ni machewman07
Talagang napaka hiwaga ng pag-ibig, hindi mo mahuhulaan kung kailan ba ito darating sa buhay mo. Minsan aakalain mo na natagpuan mo na pero along the way you will found out that it’s just a simple admiration that you could easily forget because there is someone else who could make your world crazy, the someone who can stop your world revolving, someone who makes you smile even there is no reason to smile. Sa isang salita, “MAHIWAGA” at may taglay na kapangyarihan at kaalaman na kahit saan mang tanyag na paaralan ay hindi mo matatagpuan upang pag aralan. Kusa itong darating na may kakayahang tibagin ang lahat ng uri na may matibay na pundasyon.
Sa ating makabagong panahon lumalabas na ang iba’t ibang uri ng pag-ibig lalo na sa mga kabataan ngayon. May sarili silang paraan upang makipag laban sa sarili nilang paraan upang masunod lamang ang tinitibok ng kanilang mga puso.
Tulad na lamang ng kwentong ito.
CHAPTER ONE
Malamig ang klima ngayong umaga dahil sa nakalatag na makapal na hamog sa buong paligid. Ang malawak na palayan ay hindi maaninag sa lambong ng mga ulap na siyang mapayapang namahinga sa buong magdamag sa kalawakan ng palayan. Sa paligid naman ay pumapailanlang ang mga huni ng mga ibon at tilaok ng mga manok na siyang gumigising sa mga nahihimbing na natutulog. Ang haring araw naman ay unti unti naring lumilitaw mula sa likod ng matatayog na bundok, at sa kanyang pag sikat ay nakakaroon narin ng matitingkad na kulay ang kapaligiran.
Isang napaka gandang umaga iyon para sa Baryo Mariquit. Subalit para kay Miguel ito ay simbulo ng panibagong simula at pakikibaka sa hirap ng buhay, isang bagong simula na naman upang unti uting hakbangin ang mga baitang ng kapalaran. Hindi man niya maabot ang dulo ng tagumpay ay sapat ng maabot man lang niya ang gitnang bahagi nito na kahit na igupo at ihulog man lang siya ng kabiguan ay hindi masyadong masakit ang kanyang pag bagsak at sa halip ay may sapat pa siyang lakas upang mag simulang muli.
Yan ang kanyang simpleng pangarap para sa kanilang simpleng pamumuhay.
Isang magsasaka ang ama ni Miguel na si mang Nestor, may sarili silang palayan na umaabot lamang sa apat at kalahating ektarya na malapit sa sapa na siyang pinagmumulan ng patubig para sa kanilang palayan.
Hindi naman nag lalayo sa sapa ang kinatitirikan ng kanilang tahanan. Ang kanilang munting tahanan ay napapalibotan naman ng tanim na kamoteng kahoy na siyang nag sisilbing bakod para sa kanilang tahanan. Sa gawing likuran naman ang taniman ng gulay ni aling Jessa na ina ni Miguel. May isa pang taniman ng gulay si aling Jessa, ang tatlong pitak ng dati nilang palayan na hindi naagusan ng patubig kung kaya’t hindi na maari pang taniman pa ng palay at napag pasyahan na lamang nila na gawin itong gulayan upang hindi maiwang nakatiwangwang.
Sa madaling salita, hindi na nila pinoproblema ang pagkukunan nila ng pagkain. Ewan na nga lang kung bakit hindi sila naghihikahos sa buhay gaya ng karatig nilang sakahan. Kahit na ilang bagyo pa ang dumaan at masalanta ang kanilang taniman ay kaagad nakakbangon ang kanilang sakahan. Marahil ay sadyang maabilidad ang kanyang ama upang maisalba ang kanilang kabuhayan.
Masiglang natapos ni Miguel ang pag luto ng agahan para sa buong pamilya habang paulit ulit na umaawit ng “Open Your Heart” ni Madonna. Isang simpleng agahan, sinangag na kaning lamig, scramble egg at tinapa na may sawsawang kamatis. Ang bawat kilos ay sadyang may mabilis upang matapos agad ang naakatang na gawain para sa kanya.
Nakahain na ang nilutong pagkain sa hapag ng lumabas ng silid si Kim, bunsong kapatid ni Miguel, humihikab pa habang nagiinat ng dalawang braso sa ere. Lumapit sa mesa upang alamin kung ano ang kanilang agahan. Kinakamot pa ang hindi pa nasusuklay na magulong buhok habang ngumunguya na tila ba may kinakain.
“Wow, tinapa, may peyborit.” Nanlalaking mata sa nakita.
“Susmeyo Kimidora, lahat naman ng pagkain paborito mo, daig mo pa ang masibang maton sa lakas mong lumamon.” Supla ni aling Jessa sa anak na dalagita.
“Si Mommy, naman, ke aga-aga nanunupla na agad. Sa halip na sabihing.. good morning my dear beautiful princess, how was your sleep, did you sleep alright.” Banat ni Kim na kinukumpas pa ang mga kamay ng palahad at nakatagilid ang mga ulo na para bang may kausap sa sahig.
“Mommy? San nanggaling yun Kim?” wika ni aling Jessa na tinatali sa likod ang suot na roba.
“Mommy… means, sosyalan na tawag para sa nanay.” Si Kim na nakataas kilay at nag sisimula ng maupo sa mahabang upuan sa harap ng mesa subalit nanatiling nakapatong sa upuan ang kanang paa.
“Ako nga ay tigiltigilan mo ng kaartihan mo Kimiralda, hindi tayo mayaman para tawagin mo akong Mommy, nakakahiya sa kapit bahay na makakarinig.” Si aling Jessa na nag titimpla ng kape.
“As if naman may kapit bahay tayo, hello?” Pag mamaktol ni Kim na ginawang parang may hawak na telepono ang kanang kamay pagka banggit ng salitang “hello”.
“Ano kamo?” halatang nayayamot na si aling Jessa sa asal ng anak.
“Wala po.”
“Uyy Kim, ikaw ba’y nag hilamos na ba at nag toothbrush man lang bago ka dumulog d’yan sa hapag, kadalaga mong tao ang kababuyan mo talaga sa sarili sobra.”
“Si nanay naman oh, kanina ikinumpara ako sa masibang maton, ngayon naman sa baboy, anu beh.. eh kung kay Angel Locsin man lang sana ako ikinompara matatanggap ko pa.” banat pa ni Kim. “Mga ganung level kase ang ganda ko eh.” Patuloy nitong litanya na may kaartihan at ang mga kamay ay kinukumpas sa hangin na nag papakita ng salitang “level”.
“Ano kamo Kim?” mukhang nauubusan na ng pasensya ang ina sa anak.
“Wala po, sabi ko.. si Angel Locsin, insecure sa beauty ko.” tumayo na si Kim mula sa pagkaka upo at tinungo ang lababong yari sa kawayan upang mag hilamos ng mukha at mag mumog. Subalit ng mapadaan sa tapat ni Miguel may binulong ito. “Si nanay, tumatanda na, may pagka bingi na.”
“Kim, narinig ko yun.” Saad ni aling Jessa habang patungo sa harap ng bahay dala ang tiimplang kape para sa kabiyak na paniguradong nag hihimas na naman ng panabong na manok.
Mahilig mag alaga ng manok si mang Nestor, lalo na yung tipong panabong, pero hindi ito nag sasabong sa halip ay binibenta niya ito sa mga kumpare niyang mahilig sa sabong at kung sinuswerteng manalo ang nabili nilang manok ni mang Nestor ay may malaki din itong balatong natatanggap. Samantalang ang mga inahin naman ay masipag mangitlog kung saan nanggagaling ang kanilang mga itlog para sa agahan at sa iba pang lutin.
“Kim, wag mong ginaganun si nanay, alam mo namang madaling mag init ang ulo nun.” Pangaral ni Miguel sa kapatid na nag to-toothbrush sa harap ng lababong kawayan.
“Hinggi ngun nguya, lyabss angu ngun neh.” Wika ni Kim na puro bula ang bibig at madaling nag mumog.
“Alam ko, pero wag mo naman abusohin.” Naupo na si Miguel at nag sisimula ng mag sandok ng pagkain. “Pagkatapos mo d’yan, babain mo na yung mga love birds dun sa may hagdan at kakain na tayo.”
“Yes bro.” sabay saludo ni Kim kay Miguel matapos punasan ang basang bibig gamit ang laylayan ng suot na damit.
Ilang saglit pa ang lumipas ay mag kasama na ang tatlo upang mag simula ng mag agahan. Ang nanay at kapatid ni Miguel ay natural na ganun mag usap pero hindi naman nagkaka asaran. Isa lamang iyon sa paraan ng pag lambing ng bunso sa ina, maging kay mang Nestor ganun din ito mag salita. Marahil pinag papasensyahan na lamang ng mag asawa ang anak dahil sa ito ay bunso. Pero mabait na bata si Kim, masunurin, matalino at maalalahanin, may katabilan nga lang ang bibig. Kahit sa edad nitong kinse ay may paka isip bata parin. Mabibilang lang sa daliri kung ito ay mag ayos ng sarili, palaging wala itong paki alam sa mga damit na susuotin o sinusuot, katwiran niya, wala naman daw silang kapit bahay upang maka puna sa mga pananamit niya.
Matapos ang kanilang pag sasalo ng agahan ay may kanya kanya silang toka sa mga gawain. Si Kim ang naka assign sa pag huhugas ng pinagkainan, si aling Jessa naman ay nasisimula ng ayosin ang mga ipagbibiling gulay na itinabi sa silong ng kanilang bahay. Si mang Nestor naman ay nag aayos nang mga gamit na gagamitin sa bukid, mukhang mag i-spray ito sa palayan ng insecticide. Pero minsan nag tataka si Miguel kung bakit hindi siya pinatutulong ng ama sa mga gawaing bukid samantalang kaya naman niyang gawin yun. Meron naman siyang malusog na pangangatawan at sapat na lakas para sa mga gawaing bukid. Nalala pa niyang minsang tinanong niya ang ama kung bakit ayaw siya nitong patulungin sa mga gawaing bukid, ang tanging sagot na lamang nito ay upang magkaroon daw si Miguel ng sapat na panahon para sa pag aaral. Sabagay matalino namn si Miguel, sa katunayan isa siyang scholar sa university na kanyang pinapasukan sa kursong business administration.
Nagtataka siya kung bakit iyon ang kursong ipinakukuha sa kanya ng mga magulang samantalang wala naman silang negosyo. Kung siya lamang ang masusunod, gusto niyang mag agriculture na lamang dahil meron naman silang taniman ng palay at mga gulay.
Nag lalakad si Miguel patungo sa sapa na hila ang kanilang kalabaw, paliliguan niya ito bago itali sa lugar na maraming damo. Subalit bago sa siya makarating sa sapa ay nakarinig siya ng tunog ng isang bagay na bumagsak sa tubig, sa di kalayuan ay may mga damit na nakalatag sa damuhan. Isang kulay cream na short, green na polo shirt at black na brief at pares ng tsinelas. Mukhang may naliligo sa malalim na bahagi ng sapa kung saan madalas siyang maligo ngunit gamit ang tabo.
Dahan dahan siyang kumubli sa likod ng isang malaking puno malapit sa malalim na bahagi ng sapa. Mula sa kanyang pwesto ay nakikita niyang may isang lalaki na nag ba-back stroke sa pag langoy, wala itong saplot sa katawan. Nakita niya ang buong kahubdan nito, ang malaking ari ng lalaki na napapaligiran ng medyo may kakapalang bulbol at ang ari nito ay may kahabaan din kahit hindi pa matigas, gumagalaw ito pakaliwa at kanan sa tuwing ikakampay ng lalaki ang mga paa sa tubig.
Nanginginig ang kalamnan ni Miguel sa nakita, ngayon lamang siya naka kita ng taong walang saplot sabuong buhay niya. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at nag sisimula ng mammuo ang butil butil na pawis sa nuo. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa nasasaksihan. Hindi niya kilala ang lalaki, mukhang bagong salta lamang ito sa kanilang lugar. Napapikit siya ng mahigpit sabay lunok ng laway dahil parang natutuyo na ang kanyang lalamunan. Mahigpit ang pakakapit niya sa tali ng kalabaw na nasa tapat ng kanyang dibdib. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata upang muling tignan ang hubad na lalaki na naliligo ngunit wala na ito.
“HOOOYY!” sigaw ng lalaki na biglang sumulpot sa kanyang harapan.
“AAYYY!” sigaw ng gulat na gulat na si Miguel na nawalan ng panimbang at tuluyan na siyang bumagsak sa malalim na bahagi ng sapa.
Hindi marunong lumangoy si Miguel, kung kaya’t lulubog lilitaw lamang ito sa tubig.
“Namboboso ka no.!” wika ng lalaki.
“Tu – tul – long!” wika ni Miguel sa tuwing siya ay lilitaw sa ibabaw ng tubig, ngunit tuluyan na siyang lumubog sa ilalim ng tubig.
Pinabayaan lamang siya ng lalaki sa pag aakalang nag kukunwari lamang siya, subalit isang minuto na ang lumipas ay hindi parin lumilitaw si Miguel. Kinabahan na ang lalaki at mabilis itong nag dive sa tubig upang saklolohan ang nalulunod. Mabilis naman niya itong nakita sa ilalim ng tubig dahil malinaw naman ang tubig. Agad niyang binuhat sa tabi ng sapa ang wala ng malay na si Miguel, pinulsuhan, may pulso pa naman. Isang CPR ang ginawa ng lalaki sa walang malay na si Miguel. Tatlong pump sa dibdib sabay buga ng hininga sa bunganga ng nalunod habang tinakpan naman ang ilong.
Wala parin nangyayari kung kaya’t inulit niya muli ang pag CPR.
“Uhuu.. Uhuu!” pag ubo ni Miguel kasabay ang pag labas ng mga tubig mula sa bibig at ilong nito.
Idinapa ng lalaki si Miguel upang mailabas nito ang mga na inom na tubig mula sa kanyang baga. Makalipas ang ilang saglit, ang pag ubo ni Miguel ay napalitan ng pag hikbi ng marahan hanggang sa ito ay nauwi na sa pag iyak habang nakadapa parin, nakatulala ito habang umiiyak. Nabuhayan ng loob ang hubad na lalaki na siyang nagligtas kay Miguel.
“Bakit ka kase namboboso, oh ito tignan mo na ng malapitan para hindi kana mamatay kaboboso saken.” Asar na pananalita ng lalaki habang mayabang na ibinuyangyang sa kanyang harapan ang hubad nitong maskuladong katawan.
Tumayo na siya mula sa pagkaka dapa, nanghihina ang kanyang tuhod dahil sa nangyari kanina. At isang matalim na tingin lang ang pinukol nito sa lalaking kaharap.
“Oh baka naman mas gusto mong hawakan.” Pagkawika ay mabilis na hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at ipinadama sa kanya ang pagkalalaki nito.
Sobrang pikon na si Miguel sa pagyurak ng lalaki sa kanyang pagkatao, kaya sa halip na mag pasalamat ay isang malutong na sampal ang kanyang binitiwan sa makinis nitong mukha at mabilis na umalis.
“Aba’t..GAGO TO AHH!” galit na sigaw ng lalaki.
Mabilis na hinila muli ang kanyang kanang kamay bago pa man siya makaalis, sa sobrang lakas ng pagka hila ng lalaki sa kanya ay bumangga ang kanyang katawan sa hubad na katawan ng lalaki at isang iglap lang ay hinalikan siya nito sa labi, sakop ng mga halik nito ang buong bibig niya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagka gulat. Matagal na halik ang ginawad sa kanya ng lalaki ngunit hindi siya makawala sa mga pagkakayakap nito sa kanya. Sobrang malakas ang lalaki at hindi sapat ang kanyang lakas upang kontrahin ito at makapanlaban man lang.
Nang gilid ang mga luha ni Miguel, masakit na ang kanyang mga labi sa marahas nitong mga halik, may kakaiba narin siyang nalalasahan, lasang dugo. Sa wakas ay binitiwan na siya ng lalaking pangahas. Napayuko na lamang siya at mabilis na umalis.
“THANK YOU HA, SA PAG LIGTAS…. WALANG ANO MANNN!” sigaw nito sa kanya na sinundan pa ng malakas na pag tawa habang siya ay papalayo.
Wala siya sa kanyang sarili na nakauwi sa kanilang bahay, hila parin niya ang kalabaw na sana ay kanyang paliliguan sa sapa. Samantalang sakto namang lumabas ng bahay si Kim at nagtaka sa kanyang itsura.
“Oh kuya, bat ganyan ang itsura mo, basang basa ka… at saka… umiiyak ka ba?” tanong ng nag tatakang kapatid sa kanya, paikot ikot ito sa kanya na para bang nag iinbistiga. “Hhhmm.. lumangoy ka ba sa sapa?…kelan ka pa natutong lumangoy?” patuloy pa nito.
Sa halip na sagotin ang tanong ng kapatid sa mga tanong nito ay wala parin siya sa kanyang sarili na nag patuloy na nag lakad habang hila parin ang kalabaw na dapat ay kanyang paliliguan. Itinali niya sa isang madamong lugar ang kalabaw kung saan ay nakasisiguro siyang makakakain ito ng mabuti. Sariwa parin sa kanyang alala ang naganap kanina lang sa sapa. Sari-saring mga isipin ang patuloy na nag lalaro sa kanyang isip, tulad ng: kung sino ba ang pangahas na lalaki na kanyang nakita sa may sapa, kung ano ang kahahantungan niya kung hindi siya niligtas ng lalaking yun sa pagkakalunod. Paano na ang kanyang mga pangarap sa buhay na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya kung tuluyan na siyang namatay. Nasa ganung pag iisip siya kung kaya’t muling dumalisdis muli sa kanyang makinis na pisngi ang mga masasaganang mga luha.
“Eherrm.” Pag aagaw atensyon sa kanyang pag se-senti mode. Nilingon niya kung sino ito.
CHAPTER TWO
“T-tatay, kayo po pala.” Wika ni Miguel ng masino ang dumating.
“Mukhang malungkot yata ang binata ko.. may problema ba?” tanong nito sa kanya na aktong uupo sa damuhan sa ilalim ng lilim ng isang puno kung saan siya nakaupo.
“Aah.. eh..w-wala naman po.” Pag tanggi ni Miguel.
“Kase anak, nabahala ako sa sinabi sa akin ni Kim kanina, umiiyak ka raw nung dumating.”
“Aaahhm, eh k-kasee tay, muntik na akong malunod kanina. .. b-buti na lang po may dumating na lalaki at sinaklolohan ako.” Pag sisinungaling niya sa ama, although half meant lang ang kanyang tinuran dahil wala siyang balak ikwento ang buong pangyayari.
“Ganun ba? Oh siya sige, maya maya lang ay umuwi ka na alam ko simula na ng klase n’yo baka mahuli ka pa pag pasok.” Sabay tayo ng ama mula sa pagkaka upo at nag paalam na sa anak.
Sa pag alis ng ama ay may panibagong naramdaman si Miguel sa sarili. Naka gawa siya ng kasalanan, nag sinungaling siya sa unang pagkakataon. Magulo ang kanyang utak sa sandaling iyon, ginugulo ng lalaking pangahas ang kanyang nananahimik na buhay. Umukit sa utak ni Miguel ang itsura ng lalaking sumagip sa kanyang buhay, ang mukha nitong binagayan ng magandang hubog ng jawlines, ang matangos nitong ilong, ang chinito nitong mga mata na matalim kung tumingin, ang semi kalbo nitong buhok na bumagay sa hugis ng mukha nito, ang malaki nitong katawan na tila ba matagal nililok sa pamamagitan ng pag bubuhat ng mabibigat na gym equipment. Ang morenong balat nito na pantay ang pagkakulay. Lalo’t higit ang mapupula nitong mga labi na kanina ay umangkin sa kanyang birheng mga labi, napaka lambot, may kakaibang init itong hatid sa kanya kanina. Subalit ayaw na niyang mag paangkin muli sa mga halik nito, pumutok kase ang ibabang bahagi ng kanyang labi sa pangahas na pag angkin nito kanina.
Bakit ba hindi mawala sa utak niya ang hubad nitong imahe. Ang kargada nito na hindi basta ang sukat kung ito ay mabubuhay.
“SHIITTT!” angil ni Miguel sa sarili.
Hindi siya maaring magka gusto dito, lalaki siya at lalaki din yun, hindi siya pwedeng maging bakla. Magiging tampulan siya ng tukso, ayaw niyang sabihan na isa siyang salot sa lipunan, mahihirapan lamang siya. Kahit na ba maraming mga kilalang tao ngayun sa lipunan na bahagi sa ikatlong mundo ay hindi niya maisip na magiging kabilang siya sa mga ito. Anung uri ng kakayahan ang ipapamalas niya sa lipunan para lang matanggap at matakpan ang sa tingin niyang pagiging bakla niya sa hinaharap. At higit sa lahat, walang matinong lalaki ang magkaka gusto sa kapwa niya lalaki. Dapat kamuhian niya ito sa kapangahasan nito kanina. Pero hindi niya magawa, napaka gwapo nito, nung una akala niya si Mario Maurer ang kanyang nakita dahil sa laki ng pagkakahawig ng dalawa, pero napalis ang ideyang iyon ng mag salita ito sa kanyang harap at matatas na nag tagalong.
“Hindi pwede ito, kailangan ko siyang kamuhian at kalimutan… siguro naman hindi na muling mag ko-cross pa ang landas namin pareho.” Wika ni Miguel sa kanyang sarili at nagpasyang tumayo na.
Samantalang nag mamadaling pumasok sa mansion si Mark, galling siya sa sapa na hindi kalayuan sa mansion ng mga Asurenia, pag aari pa nila ang lugar na iyon kaya malaya siyang makakabalik dun kung kelan niya gusto. Naka short lamang siya na kulay cream at ang polo shirt na green na naka sampay na lamang ngayon sa kanyang balikat. Magbabanlaw na lamang siya sa banyo sa kanyang kwarto para makapasok na agad. First day of school kaya dapat hindi siya mahuli lalo pa’t hindi pa niya alam ang mga room na naka assign sa kanila bawat subject.
Nasa tapat siya ng dutsa na walang anu mang saplot sa katawan, malayang dumalisdis ang bawat patak ng tubig sa maskulado niyang katawan. Biglang pumasok sa isip niya ang eksenang naganap sa sapa kung saan akala niya walang taong maaring mapadako duon, pero nagulat siya ng mapansing may isang lalaki ang nag mamatyag sa kanyang ginagawang paliligo. Alam niyang nakita na nito ang lahat sa kanya kaya wala na siyang nagawa, ipinagpatuloy na lang niya ang pag langoy sa sariwa at preskong tubig ng sapa, pareho naman silang lalaki kung sakali man.
Ang isa lang bagay na gumugulo sa kanyang isip ay kung bakit niya ito hinalikan, hindi naman iyon ang gusto niyang gawin sa lalaking iniligtas sa pagkakalunod matapos nitong sampalin ang kanyang mukha. Susuntokin niya sana ito, pero iba ang ginawa ng kanyang katawan, kinulong niya ito sa kanyang mga bisig at pinarusahan niya ng mariing halik. Malambot ang mga labi ng etrangherong lalaki, may kakaibang init na hindi niya naramdaman sa ibang mga babaing naka niig niya. Talagang nag enjoy siya sa lasa ng labi nito kaya lalo niyang idiniin ang pagkakahalik dito. Nalasahan niya ang dugo na hindi niya alam kung kanino galling, ang mga impit na ungol nito na marahil ay may nais sabihin sa kanya, sa kadahilanang nakakulong ang mga labi nito sa kanya kung kaya’t sa loob ng kanyang bibig ito nakagawa ng ingay.
Nahabag siya sa lalaki ng makitang namumuo ang mga luha nito sa mga mata, may paghikbi ng kasama sa pagitan ng kanyang pag halik dito. Doon lamang siya nag pasyang itigil ang parusa, may kung ano damdamin kasi ang humaplos sa kanyang puso ng makita ang sitwasyon nito.
Maloko siyang tao kung kaya’t ganun na lamang siya mag salita sa lalaking nakaharap, huli ng ng marealize niya na hindi nga pala siya nito kilala.
Matapos banlawan ang katawan ay kaagad na tinuyo ito at mabilis na nag bihis para makapasok na siya. Excited siya sa bagong paaralan na papasukan, kakaibiganin niya ang mga estudyante dito at saka niya bibintahan ng damo. Ang pag benta ng damo ang kanyang sideline, ayaw niyang humingi ng pera sa amang kinamumuhian at sa inang walang pakialam sa kanila ng kanyang kapatid na bunso kung kaya’t namatay itong may sama ng loob sa mga magulang.
Buo na ang kanyang pasya, yuyurakan niya ang iniingatang pangalan ng mga magulang. Ipaghihiganti niya ang kanyang kaisa isang kapatid. Nagawa na niya yun sa Manila nuong nag aaral pa siya sa isang tanyag na paaralan duon, at magagawa niya rin yun dito at kung maaari lang mas higit pa bago niya tuluyang iwan ang poder ng mga magulang.
SEANFORD UNIVERSITY
“Uyy friendster, you came na!” masiglang salubong ni Leanne kay Miguel ng makita niya itong pababa ng tricycle, bawal kasi ang tricycle sa loob ng campus, ngumiti si Miguel sa kaibigan at kumaway.
Ang Seanfrord University ay isang tanyag na paaralan sa kabicolan, dito karaniwang nag mumula ang mga sikat na mambabatas ngayon ng bansa. Mga beauty queen at ilan pang tv personality na kilala sa iba’t ibang larangan tulad ng media at entertainment. May mga foreign student din na mula Korea, Taiwan, Australia, Nigeria, at kung saan saan pa.
Hindi naman crowded ang volume ng student dito, dahil piling pili ang mga nag aaral, pawang mga taong may angking talino, mga mayayaman at kilala sa lipunan. Kung papansinin mo ang paligid, may mga walong gusali ito na hanggang 4th floor bawat department. Malawak ang open field sa gawing likuran kung saan ginaganap ang ROTC/NSTP ng mga estudyante. Ang canteen naman ay aircondition, hindi natural money ang gamit kundi token na made of plastic na nakaukit ang logo ng school, bawat color ay may corresponding amount, ang token ay ginagamit ng mga estudyanteng not so rich ika nga, credit card naman sa mga mayayaman na pang class na menu ang malimit na order-in. Mahigpit ang mga guard, kailangan ipakita ang ID at ini-inspect ang bag bago pumasok kung kaya bawal ang PUV sa loob, kung may sarili ka namang sasakyan dapat may sticker ka from school administrator at malaking ID ng family driver ng mag aaral.
“Alam mo na ba yung latest, friendster?” bulong ni Leanne kay Miguel ng ito ay makalapit sa babaeng todo postora na ngayun ay nangunyapit na sa kanyang braso matapost ma inspect ng guard ang ID at bag niya.
“And what ist it, dear friendster?”
“Yun na nga, I heard na merong transferee from Manila, and you know what?… he is so DAMN HOT!” exaggerated nitong balita sa kaibigan na nanlalaki ang mga mata.
“So what do you want me to do? Stalk him, kidnap him for you?” pambabara ni Miguel kay Leanne.
“Not like that naman, I just want to warn you that this guy is mine.” Biro nito sa lalaki.
“Woaah, easy lang friendster, wala sa vocabulary ko ang mga lalaki.” Wika ni Miguel, pero panandalian siyang natigilan ng maalala ang eksena kanina sa sapa.
“Anyway, have you seen Richmond already?” si Leanne.
“Hindi pa, can’t you see kakarating ko pa lang.”
Biglang may dumanan na grupo ng mga bakla na pinagungunahan ni Jopay, pawang naka headband ang mga ito, pink ang kulay ng tatlong alepores nito at red naman sa kanya na may design na medyo kalakihang red rose at pink feather. Nag tatawanan ang mga ito at nag bubulongan pa.
“What? Talaga?… ang swerte mo naman bes.” Sabi ni Harry aka Harlene.
“Yes, and he holds my hand afterwards pa nga eh.” Pagbibida ni Jopay sa mga kaibigan.
Naka pink polo si Jopay na ang manggas ay nakatupi, ang laylayan naman ng kanyang polo ay naka ribbon sa may bandang tiyan na may kalakihan, naka un button pa, with matching fitted black jeans na malapit ng pumutok sa laki ng binti, and white stiletto. Naka pamewangan ang kanang kamay kung saan nakasuot ang red handbag. Makalansing ang suot nitong white bangles. Pulang pula ang mga labi sa kapal ng lipstick samantalang ang alepores nito ay pink lipstick ang gamit. Talagang dapat standout ang dating ni Jopay pag sila ang mag kakasama.
Umirap pa si Jopay pagka lampas ng mga ito kina Leanne at Miguel sabay tawa ng malakas. Grabe naman ang ngitngit ni Leanne na gustong sugurin ng sapak ang maarteng si Jopay ngunit pinigilan ito ni Miguel sabay turo sa paparating na si Richmond. Halatang badtrip ito habang isinusuot ang backpack na nag lalaman ng ibat ibang klaseng panukat, architecture ang course nito kaya laging may bitbit na malaking bag.
“Mukhang badtrip ka ngayon pre ah.” Puna ni Miguel sa paparating na si Richmond.
Lumapit si Richmond kay Leanne at nag smack kiss ang dalawa, mag aapat nabuwan na kaseng magkasintahan ang mga ito. Kahit na may kalandian si Leanne, faithful naman siya pag dating kay Richmond, tamang flirt lang siya sa ibang mga lalaki.
“Badtrip yung guard eh, nalimotan ko dalhin yung ID ko, buti na lang dala ko pa ang registration form ko.” wika ni Richmond sabay akbay sa kasintahang si Leanne. “Oh hon, heto na nga pala yung mga classcard mo, kinuha ko na yan kanina para sa’yo.” Sabay ngiti sa kasintahan.
“Ohh.. so sweet of you naman talaga.” Maarteng lambing ni Leanne kay Richmond sabay yakap ng mahigpit sa bewang ng nobyo.
“Oh pre, pati yung sayo kinuha ko narin para hindi na kayo makipag siksikan pa mamaya.” Sabay abot ni Richmond ng classcard kay Miguel.
“Salamat pre… bawi na lang ako next time sa’yo.”
“No problem pre.”
“Sana pinabayaan mo lang s’yang pumila, hon.” Nangingiting pang aasar ni Leanne kay Miguel.
“MEAN GIRL.” Sabay na turan ni Miguel at Richmond.
“Joke lang friendster ko.” sabay haplos ni Leanne sa mukha ni Miguel.
“I know.”
“Ahhm, hon, wait lang ha… kailangan ko kaseng samahan yung pinsan kong pumila sa registrar, di pa nya nakukuha mga classcard niya eh.” Paalam ni Richmond sa kasintahan.
“It’s okay hon, you don’t need to worry about me, besides, Miguel is here to protect me.”
“Pre, pa’no… I’ll go ahead, I have to look for Mark.”
“Sure.”
“Kiss ko hon.” Lambing ni Leanne kay Richmond.
Nag kiss ang dalawa sa harap mismo ni Miguel, nangingiti na lamang ito sa nasaksihan sweetness ng dalawang kaibigan. Hindi nga niya lubos maisip kung paano napatino ni Richmond ang kaibigang si Leanne, ang alam niyang numero unong playgirl itong si Leanne at alam din niyang maraming lalaki na itong pinaluha na mag pahanggang sa ngayon ay patuloy paring humahabol at nangungulit sa babae ang ilan sa mga dati nitong naging nobyo.
Maganda si Leanne, mayaman, ngunit medyo may pagka slow nga lang o sadyang tamad lang mag aral. Naalala pa nga niya ng minsan narin itong naging commercial model sa isang delatang tuna na ibinibenta sa market dahil sa ganda ng hubog ng katawan nito at nakahahalinang mga ngiti. Bukod pa doon isa din itong print ad model para sa isang clothing line na sikat sa bansa ngayon. Pero nag lielow ito sa isang insidenteng pag kabigo sa pag-ibig na naging daan na makilala si Richmond at naging kasintahan ng lumaon.
Sa totoo lang, hindi naman talaga sila magkakilala nuong unang tuntong niya sa Seanford, naka pasa lamang siya bilang scholar, full free tuition at miscellaneous lang siya sa unibersidad, pero ang allowance hindi kasama. Sideline lang ni Miguel ang pag gawa ng power point presentation para sa mga estudyanteng tamad mag encode. Doon niya nakilala si Leanne, mukhang badtrip pa nga ito nuong mag kita sila.
Flashback
“You’re Miguel, right?” wika ng isang babaing lumapit sa kanya habang nag babasa siya ng book na Harry Potter and the Goblet of Fire sa isang bench under the acasia tree.
“Yes?” matipid niyang tugon at tinapunan niya ng tingin ang babaing gumambala sa kanyang pag babasa.
“Oh, thank God I found you.” Maarting wika ng babae na umupo na sa kanyang tabi habang nag pupunas ng nuo na akala mo ba’y pinag pawisan sa kaunting pag lalakad na ginawa.
“How, may I help you miss?”
“Actually, may hihingin lang akong favor, could you make me a power point presentation about climate change, don’t worry I already have here the things you need.” Sabay abot sa kanya nito ng isang plastic case folder na kulay pink pero transparent kaya kita niya ang laman, isang flashdrive at isang CDr at kung anu ano pang mga papel.
“I need that this coming Friday.” Patuloy nito.
Napatanga na lamang si Miguel sa inasal ng babaing hindi kilala, hindi pa nga siya nakaka oo sa request nito sa kanya pero parang sure na ito na gagawin niya ang favor na hinihingi ng babae.
“Don’t worry, I will pay you.” Wika ng babae matapos ay napa buntong hininga ito at para bang naluluha habang nakatingin sa malayo.
“Alright, on Thursday afternoon i will hand it over to you.” Pag sangayon nito sa favor ng babae, kailangan din niya ng pera para sa nalalapit nilang intramurals. Malaki ang contribution na napagkasunduan ng department nila kaya talagang gipit din siya, blessing in disguise na lang ang pag lapit ng babae sa kanya.
“Is there something bothering your mind?” pag aalalang tanong ni Miguel sa naluluhang babae.
“Errmm..” pag tikhim nito upang luwagan ang lalamunan na tila ba may bumabara. “Yeah, do you know Daniel Eseguerra?” tanong nito sa kanya.
“Yeah, the team captain of the basketball and an engineering student, why did you ask me?”
“Daniel is my boyfriend, and…. last Friday we went out on a date.” She pauses a bit. “After our date he asks me to make love to prove that I love him, but I refuse… then he gets mad at me and he left me at the restaurant alone.”nag sisimula ng umiyak ang babae.
“Last Sunday I saw him at the bar with other girl… (hikbi) they were so happy together…. and I saw them kissing and they left the bar afterward.” Duon na humagulhol ng iyak ang babae at napayakap na sa kanya.
“It’s okay, at least now you know what his real intension to you.” Pag alo niya sa nag hihinagpis na di kilalang babae.
“I know, but it hurts me much considering I gave up my career just to be with him.”
“It’s not your lose, it’s his lose.. he never knew how precious you are and he don’t deserve a woman like you… so cheer up, and move on.” Pangaral ni Miguel sa babae.
“How ca I move on, I still love him.” Patuloy nitong pag buhos ng sama ng loob sa kanya.
“Ahhmm.. I never been into a relation before but… a piece of advice… you need to think his negative side, forget the positive side.. Later on you may realize how much you hate him, after the realization period compose yourself again and face him as a strong woman.” Payo niya sa dalaga.
Medyo ne enlighten ang dalaga sa narinig na payo ng binata, sa isip niya oo nga naman, hindi parin siya talo, hindi naman siya ang gumagastos sa lahat ng date na ginawa nila. Lalong hindi niya binigay ang minimithi nitong pagka babae niya, marahil kung nag hintay lamang si Daniel ng tamang panahon ay ipagkakaloob niya rin naman ito sa lalaki sa ngalan ng pag-ibig niya dito. Sa sinabi sa kanya ni Miguel, narealize niya na hindi siya totoong minahal ng lalaki, bagkos isang trophy ng tagumpay ang tingin sa kanya nito lalo pa’t madalas silang lumalabas kung saan naroon ang mga barkada ng basketball-ista.
“Thank you so much Miguel, you’re such a friend.” Sabay yakap niya sa binata.
“You’re welcome, miss… “putol niyang wika.
“Oh, I’m sorry, I’m Leanne Maine Laxamana.” Sabay lahad ng palad sa kanya.
“Marc Miguel Andrade.” Wika naman ni Miguel sabay dahop sa palad ng dalaga.
“You know what, it’s a good feeling having a good friend like you.” Wika ng dalaga na patuloy parin nakkipag shakehands sa kanya.
“Really?” I thought you have more friends, I saw you once with the girls.”
“Nope, they are just using me because of popularity… I feel it, I’m not numb hello.”
“I’m sorry to hear that.”
“It’s alright, I don’t need them either… so friends?” muling lahad ng kamay ng dalaga sa kanya.
“Sure.” Nakipag shakehands ulit siya.
“Finally, I found a real friendship.” Masayang wika ng dalaga.
“Hmm lakas maka Kris Aquino nung “friendship” ah..hahaha!” natatawang sabi ni Miguel at natawa narin ang dalaga.
“So what do you want? Friendster?” urirat ng babae sa kanya.
“Ahhm.. Not bad at all, may pagka unique ang dating.”
“So?” putol ng dalaga.
“FRIENDSTER!” sabay nilang sabi na natatawa at pingtitinginan sila ngayon ng mga estudyanteng napapa daan sa kinaroroonan nila.
Matapos ang tagpong iyon, niyaya ni Leanne si Miguel sa canteen para mag snack at e-celebrate ang kanilang nabuong pagkakaibigan.
Thursday afternoon matapos ang klase ni Miguel ay tinungo niya ang mass communication building na karatig lamang ng building ng architecture at engineering para iabot kay Leanne ang power point presentation na ginawa niya para dito kasama ang graph drop nito. Sakto naman kalalabas pa lamang ni Leanne sa classroom nila kaya ang hallway ay napuno na muli ng estudyanteng nag sisilabasan. Mga estudyante ng fine arts, architecture, engineering at mass communication.
Nakita niyang may isang lalaking dumaan na may malaking backpack ang hinwakan ni Leanne sa kamay at mabilis na hinalikan sa labi, ilang saglit lang ay dumaan naman ang grupo ni Daniel na masama ang timpla ng mukha sa nakitang pangyayari kay Leanne at sa lalaking kahalikan nito. Nakita niyang mabilis nag lakad si Daniel upang lisanin ang lugar. Nang makalampas na ang grupo ng baskeball-ista ay kumalas na din si Leanne sa pakaka halik sa lalaki na mula sa kanyang kinatatayuan ang nababasa niya ang expression ng dalaga na humihingi ng despensa sa lalaking hinalikan. Doon na lumapit ng tuluyan si Miguel at kita niyang naka tulala lang ang lalaki sa dalaga. Tama nga ang hinala niya sa naganap, isang palabas lamang iyon ng dalaga upang maka ganti kay Daniel.
Bilang pag hingi ng paumanhin ni Leanne ay nag treat ito ng isang snack sa canteen para sa kanilang tatlo, siya, si Leanne at ang lalaking nag ngangalang Richmond. Mula nuon nagging tatlo na sila sa grupo pero di nag tagal ay umamin din si Richmond ng damdamin kay Leanne na matagal na pala nitong gusto ang dalaga. Ilang linggo lang ang lumipas ay nging officially on na ang dalawa.
Naputol lamang ang pag sasariwa ni Miguel sa kanilang nakaraan ng bilang isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang mukha na sinundan pa ng isa pa kung kaya’t natumba na siya sa damuhan sa pagka hilo sanhi ng malakas na suntok.
“Tarantado ka, lakas ng loob mong gumawa ng kwentong hayop ka.” Sigaw ng lalaki sa kanya na may pag duro pa sa mukha niya.
Lumingon siya sa lalaking sumuntok sa kanya at duon siya nagulat sa nakita.
CHAPTER THREE
Kilala niya ang mukha ng lalaking sumuntok sa kanya, ito yung lalaking hubo’t hubad na naliligo sa sapa kanina na siyang lumigtas sa kanya sa pagkakalunod. Pero bakit ito pa ang galit na galit sa kanya samantalang pumutok na nga ang labi niya sa marahas nitong pag halik sa kanya.
“Kapal din ng mukha mo noh, tandaan mo… wala pang bakla ang nakakatikim sa akin at kahit kailan hinding hindi ako papatol sa katulad niyong mga salot!” muli nitong sigaw na sinundan pa ng isang malakas na tadyak sa kanyang sikmura.
Namimilipit na siya sa sakit at halos panawan na ng ulirat si Miguel sa nararamdaman. Nakita niyang unti unti ng dumarami ang mga tao sa paligid, pawang mga nakiki usyoso sa gulong nagaganap. May mga nagtatawanan at may mga nabubulungan, at mayroon ding naaawa para sa kanyang sinapit. Mabilis na sumaklolo si Leanne sa kaibigan na duguan na ang bibig na pumutok dahil sa mag asawang suntok na natamo ng binata mula sa kung sino.
“Enough, please stop it.” Histerikal ni Leanne sa di kilalang lalaki.
“Pipiliin mo ang gagawang mo ng kwentong tarantado ka.” Muli na naman sanang tatadyakan ng lalaki si Miguel, sa takot ay muling namilipit ang katawan ni Miguel sa nerbyos.
Puno na ng mga estudyante ang paligid, naroon din ang grupo ni Jopay at nag papa cute pa sa lalaking bumubugbog sa kanya. Hindi alintana ang mga sinabi nitong hindi ito papatol sa mga tulad nitong bakla. Sa sulok ng kanyang mga mata, nakikita niyang nakikipag bulungan pa si Jopay sa mga alepores niya at nag tatawanan ang mga ito.
Dumating na si Richmond at inawat na ang lalaking bumubugbog sa kanya. Bago pa siya nawalan ng ulirat narinig niyang tinawag ito ni Richmond na pinsan at Mark ang pangalan.
Nagising si Miguel sa hindi niya kilalang lugar, puti ang pintura ng mga dingding at narinig niyang may nag sasalitang babae sa hindi kalayuan sa kanya na tila ba may kausap sa telepono. Kilala niya ang boses na yun, kay Leanne yun base sa boses nito ay galit na ito sa sino mang kausap nito sa telepono.
“Wala akong pakialam kung ano man ang paliwanag niya, bugbog sarado yung kaibigan ko oh… at hanggang ngayon wala paring malay..” bahagyang putol sa pag sasalita. “Ah leche sya, wag ko syang makikita kung ayaw niyang ako ang sumapak sa kanya.. oh sige, iwasan mo mag cross ang landas namin niyang sira ulong yan at makakatikim s’ya saken.. oh sige na.. bye.. love you too.” Pag tatapos ni Leanne sa tawag at alam niyang si Richmond ang kausap nito.
“Miss Laxamana, your friends is finally awake.” sabi ng school nurse, kaya ibig sabihin nasa school clinic sila.
Wala sa isip niyang madadala siya dito minsan sa buhay niya. Dahil sa Mark na iyon naranasan niyang madala sa clinic at ngayon sa eskandalong nangyare kanina nanganganib na mawala ang scholarship niya depende sa hatol ng guidance councilor. Bakit ba napaka malas ng araw niya ngayon, kanina lang muntik na siyang mamatay sa pagkakalunod, ngayon naman nabugbog siya sanhi parin ng iisang lalaki. Napaiyak na si Miguel sa mga isiping iyon na naganap sa buhay niya.
“Friendster, kumusta na ang pakiramdam mo?” pag aalalang tanong ng kaibigan.
Humagulhol na lang siya ng iyak habang yakap ang dalaga. Hindi niya lubos maisip kung bakit laging disaster ang dating ng lalaking nag ngangalang Mark sa buhay niya. Kailan kaya siya nito titigilang saktan, nangangamba na siya na baka sa sunod na pagkikita nilang dalawa ay kamatayan na ang sapitin niya dito.
“M-masakit ang katawan ko, friendster.” Malumanay niyang daing.
“Do you want me to bring you to the hospital?” nag aalala paring tanong ni Leanne.
“No, kaya ko to.” Wika ni Miguel sa pagitan ng paghikbi. “Ang problema ko ngayon ay kung paano ko to ipapaliwanag kay Tatay at Nanay pag nakita nila ang mga pasa ko.” muli na naman siyang umiyak, ayaw na ayaw pa naman niyang nag aalala ang mga magulang sa kanya.
“Gusto mo bang ako na ang mag paliwanag sa kanila? Si Leanne.
“Hindi na, bahala na akong gumawa ng lusot mamaya pag uwi ko.”
“Okay, but if you need help just tell me na lang ha.”
“Salamat sa’yo Leanne, kung di ka umawat kanina baka napatay na ako nung Mark na yun.”
“May I ask lang ha, pero… kilala mo ba yung Mark na yun?”
“Parang oo, na parang hindi…” wika pa niya.
“What do you mean?” nagugulohang tanong ng kaibigan.
Kwinento ni Miguel ang unang encounter nila ng Mark na iyon sa sapa kaninang umaga, ang kanyang pagka lunod, ang pag sagip nito sa kanya, ang pag halik nito sa kanyang labi na nagging sanhi ng pag putok nito at ngayon naman mas malaki na ang sugat sa kanyang labi sanhi ng malakas na pagkaka suntok.
“Oh my God, napaka harmful naman pala nung lalaking yun, kung kanina sa sapa eh niligtas niya ang buhay mo, kanikanina lang para naman gusto na niyang bawiin sa tindi ng galit sa’yo.”
“Hindi ko nga rin alam eh.”
“You know what, about dun sa transferee guy from Manila na sinasabi ko sa’yo kanina… siya yun eh.. yung hotie na tinutukoy ko.” sabay ngiwi ng bibig ni Leanne.
“Hotie nga, rapist at killer naman.”
“Oh my God, don’t you dare say that again.. baka marinig ka n’ya.”
“Nakakatakot na si Mr. Hotie mo na cousin pa pala ng boyfriend mo.”
“Oo nga, pero.. alam mo ba yung binibintang niya sa’yo kanina?? .. yun bang ikwenento mo raw or something na nagyari between you and him.”
“I don’t know, ikaw pa nga lang ang nakaka alam na may nag first kiss na sa’ken.”
“I think, there must be a mistake pero di ako sure.”
“Ask mo na lang si Richmond baka may naikwento na yung Mark na yun sa kanya.”
“That’s a brilliant idea my dear friendster, but for now stay here and take a little rest to make you feel better later.”
“Okay friendster, thanks talaga sa’yo.”
“Ano ka ba, wag mo nang alalahanin yun, that’s what friends are for naman di ba?”
Tumango na lamang siya bilang tugon sa winika ng butihing kaibigan. 4pm na ng payagan na siyang lumabas ng clinic. Wala narin naman siyang klase kung kaya’t nag pasya na lamang siyang umuwi na lamang. Pag dating niya sa kanilang tahanan ay napuna agad ni aling Jessa ang mga pasa sa kanyang mukha at ang pumutok niyang labi. Idinahilan na lang niya ang pagkakahulog niya sa sapa kaninang umaga at nag sinungaling siyang natamo niya ang mga pasa dahil sa pag bagsak niya sa mga bato bago siya tuluyang nahulog sa sapa. Naniwala naman ang butihing ina sa kanyang paliwanag sa kadahilanang naikwento na marahil ni mang Nestor at Kim ang nangyari sa kanya kanina.
Kinabukasan, muli na naman siyang pumasok sa Seanford, nagmamadali siya dahil malapit na siyang ma-late sa first subject niya, sakto namang mag sisimula pa lang mag check ng attendance ang kanilang professor na si Ms. Valera. Pag pasok niya meron pang isang tao sa kanyang likuran na mukhang na-late din ng pasok. Nanginig sa takot ang buo niyang katawan ng makilala ang pag mumukha ng lalaking nasa kanyang likuran.
“You two gentlemen, you may take your seats.” Utos ni Ms. Valera ngunit puno na lahat ng upuan at sa bandang likuran na lamang may bakante.
No choice siyang makatabi ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon. Masama parin ang tingin sa kanya nito. Ngunit ng makita nito ang mga pasa sa kanyang mukha at ang sugat sa kanyang labi ay tila nag bago ang expression ng mukha nito. Para bang may habag itong naramdaman sa kanyang sinapit.
“Okay, people, as I call your name please stand up and introduce yourself, your course and everything what you think we want to know about you.” Panimula ng professor.
“Jane…” wika ng teacher at may isang estudyanteng tumayo mula sa kanang bahagi bandang unahan, talagang literal na pangalan ang binabanggit ng guro.
Matapos mag pakilala ang nag ngangalang Jane ay sumunod naman tinawag ang iba pa hanggang halos na ngangalahati na sa klase ang natatawag at nag pakilala.
“Next is, Marc.” Wika ulet ng professor.
Tumayo siya at ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon kung kaya’t naalarma ang professor, muling ini-scan ang classcard na hawak.
“I’m sorry, we have two students here who named Marc, and those are the name Marc with letter “C” and the name Mark with letter “K”… okay, you first, Marc with letter “C” mahabang paliwanag ng guro kaya nag simula na si Miguel.
“Good morning everyone.” Bati ni Miguel sa lahat habang tinitignan ang mga kaklase maliban lang sa kanyang katabi. “My name is Marc Miguel Andrade, 17 years of age.. I am the eldest in our family and we’re currently residing in Barangay Mariquit, I am a second year student now taking up Bachelor of Business Administration under the scholarship grant offered by the school administration that’s why I am here in our prestigious institution to take the good chance to fulfill my dream and bring the good life for my family as well… thank you so much for listening.. And again … good morning.”
Ang may kahabaang pag papakilala ni Miguel sa buong klase, nakatingin lang sa kanya ang kanyang katabi na kanya rin palang kapangalan. Matapos nuon ay nag palakpakan ang kanyang mga kamag aral bilang papuri sa magandang pagpapakilala na kanyang ginawa.
Ngayon naman mag papakilala naman ang lalaking nambugbog sa kanya kahapon, mataman lang niya itong pinakiramdaman, ayaw niyang taponan ng kahit na kaunting tingin ang lalaking katabi. May takot na kasi siyang nararamdaman dito dahil sa magkasunod na masamang pangyayari sa kanilang dalawa kahapon.
“Good morning, my name is Mark Adrian Asurenia, 19 years old… thank you.” Matapos ang maikl nitong pag papakilala ay agad na itong umupo sa katabi niyang silya.
Naupo narin si Miguel at nakinig sa pag papakilalang ginawa ng iba pa niyang mga kaklase, ngunit kahit isa man lang sa mga pangalan nito ay hindi tumatak sa kanyang isip, bukod tanging pangalan lamang ng katabi ang kanyang natatandaan. Marahil sa kadahilanang mag kapareho sila ng pangalan ng lalaki.
Hindi pa man nauubos mag pakilala ang buong klase ng may isang estudyante ang nag interrupt sa klase nila. Kumatok ito sa pinto upang maagaw ang attention ng professor nila.
“Yes, Miss Bueno, what can I do for you?” sabi ng guro sa dumating na estudyante.
“Ma’am, can I excuse Mr. Andrade and Mr. Asurenia?” tanong ng estudyante sa guro.
“Is it really important matter Ms. Bueno, why you need these two gentlemen?”
“Mr. Requiron did not tell what was the reason behid, ma’am.”
“Mr. Requiron? The guidance councilor?” tanong ni Ms. Valera.
“Yes ma’am.”
“I think it’s a serious matter, you, two gentlemen, you may go with Ms. Bueno.” Utos sa kanilang dalawa ng kanilang guro.
Inayos na ni Miguel ang kanyang mga gamit at humanda na sa pag alis, gayon din si Mr. Asurenia at lumabas na sila ng silid aralan.
“Thank you so much ma’am, and I’m sorry for the interruption.” Wika ni Ms. Bueno bago lumabas ng room.
Tumango lang ng guro bilang tanda ng kanyang pag sang ayon. “Ok, let’s proceed,.. ahhm next is Jerone.” Narinig niyang pag papatuloy ng guro bago nila tuluyang nilisan ang lugar.
Iniisip ni Miguel kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa habang kaharap ang guidance councilor na nag papatawag sa kanila, siguro ito na yung tungkol sa gulong nangyari sa kanila kahapon. Kahit kalian ay hindi niya inisip na mapatatawag siya sa office of the guidance councilor. Tahimik lang siyang nag aaral para sa katuparan ng kanyang mga pangarap at pangarap niya para sa pamilya. Paaano na lang kung matanggalan siya ng scholarship dahil sa nangyari, saan siya ngayon pupulotin, ano ang ipaliliwanag niya sa mga magulang pag nagkataon. Paniguradong sasama ang loob ng mga ito sa kanya, iyon pa naman ang bagay na ayaw na ayaw niyang maramdaman ng mga magulang para sa kanya.
Wala silang imikang nakasunod sa pag lalakad kay Ms. Bueno, ito ang S.A. (Student Assistant) ni Mr. Requiron, kapwa niya scholar ito. Napapagod na siya sa kakaisip sa mga magaganap sa harap ng guidance councilor, bakit ba siya napasok sa ganitong sitwasyon, nagulo ng lalaking kasabay ang buhay niya ng simula niya itong makita. Ano pa kaya ang susunod na gagawin nitong paninira sa tahimik niyang buhay? Napa buntong hininga na lamang siya. Dapat lang kalmahin niya ang sarili bilang pag hahanda sa nalalapit na pag gigisa sa kanila.
Habang abala ang isip niya sa kung anu-anong bagay ay sumagi din sa kanyang kamalayan ang presensya ng lalaking katabi. Matangkad ito sa kanya, marahil ay 5’11 ang height nito, dahil hanggang tainga lang siya ng lalaki samantalang 5’7 ang kanyang height. Mabango ang gamit nitong pabango na talagang naiiwan sa hangin ang amoy, samantalang siya ay Lewis & Pearl Scent Shop Rain cologne lang ang gamit na tinitipid pa niya. Mabango naman ang cologne na gamit niya, gusto nga niya ang amoy nito pero ang katabi niyang lalaki mukhang lumangoy na ata sa swimming pool ng cologne sa tindi ng bango nito. At ang porma nito na “can’t resist” ang dating sa mga makakakita, pamatay sa porma. Naka black na polo shirt ng bench naka button lahat, khaki slim fit pants na lacoste at naka fold para mag muhang ¾ at sperry top sider shoes na grey and misty green ang kulay. Sa porma nito ay mag mumukha siyang alalay.
Ok naman ang porma niya, bagay naman sa kanya kaso hindi kaseng branded tulad ng sa katabi niya. Gray and black polo shirt button din lahat, maroon skinny jeans na nabili niya sa palengke at binarat pa niya ang presyo sa tindera, at ang sapatos niyang white from U.K.-U.K. sa halagang 100 php. Napansin din niya pareho jansport ang bag nila na kulay light blue at gray and strap, sakanya imitation lang.
Nilakad nila ang isang mahabang pasilyo patungo sa administration building, sa third floor pa ang office ni Mr. Requiron. Pinakikiramdaman na lang niya ang katabi, ano kaya ang iniisip nito, kinakabahan din kaya ito tulad niya? ang tanong niya sa kanyang sarili. Marahil ay hindi, dahil kung masisipa man ito sa Seanford University ay makakaya parin nitong mapunta sa ibang paaralan na kasing tanyag ng Seanford. Eh siya ba, kung matatagal siya sa paaralang iyon, saan siya pupunta? Hindi ba’t umaasa lang naman siya sa scholarship na binigay sa kanya ng paaralan matapos niyang maka grauduate ng high school bilang salutatorian.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng makita niyang nsa harap na sila ng pinto ng office of the guidance councilor.
“This is it.” Bulong ni Miguel sa sarili.
Binuksan ni Ms. Bueno ang pinto ng office at pinatuloy sila sa loob.
“Have a seat.” Wika ni Mr. Requiron sabay hubad sa suot na reading glass at nilapag sa ibabaw ng mesa, habang papaupo silang magkaharap sa isa’t isa.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa buong silid habang palit palitan ang tingin ng matandang guidance councilor sa dalawang binata.
“Do you know why you’re here?” panimulang tanong nito sa kanilang dalawa.
“I don’t know sir.” Hindi niya siguradong sagot habang nakatingin siya sa sahig ng opisina.
“What about you, Mr. Asurenia?” tanong ng matanda sa kanyang kaharap. Hindi ito umimik.
“Well, let me tell you this.” Panandaliang putol ni Mr. Requiron sa kanyang salita. “There was a commotion happened yesterday, right? And this turmoil was come from the both of you.”
Walang gustong umimik sa kanilang dalawa ng mga sandaling iyon.
“I don’t want to ask who started it, and what the reason was… I want you to tell me the story, the whole story… now, who wants to talk first?”
Wala pa rin gustong umimik sa kanilang dalawa, si Miguel ay nanatiling nakatingin sa sahig ng opisina at hagip ng kanyang paningin ang sapatos ni Mark Adrian.
“Okay, I have here on my desk your school profile, no wonder Mr. Asurenia is now here, based on your track record you have a lot of school rule breaking incidents you had made from your prior school.” Patuloy ni Mr. Requiron.
Napansin ni Miguel na napa tiim bagang si Mark Adrian sa narinig na sinabi ng matanda.
“And I don’t know why, why you are here in our school, maybe because of the power of money and influence.. since you are now part of the institution Mr. Asurenia, I am expecting you to behave as a grown man, I do hope so that you raise by your parents with a good values.” Putol panandalian ni Mr.Requiron.
“Do you know why am I obviously put the blame on you Mr. Asurenia?” tanong nito kay Mark Adrian.
“No, sir.” Sagot ni Mark Adrian.
“Because I knew Mr. Andrade very well, since last year, he has no track record of rule breaking being put in his name, just now, and it’s because of you.”sabi pa ng guidance councilor at nanatili parin silang nakikinig, pareho na sila naka tingin sa tiles na sahig.
“Okay, I don’t want to prolong this converstion anymore, I just want to make things right…. now, could you be friends, you, the two of you…. This is the first day of school, It should be the getting to know you period, not fighting together.” Paliwanag nito sa dalawa.
Nakatungo parin si Miguel sa sahig, pero napansin niya ang kamay ni Mark Adrian na nakalahad sa kanya.
“Mr. Andrade.” Pahiwatig ng matanda kay Miguel para tanggapin na niya ang pakikipag kamay ng binata.
Napilitan na siyang abotin ang kamay ng lalaki at makipag kamay, para matapos na ang lahat. Ngayon tapos na silang mag shakehands ay nag salita muli si Mr. Requiron.
“Since, this meeting is over I want you to know that there is a appropriate punishment I have to sentence for you gentlemen, you are going to clean the entire stock room at the 4th floor of administration building right now.”
Nag katinginan na lamang silang dalawa.
“Remember, no more fight again.. because the next sentence I will give to you is expulsion… understand?”paalala nito sa kanilang dalawa.
“Yes, sir.” Halos sabay nilang wika.
“Now, you may go..” pag tataboy ni Mr. Requiron sa kanila.
Lumabas na sila sa guidance office, mabuti na lang at pag lilinis lang ng stock room ang punishment sa kanila. Akala ni Miguel mare-repeal na ang scholarship niya. Pero naawa naman siya para kay Mark Adrian dahil nagisa ito kanina. Parang unti unti ng lumilinaw sa kanya ang pagka tao ng lalaki. Mukhang may hindi tama dito.
Pag dating nila sa stock room, naka bukas na ito na dati naman parating naka sara sa tuwing magagawi sila dito. Binuksan niya ang ilaw at doon tumambad sa kanila ang patong patong na mga upuan na hindi na ginagamit, mga kahon na kung anu-ano ang laman, mga lumang dyaryo, musical instrument tulad ng trumpet, bass drums, xylophone, gitara. Maging mga pinag palitan na screen monitor ng computer naroon din.
Maya maya pa ay dumating naman ang janitor at inabot sa kanila ang mga gagamiting panglinis, walis tambo, timba na may tubing pang mop ng sahig, basahan, trash bin at dustpan. Nag simula na si Miguel sa pag lilinis samantalang palinga-linga parin sa paligid si Mark Adrian. Pinabayaan na lamang niya ito kahit napipika na siya sa hindi nito pag tulong.
Pinag sama-sama ni Miguel ang mga bagay na pwedeng pag sama-samahin at inilagay sa tabi ang sa tingin niya ay patapon na. Pawisan na siya sa tindi ng pagod at init na nag mumula sa bubong, sira pala kase ang kesami doon. Si Mark Adrian naman ay kinakalikot ang gitara, kinumpleto nito ang kwerdas ng isang gitara gamit ang kwerdas ng ibang gitara.
Nag pupunas si Miguel ng mga gamit na nakasalansan na ng maka rinig siya ng tunog ng gitara. Si Mark Adrian pala ay naayos nito ang gitarang kinakalikot, maya maya pa ay nag strum ito at nag simula ng umawit, “Hard To Say I’m Sorry” version ng Boyz II Men, napaka lamig ng boses at pinaganda pa sa dami ng kulot nito.
Everybody need a little time away
I heard her say, from each other
Even lovers need a holiday
Far away from each other
Hold me now
It’s hard for me to say, I’m sorry (oh)
I just want you to stay (stay with me)
After all that you’ve been through
I will make it up to you, I promise you baby
And after all that’s been said and done
You’re just a part of me I can’t let go
Couldn’t stand to be kept away
Not for a day, from your body
(baby, I can’t live without you, not even day)
Wouldn’t wanna be swept away (away)
Far away from the one that I love
Hold me now
It’s hard for me to say, I’m sorry
I just want you to know (you to know)
Hold me now
I really wanna tell you I’m sorry
I could never let you go
After all that we’ve been through
I will make it up to you, I promise you
And after all that’s been said and done
You’re just a part of me I can’t let go
I can’t let go
Napapangiti si Miguel sa ganda ng kanta na para bang inaalay ito ng lalaki para sa kanya. Pero napalis agad ang kanyang mga ngiti sa labi ng kumirot ang mga sugat dito na bahagya pa niyang nalasahan muli na parang may dugo. Marahil nabanat ang balat ng kanyang labi at bumuka muli ang sugat. Inisip niyang hindi niya patatawarin ang lalaki sa mga ginawa nitong kagulohan sa kanyang buhay. At kung hihingi man ang lalaki ng tawad mula sa kanya nais niyang sabihin ito nito ng personal at may senseridad hindi iyong idinadaan nito sa kanta.
Napuna naman ni Mark Adrian na kanina pa siya hindi tinataponan ng tingin ng kasama, marahil malalim ang galit nito sa kanya. Para naman sa kanya balewala na sa kanya ang tismis na ikinalat nito sa buong campus na may namagitan sa kanilang dalawa. Sa itsura kase nitong pasaan at putok ang mapupulang labi ay talaga namang naaawa siya dito, mukhang napasobra yata ang pagkaka bugbog niya dito.
Napansin ni Miguel na nawala ang nag i-strum ng gitara at parang tumahimik, pero patuloy parin siya sa kanyang ginagawa. Subalit biglang nawalan ng ilaw at sumara ang pinto. Natakot siya, lalo pa’t may phobia siya sa masikip at madilim. Mabilis siyang tumakbo sa may pintuan pero hindi niya ito mabuksan, mukhang naka lock ang pinto.
“May tao ba d’yan sa labas, please naman oh, pakibukas.” Wika ni Miguel na nagbabaka sakaling may tao doon at marinig siya habang pinipihit niyang paulit ulit ang door knob ng pinto.
Walang nagbubukas ng pinto at mukhang tahimik sa labas. Biglang may isang malakas na bagay ang kumalampag at bumagsak sa sahig ng stock room. Nanginginig na sa takot si Miguel at nanggigilid na ang luha na sa oras na iyon ay nahihirapan na siyang huminga.
“PLEASE NAMAN OH, PAKI BUKAS NG PINTO!” sigaw ng binata na sinabayan na niya ng pag kalampag dito.
“PARANG AWA N’YO NA, BUKSAN N’YO TOOOOO!!”
Hirap na hirap na siyang huminga, dahil sa phobia niya sa dilim at masikip ay tila ba nauupos na kandila ang kanyang tuhod. Basang basa narin siya ng pawis.
“TULOOONG, NAKULONG AKO DITO SA STOCK ROOM!” patuloy niyang sigaw.
Konti na lang bibigay na ang katawan niya, nararamdaman niyang malapit na siyang bumagsak sa init at nerbyos.
Bago pa siya mawalan ng ulirat ay bumukas na ang pinto at sa kanyang pakawala ng malay ay may mga bisig na sumalo sa kanyang pag bagsak.