What If…Part 6 by Shymalandi

“Noooooooo!”

“I have to leave. How’d he find me?”

Sunod na sunod na sigaw ko sa pagpapanic sa loob ng room.

Then sinigawan ako ng boses sa isip ko…

“Tanga ka ba or tanga-tangahan? Maglalaho ka immediately after isang success dahil sa isang basket of candies…tapos pumunta ka sa lugar kung san kayo dapat pupunta dati. Hindi ba parang you are wishing him back and be with you again?”

Napatigil ako sa paglalakad at nagsalita ng malakas kausap ang sarili.

“Oo nga naman!!”

“Arghhhh!!!”

“Now, all you have to do is just take a quick shower then pack your bags and go….hindi ka nya dapat abutan pa dito….sure yan na hindi nya alam exact room number mo kasi sa reception nya lang iniwan ang sweets para madala sa room mo. Diba?!”

“Or not?”

“Whaaaaaa!!!”

Nagpapanic na at pinaghahagis mga gamit sa maleta…naghubad ng pinangtulog at pumasok na sa bathroom upang maligo.

In 30 mins ay nasa labas na ako ng hotel. Buti na lang at hindi pa expired ang membership namin dito as frequent visitors. Kahit pa tagal na since last ako pumunta. At salamat sa over the phone check out kaya no need dumaan pa sa reception. Baka nasa lobby si Voltaire.

While waiting for the valet, may kumalabit sa balikat ko at inaalok ako ng Choc-nut. Sa taranta at I’m at my wits end ay mamalditahan ko na sana…

“Voltaire?!…”

“Alam kong galit ka pa…Choc-nut as peace offering?” Sabay ngisi na nagaalinlangan at nakikiramdam.

Maglalakad na sana ako papalayo para umiwas nang kunin ni Voltaire ang aking kamay at lumuhod sa isa nitong tuhod. Dun ko lang nakita na puno ng bulaklak ang entrance ng hotel at may banner na may nakalagay na “Will you marry me?”. Nagtakip ako ng mukha sa sobrang hiya. Ang daming tao! At may nagvivideo at picture pa. Pati ibang guests ay nagvivideo gamit ang kanilang phones! Pagtingin ko ulit kay Voltaire…maamo syang nakatingin hawak ang nakabukas na box na nagpapakita ng isang singsing na may malaking amethyst. Hindi yun ang birthstone ni ko pero yun ang birthstone ni Voltaire. Heart shaped…tapos in a ring…na binibigay nya sa akin. Lakas makalusaw ng galit ang buong eksena…

“…you remembered my dream proposal…”

Pero dapat di agad ako magpadala sa show na ito…

“Tumayo ka nga dyan! Ano ito? Sapilitan after mo ako takasan ng ilang taon?”

Sabay bitaw sa kamay na pumigil sa kanya, kinuha ang maleta at naglakad muling papalayo nang may tumugtog at natigil sya sa paglakad…

“I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you…

…kanta ni Voltaire habang naglakad papalapit kay Claire

Tumutulo na ang luha kong pilit ko pinipigil pero pinaghalong galit at tuwa na ang naramdaman ko na nasa harap kong muli si Voltaire…ngayon nga ay inaalok pa ako ng kasal.

Niyakap ako ng mahigpit at bumulong…

“Hindi kita pipilitin sumagot ngayon but my offer will wait. Hindi na ako aalis muli para iwan ka. I’ll stay with you. Nagresign na ako para wala na akong dahilan para bumalik agad sa US. I’ll look for a job here if you need time to decide. Me on the other hand, have decided to grow old with you my love.”

What to say at times like this? Ang madaldal na Claire was speechless. Literally speechless.

By this time, bumitiw sa yakap si Voltaire at muling lumuhod sa aking harapan.

“Uulitin ok ha…

Will you marry me Claire?”

Mas nauna pa sumagot at mag coach ang mga nakapaligid. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko – hala mukha akong tanga sa mga video nila. Lalo pa tuloy nakakaiyak e!

Sunod sunod na sigaw ang mga tao…

“Say yes miss!”
“Yes na yan!”
“Yes!”
“Yes!”

“Tayo ka na Voltaire, masakit sa tuhod yang ginagawa mo” habang inaakay ko syang patayo.

“Ok…sabi naman sayo I can wait hanggang makadecide ka na” sagot nya

“Grabe sya…basted pa yung ganun?”
“Awwww”
“Kawawa naman yung lalaki natapos ng lahat ng effort”

Malalakas na side comments sa mga nakapaligid.

Scroll to Top