Utang Na Loob (62) by: aero.cock78

Continuation…

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay lyn at pinagmasdan ko ulit ang kanyang mukha…nakadama ako ng saya dahil sa unang pag kakataon ay nahagkan ko ang anak namin ni beth…

Tumingin si lyn kay beth at mababakas sa mukha nya ang pag ka gulat dahil sa pag iyak ni beth habang nakaharap sa amin..

“bakit po nay?”.. Bakit po kayo umiyak? “.. Ang inosenting turan ni lyn kay beth…

” wala lang anak.. Naalala ko lang ang kalagayan ng iyung ama..”bakit ka pumunta dito anak diba pinupunasan mo si tatay?..” gising na ba sya nak?.. “.. Ang sunod sunod na tanung nito kay lyn habang pinupunasan nya ng kanyang palad ang luha nya na umaagos sa kanyang pisngi…

” tulog pa po si tatay nay eh.. Kaya lang po gutom na kasi ako kaya yayayain ko po sana kayung kumain…” Ang turan ni lyn…

“mauna ka na lang nak at kinakausap ko pa si sir pao.. Susunod na lang ako sa iyo.. Ang turan nya kay lyn…

” opo nay.. ” ang turan ni lyn… At tumingin sya ulit na naka ngiti sa akin…

Sinundan ko ng tingin si lyn habang papalayo sa amin ni beth…

Tumingin ako ulit kay beth na muli na namang tumulo ang luha na bumaybay sa kanyang pisngi…

Niyakap ko si beth at hinaplos ang kanyang likod.. Hinayaan ko muna syang umiyak… Sinubsub nya ang kanyang mukha sa aking dibdib.. At umiyak sya ng tudo habang yumakap na din sya sa akin…

Ilang sandali lang ay medyo na himasmasan na sya at kusa syang kumalas sa aking pag kakayakap…

“pasensia na pao… Nabasa ko ang t-shirt mo sa dibdib ng luha ko.. Ang turan ni beth ng medyo mahimasmasan na sya…

” ok lang beth.. “… Ang turan ko..

Tumitig si beth sa aking mga mata.. Nag sa lubong ang aming tingin..

” anak mo si lyn pao”.. Ang turan ni beth sa akin habang naka tingin sya sa akin…

“akala ko sabi mo sa akin ay safe ka nung time na yun nung nag niniig tayo.. Yun pala hindi ka pala safe ng oras na yun?”.. Ang turan ko kay beth habang naka titig ako sa kanya…

“hindi ko alam pao”.. Yun din ang pag kakaalam ko.. Gulung gulo ang isipan ko ng gabing iyon.. Galit na galit ako sa bf ko nung time na yun.. Dispirada ako.. Galit ako sa mundo at naka inum ako.. Ikaw lang ang unang pumasok sa isipan ko nung oras na yun kaya sa iyo ako pumunta para mag labas ng sama ng loob.. Di ko alam kung bakit ipinagkaloob ko ang sarili ko sayo, pero isa lang ang alam ko, gusto kita at ginusto ko ang nangyari sa atin.. Di ko pinag sisisihan kung nabuo ang isang gabing pinagsaluhan nating dalawa.. Kung nabuo si lyn.. Masaya ako dahil sa pamamagitan ni lyn nakikita kita sa tuwing nakikita ko si lyn.. Ang turan ni beth na mahahalata nanaman ang namumuong luha sa kanyang mga mata…

“alam ba ng mister mo na di nya anak si lyn?”.. Ang tanung ko sa kanya..

“di nya alam pao..” pag kauwi ko sa aming probinsya ay nakita ako ni Roger at nanligaw sya sa akin ngunit isang buwan na akung buntis noon.. Dahil sa takot ko sa magulang ko nung nalaman ko na buntis ako ay sinagot ko kaagad si Roger… Lingid sa kaalaman nya na buntis ako.. Nag asawa kami at tuwang tuwa sya nung malaman nya na buntis ako.. Ang pag kakaalam nya ay sya ang naka buntis sa akin, tuwang tuwa sya ng lumabas si lyn.. Mahal na mahal nya si lyn na parang tunay nyang anak.. Di ko na sinabi pa sa kanya ang katutuhanan dahil baka masaktan pa sya kung sasabihin ko sa kanya ang katutuhanan kaya hinayaan ko nalang na maging sikreto ang lahat dahil mahal na mahal nya naman si lyn at tunay na anak ang turing nya kay lyn.. Tuwang tuwa naman ako dahil naging mabait sya sa akin at kay lyn.. Mahal na mahal nya ako at sa kalaunan ay minahal ko na din sya ng buong puso… Ngunit di na nasundan si lyn di na kami nakabuo hanggang ngayun.. At ngayun humaharap ako sa hirap at pighati dahil nag kasakit si Roger..wala akung ibang hiling kundi na gumaling sya at maging masaya ulit kami at makasama pa namin sya ng matagal ni lyn kahit di marangya ang aming buhay… Ang salaysay ni beth na umagos na naman ang luha sa kanyang mata…

naka ramdam ako ng awa kay beth..gayun pa man ay nakaramdam din ako ng tuwa dahil sa isang banda ay minahal ni Roger ang anak namin ni beth kahit di nya anak ito.. Di ko din masisisi si beth kung itinago nya ang katutuhanan kay Roger…

Di ako nakapagsalita.. Niyakap ko si beth, nakadama ako ng awa sa kanya…

“pao”.. Huwag kang mag alala.. Di ako humihingi ng sustento kay lyn kahit alam mo na na anak mo sya.. At sanay wag mo kunin sa akin si lyn at wag mo nang sabihin kay Roger ang katutuhanan na namagitan sa ating dalawa… Isa lang ang hiling ko na sana ay ma operahan na si Roger at maka survive sya para bumalik sa normal ang aming pamumuhay.. “… Ang turan ni beth…

Tahimik lang ako at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya… Tinitigan ko sya sa mga mata..

” masaya ako dahil mahal ni roger ang anak natin.. Wag kang mag alala at magiging lihim ang lahat… May asawa na din ako at anak.. Di nya din alam ang tungkol sa atin.. Tutulung ako sa pinansyal sa pag papa opera kay Roger, gagawin ko ang lahat para maka survive sya para sa inyo ni lyn.. Dahil kapakanan ng anak ko ang nakasalalay kung gagaling si Roger”.. Ang turan ko kay beth…

“salamat pao..” wag kang mag alala pao.. Babayaran ko ng sweldo ko sa pag tatrabaho ko sa tindahan mo ang itutulong mo sa pag papa opera kay Roger… “.. Ang garalgal na turan ni Beth na nag babadya nanaman ng pag iyak..

” wag na beth..tuloy tuloy kang mag tatrabaho sa tindahan ko ngunit di ko ikakaltas sa sahud mo ang itutulong ko.. Anak ko din si lyn kaya ang mahalaga ay gumaling si Roger at makapamuhay kayo ng maayus ulit..” ang hiling ko lang na patuloy lang sana na mahalin ni roger ang ating anak…” ang turan ko kay beth…

“salamat pao”.. Tatanawin kung utang na loob sa iyo ang lahat.. “ang turan ni beth habang humagulgul nanaman ng iyak at yumakap ng mahigpit sa akin..

Niyakap ko din ng mahigpit si beth.. At nakaramdam ako ng tuwa sa puso sa mga oras na yun.. Magaan ang aking pakiramdam sa oras na yun.. Isa lang ang aking nasa isip na tulungan ang asawa ni beth na gumaling…

Matapos na humupa ang pag iyak ni beth ay inayus nya ang kanyang sarili at bumalik kami sa tabi ng kanyang mister na si Roger…

Pagdating namin doon ay gising na si Roger at sinusubuan ni lyn ng pag kain.. Nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib sa pag aalaga at pag mamahal ni lyn kay Roger kahit hindi nya ito tunay na ama.. Nakaramdam ako ng selos dahil sa pag aalaga at pag mamahal na binibigay ni lyn kay Roger na dapat ay para sa akin.. ngunit sa isang banda ay nakaramdam din ako ng tuwa dahil kita ko ang pag mamahal ni Roger kay lyn kahit di nya ito tunay na anak…

“ahh mahal,.. Si sir pao boss ko pala.. Bumisita sya dito sa iyo kinamusta ka..”.. Ang naka ngiting turan ni beth kay Roger..

“sir.. Ikinagagalak ko po kayung makilala at ikinararangal ko po na kayo ay dumalaw dito sa akin.. Nag abala pa po kayo ng oras sir.. Nakakahiya po sa inyo”.. Ang naka ngiting turan ni Roger na mamamalas sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman sa kanyang dinadala na sakit.. Makikita sa kanyang bagsak na katawan ang hagupit ng kanyang sakit.. Nakakaawa syang tingnan sa kanyang imahi…

“wala po yun.. Impleyada ko po si beth.. Kaya kilangan ko ding malaman ang kalagayan nya at ng kanyang pamilya sa kadahilanan na nabagabag ako sa kanyang pag liban sa kanyang trabaho at ngayun ay aking naintindihan na may mabigat na suliranin pala syang pinapasan.. “.. Ang turan ko…

“opo sir..” di ko po talaga inaasahan ito ngunit kung saan pa po na hikahus na kami sa buhay ay sya pa pong ipinadanas sa amin ito.. “.. Mabuti po at dyan si beth at ang aming anak na nag mamahal sa akin at nag aalaga sa kabila ng aking karamdaman..”ang turan ni Roger na naka titig sa akin at kay lyn.. Palipat lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa ni lyn..

Medyo nakaramdam ako ng takot dahil baka mahalata nya ang pag kakaugnay sa akin ng itsura ni lyn.. Kaya minabuti ko na maging kampanti at huwag mag pahalata sa kanya…

“ahh excuse me po sir may sasabihin lang po ako muna kay beth..” ang turan ni Roger na naka ngiti sa akin…

“ok po..” ang turan ko at tumabi ako at binigyang daan si beth na agad namang lumapit kay Roger.. Medyo kinabahan ako pero pinanatili kung kalmado ang sarili ko..

Napatingin sa akin si beth ng dumaan sa aking harapan at tumabi sa kanyang mister…Mahahalata ang medyo takot sa kanyang mukha sa pag tawag sa kanya ni Roger…

“mahal ano yun?”.. Ang turan ni beth ng makalapit sya kay Roger…

“mahal, may reseta na binigay ang doctor dyan pinabibili baka pwede na pakibili muna mahal?” ang turan ni Roger kay beth…

Inabot ni lyn kay beth ang reseta at tiningnan ito ni beth..

“o sige mahal bibilhin ko ngayun..”ang turan ni beth at syay tumayo…

” mahal isama mo si lyn para may kasama ka”.. Ang turan ni Roger kay beth habang naka ngiti…

“ahh.. O.. Si sige.. Mahal..”.. Ang pautal utal na turan ni beth.. Na medyo balisa sya sa oras na yun habang naka ngiti at humawak sa kamay ni lyn para isama..

“ahh sir pao”.. Dyan ka muna saglit at bibili muna ako ng gamot”.. Ang turan ni beth na nakatingin sa akin..

“o sige beth.. Sya nga pala, ito yung pera pang dagdag sa gamot na bibilhin mo.. Ang turan ko sabay ko kuha ng pera sa wallet ko at sabay abot ng pera kay beth…

” ayy sir pao, sobra na po itong pang bili ng gamot “..ang turan ni beth at ibinalik nya ang sobra ng pera sa akin…

“wag na beth.. Ibili mo nalang ng kung anung kailangan nyu dito o mga pagkain bahala kana beth kung anung ibibili mo dyan na makakatulong dito..”.. Ang naka ngiti kung turan kay beth…

“nako salamat po sir”.. Ang turan ni beth..

“salamat po sir”.. Napakabuti nyo po.. “ang turan din ni Roger..

” wala pong anuman.. ” ang nakangiti kung tugun.. Habang tinitingnan ko ang papalayo na magkahawak kamay na sina beth at lyn..

Tumingin sa aking mata si Roger.. Nag kasalubung ang aming tingin.. Nakaramdam nanaman ako ng kaba.. Ngunit ini handa ko na ang aking sarili kung anu man ang sasabihin ni Roger sa oras na yun.. Pinanatili kung kalmado ang aking sarili..

“maupo po muna kayo sir pao”.. Pasensia na po may pinabili pa po kasi ang doctor at salamat po sa tulong mo sa pang bili po ng gamot ko.. “ang naka ngiti nyang turan sa akin…

” wala pong anuman yun”.. Kunting tulong lang po yun”.. Ang nakangiti kung turan sa kanya… Habang umuupo ako sa upuan..

“ah.. sir pao..”.. May itatanung lang po sana ako sayo wag mo sanang mamasamain.. “ang turan sa akin ni Roger na nakatitig sa akin…

” ok lang po wala pong problema.. Anu po ba yun? “.. Ang tugon ko habang naka tingin din ako sa mata nya at inihanda ko ang aking sarili kung anu mang katanungan ang itatanung nya sa akin…

Itutuloy…

Scroll to Top