Continuation…
Pagdating ko sa harap ng gate ay bumusina ako.. Agad namang pinag buksan ako ni manang ng gate at agad kung ipinasok sa garahe ang sasakyan…
Pag pasok ko sa loob tamang tama na nag hahanda si donita sa lamisa ng pansit na kakaluto nya lang.. Doon din si yengyeng na tumutulong sa kanya na nag lalagay ng mga baso sa lamisa..
“yeng ako na dyan mawawalan ako ng trabaho nyan ikaw na ang gumagawa nyan”.. Hehe.. Ang nag mamadaling turan ni manang sabay nya kuha kay yengyeng ng mga baso na inilalapag nya sa lamisa..
“hayaan nyu po manang, paminsan minsan po patulungin nyu din pangit po sa bata ang di marunung kahit na simpling trabaho po”.. Ang nakangiti kung turan kay manang…
“tama po yun manang”.. Ang turan din ni donita habang naka tingin sa akin..
“o sige hehe.. Sabagay maganda nga din yan sa bata” .. Ang turan ni manang habang naka ngiti..
“tama nga naman ang sabad naman ni nanay habang naka fucos pa din sa kanyang diamond stitch..
” tara kain na po tayo”. Ang aya ni donita..
“halina nay kain na muna tayo.. Mukhang masarap ang luto ni tengteng ang turan ko habang naka ngiti..
” papa.. Luto namin yan ni mama at manang tumulong din ako sa kanila mag luto”.. Ang naka ngiting turan ni yengyeng at nauna na syang kumukuha ng pansit at inilalagay sa kanyang pinggan..
“ahh talaga?.. Doble ang sarap pala nitong pansit at kasama ka pala ni mama at ni manang sa pagluluto nak.. Hehe”.. Ang nakatawa kung turan..
Tahimik lang na naka ngiti si donita bakas sa mukha nya ang tuwa dahil naka tingin sya kay yengyeng habang kumukuha ito ng pansit..
kukuha sana ako ng pansit ngunit naunahan ako ni donita.. Nilagyan nya ang pinggan ko at kay nanay.. Pati si manang ay nilagyan nya din at panghuli ang pinggan nya..
Naka tingin lang ako sa kanya ng may ngiti sa labi..
“salamat teng”.. Hehe ikaw pa talaga ang nag lagay sa pinggan ko.. “ang turan ni manang habang nakangiti..
” wala po yun manang ok lang po yun”.. Ang turan ni donita..
Si nanay naman ay kakaupo lang sa lamisa na kakatapos lang ng kanyang ginagawa..
“ohh.. Salamat teng nalagyan mo na pala yung pinggan ko.. Ang turan din ni nanay..
” wow sarap nga ah.. Ang turan ko ng pag subo ko at malasahan ang pansit na luto ni donita.. Masarap at naalala ko ang lasa ng pansit nya sa tuwing mag luluto sya nung sa boarding house pa kami..
” kamusta ang lakad mo kanina sa store nak? “.. Ang turan ni nanay habang sumusubo ng pansit..
“ok naman ang store at nakita ko na din ang empleyada na palaging umaabsent kakausapin ko sana kaya lang tumawag ka naman kaya sa sunod nalang nay pag may oras ako”.. ang salaysay ko kay nanay…
“ahh ganun ba”.. May problema siguro kausapin mo lang”.. Ang turan ulit ni nanay…
Tumango lang ako at tumingin kay donita na kasalukuyan ding tumitingin sa akin…
Medyo na hihiwagaan din ako kung anung problema kayang kinakaharap ni beth.. Iwinaksi ko nalang sa aking isipan ang mga isiping iyun at nag fucos nalang ako sa aking pagkain..
Matapos kaming kumain ay inayus na ni manang ang aming pinagkainan at nag paalam na kami kay nanay na aalis na kaming tatlo para mamili..
Ang sasakyan ko lang ang ginamit namin at iniwan na lang namin ang sasakyan ni donita…
Habang nag da drive ako ay di parin kumikibo si donita… Pasulyap sulyap ako sa kanya at tahimik din ako… Tiningnan ko ang aming anak sa rear mirror at busy na nakaharap sa kanyang cellphone na naka pasak ang headphone sa tainga…
“teng sorry kanina ha”… Sorry kung sumubra ang pagtatanung ko sayo.. ” di ko sinasadya…”.. Ang basag ko sa aming katahimikan…
Di pa rin kumikibo si donita at nakatingin lang sa kalsada… Sinulyapan ko sya ulit at sabay balik ko ng tingin sa kalsada… Nakita kung lumingun sya sa likod at tiningnan ang aming anak na nakaupo sa likuran ng sasakyan…
“sorry din pao sa pagkakasampal ko sayo kanina ng malakas..”.. Ang turan ni donita sabay nya tingin sa akin..
Tumingin din ako sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata… Kita ko sa mata nya na walang galit na ito at malamlam na may halung pagmamahal… Ngunit ayaw nyang ipakita ito at pilit nyang tinatago…
Batid ko sa sarili ko at nararamdaman ko ang pag mamahal na yun kahit di nya sabihin sa akin…
“ok lang teng di naman gaanu masakit sanay na din naman ako dahil dalawang bisis mo akung sinampal ngayung araw..”.. Ang turan ko na medyo nakangiti…
“hahaha.. Oo nga no..”.. Sorry talaga pao”.. Ang turan nya na nakatawa..
Napalingun ako sa kanya at natawa din.. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa tagal na panahun na di kami nag sama, kundi ngayun lang, ay unang pagkakataun na nakita ko ang pag tawa ni donita na walang pag pipigil…
Gusto ko sanang tanungin ulit sya ngunit hinayaan ko na lang muna at baka magalit nanaman sya sa akin..
“Darating din ang pag kakataun.. Wag muna ngayun”.. Ang pabulong ko na turan ko sa sarili ko habang pasulyap akung nakatingin sa kanya…
Nakaramdam ako ng tuwa sa mga oras na yun dahil magkasama kaming tatlo ng aming anak na gagala at mamimili.. Ito ang unang pagkakataon na magkasama kaming tatlo ng aming anak…
“papa daan tayo muna saglit dyan sa store natin”.. May bibilhin ako saglit”.. Ang biglang turan ni yengyeng mula sa likod ng sasakyan habang kumakalabit sa aking balikat…
Napalingun ako sa kanan at nakita ko na nasa harapan na pala kami ng aming store at di ko lang naman ito napansin dahil sa magandang pakiramdam ko ay lumilipad ang aking isipan tungkol sa aming tatlo ni donita at ng aming anak…
“ok nak saglit lang at itatabi ko ang sasakyan”.. Ang turan ko.. Habang dahandahan kung itinabi at ipinarada ang sasakyan..
Pagkatabi ko ng sasakyan ay nakita ko si beth sa loob kasama ni joseph na nag aasikaso ng customer sa counter..
Pag baba namin ay napatingin si donita sa convenience store…
“ito pala ang convenience store na binili mo pao?”.. Ang turan ni donita..
“oo teng ito yun.. Dito yung puntahan ni yengyeng sa tuwing bibili ng paborito nyang pagkain”.. Ang turan ko..
Pagbaba ay patakbong pumasok sa loob ng store si yengyeng at magkasunod kami ni donita na pumasok..
“good afternoon po sir pao”.. Ma’am “.. Ang turan ng guard na naka pwesto sa gate at nakangiti sa amin ni donita..
” good afternoon kuya” ang bati ko sa guard..
“good afternoon po”.. Ang nakangiting bati din ni donita sa guard..
Pagdating namin sa loob ay naka ngiti na nakatingin sa amin sina Joseph at beth..
“sir pao.. Napadaan nanaman po kayo ulit?”.. Ang turan ni Joseph sa akin..
“sir pao magandang hapon po ulit”.. At magandang hapon po ma’am.. Ang nakangiti ding bati ni beth na naka tingin sa akin at kay donita..
“magandang hapon ulit beth”.. ang nakangiti kung bati din..
“magandang hapon”.. Ang bati din ni donita kina joseph at beth…
“asawa nyu po sir pao?”… Ang tanung ni beth sa akin na nakangiti..
Nag katinginan kaming dalawa ni donita.. Medyo namula ng bahagya ang mukha ni donita sa tanung ni Beth…
“oo beth asawa ko”.. Ang tugon ko kay beth na nakangiti at sabay ko tingin kay donita.. Napatingin din si donita sa akin at matipid na napangiti..
Mayamaya ay nakita kung paparating si yengyeng na bitbit ang mga daladala na mga pagkain at sabay nya lagay sa counter at lagay din ng pera na bayad nya…
Kinuha ni joseph ang mga pinamili ni yengyeng at ibinalut ngunit ang pera ay kanyang binalik kay yengyeng, ngunit di ito kinuha ni yengyeng..
“Kunin mo ang bayad ng anak ko joseph, alam nya ang rules ko na kilangan bayaran kahit sa aming tindahan”.. Ang turan ko sa kanya..
“ok po sir”.. Ang tugon ni Joseph at Kinuha ang bayad at ibinigay ang sukli ni yengyeng..
Nakita kung nakatingin si beth kay yengyeng, titig na titig sya dito…
“sir pao anak nyu po?”.. Ang tanung ni beth na nakangiti..
“oo beth anak namin”.. Ang matipid kung turan..
“ang ganda po mana po sa inyo at sa misis nyu ang nakangiting turan ni beth ngunit di inaalis ang tingin kay yengyeng…
Isang matipid na ngiti ang itinugun ko kay beth..at gayun din si donita ay ngumiti din sa tinuran nya…
Makikita sa mga mata ni beth ang pag hanga sa mga pasulyap na tingin nito kay yengyeng at donita…
Pagkatapos makabili ni yengyeng ng paborito nyang pagkain ay agad kaming nag paalam sa kanila sa store, nakangiting nag paalam sa amin si beth ngunit di maalis ang tingin nya kay yengyeng at kay donita…
Pagkalabas namin ng store ay dumiritso na kami sa mall upang mamili ng mga gamit na dadalhin namin…
Habang nag da drive ay naalala ko ang mga sulyap na tingin ni beth kay yengyeng at donita.. Di ko malaman bakit ganun na lang kung maka tingin ito sa aking anak at kay donita..medyo nakaramdam ako ng kaba dahil naalala ko ang isang gabi na nangyari sa amin ni Beth..
“hindi kaya nakabuo kami ni beth nung gabi na yun?”.. Ang bulong ko sa aking sarili..
Medyo kinabahan ako na di ko mawari.. Samut saring mga isipin ang gumugulo sa aking isipan ng mga oras na yun…
“maganda ang convenience store na binili mo.. Madami yung mga branches ng convenience store na yan.. Ngunit nahahalata ko ang empleyada kanina na panay ang titig kay yengyeng at sa akin”.. Ang turan ni donita..
“pao..”.. Ang turan ulit sa akin ni donita na naka tingin na sa akin..
Bumalik ang aking diwa at napalingun ako sa kanya…
“anu yun teng?”.. Ang medyo gulat kung tanung sa kanya… Dahil narinig ko na may sinabi sya ngunit di ko lang nabigyan ng pansin ang kanyang tinuran..
“may iniisip ka ba?.. Di mo narinig ang sinabi ko?..”.. Ang pagtatakang turan ni donita sa akin..
“sensia teng may naiisip lang ako.”.. Paki ulit nga ang sinabi mo, di ko masyadong nadinig sorry”… Ang turan ko sa kanya..
Inulit nya ulit ang tinuran nya sa akin…
“ahh ganun ba?..”, matagal kung pinag ipunan para mabili ang franchise ng store na yan..at si beth naman yun.. Sya yung palaging umaabsent, kakausapin ko nga sya pag mag ka oras ako kung anung problema bakit sya palaging lumiliban..”..ang turan ko sa kanya..
“may itsura sya pero mukhang may dinadalang problema”.. Ang turan ni donita..
Tahimik lang ako habang nag da drive… Dahil ang problema na yun ni beth ang naka pag paisip sa akin ng samut saring isipin..
“wag naman sanang mangyari ang iniisip ko”.. Ang bulong ko sa sarili ko..
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa mall kung saan kami mamimili.. Matapos kung ma iparada ang sasakyan sa parking lot ng mall ay pumasok na kaming tatlo sa mall.. Magkasunod na naglalakad sina yengyeng at donita.. Naka sunod ako sa kanila…
Pinag mamasdan ko ang mag ina ko habang Magkasunod silang nag lalakad at di ko maiwasang matuwa dahil dahan dahan nang lumalapit ang loob ni yengyeng kay donita..
Magkahawak kamay sila habang naglalakad papuntang department store ng mall para mamili ng kakailanganin nila..
Naka sunod lang ako sa kanila, ngunit punung puno ang aking isipan ng mga bagay bagay na mistulang problemang kakaharapin ko..
“kilangan kung makausap si beth sa lalong madaling panahun”.. Ang bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad na kasunod nila yengyeng at donita…
Itutuloy…