Wild Things 26

“Ate, hindi ka pa ba luluwas?”

Nagtalukbong lang ako ng kumot. Isang linggo na ang nakalilipas simula nang malaman ko ang lahat. Tinatawagan ako ni Jake pero hindi ko siya sinasagot.

Ayoko ng bumalik pa sa bahay na ‘yon.

“Ate,” Pagpupumilit sa akin ni Iyah. “May pasok na ulit. Bakit hindi ka pa lumuluwas?”

Tumulo na naman ang luha ko. Buti natatakpan ng kumot ang ulo ko para hindi makita ni Iyah. Ang hirap ng sitwasyon ko dahil wala akong mapagsabihan.

Hindi ko pa rin binibigyan ng sagot si Iyah.

“Hindi ka pa rin dumadalaw kay tita hanggang ngayon. Ano bang nangyari ate?”

“Iyah, gusto kong magpahinga.”

Nanahimik lang si Iyah. Alam kong nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama. Ilang araw na niya akong kinukulit pero hindi ko kayang sabihin.

Naramdaman ko na lang na humiga siya sa tabi ko at yinakap ako. “Ate, may sinabi sa akin si Jacob. Hindi ko gets pero sabihin ko na rin sa’yo. Lagi niyang nakikita si Tito Jake na malungkot, pero itong mga nagdaang buwan, iba daw ang saya ng daddy niya.”

Kasi nga pinaglalaruan nila ako.

Pagod na ako.

Kinagabihan ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko at kay Iyah. Kailangan kong harapin ang problema ko sa Maynila. Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral at lilipat ako ng matitirhan.

Kanina pa ako nasa harap ng gate. Pasikat na ang araw. Hindi ko kayang pumasok.

“Ate?”

Napalingon ako kay Jacob. May bitbit siyang plastik na naglalaman ng itlog at mantika. Lumapit siya sa gate at binuksan ito.

“Ate, pasok ka please.”

Bakas sa mata ni Jake ang agam-agam. May lungkot din sa kanyang mga mata.

Bumuntong-hininga ako bago muling pumasok sa bahay na ito. Muling bumabaliktad ang sikmura ko. Naalala ko na naman ang lahat.

“Ate, anong gusto mong luto ng itlog? Fried, sunny-side up or hard boiled?”

Pilit na ngumingiti si Jacob. Nakasunod lang ako sa kanya sa kusina at napasandal sa counter. So, si Jacob ang nagluluto para sa sarili niya nitong mga nagdaang araw?

“Ahh—” Napasigaw si Jacob ng may tumalsik na mantika sa kanya. Agad niyang pinatay iyong kalan bago lumingon sa akin. “Akin na lang po itong sunog. Iyong next na itlog, ayusin ko po ang pagluto.”

Binaba ko na ang bag ko at lumapit sa kanya. “Ako na ang magluluto.”

Pero pinigilan niya ako. “Ate, ako na po.” Napatingin ako sa kanya at kita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya. “Ako na po magluluto. Gagalingan ko ate para h’wag mo kaming iwan ate. Sorry po sa nasunog na itlog.”

Napakagat-labi ako para pigilan ang maluha. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Jacob at hinarap siya sa akin.

Sinuklay ko pa ng kamay ko ang buhok niyang halatang galing sa tulog. “Jacob, ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa sa’yo ni tita. Hindi tamang sa’yo niya ibunton ang galit. Hindi mo kasalanan ang nangyari.”

Namumula na ang ilong ni Jacob sa pagpigil sa pag-iyak. Bumaba ang kamay ko mula sa buhok niya papunta sa pisngi niya at hinaplos ito.

“Kahit hindi kita pinsan, mananatili akong ate mo, Jacob. Ipaparamdam ko sa’yo ang pagmamahal na hindi naibigay ni tita. Kahit ano pang mangyari, Jacob, kahit ano pang mangyari sa amin ng daddy mo…mananatili akong ate mo.”

Umiling-iling si Jacob kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. “H’wag mo kaming iwan ni daddy, please.”

Yinakap ko si Jacob. Humagulgol siya sa leeg ko habang nakayakap din ng mahigpit.

“Jacob—”

Napahinto si Jake nang makita niya kami ni Jacob—nang makita niya ako. Kumalas si Jacob sa pagkakayakap at agad nagpunas ng luha.

“Inah…” Banggit ni tito pero nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya.

“Akyat lang po ako.” Tumakbo si Jacob palabas ng kusina at rinig ko ang mga yabag ng paa niya paakyat sa hagdan.

“Inah…” Sinubukan ni tito na lumapit sa akin pero umatras ako.

Umiling ako. “H’wag kang lalapit, please.”

Rinig ko ang malalim niyang paghinga. “Bigyan mo naman ako ng chance makapag-paliwanag.”

Ano pa bang pagpapa-liwanag ang kailangan niyang ibigay? Malinaw na sa akin na pinaglaruan nila ako ni tita.

“Ayaw kitang maka-usap.”

“Inah…” Basag ang boses ni tito.

“Umalis ka na sa harap ko, please. Kailangan kong asikasuhin si Jacob. Papasok pa ‘yong bata.”

Napabuntong-hininga lang si tito bago umalis sa kusina. Pinaglutuan ko silang mag-ama ng almusal bago ako umakyat sa kwarto ko.

Buong araw lang ako nagkulong sa kwarto. Wala akong lakas para umalis sa bahay na ito. Parang may pumipigil sa akin.

Kailangan ko ba talagang marinig ang paliwanag niya?

Ilang beses akong kinatok ni Jacob sa kwarto ko para ayain kumain pero sinasagot ko lang siya na hindi ako gutom. Pero wala kasi talaga akong gana.

Lumipas pa ang mga oras ay sobrang nanghihina na ang katawan ko dahil sa gutom. Buong araw na akong hindi kumakain at umiinom ng tubig.

Lumabas ako ng kwarto para kumain or kung wala ay uminom na lang ng tubig. Pero pagbukas ko ng pinto ay may pagkain sa lapag na may takip. May naka-dikit na sticky note.

‘H’wag mong pabayaan ang sarili mo, please.’

Kinuha ko ito at pinasok sa kwarto. Sinubukan kong ubusin ito sa study table. Nang matapos ay binaba ko ang mga plato para hugasan. Pabalik na sana ako sa kwarto nang makita ko si tito na naka-upo sa couch.

“Inah…” Tawag niya sa akin kahit nakatalikod lang siyang naka-upo.

Napahawak ako ng mahigpit sa handrail ng hagdan. Napapikit ako. Ayoko, hindi ko pa siya kayang makausap at makita.

“Pakinggan mo lang ako, Inah, matapos niyon ay hindi na kita kukulitin. Tatanggapin ko lahat ng galit mo. Please, pakinggan mo ang paliwanag ko.”

“Mahal na mahal ko ang tita mo…” Pagsisimula niya. “Nagsimula ang relasyon namin noong college kami. Hindi perpekto ang relasyon namin pero puno iyon ng pagmamahal at kasiyahan. After 5 years, nagpakasal kami. It was a great start until we discovered her infertility. Doon nagsimula ang downfall ng marriage namin.”

Huminto siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Tangina, dahil lang sa baog si tita ay nagloko na siya?

Bumuntong-hininga siya bago muling magsalita. “Hindi tanggap ng tita mo. Pero pinaparamdam ko sa kanya na walang kaso sa akin kung wala kaming anak. Pwede naman kaming mag-adopt pero ayaw niya. Hanggang sa pilitin niya ako sa isang surrogacy.”

Doon ako napalingon kay tito habang nanatili lang siyang nakatalikod sa akin. Nabalot muna kami nang matagal na katahimikan bago siya muling nagsalita.

“Noong una ay ayoko talaga. Pero baka iyon ang sagot sa pinagdadaanan ng tita mo sa stress at anxiety dahil sa pagka-baog niya. Pumayag ako sa surrogacy. Siya lang ang may kilala sa babae dahil walang rason para makilala ko ‘yong babae. Lahat ng ipon ko ay linustay ko sa surrogacy dahil ang mahal ng proseso at bayad doon sa babae. Wala na akong paki-alam sa pera kung iyon ang magpapabalik sa tita mo na maging masayang ulit. Pero hindi pa rin, Inah…”

Rinig ko na ang mga hikbi ni tito. Gumagalaw na rin ang mga balikat niya dahil sa pag-iyak. “Isang gabi, pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko ang tita mong tinititigan lang si Jacob habang umiiyak sa crib. Hindi niya magawang hawakan si Jacob kasi hindi niya raw anak ‘yong bata. Ang sakit sa akin bilang ama ni Jacob.”

Bagsak ang panga ko sa narinig ko. Tumakip ang dalawa kong palad sa bibig ko sa pagkagulat sa kwento ni tito. May namuong luha sa mga mata ko. Naawa ako kay Jacob.

“Pero hindi ako sumuko, Inah. Minahal ko pa rin ang tita mo habang pino-protektahan si Jacob. Naniniwala pa rin ako isang araw na matatanggap niya ang bata. Pero lumipas ang mga buwan at taon, mas lalo lang siyang lumala. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na hindi naman niya ako kailangan bigyan ng anak. Dahil okay na ako sa kung anong mayroon kami. Pero pinagtatabuyan niya ako. Hanggang sa magkamali ako. Nalasing ako at nakabuntis ng ibang babae.”

Si Jacqi. Kaya mas malala ang trato ni tita kay Jacqi.

“Dahil hindi naman namin mahal ang isa’t isa kaya binigay niya sa akin si Jacqi. Pero galit na galit ang tita mo sa akin. Oo, nagkamali ako pero pina-ampon niya si Jacqi sa ante mo dahil hindi rin ito magka-anak sa asawa niya. Tangina, hindi ko nasaksihan ang paglaki ni Jacqi. Iyong una niyang hakbang, iyong una niyang salita.”

Hindi na natapos ang pag-iyak ni tito. At hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko matanggap ang pagmamanipula ni tita sa buhay ni tito at ng mga bata. Hindi tamang rason na dahil may sakit siya ay ipaparamdam din niya sa iba iyong sakit at hirap na pinagdadaanan niya.

“Hindi na kami naging okay. Nagsasama na lang kami dahil kasal kami. Hanggang sa may na-plano na naman siya nang dumating ka sa edad na 18. Gusto ka niyang gamitin para ikaw ang magdala ng anak na gusto niya. Kasi kadugo ka niya para at least tanggap niya iyong bata. Tangina, Inah, alam kong hindi na siya mentally okay. Tutol ako sa gusto niya pero pinilit niya ako at sinabihang magpapakamatay daw siya ‘pag ‘di ako pumayag.”

Nanlaki ang mata ko sa nalaman ko. Unti-unti akong napa-upo sa hagdan dahil hindi na kaya ng mga tuhod ko. Nanghihina na ako sa mga nalalaman ko.

“Dumating ka sa bahay na ito, Inah. Sinunod ko ang gusto niya pero alam mo Inah, nang makita ko sa mga mata mo iyong tiwala mo sa akin ay unti-unti akong nahulog sa’yo. Biruin mo, sa edad kong ito, may dalaga pang gusto akong mahalin. Kaya pinangako ko sa sarili ko na po-protektahan din kita. Linilihim kita sa tita mo para hindi niya alam ang progress nating dalawa. Hindi na kami nagsisiping ng tita simula noong unang may mangyari sa atin. Oo, gusto kitang makatalik Inah dahil mahal kita. Pinapa-inom kita ng pills dahil ayokong mabuntis ka…sa ngayon. Gusto ko kapag naayos ko na ang lahat sa tita mo, saka ko bubuuin ang pamilyang pinapangarap ko at gusto kong gawin ‘yon sa’yo Inah.”

Nagpakawala na ako nang malakas na pag-iyak. Nakatakip lang ang mga palad ko sa mukha ko. Naramdaman ko na lang ang pag-yakap sa akin ni tito at hinaplos lang ang likod ko.

“Inah, nakita ko kung paano kayo magkaroon ng bonding ni Jacob at Jacqi. Ganoon ko gustong makita noon ang tita mo sa mga bata pero hindi nangyari. Sa 11 years ng marriage namin, ngayon lang ulit ako naging masaya. Ngayon lang ulit ako nakakita ng pag-asa na baka mabigyan ko si Jacob ng isang buo at masayang pamilya. Nagkulang na ako kay Jacqi pero salamat na lang din sa ante mo dahil minahal nila si Jacqi ng buo. Na baka pwedeng maging masaya rin naman ako. Pero tanggap ko na, Inah. You deserve someone better. Masakit na bibitawan kita pero kung ‘yon ang magpapalaya sa’yo, gagawin ko, Inah. Patawarin mo ako.”

Walang humpay na iyakan. Tanging mga hikbi lang namin ang maririnig. Kumawala sa pagkakayap sa akin tito. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko dahil binubuhat na niya ako paakyat sa kwarto ko.

Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama at kinumutan. Matapos ang isang linggo ay nagawa ko siyang titigan sa mga mata niya. Parehong luhaan.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Dinama ng noo ko ang mainit niyang labi. Tumulo na naman ang luha ko.

“Alagaan mo ang sarili mo, Inah, ha. Mahal na mahal kita.”

Iyon lang ang sinabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

:'(

Scroll to Top