Continuation…
Habang naghihintay kami sa labas ng gate ni donita ay bumukas ang pinto at sumingaw ang ulo ni donita…
Namangha ako sa ganda ni donita.. Casual ang suot nya na pink lose na cotton t-shirt at white cotton short…napakaganda ng hubog ng kanyang katawan.. Di mo mahahalatang may isa na syang anak.. Dalagang dalaga syang tingnan sa kanyang mukha at pangangatawan…
“kuya Ralph?”… Bakit dinala mo sila dito?.. Ang medyo gulat na turan ni donita…
“ahh sorry teng.. Di ko na matiis na sabihin kay pao itong bahay mo.. Alam kung mali ang ginawa kung pag siwalat ng lihim mo tungkol dito sa bagung bahay na ipinagawa mo kaya lang di naman sa habang panahon ay itago ko sa kanya, time naman siguro na dapat malaman ni pao at mapag usapan nyu at maayus nyu ang dapat nyung ayusin alang alang sa anak nyu teng.. “.. Ang salaysay ni kuya Ralph kay donita…
Tangu lang ang itinugun ni donita kay kuya Ralph..
” o sya pasok muna kayo kuya.. At pao.. Ikaw lang ba?.. Di mo dinala si yengyeng? “.. Ang tanung ni donita sa akin…
Naka tingin lang ako kay donita sa mga oras na yun at napako ang tingin ko sa kanya na gandang ganda ako at di ko na nabigyang pansin ang tinatanung nya sa akin…
” pao… Nakatulala ka naman dyan.. Kanina ka pa nakatitig sa akin para ka namang na hipnotismo dyan..” ang turan nya na medyo napangiti ng bahagya na naka tingin sa akin…
“ahhh sorry teng.. May naalala lang ako.. Haha.. Anu nga pala yung tinatanung mo?”.. Ang turan ko sa kanya na medyo napangiti din ako sa aking sarili…
“may naalala ka o nalunod kana sa kakatingin sa akin.. Di ka parin nag babago katulad ka pa din ng dati na bigla na lang matutulala..”.. Ang turan nya na mahahalata sa mukha ang pag pipigil na matawa..
“hahaha.. Syempre naman teng.. Eh matagal ka nyang di nakita syempre matutulala talaga si pao.. Ikaw naman intindihin mo nalang..”.. Ang tatawa tawang turan ni kuya Ralph…
Namula si donita at napatawa na lang sa tinuran ni kuya Ralph…
Nag tawanan na din kaming tatlo at medyo nag karoon ako nang saya sa puso dahil nawala ang tinsyun sa amin ni donita…
” ohh pao dala mo ba si yengyeng?”.. Ang tanung ulit ni donita..
“oo teng kasama ko si yengyeng.. Nasa sasakyan sya… Saglit lang at tatawagin ko..”.. Ang turan ko sa kanya…
Pumunta ako sa sasakyan at tinawag ko si yengyeng.. Pag bukas ko ng pinto ng likuran ng kotse ay nakita kung nakalagay ang headphone sa kanyang tinga..lumingon sya sa akin na naka ngiti ngunit tumatangutangu ang ulo dahil siguro sa music na nadidinig sa kanyang cellphone.. Si jas naman ay patawatawa din habang naka tingin sa kanyang cellphone at naka pasak din ang headphones sa tinga…
Suminyas ako ng kaway sa dalawang bata at nakuha naman nila ang aking atinsyun at kinuha nila ang headphones sa isang side ng tinga nila…
“Anu po yun pa?..” ang tanung ni yengyeng sa akin..
Samantalang si jasmine naman ay nakangiti lang at nakatingin sa akin at kay yengyeng…
“anak dito na tayo kina mama mo, baba na kayo ni jas at papasok na tayo sa loob ng bahay nya..”ang turan ko na naka ngiti sa kanya…
” ok po..”..ang turan ni yengyeng na may matipid na ngiti sa labi…
” bababa na po tayo sige tito? .. Hehe.. “tara ate yengyeng..”.. Ang nakatawang turan ni jasmine.. Bakas sa kanyang mukha ang excitement…
Isang ngiti lang ang tinugon ni yengyeng at magkasunod silang bumaba sa sasakyan ni jasmine…
Pag kababa ay napatingin silang dalawa sa isang magandang bahay.. Palingalinga si yengyeng na tinatanaw ang bahay na nasa harapan nya.. Ganun din si jasmine…
“papa.. Ang ganda.. Kaninung bahay yan?”..ang tanung ni yengyeng sa akin…
“kay mama mo nak”.. Ang naka ngiti kung turan sa kanya…
“talaga po?”.. Mas maganda pa po sa bahay natin”.. Ang manghang turan ni yengyeng…
Tumingin ako sa kinaroroonan ni donita at kita kung nakatalikod sya sa amin at kausap nya si kuya Ralph…
“oo nak maganda pa sa atin ang bahay ni mama mo..”.. Ang naka ngiti kung tugon..
“ate yeng kay mama mo bahay ito? Wow!!! Ang ganda naman astig ate yeng.. Haha!!!” … Ang naka tawang turan ni jasmine habang makikita sa mukha na manghang mangha habang nakatingin sa bahay…
Isang matipid na ngiti lang ang isinagot ni yengyeng kay jasmine…
“halika ka na nak, ayun si mama mo naka tayo sa gate”… Ang turan ko habang naka ngiti sa kanya at hawak ko ang kaliwang kamay nya..
Napatingin si yengyeng sa deriksyun ni donita..nag iba ang expresyun ng kanyang mukha… Tila may iniisip sya na di ko mawari..
“nak.. Wag kang mag alala.. Si mama mo yan nak.. Minsan ka lang makita ni mama at makasama kaya pumunta tayo dito sa kanya.. Mahal ka ni mama mo gaya ng pag mamahal ko sayo nak kaya wag kang mag alala..”… Ang turan ko kay yengyeng sabay ko halik sa kanyang noo..
Tumingin sa akin si yengyeng at matipid na ngumiti..
” opo pa.. “.. Ang matipid nyang tugon sa akin… Habang ginagap nya ang kaliwang kamay ni jasmine na abala padin ang mata sa kakatanaw ng magarang bahay ni donita…
Magkasama kaming tatlo na Lumapit sa deriksyun nila donita at kuya Ralph..
“ohh dito na ang dalaga mo teng..” ang turan ni kuya Ralph kay donita habang nakangiti ito…
Biglang lumingon si donita sa amin at nakangiti syang nakatingin kay yengyeng…
Nakatingin din si yengyeng kay donita na may munting ngiti sa kanyang labi…
” hi yeng anak ko”.. Ang turan ni donita sabay nya yakap kay yengyeng at hinalikan nya ito sa noo…
“tahimik lang na naka ngiti si yengyeng sa kanya at bahagyang gumalaw ang kanang braso nya at yumakap din kay donita.. Ngunit ang kaliwang kamay ay di bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay…
Matapos halikan ni donita si yengyeng sa noo ay kanya itong pinagmasdan sa mukha…
“ahh.. M..”.. Ang pautal utal na turan ni yengyeng..sabay nya tingin sa akin at balik ng tingin ulit kay donita..
“anu yun anak?”.. May sasabihin ka sa akin?… Ang tanung ni donita kay yengyeng..
“ahh.. mama”.. Bakit po sa aking noo din po kayo pag humalik sa akin?.. parihas kayo ni papa.. Sa noo din palagi pag humalik sa akin ” .. Ang may pagka inosenteng tanung ni yengyeng na medyo seryuso ang mukha…
Kita ko ng tumulo ang luha sa mga mata ni donita.. Doon ko nakita ang mukha ng isang mapag mahal na ina sa aming anak…
Di makapagsalita si donita at tuluyan na itong naiyak.. Niyakap nya ng mahigpit si yengyeng at buong pagmamahal nya itung niyakap.. Madidinig ang mga paghikbi nya habang yakap yakap nya si yengyeng…
Di ko na din mapigilan na tumulo ang luha dahil sa aking nakita, di ko maipaliwanag ang aking naramdaman na makita si donita na yakap yakap ang aming anak habang puno ng pag mamahal na yakap ang aming anak habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.. May kung anung emosyun akung naramdaman sa aking puso na nag patulo ng luha sa aking mga mata nung madinig ko ang simpling katanungan ni yengyeng kay donita.. Para bang napaka espisyal tung katanungan na naghatid sa aking puso ng emosyun at nag patulo ng aking luha…
Tahimik lang na nakamasid si kuya Ralph at jasmine…
Punung puno ng imusyon ang makikita sa aking mag ina…
Bumitaw si donita ng yakap kay yengyeng at tiningnan nya ulit ito sa mukha..
Biglang bumitaw ang kaliwang kamay ni yengyeng sa akin at may dinukot sya sa kanyang kaliwang bulsa..
“ito po panyo ma.. Puno po kayo ng luha..”ang turan ni yengyeng kay donita sabay nya bigay ng panyo sa kanya…
Inabot ni donita ang panyo kay yengyeng at nakangiti itong tiningnan ang panyo…
” sa.. sala.. “.. Natigilan si donita sa kanyang pagsasalita at napako ang tingin nya sa panyo na ibinigay sa kanya ni yengyeng…
Binuklat nya ang nakatuping panyo at sinipat nya ito at tumingin ng may pagkabigla kay yengyeng…
“saan mo nakuha ang panyung ito nak?”.. Ang tanung ni donita kay yengyeng…
Napatingin ako sa panyo at laking gulat ko din ng aking makita ang panyo…
“sa kwarto po ni papa, nakalapag sa kanyang lamisa malapit sa kama.. Nag hanap po ako kasi kanina ng panyo wala akung makita sa drawer ko kaya pumunta ako saglit ng kwarto nya para humiram ng panyo.. Nakita ko po na nakapatung po yan sa lamisa kaya yan na lang po yung kinuha ko”…bakit po? “.. Ang medyo naguguluhang tanung ni yengyeng kay donita…
Tumingin sa akin si donita habang niyakap ulit ang aming anak.. Umagos ulit ang masaganang luha sa kanyang mukha…
Di ko na din napigilan ang patuloy na pag agus ng aking luha.. Naka tingin sa akin si donita na wari ay nag uusap kami sa bawat isa.. Nakita ko sa mga mata nya ang unang donita na nakilala ko nung una ko syang makita at makasama nung high school pa kami…
Ramdam ko ang kanyang pag mamahal sa kanyang mga tingin sa akin… Kahit na punung puno ito ng luha habang naka tingin sa akin…
Itutuloy…