The Spirit Of A Kanto Boy Part 1

ni hardfucker69

(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang. Wala masyadong sex scene ito. Sumesentro ito kung paano nabihag ng isang kanto boy ang isang babaeng mayaman at edukada)

Sa isang lugar sa bayan ng San Bartolome ay may isang lugar kung saan pugad ito ng mga tambay at mga taong walang trabaho. May isang tindahan sa kanto ng Kalye Bugbugan at Kalye Tambayan kung saan dito nag iinuman ang mga tambay maghapon. Madalas nilang pag tripan ang mga dayo lalo na tuwing lango sila sa espiritu ng alak.

Isa sa mga tambay dito ay si Ambet, 26 taong gulang. Matipuno ang kanyang pangangatawan at matangkad sa taas na 5’11”. Moreno siya at mala Jeric Raval ang kanyang hair style. Malakas ang kanyang dating kaya’t madalas din siyang mapagtripan at siya ang palaging laman ng mga basag ulo sa kanilang lugar.

Hindi nakapagtapos ng kursong Mechanical Engineering dahil na rin sa kakapusan sa pera. Pinili niyang huminto sa pag aaral upang magbigay daan sa kanyang nakababatang kapatid na si Ella na kumukuha ng kursong nursing simula nang pumanaw ang kanilang ama. Pangarap kasi nitong maging doktor. Isinantabi na muna niya ang kanyang pangarap na minsan ay ikinasasama ng kanyang loob.

Maganda ang kapatid ni Ambet na si Ella. 20 anyos siya at patapos na sa kursong nursing. Tisay ang kanyang kutis at matangkad siya sa taas na 5’7″. Sakto naman ang laki ng kanyang dibdib at pwet sa korte ng kanyang pangangatawan. Tanging ang nanay lamang nila Ambet at Ella na si Paula ang nagtataguyod sa kanila sa pamamagitan ng pananahi at pag tanggap ng labada. Si Ambet naman ay rumaraket bilang kargador, driver at minsan ay construction worker.

Isang araw ay may pumuntang grupo ng mga doktor sa kanilang lugar upang magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa kanilang lugar. Imbes na matuwa ang mga tao ay binatikos pa sila ng mga ito.

Tambay 1: ANONG GAGAWIN NYO SA AMIN? EXPERIMENTO?

Tambay 2: OO NGA! HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN DITO!

Babaeng Tambay: Yung asawa ko batugan! Kaya nyo bang gamutin?

Halos maiyak iyak ang mga medical student lalo na si Vivian dahil sa ginawang pag tanggap sa kanila ng mga tao. Palibhasa’y anak mayaman at hindi siya sanay sa ganung klaseng pagtanggap. Tumahimik na lamang ang mga tambay nang dumating na ang kanilang Baranggay Chairman at kinausap sila. Napahupa nila ang tension pero hindi kay Ambet at kung ano ano pa ang hinirit kay Vivian.

Ambet: Miss ano ba naman kasi itong ginagawa nyo? Wala namang kwenta ito! Pakitang tao lang kayo! MGA PLASTIK!

Kahit na nagbitaw ng masasakit sa salita si Ambet ay naging mapagpakumbaba pa rin si Vivian.

Vivian: Sir gusto po lang naman namin magbigay ng libreng check up at serbisyong medikal. Hindi naman po kami naniningil. Libre din po naming ipinamamahagi ang mga gamot na dala namin.

Ambet: PWE! BIGYAN NYO NA LANG KAMI NG PAGKAIN ARAW ARAW! Tsaka ang ganda mo miss.

Sinubukan niyang chansingan ang dalaga ngunit pumalag na ang boyfriend ni Vivian na si John.

John: Pare wala namang ganyanan. Nobya ko siya.

Tinulak ni Ambet si John at nakipagsagutan ito sa kanya.

Ambet: EH ANO NGAYON? PAPALAG KA? TIGNAN KO NGA ANG TIGAS MO!

Sinubukang muling chansingan ni Ambet si Vivian ngunit naka tyempo naman si John ng suntok sa mukha ng sigang tambay. Naka chamba ang boyfriend ni Vivian pero napuruhan na siya ni Ambet. Hindi sanay sa suntukan si John kaya halos nalamog siya. Maswerte na lamang siya at may dumating na mga tanod.

Matapos magkagulo sa bayan ay umuwi na si Ambet sa kanilang bahay. Dito kinumpronta ni Ella ang kanyang kuya.

Ella: Kuya bakit mo naman binastos ang mga doktor na yon? Tumutulong na nga sila ng libre.

Ambet: WALA KANG PAKI ALAM! BAKIT MAPAPAKAIN BA NILA TAYO!

Paula: Ambet hindi nila obligasyon ang pakainin tayo. Tinutulungan na nga nila tayo sa pagbibigay ng libreng check up.

Ella: tsaka kuya nursing student ako at ipapadala din kami sa ibat ibang lugar. Gusto mo bang binabastos nila ako?

Ambet: PWE! BAT DI KA NA LANG MAG HOSTESS NANG MAPAKINABANGAN NAMAN YANG GANDA AT KATAWAN MO!

Dito sinagot na ni Ella si Ambet habang naiiyak.

Ella:ANG SAKIT MO NAMANG MAGSALITA KUYA! ALAM KONG NAGBIGAY DAAN KA SA AKIN KAYA NGA NAGAARAL AKO NG MABUTI PARA MAIAHON TAYO SA KAHIRAPAN! KUYA MAY PANGARAP AKONG TAO! MAY PANGARAP AKONG MAIAHON TAYO SA KAHIRAPAN! KAYA AKO NAG AARAL NG MABUTI!

Nagwalk out si Ambet at niyakap naman ni Paula ang kanyang anak na dalaga.

Kinabukasan ay pinuntahan ni Ella sila Vivian habang nagbibigay pa rin sila ng libreng serbisyo medikal sa mga tao.

Ella: Doktora pasensya na po kayo sa kinilos ng kuya ko kahapon.

Vivian: naku wala yun. Huwag mo nang isipin yun. Ano pangalan mo ineng?

Vivian: Ella po. Alam nyo po pangarap kong maging doktor?

Vivian: Talaga?

Ella: Opo kaya po ako kumuha ng kursong nursing.

Hindi naman nakaiwas si Ella sa mga tambay na inggitero at inggitera.

Tambay 1: HUUUUUUU! SIPSIP!

Tambay 2: BOLERA!

Babaeng Tambay: LAKAS MONG HUMIGOP!

Halos maiyak si Ella sa mga paratang sa kanya ngunit niyakap siya ni Vivian upang pakalmahin.

Vivian: huwag ka nang umiyak. Hayaan mo sila. Inggit lang sila sa iyo.

Ella: salamat po doc.

Vivian: O practice ka na maging doktor. Tulungan mo kami dito.

Ella: talaga po doc?

Vivian: oo naman. Ayaw mo ba?

Ella: Gustong Gusto po Doc!

Tumulog si Ella kila Vivian na magbigay ng libreng check up sa mga tao. Mula sa pagkuha ng kanilang BP hanggang sa pamamahagi ng mga libreng gamot. Gabi na ng matapos sila Vivian sa kanilang pagbibigay ng libreng serbisyong medical sa mga tao sa lugar na iyon at nagpaalam na si Ella para umuwi.

Matapos magligpit ng mga gamit ay naglakad na si Vivian papuntang sakayan. Hindi kasi niya kasama ang boyfriend niyang si John matapos mapuruhan ni Ambet nung isang araw. Sa kanto ng Kalye Bugbugan at Kalye Tambayan ang sakayan ng jeep papunta sa kanila. Habang naghihintay ng masasakyang jeep ay napagtripan siya ng mga tambay dito. Umakbay ang isa dito at nasampal niya. Gaganti na ng sampal ang tambay ng biglang dumating si Ambet at tinulungan niya ang dalagang doktora. Pinagtulungan si Ambet ng mga tambay ngunit dahil sanay nang makipag basag ulo ay napatumba niya ang mga ito. Para siyang action star sa pelikula nang mga oras na iyon. Nang magsialisan na ang mga tambay ay sinermonan niya si Vivian.

Ambet: Miss huwag ka naman kasing naglalakad dito ng gabi! Nang hindi ka mapag tripan!

Pa sarcastic namang sumagot si Vivian kay Ambet matapos siyang masermonan.

Vivian: Ay pasensya na po sir ha? At naabala pa kita.

Nag walk out si Ambet ngunit muli niyang hinarap ang doktora.

Ambet: Teka lang. Niligtas ko ang buhay mo ah. Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Kung sabagay ganyan naman talaga kayong mga mayayaman. Walang utang na loob.

Dinakma na lamang ni Ambet ang matambok na pwet ni Vivian at masampal siya ng doktora.

Vivian: BASTOS!

Ambet: Kulang pa yan! kinukuha ko lang ang nararapat sa akin. Sa susunod hahalikan na kita sa labi.

Hindi mapigil ni Ambet ang kanyang pagnanasa sa dalagang doktora. Maganda naman kasi si Vivian at malaki ang kanyang bulas. Nasa 5’9″ ang kanyang taas, tisay na tisay ang kanyang kulay at kutis porselana. Mala anghel sa langit ang kanyang mukha na hulog ng langit na kahawig si Sam Pinto. Sakto lang ang laki ng kanyang dibdib pero matambok ang kanyang pwet.

Eto na kaya ang huling pagbabangayan nila Ambet at Vivian?

Matapos mabastusan si Vivian kay Ambet ay umuwi na agad ito sa kanilang tahanan at pumanik agad sa kanyang kwarto. Dito na niya inilabas ang kanyang sama ng loob matapos mabastos ni Ambet sa San Bartolome. Panay ang iyak ni Vivian ng mga oras na iyon at wala si John upang ipagtanggol siya.

Kinabukasan ay muling bumalik si Vivian sa San Bartolome upang ipagpatuloy ang kanilang libreng serbisyong medikal. Sa pagkakataong ito ay kasama na niya ang boyfriend niyang si John. Mas dumami na ang nagpunta sa kanilang libreng check up matapos maipaliwanag ni Ella ang maitutulong nito sa kanila.

Pasyente: Doktora pasensya na kayo sa inasal ko nung isang araw ha.

Vivian: Ay naku wala po yun. Parte ng trabaho namin yan.

Nagpatuloy si Vivian at John sa kanilang ginagawa at tumulong naman sa kanila si Ella na planong maging doktor. Sobrang dami nang nagpa check up sa kanila at gabi na nang matapos sila. Nagpaalam na si Ella kila John at Vivian matapos ang kanilang ginagawa. Naglakad na sila John at Vivian papunta sa kanilang sasakyan na nakaparada sa Kalye Tambayan.

Habang naglalakad sila papunta sa kanilang sasakyan ay muli siyang inabangan ng mga tambay. Naihi sa pantalon si John dahil sa takot at iniwan ang kanyang nobya. Walang nagawa si Vivian ng mga oras na iyon at muling humingi ng saklolo at agad namang dumating si Ambet. Muli niyang ipinagtanggol ang dalagang doktora at napatumba niya ang mga tambay na ito. Agad din naman siyang tumawag ng pulis upang makalaboso ang mga loko. Matapos maaresto ang mga tambay ay biglang nawala na si Ambet sa eksena.

Kinabukasan ay pinuntahan ni Vivian si Ambet sa kanilang bahay. Mainit naman siyang tinaggap ng nanay niyang si Paula at kapatid niyang si Ella. Matapos papasukin sa bahay ay iniwan na muna ng mag ina sila Ambet at Vivian upang makapag usap.

Ambet: O ano atraso ko sa iyo ngayon?

Vivian: Wala naman Ambet. Gusto ko lang sana magpasalamat sa mga ginawa mong pagliligtas sa akin.

Ambet: Aba marunong palang magpasalamat ang matapobre.

Muling nagpakumbaba si Vivian kay Ambet upang maayos na ang kanilang gusot.

Vivian: Ambet pasensya ka na kung may nagawa at nasabi akong hindi mo nagustuhan. Ako na ang humihingi ng dispensa at patawad.

Ambet: Aba marunong ka pala nun. Alam mo doc may pupuntahan pa ako. Hatid na kita sa sakayan.

Vivian: Salamat.

Hinatid na ni Ambet si Vivian sa sakayan hanggang makakuha ito ng masasakyan. Dito muling nagpasalamat si Vivian kay Ambet at hinawakan niya ito sa braso.

Vivian: Ambet maraming salamat ha.

Kakaiba ang kuryenteng naramdaman ng kanto boy nang maramdaman niya ang malambot na kamay ng dalaga. Ito na rin ang nagpalambot sa puso niya.

Ambet: Sus wala yun. Basta tawagin mo lang pangalan ko at nandyan agad ako. Pasensya ka na rin sa akin ha. Sa mga sinabi ko. Akala ko kasi katulad kayo nung mga unang tumulong sa amin. Nagbigay nga ng tulong inalipusta at nilait lait naman kami.

Mas naintindihan na ni Vivian si Ambet ng mga oras na iyon kung bakit ganun ang naging pag tanggap sa kanila. Mga ilang sandali pa ay dumating na ang jeep na sasakyan ni Vivian at sumakay na siya dito upang umuwi.

Pagdating niya sa kanilang tahanan ay laking gulat niya na nandun ang boyfriend niyang si John. Kinompronta ni Vivian si John ukol sa nangyari.

Vivian: JOHN INIWAN MO AKO! MUNTIK NA AKONG MAPAHAMAK! BUTI NA LANG AT MAY TUMULONG SA AKIN!

John: SINO? YUNG SANGGANONG TAMBAY NA YON?

Vivian: John niligtas niya buhay ko na hindi mo kayang gawin! Lumayas ka na dito! LAYAS!

Nag walk out si John at umuwi na sa kanilang tahanan.

May pag asa pa kayang magkabalikan sila John at Vivian?

Matapos ang tampuhan nila Vivian at John ay masamang masama pa rin ang loob ng dalaga sa kanyang boyfriend. Hindi kasi niya lubos na maisip na pwede pala siya nitong iwan sa oras ng kagipitan. Botong boto din kasi ang mga magulang ni Vivian na sila Alfredo at Pacita sa doktor.

Kinabukasan ay muli siyang dinalaw ni John upang muling suyuin ang kanyang damdamin ngunit maayos na niya itong tinanggihan. Pormal na rin niyang tinapos ang kanilang relasyon matapos ang pangyayari. Masakit ito para kay Vivian dahil mahal na mahal niya si John pero nagpakita na ng tunay na ugali ang kanyang nobyo. Masakit ito para sa kanya pero kailangan niya itong gawin. Katakot takot na luha ang kanyang iniyak kay John.

Upang malimutan si John ay mas naging aktibo pa si Vivian sa pagbibigay ng libreng serbisyo medikal kasama ang kanyang grupo sa iba pang karatig bayan ng San Bartolome. Katuwang din niya dito ang kapatid ni Ambet na si Ella at umabot na na parang kapatid na ang turing niya dito. Umabot ng anim na buwan bago tuluyang nakapag move on si Vivian sa break up nila ni John at nag babakasakaling tuluyan nang maghilom ang sugat sa kanyang puso.

Sa kabilang dako naman ay malaki na rin ang pinagbago ni Ambet lalo na sa pag uugali. Pinalad naman siyang makapasok bilang empleyado sa isang printing press habang tinatapos niya ang kursong Mechanical Engineering. Mas naging responsable na din siya at madalas niyang sunduin ang kanyang kapatid tuwing tumutulong kila Vivian.

Ella: O kuya nandyan ka na pala.

Ambet: Oo. Pasensya ka na at late kaming pinalabas ng professor namin.

Vivian: Professor?

Ambet: Oo doc. Sayang din kasi. Dalawang taon na lang matatapos na ako sa kursong Mechanical Engineering. Sige doc at baka nag aalala na nanay namin.

Vivian: sige. Ingat kayo.

Habang naglalakad sila pauwi ay panay ang kwento ni Ella ngunit lutang na lutang ang isip ni Ambet nang makausap niya si Vivian.

Ella: HUY! KUYA! Ok ka lang ba? Naka shabu ka yata at lutang na lutang ka.

Ambet: Loko! Ni sa panaginip hindi ko inisip yan. Hindi nga ako marunong mag yosi at uminom eh.

Ella: eh bakit lutang na lutang ang isip mo?

Ambet: Aba’y ewan.

Ella: uyyyyyy… Mukhang alam ko na ang sagot. Si Ate Vivian no?

Ambet: Hindi ha.

Ella: hay naku Kuya Ambet. Buking ka na nga lumulusot ka pa.

Ambet: naku ni sa panaginip hindi ko inisip yan no. May pinag aralan yung tao. Doktora siya samantalang Gin gineer naman ako. Alanganing engineer. Tsaka may boyfriend na yun na doktor.

Ella: Kuya wala na sila ni John. Anim na bwan na ang nakakaraan.

Ambet: Seryoso???

Ella: oo kuya. Subukan mong ligawan. Malay mo mali pala ang pagkakakilala mo sa kanya.

Biglang nabuhayan ng loob si Ambet nang malamang libre na si Vivian.

Ipagpatuloy kaya ni Ambet ang kanyang magandang hangarin kay Vivian?

Scroll to Top