ni Fiction-Factory
(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)
Walang forever sa mga taong sumusuko, walang forever sa mga taong hindi pa nasusubukang lumaban ay natatakot ng matalo, walang forever sa mga taong tumatalikod sa mahal nila, walang forever sa taong nagdadalawang isip sumugal sa larangan ng pag-ibig.
* * * * * * *
Disgrasyada.
Yan ang madalas kong marinig sa twing pinag-uusapan ako ng mga taong may makakating dila dito sa amin. Kung papatulan ko sila parang inamin ko na rin sa sarili ko na mas makitid pa ang utak ko kesa sa kanila. Kung ano ano ang nasasabi nila tungkol sa akin samantalang hindi naman nila alam ang tunay na kwento ng buhay ko.
Ano nga bang kwento ko? Well, yan ang isang bagay na ayaw ko ng pagusapan at balikan. Gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat at magpakatatag na lang sa panibagong yugto ng buhay ko.
Anyway i’m Carol Teodoro. Sa edad na 27 isa na akong Executive Manager sa isang malaki at tanyag na kumpanya. Huwag nyo ng alamin kung pano nangyari yon, ako man nagugulat sa bilis ng promotions ko. Sabagay matalino naman talaga ako at responsable, pwera nga lang sa pag-ibig.
One day, atras-abante ako sa parking lot. Hindi ko kasi maisingit ang kotse ko sa pagitan ng dalawang sasakyang ito. Hindi rin naman kase ako ganun kagaling mag-drive at ayaw ko talagang nagpa-park. Kebago-bago ng kotse ko mukhang magagasgasan pa ata.
Bhag!
Shit! May tinamaan pa ata ako! At mukhang hindi sasakyan ang naatrasan ko.
Maya-maya may isang lalaking lumapit at kumatok sa bintana ko. Binuksan ko na bago pa nya ito magasgas.
“Bulag ka ba?!” sigaw agad nya sa mukha ko, “Hindi mo ba nakikita na may tao sa likod kotse mo?”
Nanatili akong kalmado kahit tumatalsik laway nya sa mukha ko, “S-sorry po.” tanging nasabi ko.
“Sa susunod wag kang aanga-anga! Tumingin ka muna sa likod mo bago ka umatras!”
Huh?! Ako aanga-anga? Sa suot kong ganito kadisente? Parang uminit ulo ko sa narinig ko. Dapat pala tinuluyan ko na ang lalaking ito eh! Ang yabang nya! Humingi na nga ako ng sorry eh!
Kung hindi lang talaga ako nagmamadali baka pinatulan ko na ito. Pasalamat sya tinawagan ako nung Boss ko for an early meeting. Ginawa ko sinara ko na lang ulit bintana ko para matapos na. At nang makaalis na sya buwis-buhay na naman ako sa pagpa-park.
Sayang yon, gwapo pa naman, kaso bastos. Teka, kailan pa ako natutong pumansin ng gwapo?
Bago ko iniwan sa parking lot ang kotse ko pinunasan ko muna yung bintanang hinawakan nung bastos na lalake. Haish. Yoko masira araw ko! Mukhang napaka-importante ng meeting na ito at ganito pa talaga kaaga, kaya gusto ko presentable ako.
Pagdating ko sa loob ng opisina ni Director Malou Wang aba nagulat ako nandun na daw sya sa loob sabi ng secretary nya. Nakakapagtaka naman sya, dati lagi syang late pumasok, kahit nga meeting nila ni Chairman nale-late pa rin sya, pero ngayon ang aga nya.
“Carol, mamaya may bagong empleyadong darating, gusto ko ikaw mismo ang umalalay sa kanya sa trabaho. Ituro mo sa kanya ang lahat ng alam mo sa pagpapatakbo ng kumpanyang ito.”
Ito lang napag-usapan namin sa meeting. Tungkol sa bagong office clerk na mukhang napakaespesyal naman ata dahil ako pa ang gusto nyang mag-train sa kanya. Hindi kaya kamag-anak nya yon? Pero sa pagkakaalam ko bawal ang magkamag-anak sa kumpanyang ito. Baka naman kabit ni Mrs. Malou Wang yon?
Sabi nya hintayin ko daw sa office ko, aba dalawang oras na ako sa office ko pero wala pa rin sya. Unang araw pa lang nya late na agad? Huwag lang syang umasta na parang kung sino, kahit isa sa mga board of directors pa ang backer nya hindi sya uubra sa akin.
Maya-maya pumasok secretary ko, “Ma’am, nandito na po yung hinihintay nyo.”
“Finally! Sige papasukin mo sya dito.”
Paglabas nung secretary ko ay sya namang pagpasok ng isang gwapong lalaki. Matangkad ako pero mas matangkad sya sa akin. Mestiso sya at may pagka-macho, o sa madaling salita yummy sya. At nang magtagpo mga mata namin isa lang nasabi ko.
“IKAW?!”
At isa lang din nasabi nya, “I-ikaw?”
“Ha Ha Ha” napahalakhak ako nang makilala ko sya. Sya yung bastos na lalaki kanina.
Bwahaha Lagot ka sa akin ngayon! Aanga-anga pala ha!!!
Binuksan ko ang folder ng profile nya na nasa table ko, “So… You are Mr. Nikko Dizon…” habang binabasa ko name nya.
“Y-yes.” mahiya-hiyang sagot nya.
“So Nikko, is there something you wanna say before anything else?” nakangiti kong sabi. Baka sakaling maisip naman nyang mag-apologize dun sa nangyari sa parking lot.
“Nothing Ma’am.”
Hmp! Antipatiko ‘to ah! Lagot ka sakin talagang pahihirapan kita!
Naisip ko ng diretsahin sya, “Hindi ka man lang ba maga-apology dun sa pambabastos mo sa BOSS mo kanina?”
Kumunot kilay nya, “Ma’am, i’m here for work, yung personal matter kanina sa parking lot, hindi ko sya boss, isa lang syang aroganteng babae na akala mo kung sinong mayaman!”
Nagugulat ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. Malakas ang loob nyang pagsalitaan ako ng ganun ganun lang porke malakas ang kapit nya sa kumpanyang ito. Kaano-ano ba talaga ni Director Wang ito?
“Ang kapal ng mukha mo!” biglang tumaas boses ko, “Kebago-bago mo sumasagot-sagot ka na! Boss mo ako, at kailangan mo akong pakisamahan at respetuhin! At sa lahat ng ayaw ko ay yung taong akala mo kung kaninong pader nakasandal kung umasta!”
Napipikon na talaga ako. Sana lang nage-gets nya sinasabi ko.
“Hindi kaya napaka-unprofessional mo na nyan Ma’am? Kalma lang, nalitaw wrinkles mo eh!”
At talagang napuno na nya ako! Ang kapal talaga ng mukha nya! Bastos! Pakialam nya sa wrinkles ko?!
“Hoy mister, hindi ako nakikipaglokohan sayo! Sana lang maayos kang magtrabaho, dahil kung hindi, hmf, ibabagsak talaga kita sa evaluation mo.”
“I know Ma’am. Makakaasa kayong pagbubutihan ko ang trabaho.”
Yabang mo! Tignan ko lang kung tatagal ka sa akin!
“Good. Very good. Sige, timpla mo muna akong kape don.”
“Ma’am?”
“Did’nt you hear me? Go to the pantry and get me my coffee. Black coffee ha?”
Akala ko magrereklamo ka pa!
Tinawag ko yung secretary ko para pasamahan sya. Pina-assist ko na rin sya sa magiging table nya at pina-orient ko na rin yung mga basic rules dito sa department ko.
Habang wala sila at abala sa pantry binalikan ko si Boss Wang sa opisina nya. Isusumbong ko talaga ang lalaking yon. Hindi ko kasi ma-take yung pagiging bastos nya at walang modo.
“Ma’am, i’m here to tell you something regarding our newly hired employee. Bakit nyo naman tinanggap yung ganung klaseng tao?”
“Bakit? May nangyari ba?”
“Binastos lang naman nya ako sa unang araw nya. Mayabang sya at over bastos.” tapos kinwento ko lahat sa kanya, pati yung nangyari sa parking lot. At syempre pabor lahat sa akin.
“I’m sorry to hear that Carol. Pagpasensyahan mo na lang muna sya. Alam mo kase ganun talaga ugali non, at kaya ko sya pinasok dito baka sakaling magbago sya.”
Ano daw? Ako pa dapat ang magpasensya?
“Kaano-ano nyo po ba yon at mukhang napaka-espesyal nya sa inyo?” naku. Kailangan ko ba talagang itanong yon?
“You know what Miss Carol…” question ba yun o statement?, “Pasensya ka na kung sa department mo sya ko inassigned. Gusto ko kasi yung personality mo eh. Malaki ang tiwala ko na mapapatino mo ang inaanak ko.” whew akala ko magagalit sya.
Aba, inaanak pala nya yon. Ambait naman nyang ninang.
Nagpatuloy sya, “Kaya Carol, personally, makikiusap sana ako sayo na alagaan mo sya, gawin mo sana ang lahat para mapabago mo sya. Nakikiusap ako sayo bilang isang kaibigan.”
Nauunawaan ko ang sinasabi sa akin ng kausap ko. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ko gagawing ginto ang isang kalawanging bakal.
“I understand Ma’am, and i’ll try my best to do the favor, pero wala po akong maipapangako sa inyo.” sabi ko na lang sa kanya, wala naman akong magagawa kahit ayaw ko eh. Iisipin ko na lang na part ito ng trabaho ko.
“Thank you so much Carol. Ah, one more thing. Sana h’wag kang magagalit.”
Kinabahan naman ako, “Ano po yon?”
“Pwede bang sa inyo mo na lang patirahin si Nikko?”
“What?” shocks!
“Pasensya ka na talaga. Naisip ko kase na mas matututukan mo sya kung sa inyo muna sya titira.”
Sobra na ito! Sumusobra ka na matanda ka!
“Pero Ma’am hindi na ho ata sakop ng trabaho ko ang umampon ng empleyado, isa pa alam nyo naman pong nagrerenta lang kami ng bahay.”
“Alam ko Carol. Pasensya ka na talaga. Nakakahiya man sayo pero sana mapagbigyan mo ako. Malaki kase ang utang na loob ko sa mga magulang ni Nikko eh, at ito lang ang naiisip kong paraan para makabawi.”
“Pero Ma’am–”
“Carol, please… Tatanawin kong isang malaking utang na loob itong pagtulong mo sa akin. At para hindi naman masyadong nakakahiya sayo, ako na lang magbabayad sa renta nyo habang nandun sya, kuryente, tubig, kahit pangkain nyo sasagutin ko lahat.”
“Ang ibig nyong sabihin Ma’am, magtatagal sya sa bahay ko?”
“D-depende…kung kailan sya titino…”
Susmiyo! What’s happening to the world?! Bakit naman! Naman! Naman!
“Ma’am, alam nyo kase puro tsismosa mga kapitbahay ko don. Baka pag-isipan nila ako ng masama kapag nalaman nilang may pinapatulog akong lalake sa bahay ko.”
“Okay Carol, tutulungan kitang magdesisyon. Kapag pumayag ka sa gusto ko, tutulungan kitang mag-process dun sa nilo-loan mong bahay sa La Carmela Homes. Alam kong nadisapproved yung papers mo don. Mapatino mo man si Nikko o hindi, basta pumayag ka, tutulungan kita at sisiguraduhin kong makukuha mo yung bahay. O ano?”
Napalunok ako sa narinig ko. Dream house ko yun eh! At kapag sinabing dream, hindi lang yun basta basta bahay, luxurious house yon! Ewan ko nga ba kung bakit hindi ako na-qualified mag-avail non, pero once na nadisapproved ka don, hindi ka na pwedeng umulit pa.
“Talaga po Ma’am magagawa nyo yon? Baka ekek lang yan?” paniniguro ko.
“May isang salita ako Carol, kahit ikamatay ko pa tutupad ako. Mark my words!”
“Okay Ma’am. Sabi nyo yan ha? Tumino man yon o hindi tutulungan nyo ako.”
Nasabik ako sa naging kundisyon ni Ma’am Malou. Sabagay maimpluwensyang tao sya kaya hindi imposibleng mangyari yung sinasabi nya.
Sa wakas mapapasakin na rin yung bahay na yon. Truthfully hindi naman talaga ako naghahangad ng malaki at magandabg bahay eh. Gusto ko lang ipangtapat yung bahay na yon dun sa bahay ng Ex ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na kung kaya nyang magkaroon ng ganung kabonggang bahay, kaya ko rin. Para hindi na rin kami nilalait-lait nung napangasawa nya.
Eksaktong-eksaktong pangtapat sa bahay nya yon, bukod sa mas malaki na ito, nakatayo pa ito sa pinakasosyal na subdivision. Ang La Carmela Homes kasi ang pinakaluxurious na villa dito sa amin. Karamihan sa mayayaman at pinakamalalaking pangalan sa politiko at showbiz dun nakatira. Kaya siguro ako nadisapproved. Harhar
Natapos ang mahabang araw ko na kinausap kami ni Ma’am Malou. Si Nikko at ako, upang sabihin nga ang napag-usapan na namin kaninang paglilipat ni Nikko sa bahay ko.
Ang kapal talaga ng mukha nya, sya pa itong may ganang tumanggi at nagpapapilit. Paimportante sya, sarap sapakin! Naku kung hindi lang dun sa dream house ko hindi talaga ako papayag!
Matapos ang mahabang usapan nagkasundo-sundo rin kami sa huli. At ang unang sumunod na araw na wala kaming pasok dun na naglipat ng gamit si Nikko sa bahay ko.
Nilinis ko pa yung bahay ko para sa kanya pero pagdating naman nya nilait lang nya ito.
“Ano ba naman ‘tong bahay mo Ma’am, ang liit. Bahay mo ba talaga ‘to?”
Baliw talaga! Naliitan pa talaga sa bahay kong may tatlong kwarto at maluwang na sala at kusina.
“Malaki na kaya ‘to para sa dalawang tao lang noh! Huwag ka ngang maarte dyan!” at sa tingin ko meron ng pampasikip!
Pagpasok nya sa loob palingon-lingon sya na para bang kinikilatis mabuti ang bahay na titirhan nya.
“Tara, ituturo ko sayo yung magiging kwarto mo.”
Sinamahan ko sya hanggang sa loob ng magiging kwarto nya. Nilinis ko pa ito lahat pati yung bedsheet pero langya naman talaga itong lalaking ito! Bigla ba naman tumalon sa kama nya, nagusot, nagulo at kulang na lang magiba sa pagbagsak nya.
Ang malala pa, dun ko lang napansin na hindi pala sya nagtanggal ng sapatos nya! I can’t believe this! Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito kagwapo pero walang good manner and right conduct.
“Ano ka ba naman! Tumayo ka nga dyan! Kadiri ka! Kalilinis ko lang nyan eh! Hubarin mo nga yung shoes mo! Tsaka, kapag papasok ka sa ibang bahay maghubad ka ng shoes!” sermon ko habang inaayos-ayos ko ang nagusot na parte ng kama.
Habang abala ako sa kakaayos sa kama dada ako ng dada, at kahit anong sabihin ko mukhang hindi ako pinakikinggan ni Nikko dahil hindi sya umiimik. Nagtaka tuloy ako sa pananahimik nya.
Nang lingonin ko sya nagulat ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nya habang nakatitig doon sa may pinto. Tapos parang nanigas ang buong katawan nya, hindi gumagalaw sa ibabaw ng kama.
“O, nangyari sayo? Ba’t para kang nakakita ng multo?” sabi ko.
“M-multo?!” bigla syang umusog at tumabi sa akin. Natataranta sya at mukhang may kinakatakutan.
“Bakit ba ha?”
“Bata! May nakita akong batang babae na dumaan dun sa pinto! May multo ba dito ha? Sabihin mo! Ayoko na dito!”
Ha Ha Ha Kelalaking maton, takot sa multo!
“Ano ka ba! Lumayo ka nga sa akin!” kumakapit kase sya sa braso ko, “Para ka namang bata eh! Laki mo na naniniwala ka pa sa multo multo na yan!” pero sa loob loob ko natatawa talaga ako. Hik
“Kitang-kita ko Carol! -este Ma’am! Kitang-kita ng dalawang mata ko, may tumawid na batang babae dyan sa may pinto!”
Natataranta pa! Ha Ha Ha
“Magtigil ka nga dyan! Baka namamalik-mata ka lang! Hindi naman totoo ang multo eh!”
Napatingin sya sa akin, “Ha? Hindi ka naniniwala sa multo o kaluluwang ligaw?” tanong nya.
“Hindi noh! Sige nga, anong suot nung nakita mong bata?”
“Naka-moose gear sya na pantulog!” sagot nya.
“Ha Ha Ha kaluluwa naka-moosegear? Ano ka ba! Minsan naka-barong, white lady na naka-saya. OMG! May mananahi din ba sa kabilang buhay? May botique din sila? Ha Ha Ha”
Napahinahon sya, “Hmm… May point ka Ma’am… Pero sabi nila, yung huling suot daw bago mamatay, yun din suot pag kaluluwa na!”
“Baliw ka talaga! Naniniwala ka talagang may damit ang kaluluwa ano? Tigilan na nga natin to!”
Daig pa nya ang bata kung matakot, at mukhang hindi pa rin sya naniniwala sa akin sa sinabi kong walang multo o kaluluwang ligaw sa bahay ko, kase naman sunod sya ng sunod kahit saan ako magpunta sa loob ng bahay, kulang na lang kumapit sya sa damit ko.
Aasarin ko pa sana sya pero mukhang seryoso sya at halatang takot talaga sya sa multo. Kaya tinawag ko na yung nakita nyang bata kanina.
“O, baka naman pati sa loob ng banyo sasama ka pa sakin?” sabi ko sa kanya nang matapat kami sa banyo. Actually hindi naman talaga ako papasok sa banyo eh. Hihintayin ko lang lumabas yung napagkamalan nyang multo.
Hindi multo ang nakita nya kundi ang five years old kong anak. Si Caroline, anak ko sa pagkadalaga. Ang sagwang pakinggan noh?
“Huh!” nasindak si Nikko at nagtago pa sa likod ko nang biglang bumukas ang pinto ng banyo.
“Mumu! Mumu!” sigaw nya nang makita nya ang anak ko na palabas sa banyo.
“Baliw! Tumigil ka nga dyan! Anak ko yan! Si Caroline.”
“Ha? May anak ka?” naitanong na lang nya.
Oo. May anak na ako.
“Ibig sabihin may asawa ka na Ma’am?” sunod nyang tanong.
Oo. May anak na ako, pero wala akong asawa. Nabuntis lang naman ako nung ex boyfriend ko, at nung malaman nya, iniwan nya ako. Tinakbuhan nya ang responsibilidad nya bilang ama sa anak ko, at sa akin bilang asawa.
Natakot daw sya, pero ang totoo iniwan nya lang ako para ipagpalit sa iba. And in fact, asawa na nya ito ngayon. Noong una hindi ko matanggap, pero nagawa ko ring mag-move on sa tulong ng aking mga magulang at kaibigan.
Ba’t pa nga ba natin pinag-uusapan pa yon? Matagal na rin lang yon, mga six years ago na kaya ibaon na lang natin sa limot.
“Oo Nikko. Tama ang narinig mo, anak ko nga ito, pero…wala akong asawa.”
Natahimik si Nikko at napatingin sa anak ko. Hindi siguro makapaniwala sa kanyang nalaman. Na may anak ako pero walang asawa.
“Hmf! Sabagay halata naman sa bilbil mong nanganak ka na Ma’am! Herher”
Ano daw?! Ako may bilbil? WTF!
“Bastos ka talaga noh? Baka nakakalimutan mo, BOSS mo pa rin ako!”
“S-sorry…BOSS!”
Biglang sumabat si Caroline, “Mommy sino po sya?” habang tinuturo si Nikko.
“Ah. Sya si Tito Nikko mo. Mula ngayon anak dito na sya titira sa bahay ha?” sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Caroline. Alam nyo naman mga bata, natatakot sa stranger, lalo na kung kamukha ng mokong na to, parang kapre sa tangkad.
“Hello little cute young lady, my name is Nikko.” kakamayan sana ni Nikko ang anak ko pero bigla na lang itong nagtago sa likod ko.
“Huwag kang matakot anak, tao yan.” sabi ko sa anak ko sabay tingin ng matalim kay Nikko.
“Caroline tignan mo ‘to.” biglang sabi ni Nikko, tapos niladlad nya mga kamay nya sa harap ni Caroline, at nagulat na lang ako nang may biglang lumitaw na coin sa palad nya.
“Wow Tito, ang galing!”
Manghang-mangha ang anak ko sa pinakitang magic sa kanya ni Nikko. Ako man napahanga pero mas napahanga ako sa diskarte ni Nikko para makuha ang loob ng bata.
Tuwang-tuwa kasi si Caroline at mukhang sa isang iglap lang nawala na yung takot nya kay Nikko.
Hinarap ko si Caroline, “Ahm. Anak, dun ka muna sa kwarto ha? Tatawagin na lang kita kapag ready na yung breakfast, okay?”
“Okay Mom. Bye Tito. Mamaya po ulit, magic ha?” naaliw talaga ang bata.
Ako naman… Ewan!
Pinaliwanag ko lahat kay Nikko ang mga patakaran ko sa pamamahay ko. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalalang maaari nyang gawin. Mukhang balak iparanas sa kanya ng Ninang nya kung paano mamuhay mag-isa kaya yon ang gagawin ko.
Una syempre hiwalay kami ng pagkain. Magluluto ako ng sa amin at bahala na syang magluto ng sa kanya. Wala naman problema sa pagkain, tulad ng sabi ni Madam Wang, sagot nya ang pagkain namin, kaya okay lang kahit ubusin pa nya laman ng frige, basta sya ang magluto ng kakainin nya.
“Naku naman! Wala ka bang maid? Hindi ako marunong magluto eh!”
“Problema mo na yon! May maid ako, wala sya ngayon kase day off din nya twing day off ko, tsaka inaalagaan lang nya ang anak ko. Ako din ang nagluluto at sa damit namin pinapa-laundry ko sa labas.”
“Magha-hire din ako ng sarili kong maid!” sagot nya.
“Hindi pwede! Baka magalit na yung land lady ko. Hindi na ako pwedeng magpatira pa ng isa dito!”
Nangyari tuloy tinuruan ko pa syang magluto. Mamirito, magsaing at kung ano ano pang uri ng pagluluto. Dumadami trabaho ko sa taong ito! Kainis!
At dahil puro sunog yung niluto nya naki-share lang din sya sa amin ng anak ko sa breakfast, sa lunch, at maging sa dinner. Putcha! Nagsasayang lang sya ng pagkain! Simpleng pagluluto hindi nya matutunan! Pasalamat sya mabait sa kanya yung anak ko. Nilalanse kasi nya sa mga magic tricks nya.
Ang dami ko na ngang problema sa office tapos ngayon madalas na rin akong namomroblema sa bahay, mas malala pa ata sa bahay eh! At ang sanhi ng lahat ng ito, sino pa, ede si Nikko!
“O teka! Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Nikko sa sumunod na umaga nang mapansin kong pasakay sya sa kotse ko.
Pareho kaming bihis na at ngayon magkasabay na papasok sa office. Sorry na lang sya, may kotse ako, sya wala, at ayoko syang isabay dahil ayokong makita kami ng ibang mga empleyado, lalo na kung araw araw.
“Ha?” nagtaka pa.
“Anong Ha? Kotse ko yan ah!”
“Ma’am naman. Dun din naman destinasyon mo, sasabay na lang ako sayo.”
“Are you kidding me? Hindi ka pwedeng sumabay sa akin! Baka pagisipan pa tayo ng masama sa office. Isa pa Nikko, tandaan mo na walang nakakaalam sa office na dito ka nakatira sa bahay ko.”
“Dumi ng utak mo Ma’am ah! Para nasabay lang eh!”
Grr…
“Hindi ka ba talaga makaintindi ha? Keaga-aga sinisira mo araw ko! Magtaxi ka na lang. Malapit lang naman.”
Bahala na sya sa buhay nya. Iniwan ko na sya. Siguro naman may pamasahe yung mokong na yon! Kundi maglalakad sya. Bwahahaha
Pagdating ko sa office, meeting agad ang hinarap ko. Nagpatawag kasi yung legal department para sabihin lang sa amin na magpapalit daw sila ng law firm. Laking gulat ko na lang nang makita ko sa listahan ng pagpipilian nila ang law firm na pagmamay-ari ni Harold-ang ex ko.
Kinabahan ako dahil natitiyak kong kumpanya nya ang mapipili. Bukod sa magaling syang abogado pati na team nya ay tanyag pa at stable ang kumpanya nya. Kapag nagkataon baka magkasama pa kami sa trabaho.
Siguradong mamaliitin na naman nya ako at lalaiitin. Ewan ko ba don kung bakit ayaw nya akong tantanan. May kanya-kanya na kaming buhay pero ayaw pa rin nya akong tigilan. O baka naman ako lang ito na masyadong assuming?
Siguro nga masyado lang akong nagpapaapekto sa kayabangan nya. Sya na nga itong nang-iwan sa akin noon. College nung naging kami. At dahil law student sya pinagpalit nya ako sa career nya. Natakot daw sya na baka masira daw ang pag-aaral nya kapag pinanagutan nya ang sanggol sa sinapupunan ko.
Hindi ko maintindihan ang pagdadahilan nya. Pero alam ko namang hindi nya ako mahal. Dahil don hindi na ako naghabol sa kanya. Nagdesisyon akong palalakihin ko na lang mag-isa ang anak ko. Sinabi ko pa kay Harold na kaya kong palakihin ang anak ko kahit wala sya, kahit wala ang suporta nya.
Teka nga! Erase! Erase! Erase!
Ayoko nang alalahanin pa yon!
Pagbalik ko sa office si asungot pa ang una kong nakita.
“Good morning Ma’am Carol!” binati pa ako ng mokong.
“Yes good morning.” pamaktol kong tugon.
“Ang aga namang simangot nyan Ma’am!”
Kumag talaga!
“So Ma’am, ano pong gagawin natin today?” tanong nya.
“Tara. Sumunod ka sa akin!”
Pinasunod ko sya sa loob ng office ko. At bago ako naupo kinuha ko muna yung previous report ng kumpanya na naka-file sa drawer ko.
“Heto. Ireview mo ‘to lahat.” mga sampung folders ata yung inabot ko sakanya, “Tapos gumawa ka ng report kung paano mo yan naintindihan. Okay lang ba yon?’
“Okay lang naman Ma’am…” halatang gusto nyang magreklamo.
“Good. Bigay mo sa akin before lunch okay? Pero bago yan, Timpla mo muna ako ng kape.” Harhar
Aba hindi sya nagreklamo at sinunod nya lang utos ko. Kung lagi bang ganyan hindi malayong magkasundo kami. Basta huwag na lang nya ulit babanggitin bilbil ko pati wrinkles. Napatingin tuloy ako sa pocket mirror ko. Makapag-retouch nga.
I’m going 28 now. Bata pa naman. Maybe it’s about time na mag-boyfriend na ako ulit bago ako magka-wrinkles. Mula kasi nung magbreak kami ni Harold hindi na ako tumingin pa sa ibang lalaki. Nakaset kasi ang utak ko sa pagpapalaki kay Caroline.
Tsaka iniisip ko kung may matinong lalaking magmamahal pa sa isang tulad kong single Mom. I mean yung magmamahal ng totoo sa akin. Halos kasi mga lalake ngayon habol lang kung hindi sex, pera lang. Yung iba naman naghahanap lang ng makakasama sa buhay, yung mag-aalaga sa kanila sa pagtanda. Sa madaling salita, no choice lang sila.
Hirap noh? Matino at binatang walang sabit na lalake! Haishh…
“Ma’am heto na po kape nyo…” at heto na si Nikko, bitbit ang kape kong nilapag nya sa ibabaw ng table ko.
Ang malas naman, nahuli nya akong kasalukuyang naglilipstick! Siguradong aasarin na naman ako nito!
“Aba naglilipistik si Ma’am… Hmmm…” sabi na nga ba!
“Eh ano naman ngayon?! Wala kang pake! Labi ko to noh!”
“Pero infairness Ma’am hindi halatang may napangasawa ka na ha!”
Kapal talaga ng mukha! Kung kausapin ako parang close kami ah! Feeling sya!
“Nikko. Pwede bang gawin mo na lang yung pinapagawa ko sayo? Iwan mo na ako dito okay?”
Pero imbes na lumabas sya, aba’y heto, umupo pa sa tapat ng table ko atsaka nya ako hinarap, “Ma’am, bakit nga pala wala kang asawa pero may anak ka? Tinakbuhan ka ba? Divorced sa asawa o rape victim ka?” palingon-lingon nyang bulong sa akin.
Hindi ko alam kung immature ang taong ito o sadyang pinanganak syang walang utak! i-give up ko na kaya yung dream house ko? sumasagad na pasensya ko eh!
Hinga ng malalim Carol! Kalma pa more!
“You know what Mr. Dizon?–”
“What Ma’am?”
Grr…
“–Sa lahat ng ayaw ko eh yung taong chismoso! Lalo na kung kelalaking tao! Kung gusto mong tumagal sa kumpanyang ito matuto kang rumespeto sa mga boss mo, pati sa mga co-employee mo. Do you understand the things that’s coming out of your big mouth?!” umuusok na talaga mga tenga ko sa galit.
Natahimik sya at nakayukong tumayo at paatras pang naglakad palabas ng office ko. I could’nt believe this! I’ve got all the reasons to fired him pero hindi ko magawa dahil sa pakiusap sa akin ni Madam Malou Wang.
Habang kinakalma ko sarili ko humigop ako ng kape sa hawak kong tasa……”Pppfffffftttttt!! Ulkk!” muntik na akong masuka! Ampait at ang alat ng nalasahan ko!
“Alangya ka Nikko!!! Ano’ng ginawa mo sa kape ko?!!” naisigaw ko na lang.
Ganito na lang kami araw araw ni Nikko. Lagi nya akong inaasar, ako na boss nya. Palibhasa pikunin ako eh. Minsan kasabwatan pa nya anak ko. Kung ano ano pinaggagagawa nila sa bahay. Sa sobrang isip bata ni Nikko parang nakakita ng kalaro ang anak ko sa kanya, samantalang 24 years old na sya.
Minsan nakakatuwa na rin, kase nakita kong sumisigla ang anak ko. Dati kase malungkutin sya at hindi palalabas ng bahay. Hindi sya nakikisalamuha sa ibang mga bata. Palibhasa lumaki syang walang Ama, at mukhang maraming pagkukulang ang kanyang Ina.
Sa tingin ko naging workaholic ako nitong mga nagdaang taon. Mas marami yung oras ko sa office kesa oras ko sa bahay para sa anak ko. Minsan pala okay din maging immature, para sabayan ang childhood ng anak.
Mukhang pati ako nahihipnotized na sa kaka-magic ni Nikko…
Sa ganitong isipin, nakita ko na parang hindi lang kay Caroline ako nawalan ng oras, tingin ko nawalan din ako ng oras para sa sarili ko. Kaya yung unang lalaking kumatok sa puso ko ngayon, inentertain ko na.
Niyaya kasi akong mag-date ni Raffy. Isa syang Prosecutor. Alam kong matagal na syang may gusto sa akin, halata sa pagpaparamdam nya. Hindi ko lang talaga sya pinapansin, pero ngayon sabi ko sa sarili ko, susubukan ko.
That night tinext ko lang si Yaya para sabihing mali-late ako ng uwi at sya na rin pinagluto ko. Tapos tinawagan ko rin si Caroline para ipaalam na mago-OT ako, pero ang totoo didiretso lang ako sa date ko.
Namiss ko tuloy sina Mama sa probinsya. Kung nandito lang sila malamang hindi ako mag-aalala ng husto sa twing iiwan ko ang anak ko. Pero nandun din naman si Nikko para samahan sila, kahit man lang dun eh mapakinabangan.
Pagdating ko sa resto nandun na si Raffy. Nakaupong naghihintay sa table for two.
“Kanina ka pa?” tanong ko sabay upo sa tapat nya.
“Hindi naman.”
Konting kwentuhan habang kumakain. Kinikilatis ko sya base sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Obvious naman na matalino syang tao. Minsan nga may mga terminology sya na hindi na naaabot ng vocabulary ko. And I find it boring.
Base naman sa kinikilos nya parang may pagka-predominant sya, yung tipong bossy na may pagka-class din. Parang nakayapak sa numero o by-the-book-attitude. And I find it boring.
Maya-maya may dalawang taong dumating at naupo sa katabing table namin. Isang matanda at isang bata. Pareho silang may suot na sumbrero at parehong naka-shades. Pambihira, gabi na naka-shades pa! Pero ang cute nilang tingnan kase pareho silang may bigoteng Mr. Swabe.
Teka! Batang may mahabang buhok tapos may bigote? Hmm…
Sa ikalawang tingin ko napansin ko na parehong fake mga bigote nila! At leche!!! Si Nikko at si Caroline!!!
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis nang makilala ko sila. Nag-disguise pa talaga sila para sundan ako dito, at pano naman kaya nila nalamang nandito ako, at bakit nila ako sinundan?
Kumag ka talaga Nikko! Ang sarap mong tirisin! Pati anak ko dinadamay mo sa kalolokohan mo!
Pero ang higit kong inaalala ngayon ay si Raffy. Baka makita nya si Caroline at malaman nyang may anak ako. Kinakabahan ako na baka mag-back out sya, masyado pang maaga para malaman nyang may anak ako.
T-teka ulit! Ano yung hawak ni Caroline?! Tiradol ba yon?! OMG! Bakit may hawak syang tiradol, at bakit tinutok nya kay Raffy?! May balak ba syang tiradulin ang ka-date ko? Langya ka Nikko! Pakana mo na naman ‘to!
“Anak hhwwaaag!” bigla akong napasigaw. Kinabahan kasi ako baka matiradol si Raffy.
Tulad ng inaasahan ko nagulat si Raffy sa napalakas kong sigaw. Maging ako nagulat pati lahat ng tao sa restauran na ito nagulat at napatingin sa akin.
Ang problema, nagulat din si Caroline at na-trigger yung tiradol nya…syet…nasapol lang naman sa mukha si Raffy nung bubblegum na bala. Buti na lang malambot…
Langyang Nikko ‘to! Sinira nya date ko! Kung ano ano pa tinuturo sa anak ko! Pero on the other hand okay na rin ang nangyari. Lumabas yung tunay na ugali ni Raffy, and at least nalaman ko na hindi nya matanggap na may anak na ako. Just like what i’m actually expecting…
At ngayon panahon na para asikasuhin ang baliw na Nikko! Pagdating sa bahay puro sermon ang inabot ng dalawa sa akin. Samahan pa nung Yaya ko na nahuli kong kasama yung boyfriend nya sa kwarto. Sinamantalang walang tao sa bahay. Hay Buhay!
Parang gusto ko na lang matawa sa nangyari…
Hindi tuloy ako makatulog. Matapos ko kasing magalit, lungkot naman ang sumunod na sumagi sa akin. Damn! I feel so lonely…
Bumangon muna ako para magpahangin sa terrace namin. Naupo lang ako at nakatanaw sa kawalan. Wala naman akong masyadong iniisip, wala din naman akong mabigat na problemang pinagdadaanan ngayon, pero hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Malamang stress lang ito sa trabaho.
Sa gitna ng pagmumni-muni ko biglang sumulpot sa likod ko si Nikko. May hawak syang dalawang bote ng redhorse at yung isa inaabot nya sa akin.
“Ma’am pampatulog lang.” sabi nya, tapos tumabi sya sa akin.
“Ma’am, sorry nga pala dun sa nangyari kanina…”
Aba! Nagmilagro ata? Ngayon ko lang nakitang nag-sorry sa akin si Nikko. At ngayon ko lang talaga narinig sa kanya ang salitang sorry, kahit kasi sa ibang employee hindi talaga sya nagsosorry eh.
“Okay na yon Nikko. Kalimutan mo na lang…” sagot ko na lang, pero hindi ko talaga matago kalungkutan ko.
“Ma’am, may joke ako!” masigla nyang sabi, hinayaan ko lang, “May mag-asawa, eh itong si Misis naaadik dun sa alaga nyang pusa. Araw-gabi kapiling nya. Hanggang dumating sa puntong nagseselos na si Mister dun sa pusa–”
Cute din pala ang mokong na to! Pinagmamasdan ko kasi sya habang nagkukwento.
“Kaya ginawa nung Mister, iniligaw nya yung pusa. Dinala nya sa malayong-malayong lugar, as in malayo.–”
Inaamin ko na minsan napapangiti din ako sa kalokohan ni Nikko. At malaki pasasalamat ko kasi napapasaya talaga nya ang anak ko.
“Sa sobrang layo, hating gabi na sya nakauwi. Napuyat pa Misis nya sa kahihintay. ‘O san ka galing, bakit ngayon ka lang?’ tanong ni Misis nya. Mangiyak-ngiyak na sumagot si Mister, ‘Naligaw kasi ako Hon, buti na lang kasama ko pusa mo, sinundan ko sya pauwi.’ Ha Ha Ha Nakakatawa hindi ba Ma’am?”
“Ha Ha Ha Nakakatawa nga.” pero ang totoo wala akong naintindihan sa sinabi nya. Natatawa lang ako sa hitsura nya habang nagkukwento.
Ininom ko yung bigay nyang beer. Grabe, antagal ko nang hindi nainom, napaka-refreshing.
“Alam mo ba, yung huling inom ko eh nung kami pa nung ex ko…” bigla ko na lang nabanggit.
“Ma’am, let me guess, dun nabuo si Caroline noh?”
“Ha Ha Ha Oo. Tama. Yun ang gabing ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali ko sa buhay. Binigay ko yung virginity ko sa kanya. Ewan ko ba! Buo kasi yung tiwala ko na mahal talaga nya ako, pero putcha, iniwan lang nya ako at pinagpalit sa iba…” parang gusto kong magkwento kay Nikko.
“Pero ipupusta ko lahat ng pera ko Ma’am, yung araw na isilang mo si Caroline, yun yung pinakamasayang araw sa buhay mo noh?”
“Tama ka. Si Caroline ang dahilan kung bakit wala akong pinagsisisihan sa past ko. Mahal na mahal ko anak ko. Sayang lang at hindi totoong may forever, wala kami nun ng Ama nya.”
“Bakit hindi mo pinaglaban? Sumuko ka Ma’am, kaya walang forever.” siryoso nyang banggit.
“Ha Ha Nagpapatawa ka pa rin ba nyan? Paano mo ipaglalaban yung taong sya mismo ang dahilan kung bakit ako talo?”
Bumabalik sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan ko. Pilit ko itong iwinawaglit sa alaala ko pero kusa na lang itong lumalabas at nag-aanyong luha sa mga mata ko.
“May asawa’t mga anak na sya ngayon Nikko. Masaya na sya sa marangya nyang buhay. At ang mas masakit pa don, hindi nya tinuturing anak si Caroline. Ang sinasabi nya sa akin noon, hindi daw sya ang Ama ng bata, na anak ko daw sa ibang lalake at pinalabas pa nya na ako ang nangaliwa sa aming dalawa.”
“Pero sigurado ka naman ba na anak nga nya si Caroline?”
Aba anong ibig nyang sabihin don?
“Oo naman! Mula noon hanggang ngayon, sya pa lang ang tanging lalaking nakasiping ko noh!”
Lumalim ang usapan namin kasabay ng paglalim ng gabi. Pansin ko pa na ambilis ng takbo ng oras at talagang hindi kami nabakante sa kwentuhan. Masarap din pala syang kausap. Alam kong childish sya pero hindi sya immature eh, gulo! Alam mo yung may sense syang kausap?
Parang ibang tao yung nakausap ko ngayong gabi. Hindi ko inakalang may interesting side din pala si Nikko.
Nung maghiwalay na kami nahiga na uli ako sa tabi ng anak ko, dun ko lang natanto na puro kwento ng buhay ko lang ang napag-usapan namin ni Nikko.
Paggising ko kinabukasan aba nagulat ako kase pinaghanda kami ng breakfast ni Nikko. Inspired ba sya? Sarap kase ng niluto nya, hindi na tulad ng dati na sunog.
Sa office naman, though magulo pa rin si Nikko at lagi nya akong inaasar, pinagbubutihan naman nya ang trabaho nya. Sa nakikita ko sa kanya nagdesisyon na ako na turuan sya ng maayos sa nature of work ng kumpanyang ito.
Lahat ng pasikot-sikot tinuro ko sa kanya. Araw araw akong nag-focus sa training nya. Tingin ko kase deserving syang maregular at magtagal sa kumpanyang ito. Pursegido talaga sya at sa pinapakita nyang ito mukhang malayo ang mararating nya.
Isang umaga sa office, habang abala kami ni Nikko sa paperworks namin sa table ko, may biglang dumating na hindi ko inaasahang bisita.
“Kumusta ka Carol?” putcha! Si Harold!
“What are doing here?” bigla kong natanong.
“Aba, hindi pa ba nakakarating dito ang balita? I work here.”
Ah. Oo nga. Sila nga pala yung bagong law firm ng company. Pagtingin ko kay Nikko parang nagtataka sya.
“Nikko, pwede mo ba kaming iwan sandali?” ayokong may marinig syang kung ano sa magiging usapan namin ni Harold.
Lalabas na sana si Nikko pero pagtayo nya bigla syang hinarangan ni Harold, “Pogi, timpla mo naman ako ng white coffee, damihan mo creamer ha?” utos nya kay Nikko.
Matigas na sumagot si Nikko, “YES SIR!” halatang ayaw nyang sundin ang utos.
“Yes. I know. Why are you here?” pagpapatuloy ko sa usapan namin ni Harold nang makalabas na si Nikko.
“Ha Ha Ganyan ka ba tumanggap ng bisita? Hmm… Wala naman. Napasyal lang ako. Sinasadya ko kasi ang bawat departamento sa kumpanyang ito. Para naman makilala ako ng mga empleyado.”
Umupo sya sa tapat ko kahit hindi ko naman sya pinapaupo.
“Imagine, isang tanyag at pinakamatatag na kumpanya sa buong asya, makakatrabaho ang pinakamagaling na law company. What more can I ask for? Ha Ha Ha”
Ang yabang talaga nya! Pinamana lang naman ng Ama nya sa kanya ang law firm, kung makaasta parang sya nagpalago!
Hindi ako kumikibo sa kahit ano pang sabihin nya. Isa lang naman ang alam kong gusto nyang mangyari eh, ang mag-resign ako dito at bumagsak. Pero hinding-hindi ko gagawin yon. Mahal ko ang trabaho ko at kahit araw araw ko pa syang makita dito hindi pa rin ako aalis.
“Sir heto na po yung kape nyo.”
Binigay lang ni Nikko ang kape atsaka na rin sya lumabas. Ako naman nilabas ko yung cellphone ko at nagkunwaring busy sa kakapindot.
“Ano may asawa ka na ba?” sunod nyang tanong.
Hindi ako sumagot. Siguradong pagtatawanan lang nya ako kapag sinabi kong wala.
“Hmm… Hindi ka makasagot. Ha Ha Ha Wala ano? Ha Ha Ha”
Leche talaga! Nakakainsulto na pagtawa nya.
“Don’t tell me Carol, hindi ka pa nakaka-get over sa akin kaya hindi ka pa nag-aasawa? Ha Ha Ha”
Ang kapal ng mukha! As if iniisip ko pa sya! Ba’t ko nga ba pinatulan ang lalaking ito noon?
Hindi ako nagpahalata kahit konting bahid ng pagkainis. Alam ko kase na ikatutuwa nya kapag nainis ako. At para tapalan sya naisip kong sabihing, “FYI. May boyfriend ako noh!”
“Talaga? Ha Ha Ha” pinagtawanan na namam nya ako, sabay higop sa kape nya, sabay…. “Pppfffffttttt! Ullkk! Tangina! Anong klaseng kape ‘to?”
Bwahahaha bagay nga sayo! Nice one Nikko! Palihim akong natatawa.
Ang pag-ibig ng Magulang para sa kanyang Anak ay mas matimbang kaysa pag-iibigan ng Mag-asawa. Magagawa nating mabuhay kahit wala ang asawa, pero kailanman hindi natin kakayanin kapag ang anak natin ang nawala.
Okay lang kahit mawala na sa akin si Harold, basta huwag lang nyang tangkaing kunin ang anak ko sa akin. Magkakamatayan kami! Ang nagpapahirap lang naman ay ang pagiging biological father nya sa anak ko. Pero kung tutuusin wala syang karapatang matawag na Ama, dahil kahit kailan hindi sya naging Ama sa anak ko.
Team building. Masaya ang lahat habang bumibyahe kami papuntang beach resort. Tulad dati kasama ko ang anak ko. Pero ngayon may pagaalinlangan sa akin kase nandoon si Harold. Ayoko sanang makita nya ang anak ko pero required sumama ang mga head ng bawat department.
Pagdating namin sa beach naglaro agad ng volleyball ang mga kasama ko. Sinimulan ang palaro at yung iba nagswimming na. Ako naman nakaupo lang sa cottage kasama ng anak ko. Niyaya ako ni Nikko na maki-bonding sa iba pero ayoko. Nandun kasi si Harold.
Kung bakit kase hindi nya sinama ang pamilya nya eh! Hindi ko alam kung nananadya ba talaga sya. Heto, natatanaw ko sya na papalapit sa akin.
“Caroline, gusto mo na bang magswimming? Pasama ka muna kay Yaya ha?” tapos sinenyasan ko si Yaya na dalhin na sya sa beach at sinabihang mag-ingat.
Ayoko kasing magkaharap sila ng Ama nya. Hindi kase alam ni Caroline na si Harold ang tunay nyang ama. Pero may balak din naman akong ipagtapat sa kanya pagdating ng tamang panahon.
“Yun na ba ang anak mo?” tanong sa akin ni Harold paglapit nya.
“Ah. O-oo.” bakit ko nga ba sya kinakausap pa?
“Malaki na pala sya–” TOINKS!
“Ay puke!!!”
Nagulat talaga ako nang biglang lumipad yung bola ng volleyball at tinamaan sa batok si Harold habang nagsasalita. Siryoso pa naman sya sa sinasabi.
Pinipigilan kong huwag matawa pero hindi ko kaya. Napaluhod kasi sa lupa si Harold. Bwahahaha
Paglingon ko nakita ko si Nikko na palapit sa amin.
“Naku, sorry Sir. Napalakas ata spike ko.”
Ang sama talaga ng tingin ni Harold kay Nikko nang makatayo na sya.
“Okay ka lang Sir?”
Hindi nakapagsita si Harold. Napahiya ata kase pinagtawanan din sya nung iba pa naming kasama. Pero yung mukha nya umuusok sa galit kay Nikko.
Langya ka talaga Nikko! Nice spike! Ha Ha Ha
Nag-walk out na lang si Harold.
Maya-maya narinig ko na lang na nagsisisigaw si Yaya. “Ma’am! Ma’am! Si Baby!!!”
Paglingon ko nabalot na ng kilabot ang buong katawan ko, parang akong nagyelo at hindi makagalaw. Nahulog ang anak ko sa salbabida nya, at ngayon hindi makahaon sa tubig.
Naalarma ako at mabilis na tumakbo, pero mas mabilis sa akin si Nikko, nakita ko syang tumatakbo na daig pa si Superman, kulang na lang talaga lumipad sya. Agad syang lumusong sa tubig upang sagipin si Caroline na para bang sariling anak nya ang nililigtas nya.
Mabuti na lang at may mga lifeguards ding tumulong. Kundi baka nalunod na din si Nikko! Matapos kasi niyang maihaon si Caroline, napahiga din sya sa buhangin. Magkatabi sila ng anak ko at parehong sinasagawa sa kanila nung mga lifeguards ang first aide procedure.
Laking pasasalamat ko na lang nang pareho na silang magkamalay. Salamat na lang at walang masamang nangyari sa anak ko at kay Nikko.
Naantig ang damdamin ko sa pinakitang pagmamalasakit ni Nikko para sa anak ko, at talagang naiyak ako nang malaman ko kay Director Malou Wang na hindi marunong lumangoy si Nikko.
Imagine, hindi sya nagdalawang isip na sagipin ang anak ko kahit alam nyang hindi sya marunong lumangoy. Kumpara kay Harold na nandun din pero parang ibang taong nanonood lang.
Kaya naman yung sumunod na mga araw na wala kaming pasok tinuruan kong lumangoy si Nikko. Umarkila kami ng private indoor pool dahil nahihiya daw sya na magpaturo in public. Nung una ayaw pa nya pero sa kakapilit ko pumayag din sya. Sabi ko kasi sabay ko silang tuturuan ni Caroline.
At yun ang naging routine namin every weekend. Madalas din kaming kumain sa labas, mamasyal, magsimba. Ang dami naming gunagawang tatlo, at mukhang nahahawa na ako sa kalokohan ng tandem nilang dalawa.
Noon inis na inis ako kay Nikko. Kulang na nga lang ipagtabuyan ko sya dahil sobrang ayaw ko syang nakikita. Hanggang sa nagising na lang ako isang araw na kakaiba na ang nararamdaman ko.
Totoo nga kayang, ‘The more you hate, the more you love’? na ang inis ko sa kanya napalitan ng pagmamahal.
O baka naman ‘The more you live, the more you love’? na sa araw araw naming pagsasama ni Nikko sa bahay ko nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
Dapat ko bang pigilan ang damdamin kong magmahal muli? Dapat pa ba akong maghangad ng kaligayahan sa piling ng isang lalake? Sa kabila ng pagiging single mother ko, may pag-asa pa kayang may magmahal pa rin sa akin ng tunay, tapat at buong puso.
One night came, kumain kami sa labas. Habang umuorder kami biglang naihi si Caroline, “Mom, nawiwiwi ako.”
Pinasamahan ko na lang sya kay Yaya sa banyo para makaorder na kami. Kaming dalawa lang ni Nikko ang natira sa table. And to my shock nakita ko na naman si Harold.
Hindi ko na lang sya pinansin pero dahil nakita nya ako, heto, lumapit sya sa amin. Kainis naman! Siguradong magyayabang na naman ito.
“Look what we got here.” entrada nya, “Aba Carol, ganito ka na ba ka-desperate?”
Nagtataka ako sa sinabi nya. Ako desperada?
“Pati employee mo dini-date mo na! Wala ka na ba talagang mahanap na boyfriend? Ha Ha Ha”
Fuck! Bastos na madumi pa isip! Immature!
Sabagay mapagkakamalan nga naman kaming nagdi-date ni Nikko. Magkaharap kasi kaming nakaupo sa isang mesang may floral centerpiece.
Sasagutin ko na sana sya pero inunahan ako ni Nikko, “Aba Sir, nakakalalaki ka na ha!” sabay tayo, “Eh ano namam kung empleyado lang ang ka-date ni Ma’am?”
“Aba! Ha Ha Ha, bakit, papalag ka? Baka gusto mong ipatanggal kita sa trabaho mo?’
Halatang naiinis si Nikko pero, “Bakit, sinabi ko bang papalag ako? Hindi ka na mabiro ah!” Sus! Akala ko naman papalag sya.
“Nikko. Tama na. Maupo ka na dyan.” tapos hinarap ko si Harold, “Harold, wala ka na bang matinong magawa sa buhay mo? Bakit ba lagi mo na lang akong pinagtitripan? Siguro ikaw ang hindi maka-overcome sa akin noh? Siguro nagsisisi ka na kung bakit mo ako iniwan non noh?!” nasabi ko ito dala ng inis ko.
“Ha Ha Ha” tinawanan lang ako ni Harold atsaka na sya tumalikod sa amin, “Ha Ha Ha” at habang papaalis sya tawa sya ng tawa.
“Ma’am, may diperensya ata sa utak ang taong yon?” tanong ni Nikko pag-alis ni Harold.
Natawa na lang ako.
Iniisip ko yung nasabi ko kanina. Pano nga kaya kung nagsisisi na si Harold sa pangiiwan nya sa akin noon? Humfh. Magsisi sya kung gusto nya, basta ako may iba na akong gusto, itong mokong sa tapat ko.
“Ma’am, umamin ka nga sa akin, si Harold ba yung ex mo at ama ni Caroline?”
Nagulat na lang ako sa tanong ni Nikko. Nakahalata ata sya dun sa narinig kong sinabi ko.
“Shh… Huwag kang maingay, baka marinig ka ni Caroline!” sabi ko, sabay lingon sa banyo kung palabas na ba sila ni Yaya.
“So, sya nga?”
“Oo.” umamin na ako, “Pero hindi alam ni Caroline ha, kaya huwag mong sasabihin sa kanya.”
“Pero Ma’am, karapatan nyang malaman kung sino ang tunay nyang ama.”
“Alam ko, pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon at panahon. Kaya please, magpromise ka sakin na hindi mo sasabihin sa kanya.”
“Okay. Basta sagot mo lahat ng kakainin ko ngayon ha?”
“Baliw! Lagi naman eh!”
Paguwi namin sa bahay pinatulog ko na si Caroline sa kwarto. Sa kotse pa lang kasi inaantok na sya. Matutulog na rin sana ako kaso hindi naman ako madalaw ng antok.
Naiisip ko kase yung tawanan namin ni Nikko kanina, sulyapan at tinginan na para bang mga teenager na kinilig sa crush. Pansin ko napapadalas na ang pamamalagi ni Nikko sa isip ko.
Bumangon ulit ako at tulad ng lagi kong ginagawa twing hindi ako makatulog nagpahangin muna ako sa labas.
Nadatnan ko si Nikko na nakaupo habang tumutungga ng beer, “Hindi ka rin ba makatulog?” tanong ko saka ko sya tinabihan.
“Ikaw pala. Gusto mo ba ng beer? Ikukuha kita.”
“Hindi na. Thank you na lang.”
Pagupo ko, dun ko lang napansin na nakakaapat na bote na pala sya.
“Bakit hindi mo buksan ang ilaw? Dilim eh.” tanong ko, pero mas gusto kong itanong kung bakit sya naglalasing ngayon.
“Hindi na. Gusto ko kase madilim. Mas sanay kasi akong mabuhay sa dilim…”
“Ha? Lalim ng hugot non ah! May problema ka ba Nikko.”
Napangiti sya, “Wala. Sinabi ko lang yun para masabi ko sayo na ikaw ang nagbigay liwanag sa buhay ko.”
Nakadama ako ng kaba sa sinabi nya. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, may kung anong kumakabog sa damdamin ko.
“Ha Ha Baliw ka talaga! H’wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kinikilabutan ako sayo eh!”
“Ma’am, this time, hindi na ako nagbibiro…” at sa hitsura nya mukhang siryoso nga.
Hinarap nya ako, at hindi ako makatakas sa malagkit nyang tingin, hindi ako makawala sa mga mata nyang tumatagos sa kaluluwa ko na para bang hinihipnotize ang puso ko.
“N-nikko, ano’ng ginagawa mo?” is he tying to kiss me? Papalapit kasi ang mukha nya sa mukha ko.
Napahawak ako sa dibdib nya, nilapat ko ang palad ko upang pigilan ang pagdikit nya sa akin. May pwersa akong naramdaman sa palad ko bukod sa curves ng dibdib nya. Parang desidido sya na dumikit sa akin.
Papalapit ng papalapit ang mga labi nya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o iwewelcome ang nais nyang halik. Nalilito talaga ako. Ngayon lang kasi ulit may lalaking hahalik sa mga labi ko.
Gusto ko! Shit! Gusto kong pahalik! Gusto kong makatikim uli ng matatamis na labi, at ang gusto ko labi lang ni Nikko!
“Uuulllllkkkkk!!!” naduwal si Nikko at may binuga yung bibig nya sa dibdib ko.
“Yyyuuuccckkk!!!” Langya ka Nikko! Bakit mo ako sinukahan?!!!
Sabay bagsak ulo at kahit anong gawin ko hindi ko na sya magising! Nangyari tuloy binuhat ko pa sya sa kwarto nya.
Habang nakahiga si Nikko sa kanyang kama pinagmamasdan ko sya. Hindi ko maikaila sa sarili ko na talagang may pagtingin ako sa kanya. Kung natuloy man nya akong halikan kanina, inaamin ko na wala akong balak pumalag.
Pero… Mabuti na lang at hindi natuloy…
Noon, naghahangad ako ng walang sabit at matinong lalaki na magmamahal sa akin ng buong puso, tunay at totoo, ngayon, dumating na sya, pero bakit parang nakokonsensya naman ako?
Sa tingin ko, hindi ako ang babaeng karapat-dapat para kay Nikko. Binata sya, may anak na ako, marami pa syang makikitang ibang babae na dalaga. Bukod dito mas matanda pa ako ng tatlong taon sa kanya, may makikita pa syang iba na mas bata sa akin at tutugma sa edad nya.
Sa madaling salita, hindi kami bagay ni Nikko. Kaya ngayon pa lang kailangan ko na itong tuldukan, bago pa kami tuluyang mahulog sa isa’t-isa. Dahil kung itutuloy ko pa ito magiging selfish ako at unfair kay Nikko.
The following day, palihim akong pumunta sa opisina ni Ma’am Malou. Buo na ang desisyon ko na tigilan na ang kalokohang ito.
“Ma’am, i’m very sorry, pero hindi ko na po talaga kaya…” entrada ko.
“Bakit, may ginawa na naman ba si Nikko? Aba magdadalawang buwan pa lang ha?”
“Wala naman po. Ayoko na pong may kasamang lalaki sa bahay ko, lalo na malandi yung maid ko. Pasensya na po talaga kayo.”
“Naiintindihan kita Carol, pero hindi ba may kasunduan tayo? Paano na yon? Sayang naman yung bahay na gusto mo, pagtyagaan mo na lang muna kahit mga anim na buwan lang.”
Huminga ako ng malalim, “Sorry po, hindi ko na talaga kaya. Okay lang po sa akin kahit hindi nyo ako matulungang mag-housing loan. Siguro hindi po talaga para sa akin ang bahay na yon.”
“O sige… Mukhang desidido ka na talaga sa bagay na yan eh.”
Mabuti na lang at nakuha ko sa matinding pakiusapan si Ma’am Malou. Pumayag na sya sa gusto ko at sasabihan na lang daw nya si Nikko tungkol dito.
Alam kong ito ang tama, alam kong ito ang dapat. Kailangan ko ng paalisin si Nikko sa bahay ko, bago pa lumala ang lahat, bago pa kami magkasakitan.
Abala ako sa office ko nang biglang dumating si Nikko. Sa hitsura nya mukhang nasabihan na sya ni Director Wang tungkol sa usapan namin kanina.
“Ma’am, totoo bang pinapaalis mo na ako sa bahay mo?” nakatukod pa mga kamay nya sa ibabaw ng mesa ko.
“Oo.” simpleng tugon ko.
“Pero bakit naman Ma’am? May nagawa ba akong mali?”
“Ano bang pake mo ha? Kelangan ba may dahilan? Bahay ko yon, patitirahin ko kung sinong gusto ko, at paalisin ko kung sinong gusto ko! Kaya kunin mo na ang lahat ng gamit mo dun mamaya, okay?”
Kahit labag sa loob ko ang pinagsasasabi ko sa kanya ginawa ko pa rin. Ito lang ang naiisip kong paraan para magalit sya sa akin at sya mismo aalis na sa bahay ko.
“Bakit ba biglang ganyan ka na lang ngayon?” sunod nyang tanong.
“Huh?” lang ang tugon ko dahil hindi ko sya narinig ng maayos.
“Hindi ko maintindihan eh! Kagabi lang iba yung nakita ko sa ‘yong mga mata.”
Kumakabog na naman ang dibdib ko…
“Nikko, pwede ba huwag mo na itong pahirapan pa? Umalis ka na lang sa bahay ko okay?” tumaas na boses ko.
“Carol, isang tanong, isang sagot, ito ba talaga ang gusto mo?”
Panandalian akong natigilan sa tanong nya. Ako mismo hindi ko kayang sagutin ang tanong na ito sa sarili ko, kase hindi naman talaga ito ang gusto ko, ito lang ang dapat…
“Oo!” buong tapang kong pagsisinungaling.
May galit, lungkot at sama ng loob akong nakita sa mga mata ni Nikko, na para bang ayaw nyang tanggapin ang sagot ko. Sorry Nikko kung nasaktan kita, pero ayokong maging unfair sayo.
“Look what we have here…” biglang pasok ni Harold habang pumapalakpak, “Mukhang may LQ ang Lovebirds—” BHAAG!!!
Nagulat na lang ako nang biglang bumalandra si Harold sa tindi ng suntok sa kanya ni Nikko habang nagsasalita sya.
Yan! Pasok ka kasi ng pasok eh, napagbuntungan ka tuloy ng galit ni Nikko!
Ninerbyos talaga ako don! Hindi pa nagagawang makatayo ni Harold sinigawan sya ni Nikko na parang bata, “Magbilang ka na ng araw mo gago! Dahil ngayon, HANDA na ako!” at pagkatapos bigla na syang umalis ng hindi man lang nya ako nililingon.
Pagalis ni Nikko kinausap ako ni Harold, “Ano bang pinagsasasabi non? Pasalamat sya nakaharap ka! Kundi–”
Hindi ko na sya pinatapos, “Harold, seriously, bakit mo ba ako laging ginugulo ha?”
“Carol, ang totoo kasi may isang bagay akong gustong sabihin sayo, kaso hindi ko lang alam kung pano sasabihin…”
“Now, this is your chance Harold, go on, tell me, at nang matapos na ito!”
Pagkasabi ko bigla na lang syang lumuhod sa harapan ko, “I’m sorry… Patawarin mo ako kung hindi kita naipaglaban noon. Patawarin mo ako kung tinalikuran ko kayo ng anak mo, ng anak natin.”
Nanlaki na lang mga mata ko sa ginawang ito ni Harold.
“Harold, natutuwa ako dahil sa wakas humingi ka rin ng tawad sa akin. Kung noon mo ito ginawa malamang nagkaroon pa ng chance for the both of us. Pero ngayon, naka-move on na ako at may kanya-kanya na rin tayong buhay.”
Linapitan ko sya atsaka ko sya pinatayo, “Harold, pinapatawad na kita. Salamat at nabunutan ako ng tinik sa dibdib. At ngayong buo na ulit ang puso ko, tingin ko, handa na akong magmahal muli. Pero hindi sayo, kay Nikko!”
Pagkasabi ko iniwan ko na si Harold. Lumabas ako para hanapin si Nikko, bawat madaanan kong empleyado tinatanong ko kung nasaan na sya.
Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Nikko noon. Paano nga naman ako magkakaroon ng forever kung matatakot akong ipaglaban ang taong mahal ko?
Walang forever sa mga taong sumusuko, walang forever sa mga taong hindi pa nasusubukang lumaban ay natatakot ng matalo, walang forever sa mga taong tumatalikod sa mahal nila, walang forever sa taong nagdadalawang isip sumugal sa larangan ng pag-ibig.
No matter what it takes, I am now ready to face anything and everything. Wala na akong pakialam kahit ano pa ang maaaring sabihin ng iba. Wala na akong pake kahit masaktan man ako sa huli.
Isa lang ang nasa puso’t isip ko ngayon, ang ipaglaban si Nikko. Narealized ko kase na mas unfair sa kanya kung susukuan ko sya sa aming pagmamahalan dahil lang sa single mom ako.
Nasa’n na ba ang lalakeng yon?! Parang baliw na ako sa kakahanap sa kanya ah! Pero matapos kong halubugin ang buong building na may dalawangpung palapag hindi ko pa rin sya nakita.
Bumalik na lang ako sa office para kunin yung phone ko at tawagan na lang sya. Pagbukas ko sa pinto ng opisina ko, nakita ko ang hinahanap ko.
“Hindi naman ako magtatagal, may nakalimutan lang akong papeles…” pagsusungit pa nya.
“May isa ka pang nakaklimutan…” sabi ko, sabay sara sa pinto, sabay lock!
“A-ano?”
Linapitan ko sya, kinuha ang magkabilang kamay atsaka ako nagpayakap, “Heto!” sabay halik sa kanyang mga labi.
Mabilis akong nanginit dahil ngayon lang ulit ako nakahalik ng lalake. Akala ko papalag pa si Nikko pero sa higpit ng yakap nya sa akin mukhang sarap na sarap sya sa mga labi ko.
Buti na lang at walang masyadong tao dun sa labas. Walang magtataka kung bakit nakakandado kami ngayon ni Nikko sa loob ng opisina ko.
Napapikit ako sa sobrang sarap habang malumanay kong ninanamnam ang bawat galaw ng mga labi nitong kahalikan ko.
Umaatras sya, nagpatangay ako, sinusundan ko lang ang bawat hakbang nya paatras sa aking office table. Mukhang dito ako balak ihiga ni Nikko, bawat makapa nya kasing bagay sa ibabaw ng mesa tinatanggal nya. Hanggang sa tuluyan nang malinis ang ibabaw ng table ko.
Pinaupo nya nga ako sa office table. At dahil nakapalda uniform ako, lumantad agad ang panty ko nang ibukaka nya ang mga paa ko.
Hinahayaan ko lang sya sa gusto nyang gawin sa akin, pinagmamasdan ko lang sya habang nananabik ako sa kakaabang ng susunod nyang gagawin.
Hinubad nya ang puti kong panty, buti na lang wala akong suot na cycling shorts ngayon.
Nanginginig ang buong katawan ko nang matanggal na nya ang panty ko. Bumulgar sa kanyang harapan ang pinakatatago kong kaselanan! Buti na lang naahit ko kagabi, kaya malinis ito, mabango, fresh and yummy.
Mahiya-hiya pa akong bumukaka nung una, hindi pa ako makatingin ng diretso sa mga mata nya, pero nung simulan na nya akong kainin, napapikit na lang ako sa ligaya.
“Oooohhhhhmmmmm…..”
Nanginginig talaga ako at kinikilabutan! Ngayon lang ulit may kumain sa eba ko. After so many years naramdaman ko ulit ang sarap ng orgasm…
“Aaaahhhh….” nilabasan agad ako sa sobrang pananabik ko.
Pagkatapos nya akong paligayin sa tounge nya tumayo sya sa tapat ko. He left me hanging in deep lust and i’m really wet down there. Kinalas nya sinturon nya at binaba ang zipper ng pantalon.
Pinagmamasdan ko talaga sya, at nasasabik akong makita kung gaano kalaki ang nakatago dun sa puti nyang brief. Untill he finally showed me his stunningly steaming erection.
Napalunok ako nang makita ko ito. Sa tingin ko kailangan kong ihanda ang sarili ko, sa tagal ko ba namang natiyangyang sa sex siguradong mala-virgin ang dating sa akin nito.
Inayos ko ang pagkakahiga ko sa ibabaw ng sarili kong office table sa loob ng sarili kong office room. Hindi ko inakalang dito ako unang magagalaw ni Nikko.
Naramdaman ko na lang ang matigas na pag-ibig sa akin ni Nikko na nagpupumilit pumasok sa masikip kong puso. Bumukas ang pintuan ng puso ko para papasukin ang pag-ibig ni Nikko.
Ngayon handa ko ng harapin ang sarap at hirap sa piling ni Nikko, ang sakit at hapdi na dulot ng kanyang mainit at madulas na pagmamahal.
“Aaaahhh…. Hhhmmmm….” mahinang ungol ko.
Naghihimaktol ang puso ko na sa unang pagkakataon biniyak ni Nikko. Ganito naman talaga ang pag-ibig, sa una masakit pero unti-unting sumasarap, sumasabaw dahil sa walang tigil na paglabas-masok ng unos sa buhay.
“Aaaahhhh… Ooohhhh…”
Napayakap ako kay Nikko. Humuhugot ako ng lakas sa kanya upang iraos ang hapdi at lasapin ang sarap. Habang nakapatong sya sa akin, dama ko ang kanyang mainit na katas ng pagmamahal.
Pinasok nyang lahat ng katas ng tagumpay nya sa kaloob-looban ko. Diniligan nya ang nakabukadkad kong bulaklak, habang nagdiriwang sya sa kaligayahang natamo sa rurok ng tagumpay ng aming senswal na pagmamahalan.
Tawa lang kami ng tawa ni Nikko paglabas namin sa office. Parang wala kasing nakahalata ni isa sa mga empleyado na may mabilis na milagrong nangyari sa amin ni Nikko sa loob ng office ko.
“Salamat Carol ha? Akala ko ayaw mo na talaga sa akin…” habang nagyoyosi kami sa rooftop.
“Sorry. Ang inaalala ko kasi baka unfair sayo kase binata ka, ako naman may anak na…”
“Ano ka ba?! Sa pag-ibig walang requirements, walang qualification. Mahal kita Carol, at sa pag-ibig ko sayo wala akong ibang nakikita kundi ikaw lang.”
Napaka-idealistic noh? Sana ganun na lang talaga kadali yon… Pero pano kung hindi ako matanggap ng pamilya nya, mga kaibigan at ibang kaanak?
“Salamat Nikko… Pero kung mamahalin mo ako, kailangan mahalin mo rin ang anak ko…”
“Ha Ha” napatawa sya, “Alam mo Carol, kung nasusukat lang ang pag-ibig, malamang mas mahal ko pa si Caroline kesa sayo. Ha Ha”
“Baliw! Ha Ha” gusto ko yung narinig ko.
Umalis din sa bahay si Nikko. Ngayong magkasintahan na daw kami dapat hindi na kami nakatira sa iisang bubong. Sya naman ngayon itong nag-aalala sa maaaring masabi ng iba.
Nakakatuwa kasi hindi ko na iniisip yung dream house ko, parang kahit bahay-kubo willing akong tumira basta kasama ko ang anak ko at ang mahal ko. Kase ngayon hindi na ito basta bahay lang, kundi isa ng tahanan dahil buo na ang pamilyang nakatira.
Isang araw sa office, tinipon kami ipang i-announce ang pagdating ng bagong Presidente ng kumpanya. Sa susunod na linggo daw ipapakilala na sya. Sya na kaisa-isang anak na lalaki ni Chairman.
Balita ko rebel daw ang anak nyang yon noon. Walang interes sa business at puro kabalustagan lang ang alam. Kung hindi lang daw sya pinilit na mag-aral noon sa ibang bansa baka hindi daw sya nakatapos.
Pero ngayon daw nakahanda na syang harapin ang pagiging heir nya. Handa na syang matutunan ang pagiging President/CEO.
Isa lang ang inaalala ko. Baka mag-iba yung pamamalakad dito sa kumpanya. Sabi kase nila bata pa sya at kailangan pa syang i-train.
Hanggang dumating ang araw ng unofficial anouncement.
“I would like to present to you, the next CEO of Dizon Mercantile Incorporated.–” Pagpapakilala ni Chairman.
Lumabas ang isang gwapo at matangkad na lalaki na naka-american tux at decent hair looks. OMG I’ve never seen such good looks like him before, And I’ve never seen him this handsomely beautiful.
“My Son, Nikko Dizon.”
Umusbong ang usap-usapan at bulong-bulongan. Sino bang mag-aakala na ang office clerk kong si Nikko ay sya pa lang anak ni Chairman at ang susunod na magiging CEO ng kumpanya.
Gulat na gulat talaga ako at natamemeng hindi makapagsalita. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari.
Bakit hindi ko naisip na inaanak pala ni Director Wang si Nikko sa Chairman. Kaya pala ganun sya kaespesyal.
At kung nagulat ako, di hamak na mas nagulat si Harold. Kaya pala binalaan sya ni Nikko na magbilang na ng araw.
Umalis ako. Hindi ko na tinapos yung speech ni Nikko. Feeling ko kase niloko nya ako at pinaglaruan. Ang tagal ko syang kasama pero ni minsan hindi nya sinabi sa akin ang bagay na ito. Kaya pala ayaw nyang pagusapan namin ang tungkol sa kanya.
Pumunta ako sa rooftop para magpahangin at mag-smoke. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba na ang boyfriend ko milyonaryo pala. Naiinis ako, naiirita!
Tulad ng inaasahan ko sinundan ako ni Nikko, “O Ma’am, bakit ka umalis? Ganda pa naman nung speech ko–”
“Huwag mo nga akong tawaging Ma’am, …SIR!” naiinis talaga ako, “Bakit ka nagsinungaling sa akin, bakit mo ako niloko?”
“O kalma lang. Hindi naman ako nagsinungaling sayo eh, hindi ko lang pinaalam sayo, kase yun ang gusto ni Chairman. Sya kaya sisihin mo noh!”
“Kahit na! Sana sinabi mo pa rin sa akin, para sana hindi na kita minahal, para hindi na ako nahihirapan ng ganito!”
“Carol, wala naman dapat ikahirap eh–”
“Sayo wala, pero sa akin meron! Nikko naman eh! Ngayon mas lalo na akong hindi babagay sayo, hindi na ako karapat-dapat say–”
Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko dahil bigla nya akong hinalikan. Ikaw ba naman mahalikan, magsasalita ka pa ba? magrereklamo ka pa ba? Magagalit ka pa ba?
Tinulak ko sya, “Huwag mo nga akong landiin, hindi mo ako makukuha sa ganyan!” sigaw ko.
Nanlaki mga mata nya.
Kinabig ko sya ulit, “Joke lang! Isa pa nga.” at muli ko syang hinalikan.
***AFTER TWO YEARS***
Sabi ni Nikko mag-aaral lang daw sya sa ibang bansa. Kailangan daw nya yon para sa kumpanya. Sabi pa nya utos daw ni Chairman yon.
Naniwala naman ako, pero putcha, mula noong umalis sya hindi na sya nagparamdam sa akin, hanggang ngayon ni text, tawag, chat wala akong natatanggap.
Sa twing tinatanong ko sya sa offfice hindi din daw nila alam. Kahit si Director Wang hindi nagsasabi sa akin maging si Chairman. Feeling ko tuloy tinatago nila sa akin si Nikko. Feeling ko hindi talaga nila tanggap ang relasyon namin.
Feeling ko hanggang ngayon pinapamukha nila sa akin na hindi ako karapat-dapat para kay Nikko. Pinag-kibit balikat ko nalang ang lahat. Mas pinili ko na lang na magtiwala kay Nikko at patuloy na umasa sa iniwan nyang pangako sa akin. Kahit minsan nakakapang-walang pag-asa na.
Hanggang dumating ang isang araw na may lalaking kumatok sa pinto ko. Dali-dali kong binuksan baka sakaling si Nikko. Laking gulat ko na lang pagbukas ko sa pinto. Si….si…. Sino ka?!
“Good morning Ma’am.”
Pagtingin ko sa suot nyang polo shirt nakita ko ang tatak na La Carmela Homes.
“Dito po ba nakatira si Carol Teodoro?” tanong nya.
“Oo. Ako yon. Bakit?”
“Congartz Ma’am. Nabunot ang cellphone number nyo sa raffle. Nanalo po kayo ng house and lot from La Carmela Homes.”
“Huh?!” nagduda ako, “Baka naman scam yan ha?!”
“Naku hindi po. Bukas po ang aming opisina, pwede nyo pong puntahan ngayon kung gusto nyo.”
Totoo man o hindi pinuntahan ko pa rin. Wala naman kase syang hinihinging kapalit, so walang mawawala sa akin. Isa pa kumpleto sya sa ID’s kahit mukha syang takas na preso.
Pagdating ko doon iassist kami nung mga empleyado. Kasama ko si Caroline at talagang nagtatatalon kami sa tuwa nang ma-confirm kong nanalo nga ako. Hindi talaga ako makapaniwala, lalo na nung dalhin kami dun sa bahay na napanalunan ko.
Shit! Yung dream house ko!
Pumasok kami ni Caroline, ewan ko kung bakit iniwan kami nung mga empleyado, kami lang pinapasok nila sa loob.
“Ang tagal nyo naman!” nagulat ako sa boses na narinig ko. Paglingon ko, nakita ko si Nikko na nakatayo at may dalang dalawang boquet ng bulaklak.
Pinagmamasdan ko lang sya, hindi ako makakibo, ang gwapo kasi nya. Lumapit sya sa amin at ibinigay nya yung bulaklak sa amin ng anak ko. Tig-isa kami.
“Tito!” niyakap ni Caroline ang hita nya, halatang namiss sya ng anak ko.
“Caroline, kumusta ka na?”
“Okay lang po Tito. Magic!” hiling agad ng anak ko.
“Ha Ha O sige, tignan mo ito.” niladlad ni Nikko ang palad nya, hindi ko alam kung pano nya ginawa yon pero may biglang lumitaw na maliit na box.
“Wow…”
Lumuhod si Nikko sa tapat ni Caroline, “Naku, mukhang dalawang babae ang dapat kong ligawan ah!”
Napangiti naman ako don.
Tapos binuksan nya yung hawak nyang maliit na box, “Buti na lang dalawa dala kong singsing.” nakangiti nyang sabi.
Ang cute naman. Dalawang gold engagement ring, isang maliit at isang malaki.
Kinuha nya yung maliit, “Caroline, pwede bang ako na lang ang Daddy mo?” habang pinapasuot nya yung singsing sa anak ko.
Naaantig ang damdamin ko, lalo na nung nagyakapan silang dalawa. Tanda na tanggap nila ang isa’t-isa na mat pagmamahal.
“Tara anak, tulungan mo akong magpropose sa Mommy mo.” at anak na talaga ang tawag nya.
Magkasabay nila akong hinarap, “Mommy, huwag ka ng magpabebe dyan! Pakasalan mo na si Daddy.” at Daddy na talaga ang tawag nya.
Linapitan ako ni Nikko at sa harap ko naman sya lumuhod, “Carol, may basbas na tayo kay Caroline. Will you marry me?”
“Yes!”
Para sa mga taong nawalan na ng ganang magmahal. Para sa mga taong takot ng masaktan. Para sa mga taong hirap ng magtiwala. Para sa mga taong ayaw ng umibig. Marahil nagtataka kayo kung bakit parang wala na kayong maramdaman. Subukan nyong buksan muli ang puso nyo, malay nyo makita nyo ang kasagutan kung may forever nga ba o wala.
Siguro nga si Harold ang nagtayo sa bahay ko, pero si Nikko naman ang bumuo ng tahanan ko. At dahil sa tunay at tapat ang pagmamahalan namin, hindi na ito magigiba o mawawsak magpakailan-kailanman.
Habang-buhay.