Utang Na Loob (64) by: aero.cock78

Continuation…

Matapos kung ibigay kay lyn ang damit na napili ko ay tumayo ako at humarap sa tumawag sa aking pangalan…

“pao.. Bakit nandito ka?” ..ang turan ni nanay sa akin habang naka tingin sya sa akin..

Bigla syang napatingin kay lyn na abala sa kakatingin sa damit na ibinigay ko sa kanya…

Medyo kinabahan ako ngunit di ako nag pahalata kay nanay..

“ahhh oo nay may sinamahan ako dito para mamili ng damit”.. ang turan ko sa kanya..

“ahh ganun ba? Ngunit naka tingin pa din sya kay lyn..

” bakit kayo nandito nay? “.. Ang tanung ko kay nanay…

” sinamahan ko ang mag ina mo na gumala.. Niyaya nila ako, ayaw ko sana eh.. Kaya lang gusto nila akung isama para maka pag bonding naman daw kami at nababagot ang mag ina mo lagi ka lang wala kasi..”ang turan sa akin ni nanay…

Medyo nakaramdam ako ng takot sa sinabi ni nanay dahil kasama nya pala ang anak ko at si donita.. Nakaramdam man ako nang di pag ka kumportable sa sitwasyun ko ngunit pinilit ko paring maging mahinahon.. Umaasa na lang ako na maging maayus ang lahat..

“saan po sina teng at yengyeng nay?”.. Ang tanung ko sa kanya..

“Doon may binili lang na inumin.. Dami kasing pila doon nandoon pa sila naka pila” .. Ang turan ni nanay sabay turo sa deriksyun kung saan naka pila sina donita at yengyeng…

Medyo nakahinga ako ng konti ngunit di na ako makakaiwas kay nanay sa mga pangyayari.. Tatangpin ko nalang kung anung mangyayari dahil nahahalata ko si nanay na panay ang tingin kay lyn..

“sino yung bata na kasama mo?”.. Ang tanung sa akin ni nanay.. Na naka pako ang tingin kay lyn..

Di muna ako nakasagot dahil parang mabulunan ako sa tanung ni nanay… Dahil mababakas sa mukha nya na may nakikita sya kay lyn dahil sa pagkakatitig nya dito…

” sir pao.. Maganda din ito oh”.. Ang turan ni beth habang bitbit ang damit na pang babae na para kay lyn..

Napatingin si beth kay nanay at natigilan sya at napatingin din sya sa akin…

“magandang araw po ma’am..” ang bati ni beth kay nanay habang naka ngiti ng matipid ngunit mababakas sa mukha nya na medyo nagulat sya nang makita nya si nanay…

“magandang araw din.”.. Si beth ka diba yung empleyada sa store? “.. Ang tanung ni nanay kay beth..

” opo ma’am.. ” ang turan ni beth..

” ahh nay si beth nga yan at sya naman yung anak ni beth si lyn.. “.. Sinamahan ko sila dito para mamili..” ang turan ko kay nanay…

” ahh ganun ba”.. Ang matipid na turan ni nanay na nakangiti…

“May anak ka pala” .. Magandang bata”.. Ang turan ni nanay kay beth..

“opo ma’am.,nag iisang anak ko po..” ang turan ni beth na medyo nag aalangan sa kanyang pagsagot at pasulyap na nakatingin sa akin..

“sige beth pili lang kayo ni lyn at dito lang kami ni nanay at may pag uusapan lang kami”.. Ang nakangiti kung tugon kay beth..

“opo sir pao”.. Ang matipid na tugon ni beth…

Matapos ay naglakad lakad kami ni nanay habang patingin tingin ako parin ng mga damit…

“maganda ang anak ni beth”.. Parang may hawig sya kay yengyeng ah “.. Bakit nga pala sinamahan mo silang mamili anak?”.. Ang tanung ni nanay sa akin…

Di muna ako nakasagot kay nanay.. Nag tatalo ang aking puso kung sasabihin ko ang katutuhan kay nanay o sadyang itatago ko sa kanya…

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nag salita…

” naawa ako sa sitwasyun nila beth nay.. Napag alaman ko na may sakit ang mister nya kaya palagi syang lumuliban sa trabaho..” naawa ako sa anak nya dahil nakita mo naman ang kanyang ayus nay.. Nakita ko ang sarili ni yengyeng sa kanya kaya ako ang nag treat sa kanila na bilhan ng damit ang anak nya na si lyn..”.. Ang turan ko kay nanay…

“nakita ko nga at naramdaman ko nak na parang magaan ang loob ko sa anak nya.. Kawangis kasi sya ni yengyeng.. Morena lang yung bata..”.. Sa totoo lang anak mapapagkamalan na anak mo yung bata kasi may hawig sayo.. Hawig sila ng apo ko..at di ko maintindihan magaan talaga ang loob ko sa bata na yun. “.. Ang turan ni nanay.. Habang naka tanaw kina beth at lyn na pumupili parin ng damit..

Tahimik lang ako sa tinuran ni nanay.. Parang gusto ko nang sabihin kay nanay ang katutuhanan ngunit natatakot ako dahil baka di nya ako maintindihan kung sasabihin ko sa kanya..

“anak”.. Madaming damit doon si yengyeng na di na nya masyadong nagagamit pwede natin yung ibigay sa kanya.. Para naman mapakinabangan at di na din naman nya nagagamit ang mga iyun sa dami ng damit nya.. “ang turan ni nanay…

” magandang idea nga yun nay”.. Ang turan ko sa kanya…

“hi papa..”.. Ang nakangiting bati sa akin ni yengyeng sabay nya akap sa aking biwang mula sa aking likuran…

“oh…hahaha.. Namiss mo kaagad si papa nak?.. Ang nakatawa kung turan sa kanya..

” hehe dito ka rin pala pa”.. Gumala kasi kami ni lola at mama eh.. “.. Ang nakangiting turan ni yengyeng..

” saan na si mama mo? “.. Andun pa po nag babayad pinauna nya ako dito..”.. Gusto mo pa? “.. Sabay nya abot ng drinks na kanyang binili sa akin…

” salamat nak.. Bait naman ng anak ko sabay ko halik sa kanyang noo..

Mayamaya ay hinanap ko si nanay dahil nawala sya sa aming tabi ni yengyeng.. At tumingin ako sa kinaroroonan nila Beth at nakita ko si nanay doon na kasama sila Beth at lyn at parang may pinag uusapan sila..

“oh pao.. Dito ka pala?”.. Ang gulat na turan ni donita habang bitbit ang snack na kanyang binili..

“nagkita na ba kayo ni nanay?”.. Kasama namin sya nawala na di ko makita”.. Hehe.. Ang naka ngiting turan ni donita..

“ayun po ma”.. Papunta po sa banda roon”.. Ang turan ni yengyeng na naka turo sa deriksyun ni nanay…

“ahh ganun ba”?.. Ngunit di naman masyadong tumingin si donita kung saan banda si nanay dahil naka tingin sya sa snack na binili nya na ibibigay nya sa akin..

Tahimik lang ako at di mapalagay.. Naasiwa ako sa sitwasyun ngunit sandyang di ako nag papahalata at pinipilit kung maging mahinahon..

“sya nga pala pao”.. Bakit ka nandito sa mall? “.. May bibilhin ka ba?”.. Ang tanung ulit ni donita habang inaabot sa akin ang kanyang biniling snack..

“salamat teng..”.. Ang turan ko sabay ko kuha sa kanya ng kanyang iniabot sa akin..

“masarap po yan papa.. Favorite ko yan.. Tikman mo po”.. Ang nakatawang turan ni yengyeng habang naka yapos sa kaliwang bisig ko..

“oo nga pao..” masarap nga yan nako talagang yung anak mo nayan kahit mahaba ang pila eh pumila talaga kami para lang dyan.. “.. Ang nakangiting turan ni donita..

” favorite nya kasi yan teng kaya yan palagi ang binibili nya dito “.. Ang paliwanag ko kay donita ngunit medyo naka hinga ako konti dahil nakalimutan na nya ang tanung nya sa akin…

” oh pao.. Di mo pa ako sinasagot.. Bakit ka nandito?”.. Ang tanung ulit ni donita habang nakatingin sa akin..

Nakatingin lang ako sa kanya.. Di ko alam ang aking sasabihin.. Di ako makapag isip ng oras na yun.. Nababahala akong sabihin sa kanya na ang kasama ko ay si beth at ang kanyang anak.. Nababahala ako na baka maghinala sya bakit kasama ko si beth at anak nya sa mall..

“pao?”.. Naka tulala ka nanaman.. Anu na?.. Ang tanung ulit ni donita.. Na mahahalata ang pagka seryuso sa kanyang mukha…

Mag sasalita na sana ako ng madinig ko ang boses ni nanay na nag salita sa aming likuran..

“ahh pao nak” .. Niyaya ko nalang si beth at ang anak nya na kumain na lang kasama natin.. Tutal manananghalian naman tayo eh sama nalang natin sila.. “.. Ang nakangiting turan ni nanay habang nakatingin sa amin ni donita at katabi nya sina beth at lyn..

Nagulat si donita at napatingin sya kina beth at lyn.. Napako ang tingin nya kay lyn.. At pag katapos ay inilipat nya ang tingin kay yengyeng.. Palipat lipat ang tingin nya sa dalawang bata..

Si yengyeng din ay naka tingin kay lyn ngunit tahimik lang sya na may matipid na ngiti sa labi…

“ahh diba sya yung nag tatrabaho sa store mo pao?”.. Ang turan ni donita sa akin…

“oo teng.. Sila ang kasama ko kanina…si beth at si lyn naman anak nya.. ang turan ko kay donita…

” ahh ganun ba? “.. Ang turan ni donita ngunit mahahalata sa mukha nya na naguguluhan…

“hello po ma’am.. Ang nakangiting turan ni beth..

” hello “.. ang tugon naman ni donita kay beth…

” oh sya hanap muna tayo ng kakainan natin at doon tayo mag kwentuhan.. “.. Ang aya ni nanay sa amin..

“ahh..sir pao”.. Wag nalang po.. Nakakahiya naman po.. At baka nag hihintay na po kasi ang asawa ko wala pong mag aalaga sa kanya doon, kainan na po kilangan na po naming bumalik sa hospital.. “.. Ang turan ni beth..

” kumain lang muna kayo ng anak mo beth at mag tatake out din tayo ng pag kain para sa kanya.. Ihahatid ko kayo sa hospital.. Sa ngayun ay kumain muna tayo at gutom na sigurado si lyn.. Ang turan ko na may otoridad sa aking boses.. Wala na akong pakialam kung anung iisipin ni donita..

Naaawa ako sa sitwasyun ni beth at lalo na sa aming anak… Gusto kung bigyan din ng magandang treatment ang anak namin ni beth dahil dugo ko din sya.. Kung anu mang isipin ni donita ay handa kung harapin..

Tahimik lang si beth.. Di na sya sumagot sa itinuran ko sa kanya…

“ang mga pinamili mo pala beth kay lyn?”.. Naka bili na ba kayo? “.. Bayaran na lang natin..” ang tanung ko sa kanya..

“nabayaran ko na pao..”.. Ang layo mo kasi ako na ang nag bayad, iniwan lang muna namin sa baggage counter, balikan lang mamaya pag labas natin… Ang turan ni nanay sa akin..

“ahh ganun ba nay? salamat nay”.. Halina kayo at mag hanap na tayo ng kainan.. “ang turan ko at hinawakan ko si yengyeng sa kanyang kamay at nag hanap kami ng kainan…

Magkakasama kaming nag lakad ng makakainan.. Tahimik lang si donita na nakasunod din kay nanay…

Matapos naming mag hanap ng kainan ay agad ko silang pinaupo at nag order ako ng aming makakain..

Inaya ko ang dalawang bata na sumama sa akin para maka pamili sila ng kanilang gustong pagkain.. Iniwan ko sa lamisa sina donita, beth at nanay na nag uusap…

Tinanung ko si yengyeng kung anung gusto nyang pagkain at tinuro nya ang mga gusto nya.. At tinanung ko din si lyn at medyo nahihiya pa syang magsabi kung anung gusto nya..

“kahit anu lang po.” ang matipid na turan ni lyn..

Napaka mahiyain ni lyn.. Nakita ko ang pag kakaiba ng kanilang ugali ni yengyeng… Tahimik lang si lyn at palagi syang pasulyap sulyap kay yengyeng.. Naka ngiti lang din si yengyeng..

Dahil siguro sa kinalakihan ni lyn kaya tahimik lang sya.. Kaya ako na ang nag order sa kanya at pagkatapos ay dinala ko na sa aming lamisa ang pagkain kung saan sila nag hihintay…

Di ako maka paniwala na mag kasama sa isang lamisa sina donita at beth pati ang mga anak namin.. Nakikiramdam lang ako dahil medyo naiilang ako sa sitwasyun namin..

Naabutan ko na nag uusap sina nanay beth at donita habang inilalapag ko ang aming pagkain sa lamisa..

“nakaka awa naman itong sitwasyun ni beth pala anak..” ang turan ni nanay sa akin pag kaupo ko sa lamisa katabi ni donita..

Pasulyap sulyap si donita kay beth at sabay sya titingin kay lyn.. Tahimik lang si donita at di masyadong nag sasalita..

Nararamdaman ko si donita na may iniisip dahil naninibago ako sa kanyang katahimikan.. Nakangiti sya at nakikinig lang sya sa mga sinasabi ni nanay.. Si beth naman ay sumasagot lang sa mga tanung ni nanay sa kanya…

Tahimik lang akong kumakain at nakikiramdam lang ako kina beth at donita.. Alam ko na nahihirapan din si beth sa sitwasyun nya lalo pat alam nya na di alam ni donita ang tungkol sa aming anak…

Si lyn naman ay tahimik din na kumakain at palagi syang pasulyapsulyap kay yengyeng na sarap na sarap sa kanyang favorite na pagkain na sya talaga ang pumili..

Matapos naming kumain ay kinuha namin ang pagkain na take out order ko at dinaanan na din namin ang mga pinamiling damit kay lyn at beth..

Sumakay sa sasakyan si nanay kasama ni donita at yengyeng at ako naman ay nag hatid kina beth at lyn pabalik sa hospital…

Matapos kung maihatid si beth at lyn ay nag paalam na ako sa kanilang mag asawa.. Abot abot ang pasasalamat ni Roger sa mga dala ni beth sa kanya… At sinuklian ko lang ito ng ngiti.. Ang gaan ng loob ko na kahit paano ay nakatulong ako at naka bonding ko si beth at aking anak na di ko alam kung mauulit uli…

Hinatid ako ni beth sa sasakyan ko ng akoy paalis..

“pao.. Nahalata ko kanina ang asawa mo ay tahimik lang.. Naiilang ako sa kanyang katahimikan.. Sana umuwi na lang kami kanina ni lyn.. Baka mag hinala sya kay lyn dahil palagi ang sulyap na tingin nya dito…

” hayaan mo na beth.. Nakahanda na din naman ako kung anu man ang kahahantungan mamaya pag dating ko sa bahay.. Nararamdaman ko na din naman kanina yun habang kumakain tayo..” ang turan ko kay beth..

“pasensia ka na pao ha.. At salamat sa lahat at sa mga pinamili mo kay lyn at sa akin at pati na kay Roger ..”.. Mag ingat ka.. Ang nakangiting turan ni beth…

Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at akoy umuwi na..

Pag dating ko sa bahay ay ipinarada ko sa tabi ng sasakyan ni donita ang aking sasakyan.. Pag pasok ko sa loob ay nasalubong ko si donita na lumabas sa kusina at may dalang tasa ng kape..

“nadyan ka na pala pao”.. Gusto mung ipag timpla kita ng kape? “Ang turan nito sa akin..

” ahh sige teng.. Ang tugon ko naman na nakangiti..

Medyo natuwa ako ng bahagya dahil parang wala akung nahahalata na di maganda sa galaw ni donita.. Normal ang kanyang mga galaw sa oras na yun..

Naupo ako sa sofa sa terrace at nag hintay kay donita.. Ilang sandali lang at daladala na ni donita ang kape at tumabi sya sa akin..

“salamat teng..” ang turan ko sa kanya at sabay ko halik sa kanya sa pisngi…

“isang matamis na ngiti ang kanyang isinagot sa akin habang naka tingin sa aking mata..

” si nanay nga pala teng saan?.. Ang tanung ko sa kanya..

“nasa kwarto ni yengyeng at nag aayus sila ng mga damit ni yengyeng na di na nya masyado nasusuot at i bibigay daw nila sa anak ng empleyada mo.. Si beth ba yun?”.. Ang turan ni donita..

“oo teng si beth yun..” ang turan ko…

Tahimik lang si donita at panay ang higop nya ng kape.. Medyo naninibago nanaman ako sa kanyang katahimikan… Di ko maiwasan na makadama ng kaba sa ipinapakita nanamang katahimikan ni donita sa akin…

Tahimik lang din ako at nakikiramdam sa kanya… Nag dadasal na sanay maging maayus lang ang lahat.. Ngunit sa isang banda ay nag tatalo din ang aking isipan.. kung anu man ang mangyari at kinakailangan na sabihin kay donita ang katutuhanan ay wala akong magagawa kung di sabihin ang tutuo sa kanya.. Di ko maintindihan ang aking sarili matapang ako sa isang banda ay naduduwag nama sa pag sabi ng katotohanan kay donita..

“bahala na”.. Ang bulong ko sa aking sarili..

Nag tatalo ang aking isipan ng mag salita si donita..

“pao.. May itatanung ako sayo..”.. Ang turan ni donita sa akin…

Kinabahan ako at napatingin ako sa kanyang mata.. Nag kasalubong ang tingin namin sa isat isa ni donita…

Itutuloy…

Scroll to Top