Chapter 14: “Psychological Warfare”
“What are you doing here????” nagugulat na tanong ni Hannah kay Jesse.
“You bring me here, remember?”
“No, I don’t remember!” sigaw ni Hannah habang hawak ng mga kamay ang buhok na tila nababaliw. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nanginginig na ang katawan niya, hindi niya malaman kung sa sobrang takot ba iyon.
“I’ve done you a favor Hannah, couldn’t you remember noong dumalaw ka sa kulungan? You told me na ako ang perfect partner to do your works. Sinabi mo na makakalaya ako kung tutulungan kita sa mga gusto mo. And well, here I am. You told me to kidnap your best friends, Marjorie and Lara.”
“No, hindi ko gagawin sa kanila ‘yon!”
“Hannah, please. Lahat ng sinasabi sa’yo ni Jesse ay totoo. I saw you visiting him in jail kaya nga nagulat ako. Makinig ka sa kanya. Please huwag kang magagalit sa akin. Naiintindihan naman kita eh kung bakit ka ganyan. Hannah, you’re highly delusional.” Paliwanag ni Daniel.
“What are you talking about Danny? I’m not crazy! Huwag mo akong igaya sa’yo na sobrang obsess sa akin! Huwag mo akong lokohin!”
“No Hannah, please. WALA KANG STALKER Hannah, it’s just all in your mind.”
“Imposible. I saw him, he’s wearing a black hoodie, it’s you Jesse!”
` “Hannah, I was in jail noong mga panahong may stalker ka, hindi ko magagawa ‘yon!” sagot ni Jesse.
“Hindi ako nagtanim ng sama ng loob o ng kahit ano noong ipakulong mo ako because I really love you. I understand you, from a guy who is suffering from a disorder, I could totally understand you. That illusion na sinasabi mong nakakakita ka ng misteryosong tao, it is just all in your mind. Or your mind represents it as your stalker pero wala naman talaga. You did everything Hannah, from the flowers, cards and dead insects.” Sabi ni Daniel.
“Wala akong maalala Danny, wala.”
“Because you’re living in a realm na may stalker ka! You’re narcissism has pushed you to the edge to the point na you’re treating yourself that you’re in danger. Your vain Hannah and your extreme vanity lead you to that idea that you have a stalker. Pinaniwala mo ang lahat ng tao at ang sarili mo na totoong may stalker ka pero ang totoo, wala naman!”
“Then why would I do that? Why?”
“Dahil nga kinukulangan ka sa fame! Gusto mong mapag-usapan ng lahat ng tao, sa kabila ng kagandahan mo at pagiging popular, hindi ‘yun sapat sa’yo kaya mo sinagot si Jake na kontrobersyal na. But it wasn’t enough kaya nagpretend ka na may stalker ka.”
“That’s impossible! You have no proof!”
“I asked the vendor doon sa flowershop kung saan ninyo ako nakita, napansin ko kasi na may pagkakapareho ‘yung cards doon at sa stalker mo. I asked him na idescribe ang taong madalas na bumibili ng roses at cards, noong una akala ko lalake pero ang sabi niya babae at nagmamatch sa description mo, pero naisip ko na imposible mong magawa ‘yun kaya I showed him a picture of youpero hindi pala ikaw kung hindi ang ate mong si Nina! Alam niyang may mental disorder ka kaya para mapagtakpan ang kasalanan mo, she instead supported you sa lahat ng ginagawa mo, she’s your accomplice Hannah.”
“No, I’m not y own stalker, bawiin mo ‘yang sinasabi mo! I’m not M.D.!”
“Yes, you are Hannah, hindi mo ba talaga naaalala noong sa psychiatric clinic? You told me something. You said that you’ve read a book about a girl who was so beautiful. She had her own adventure because she was kept chasing by her stalker. Sabi mo paborito mo ‘yung libro kasi gusto mong maging kagaya niya. Inuulit-ulit mo pa nga ‘yung name nung main character, you said her name was Martha Diane, M.D. for short.”
Sapagkakataong iyon ay bumalik na sa alaala niya ang lahat ng ginawa niya.
“Imposible ito! Hindi ito maaari!” napatayo si Hannah sa pagkakaupo at napatingin sa salamin. Nakita niya ang sarili niya na nakasuot ng itim na hoodie at may hawak ng bouquet ng rosas.
“That’s the truth, you told Jesse to kidnap your friends. Hindi sapat ang nakukuha mong popularity at pakiramdam mo threatened ka sa dalawa mong kaibigan.”
“No, no, teorya mo lang lahat ng ito!”
“No Hannah, all of these was based on my research and with the help of the child psychiatrist. I called Dr. Alfred Jimenez at may initial record siya ng diagnosis natin, diagnosis mo.”
Napaluhod si Hannah at umiyak. Nilapitan siya ni Daniel at lumuhod din. “Hannah, I’m here for you.”wika niya at hinalikan siya sa noo.
Biglang huminto ng pag-iyak si Hannah at pinunasan ang luha at inayos ang buhok gamit ang mga daliri. Tumayo siya at palabas ng pinto.
“Oh saan ka pupunta?” tanong ni Daniel.
“Where are my sisters Marjorie and Lara?”
“Sa kabilang room.” Sagot ni Jesse at itinuro ang isang kwarto.
Chapter 15: “Old Friends”
Agad na nagtungo si Hannah sa kwarto kung nasaan sina Marjorie at Lara. Sinundan naman siya ng dalawang lalake. Nakakita siHannah ng kutsilyong may bahid ng dugo sa mesa. Kinuha niya ito at tiningnan.
“Hannah! What are you doing here?! Nagugulat na tanong ni Marjorie. Gising na ito subalit nanghihina pa rin dahil sa dami ng sugta na tinamo. Nakagapos pa rin nito. Samantalang si Lara ay nakatali sa isnag upuan at may busal ang bibig.
Dahan-dahang lumapit si Hannah kay Marjorie at sinabunutan ito. Napasigaw naman ang una dahil sa sakit.
“Bakit mo ginawa ‘yun?” naiiyak na tanong ni Marjorie.
“I should be the one asking you that! I saw your picture together with my boyfriend Jake! I thought we are friends, I thought we are sisters! Pero hindi pala! Traydor ka! Malandi ka! Wala kang kwentang best friend! From now on, hindi na tayo friends!” namumuhing sabi ni Hannah
“Hannah, I’m.. I’m so sorry.”
“Well,it’s too late sis!” sabi niya at inundayan ng saksak si Marjorie sa tiyan.”Hahahahahahaha!!!!!” parang nababaliw na tawa ni Hannah at sinaksak muli ang kaibigan.
Tumulo ang dugo mula sa bibig ng kaibigan at ilang sandali pa ay hindi na ito gumalaw. Kitang-kita ni Lara ang buong pangyayari. Gustuhin man niyang makawala ay hindi siya makagalaw. Nilingon siya ng masama ni Hannah at nilapitan din. Tumutulo pa ang dugo sa kutsilyong ginamit niya. Lumuhod siya sa harap ng kaibiganat inikut-ikot ang kutsilyo sa mga hibla ng buho.”Hmmmm, ikaw sis Lara, I couldn’t think of any reason para patayin ka.” Sambit niya habang pinuputol ang tali. Pero habang ginagawa niya iyon ay napahinto siya, “Oh wait, yes, I have a reason, Di ba iiwan mo ako sa ere dahil nalaman mong delikado ang buhay mo? Well, palatandaan iyon na you’re not a good friend Lara. And besides, I hate your beauty, dapat wala akong kaagaw sa atensyon ng lahat. Ako lang dapat ang nananatiling famous ang beautiful! Hahahaha.” Sabi niya at pumunta sa likuran ni Lara.
Napanganga na lamang si Daniel nang gilitan ni Hannahsi Lara ng leeg. Hindi niya akalain na magagawa iyon ng pinakamamahal niya. Gusto man niyang pigilan si Hannah sa ginagawa nito ay pinigilan din siya ni Jesse.
“Hayaan mo na si Hannah.”
“I’m here to help her, gusto kong gumaling siya. Hindi dapat ganito.”
May ipinakita si Jesse na baril sa kamay kaya hindi na gumalaw pa si Daniel, natatakot siya sa baka kung anong gawin nito sa kanya.
****************
Huminto ang isang sasakyan sa tapat ng lumang apartment. Bumaba roon sina Jake, Randy at Alvin. Malakas pa rin ang ulan, tila walang balak na huminto.
“Ito na kaya ‘yung lugar?” natanong ni Alvin.
“Oo, positive ako. Besides sa bahay nila, dito pa siya maaaring magpunta dahil tambayan namin ito dati.” Sagot ni Randy.
Hindi na sila nag-abala pang kumatok. Kaagad nilang binuksan ang hindi nakalock na pinto. Dahan-dahan silang pumasok. Magulo ang hallway ng apartment, may mga balat ng junk foods, nakatumbang upuan at mga nagkalat na papel at pahina ng dyaryo. Bumukas ang isang pinto at lumabas doon ang isang lalakeng nakahoodie, dalawang dipa ang layo sa kanila.
“Jesse?????” gulat na gulat na nasambit ni Jake.
“Well, long time no see my old friend.” Sagot nito.
“Anong ginagawa mo rito????”
“Uhhmmmm, wala naman. Tinulungan ko lang ang isang bagong kaibigan.” Sabi nito at tinawag si Daniel.
Nabigla rin sina Randy at Alvin. “Wag n’yong sabihin na kayo ang stalker ni Hannah?” wika ni Randy.
“Uhmm, yes and no actually.” Wika nito at tinutukan sila ng baril. Napataas ng mga kamay ang tatlong lalake.
“Jesse, what are you doing?” natatakot na tanong ni Daniel.
“Labas ka na dito. Sariling plano ko na ito, gusto ko lang bigyan ng reunion gift itongsi Jake.” Sagot nito at iginalaw-galaw ang hawak nab aril.
“Don’t do anything stupid. Nandito tayo para tulungan si Hannah.”
Tinitigan siya ng masama ni Jesse. “Why don’t you mind your own business? My old friend Jake here, ruined my life when I was convicted of murdering Andrea.”
“Dapat mo lang talagang pagbayaran ang ginawa mo!”
NIlapitan ni Jesse si Jake na nakatutok pa rin ang baril dito, sinenyasan niya sina Randy at Alvin na pumasok sa isang kwarto, “Don’t do anything I don’t like at siguradong isa sa inyo ang mabubutasan sa ulo.” Sabi nito, kaagad naman siyang sinunod ng dalawa. Nang makapasok na ang mga ito ay inilock niya ang pinto mula sa labas.
“Pa-paano ka nakalabas ng kulungan?” nagtataka si Jake.
“Well, why don’t you ask your girlfriend Hannah?”
“A-anong kinalaman ni Hannah?”
“Hahahaha. You don’t know everything about her.” Wika nito atitinutok sa noo ni Jake ang baril, napapikit si Jake, nangininig na ang mga kamay nito, tila naparalisa. Kakalabitin n asana nito ang gatilyo nang may sumigaw mulasa likuran.
“Huwaaaaggggggg!!!!”
Chapter 16 (FINAL Chapter): “Once A Stalker, Always A Stalker”
Napalingon ang dalawa, si Hannah ang sumigaw. Sindak na sindak si Jake nang makitang duguan ang damit at mga kamay ng kasintahan. Hawak pa rin nito ang kutsilyo na ginamit. Umiiyak ito at walang ayos ang buhok. Pero napansin agad niya na kay Hannah pa rin nakatingin si Jesse kaya agad niyang natabig ang kamay nito at tumilapon ang baril.
Nagpambuno ang dalawa sa maruming sahig, pumaibabaw si Jake at sinuntok ng ilang ulit si Jesse subalit lumalaban ang huli. Malakas ang pagwawala nito kaya natumba si Jake. Samantalang si Daniel ay yakap lang si Hannah, nanunuod ang mga ito sa pagsasakitan ng dalawa.
Isang malakas na suntok ang ipinatama ni Jesse sa mukha ni Jake kaya lumabas ang dugo mula sa ilong nito at bibig. Nakaganti naman si Jake at tumama ang mukha ng kaaway sa semetong pader. Hinawakan niya ang ulo nito at makailang ulit na inuntog ang mukha sa pader. Sa bawat pagtama ng ulo ni Jesse sa pader ay ang pagtalsik ng dugo at pagbahid sa matigas na semento. Tumigil lang siya nang makitang wala nang itong malay at hindi na gumagalaw. Bumagsak muli ito sa sahig ng duguan ang mukha. Nakalabas naman sina Randy at Alvin nang pagtulungan nilang sunggaban ang pinto at nasira ito. Kinuha ni Jake ang baril at itinutok naman kay Daniel. Napalayo ang lalake. Niyakap niya ang nobya at nagtungo sa kwarto kung nasaan sina Lara at Marjorie.
Hindi nila inaasahan ang madadatnan. Punung-puno ng dugo ang sahig ng kwarto, naroon ang dalawa, si Lara ay nakatali at nakaupo, wala na itong buhay dahil sa pagtama ng talim sa leeg nito, ganoon din si Marjorie na nakahandusay, kaagad itong nilapitan ni Randy at humagulhol ng iyak.
Ilang minuto pa ay dumating na ang mga pulis, lahat sila ay hiningan ng salaysay, subalit sa huli ay nakulong muli si Daniel dahil sa pagkidnap sa dalawang babae at pagtulong sa ex-convict na si Jesse. Si Jake naman ay nakulong din bagaman self-defense ang ginawa nito, nililitis pa rin ang kaso, makakalaya lamang ito unless proven not guilty. Base na rin sa mga nakalap na ebidensya ng mga pulisya, si Hannah ay nabilanggo rin sa pagpatay sa mga kaibigan nito, ngunit dahil sa lumala nitong kalagayan at madalas na pagwawala sa selda ay dinala na ito sa mental hospital. Paminsan- minsan ay nakikita pa rin nito ang taong nakahoodie sa tuwing titingin siya sa salamin.
*************
Nakamasid angisang taong nakahoodie sa may di kalayuan sa Arlington University. Nakatanaw ito sa gate ng nasabing school.
Napangiti siya nang lumabas ang pakay.
“Hindi ako mapasundo, may dadaanin
pa ako sa gift shop. Bye girls! Kita na lang ulit tayo bukas.” Pagpapaalam ni Angela sa mga kaibigan sa labas ng school bago maglakad kasabayan ang marami pang estudyante na naglalakad din sa parehong direksyon. Kaagad siyang sinundan ng taong nakahoodie sa likuran. May kinuha itong matalim na bagay mula sa likuran at ikinubli sa bulsa.
Nang wala nang masyadong estudyante sa lugar na nilalakaran ni Angela ay nakarinig siya ng pagsitsit. “Psssst.. Pssst..” Lumingon siya subalit wala namang tao kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ilang segundo lang ay narinig niya muli ang pagsitsit. Nang lumingon siya ay laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang isnag taong nakahoodie. Inangat nito ang ulo at nanlaki ang mga mata niya.
“Ha-Hannah????”
-WAKAS