihim para malutas ang isang problema, ang nararapat gawin ay ang pagtanggap sa problema at paghanap ng paraan kung paano ito masosolusyunan.”
“Hindi ko po naintindihan ‘yung sinabi ninyo.”
Lumapit ito at hinaplos ang buhok, “Bata ka pa pero pag nagtagal, maiintindihan mo rin ang lahat. Walang perpektong tao, walang taong nagsabi na kahit minsan hindi sila nag-isip ng masama sa kapwa nila, hindi nagalit o namuhi. It’s just the matter of how they can cope with their problems and turn it to a more positive way.”
Nakatingin lang sa kanya si Mary Kate na labis ang pagtataka. Napangiti na lamang siya.
“Tutulungan mo din ba sila katulad dun sa ginawa mong pagtulong sa kaso nung babaeng pinatay?”
“I don’t know, maybe not, maybe yes. Pero I don’t think may maitutulong ako sa kasong ‘yan.” Wika nito at bumalik na sa kwarto para makapagpahinga.
**************
“I’m worried now. Hindi ko na talaga mareach si Sis, Sabi sa bahay nila, kanina pa umalis.” Sabi ni Hannah.
“I’m getting scared too.”
Ilang sandali pa ay nakatanggap ng text message sa isang unidentified number si Hannah, “You wanna play a game? It’s called, Finding Missing Friends.-M.D.” At isang MMS na larawan ni Marjorie na duguan.
Nabitiwan niya ang cellphone at napaluha bigla. Agad siyang nilapitan ni Lara at kinuha ang cellphone niya. “Oh my God sis…..”
“Dinamay na niya ang kaibigan ko….” Nasabi na lang ni Hannah.
Napaurong si Lara, “Po-posible kayang a-ako rin?”
“I’m so sorry Lara, huhuhuhu.”
“No, Hannah, I think I need to go back to the States immediately.” Sagot nito at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Nang araw din na iyon ay nagtungo si Hannah sa pulisya at ipinakita ang mensaheng natanggap niya. Sa kasamaang palad ay inactive na ang numero at hindi na rin malocate kung saan galing ang text na iyon. Sinimulan agad ang paghahanap kay Marjorie.
***************
Malaki ang ngiti sa mga labi ng taong iyon habang nakaupo at pinagmamasdan ang hindi gumagalaw na katawan ni Marjorie. Marumi ang mga damit nito at duguan. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalakeng may hawak na isang tasang kape. Nabigla ito at nabitawan ang hawak nang makita ang nakahandusay sa sahig.
“A-anong ginawa mo? Si- si Marjorie ‘yan!”
Umikot ang swivel chair na inuupan at humarap kay Daniel. “May reklamo ka?” tanong nito.
“No! No! No! This is not what I want! You shouldn’t have done this! This is too much!” umiiyak na bulalas nito at napaupo na lamang sa kama.
“Come on Daniel, I’m doing you a favor. Dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil inalis ko na ang kontrabida sa buhay ninyo ni Hannah.”
“Pe-pero—-“
“Walang pero-pero! Nangyari na. Kaya ang dapat mo na lang gawin ay mag-isip ng paraan para makuha si Hannah. You’re the planner, I’m the executor.”
“No, this is not what I intend to. I don’t want to go to jail again.”
“You won’t be, basta wag ka nang magpapahuli.”
Tumayo ang taong nakahoodie at naglakad palabas ng kwarto samantalang iniwan nito si Danny sa loob na nakatitig sa nakahandusay na si Marjorie.
Chapter 12: “The Maria Lara Mateo Shuffle”
“I need to go, I need to go.” Paulit-ulit na sinasabi ni Lara habang bitbit ang maleta palabas ng kanilang bahay. Pasakay n asana siya ng van nang salubungin siya ni Alvin.
“What are you doing here?” naiinis na tanong niya.
“Nakatanggap ako ng tawag mula kay Hannah. She said you’re going to leaveafter what happened.”
“Of course, I need to leave, maybe you should also. Delikado ang buhay natin dito! Look what happened to Marjorie!”
“I know that.” Sabi ni Alvin at hinalikan siya sa labi. Agad naman siyang tinulak ng babae, “Stop that!”
“What? Alam ko namang gusto mo rin!”
“Hell no! Alam mo namang iba ang gusto ko.”
“Well, well, well, may girlfriend na ang pinsan ko kaya imposible na ‘yan.”
“I know, but. Does he already know?”
“Oo, balisang balisa nga eh, hindi alam ang gagawin. Nagwawala kanina nang malaman ang nangyari kay Marj.”
“He should be. Do you think Marj is already dead?”
“Ewan pero base sa litrato na pinadala ng stalker ni Hannah, oo.”
Napangiti si Lara. Napansin naman ito ni Alvin. “You looked happy.”
Pero hindi sumagot si Lara.
“So bakit aalis ka pa, eh tingnan moa ng nangyayari kay Randy. This is your chance.”
“Pero ayaw kong ipagsapalaran ‘yon. Maaaring sa mga oras na ito ay pinagmamasdan na tayo ng killer.”
“Pwede pero hindi ako natatakot.”
“Dahil????”
“Wala.” Ito lang ang sagot ni Alvin at nagpakita ng makahulugang ngiti.
“Okay, I’ll be going now.” Sabi nito at sumakay na ng van. Naiwan doon na nakatayo si Alvin. Hindi nito napansin ang pagsunod ng isang kotse sa van na sinasakyan ni Lara.
***********
“Mam, sandali lang po. Magc.c.r. lang ako.” Sabi ng driver at huminto sila sa gilid ng isang gasoline station.
“Sige manong, dalian mo lang huh.”
Huminto ang van sa likuran niya, bumaba ang isang taong nakahoodie. Habang abala si Lara sa pagtetext ay hindi nito napansin sa labas ang taong nakahoodie. Kaagad nitong nabuksan ang hindi nakalock na pinto at pumasok sa loob. Saglit na umuga ang van at inilabas niya ang walang malay na si Lara. Nagmamadali niya itong binuhat at isinakay sa kotse.
************
Masakit pa ang ulo ni Lara nang magising. Nasa loob siya ng isang kwarto na punung puno ng larawan ni Hannah. Hindi siya makagalaw dahil nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. Sa kabilang dulo ay naroon ang wala pa ring malay na si Marjorie.
“Tuloooonnnngggg!!!!!” malakas niyang pagsigaw. Umiiyak na siya dahil sa takot. Pilit niyang iginagalaw ang sarili subalit hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakatali sa kamay at paa niya. Dumapa siya at kahit hirap ay ginawa niyang makagapang kahit unti-unti papunta kay Marjorie.
Ilang saglit pa ay may pumasok na lalake.
“Walang hiya ka Danny!” galit na sabi ni Lara. “What did I ever do to you? Wala akong kinalaman dito! Bakit kailangan mo akong idamay?!”
Hindi agad nakapagsalita. Halatang takot na takot ito. “No, no, no, I did not do this to you. I’m so sorry. Hindi ito kasama sa plano!”
“What the f*** are you talking about? You did this to us you freakin’ psycho! Pakawalan mo ako rito!”
“No, no. I’m so sorry.”
“Pag ako nakawala rito, I’m going to make sure you’ll be rotten in jail this time!”
“No, please, please, please. Don’t do that. All I want is Hannah.”
“Wala akong pakialam sa gusto mo! Kaya kalagan mo ako!!!!!!”
Agad na nilapitan siya ni Daniel at inalis ang tali sa kamay, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Daniel. “I f***ing hate you!”
Nakatungo lang si Danny habang inaalis ang tali sap aa ni Lara.
“Bilisan mong h***p ka!”
Nang makawala na siya sa pagkakatali ay sinipa niya si Daniel sa sikmura. Natumba ito sa sahig at namilipit. Niyugyog niya si Marjorie subalit hindi ito nagigising pero alam niyang buhay pa ito subalit mahina lang ang paghinga mula sa pagkakasandal sa dingding. Tumakbo na siya sa pinto subalit nang bubuksan na niya ito ay sumalubong sa kanya ang isang taong nakahoodie. Kaagad siya nitong sinakal at itinulak. Tumilapon siya sa sahig. Pagkatapos noon ay pinagsisipa siya sa sikmura. Bagaman matindi na ang sakit na nararamdaman niya ay pilit siyang lumalaban sa taong iyon. Binuhat siya nito subalit wala siyang lakas para mapantayan ang bumibihag sa kanya. Iniupo siya nito sa isang silya at tinalian ng tape ang bibig, kamay at paa. Inilabas nito ang isang matalim na kutsilyo. Hiniwa niya ito sa mga braso ni Lara, sariwang dugo ang umagos mula rito. Naiyak siya sa sobrang hapdi.
Gusto mang malaman ni Lara kung sino ang taong iyon ay wala siyang ideya. Hindi niya makita ang hitsura nito, hindi pa rin niya naririnig itong magsalita.
“Don’t kill her please!” sigaw ni Daniel.
Lumapit ito sa kanya at sinuntok sa mukha. Hinila siya nito sa buhok at pilit na pinaupo sa kama.
“I’m so sorry, hindi na mauulit.Babantayan ko na sila. Hindi ko na papakawalan, promise.”
Pagkatapos noon ay nilagyan niya ng ekis ang mga mukha nina Marjorie at Lara bago lumabas ng kwarto.
**************
Labis na nag-aalala na si Hannah nang mabalitaan na pati si Lara ay nawawala na rin. Nagbigay na siya ng pahayag sa istasyon ng pulis. Gulung-gulo na ang isip niya sa mga nangyayari. Palabas na siya ng police station nang may salubungin siya.
“Oh my God! What are you doing here?”
“I’m okay now.”
“Thank God! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka. Kailangan ko talaga ng suporta ngayon.” Sabi niya at mangiyak-ngiyak na niyakap ang boyfriend na si Jake.
“I’ve heard na pati ang kaibigan mong si Lara Mateo ay nawawala na rin.”
“Yes. Yes. Kagagawan ito lahat ng stalker ko!”
“Sssshhhh, don’t worry Babe, I’m here now. Hindi ko hahayaang may mangyari pa sa’yo.”
Sa kabilang kalsada, sa likod ng mga nakaparadang kotse ay naroon si Daniel, lumuluha na naman ito nang makitang magkayap sina Jake at Hannah.
Chapter 13: “Exes”
Inaantok na si Hannah dahil sa hapo at pagod na nararamdaman, sa mga bisig ng nobyo ay pakiramdam niya ay ligtas siya. Naroon na sila sa bahay ng mga Lorilla, sa kwarto ng babae. Hindi nagtagal ay nakatulog na si Hannah, dahan-dahang inihiga siya ni Jake. Naaawa na siya sa sinapit ng nobya. Bakit ba kasi hindi pa siya tinitigilan ng mga stalker niya?
Huli na kasi noong malaman niyang may problema ito dahil sa stalker. Inilihim ni Hannah ito sa kanya, pero naiintindihan niya. Imbes na galit ang maramdaman niya ay hindi kundi awa. Alalm niyang hirap na hirap na ang kalooban nito dahil sa mga nangyayari. May naalala siya, may hinala na siya kung sino ang stalker ni Hannah pero kailangan niyang makasigurado. Binuksan niya ang cellphone at nagtungo sa gallery. Sa isang hidden folder ay may mga litrato roon ng kanilang barkada noong kumpleto pa sila, noong sobrang saya nila, noong wala pang nagaganap na patayan. Ayaw niyang burahin ang mga ito dahil importante ang mga iyon para sa kanya. Biglang nangilid ang mga luha niya nang maalala ang mga ito. Ang pinakahuli ay picture niya kasama ang isang babae na kuha sa isang beach. Tanging board shorts lang ang suot niya samantalang ang babaeng yakap niya sa baywang ay nakaswim suit at magkahalikan sila. Sikreto ang bakasyong iyon. Hindi alam ni Hannah na may kasama siyang ibang babae noong mga panahong sila pa. Subalit lingid sa kaalaman ni Hannah na naging sila rin ng babaeng kasama niya sa litrato bagaman sa maikling panahon lang dahil tinapos na niya agad. Ayaw na niyang maging two timer. Lubos niyang pinagsisihan iyon. Alam niyang nagkamali siya.Hindi na niya ito sinabi sa nobya dahil natatakot siyang iwan nito. Mahal na mahal niya si Hannah. Alam niyang napakaswerte niya rito dahil siya ang napili nito kaya lubos niya iyong ipinagpasalamat.
Hindi alam ni Jake na nagising pala si Hannah at nakabangon na, kitang kita nito ang larawan sa wide screen ng cellphone niya. Nang lumingon siya ay nakita niyang umiiyak ang nobya. “Babe, gising ka na pala.” Hahawakan sana niya ang nobya subalit bumaba nito ng kama at lumayo sa kanya.
“Don’t touch me. Manloloko ka. Huhuhu.” Umiiyak na sabi niya.
“Babe, let me explain.”
“No! You lied to me! You fooled me! How could you do this to me after what I’ve done for you? Hinayaan kong masira ang pangalan ko dahil sa’yo, pinili kita kasi mahal kita pero ito pa ang igaganti mo sa akin? At sa babaeng ‘yan pa talaga????”
“No babe, please let me explain.”
“No!!!!!”
Humahagulhol na bumaba siya palabas ng bahay. Sumabay sa kanya ang kalungkutan ng langit. Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon. Hindi siya nahabol ni Jake sapagkat hindi pa ito makalakad ng maayos.Madilim na ang buong paligid. Pakiramdam niya ay mas masakit ang nalaman niya kaysa sa ginagawa ng stalker niya. Basang basa na siya ng ulan nang huminto at napasandal na lamang sa isang puno. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo. ‘Yung taong akala niya ay magliligtas sa kanya ay siya palang mananakit sa kanya.
Nabigla siya nang may lalakeng huminto sa harap niya. Akala niya ay si Jake, “Jake, please, leave me alone.”
“I’m not Jake, it’s me Danny.”
Napatingin siya. Tatakbo n asana siya nang hawakan siya nito sa kamay. “Please Hannah, talk to me, promise, hindi kita sasaktan. Maniwala ka naman oh.”
Pero nagpupumilit pa rin si Hannah na makawala. “Please Hannah. I will tell you everything.”
“Why would I trust you? You’re my stalker.”
“Tulad ng sinasabi ko noon, I tried to send a gift once, the one with the chocolates only, ‘yung pinadala ko sa bata. But the one threatening you, it’s not me! Promise! I love you so much that I would not do that. I found out something noong nasa kulungan ako.”
“Ano ‘yun?”
“Kung gusto mong malaman, sumama ka sa akin.”
“No, why would I do that? Let’s talk sa isang public place.”
“Hindi ako pwede, oyu know na bawal akong lumapit sa’yo, kapag may nakakita at isumbong ako sa mga pulis, makukulong ulit ako.”
Nag-isip si Hannah, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang magtiwala sa taong ito.
“Please Hannah just listen to me. I know who your stalker is.”
Sa sinabing iyon ni Daniel ay nakumbinsi siya nitong sumama sa kanya, bagaman nagdadalawang-isip siya ay napagtanto niya na gusto na rin niyang matapos ang lahat. Gusto na rin niyang mahuli ang tunay niyang stalker. Isinakay si Hannah sa isang kotse na nakaparada sa may di kalayuan. Samantalang nakita ni Jake ang buong pangyayari. Gusto man niyang pigilan si Hannah ay hindi niya magawa. Kahit na sumigaw siya ay hindi siya maririnig nito dahil talo ang boses niya ng malakas na ulan.Ang tanging nagawa na lamang niya ay pagmasadan ang kotse na unti-unting lumalayo.
**************
Dinala si Hannah sa isang apartment building malapit sa boundary ng Santa Cruz at San Ildefonso. May kalumaan na ang building subalit bakas sa istruktura nito na kahit nagdaan na ang maraming taon ay nananatili pa rin itong matatag. Pumasok sila sa isang kwarto na ang mayroon lang ay isang kwadradong mesa, dalawang upuan at isang malaking salamin sa gilid. Pinaupo siya ni Daniel sa isang silya.
“Sabihin mo na ang mga dapat kong malaman.”
Umupo naman si Daniel sa natitira pang silya sa harap niya. “Hannah, I love you so much, I know this is very hard for you. Ang gusto ko lang ay matulungan ka—-“
“Yes, I know that. So tell me. Tell me now, who’s my stalker!”
“Makinig ka muna sa akin Hannah. I know I’m not fine. I’m not okay. I’m so obsess to you that’s why I’m taking stolen shots of you and even made my entire wall only your pictures because I really admired you simula noon twelve years old pa lamang tayo—-“
“What the heck are you talking about?”
“Well, obviously you can’t remember but I can still recall everything that had happened the day when you and I were brought to the child psychiatrist.”
“Wala ako matandaan. Hindi ko ‘yan alam.”
“I understand that. Pero simula noong dalhin tayo roon ng mga magulang natin at nagkausap tayo ay iba na ang naramdaman ko sa’yo. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa’yo. Napag-alaman ko rin na magkalapit lang tayo ng tinitirhan kaya masaya ako noong malaman ko’yun. Napalayo lang ako sa’yo noong lumipat kami ng bahay pero nanatili kang nasa puso ko. At laking tuwa ko noong magkolehiyo ako ay parehong unibersidad lang pala tayo—-“
“Bakit ang dami mo pang paliguy-ligoy? Why don’t you just cut off to the chase?”
“No, Hannah, just listen to me first… Noong nasa kulungan ako, may nakilala akong lalake. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay-buhay. I asked him kung bakit siya nakulong, he told me na napatay niya ang kaibigan niya. At may isa siyang taong nabanggit na sobrang pamilyar sa akin. At noon ngang dalawin siya ay kitang kita ko at hindi ako maaaring magkamali sa taong dumalaw sa kanya. He then told me ang dumalaw sa kanya ay ang dating niyang kasintahan na sinabing tutulungan daw siyang makalaya agad dahil maraming koneksyon ito sa court and police. And indeed, we were released the same date. So I told him to help me para—–para mapalapit sa’yo. Para makasama ka at makausap.”
Maraming nagflashback sa utak ni Hannah, lalong gumulo ang isip niya. “Hindeeee.. hindi ito maaari..”
“Hannah, inaamin ko na I’m sick, I have a mental disorder but I could control myself. I have done my own research sa’yo and I know you’re sick too. That’s why I’m hear to help.”
Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang isang taong nakaitim na hoodie. Inangat nito ang ulo at nakita ni Hannah ang pamilyar na mukha.
“Hi ex, it’s me Jesse.” Nakangiti nitong sabi.