Utang Na Loob (71) End by: aero.cock78

Continuation…

Masaya kaming kumain ng tanghalian.. Parang wala lang nangyari sa part ni donita.. Nakikipagpalitan din sya ng mga kurokuro sa harap ng hapag kainan…

Tahimik lang ako at naka ngiti habang nakikinig.. Panakanaka ay tumitingin ako kay donita…

“anak.. Kain ka pa.. Ang turan ni donita kay yengyeng dahil ang bilis nanaman nyang matapos at akmang aalis na..

” busog na po ako ma”.. Ang turan naman ng aking anak..

“kain ka pa nak.. Kaya payat ka eh di ka kumakain..” ang pasunod ko ding turan…

Nakasimangot na bumalik sa upuan ang aming anak na si yengyeng at muli kung nilagyan ang kanyang pinggan ulit ng pagkain..

“papa.. Papa.. Tama na po yan.. Di ko na po yan mauubus.. Mamaya susuka na ako nyan.. Busug na ako..”.. Ang turan ni yengyeng habang nakahawak sa aking kamay na may hawak ng serving spoon na may ulam na inilalagay ko sa kanyang pinggan..

“ok sige.. Basta ubusin mo yang inilagay ko sayo ha..”.. Ang turan ko..

Nakatingin si donita na naka ngiti kay yengyeng.. Ako din ay nakangiti din..

“nako yang anak nyu talaga na yan.. Pihikan talaga yan..”..ang sabi ni manang na nakangiti din..

“hay nako saan ba yan mag mamana eh di sa ama nya na pag kumain nung bata ay naduduwal..” payatot din yan nung bata pa si pao.. Pihikan din yan sa pagkain dati.. “.. Haha.. Ang nakatawang turan ni nanay…

At sabaysabay kaming nag tawanan….

” ahhh nay.. Pwede ba kaming lumipat ni pao at ni yengyeng sa pinatayo kung bahay?”… Para po kasi talaga yun sa aking mag ama kaya ipinatayo ko ang bahay na yun…”.. Alam ko po na may bahay din na sarili si pao ngunit gusto ko po sana na bago ako bumalik sa America ay maiwan ko ang mag ama ko sa bahay namin na ipinagawa ko.. “.. Ang seryusong turan ni donita na nakatingin kay nanay..

Tumingin si nanay kay donita at lumipat ang tingin sa akin.. Napatingin din ako kay donita…

” si pao ang kausapin mo teng.. “.. Kung ako ang tatanungin mo walang problema sa akin yun.. Maganda din na doon kayo tumira sa ipinagawa mung bahay dahil sayang naman yun kung di matitirhan.. Malaking bahay pa naman yun.. “.. Pag usapan nyung dalawa”.. Amg turan ni nanay kay donita…

Napatingin si donita sa akin… Nagkatinginan kaming dalawa…

“tika nga pala.. Kilan ba kayo mag papakasal?…puro kayo may sariling bahay ni pao.. Ngunit di ko nadinig sa inyo na nag plano kayung mag pakasal ah”.. Ang naka kunot na noo ngunit naka ngiting turan ni nanay na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni donita…

Dumukot ako sa aking bulsa at may kinuha ako..wala ang singsing sa aking bulsa… Naalala ko pala na nag palit pala ako ng aking damit na pangbahay.. Nakalimutan ko pala sa aking pantalon ang engagement ring na binili ko kay donita…

Akmang tatayo ako sa aking pag kakaupo ng magsalita si yengyeng..

“ay papa may napulot po akung singsing sa kwarto nyu ni mama kanina.. Pumasok po kasi ako doon humiram ako ng charger ng cell eh.. Nakita ko po sa sahig kaya pinulot ko po..”.. Ang turan ni yengyeng sabay abot ng singsing sa akin…

“salamat nak.. Para kay mama mo pala yan..”.. Ang nakangiti kung turan…

Napatingin si donita sa akin na medyo namula ang kanyang mata.. Nakatitig sya sa akin…

Kinuha ko ang kaliwang kamay ni donita at tumitig ako sa kanya…

“will you marry me teng?”.. Ang turan ko sa kanya na nakangiti…

Nakatitig din si donita sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.. Dumaloy ito sa kanyang pisngi at tumulo sa lamisa…

“yes pao!.. Yes! … Ang tumatango at nakangiting turan ni donita habang humagulgul na ng iyak at yumakap sa akin…

Niyakap ko din sya ng buong higpit at sumubsob si donita sa aking dibdib… Naluha din ako sa itinuran ni donita sa akin.. Lubos lubos na tuwa ang aking nadarama ng mga oras na iyun.. Walang kasing saya ang aking nadarama na sa wakas ay mapapakasalan ko na din si donita…

Tahimik lang na nakatingin sa amin si nanay, si yengyeng at manang.. Nagulat din sila sa aking di inaasahang pag propose kay donita…

Ilang sandali lang ay bumitaw na si donita ng pag kakayakap sa akin at pinahid ko ng aking palad ang kanyang mukha sa mga luha na umagos sa kanyang pisngi…

“congrats sa inyung dalawa.. Mabuti at naisipan mo na anak na pakasalan si teng.. Matanda na kayo.. Lagpas na nga kayo sa kalendaryong dalawa.. Hehe..”at mag dadalaga na ang anak nyu.., mabuti naisipan nyu nang lumagay sa tahimik.. ang nakangiting turan ni nanay habang nakatingin sa aming dalawa ni donita…

Nakangiti lang kami ni donita na nakatingin kay nanay…

” sya nga pala kilan ba kayo mag papakasal diba ilang araw na lang at babalik ka na teng sa America?”.. Ang turan ni nanay habang naka tingin kay donita..

“pag balik ko na lang po galing ng America nay… May dapat pa po akung ayusin doon at pagkatapos nun ay uuwi na ako dito at dito na po ako pipirmi..”.. Ang turan ni donita kay nanay na nakangiti…

“nako madami pa palang mang yayari nun.. Di ka ba natatakot na sa ilang taon pa ay baka mapurnada ang kasal nyu?”.. Ang turan ni nanay kay donita na nakatingin sa kanyang mga mata…

“may trust po ako kay pao nay.. Iniwan ko po sila ni yengyeng at nadyan pa din sya kasama ang aming anak.. At nag hihintay parin sa akin.. I have reason to trust him and to love him dispite of the obstacles.. Ang anak po namin ang reason nay.. Natuto po akung mag patawad at humingi din ako ng tawad kay pao sa mga taon na nawala ako sa kanila ni yengyeng.. Ngayun ko na realized ang pag kukulang ko.. Kaya wala po akung dapat na ikatakot dahil alam ko po na mahal po ako ni pao.. At mahal ko din po sya.. “.. Ang turan ni donita na umaagos ang luha sa kanyang mga mata habang itoy kanyang sinasabi kay nanay..

” namula ang mata ni nanay sa itinuran ni donita.. Pati din si manang ay tahimik din at namumula ang mata…

Tahimik lang ako na nakatingin kay donita.. Lumukso ang puso ko at di ko din napigilan na maluha ang mata sa kanyang tinuran.. Ibang iba na si donita nung dati kaming magkasama.. Mature na talaga sya.. At mas lalo ko pa syang minahal dahil sa kanyang sinabi sa oras na yun…

“salamat teng”.. Salamat sa pag mamahal mo sa aking anak”.. Alam ko na may pinag dadaanan kayo ngayun ni pao.. Nakikiramdam lang ako sa inyung dalawa ngunit pinili ko lang na tumahimik at ipaubaya sa inyung dalawa ang pag aayus kung anu man ang pinagdaanan nyu.. Nagdadasal lang ako palagi na maging maayus na kayo para sa aking apo.. At mukha ngang dininig ng panginoon ang aking panalangin.. Hangad ko ang inyung kaligayahan at matibay nyung pag mamahalan ni pao”.. Ang naiiyak na turan ni nanay… Tumayo si donita at pumunta kay nanay at kanya itong niyakap…

Naging madamdamin ang tagpong iyun… Di ko na napigilang umiyak dahil sa tuwa.. Si manang ay naiyak na din sa mga oras na yun.. Si yengyeng ay tahimik lang na nakamasid at nakikinig lang din..

Niyakap ko ang aking anak.. At hinalikan ko sa noo at niyapos… Yumakap din si yengyeng sa akin..

Iyun ang tagpo na di ko makalimutan sa buong buhay ko.. Ang gaan ng aking pakiramdam sa mga oras na yun.. Punung puno ako ng pag mamahal..

Matapos kaming kumain ay pumunta kami ni donita sa terrace at nag pahinga.. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa.. Naka akbay ako sa kanya samantalang nakapatung naman ang kanyang kanang kamay sa aking hita..

Kinuha ko ang aking kamay na naka akbay sa kanya at sinalikop ko ng aking kaliwang palad ang kanang palad nya..

Tumitig ako sa kanya at tumitig din sya sa akin…

“Patawad teng ha..” ang turan ko sa kanya habang hinalikan ko ang kamay nya…

“naintindihan kita pao.. Kasalanan ko din kung bakit ka nag karoon ng ganung relasyun sa ibang babae, matagal akung nawala sa iyo, kaya may kasalanan din ako sa lahat.. Nakausap ko na sya..”ang turan ni donita sa akin…

” bakit di ka nagalit teng? “.. Inaasahan ko na magagalit ka sa akin dahil sa natuklasan mo ulit na aking ginawa…

” masakit kung iisispin ko, ngunit mas pinili ko na buksan ang aking isipan at intindihin ka.. At besides napakabait sa iyo ng babae na yun.. Biruin mo gumawa pa sya ng paraan para di ka mapahiya at mahuli sa aking harapan.. Kung nakakaintindi sya sayo.. Bakit hindi ko magawa”…mahal ko kayo ng ating anak kaya mas pinili ko na intindihin ka kisa mangibabaw ang galit at selos… Alam ko na mahal na mahal mo ako at nararamdaman ko iyon.. Ngayun ko na realized kung gaano mo ako kamahal kami ng anak natin”.. Ang turan ni donita na muli na namang tumulo ang luha at sabay nya siil ng halik sa aking labi…

Di ako nakasagot sa kanyang sinabi.. Tumagos sa aking puso ang kanyang tinuran.. Naluha ako sa pag tanggap nya sa akin at sa pag papatawad sa aking mga nagawa sa kanya.. Mas lalo kung minahal si donita… Mas lalo akung nainlove sa kanya sa mga oras na yun.. Niyakap ko sya ng mahigpit habang magkahugpong ang aming mga labi…nasa isip at puso ko na kilangan ko ng talikuran ang lahat para masuklian ang pag mamahal ni donita sa akin.. Para masuklian ko din ng taus pusong pagmamahal ang taus pusong pagmamahal nya sa akin…

Lumipat kaming tatlo ng aming anak na si yengyeng sa bahay ni donita.. Doon namin itinuloy ang konting araw nya sa pilipinas bago sya bumalik sa America…

Masaya kaming tatlo sa aming bagong bahay na mag kasama.. Dama ko ang tuwa sa puso ni donita, dama ko ang ningning ng kanyang mga mata habang naka tingin sa aming dalawa ni yengyeng.. Naging malapit na talaga si yengyeng sa kanya at talagang ginugol nya ang oras nya sa aming anak, bilang ina at bilang asawa sa akin…

Gabi gabi ay mainit kaming nag niniig.. Gabi gabi ay mag kahugpong ang aming mga katawan..walang sawa sa pag bibigay ng ligaya sa isat isa… Para kaming palaging bagong kasal na pinag sasaluhan ang masarap na pag niniig na may halung pagmamahal… Walang kapaguran buong magdamag.. Napakasarap ng pakiramdam habang habol ang hininga at mag kayakap kami ni donita sa kakatapus lang namin na pagtatalik… Basang basa ang katawan sa pawis ngunit may mga ngiti sa labi dahil sa luwalhating nakamit namin na may kasamang pagmamahal sa isat isa..

lahat ng aming oras ay ginugol naming tatlo na mag kasama.. Binuhos ni donita ang lahat ng oras sa amin ng aking anak…

Ilang araw bago umalis si donita ay na operahan ang asawa ni beth.. At laking pasasalamat namin dahil naging matagumpay ang kanyang operasyon..

“maraming salamat sa inyo sir pao at ma’am donita.. Kung di dahil po sa inyo ay malamang wala na po ang asawa ko.. Huhuhu.. Utang na loob po namin ang lahat po sa inyo”.. ang umiiyak na turan ni beth sa aming dalawa ni donita..

Gayun din si Roger ay tumutulo din ang luha dahil sa tuwa at pasasalamat sa matagumpay na operation sa kanya…

Dama ko din ang tuwa sa mukha ni lyn mababakas sa mukha nya ang tuwa sa kanyang kinikilalang ama.. Natuwa na din ako dahil sa pamamagitan nyun ay makabawi man lang ako sa aking anak.. Na alam kung may mag mamahal sa kanyang ama.. Kahit di nya ito tunay na ama ay alam ko na mamahalin sya nito bilang isang anak at masaya ako dahil masaya nanamang mag sasama ang pamilya ni beth kasama ng anak namin…

Tuwang tuwa naming nilisan ang hospital ni donita ng oras na yun.. Magaan ang loob naming dalawa dahil tagumpay ang aming pagtulong sa kanila..

Dumating ang araw ng pag alis ni donita pabalik sa America.. Magkayakap kaming tatlo ng aking anak sa departure area.. Tumutulo ang kanyang luha sa kanyang mga mata..

“pao.. Wag mung pababayaan ang ating anak ha”… Pag balik ko sa 2021..mag kakasama na tayung muli at di na tayo mag kakalayo pa… Ang garalgal na turan sa akin ni donita…

Tumango ako na umaagos ang luha sa aking mga mata.. Di ako maka pagsalita sa mga oras na yun.. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa muling pagkakalayo namin ni donita.. Ngunit sa isang banda ay nakaramdam din ako ng tuwa dahil kahit sa maikling panahon na ginugol nya dito na kasama kami ng anak ko ay maraming bagay kaming natutunan.. Maraming bagay ang Dumating sa amin, mga bagay na di inaasahan na nag turo sa amin kung papano mag patawad at mag mahal ng tunay… Ang pag mamahal na iyun ang magiging gabay ko at lakas sa ilang taon nanaman na magkakalayo kami ni donita hanggang sa syay bumalik sa muli naming pag sasama at pag buo ulit ng aming pamilya…

Isang napakahigpit na yakap at halik ang iginanti ko kay donita… Parang ayaw ko syang pakawalan sa mga oras na yun..

“mama.. Babalik ka ha”… Pangako.. Di ka na aalis ulit.. “ang umiiyak na turan ni yengyeng kay donita…

” oo anak pangako”… Ang tumutulo ang luha na turan ni donita habang yakap ng mahigpit ang aming anak…

“o sya.. Papasok na ako.. Tama na yan na iyak.. Gusto kung masaya kayo habang paalis ako.. Ang turan ni donita na tumutulo parin ang luha sa kanyang mga mata at pilit na tumawa…

” sige teng.. Dito lang kami ng ating anak.. Hihintayin ka namin sa muli mung pagbabalik..”.. Ang turan ko habang tumutulo parin ang luha at nakayapos sa aking braso si yengyeng at umiiyak parin..

“mahal ko kayung dalawa ng anak natin pao..” wag nyu yang kakalimutan.. “.. Ang turan ni donita at pagkatapos ay tumalikod na sya papasok..

Parang sasabog ang puso ko habang nakatanaw kay donita na naglalakad papalayo sa amin ng aking anak.. Ito ang pinakamasakit na oras at pinakamalungkot… Ngayun lang ako nakadama ng ganun kalungkot…

“hihintayin ka namin ng ating anak teng.. Dito lang kami na mag mamahal sa iyo…”.. Ang bulong ko sa aking sarili…

Pilit kung pinatahan ang aming anak na si yengyeng dahil yumakap sya sa akin at umiyak ng umiyak.. Matagal ko syang pinatahan..

Ilang araw din bago naka recover si yengyeng sa pag alis ni donita.. Araw araw ay nag vevedio call silang mag ina na nakabawas din sa lungkot ni yengyeng…

Ako naman ay isang taon bago ulit nakabalik sa barko ngunit sa pag kakataong ito ay isang second officer na… Bumalik lang ulit ako sa barko para sa career development ko at para maabot ko ang aking pangarap na maging isang kapitan.. Pag nakamit ko yun ay mag papahinga na ako sa pag babarko at gugugulin ko na ang aking panahon sa aking pamilya..May promotion na din ako for chief officer.. Gusto ko na bago bumalik si donita dito sa pililpinas ay makamit ko na ang pinakamataas na posisyun sa career ko..

Pilit ko na ding iniwasan ang pinsan ko kahit mahirap iwasan ay pinilit kung umiwas, mabuti nalang at naintindihan nya din ako… Nangako ako kay donita na mamahalin sya at tatalikuran ang mga bagay na ginagawa ko nung una…

Akoy umaasa na mapanatili ko ang aking pangako kay donita at iniiwasan na huwag na muling matukso…

Dito muna nag tatapos ang kwento ng aking buhay.. Simple lang ang aking buhay.. Ngunit Punong puno ito ng pagmamahal, excitement , pain and lust.. Ngunit ang nag pabuo sa aming pamilya ay ang pagtanggap sa aming pagkakamali at ang pag papatawad at pagmamahal sa kabila ng mga kasalanan… Naway maka bigay ng aral ito sa mga nagbabasa ng kwento ng aking buhay… Ang aking buhay na matatanaw ko na UTANG NA LOOB sa ating panginoon…

End….

Scroll to Top