ni Shymalandi
Lumipas ang mga buwan na walang balita mula kay Vince. On the 6th month na wala syang balita ang binali na ni Diane ang kanyang pangakong hindi magtetext. Hindi man nya gusto makipaghiwalay sa text lang ay nagpadala sya ng msg nang pamamaalam at pagtapos ng 3kanilang relasyon. Feeling nya kasi ay nangangapa sya sa dilim kung ano na ang kondisyon ng relasyon nila. Dagdag pa dito ang inis sa pagpayag nyang huminto ang mundo nya para lang antayin ang nobyong hindi man lamang sya maalala.
A few days after, may text msg na gumising sa kanyang araw ng bakasyon. Mag alas 10 na ng umaga nung mabasa nya ang msg ni Vince.
“Nasan ka? Meet kita sa mall kung san tayo una nagkita. Kasama ko si Eric mamaya para makalabas ako ng hindi magdududa si Rizza. Meet tayo kahit sandali lang. Kinapos ako ng pera panghulog sa motor. Alam mo naman ang gastos sa mga bata. Ikaw lang pwede o lapitan honey. Bayaran kita kapag makuha ko na bonus ko.”
Inis na inis si Diane na yun ang gumising sa kanyang araw ng pahinga. Sa isip nya, hindi ba talaga nakakaintindi na ayaw na niya? Hindi ba nagpaalam na sya ilang araw na nakalipas? Dineadma na lamang nya ang text at hindi sinagot.
After 30 mins…
“Honey natanggap mo ba yung text ko kanina? Nandito na kami sa mall kung saan tayo una nagmeet. Antayin kita hanggang 12nn. Kita lang tayo sandali, hindi pa kasi ako makadalaw sayo. Pahiram ako ng 1,500 kasi kinapos. Panghulog ko lang sa motor. Na-skip ko na kasi ang hulog ng dalawang buwan at kapag hindi ako makahulog ngayon ay mawawala na ang motor sa akin. Babayaran naman kita kapag nakuha ko na ang bonus ko. 12nn ha, antayin kita. Pa-load na din pala kahit 20 lang.”
Hindi na makapagpigil sa gigil, sinagot ni Diane ang text.
“Dumaan ang pasko, bagong taon at valentines day ni hindi mo ako naalala tapos ngayong kailangan mo ako magtetext ka at demanding ka pa? Kagigising ko lang alam mo ba? At hindi mo ba natanggap ang text ko a few days ago na ayaw ko na Vince. Pagod na ako ka-aantay sayo.”
Walang reply.
Akala ni Diane ay ok na pero after 1 hour…
“Honey, kailangan makauwi na ako sa bahay ng ala una na nakabayad na sa motor kundi ay lalayasan na ako ni Rizza. Mabibisto nya na hindi ako sa kumpare ko ako pumunta para kunin yung perang hihiramin ko.”
Gigil na gigil si Diane sa kakapalan ng mukha ni Vince. Hindi nya maisip ano ang nakita nya dito nung umpisa at nahulog ang loob nya. Napapayag pang maging nobya nito. Ganun ba sya kabulag at kalibog for the past years? Nagpasya si Diane na puntahan na rin ang lalaki sa mall.
“Antayin mo ako. Dating ako ng 12:30.”
Nang magkita sila ay inabot na lamang nya ang perang kailangan. Alam nyang hindi rin naman sya susuyuin dahil kasama ang bunsong anak nya.
“Ito na ang perang kailangan mo. Wag mo.na bayarab kahit yung mga dati mong utang. Wag mo na ako kontakin kahit kailan. Wag mo na ako tawaging honey. Wala na tayo. You don’t need to find time at piliting makapunta sa akin. Goodbye.”
Umalis sya na hindi na nag-antay magsalita si Vince. Ni hindi na muli nilingon ang dating kasintahan.
That was March 2007.
Hindi nga agad kumontak si Vince pero for years ay nakakatanggap pa rin sya ng message sa social media. Mula Friendser, Multiply at even nga sa Facebook hanggang sa isang araw ay…
Nagriring ang phone ni Diane na may unknown Dubai number. Inisip nya namiss-call lamang ito ng pinsan nyang nag abiso na nagpalit na sya ng number kasabay ng pagpalit nito ng trabaho. Ngunit hindi tumigil agad ang pag-ring ng kanyang telepono.
“Hello! Di naman need pa tumawag Abby kasi may facebook naman. May ipapabili ka ba para maipadala sayo?” Masayang bati nya sa tumawag.
“Hi. May inaabangan ka palang tawag galing dito sa Dubai. Kamusta ka na? Miss na kita. Malungkot ang buhay dito sa abroad. Nakkailang buwan na din ako dito. Ito nga at ngayon lang nakaluwag at bumili agad ako ng card para matawagan ka at ibalitang nandito ako. Maayos naman na sweldo nakabreak din sa wakas.”
Tulala si Diane. Kilala nya ang boses kahit pa hindi ito magpakilala. Kasama nya nun for lunch ang kanyang pamilya kaya hindi sya pwede magreact ng kakaiba. Lumabas syang saglit para hindi makagalitan ng kanyang sa pagtataray nito…at tyak na magtataray nya.
“Bakit ka tumawag? Wala na tayo dapat pagusapan pa Vince”
“Wala. Nangangamusta lang. Sana masaya ka. Bakit pala hindi mo.man lang sinasagot mga sulat ko sayo sa Facebook?”
“Bakit pa Vince. Wala ba nga tayo diba.”
“Hindi ba pwedeng maging kaibigan mo man lang ako? Sorry sa mga nagawa ko. Sana mapatawad mo ako. Sana may boyfriend ka na ulit.”
“Wala pa. At wala pa akong balak.”
“Basta wag ka na hanap ng kagaya ko. Sana yung ayos ang work at single. Wag mo ibigay agad katawan mo ha. Sigurado akong yan ang habol nila sayo.”
“Pakialam mo ba Vince?”
“Syempre umaasang mapatawad mo ako pagdating ng panahon.”
“Tapos?”
“Alam mo na…miss ko na ikaw e. Kahit nagka girlfriend akong iba, wala naman pumantay sayo. Pagumuwi ba ako payag ka ulit?”
Hindi makapaniwala si Diane sa naririnig nya. Nagpipigil syang wag magtaray at magtaas ng boses. Gusto na nya ibaba ang telepono pero nabasa yata ng kausap nya ang isip nya…
“Uy joke lang. Pero wala masama kung papayag ka. heheeh ooops! Wag mo ibaba ang telepono. Huli na lang. Balita ko hinahunting ka ni Rommel. Ingat ka dun ha”
“Rommel”
“Yung anak ni kuya Richard. Lakas ng tama nun sayo. Hindi lang makaporma dati e hiwalay na daw sa asawa kaya pinagtatanong kung nasan ka. Hindi mo pa ba nababalitaan? Wag na wag ka magpapakita dun. Baka may ipainom sayo tapos ma-rape ka”
“Wow touch ako na concerned ka.”
“Syempre naman. Loves pa din kita Diane.
Nagpintig ang tenga nya sa huli nyang narinig kaya ibinaba na nya ang kanyang telepono. Nag-ring muli ito pero hindi na nya sinagot pa.
Akala ni Diane ay nakalimutan na nya ang lahat. Hindi pa pala. Nakatulog syang umiiyak nung gabing yun hindi alam ang gagawin para mawala ang sakit.
Kinabukasan ay tumambay sya sa internet cafe na tambayan nya. Napaglaruan ang Yahoo answers.
“How to heal a broken heart?”
“How to move on from the pain of heartbreak”
Yan ang mga pinagtatype nya. at nakakatawa ang mga sagot na nabasa nya.
– revenge, love again
– sleep around
– commit suicide
– drink to your heart’s content until all the pain is gone
– pig out, go on a food trip
– have a vacation
– meet someone new
– go on a speed dating
– enrol on dating sites
– chat with foreigners
– read, read, read
– buy new pillows
Nakakatawa man ay napaisip si sya. She needs a diversion at hindi lang work. Parang sira man ay ginawa nya ang mga “wholesome” suggestions.
Pagdating sa read read read…napahanap sya ng sex stories nung minsang taglibog sya pero wala namang kapareha. Nahanap nya ang isang site na may mga sex stories.
Sa dalas nya magbasa ay lagi syang taglibog at naghanap din ng mga makakadate sa dating sites. May eww pero may ibang maayos na makaraan ng ilang pagkikita ay alam nyo na hahaha
Kailan lang ay nagmessage ulit si Vince. Balik usap magkaibigan. Malalaki na ang mga bata at maayos na din naman ang relasyon nila ni Rizza.
Naikwento ni Diane ang kakulitan nga nung Rommel simula ng may makapagbigay ng contact info nya dito. Walang tigil na gusto makipagkita. Nakakakaba nga ang approach kaya hidni nya nakikipagkita.
May nga nanligaw pa ulit sa kanyang may mga asawa o hiwalay pero hindi nga lang legal or nagpa-annul kaya nagiging kaibigan na lamang nya. Hindi na ito ikinwento pa kay Vince para ibang bagay na lang ang kanilang pag-usapan. Madalas naman ay basketball o kaya nagpapaturo magluto dahil nga sawa na minsan sa pagkaing canteen.
May isang message lang si Vince na nagpahinto makipag usap si Diane.
“Honey, bakasyon ko sa isang buwan. Kita tayo?”
*seen*