You Are Trouble by Hot2handle2

You are trouble

Love story

Fiction

1st part

“NAKARAAN”

Kelan ka huling gumawa ng kabaliwan sa buhay mo? Yan ang sabi ko sa kanya, habang ako ay nag eenjoy sa buhos ng ulan at sya nman inis na inis habang nakasilong sa ilalim ng waiting sheds sa harap ng school nmin..

Sya: anu ba yan sabi ng pag asa maganda ang panahon ngayon. Hindi tuloy ako nkapag dala ng payong..hoy!!! Enjoy na enjoy ka jan ah..baliw ka pag ikaw nag kasakit na naman.

“haha alam mo nman baliw ako baliw sayo.!”

Pag kasabi ko nun nag ngitian at kinantsawan sya ng mga classmate nmin sa tabi nya.. sinu ba naman ang di titingin sakin isang collage student n nag lalaro sa ilalim ng ulan..

“come on lets enjoy the rain..”

Sya: baliw kaba baka mag kasakit ka at ang mga gamit natin mababasa..

“bigay mo nlang yan kay jane ihatid nlang sa bahay mo ang gamit natin” (si jane classmate nmin at kapit bahay nya..)

Jane: hay naku sis akin na nga yang gamit nyo. Dika titigilan nyan..

“halikana?”

Sya: are you crazy?anu sasabihin ko samin pagumuwi ako basa!

Nilapitan ko sya. I look at her beautiful round black eyes(ang mga mata nya ang pinaka paborito ko sa kanya)

“once in your life be crazy enough to enjoy small things. Specially if it comes from heaven!”

Sabay hawak ko sa kamay nya at hatak palabas ng waiting shed…

Sya: baliw ka hahaha pag ako pinagalitan ni mama..

sabay kutos sa ulo ko.ganun na sya madalas nya gawin yun papaluin ako..sasabunutan at kukurutin lalo n pag dadaan ang crush nya..

Yap crush nya..ako nga pala ang bf nya. Bf as in Best friend.

Lihim na nag mamahal umaasa na baka someday gaya ng ulan may pumatak kunting pag tingin para sakin mula sa puso nya..

Hawak hawak ko ang kamay nya habang sinisipa ang tubig ulan papunta sa kanya.. at ganun din sya sakin.

I look at her eye’s. She look back at me na parang nag tatanung bakit ako bigla naging seryoso..

Eto na eto na ang moment na hinihintay ko. Bahala na.. masira kung masira ang friendship nmin basta masabi ko lng ang nararamdaman ko..

“best may sasabihin sana ako sayo.”

Sya:” ayusin mo di lng kutos ang aabutin mo sakin, pag di ko nagustuhan yan sasabihin mo!”

Bahala na kahit sabunutan at kurutin pa ako ngayon masabi ko lng nararamdan ko..

“best ma..ma..ma..”

“Hoy miss sagutin mo na yan man liligaw nakaharang kayo sa daan eh”!!!!

Galit na sigaw ni manong driver..

Sya: ay sorry po manung..pasensia na.. tsaka di ko manliligaw to bestfriend ko to!!!

Manung driver: best?! Best?! Wag ka maniwala jan iha lolokohin ka lang nyan..

Amputa manong napaka perpect ng timing mo..di pa nga nagiging kami lolokuhin ko kagad..di ba pwede maging kami muna..advance ka din mag isip eh sabi ko sa isip ko..

Sabay patakbo ng jeep ni manong..

Pero bago nakalagpas samin.sabay sigaw ng.

Manung driver: mag hihiwalay din kayo!! Walang forever!!hahahaha

Sya: hoy manung bawas bawasan mo pag kain ng ampalaya!may forever kami di kami mag kakahiwalay dahil best friend kami..diba best?(sabay tingin sakin.)

wow best friend hangang dun nlang ba kami? Di nga kami mag kakahiwalay pero hanggan dun nalang ba?shit ang tagal ko inipon ang lakas ng loob ko ready na ko kanina perpect moment malamig n hangin at katamtaman ang lakas ng ulan.kaming dalawa naliligo mag kahawak kamay at nag lalaro parang sa mga movie na love story pero sinira ni manong.pag ako hindi sinagot nito ipapatumba kita manong.pag sisihan mo na ampalaya ang inulam mo ng araw na yun.

Shit eto na ang moment ko e2 na ang umpisa nag love story namin ang kelangan ko lng gawin ay umamin at mapasagot sya, Di ako papayag n masira ni manong ang moment na to.! Buhay at pangarap ko nakataya dito!

“best…..”

sya: best anu nga pala sasabihin mo?

“best ma. ma. malamig..best ang lamig di ako makahinga..haaaaaa…..haaaaaaaaaa…..haaaaaa…”

Amputa mamatay nlang bako ng di ko nasasabi sa kanya na mahal ko sya..

Sya:ayan sabi ko sayo eh..ligo pa sa ulan.. ulan pa more. Asthma pa more.. lika dun tau sa shed..

Inalalayan nya ako papunta sa waiting shed..

Sya: nasan n ang inhaler mo?

“ba..bag haaaaaaaa haaaaaa”( ang hirap na huminga )

Sya: shit na kay jane ung bag natin!! Nakaalis na sya Uy! Uy! Best ok ka lng? Best!!!! Taxi!!!!

Ako si richard. ako ang bida sa kwento na to..gwapo daw ako sabi ng nanay ko.. sabi nman ng iba nag sisinungaling daw ang nanay ko.. masasabi ko rin nman may itsura ako maganda ang mata ko at matangos din ang ilong ko.. ang problema sakin ay ang aking katawan sabihin na natin na payatot ako.. kung baga bawal ako lumabas pag nabagyo kasi tatangayin ako ng hangin. Di rin maganda ang kalusugan ko may asthma ako..

At Asthma ang dahilan kung bakit ako na dedo.. well ayaw ko pa sana mawala may mga misyon pa ko sa buhay..isa na dun ang masabi ko kay anna kung ganu ko sya kamahal.. si anna ang best friend ko at pangarap ko..sya din ang kasama ko bago ako atakihin ng asthma at di na nakahinga..

Hay ang malas ko ng araw na yun, pornada lahat ng plano ko, at ang inipon ko na lakas ng loob ay nawalan ng saysay, di ko manlang nasabi sa kanya kung ganu ko sya kamahal, kung ganu ako kasaya tuwing nangiti sya sakin.kung panu nagiging kompleto ang araw ko pag napapalo at nakukurot nya ako..

Ang tanga tanga ko naman kasi, alam ko nman na mahina ako sa lamig pero naligo parin ako sa ulan.pwede ko nman sabihin sa kanya mahal ko sya ng nakakapote ako at sya lang ang basa.pero parang di magnda tingnan wala pa ako nakita na pelikula na ganun ang eksena..

Sayang di ko na sabi sa kanya..

Eto ako ngayon nakatingin sa kawalan eto na siguro ang langit.. kulay puti kasi ang nkikita ko.tahimik ang piligid..

“Good morning….”

May nadinig ako maganda boses boses ng babae..

“Kamusta ang pakiramdam mo saan ang masakit sau? ”

“May masakit ba sayo”

lumingon ako sa kaliwa..nakita ko isang babae isang anghel siguro to.. ang ganda nya.. sigurado langit to.. wala kasi syang sungay at mukang anghel..sure ako langit to..

“miss may boyfriend kana? Pwede ba manligaw dito sa langit?”

Nang biglang “PAK” isang malutong na kutos ang tumama sa ulo ko..

Anu ba yun ang ansakit nun ah.. pati ba naman dito sa langit ramdam ko parin ang haplos ng pag mamahal ni anna?

Pag lingon ko sa kanan nakita ko ang tinitibok ng puso ko..pupungas pungas ang mata..magulo ang buhok wala pa suklay..at may bakat ng laway sa kaliwa pisngi nya.. muka sya mangkukulam nung oras na yun. kita ko rin sa mata nya ang bakas ng pag aalala..ang babaeng akala ko di ko na makikita uli.. pero bakit andito sya.. ganun ba nya ako kamahal sinundan nya rin ako sa langit?

“best bakit ka nandito. Na asthma ka din?”

Anna: hoy muntikan kana mamatay kalokohan parin ang nasa isip mo at manliligaw kapa ng nurse..

Sa sinabi nya parang natauhan ako.. lumingon ako sa paligid nasa loob pala ako ng isang kwarto tiningnan ko ang babaeng nakangiti sa kaliwa ko nakasuot sya ng uniforn sa hospital na may logo ng hospital na malapit sa school namin.

“Hahaha im alive!!!!! Kala ko katapusan ko na.”sa isip ko.

Nurse: Sir kunan ko lng po kayo ng blood pressure..sasabihin ko na rin kay doc na nagisng na kayo..

“ah sge po sorry napag kamalan ko kayo angel kanina kala ko kasi patay na ako..”

Nurse: ung mga masasama damo daw sir matagal mamatay.. kaya siguro di pa kayo kunuha ni lord..

“Abay loko loko to babae na to.. di ka lng maganda nagsasabi kapa ng totoo. Teka mabait ako ah ” sa isip ko uli…

Nurse:sir ok naman bp nyo wait nyo nlang po n mag rounds si doc..

Lumingin ako sa kanan nakita ko si anna naka tshirt n sya na nakaprint ang paborito nya character na palabas pam bata.kulay dilaw malambot at masarap pigain pero pinaka ayaw ko hawakan nung bata pa ako kasi sigurado mag huhugas na ako ng plato nun.

” best anu ng yari?”

Anna: muntikan ka lng naman nakipag kita kay lord. Pero bawal ka daw dun kaya buhay kapa.

“ang lupit mo naman. Pero salamat sa pag takbo mo sakin sa hospital ah..”

Anna: di kita tinakbo ang bigat mo kaya buti nung inatake ka sakto dumaan ang sundo ng pinsan ko at naisakay ka kagad.
Ang pinsan ko din ang unang ng bantay sau dito para makauwi ako ng bahay at makapagpalit ng damit..kakauwi lang din nya.
best eto nga pala ang cp mo kinontak ko na ang pamilya mo sa probinsya sinabi ko na naospital ka..
paluwas na daw ang mama mo.. pero sinabi ko n wag sya mag alala kasi di ka tangap sa langit kaya buhay kapa..

” baliw kaba sinabi mo tlg yun?”

Anna: engot syempre hindi takot ko lng sa mama mo.(sabay tawa nya ng malakas)

“tama ka lagot ako nito sermon na naman abot ko nito..”tumawa na din ako..

Tumingin ako sa likod ng kamay ko may nakatusok na swero. Sa kaliwa kamay ko naman ay may bracelet na nakalagay..

Eto ung mga bracelet na may meaning..lucky charm yata ang tawag nila sa ganito..

“best salmat sa bracelet ah maganda..”

Anna: di ako ng bigay nyan best ang pinsan ko pampaswerte daw yan. May meaning din yata yan.

“anu daw meaning nito?”

Anna: malamang pang papahaba ng buhay nasa ospital ka eh..

“ah parang pansit!”

Anna: speaking of pansit di kapaba gutom wait lang ha. lalabas muna ako at bibili ako pansit almusal natin.di to ka lang ah..wag ka shushunga shunga nangangain ng tanga ang pinto.(sabay turo sa pinto)

“di nman ako makakalis dito.injured ako injured.,”pinakita ko ang swero ko..

Anna: wait lang ha bibili lng ako..

Bago sya nakatayo hinawakan ko kagad ang kamay nya..

“oh lord salamat sa isa pang buhay ang akala ko di ko na uli mahahawakan ang kamay na to..”sa isip ko

marahan ko sya tiningnan at buong pag mamahal ko n sinabi na best mahal kita salamat at sinamahan mo ako dito..

Tumingin din sya sakin at sinabing

Anna: syempre mahal din kita ikaw paba iiwan ko kahit na ganyan ka di naman kita kaya iwan mag isa lng dito..

Sabay marahan nya hinihimas ang nuo ko..nag katitigan kami dahan dahan nya binaba ang ulo nya.. ako na nakatulala, parang natatalon na ang dibdib ko eto na yun.

Dahan dahan lumapat ang kanyang mga labi sa aking pisngi at marahan nya ako niyakap.yung mga panahon na yun parang ayaw ko n gumaling, kung yun lng ang way para mayakap nya ako lagi ng ganun payag na ako na dito nalang sa ospital.parang gusto ko itigil ang ikot ng mundo at yakapin nalang sya habang buhay.

Anna: pagaling ka ha..at mangako ka na hindi mo na uli ilalagay sa alanganin ang sarile mo..pinag alala mo ako ng subra.

“pangako, sorry kung nag alala ka.. “sabi ko

Bumitaw na sya sa pag kakayakap sakin at marahang pinisil ang mga kamay ko bago sya tumayo at lumabas ng pinto.

KASALUKUYAN

Naputol ang pag mumuni muni ko sa nakaraan ng marinig ko ang mga tao na nagsalita na anjan bride.

Tumaas ang excitement sa loob ng simbahan lahat ay nag aabang sayong pag pasok sa loob ng simbahan.

Maganda ang arrangement sa loob ng simabahan.Light pink ang kulay ng mga ribon.. white and pink nman ang mga roses..sa gitna ng simbahan may nakalatag na red carpet. At sa gilid ng karpet may mga nkatayo n mga cadete ng rotc habang may hawak na spada sa kanilang kanang kamay at nag ko cross eto sa katapat nilang kadete sa kabilang side ng carpet, nakasuot sila ng full Gila uniform nila..navy blue at may lining na red..
Ang suot nila ang ng babalance ng kulay ng simabahan.

Nakita kita mula sa sa nakabukas na bintana ng bride car. At binuksan ng papa mo ang pintuan dahan dahan ka lumabas.parang tumigil ang mundo ko ng nakita kita..ikaw na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko.napakaganda mo sa suot mo na weeding gown.

Tumugtog na na kanta ni ed sheeran na “perfect” bagay na bagay ang kanta sa okasyon na to.. napaka perfect mo..

“Ting” tunong ng unang ispada ibig sabihin nakalagpas kana na unang set ng cadete.

Pansin ko sa lahat ng tao ang eexcitement.

“Ting”

“Ting”

“Ting”

Sa bahat tunog ng ispada ay parang sasabog ang puso ko..

“Ting”

Tunog ng pinaka huli set ng cadete..

Eto na..

Pinag masdan kita habang papalapit ka..ang ganda ng ngiti mo.. napakaganda mo. Sa mga ngiti mo nakikita ko ang lubos na saya..sa mga mata mo nakikita ko ang mga pangarap mo..ang pangarap mo na maging asawa..maging ina..at mag karuon ng masayang pamilya..

Ngumiti ako ng mag tama ang mga mata natin. Dahandahan ka nag lalakad katabi ng iyong papa..

At tumigil ang mundo ko, at parang huminto sa pag tibok ang puso ko. ng inabot mo na ang kamay mo sa kamay ng “groom”.sa kamay ng mapapangasawa mo..

Sa bawat tunog ng ispada kanina parang sasabog ang puso ko.. parang gusto ko pigilan ang pag lakad mo sa altar..parang gusto ko hatakin ka palabas ng simbahan.at nung nakita ko na na hawak ka na nya.. parang tumigil ang mundo ko.. pakiramdam ko naramdaman ko uli ang rejection at sakit na pinadama mo sakin 3 yrs ago.

Ang sakit akala ko naka move on na ako after 3 years kung mag pakalayo layo..

Bigla ko Naalala yung gabi pumunta ka sa bahay, iyak ka ng iyak dahil nahuli mo na naman sya,na may kasamang iba..mag bf palang kayo ng mapapangasawa mo. Parang dinudurog ang puso ko tuwing nakikitang kitang sinasaktan nya..

“Bakit ang taong pinakamamahal ko ay binabasura lang ng ibang tao..”sa isip ko.

Pinapasok kita sa bahay, at niyakap..

Pinaupo kita sa sofa hinayaan lng kita umiyak habang yakap kita.. ganito naman lagi ang ng yayari. Ewan ko ba kung bakit di pa ko nasanay sa sakit.. sobrang sakit parin. At ewan ko ba sayo bakit di kapa nagigising maling lalaki ang minahal mo.. andito naman ako..

Hangang sa hindi ko na kinaya ang sitwasyon at ng tapat na ako sayo..

“Best hindi kapa ba napapagod” sabi ko

Tumingin ka sakin mugto ang mga mata.. parang ng tatanung, 1st time mo marinig sakin to, usually lagi lng kita niyayakap at pinapatahan pag napunta ka dito ng naiyak..

“Mahal ko sya best” sabi mo

“Pero hindi ka nya kayang pahalagahan. Ilan beses ka na ba nya sinaktan?” sabi ko

Ilan beses mo na ba sya nahuli hindi kapaba napapagod..

Tumingin ka sakin at parang ngsasabi na intindihin ka nalang pero pagod na ako ng panahon na yun..pagod na ako nakikita ka na nasasaktan..

Hinawakan ko ang kamay mo.. at tinitigan ka.ang kanang kamay ko naman ay pinupunasan ang luha sa pisngi mo.

“Best mahal kita, mahal kita nuon pa..pwede ako nalang..ako nalang ang mahalin mo. Hinding hindi ko gagawin ang ginagawa nya sayo at pinapangako ko na hindi mo mararamdaman uli ang sakit na nararamdaman mo ngayon.”sabi ko

Wala ka padin imik nakatingin kalang sakin siguro tinitimbang mo ang mga sinasabi ko.

“Pakiusap bigyan mo ko ng chance isang pag kakataon lng best pinapangako ko di ka iiyak muli..”sabi ko

Pero parang dinurong pa lalo ang puso ko ng sinabi mo na..

“Sya lng ang gusto ko..sya ang pangarap ko..at sya lng ang mamahalin ko..” sabi mo

I looked at your eyes at nakita ko na walang pag aalinlangan sa mga mata mo habang sinasabi mo yun..

Niyakap nalang kita habang umiiyak ka at umiyak na din ako..parang gusto ko na mawala nung panahonna yun, ang sakit ng nadarama ko parang pinapatay ako tuwing nakikita kita umiiyak,pero mas masakit pa pala pag marinig ko mula sau na sya lng ang mamahalin mo at di pwede na maging tayo.

Niyakap nlang kita hangang sa nakatulog kana sa kakaiyak..halos hindi ako nakatulog nung gabi na yun tinitigan lang kita. gusto ko sulitin ang gabi na to, na makikita ko ang maamo mo na muka ang babaeng pinapangarap ko. dahil alam ko sa sarile ko na wala na ako pag asa na mapasakin kapa.. hangang lamunin na ako ng antok..

Nagisingg nalang ako nang umaga na may sulat sa lamesita.

“Best salamat muli sa pag comport sakin at sorry pero sya lang talaga ang mahal ko..”

Yung panahon na yun gusto ko mag wala mag sisigaw ibato ang lahat ng gamit sa bahay.. pero hindi ako nakakilos ung walang lakas ang tuhod ko tumayo, wala ako lakas kumilos ganito pala ang after effect ng mabasted..

after nung araw na yun pinangako ko sa sarile ko na babaguhin ko ang sarile ko.

Nag focused ako sa pag rereview sa board exam ko sa architecture at nung nakapasa ako kinuha ako ng tita ko pa america at kasalukuyan architect na ako sa isang firm sa u.s.

Umiwas na din ako sau nun. Kahit nahihirapan ako pinili ko lumayo dahil dun ka magiging masaya.. alam ko di na muli mababalik ang pag kakaibigan natin after ko mag tapat sayo.. at alam ko din na hindi mo rin sya kayang iwan..

Halos di ko narin binubuksan ang social media account ko ng focus nalng ako sa trabaho at gym.. trabaho sa umaga at gym sa gabi. Gusto ko baguhin ang sarile ko.. gusto ko na pag nagkita tau muli makikita ko sa mga mata mo ang pag aalinlangan sa pinili mo..

Hangang sa umuwi ako sa pinas ngayong taon, after 5days ng vacation ko nakareseave ako ng invatation card mula sayo. invitation card sa kasal mo..

Wala ako naramdaman nung nakita ko ang card, Oo expected ko na ns baka pag uwi ko eh makasalubong kita na kasal na sa manloloko mong asawa.. or makasalubong kita na bitbit ang anak mo mula sa pangit at manloloko mo na asawa or makasalubong kita na kaholding hands ang asawa mo at bit bit ang ang anak nyo.. un ang nasa isip ko bago ako umuwi ng pinas.. kaya nung nakita ko ang invitation letter wala ako naramdaman..

“Nakamove on na ako” un ang sabi ko sa sarile ko..

Pero hindi pala..

Eto ako ngayon nakatayo kasama ng ibang guest sa loob ng simbahan durog na durog na naman ang puso.

Ngayon ko lang napatuyan na kahit ganu kapa ka successful at kahit ganu kapa ka gwapo at ka macho. Kung hindi talaga sya para sayo hindi talaga sya para sayo..

Nasa right side ako ng simbahan. 3rd row ng mga upuan may katabi ako ngayon na babae. kanina pa ngiti ng ngiti to sakin na parang nakakaloko.. ewan ko ba kung masaya sya sa ikakasal or masaya sya na makita na parang iiyak na ako..

Maliit lng sya at hanggang balikat ang buhok maputi matangos ang ilong at pink ang mga labi. pansin ko din na wala sya make up. di kagaya ng ibang babae dito na mukang ispasol sa kapal ng foundation sa muka..

Kinamusta pa ako nito kanina pag dating ko dito..

“Hi. Kamusta kana..” sabi nya

“Ok lng” ang naging sagot ko..

Pinipililit ko alalahin kung sinu sya alam ko nakita ko na sya dati pero hindi ko talaga maalala.

Parang may lungkot sa mga mata nya nung napansin nya na hindi ko sa maalala..

Pero pinilit nya ngumiti..hindi ko nlang pinansin ang reaksyon nya, kasi naging ukopado na uli ang isip ko ng mga alala namin ni anna..

Mag katabi na ngayon sa harap ng pare ang ikakasal.. tahimik ang paligid.lahat ng tao ay taimtim na nkikinig sa seremonya at sa lahat ng mga sinasabi ng pare para sa kasal..

Hindi ko maintindihan ang sarile ko parang gusto ko lumabas ng simbahan at umuwi nalang..baka pag nakalayo ako sa lugar na to eh mabawasan ang sakit na nararamdaman ko..

Father: bago natin simulan ang seremonya ng kasal nais ko malaman kung meron sa loob ng simbahan na to ang tutol sa pag iisang dibdib ng mga ikakasal..

Biglang nanigas ang katawan ko. pakiramdam ko ako ang sinabihan ni father na tao na gusto tumutol sa kasal.. nakayuko ako at nakapikit pinipilit ko labanan ang damdamin ko na wag itaas ang kamay ko..

Napansin ko nalang na parang ng bubulungan ang mga tao. Pag dilat ko ng mga mata tumingin ako sa paligid, lubos ako kinabahan ng makita ko na parang nakatingin lahat ng besita sa direksyon ko..

Pag tingin ko sa kanan andun parin ang babae katabi ko mas lalo sya nakangisi ngayon, at bigla nya sininyas ang mata nya sa taas. Dahan dahan ako tumingin paitas..

Shit na malagkit ang kanang kamay ko nakatas.. ang masama pa nito hindi ko intinsyon na itaas ang kamay ko.. ang babaeta n katabi ko hinawakan ang braso ko at itinaas ang kamay ko..

Sa subrang pag iisip ko kanina di ko namalayan na tinaas na pala nya ang kamay ko.. anak ng tinapa..parang gusto ko ibaon ang katawan ko sa lupa sa subrang hiya..

Father: “iho may sasabihin kaba marapat na ihayag mo na ang nararamdan mo bago mag simula ang seremonya..”

“Ah..ah…….” pautal utal ko na sabi..

Anu ba sasabihin ko di ko nga alam n nakataas ang kamay ko kanina?(sabi ko sa isip ko)

lalo ako kinabahan nung nawala na ang bulong bulongan ng mga tao parang ang lahat ay nag aabang sa sasabihin ko tahimik ang buong simbahan. Kung may umutot malamang maririnig ng lahat ng tao..butil butil na ng pawis ang nalabas sa nuo ko..

“Lord kunin mo na ako. At pakiusap isama mo na din ang baliw na babaeng katabi ko” sabi ko sa isip ko

Speaking of baliw na babae. tumingin ako sa kanya na parang nag tatanung. bakit mo ginagawa sakin to ganun ba kalaki ang kasalan ko sau ng di ko maalala ang pangalan mo?

Bigla ko napansin ang ngiti nya parang isang anghel. At pumasok sa isip ko. baka ito babae na to ang pinadala ni lord para bigyan alo ng lakas ng loob na tumutol sa kasal, lumakas ang loob ko, huminga ako ng malalim, ng ipon pwersa at ng antay ng tamang timing..

Ng biglang..

“Natatae po sya san po ba may malapit na c.r dito…”

Biglang sabi ng babaita na katabi ko..

Amfufu… ang balikat ko bigla bumagsak.ung pwersa na inipon ko parang nilipad ng malamig na hangin. Ngayon di na butil butil na pawis ang nalabas sa nuo ko parang natuyo bigla ang balat ko at mamutla yata ako..

Kung sa dota na stun ako or nahampas ng paulit ulit ng crunium basher. Di ako nakagalaw di nkapag salita.. nakatingin lang ako sa kanya.. ngumisi na naman sya sakin.

Anak talaga ng pating kanina bago ang kasal si anna ang gusto ko hilahin palabas ng simbahan.. ngayon ng bago na ang isip ko ang baliw na babae na to ang gusto ko kaladkarin palabas ng simabahan at ibaon sa ilalim ng lupa..

“Lord bakit ako pa sa dinami dami ng makakatabi nya bat ako pa..” sabi ko sa isip ko

Father: iho pag labas mo ng pinto nayan kumaliwa ka tas makikita mo na ang c.r..

Nag hagikhikan ang mga tao sa loob ng simbahan ang malas ko sa araw na to wrong move na pumunta pa ako dito..

Dahan dahan at nakayuko ako lumabas ng simbahan at ngtungo sa c.r bago ako tuluyan lumabas napatingin ako kay anna napansin ko ang mata nya na parang ng tatanong….

Scroll to Top