Continuation…
“yan nga ang problema pao eh” dahil di kita boyfriend at wala tayong relasyun kaya masakit para sa akin na nag bago ka bigla sa pakikitungo sa akin”… “di mo nakikita yung sakit na binibigay mo sa akin, di mo pinapansin ang binibigay kung attention sayo simula palang na una tayong nag kita”… Ang salaysay ni donita habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata habang naka titig sa akin…
Biglang tumayo si donita sa pag kakaupo..
“sandali” ang pigil ko sa kanya kasabay ng pag hawak ko sa kaliwang kamay nya ay hinila ko sya papunta sa akin..pag lingun nya ay sabay siil ko sa mga labi nya ng halik..
“uuummmmpphhhh”..Ang tanging lumabas sa bibig ni donita habang naka lapat ang labi ko sa mga labi nya…
Dahan dahan naramdaman ko ang dalawang kamay nya na yumakap sa aking katawan,yumakap din ako sa kanya kasabay ng pag salubong ng dila ko sa dila nya..
Parang tumigil ang Mundo ko sa mga oras na yun, ramdam ko ang pag mamahal nya sa akin ng mga oras na yun,ramdam ko ang bawat tibok ng puso nya na pumipintig sa dibdib ko habang magkayakap kami at mag kahinang ang aming mga labi…
“huhuhuhu” ang malakas na iyak ni donita na sumubsub sa dibdib ko matapos naming bumitaw sa matinding halikan…
“tama na” teng, ” wag ka nang umiyak ang bulong ko sa kanyang tinga habang mahigpit ko syang niyakap…
” ikaw kasi ehh” ang turan nya habang nakasasubsub pa din ang mukha sa dibdib ko..
“aray” ang gulat kung tingin sa kanya dahil bigla nya akung kinurot sa tagiliran..
“bakit mo ako hinalikan?” di naman kita boyfriend diba”? Ang turan nya sa akin habang naka pout ang lips nya na may mga luha padin sa mata..
Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko na binigay nya sa akin at ipinahid sa mga mata nya at pisngi..
“pwede ba akong maging boyfriend mo na ngayun?”… Ang naka ngiti kung turan sa kanya habang sige pa din ang pahid ko sa mga luha nya..
“itatanung mo pa na pwede kitang maging boyfriend eh hinalikan mo na nga ako..” ang nakangiti nyang turan sa akin..
” i love you..” ang turan ko habang naka titig ako sa mata nya..
“i love you too” ang tugon nya din sa akin sabay hilig nya ng ulo sa dibdib ko at akap nya sa biwang ko..
“bakit ba bigla mo akong iniwasan?” ang tanung ni donita sa akin habang nakahilig pa din ang mukha nya sa dibdib ko..
“pasensia ka na teng sa ginawa ko, dahil mahirap kami at mayaman kayo kaya gusto ko na iwasan ka dahil kahit gusto kita ay sigurado akung di mo ako magugustuhan dahil malayo ang agwat natin sa buhay..” “hinding hindi ako magugustuhan ng mga magulang mo..”.. “kaya Minabuti ko na dumistansya sayo..” di ko pala alam na nasaktan kita ng labis dahil sa ginawa ko”.. Ang paliwanag ko sa kanya..
“masyado mo namang akong hinusgahan kaagad na di kita magugustuhan”.. “di mo ba nararamdaman ang attention na ibinibigay ko sayo simula ng makita kita? Matagal na tayung mag kasama pao”.. Binulag ka lang ng iyung pananaw sa buhay dahil mahirap lang kayo.. “di mo nakita ang pagmamahal ko sa iyo dahil nakatingin ka sa agwat ng buhay nating dalawa.. Ang sabi nya sa akin habang namumula nanaman ang mata at parang iiyak..
” sorry teng.. Wag ka nang umiyak”.. “Iyakin ka..”.. ang tatawa tawa kung turan sa kanya habang pinapahidan ko ang mata nya ng panyo na binigay nya sa akin…
” panyo ko ito diba? “hahaha..” ang tumatawa nyang turan sa akin..
“oo yan yung binigay mo..”.. “palagi ko yang dala palagi hanggang ngayun..” special na gamit ko yan kaya mahal na mahal ko yan.. “ang naka ngiti kung turan sa kanya..
Hinalikan ko ulit si donita sa mga labi at niyakap ng buong higpit.. Simula noon ay naging mas sumigla ang katawan ko sa pag aaral dahil kay donita..
Maliwanag ang pananaw ko sa buhay.. Lalo akung nag sumikap sa pag aaral para maipakita ko kay donita at sa mga magulang nya na aangat ang buhay ko na yayaman din ako…
Si donita din ay lalo ding naging masayahin simula nung naging kami, marami kaming binuong pangarap na dalawa..
Kung kaming dalawa ang mag kasama ni donita ay hanggang halikan lang at hipuan ang nagagawa naming dalawa dahil nga sa mahal namin ang isat isa ay pinili naming mag control sa isat isa para di masira ang pag aaral namin..
Dalawang linggo bago ang graduation ay ibinalita sa klasi ng adviser namin kung sino ang mag tatapos ng valedictorian at Salutoturian sa klasi..
Naghihintay kami ni donita sa ibabalita ng teacher, excited kami na malaman ang resulta ng pag hihirap namin.. Nakakapit sa braso ko si donita ng mga oras na yun, makikita sa mga mata nya ang excitement..
“congratulations paolo at donita for a job well done na makapag tapos ng valedictorian at salutoturian sa klasi” “well give them a round of applause to pao and tengteng..” ang turan ng adviser namin habang masaya kaming kinamayan at masigabong na pinalakpakan ng mga kaklasi namin…
Niyakap ako ni donita at hinalikan sa labi ng buong pag mamahal sa gitna ng mga kaklasi namin sa sobrang tuwa nya na naramdan..
” pao “i love you” salamat dahil kung di sayo di ako nakatapos bilang isang valedictorian, ang maluhaluha nyang turan sa akin..
“i love you too teng”.. Sabi ko sayo na kaya mo diba? Mas mataas ka nga sa akin dahil ikaw ang first at ako second lang, “.. ang naka ngiti kong turan sa kanya..
” hahaha” gusto mo naman kasi akung maging first eh” ang nakatawa nyang turan sakin..
Isang linggo bago ang graduation ng umuwi si nanay mula sa maynila para umattend ng graduation ko.. Tuwang tuwa ako dahil makaka graduate na ako ng high school.. At makakapag aral na ako sa kolehiyo..
“nay makakagraduate na po ako sa high school at Salutoturian po ako na mag tatapos sa klasi..” ang masaya kung balita kay nanay..
Tuwang tuwa ang nanay ko ngunit medyo may lungkot akung nakikita sa mga mata nya sa kabila ng ngiti at tuwa sa ibinalita ko sa kanya…
Bigla akung nalungkot sa ibinalita ni nanay sa akin na gusto nya akung dalhin sa maynila pag ka graduate ko para mag trabaho na lang dahil di nya kayang tustusan ang pag aaral ko sa kolehiyo..
“nay may naipon akong pira dyan sa pinapadala nyo sa akin”.. “yan ang gagamitin ko na pang aral ko para makatapos ako sa pag aaral..” ang turan ko kay nanay habang maluhaluha ang mata ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil di nya ako pag aaralin sa kolehiyo..
“papano ka nakaipon ng ganito kalaking pera anak sa mga pinadala ko sayung allowance?” ang gulat na gulat na tanung ni nanay.. Dahil sa nakita nyang passbook ng bangko na pinabuksan nya sa akin..
“namimili po ako ng mga manok sa mga bahay bahay at dinadala ko po sa bayan tuwing papasok ako sa paaralan..” yan po ang naging sideline ko kaya nag kakapera po ako at yung kita ko po ay edinidiposito ko din sa bangko po.. “gusto ko pong makaipon para makatulong po sa pag aaral ko sa kolehiyo..” dahil gusto ko po makapagtapos at para makaahun tayo sa hirap.. ” ang salaysay ko kay nanay..
“talaga anak?” ang nasabi lang ni nanay at niyakap nya ako habang tumutulo ang luha sa sobrang bigla at tuwa na nararamdaman..
“ngunit anak baka di kayanin ng perang ito pati ang sweldo ko dahil ka tulong lang ako anak sa maynila at di malaki ang sweldo ko alam mo yun..” ang turan parin ni nanay habang tumutulo ang parin ang luha sa labis na lungkot at awa sa akin dahil sa kagustuhan kung mag aral..
” wag kang mag alala nay at mag tatrabaho ako habang nag aaral ako sa kolehiyo.. Ang turan ko kay nanay na tumutulo nadin ang mga luha ko dahil sa awang awa ako sa sitwasyun namin dahil sa buhay namin na isang mahirap ay halos di ako makapag aral sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay namin…
“pasensia anak at pati ikaw ay nag hihirap dahil sa uri ng buhay na meron tayo..” dahil sa kahirapan natin ay pati ikaw ay nadadamay.. ” ang turan ni nanay sa akin habang humahagolgol ng iyak at nakayakap sa akin..
” hayaan mo nay..” mag susumikap po ako para makaahun ang buhay natin sa kahirapan.. ” ang turan ko kay nanay habang humahagulgul na din ako sa pag iyak..
Dumating ang araw ng graduation… Maaga palang ay nandoon na kami ni nanay sa school.. Marami na din ang mga istudyante at kasama nila ang mga magulang nila.. Halos parang ako lang ang nag iisa ang magulang ng mga oras na iyon.. Dahil si nanay lang ang kukuha ng diploma ko at honor ko dahil salutoturian ako sa klasi at valedictorian naman si donita..ngunit kumplito parin ang pamilya ko dahil dyan sina lolo at lola para umattend din ng graduation ko..
“anak kanina ko pa napapansing palinga linga ka dyan..” sino bang hinahanap mo? ” ang nag tatakang tanung sa akin ni nanay..
” wala po nay may inaantay lang po ako ” hehe”.. Habang naka ngiti ako kay nanay dahil balak kong surprisahin sya at ipakilala sa kanya si donita..
“ahhh ganun ba nak?” bakit parang di ka mapakali at excited ka dyan? “nobya mo ba yang hinihintay mo? Kasi kakaiba ang mukha mo anak eh..” ang nakangisi na turan sa akin ni nanay..
“hehe..” secret po nay”.. Ang nakangiti kung turan kay nanay..
“teng bakit wala ka pa..” ang bulong ko sa sarili ko habang tatayo at mamaya uupo at palinga linga ako na hinahanap kung saan na sila teng teng at mga magulang nya..
“pao” ang bulong sa akin sa likoran ko ni teng teng..
Pag lingun ko ay natulala ako sa ayus ni tengteng.. Dahil tumingkad ang ganda nya sa ayus nya ng araw na yun.. Lalo syang gumanda dahil sa make up nya.. Parang natamimi ako sa mala dyosang kagandahan na nasa harap ko sa mga oras na yun..
“pao” natulala ka nanaman dyan.. ” ang nakangiti nyang turan sa akin..
” teng si nanay nga pala “at sila naman ang lola at lolo ko.. ang pakilala ko kay tengteng kay nanay at turo ko kina lolo at lola..
“hello po sa inyo” at sabay mano ni teng teng kay nanay..
“hello din” ang naka ngiti na tugon ni nanay kay donita..
“sila nman po ang mama at papa ko”… Ang pakilala ni donita sa kanyang mga magulang kay nanay..
Nasa likoran ni teng teng ang papa at mama nya sa mga oras na yun kaya nahiya ako at natakot na ipakita na nobya ko na si tengteng kaya simple lng ang pag papakilala ko sa kanya kay nanay..
“nay si donita nga pala no..nob” naputol ang sasabihin ko ng ng bigla akong hinalikan ni donita sa labi na ikinagulat ko..
” wag ka nang mahiya pao.. Alam na nila mama at papa ang relasyun natin..” ang turan sa akin ni donita habang naka ngiti..
Di parin ako makapaniwala at nabigla pa rin ako at naka tulala parin..
” pao.. Nakatulala ka dyan.. Nauna ka nang hinalikan ng nobya mo di mo ba ako ipakikilala sa napakaganda mung nobya? ” ang naka ngiti na turan sa akin ni nanay..
“haha.. Nay si donita po pala nobya ko.. At sila naman po ang mama at papa nya.. Ang nakatawa kung turan kay nanay..
At masayang nag batian ang mga magulang namin.. Habang natawa sila sa tinuran ni nanay sa akin..
” haha oo nga.. ” mahiyain talaga tong si pao dati palang ng pumunta sa amin eh.. Ang nakatawang turan ng mama ni donita..
“ayyy nako ganyan po talaga ang anak ko nayan talaga pong mahiyain yang bata na yan”.. Ang nakatawa ding turan ni nanay..
At nag tawanan kaming lahat..
” pao salamat nga pala, dahil di sayo di naging valedictorian si teng teng.. Sinabi na nya sa amin ng papa nya ang relasyun nyung dalawa.. At tinatanggap ka namin na maging nobyo ng anak namin.. Ngunit sana ay tapusin nyu muna ang pag aaral nyu sa kolehiyo bago kayo mag asawang dalawa..sana ay ipangako mo yan sa amin pao”.. Ang salaysay sa akin ang mama ni donita na naka titig sa mata ko..
“opo pinapangako ko po”, salamat po sa pag tanggap nyu po sa akin na maging nobyo po ni donita.. Ang naka ngiti kung tugon sa mama ni donita.. Habang nakatingin ako kay donita na nakikipag usap kay nanay at papa nya..
Iyun ang masayang araw sa high school life namin ni donita, natapos namin ang pag aaral sa high school na puno ang puso ng pag mamahal at plano sa buhay at may halung kaba at excitement na kakaharapin namin ang magiging buhay namin sa kolehiyo..
Sabay kaming pumunta ni donita sa siudad at nag pa enroll kami sa kolehiyo, si donita ay nag enroll sa medical school bilang isang nurse.. At ako naman ay nag enroll sa maritime school sa cursong BSMT..
Akoy working student dahil para ma suportahan ko ang pag aaral ko kaya nag apply ako sa kolehiyo na pinapasukan ko ng working student at malugod naman nila akung tinanggap..
Itutuloy…