The Promise Bracelet Part 1

ni watchingoverme

Naka-blindfold ang dalagitang si Sharmaine papasok sa mansyon ng mga De Angeles habang inaalalayan ni Nicolai ang kanyang dalawang kamay.

Sharmaine: Saan mo ba ako dadalhin, Nicolai? Sabi mo ay magkikita-kita tayong magkakaibigan ngayon sa bahay nina Princess para sa kaarawan ko. ‘Yon ang ipinaalam ko kina Mama at Papa kanina. Baka mag-alala ang mga iyon? At saka ang sakit na ng mga mata ko. Kanina pa ako naka-blindfold, Nico.

Nicolai: Huwag kang mainip, Sharms. Malapit na tayo.

Tuloy-tuloy lang ang pag-alalay ni Nicolai kay Sharmaine hanggang sa tanggalin na nito ang piring sa mga mata ni Sharmaine.

“SURPRISE!!!”

Nabigla si Sharmaine sa kanyang nakita. Nasa dining room siya ng mga De Angeles at nakapaligid sa table ang kanyang anim na kaibigan. Nasa tabi naman niya si Nicolai. Ang paligid ay napapalamutian ng mga lobo at bulaklak. Punung-puno ang mahabang table ng mga pagkain. May banner pa na nakalagay na “Happy 17th Birthday Sharmaine”.

Danica: Hey! Mukha kang nakakita ng multo diyan, Sharmaine. Hindi mo ba nagustuhan ang surpresa namin sa ‘yo? Happy 17th birthday, my friend!

Nilapitan ni Danica ang namamanghang si Sharmaine at niyakap ito.

Danica: We granted one of your wishes on your wish list. Enjoy the night, Sharms.

Margaret: Tatayo ka na lang ba diyan, Sharms? Blow your candles na. But make sure you make your wish first.

Katie: Whatever, Margaret. Just let Sharms blow the candles, so we can eat na.

Princess: Come on, Sharms. Hipan mo na ang mga candles bago pa matunaw ang mga ‘yan. Sige ka. Masisira ang cake mo.

Inakay ni Danica si Sharmaine patungo sa cake na nasa dining table. “Happy 17th Birthday, Sharmaine – From your 7 besties”, ‘yan ang nakalagay na dedication sa chocolate cake na nakahain sa table.

Hindi pa rin makapaniwala si Sharmaine sa kanyang nakikita. Narito siya ngayon kasama ang kanyang pitong best friends sa mansyon ng mga De Angeles. Ipinagdiriwang ang kanyang ika-17 na kaarawan. Ngayon niya lang naranasan ang magkaroon ng engrandeng selebrasyon para sa kanyang kaarawan. Gusto niyang maiyak sa tuwa. Tiningnan niya isa-isa ang kanyang mga kaibigan. Ang pitong taong nakasama niya ng apat na taon sa high school. Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay bukod sa kanyang pamilya.

Huminga siya ng malalim at pumikit bago humiling sa kanyang isip. Hiniling niya na sana ay mapahaba pa ang kanyang buhay para makasama pa niya ng matagal ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at hinipan isa-isa ang labimpitong kandila na nasa kanyang harapan.

“YEY!!! Kainan na!”

Katie: Finally! I’m so gutom na simula pa kaninang nagpe-prepare tayo for Sharms’ birthday. Nakakaloka!

Janine: Para namang napakarami mong naitulong, Katie. Eh, kulang na lang matulog ka roon sa sofa sa living room nina Danica.

Katie: Whatever, Janine. Let’s just eat na lang. Okay?

Nagtawanan sila at isa-isa nang kumuha ng kanya-kanyang pagkain.

Habang nagkakainan ay biglang tumayo si Danica at lumabas ng dining room.

Danica: Excuse me. I’ll just go get something, guys.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Danica na may dala-dalang paper bag. May laman itong walong maliliit na boxes na may pangalan ng kanyang mga kaibigan. Isa-isa niya itong inabot sa kanyang mga kaibigan at tinira ang isa para sa kanya.

Gabbie: What is it this time, Danica? Ano na naman ‘tong pakulo mo? Don’t tell me it’s one of your little pranks again.

Danica: No, Gabbie. Open it, guys. You’ll like it.

Isa-isang binuksan ng walong dalagita ang mga box na hawak nila. Naroon ang isang bracelet na mayroong malalaking bilog na beads. Walong bilog iyon na sinisimbolo silang walo. Ang bilog sa gitna ang nagsisilbing sentro ng kanilang pagkakaibigan.

Katie: I kinda like it. It’s cute.

Nicolai: Masyadong pambabae ang itsura nito. Parang pa-tweetums.

Princess: I think it’s fine, Nico. Maganda naman ang quality. Hindi mukhang cheap.

Gabbie: Magugustuhan kaya ito sa akin ng kuya mo, Danica? Hmmm?

Hindi pinansin ni Danica ang tanong ni Gabbie.

Danica: Those bracelets are promise bracelets. It symbolizes our friendship. We all know that tomorrow is our Graduation Day. Hindi naman kaila sa atin ang posibilidad na magkakahiwa-hiwalay na tayo ng landas pagdating sa College. Pero ang mga bracelets na ‘yan ang magkokonekta sa ating walo. Ipapaalala ng mga bracelets na ‘yan na kahit anong mangyari ay may mga kaibigan tayong nakasuporta sa atin. Nakaalalay sa kahit anong landas na tahakin natin. Mahal ko kayong pito. Maaaring higit pa kaysa pamilya ko.

Isa-isang tiningnan ni Danica ang kanyang mga matatalik na kaibigan.

Danica: Ngayong gabi ay mangangako tayo sa isa’t isa na walang iwanan. Mangangako tayo na kahit anong mangyari ay hindi natin kakalimutan ang isa’t isa. Makakaasa ba ako sa inyo, guys?

Nagtitinginan ang walong magkakaibigan. Tinatantiya ang isa’t isa.

Janine: Who are we kidding here? It’s Danica De Angeles who is asking all of us to make a promise in front of these stupid bracelets. You know the drill. We should say ‘Yes’. Right, Danica?

Danica: Don’t be so sarcastic, Janine.

Janine: I’m just kidding. Don’t take it seriously.

Umismid at nagkibit-balikat si Janine. Tumingin muli si Danica sa mga kaibigan niya at naghintay ng sagot.

Nicolai: Okay. No problem.

Margaret: Of course, Danica.

Katie: Whatever, Danica. As if we have a choice. It’s a yes.

Gabbie: Yes. No big deal.

Princess: Wala namang mawawala. Okay. Yes.

Janine: I want to say ‘No’. But, of course, I have to say ‘Yes’.

Napailing si Danica kasabay ng pagtingin kay Sharmaine. Hinihintay ng lahat ang sagot ni Sharmaine.

Sharmaine: I really love the relationship we have, guys. Dahil sa inyo, natuto akong magtiwala muli. Dahil sa inyo, natuto akong magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya ko. Mahalaga kayo sa akin. I wouldn’t trade what we have for the world. Yes na yes!

Natawa ang lahat sa pagkampay ng kamay ni Janine habang sinasabi ang ‘Yes na yes’.

Sabay-sabay na isinuot ng magkakaibigan ang kanya-kanyang bracelet sa kanilang palapulsuhan.

Danica: Okay! Let’s continue eating. You really made me happy tonight, guys.

At nagpatuloy na sila sa pagkain. Patuloy ang kwentuhan at tawanan.

———-

35 minutes later…

Danica: Don’t get yourself too drunk, guys. Lagot ako kay Daddy kapag nahuli niya tayong lasing na lasing. Malaki ang tiwala sa ating lahat ni Daddy kaya hinahayaan niya kong magpa-party dito sa bahay. Swerte pa nga at out of town si Daddy. Paghahanda para sa nalalapit na eleksyon.

Tumingin si Danica kina Sharmaine at Janine.

Danica: Are you sure ayaw niyong uminom, Sharms, Janine?

Janine: I don’t drink, Danica.

Sharmaine: Alam niyo namang pagagalitan ako ni Mama at Papa kapag nalaman nilang umiinom ako. Okay na ko sa juice, Danica. Thanks.

Danica: Walang makakaalam, Sharms. You know, promise bracelet.

Iniangat pa ni Danica ang braso kung saan nakasuot ang kanyang promise bracelet.

Sharmaine: Thanks, but no thanks, Danica. Sana maintindihan mo.

Danica: Oh well, hindi kita pipilitin. Oh wait, kumusta na pala ang panliligaw sa ‘yo ni James? Sinagot mo na ba siya?

Lahat ng mga kaibigan ni Sharmaine ay interesadong malaman ang estado ng panliligaw ni James sa kanya.

Napayuko si Sharmaine. Parang nahihiya at namumula siya.

Gabbie: Come on, Sharms. Tayo-tayo lang ang nandito. Para ka namang others.

Katie: OMG! Don’t tell me na isinuko mo na ang Bataan.

Tiningnan ng masama ni Margaret si Katie.

Katie: Oops! Sorry.

Margaret: Hindi magagawa ni James ‘yon. Kilala ko siya.

Janine: Oo nga pala. Kapatid mo siya. Kaya kilala mo siya.

Margaret: Sarcastic. May I remind you, Janine, he is my STEPBROTHER.

Janine: Still. Legally adopted. Ayaw mo ba siyang tawaging kapatid, ha, Margaret?

Margaret: Don’t start, Janine.

Janine: Why? I’m just asking.

Danica: Come on. Stop it, guys. We’re celebrating Sharmaine’s birthday here. Don’t argue over petty things. So, Sharmaine, have you?

Tumingin si Sharmaine kay Danica at unti-unting tumango. Nahihiya siyang sumagot.

Sharmaine: Oo. Kanina lang.

Danica: Oh! Finally! I’m so happy for you, Sharmaine.

Sharmaine: Thanks.

Nagpalakpakan ang lahat para kay Sharmaine, maliban kay Margaret.

Margaret: I can’t believe it, Sharmaine. Sinagot mo si James?!

Janine: Are you deaf, Marge? She just said ‘Yes’.

Margaret: Shut up, Janine!

Janine: Why? Hindi mo ba matanggap na may makakahati ka na sa attention ng stepbrother mo? Come on, Margaret. Sharms is our friend. A best friend.

Margaret: Ugh! I can’t take this!

Tumayo si Margaret at lumabas ng dining area. Sumunod sa kanya si Gabbie.

Tatayo sana si Sharmaine para sumunod ngunit hinatak siyang paupo ni Danica.

Danica: Hayaan niyo siya. Pasasaan ba at matatanggap niya rin ang relasyon nina James at Sharmaine. Nabibigla lang siya sa ngayon. Alam niyo naman kung gaano ka-close ang dalawang iyon.

Princess: Napakaswerte mo, Sharmaine. Buo ang pamilya mo. May boyfriend kang nagmamahal sa ‘yo. Marami kang friends. At…ikaw ang tatawaging Valedictorian bukas sa graduation natin.

Napalingon si Nicolai kay Princess. Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. Tumayo siya para yakapin ito, ngunit nauna na itong tumayo palabas ng bakuran ng De Angeles. Hindi nito mapigilang mapaiyak. Sinundan siya ni Nicolai.

Nag-aalalang napatingin si Sharmaine sa pintong nilabasan nina Princess at Nicolai.

Danica: Don’t mind her, Sharmaine. Hindi pa lang siguro niya matanggap na hindi siya ang naging Valedictorian ng batch natin.

Napayuko si Sharmaine. Hindi niya gusto ang mga nangyayari. Parang kanina lang ay ang saya-saya nila. Ngunit ngayon ay parang ang lungkot na ng vibe. It must be the alcohol.

Janine: You can’t blame Princess, Danica. Consistent siyang 1st honor simula noong 1st Year tayo hanggang 3rd Year. Kung ako ang nasa posisyon niya ay baka nakapanakit na ako ng tao.

Nagulat si Sharmaine sa sinabi ni Janine. But Janine is Janine. Diretsahan talaga itong magsalita.

Danica: Tama na ‘yan, Janine. Huwag mo nang gatungan. It’s Sharmaine’s birthday. Okay?

Biglang nag-ring ang phone ni Danica. Sinagot niya ito.

Danica: Hello? Yes. Okay. I’ll be there.

Ibinulsa na ni Danica ang kanyang phone.

Danica: Guys, excuse me. I have to meet someone. Mabilis lang ako. Kumain lang kayo nang kumain. Si Kuya Nate ay nasa kwarto niya kung may kailangan kayo. Pero hindi niya alam na may mga bisita ako, kaya magugulat ‘yon kapag nagpakita kayo sa kanya. Tell the other girls I’m going to come back later.

Sharmaine: Mag-isa ka lang, Danica. Gabi na. Delikado sa daan. Sasamahan kita.

Danica: No! I have to do this on my own, Sharms. See you later. Don’t worry. I can manage this one.

Pagdaan ni Danica sa living room ay hindi niya nadatnan doon sina Margaret at Gabbie. Nagkibit-balikat na lamang siya.

Paglabas niya ng main door ay hindi niya rin napansin sa bakuran sina Princess at Nicolai.

———-

De Angeles Mansion study room

Gabbie: Marge, I know you love your brother. And not just a brother, but as a man.

Gulat na napatingin si Margaret kay Gabbie.

Margaret: What are you…

Gabbie: Come on, Margaret. I can see it in your eyes. I know the feeling because I’m also in love with an older guy. I’m in love with…Nate. But…he loves someone else.

Nagulat si Margaret sa sinabi ni Gabbie. Ang alam nilang magkakaibigan ay crush lamang ni Gabbie ang kuya ni Danica. Ngunit masyado pang bata si Gabbie para masabing pagmamahal nga ang nararamdaman niya para kay Nate. Napansin ni Margaret ang pangingilid ng luha ni Gabbie.

Gabbie: I’m sorry. I have to pee.

Naiwan si Margaret sa study room na tahimik na lumuluha. Hindi matanggap na boyfriend na ni Sharmaine ang kanyang stepbrother.

———-

Winterville High Library

Danica: You’ve done the deal, babe. I can’t believe you did it. Napasagot mo ang Little Miss Perfect. Bravo! Hindi ko akalain na magagawa mo. Para sa kapatid mo ay ginawa mo ang isang bagay na makakasakit sa taong mahal mo. Come here, babe. Get your price. Hindi ko naman nakalimutan ang napag-usapan natin. Pero kailangan mo pa ring tapusin ang plano bukas. Okay?

Lumapit ang lalaking kausap ni Danica sa kanya. Unti-unting hinubad ni Danica ang kanyang jacket. Kumapit siya sa batok ng lalaki at hinalikan ito.

Danica: Mmm… Sa iyo ako ngayon, babe. Alagaan mo ang puso ko.

At muling hinalikan ni Danica ang lalaki.

———-

De Angeles Mansion Powder Room

Gabbie: Grabe! Sobrang laki talaga ng mansyon na ‘to. Kung hindi ko kabisado ang mansyon na ‘to, malamang naligaw na ko.

Tumingin sa buong paligid ng comfort room si Gabbie. Tatlo ang cubicle nito ngunit sarado ang isa. May naririnig siyang nag-uusap. Boses ng lalaki at babae.

Lalaki: Ginawa ko na ang gusto mo. Siguro naman ay pagbibigyan mo na ko.

Babae: Oo. Alam ko. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi siguro matatanggap sa College ang kapatid ko.

Lalaki: Hindi mo alam kung ilang tao ang kinasangkot ko para lang walang maging butas ang plano natin. Ginawa ko ang lahat para sa pagmamahal ko sa iyo.

Babae: Alam ko, babe. Alam ko…

Ilang minuto pang nakinig sa labas ng nakasaradong cubicle si Gabbie hanggang sa marinig niya ang isang bagay na ikagugulat niya. Napabulong siya sa sarili.

Gabbie: Oh my gosh! No. Hindi pwede ‘to. Napakalaking eskandalo nito kapag nagkataon. Pero kailangan itong malaman ni Princess. Kailangang makausap ko si Princess.

Lumabas siya ng comfort room. Paglabas niya ay nabunggo niya si Nate, ang kuya ni Danica.

Nate: Gabbie?

Gabbie: Nate…

Nate: Anong ginagawa mo sa comfort room?

Gabbie: Ah… Eh… Syempre…nag-CR. Ano ka ba naman, Nate?

Nate: Amoy-alak ka, ha? Pinainom ba kayo ni Danica?

Kinabahan si Gabbie. Matalim ang tingin ni Nate. Sa takot ay unti-unti siyang tumango.

Nate: Pasaway talaga ‘yang batang ‘yan! Ano bang okasyon at uminom kayo?

Gabbie: B-birthday ni Sharmaine.

Nate: Birthday ni Sharmaine? So…nandito si Sharmaine?!

Hinawakan ni Nate ang kaliwang braso ni Gabbie ng mahigpit.

Gabbie: Nate, na-nasasaktan ako. Bitiwan mo ko. H-hindi siya nakarating. H-hindi siya pinayagan ng Mama at Papa niya.

Nagsinungaling si Gabbie dahil natatakot siya sa maaaring gawin ni Nate. Pinakawalan ni Nate ang braso ni Gabbie. Tingin niya ay nagsasabi naman ito ng totoo.

Nate: Makakaalis ka na, Gabbie. Huwag kayong masyadong magpakalasing ng mga kaibigan mo. Graduation niyo na bukas. Baka hindi kayo makapag-martsa? Pupuntahan ko kayo mamaya. Okay? Oo nga pala. Lahat ng narinig mo sa powder room ay sa ‘yo lang. Dahil alam kong may narinig ka. Kung hindi ay may mangyayaring masama.

Nanlilisik ang mga mata ni Nate. Nanlaki ang mata ni Gabbie sa narinig. Tumango siya at nagmamadaling bumalik sa dining area. Nakalimutan ng balikan si Margaret sa study room.

———-

De Angeles Mansion Dining Area

Sharmaine: It is supposed to be a joyous celebration, but why do I feel so bad? Hindi ko gustong saktan si Margaret. Mahal ko si James. Noon pa man. Kaya noong niligawan niya ako ay natuwa ako. Hindi ko akalaing hindi matatanggap ni Margaret na maging kasintahan ako ng kuya niya. Nalulungkot din ako para kay Princess. Alam kong pangarap niya ang maging Valedictorian. Pero alam ko rin na ang karangalang ito ay makakatulong sa pag-ahon ko sa aking pamilya mula sa kahirapan. Nalulungkot ako sa mga nangyayari, Katie, Janine.

Nangingilid ang mga luha ni Sharmaine.

Janine: You don’t have to feel bad, Sharms. Hindi mo ginusto ang mga nangyari. I know, eventually, matatanggap din nila ang mga bagay-bagay.

Katie: I do agree, Sharmie. Magkakaibigan tayo. Mananaig sa atin ang friendship over rivalry. Right, Janine?

Lasing na si Katie at halatang malapit ng bumagsak sa ibabaw ng table.

Tumango lamang si Janine sa tanong ni Katie.

Katie: Anyway, change topic tayo. Masyado ng emo at negative ang vibe at atmosphere dito. Kumustahin natin ang love life mo, Janine?

Tumawa ng mapakla si Janine.

Janine: Oh well. Monthsary namin ngayon ni Marco. Pero, hayan, hindi nagti-text simula pa kanina. Funny, pareho pa ang monthsary date namin ni Sharms, since kanina niya sinagot si James. Exactly one month after nang sagutin ko si Marco.

Napatawa ng mahina si Janine. Habang napangiti naman si Sharmaine nang maisip ang boyfriend.

Katie: Awww… So kilig!

Biglang tumunog ang phone ni Sharmaine. May nag-text sa kanya.

“I’m waiting for you, babe.”

Kinabahan si Sharmaine sa text message na natanggap niya. Napalingon siya kay Janine na matamang nakatingin sa kanya. Nailang siya rito.

Gabbie: Guys! Nasaan si Princess?

Napatingin sina Sharmaine, Janine, at Katie sa humahangos na si Gabbie.

Katie: Why were you running so fast, Gabbie? Nakakawala ka ng poise. Hingal na hingal ka tuloy.

Gabbie: Tell me where Princess is.

Janine: At the backyard. Why?

Gabbie: None of your business.

Bago lumabas patungong bakuran ng mga De Angeles ay tinapunan ng masamang tingin ni Gabbie si Sharmaine na ikinagulat nito.

Katie: What’s her problem? At bakit ba bigla-bigla na lang nawawala at sumusulpot ang mga tao rito? Hay! Nakakaloka. Uminom na nga lang tayo.

Tumayo si Sharmaine para sundan si Gabbie sa bakuran ng mga De Angeles. Naiwan niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng dining table.

———-

De Angeles Mansion Backyard

Nicolai: Princess, are you okay?

Hinihimas ni Nicolai ang likuran ni Princess. Pinapatahan niya ito sa pag-iyak mula pa kanina.

Princess: I’m sorry, Nico. Akala ko tanggap ko na, pero hindi pala. In-expect ng family ko na ako ang magiging Valedictorian ng batch natin. Masyado kaming umasa…at nasaktan, Nicolai.

Nicolai: Naiintindihan kita, Princess. Pero isipin mo na lang na may dahilan kung bakit nangyayari ito. Alam ko mahirap sa una, pero kailangan mong tanggapin.

Princess: Nico…mabuti at palagi kang nandiyan para sa akin.

Tumaas ang kamay ni Nicolai sa pisngi ni Princess at hinimas ito.

Nicolai: Lagi lang akong narito sa tabi mo, Princess.

Naiilang sa mga titig ni Nicolai si Princess. Iniwas niya ang kanyang mukha.

Princess: Nico…kung hindi ka lang babae…ay iisipin kong may gusto ka sa akin.

Tumawa si Princess at tumawa rin si Nicolai, ngunit hindi ito umabot sa kanyang mata.

Gabbie: Princess!

Napalingon sina Nicolai at Princess sa humahangos na si Gabbie.

Princess: Gabbie?

Nicolai: Anong nangyari? Bakit nagmamadali ka?

———-

De Angeles Mansion Study Room

Margaret: Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit?! Bakit, James?! I hate you! I hate you, Sharmaine!

———-

De Angeles Mansion Backyard

Princess: No! Hindi totoo ‘yan!

Gabbie: Totoo ang lahat ng sinabi ko, Princess. They are being unfair to you.

Princess: No! Kailangan kong makausap ang Principal. O kaya ang may-ari ng school. I need to go.

Tumakbo palabas ng gate ng mga De Angeles si Princess. Wala siyang pakialam kung gabi na at delikado sa daan. Sa pag-aalala ay sinundan siya nina Gabbie at Nicolai.

Hindi nila alam na narinig ni Sharmaine ang lahat ng sinabi ni Gabbie. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Sharmaine. Pinahid niya ang kanyang mga luha at nagbalik sa dining area. Nakasalubong niya si Janine na hawak ang phone niya.

Janine: Nakalimutan mo. Two messages received.

Nataranta si Sharmaine. Iniisip niya kung nabasa ba ni Janine ang message na natanggap niya kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone.

1st message:

“I’ll wait for you.”

2nd message:

“You need to meet me. NOW. I NEED YOU.”

Bumalik ang tingin ni Sharmaine kay Janine ngunit nakaupo na ulit ito sa dining table. Kinabahan siya. Pero kailangan niyang kitain ang taong makakasagot sa mga tanong niya sa mga bagay na narinig niya kay Gabbie.

Sharmaine: Guys, I have to go.

Nagmamadaling lumabas ng mansion si Sharmaine. Hindi na niya hinintay pang makasagot sina Janine at ang lango na sa alak na si Katie.

Hindi na rin niya napansin ang mga matalim na matang nakatingin sa kanya nang siya ay lumabas ng main door.

———-

At one of the streets of Winterville City

Gabbie: Sigurado ka ba sa plano mong ito, Princess? Iskandalo ito kapag nagkataon. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na sinabi ko sa ‘yo. Binantaan ako ni Nate na huwag sasabihin ang narinig ko. Pero kaibigan kita. I don’t want to be unfair to you.

Princess: Mali ang ginawa nila sa akin, Gabbie. Maling-mali. Alam mo ‘yan.

Mula sa di-kalayuan ay napansin ni Nicolai ang kotse ni James. Nakabukas ang bintana ng passenger’s seat at nakita niya si Danica.

Nicolai: Si Danica ‘yon, ah.

Gabbie: Are you sure, Nico? Paano naman siya mapupunta sa kotse ni James? Parang aso’t pusa ang dalawang ‘yon, ‘di ba?

Nicolai: Sigurado ako sa nakita ko, Gabbie. Nakita mo ba…Princess?

Bigla na lamang nawala si Princess. Hindi nila napansin iyon dahil sinundan nila ang kotseng pagmamay-ari ni James na tinatahak ang daan patungong De Angeles mansion.

Gabbie: Saan siya nagpunta, Nico?

Nicolai: Hindi ko alam. Nandito lang siya kanina. Maghiwalay tayo. Hanapin natin siya.

Naghiwalay ng landas sina Nicolai at Gabbie para hanapin si Princess. Kinakabahan si Nicolai sa maaaring gawin ni Princess.

———-

De Angeles Mansion Dining Area

Katie: Hindi ko na kaya ang kalasingan, Janine. Mmm…

Blag! Bagsak sa mesa si Katie. Ch-in-eck mabuti ni Janine kung tulog na nga ba talaga sa kalasingan si Katie. Nang masiguradong lasing na lasing na ito at hindi na magigising ay agad-agad na tumawag siya sa kanyang phone.

Janine: What happened? Hmmm? Tell me! What have I done to deserve this?! You don’t mess up with Janine Bolivar! You won’t get away from this. I’m telling you. I’m telling you!

Nanggigil na in-off ni Janine ang kanyang phone at tinitigan ang tulog na si Katie.

———-

At James’ car

Mysterious guy: I love her, Danica.

Danica: What?! Who?!

Mysterious guy: Sharmaine. Sharmaine Bustos. That’s why I’m backing out from the plan.

Danica: You’re not serious, right? Pagkatapos kong…

Mysterious guy: I’m dead serious, Danica.

Danica: But how about your revenge for your brother?

Naiiyak na si Danica.

Mysterious guy: Half-brother.

Danica: Kahit ano pa man. Kailangan mong ituloy ang plano. Two birds in one stone ang mangyayari kapag itinuloy mo ang plano. Mapo-protektahan mo ang isa mong kapatid at magagantihan mo naman ang isa mo pang kapatid. Come on! Mag-isip ka naman!

Mysterious guy: It’s final. Non-negotiable.

Danica: Argh!

———-

Sa kalaliman at katahimikan ng hatinggabi ay may isang bangkay ng dalagita ang hila-hila ng isang tao patungo sa bakuran ng mga De Angeles. Puro pasa ang mukha ng babae at mapapansin ang laslas sa palapulsuhan nito.

———-

De Angeles Mansion

Dali-daling pumasok si Danica sa loob ng mansyon. May taong hinahanap. Dumiretso siya sa dining area. Ginising ang dalawang taong naroon.

Danica: Katie! Janine! Gumising kayo. Nasaan si Sharmaine?

Medyo lasing pa na gumising sina Katie at Janine.

Danica: I thought hindi umiinom si Janine…

Katie: Mmm… What time is it, Danica?

Danica: 12:15 in the morning. Where’s Sharmaine?

Katie: I don’t know.

Janine: Nagmamadali siyang umalis kanina.

Danica: Lumabas siya? Oh my…

Dire-diretsong tumungo sa main door si Danica. Pagbukas niya ay saktong pagdating nina Nicolai at Princess.

Danica: Kasama niyo ba si Sharmaine?

Princess: I don’t want to talk about her, Danica. Please.

Danica: What?!

Nicolai: Hindi namin siya kasama, Danica.

Gabbie: What’s the commotion, guys?

Sabay-sabay na napalingon sina Danica, Janine, Katie, Princess at Nicolai kay Gabbie na bumababa ng grand staircase ng mga De Angeles.

Nicolai: Nakabalik ka na agad, Gabbie?

Manghang tanong ni Nicolai kay Gabbie.

Gabbie: Napagod ako sa paghahanap kay Princess. Mukha namang nakita mo na siya, Nico.

Kalmadong sagot ni Gabbie.

Danica: I don’t understand this. Where is Sharmaine…and Margaret?

Gabbie: Oh my effin’ gosh! I’ve already forgot about Margaret. She’s in the study room. Let’s go!

Dire-diretsong nagtungo sa study room ang anim na magkakaibigan at doon ay natagpuan nila si Margaret na umiiyak. Nakaluhod sa harap ng isang bangkay.

Parang nawala ang dugo nila sa kanilang nasaksihan. Si Sharmaine ay nakahiga sa sahig ng study room. Puno ng pasa ang mukha at wala ng malay. May laslas ang kanang pulso. Wala na roon ang promise bracelet na binigay ni Danica.

Biglang nawala ang kalasingan ni Katie at napanganga sa nakita. Unti-unting tumulo ang mga luha niya. Napayakap naman si Princess kay Nicolai dahil nanghihina ang mga tuhod niya. Nahihirapan siyang huminga. Pinipilit naman ni Nicolai ang magpakatatag. Wala namang makikitang emosyon sa mata ni Gabbie. Nananatiling tahimik lamang si Janine at animo’y nag-iisip nang mataman. Shocked si Danica at nang maka-recover ay…

Danica: SHARMAINE!!!

Lalapitan sana ni Danica ang bangkay ni Sharmaine ngunit pinigilan siya ni Janine.

Janine: Danica, ano ka ba? Nababaliw ka na ba? Hindi mo pwedeng hawakan ang bangkay ni Sharmaine. Mag-isip ka naman.

Danica: P-pero, Jan. Nagdurugo si Sharmaine. Kailangan siyang madala sa hospital.

Margaret: Pa-patay na siya.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Princess at humagulgol na si Katie. Parang maghi-hysterical na si Danica.

Danica: No! Hindi pwede. Hindi! Anong nangyari, Margaret?! Ano?!

Margaret: Hi-hindi ko alam, Danica. Pagkabalik ko galing sa labas ng mansion ay tumuloy ako rito…at na-nadatnan ko na ang ba-bangkay…ni Danica dito sa study room.

Tuloy-tuloy lang sa pagluha sina Margaret, Katie, at Danica. Tahimik lamang si Gabbie at nananatiling nakamasid. Magkayakap naman sina Princess at Nicolai. Habang si Janine ay matamang nag-iisip.

Katie: Makukulong tayong lahat. Makukulong tayo! No!

Janine: Walang makukulong, Katie. Maging kalmado tayong lahat. Okay? Danica?

Nilingon ni Janine ang nanlalamig na si Danica. Kalmadong-kalmado si Janine. Pero mahahalatang naroon ang takot sa kanyang mga mata.

Danica: Y-yes, Janine?

Janine: Sa mansyon ninyo nangyari ang krimen. Alam natin ang ibig sabihin nito at sa nalalapit na eleksyon. Hindi ba?

Napalingon nang marahas si Danica kay Janine.

Danica: You can’t do this, Janine. No!

Humarap si Janine sa kanilang lahat. Patalikod sa bangkay ni Sharmaine. Pinipilit maging kalmado.

Janine: Guys, this day never happened. This is all part of a nightmare. THIS is the time we prove the power of the promise bracelet.

Madiin na pahayag ni Janine. Napatingin silang lahat kay Janine.

———-

Nicolai: W-we’re here.

Danica: Are we…are we really going to do this, guys? This is very dangerous.

Janine: No one will ever know, Danica.

Princess: A-ano pang hinihintay natin? I-itapon na natin ang bangkay.

Kinakabahan man sila ay pinilit nilang magpakatatag. Itatapon nila ang bangkay ni Sharmaine sa ilog. Sa pagsikat ng araw ay wala ng Sharmaine Bustos na masisilayan. Dahil sa mansion ng mga De Angeles natagpuan ang bangkay ni Sharmaine, mananatiling lihim ang lahat nang nangyari noong gabing iyon. Hindi hahayaan ng ama ni Danica na masira ang pangalan nito sa pulitika dahil lamang sa pagkamatay ng isang Sharmaine Bustos.

Nicolai: Ako na lang ang magtatapon. Hindi pwedeng lahat tayo. Baka makatawag ng pansin?

Princess: Mag-iingat ka, Nico.

Sa isang sulok ng van ay patuloy pa rin sa pagluha si Katie. Yakap-yakap at pinapatahan naman ni Gabbie si Margaret.

May dinukot sa bulsa niya si Katie nang palihim. Itinapon ang bagay na iyon sa ilalim ng upuan ng van. Ang bagay na iyon na may malaking parte sa pagkamatay ni Sharmaine.

———-

Pabalik na ang van ng mga De Angeles sa De Angeles mansion. Tumigil na ang pag-iyak nina Danica, Margaret, at Katie. Tahimik ang lahat. May kanya-kanyang iniisip. Hanggang magsalita si Janine.

Janine: Mula ngayon ay wala ng magbabanggit sa bagay na ‘to. Maliwanag ba?

Danica: Para sa kandidatura ng aking ama, pumapayag ako.

Tumingin si Danica sa mga kaibigan niya.

Danica: Para sa ama ko. Please?

Sabay-sabay na sumagot sina Nicolai, Margaret, Princess, Gabbie, at Katie.

“Nangangako kami.”

Janine: Wala tayong kilalang Sharmaine Bustos.

Nicolai: Walang Sharmaine na hindi-makabasag-pinggan.

Princess: Walang Sharmaine na matalino.

Gabbie: Walang Sharmaine na paborito ng lahat.

Katie: Walang Sharmaine na mabait.

Margaret: Walang Sharmaine na hinahangaan ng halos lahat ng mga lalaki.

Danica: At walang Sharmaine na perpekto.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan at isa-isang napahawak sa promise bracelet na suot nila. Isa lang ang nasa isip nila.

Wala na si Sharmaine Bustos.

———-

Ano nga kaya ang buong nangyari ng gabi ng kaarawan ni Sharmaine?

Sinu-sino ang mga taong may kaugnayan sa pagkamatay ni Sharmaine?

Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Sharmaine?

At higit sa lahat, sino ang pumatay kay Sharmaine?

Subaybayan ang pakikipagsapalaran ng magkakaibigan ngayong wala na si Sharmaine sa kwentong pasasakitin ang inyong ulo. 😉

———-

Itutuloy.

Scroll to Top