Continuation…
Natapos ang pang umagang klase namin at tanghalian na.. Kanya kanya ng punta sa canteen ang mga studyante, ako naman ay pumunta sa classroom na bakante at doon kumain..
May mga istudyante din doon na kumakain na din sa bakanteng room na yun.. Kinuha ko na ang pinabaon sa akin ng lola,..
“itlog at daing na isda” ito yung ulam namin kanina”..ang bulong ko sa sarili ko…Medyo lumayo ako sa mga ibang istudyante dahil medyo nahiya ako sa ulam ko..
“pao.. Pwedeng patabi sayo kumain?” nagulat ako at napalingon sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni teng teng..
Sinarado ko ang baunan ko dahil medyo nahiya ako sa ulam ko..
“Bakit mo sinarado ang baunan mo? Tapos ka na bang kumain?” ang tanung nya sa akin habang nakangiti sya sa akin habang nilalabas nya ang baunan nya at naupo sa upoan paharap sa akin..
“ahhh oo”.. ahh”.. Ehhh.. hindi pa pala”… Ang nalilito kung sagot sa kanya na medyo naiilang ako sa pag sagot..
” wag ka nang mahiya sa ulam mo.. ” nakita ko na yan kanina dahil nasa likoran mo ako..” kaya dito ako kumain dahil nakita kita sa labas, madali kang makita dahil malayo ka sa ibang istudyante at nag sosolo ka dito sa isang tabi”… Ang turan nya habang binubuksan nya ang baunan nya..
“halika share tayo sa ulam ko” adobong baboy luto ni mama.. “.. Ang alok nya sa akin habang nilagay sa taas ng kanin ko ang ibang ulam nya..
Kinuha nya din ang ibang ulam ko.. Naka tingin lang ako sa kanya habang kumakain.. Di ako makapagsalita dahil parang nabarahan ang lalamunan ko na di ko maipaliwanag..
Nakatingin lang ako kay teng teng.. Habang kumakain sya.. Sa kabilang banda akoy tuwang tuwa dahil kasabay ko ang babae na hinahangaan ko..
“pao” bakit ka tahimik dyan”? Ang tanung nito sa akin habang naka tingin sa akin..
“ahhhh.. wa.. Wa..waaalaa..” ang pautal utal kung sagot sa kanya.. At yumuko na lang ako para kumain..
“ang sarap ng daing at itlog na baon mo pao” sinung nag luto nito? ” ang tanung nya sa akin habang muli nyang kinuha ang natirang daing sa baunan ko..
” ang lola, late na kasi ako nagising eh”.. Ang turan ko sa kanya..
“alam mo favorite ko to, ikinahihiya mo tung ulam na ito eh masarap nga to eh,” samin palagi na lang karne ang ulam namin.. ” ang sabi nya habang ngumunguya ng kanin at nakangiti paring naka tingin sa akin..
” ahhh samin naman isda palagi ang ulam namin, pag walang huli eh daing lang at itlog..” ang turan ko..
“mabuti kayo mayaman kaya masarap ang ulam nyu palagi.. Sa amin ganito lang din palagi ang ulam namin”.. Ang turan ko habang nakatingin ako sa kanya habang kumakain..
“di nman kami mayaman,” may kunting negosyo lang si papa at si mama kaya nakaka angat lang kami sa buhay.. Puro lalaki ang mga kapatid ko at ako lang ang babae, tatlo silang kapatid ko at ako ang bunso sa amin.. ” ang salaysay ni donita sa akin..
” ako lang din ang nag iisang anak,.” hiwalay ang mga magulang ko kaya iniwan ako sa pangangalaga ng lola at lolo ko”.. Ang medyo malungkot kung turan sa kanya..
“Ang lungkot pala ng buhay mo”.. Ang turan ni donita sa akin na nakatitig sa akin..
“sya nga pala teng, anung section ka?” ang tanung ko sa kanya..
“section 2 ako pao” mahina ako sa klasi nakaraang grade 6 kaya section 2 lang ako, “… Ang medyo malungkot nyang turan..
” ok lang yan mag aral ka lang nang mabuti ngayun para gumanda ang grades mo at malipat ka sa section 1..” ang turan ko..
” section 1 ka ba? ” ang tanung nya ulit sakin..
” oo teng.. ” may honor kasi ako nung nag graduate nakaraan sa grade 6 kaya dito ako sa section 1,transferee kasi ako galing manila kaya advance ang turo doon kaya nadaanan ko na ang tinuturo dito sa atin”… Ang paliwanag ko sa kanya..
“wow ang talino mo pala pao” hehe.. Ang turan nya habang naka ngiti sa akin..
“di naman haha.. Hayaan mo tutulungan kita sa pag aaral para tumaas ang grades mo at tumalino ka para maging mag ka klasi tayo.” .ang naka ngiti kung turan sa kanya…
Nag ka palagayan kami ng loob ni donita sa araw na yun.. Palagi kaming mag kasabay sa bakanteng class room..
Masayahin si donita, at di mahiyain, at itoy kabaliktaran naman ng pag uugali ko na laging tahimik at mahiyain, nasa likod ang pwesto ko palagi sa classroom namin..
Sa tuwing kami ay magkasama ni donita tuwing mananang halian kami ay lagi ko siyang tinuturuan sa mga subject na mahina sya.. At ganun din naman ang gina gawa nya sa akin, pinipilit nya ako na alisin ang pagka mahiyain ko..
Lumipas ang mga buwan at gumanda ang takbo ng pag kakaibigan namin ni donita.. Naging maayos ang grades nya sa klasi at ako nman ay dahan dahan na nawala ang pagka tahimik ko at pagka mahiyain..
Di na ako nahihiya kung kami ay mahirap, kung anu ang baon ko.. Binago ako ni donita sa pag lipas ng mga buwan, ganun din sya ay binago ko din ang pag aaral nya.. Naging masipag na sya sa pag aaral..
Sa tuwing mag kasama kami ni donita ay napakasaya ko.. Pero ni minsan ay di ako nag lakas ng loob na ligawan sya dahil mataas pa din ang tingin ko sa kanya.. Mahirap lang kami at may kaya sila donita yan ang naka ukit sa aking isipan sa tuwing mag kasama kami ni donita..
Kaya nag kakasya na lang ako sa panakaw na pag tingin sa kanya.. Sa simpleng pag hanga sa kanya..
“sana naging mayaman na lang ako” ang bulong ko sa sarili ko habang panakaw akung nakatingin palagi sa kanya,.. Napakasaya ko pag nakatingin ako sa kanya.
“pao” bumalik ang katinuan ko nang marinig ko ang boses nya na tinatawag ang pangalan ko..
“anu yun teng?” ang tanung ko sa kanya..
“may sulat nga pala na binigay sa akin ang prinsipal kanina, para sayo daw ito..Sabay abot nya sa akin..
” ahhh kay nanay galing itong sulat teng, salamat ha” ang naka ngiti kung turan sa kanya..
“welcome pao..” tara balik na tayo sa klasi ang yaya nya sa akin para bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom..
Pag balik ko sa class room namin ay binasa ko ang sulat na galing kay nanay..
Napag alaman ko na pina pa bukas nya ako ng account sa bangko para doon nya ihuhulog ang pera na pang allowance naming tatlo nila lolo at lola..
Inayus ko ang account na pina pabuksan sa akin ni nanay sa nag iisang bangko namin sa bayan, at sa tuwing mag papadala sya ay pinapasok ko sa banko ang pera na padala nya sa amin..
Kumukuha lang ako ng pang allowance namin at pang gamit ko sa paaralan..at binibigay ko kay lola ang pera at nag titira lng ako ng konti para pang emergency na gamit namin..
Ang emergency na pera na natitira ay binibili ko ng manok sa kalapit baryo nmin at binibinta ko sa bayan kung saan ako nag aaral.. Tuwing umaga ay daladala ko ang mga manok na ibinibinta ko tuwing pupunta ako sa school at binabagsak ko sa palengke tapos didiritso ako pasok sa school namin..
Lingid ito sa kaalaman nila lola at lolo na may extra ako na pinag kikitaan sa mga matitirang padala ni nanay.. Nakaipon ako ng pera sa mga extra na kita ko at ito ay itinago ko para preparasyun na pangtulong ko sa pag aaral ko sa kolehiyo..
Dumaan ang mga buwan at lalong naging mag ka lapit kaming mag kaibigan ni donita.. Dahil sa tinutulungan ko sya sa pag aaral nya ay sumonud na pasukan ay naging mag kaklasi na kami ni donita..
Lalong naging magkalapit kami sa isat isa, naging masipag lalo ako sa pag aaral dahil sa inspirasyun ko na kasama ko na sa iisang kwarto..
Naging active na ako at masayahin na istudyante at nakikihalubilo na ako sa mga kaklasi ko at unti unti ay nababago na ni donita ang pag uugali ko..
“pao” sama ka sa bahay mamaya doon natin gaganapin ang group activities natin, ipapakilala tuloy kita kina mama at papa at sa kapatid ko.. ” ang turan sa akin ni donita habang naka ngiti..
” sige” ang matipid kung sagot sa kanya pero nag iisip ako at medyo kinakabahan dahil sa unang pag kakataon ay makakaharap ko ang mga magulang ni donita..
“anu ba ito.. Kinakabahan ako” ang bulong ko sa sarili ko habang nakasakay kmi sa tricycle kasama ng ibang kaklasi ko sa bahay nila donita..
Sampo kami sa group activities namin, si donita ako at ang walong kaklasi namin dalawang lalaki at anim na babae ang kasama namin ang pumunta sa bahay nila donita nung araw na yun..
Pag dating sa bahay nila donita ay doon ko unang nakita ang mga magulang ni donita.. Nakita ko din doon ang isang kapatid na lalaki ni donita na nag aaral na sa kolehiyo at pangalawang taon na nya sa kolehiyo..
Malaki ang bahay nila donita, bungalow type ito at malawak ang loob, malawak din ang area ng bahay nila paikot at may isa silang sasakyan na naka parada sa kanilang garahe..
“may kaya nga sina donita” ang bulong ko sa sarili ko ng makita ko ang tahanan nila, pati na ang mga magulang niya..
Mainit ang pag tanggap sa amin ng mga magulang ni donita, nag handa ang mama nya ng meryenda namin,.. Habang ang papa nya ay nakikipag kwentuhan sa kapatid ni donita na lalaki…
May itsura ang mama ni donita mga nasa trinta na mahigit ang edad nito pero maganda at hawig ni donita ang mama niya.. Medyo payatin ito at maputi..
Ang papa naman nya ay sa mga sobra kwarenta na ang edad pero matikas pa din ang pangangatawan at may itsura din, ang kapatid nyang lalaki ay nasa benti uno ang edad at may itsura din na malaki ang pag kakahawig sa papa ni donita… nakuha ni donita sa mga magulang nya ang angking kagandahan nya..
“may mga itsura ang lahi nila” ang bulong ko sa sarili ko habang nakamasid ako sa magulang at mga kapatid ni donita..
Isa isa kaming ipinakilala ni donita sa mga magulang nya, habang kumakain kami sa lamisa nila na hinanda ng mama nya ay isa isa kaming ipinakilala..
“mama si pao po,” kaibigan ko ” ang kinikwento ko po sa inyo” ang tuwang tuwa na pakilala sa akin ni donita sa mama nya..
“ikaw pala si pao”.. Ikinukwento ka sa amin ni donita palagi at ikaw ang bukang bibig nya sa amin”.. Ang nakangiti na turan ng mama ni donita.. Habang kinakamayan ako.. Ay nakangiti na nakatingin sa akin at kay donita..
“ikinagagalak ko po kayung makilala maam,” ang nahihiya kung tugun sa mama ni donita..
“maraming salamat pao dahil gumanda ang grades ni donita dahil sa tulong na ginagawa mo sa knya at ngayun ay nasa mataas na sya na section..” ang turan ng mama ni donita habang nag papasalamat sa akin na naka ngiti..
“wala po yun ma’am, kaibigan ko po si donita at matalino po nman sya,” ang naka ngiti kung turan sa mama ni donita…
Pag katapos akong ipakilala ni donita sa mama nya ay dinala nya ako sa papa nya at kapatid na lalaki at ipinakilala din..
Nakangiti na kinamayan ako ng papa at kapatid ni donita ngunit iba ang pakiramdam ng tingnan ako ng papa ni donita.. Mula ulo hanggang paa ang tingin nya sa akin at parang mababa ang tingin nya sa akin, nararamdaman ko sa mga tingin ng papa nya at kapatid na lalaki..
Naramdaman ko at nakikita sa mga pag kakatingin nila sa akin ang pinag kaiba sa mahirap at mayaman.. Kaya mas lalo akung nakaramdam ng awa sa aking sarili dahil sa pagiging mahirap namin…
Ibang iba ang nararamdaman ko kumpara sa mama ni donita.. Pero gayun paman ay inalis ko sa aking isipan ang mga masamang impressyun at ubserbasyun ko sa papa at kapatid na lalaki ni donita..
Natapos ang araw na yun ng activities namin at nag siuwian na kami, nag paalam kmi sa mga magulang ni donita at kay donita,..
Pag dating ko sa bahay ay di ko maalis sa isipan ang di magandang impressyun ng pagkakatingin sa akin ng papa ni donita..
Lalo akung nadismaya at nawalan ng tiwala sa sarili ko na ligawan si donita dahil sa papa at kapatid nya..
“mahirap talaga maging mahirap” kilangan ko ng iwasan si donita dahil Masasaktan lang ako kung patuloy akung mangangarap, mahirap lang kami at yun ang katutuhanan”.. ang bulong ko sa sarili ko habang humuhugot ako ng malalim na hininga at dala ang isipin na yun hanggang sa pag tulog ko..
Kinabukasan ay maaga akong dumating sa school namin, ilang minuto lang akong dumating ay dumating din si donita..
Napakaganda nya ng araw na yun, gandang ganda ako sa kanya… Pero kilangan ko syang iwasan yun ang nasa isip ko sa sarili ko..
“hi pao good morning” ang bati sa akin ni donita..
“good morning” ang matipid kung bati sa kanya..
Tahimik lang akong nag babasa ng libro ng di ko sya masyado binibigyan ng atensyun kahit ang dami nyang kinukwento about sa activities namin..
Tahimik lang ako at nakikinig sa kanya.. Masakit man para sa akin ang intensyun na pag iwas ko sa kanya ngunit kilangan ko gawin bago pa lalong mahulog ang loob ko sa kanya.. Mabuti at di ko pa sya nililigawan kaya mas mabuti na umiwas na lang ako sa kanya ng tuluyan, yan ang mga naka tatak sa isipan ko sa mga oras na yun..
“pao may sakit ka ba?” ang medyo nagtataka nyang tanung sa akin..
“wala.. Ok lang ako” ang matipid kung sagot sa kanya.. At di ako tumitingin sa kanya ng mga oras na yun dahil iniiwasan kung tumingin sa kanya dahil pag tumingin ako sa kanya baka di ko makaya ang plano ko na pag iwas sa kanya..
“kanina pa kita nahahalata pao” may problema ba? “.. di ka naimik dyan”.. Salita ako ng salita dito at ikaw naman ay naka tingin lang sa libro na yan.. “ang medyo pagalit na na turan ni donita..
“wala” ang matipid ko na sagot sa kanya..
Tumayo ako at lumabas ng classroom namin, dahil di ko matagalan ang pag kukunwari ko na pag iwas kay donita.. Doon muna ako nag pahangin sa labas ng class room namin para makaiwas ako sa mga katanungan ni donita
Pumasok na lang ako ng mag umpisa na ang klasi.. Patuloy pa din sa maayus na pakikitungo si donita sa akin, kahit di ko sya masyado kinikibo ay patuloy lang sya sa maayos na pakikitungo sa akin..
Natapos ang klasi namin ng umaga na yun ng mabigat ang loob ko dahil di ako sanay sa inaasal ko na pag kukunwari, di ko maintindihan ang sarili ko bakit ginagawa ko sa sarili ko na pahirapan ang sarili ko at si donita, nahihirapan ako sa ginagawa kung pagpapahirap kay donita nahihirapan akung makita sya na pilit akung kinakausap kahit di ko sya kinikibo at di masyado kinakausap…
Nauna akung pumasok sa bakanting classroom na palagi naming kinakainan.. Kakaiba ang mga oras na yun dahil kasing lungkot ng nararamdaman ko ang loob ng bakanteng classroom nayun, walang katao tao ng mga oras na yun..
Pag ka tapos kung mailabas ang baunan ko ay nakita kung pumasok si donita at pumunta sa direksyun kung saan ako nakaaupo, tulad ng dati na nakasanayan na naming ginagawa pag kumakain, umuupo sya paharap sa akin..
Tahimik lang ako habang kumakain, di pa rin ako kumikibo…
“pao”.. “di ko maintindihan bakit bigla ka nalang nag bago sa akin at di mo ako kinakausap simula kanina..” anu bang problema pao? ” ang basag ni donita sa katahimikan na nakatingin sa akin at makikita sa mata nito ang pag hihirap ng kalooban…
” Na meet mo lang ang mga magulang ko ganyan na ang inasal mo sa akin.. ” ang pag papatuloy nya ng pag sasalita dahil sa patuloy kung katahimikan..
” bakit ba pinobroblema mo kung di ako nag sasalita?” di mo naman ako boyfriend diba? Para problemahin mo kung di kita kinikibo..” Ang turan ko sa kanya habang nakatitig ako ng matalim sa mata nya..
” pakkkkkkk” nagulat ako ng tumama ang kanang palad ni donita sa kaliwang pisngi ko…
Itutuloy…