Harapin Ang Liwanag! Chapter I to III

“We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will.”
Chuck Palahniuk

Prologue:

“Pigilan niyo siya, huwag niyo siyang hayaang makaalis sa mansion!” utos ni Don Faustino sa mga tauhan niya nung nakita nilang me bitbit na damit si Isabella “papa, hayaan niyo na po kami ni Julian, nagmamahalan po kami” pagmamakaawa ni Isabella sa papa niya. “Hindi ka aalis at hindi ka sasama sa taong yun!” galit na sabi ng papa niya “sige! ipasok niyo siya sa kwarto niya!” utos niya sa tauhan niya na hinila nila si Isabella paakyat sa kwarto at ni lock ito.

“PAPA MAAWA KA SA AKIN, MAHAL NA MAHAL KO SI JULIAN!!” pagmamakaawa niya sa papa niya na hindi siya nito pinakinggan “Juan, Arturo tawagin niyo ang ibang kasamahan niyo at sumama kayo sa akin” utos ni Don Faustino sa kanila “sige po, amo!” sagot ni Juan na umalis na sila ni Arturo at pumunta sa kwarto niya si Don Faustino.

“Tino, ano nanaman ba ito?” tanong ni Doña Charito sa asawa niya “ayaw sumunod ng anak mo sa akin kaya ngayong gabi tatapusin ko na ang kahibangan ng babaeng yan” sagot niya sa asawa niya at kinuha niya ang baril sa kabinet at nagpaalam na ito. “Dyos ko Tino, huwag mong gawin yan, matakot ka sa dyos” sabi ni Doña Charito “matakot sa dyos? demonyo ang taong yun Charito, para makawala sa ano mang gayumang binigay ng lalaking yun sa anak natin kailangan ko siyang patayin!” sabi ni Don Faustino na tinulak niya ng mahina ang asawa niya nung pinigilan siya nito.

Pagbaba niya sa sala “amo, nandito na po sila” sabi ni Juan “magaling, tara puntahan natin ang demonyong lalaking yun!” niyaya niya ang mga tauhan niya at sumakay na sila sa kabayo nila patungo sa bahay ni Julian.

Huminto sila nung natanaw na nila ang bahay at naghanda sila “kayong tatlo bantayan niyo sa likod baka makatakas ang taong yun” utos niya sa tauhan niya na naglakad na sila papunta sa bahay ni Julian at nag-iingat sila. “Amo, hindi ba delikado ang ginagawa nating ito? dyes oras pa ng gabi” sabi ni Juan sa kanya “wala akong pakialam, ang importante ma sugpo ko siya ngayon” sagot ni Don Faustino na ngayon ay hawak na niya ang baril niya.

Ilang hakbang nalang sila sa pintoan ng bahay ng biglang nakaramdam sila ng panlalamig sa paligid kaya nagsimulang manginig at matakot ang mga tauhan ni Don Faustino. “Kayo! lapitan niyo ang pinto” utos niya sa dalawang tauhan niya na naghintay lang sila ni Juan sa likuran nila “eh.. amo.. na..natatakot po kami” sabi nung isa na tinututokan niya ito ng baril.

“Gusto mong ikaw ang mauna sa hukay o susundin mo ang inuutos ko?” galit na sabi ni Don Faustino sa kanya na napalunok ito ng laway at nagkatinginan ang dalawang tauhan niya. “Pa..pasensya na po, amo” sagot nung isa na nagsimula na silang lumapit sa pinto ng bahay ng biglang nakarinig sila ng sigaw sa likod “SA LIKOD, DALI!” sigaw ni Don Faustino na kinasa nila ang mga baril nila at tumakbo sila sa likod at lahat sila ay napahinto nung makita ang dalawang tauhan ni Don Faustino na nakabulagta sa lupa habang nakita nila si Julian na nakatalikod sa kanila.

“HA!… a..amo pasensya na pero.. hindi ko na po kaya ito!” sabi nung isang tauhan niya na napatumba pa itong nung kumaripas ito ng takbo nung makita si Julian na hawak sa leeg ang isa sa tauhan ng Don at wala na itong buhay “IKAW!” sigaw ng Don kay Julian na tinutok niya ang baril niya at kinalabit nito ang gatilyo.

Sumunod ang ibang tauhan ni Don Faustino at pinagbabaril nila si Julian na parang hangin lang itong umilag sa mga balang paparating sa kanya “HAA… ” sumigaw sa takot ang ibang tauhan ni Don Faustino at tumakbo narin ito sa takot. “MGA DUWAG!” sigaw ng Don sa tumakbong tauhan niya na silang tatlo nalang ni Juan at Arturo ang natira at nagkakarga sila ng bala sa baril nila na ngayon ay nakatayo lang sa malayo si Julian at nakatingin ito sa kanila.

“Bakit mo ito ginagawa sa akin, Don Faustino?” tanong ni Julian sa kanya “hindi ang katulad mo ang gusto kong mapapangasawa ng anak ko!” sagot ng Don sa kanya at tinutok niya uli ang baril niya pati narin ang dalawa na mabilis napatumba ni Julian ang dalawa nung sinakal niya ito at hinila niya ito papalayo kay Don Faustino. “DEMONYO KA!” sigaw ng Don na binaril niya si Julian pero hindi niya ito natamaan.

Tumayo sa ilalim ng puno si Julian na natatabonan siya ng dilim “mahal ako ng anak mo at ganun din ako sa kanya, bakit mo kami pipigilan sa pagmamahalan namin?” tanong ni Julian sa kanya na kinuha nung Don ang baril ni Juan sa lupa at tinutok niya ito. “Hindi.. hindi ang katulad mong demonyo ang magiging asawa ng anak ko” sabi ng Don sa kanya na binaril niya uli si Julian pero hindi parin tumatama ang mga bala niya sa lalake na napahinto nalang si Don Faustino nung naramdaman niyang nakatayo na sa likuran niya si Julian.

Hinawakan siya nito sa balikat na parang inamoy ang leeg niya “ah.. demonyo.. kung balak mong kunin ang buhay ko.. gawin mo na.. dahil kahit kelan.. hinding-hindi kita matatanggap” sabi ni Don Faustino na nanginginig ito sa takot na bigla nalang nawala si Julian sa likuran niya. “Mahal ko si Isabella, hinding-hindi ko gagawin sayo yan….” sabi ni Julian nung papalayo ito sa kinatatayoan niya.

Nung kumalma na si Don Faustino nagmamadali siyang bumalik sa kabayo niya at mabilis niyang pinatakbo ito pabalik sa mansion dahil alam niyang doon pupunta si Julian, malayo palang siya sa gate nila nagsisigaw na ito. “IHANDA ANG MGA ARMAS, ME DEMONYONG PUMASOK SA MANSION!” sigaw niya sa mga tauhan niya na nagmamadali silang kumuha ng armas nila at sumunod sa Don paakyat sa kwarto ni Isabella.

Nung nasa pinto na sila narinig nilang bumukas ang bintana sa loob ng kwarto kaya nagmamadali siyang binuksan ito at doon nakita niya na nakayakap si Isabella kay Julian at balak ng lalaking itanan si Isabella kaya binaril niya si Julian at tinamaan ito sa likod. “JULIAAN!” sigaw ni Isabella na agad lumapit sa kanila ang tauhan ng papa niya “ilabas niyo ang anak ko!” utos ng Don sa kanila na binaril niya uli si Julian na ngayon ay nakatayo malapit sa bintana at nung tinamaan ito nahulog ito sa labas ng bintana.

“Amo, napatay mo na!” sabi nung isang tauhan niya “hindi, hindi ganun kadali ang lahat” sabi ng Don na tumakbo ito sa bintana at nagulat nalang ito nung me aninong sumalubong sa kanya at lumabas ito sa pintoan.”SUNDAN NIYO!” sigaw ng Don sa tauhan niya na nagmamadali itong lumabas ng kwarto ni Isabella at bumaba ito sa sala na nagulat sila nung makita nilang magkayakap na ang dalawa at nakahiga na sa sahig ang mga tauhan ng Don. “LUMAYO KA SA KANYA, ISABELLA!’ sigaw ng papa niya na parang ginayuma itong nakayakap kay Julian.

“Papa, mahal ko siya, mahal na mahal ko si Julian” sabi ni Isabella sa papa niya na dahan-dahan na ngayong lumapit sa kanila. “Isabella!” sigaw ng mama niya nung makita sila at parang himatayin ito nung napatingin ito sa salamin “DYOS KO!” napasigaw si Doña Charito nung si Isabella lang ang nakikita niya sa salamin.

“DEMONYO BITAWAN MO ANG ANAK KO!” sigaw ni Don Faustino kay Julian na nakangiti lang itong nakayakap kay Isabella “papa, mama, patawarin niyo po ako pero… nagdadalang tao na ako.. ma..magiging lolo at lola na kayo!” natutuwang binalita ni Isabella sa kanila na hinimatay ang mama niya at galit na galit na nakatingin si Don Faustino sa kanila. Biglang nagdilim ang panginin nito at binaril niya si Isabella. “ha..ahh..pa.. papa…” sabi ni Isabella na biglang natauhan si Don Faustino nung makita ang dugong dumaloy sa puting damit ng anak niya “hi.. hindi… hindi… Isa…bella…” nauutal na sabi ng Don sa anak niya “ISABELLAAAAAAA!” napasigaw ang Don na tinutok niya ang baril niya kay Julian na bigla itong nawala kasama si Isabella.

Tumakbo sa labas ang Don at nagpaputok ito sa ere na parang me binabaril ito sa kalawakan “ISUSUMPA KO JULIAN.. HINDING-HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KITA MAPAPATAY! KAHIT AABOTIN PA NG ILANG TAON! HANGGANG SA HULING HININGA KO HAHANAPIN AT PAPATAYIN KITA!”

Sa malayo, kinarga ni Julian si Isabella papunta sa isang isla “Isabella, aking mahal” sabi niya “Ju…Julian.. patawarin mo ako.. aking mahal..” sabi ni Isabella sa kanya “hindi.. ako dapat ang humingi ng tawad dahil di kita naligtas” sabi ni Julian sa kanya. “Ha.. ah…. mahal ko.. wag.. wag kang umiyak..” sabi ni Isabella sa kanya dahil naluluha na si Julian habang nakatingin ito sa kanya. “mahal ko… me..paraan para mabuhay ka.. at magsama tayo habang buhay” sabi ni Julian sa kanya na umiling si Isabella at humawak ito sa mukha niya.

“Mahal ko… hin…di.. yun ang tamang paraan..” “mahal ko.. hayaan mo akong gawin sayo ito.. ayaw kong mawala ka sa akin” sabi ni Julian sa kanya na hinawakan siya sa batok at hinila siya pababa ni Isabella at hinalikan siya nito “…. hindi… ito ang.. panahon natin…. mahal..ko…” sabi ni Isabella na napayuko ang ulo ni Julian at umiyak ito.

“Siguro… sa..susunod na buhay… si..sisiguradohin kong.. yun… yun na ang…. panahon natin… mahal kong… Julian..” sabi ni Isabella na pinahiran ni Julian ang luha niya at naramdaman ng babae ang malamig nitong kamay. “Maghihintay ako.. sa muling pagbalik mo… mahal kong Isabella” sabi ni Julian sa kanya na napangiti sa kanya ang babae “…tandaan mo.. yung.. pangako mo.. sa akin…” “oo, hinding-hindi ko yung kakalimutan, mahal ko” sabi ni Julian sa kanya na hinawakan uli siya sa mukha ni Isabella at nginitian siya “…mahal… na… mahal.. kita… Juliaahhhh…” huminga sa huling pagkakataon si Isabella at binawian na ito ng buhay dahil sa tama ng bala niya sa tyan.

Biglang natahimik ang paligid at nung marinig ni Julian ang huling tibok ng puso ni Isabella binuhat niya ito at “GRHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA..!!!!” sumigaw siya ng malakas na lumutang pa ito sa ere na parang biglang me bombang sumabog dahil nawasak ang mga punong kahoy sa paligid niya at nagkaroon ng malaking hukay na nakapalibot sa kanya nung sumigaw siya.

“Huhu… hinding.. hindi kita bibigoin.. mahal ko…. maghihintay ako..kahit umabot pa ng ilang daang taon… hihintayin ko ang pagbabalik mo… Isabella…” naiiyak na sabi ni Julian na dinala niya si Isabella papunta sa isang museleyo at pinahiga niya ito sa kabaong. “Sasamahan kita sa pagtulog mo, mahal ko” sabi ni Julian sa kanya na humiga siya sa katabing kabaong at sumara na ang kabaong nila pati narin ang gate ng museleyo.

Dalawang daang taon na ang lumipas nung mangyari yun, natatabunan na ng lupa ang museleyo ni Julian dahil sa tagal na ng panohon ang dumaan. Ang dating isla noon kung saan nakatayo ang museleyo niya ngayon ay ginawang National Park kung saan pinapasyalan ng maraming tao. Nandun parin ang museleyo niya na natatabunan na ngayon ng lupa at naghihintay parin siya sa muling pagbalik ni Isabella sa mundong ito.

Chapter I: Heartbeat!

“Naks, nandito na pala ang supercop ng Quezon City!” biro sa akin ng kasamahan ko nung pumasok ako sa presinto “sa tuwing papasok ako dito ganyan agad ang salubong niyo sa akin, ano suntokan tayo?” biro ko sa kanila na tinaas ang dalawang kamay nila “hindi Tenyente biro lang” natatawang sabi nila. “ikaw Sarhento instead na mag bawas ka ng timbang nagdagdag ka!” sabi ko sa kanya na piniktusan ko ang tyan niya na napayuko ito.

“Tenyente naman, natural na mataba na talaga ako” sagot nito “natural na mataba?” “Rosales, in my office” tawag ni hepe sa akin “hala ka! hehehe” biro nila sa akin “mga gong-gong, sige balikan ko kayo mamaya at tapusin natin ito” sabi ko sa kanila na nagtawanan lang sila. Pumasok na ako sa opisina ng hepe namin “sir!” sumaludo ako sa kanya “sit down, Lt. Rosales” sabi niya sa akin at naupo na ako sa silya.

“Sir” tawag pansin ko sa kanya dahil simula nung pinaupo niya ako di na ako nito pinansin “ah.. sorry” sabi niya “ok lang sir, me kailangan po ba kayo sa akin?” tanong ko sa kanya “hmm.. tumawag yung Chief of Police ng Alaminos, Pangasinan kanina, nahuli daw nila yung suspek na hinabol mo nung nakaraang araw at gusto nilang iturn over ito sa atin” balita niya “nahuli nila si Boyet?!” gulat na tanong ko sa kanya “oo, kahapon lang at naka detain ngayon ito sa presinto nila” balita niya sa akin.

“Mabuti kung ganun, isa kasi siya sa suspek dun sa bank robbery nung nakaraang buwan” sabi ko “tama, kaya umalis kana ngayon at dalhin mo si Sgt. Romero para naman makapag exercise ang taong yun” nakangiting sabi ni hepe sa akin “hehehe, sige sir aalis na ako” paalam ko sa kanya na tumayo ako at sumaludo sa kanya “sige, mag-ingat kayo Lt. Rosales” sabi ni sir sa akin at lumabas na ako sa opisina niya.

Nakita ko si Sgt Romero na nagtitimpla ng kape sa kusina at me pandesal ito sa bibig “pagkain nanaman, Sarhento?” tanong ko sa kanya “Tenyente naman, di pa ako nakapag-almusal kanina” rason niya sa akin na napailing nalang ako. “Me order si Hepe, nahuli ng Alaminos PD si Boyet susundoin natin siya ngayon para dalhin dito” sabi ko sa kanya na nagmamadali itong binitbit ang kape niya at sumunod ito sa akin. “Alam mo, hindi ako magtataka kung aatakihin ka nalang bigla sa puso” sabi ko sa kanya habang nagmamaneho ako “mamomomomomoomm…” “ano? tsk! Romero wag ka ngang bastos, lunokin mo muna yan bago ka magsalita” sabi ko sa kanya na mabilis itong nginuya ang pagkain at nilunok ito “sabi ko, hindi ako aatakihin dahil me gamot ako” sabi niya “ano ang silbi ng gamot kung wala ka namang disiplina sa pagkain” sabi ko sa kanya na inignore lang ako at tuloy lang ito sa pagkain ng pandesal niya.

Dahil sa traffic, tanghali na kami nakarating ng Alaminos at nung malapit na kami sa prisento kung saan naka detain si Boyet “Tenyente, pwede ba tayong mag tanghalian muna?” tanong ni Romero sa akin. “Anak ng put.. haayyy sige nagugutom narin ako” sabi ko sa kanya na huminto kami sa tapat ng karenderya at kita kong natutuwa si Sarhento Romero nung makita niya ang mga naka display na pagkain sa harapan niya.

“Uy! ito manang gusto ko ito, tapos yung kare-kare, ano ito?” tanong niya “nilagang baboy” sagot nung tindera “yan din po manang tapos tatlong kanin, ikaw Tenyente pili kana” sabi niya “ha? akala ko ba sa atin yun?” gulat na tanong ko sa kanya na ngumiti lang ito “anak ng put.. talaga, manang bigyan mo ako nito at isang platong kanin” sabi ko na pumasok na kami sa loob at naupo na kami.

“Talaga ikaw Alan, pagdating sa pagkain di ka nagpipigil ng pera pero pagdating sa load hingi ka ng hingi!” sabi ko sa kanya na natatawa lang ito nung kumakain na kami “miss, isang bote ng pepsi” sabi niya dun sa serbidora “ikaw po ma’am?” tanong nung babae “bote ng tubig kung meron kayo” sabi ko na umalis na ito. “Kaya sobrang payat mo Tenyente dahil di ka masyado nagkakain” sabi ni Sarhento sa akin “payat? ok lang ang payat kesa naman katulad mo na nahihirapang sumakay sa mobile, hoy ikaw ha! magbawas kana ng timbang!” sabi ko sa kanya “hayaan mo na ang timbang ko Tenyente, lifestyle ko na ito eh” sagot niya.

“Hoy Romero! pulis tayo hindi bagay sa isang pulis ang malaki ang tyan, paano mo mahahabol ang kriminal kung me karga ka dyan sa harapan mo” sabi ko sa kanya “kaya nga me mobile car tayo di ba?” natatawang sabi nito sa akin na napailing nalang ako.

Bumalik na kami sa sasakyan pagkatapos naming kumain at makalipas ang ilang minutos nakarating na kami ng presinto “magandang araw” bati ko sa desk officer ng presinto “magandang araw naman, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya “ako nga pala si Lt. Rosales at ito naman si Sgt. Romero ng QCPD” pakilala ko sa kanya na pinakita namin ni Alan ang chapa namin. “Sir! (sumaludo ito sa amin) Ah tungkol po ba sa suspek na nahuli namin kahapon?” tanong nung desk officer “oo, susundoin namin siya ngayon para dalhin sa Quezon City” sabi ko “teka lang poTenyente, tatawagan ko lang si Hepe” sabi niya na nagdial ito “sir, andito na po yung pulis galing maynila” paalam niya “sige po sir” sabi niya na binaba na niya ang phone “Tenyente, Sarhento lalabas na po si Hepe” paalam niya sa amin kaya naghintay kami ng sandali sa front desk.

“Lt. Rosales, Sgt Romero ako si Capt. Alberto Maranan” pakilala niya sa amin na sumaludo kami ni Alan sa kanya “Sir!” “please, right these way” yaya niya sa amin at sumunod kami sa kanya papunta sa opisina niya. “Kanina ko pa kayo hinihintay” sabi niya sa amin nung nakaupo na kami sa silya “tumawag kasi sa akin yung hepe niyo para iconfirm ang arrival niyo dito” sabi niya “pasensya na sir medjo na traffic lang kasi kami sa daan” rason ko sa kanya na tiningnan ko si Alan. “That’s alright as long as safe kayong dumating dito” sabi niya “anyway, about kay Roberto Ilagan nasa kulongan namin siya ngayon, nahuli namin siya na nangdukot ng bag sa palengke” kwento niya “pwede ho ba namin makita si Boyet sir?” tanong ko “sure, right these way” yaya niya sa amin at lumabas kami ng office niya at dinala niya kami sa detention area nila at nakita namin si Boyet na mag-isa sa selda niya.

“Te..Tenyente?” nagulat ito nung makita ako “walang hiya ka Boyet, from bank robbery to snatching? na demote ata ang status mo” sabi ko sa kanya na tumawa lang ito “hahaha di kasi sapat para sa pamilya ko yung parte ko kaya heto hahaha” natatawang sabi nito sa amin. “Inaayos na ng tauhan ko ang paper works niya para ma release namin siya sa custody niyo” sabi ni Hepe sa amin “Hepe, ako na po ang pipirma sa release papers niya” sagot ni Alan “alright, punta ka lang sa front desk para maprocess na nila ito” sabi ni Hepe. “Salamat sir!” sabi namin sa kanya at sumaludo kami nung nagpaalam ito dahil me meeting pa siya sa head commander ng probinsya nila. “Alan, puntahan mo na para makaalis na tayo” utos ko sa kanya “sige Tenyente” sagot niya at umalis na ito “walang hiya ka talaga Boyet, pinahirapan mo pa ako sa Quezon City dito lang pala ang bagsak mo” sabi ko sa kanya na nakangiti lang itong nagkakamot ng ulo.

“Ok na Tenyente” sabi ni Alan sa akin nung bumalik na ito kasama ang isang pulis at dala ang susi ng selda “tumalikod ka at lumuhod ka, Boyet” utos ko sa kanya na ginawa niya ito “itaas mo ang dalawang kamay mo” utos ko na ginawa niya ito at binuksan na nung pulis ang selda at kinuha ko na yung posas ko at pinosasan ko siya. “Parang nagbawas ka ata ng timbang?” tanong ko sa kanya nung binuhat namin ito para tumayo “eh walang masyadong makain dito eh” sabi niya “me karenderya malapit dito” sabi ni Alan sa kanya “Sarhento, tumahimik ka!” sabi ko sa kanya na natawa si Boyet sa amin. Nagpaalam na kami sa front desk officer at nagbilin ako sa kanya na pasalamatan ang Hepe nila “walang problema Tenyente makakarating sa kanya” sabi nito sa akin at sinakay na namin si Boyet sa kotse namin at umalis na kami.

Mag-aalas dos na nung dumaan kami sa karenderyang kinainan namin kanina at tila uulan ata dahil dumilim ang langit “pwede bang..” “mag diet ka!” sabi ko sa kanya na nilingon nito ang karenderya “gutom ka nanaman, Babski?” natatawang tanong ni Boyet “gusto mo dagdagan ko ng butas yang ilong mo?” banta ni Alan sa kanya. “Romero, tumigil ka at ikaw din Boyet” sabi ko sa kanila “pasensya na Tenyente” sabi ni Alan “ako din, seksi” sabi ni Boyet na tiningnan ko siya ng masama sa rearview mirror. Palabas na kami ng Alaminos ng biglang me humarang sa amin na kotse at buti nalang nakita ko agad ang karga nila kaya pinaliko ko sa kanan ang sasakyan at pinayuko ko sila dahil pinagbabaril kami ng mga taong sakay nito. “Romero, ilabas mo si Boyet dali!” utos ko sa kanya na kita kong nahirapan pa itong lumabas dahil sa laki niya.

Kinuha ko yung armas ko at nagpaputok ako ng ilang beses na tumigil sa pagbaril sa amin ang mga taong tumambang sa amin at sakto din nakalabas na ang dalawa kaya gumapang ako palabas sa passenger side ng mobile car. Nakahanda narin si Alan “Tenyente” tawag niya “wag kang gagalaw” utos ko sa kanya “bantayan mo lang si Boyet” sabi ko na sumilip ako ng konte sa ibabaw ng hood na nakita kong nagpapalit sila ng magazine kaya binaril ko sila at natamaan ko yung isa sa balikat na agad namang nagtago ang dalawa. “Ako si Lt. Rosales ng QCPD! ibaba niyo ang baril niyo!” utos ko sa kanila na pinagbabaril uli nila kami “Boyet dumapa ka!” sabi ko sa kanya dahil high power ang mga gamit ng mga taong ito “Romero, cover me!” sabi ko sa kanya na gumapang ako palayo sa kotse nung nagpaputok si Alan.

Gumapang ako papunta sa puno at sumandal ako sa likuran nito at dahan-dahan akong tumayo at sumilip, kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Alan “Tenyente, masama ito” sabi niya sa linya “alam ko, tatlo sila yung isa nasa loob ng kotse tapos yung dalawa nasa labas” balita ko sa kanya. “Ano ang gagawin natin? kukulangin tayo sa bala nito kung magstay tayo dito” sabi niya sa akin na nag-isip ako ng paraan para makatakas kami dito. “Tatawag ako ng back-up” sabi ko sa kanya at inoff ko ang call at tumawag ako sa Alaminos PD para humingi ng back-up “sige Tenyente pupunta na kami” sabi nito sa linya at binaba ko na ito. “Punyeta!” napamura ako dahil pagsilip ko uli nakita kong nag advance na yung isa palapit kina Alan kaya lumabas ako sa puno at binaril ko siya. Yumuko ito na saktong nasa linya ako ng kasamahan niya kaya agad akong nagtago sa puno nung binaril niya ako “TENYENTE!” sigaw ni Alan “OK LANG AKO!” sagot ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng panghahapdi sa braso ko at nung tiningnan ko ito “shit.. dugo” sabi ko na nadaplisan pala ako dahilan kaya bumilis ang pagtibok ng puso ko “ALAN!” tawag ko sa kanya “TENYENTE!” sagot nito “KAILANGAN NATING MAKAALIS DITO KUNDI HINDI NA TAYO AABOT NG MAYNILA!” sabi ko sa kanya. “ANO ANG PLANO?” tanong niya sa akin na tumingin ako sa paligid at hindi parin kumalma ang puso ko dahil siguro sa maraming adrenaline na dumaloy nito. “COVER ME!” sigaw ko sa kanya na tinaas niya ang baril niya at nagpaputok siya nung similip ako nagtago ang dalawa sa likod ng kotse nila kaya tumakbo ako sa kabilang puno kung saan makakuha ako ng tamang angulo laban sa mga taong bumaril sa amin. Naubos na yung bala ni Romero “WALA NA AKONG BALA!” sigaw niya na narinig siguro siya nung dalawa kaya lumabas muli sila sa likod ng kotse at nagsisimula na silang lumapit sa amin.

Sa malayo biglang nagising si Julian nung marinig niya ang pagtibok ng puso ni Lt. Rosales “Isa…bella…” sabi niya na bumukas ang kabaong niya at lumutang siya, nilingon niya ang kabaong ni Isabella. “Mahal ko.. nagbalik kana..” sabi niya na bumukas ang pinto ng musuleyo at saktong walang araw sa labas dahil maulap ito at narinig niya na pabilis na ng pabilis ang pagtibok ng puso ni Lt. Rosales. “Mahal ko…” sabi ni Julian na naging anino siya nung lumipad palayo sa islang tinutulogan niya ng dalawang daang taon at lumipad siya patungo sa pusong tumatawag sa kanya “hintayin mo ako.. mahal ko..” sabi niya. Nanibago siya sa lugar na dinaanan niya dahil marami na itong bahay at me mga gusali naring nakatayo na dati isa itong gubat kung saan siya nakatira noon pero tila iba na ngayon ang anyo ng lugar na dati ay isang paraiso para sa katulad niya.

Biglang natakpan ng ulap ang araw kaya medjo dumilim ang paligid at sakto ito dahil pwede na akong makaresbak sa kalaban namin. Nakita ko ang dalawa na hindi nila ata ako napansin kaya lumabas ako ng konte sa likod ng puno at babarilin ko na sana sila ng mapansin ako nung pangatlong tao na nasa kotse. “Pare, sa kaliwa niyo!” tawag niya sa mga kasamahan niya na bigla silang lumingon sa akin at buti nalang nakatago ako dahil kung hindi patay na siguro ako sa dami ng balang tinira nila sa akin. “MGA PULIS KAMI!” sigaw ko sa kanila “ALAM NIYO BANG MGA ALAGAD NG BATAS ANG BINABARIL NIYO?” dagdag ko na narinig kong kinasa nila ang armas nila. “ILABAS NIYO SI BOYET, SIYA ANG KAILANGAN NAMIN!” sabi nung isa “SUSPEK NAMIN SI BOYET, HINDI NAMIN SIYA PWEDENG ISUKO SA INYO!” sagot ko. “WALA KAYONG MAGAGAWA. KUNG AYAW NIYONG MAMATAY DITO IBIGAY NIYO SA AMIN SI BOYET!” demanda niya sa amin na napakapit ako sa braso ko dahil humapdi ang sugat ko.

Biglang umihip ang malakas na hangin at lumamig ang paligid, tumayo ang balahibo sa braso ko nung maramdaman kong parang me tumitingin sa akin. “ROMERO!” tawag ko kay Alan “TENYENTE OK KA LANG BA?” tanong niya sa akin. “OK LANG AKO, KAYO?” tanong ko “ME SUGAT AKO SA TUHOD PERO OK LANG AKO PATI SI BOYET” sagot niya na naramdaman ko bigla na parang me nakatayo sa likuran ko na paglingon ko wala namang tao. “Hah!” sabi ko nalang at sumilip ako sa labas kung nasaan na yung dalawa ng magulat nalang ako nung nakita kong nagsisitakbuhan sila bigla pabalik sa kotse nila na parang me kinatatakotan sila. “ROMERO, AALIS NA SILA” balita ko kay Alan na sumilip ito ng konte sa hood ng sasakyan namin at nakita din niyang sumakay ang dalawa sa kotse nila. “TENYENTE” sigaw niya kaya lumabas ako sa likod ng puno at pinagbabaril ko sila na mabilis tumakbo ang kotseng sinasakyan nila papalayo sa amin.

“Ok ka lang ba Tenyente?” tanong ni Alan sa akin nung lumapit ako sa kanila “ok lang ako, Boyet” tawag ko sa kanya na ngayon ay naihi sa pantalon niya sa takot. “Kilala mo ba ang mga yun?” tanong ko sa kanya “si.. sila yung kasamahan ko” nanginginig nitong sabi sa amin “kaya pala gusto ka nilang patayin kasi alam nilang ikakanta mo sila” sabi ko sa kanya. “Tenyente” tawag sa akin ni Alan “bakit?” tanong ko “me sugat ka sa braso” sabi niya “daplis lang ito, tara na baka balikan pa tayo ng mga yun” sabi ko sa kanila na sumakay na muli kami sa sasakyan namin at buti nalang hindi tinamaan ang gulong namin.

“Saan tayo?” tanong ni Alan sa akin “balik tayo sa presinto, palpak yung mga pulis dito” sagot ko “hindi ba tinawagan mo sila?” tanong niya “oo, kaya nga palpak kasi hindi sila sumipot” sagot ko na napatingin ako sa mga puno sa labas. “Ok ka lang ba Tenyente?” tanong ni Alan “ok lang ako, sige na” sabi ko sa kanya na parang me nakita akong taong nakatayo sa likod ng puno.

“Tenyente” tawag pansin sa akin ni Alan “oh bakit?” tanong ko sa kanya “nagtataka lang ako” sabi niya “saan?” tanong ko “na corner nila tayo, marami silang bala kesa sa atin pero bakit sila umalis? Nasa advantage sila tapos aalis nalang sila ng ganun-ganun lang?” takang tanong sa akin ni Romero na pati rin ako nagulohan sa nangyari kanina. “Hindi ko alam Sarhento, ang importante ngayon ay ligtas tayo at walang nangyaring masama sa atin” sabi ko sa kanya. Hindi parin mawala sa isipan ko ang naramdaman kong tao kanina sa me puno “siguro nakakita sila ng multo kaya sila tumakbo” biro ko kay Alan na natawa ito “kailangan ko ng bagong pantalon” sabi ni Boyet sa amin na napalingon kami sa kanya “halata nga eh, bumaha yung ihi mo kanina” sabi ni Romero sa kanya “Sarhento, tumawag ka sa HQ mamaya pagdating natin sa presinto” utos ko sa kanya “yes, ma’am” sagot niya.

Lumabas sa likod ng puno si Julian at tiningnan niya lang ang kotseng papalayo sa kanya “Isabella..” bigkas niya at pinikit niya ang mga mata niya na narinig niya muli ang pagtibok ng puso nung babaeng sakay sa harapan ng kotse. “Sa mahabang panahon kong paghihintay sa pagbalik mo dito sa mundo.. sisiguradohin kong walang makakapagpigil sa pagmamahalan natin” sabi niya na lumingon siya sa direksyon na tinatahak ng mga taong nang ambush kina Rosales kanina.

Naging anino ulit si Julian at hinabol niya ang mga taong bumaril sa taong mahal niya at naabotan niya itong nakaparada sa isang maliit na kubo. Lumusot ang paningin niya sa pader ng kubo na nakita niya ang tatlo sa loob nito na naka higa yung isa habang ginagamot siya nung pangalawa at yung pangatlo naman ay parang me kausap ito sa kamay niya. Lumutang papalapit si Julian at lumusot siya sa pader na hindi siya napansin ng tatlo.

“Masakit, dahan-dahan lang” sabi nung nakahiga “ang tanga-tanga mo kasi” sabi nung gumamot sa kanya na bigla nalang natahimik yung pangatlo “hoy! ano na ang balita?” tanong nito “pa…pare…yu…yung…” “ano?” sigaw nung pangalawa na napatigil narin ito nung nakita nila si Julian na nakatayo sa sulok. “Pare.. siya.. siya yung nakita ko sa puno kanina..” sabi nung nakahiga na agad nilang kinuha ang mga baril nila at puro sigaw at putok ng baril ang maririnig sa loob ng kubo at ilang sandali lang ay natahimik na ito.

Lumutang palabas ng kubo si Julian “wala ng mananakit sayo, mahal ko” sabi niya na lumipad siya pataas at sinunod ang tibok ng puso ni Rosales na ngayon ay nakabalik na sa presinto ng Alaminos PD. Nung malapit na si Julian sa presinto napahinto nalang siya at nagulat sa nakita niya “imposible!” sabi niya nung tumambad sa harapan niya ang dating mansion na tinitirhan dati ni Isabella na ngayon ay presinto na ng Alaminos PD.

Chapter II: Her Scent!

Habang tumatawag si Romero sa headquarter namin sa Quezon City nasa taas naman ako kausap si Capt. Maranan.

“Pasensya na kung hindi agad nakarating ang mga tauhan ko, Lt. Rosales” paumanhin niya sa nangyari sa amin kanina. “Hindi na importante yun Hepe ang importante maayos kaming nakabalik dito” sabi ko sa kanya pero sa loob ko galit na galit ako sa kanila “mabuti kung ganun, nakilala niyo ba yung mga taong nang ambush sa inyo?” tanong niya sa akin “sinabi sa amin ni Boyet na mga kasamahan niya yun sa maynila, yung mga kasama niya nung nang hold up sila ng banko” sabi ko sa kanya.

“Kung ganun, delikado pala ang mga taong yun” sabi niya na kita kong nakatingin ito sa dibdib ko “ah sir, mawalang galang na po” sabi ko sa kanya “ha? bakit?” tanong niya “nasa itaas po ang mata ko, wala sa dibdib ko” sabi ko sa kanya na kita kong napahiya ito.

Bumaba na ako sa selda at nakita kong kausap ni Romero si Boyet “Tenyente” tawag niya “kumusta na kayo?” tanong ko sa kanila “ok lang kami” sagot ni Romero “so ano ang sabi ni Hepe sa report mo?” tanong ko sa kanya. “Magpaliban daw muna tayo ng gabi dito at bukas na daw tayo bumyahe” balita niya sa akin “hindi pwede, mamaya aalis na tayo” sabi ko sa kanya “nenerbyos pa ako Tenyente” sabi ni Boyet sa akin “suck it up!” sabi ko sa kanya na napayuko ang ulo nito. “Utos ni Hepe yun, Tenyente” sabi ni Romero sa akin “kung magpaliban tayo ng gabi dito baka bukas ganun din uli ang mangyari sa atin” sabi ko sa kanya “aalis tayo pagbaba ng araw, magkarga ka ng maraming gamit sa sasakyan natin” utos ko kay Romero na sumaludo lang ito sa akin. Lumabas ako ng presinto at kita kong umaambon na pala “mabuti itong cover para sa byahe namin mamaya” sabi ko sa isip ko nung me nakita akong lalake na nakatingin sa akin sa kabilang kalye.

“Problema mo?” tanong ko sa kanya na nakatingin parin ito sa akin kaya nilapitan ko siya at pinakita ko sa kanya ang chapa ko “bakit tingin ka ng tingin sa akin?”‘ tanong ko sa kanya na kita kong naka lumang damit siya kagaya ng mga damit noong unang pilipino noon. “Me problema ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya na ngumiti ito sa akin “wala” sagot niya na me malamig na boses itong nakatingin sa akin “bakit tingin ka ng tingin sa akin?” tanong ko sa kanya na ngumiti ito “nagagandahan lang ako sayo” sagot niya sa akin. “Ganun? Gusto mo ikulong kita?” tanong ko sa kanya “bakit mo ako ikukulong?” tanong niya sa akin “dahil nawewerdohan ako sayo” sagot ko sa kanya na ngumiti uli ito. “Tenyente!” narinig kong tinawag ako ni Romero na nilingon ko siya “bakit?” tanong ko “nakahanda na ang gamit natin” sabi niya “sige, susunod na ako” sabi ko sa kanya na pumasok na ito sa loob ng presinto “so, ano ang….” nagulat nalang ako dahil bigla nalang itong nawala “nasaan na yun?” tanong ko na nagkamot ako ng ulo at bumalik sa presinto.

“Sarhento” tawag ko kay Romero na ngayon ay pinuposasan na niya si Boyet “nakahanda na sa likod yung kotse” sabi niya sa akin na hindi na kami nagpaalam sa mga pulis dito sa presinto at nung nasa labas na kami “teka, nasaan ang sasakyan natin?” gulat kong tanong kay Romero. “Naisip ko kasi Tenyente na mas maigi na ito ang dadalhin natin kesa dun sa sasakyan natin” sabi niya “aabot ba kaya tayo nito sa Maynila?” tanong ko sa kanya “oo naman, nakipagpalit ako ng kotse dun sa may-ari nito, mahilig kasi siya sa sasakyan kaya nakakuha ako ng magandang deal sa kanya” kwento niya sa akin. “Basta ba hindi tayo ihinto nito sa daan at walang ano mang problema sa sasakyang ito, ok lang sa akin” sabi ko kay Romero na sinakay na niya si Boyet sa likod “ikaw na ang mag drive” sabi ko sa kanya na tumango ito at sumakay na kami.

“Matanda pa ata sa atin itong kotseng ito, Romero” sabi ko sa kanya “pero tumatakbo pa naman Tenyente” natatawang sagot niya “mga boss, nagugutom ako” sabi ni Boyet sa amin nung nasa daan na kami palabas ng Alaminos. “Tiisin mo muna Boyet, ibibili ka namin ng pagkain pagnakalabas na tayo dito sa Pangasinan” sabi ko sa kanya “ang tagal pa nun” reklamo niya “Romero” tawag ko sa kanya na napasimangot ito “bigay mo na!” utos ko sa kanya “hmp!” sabi nito at tinuro ang bag niya. “Paano ako kakain nito nakaposas ako?” tanong ni Boyet sa amin na nagkatinginan kami ni Romero “hmp!” sabi ko nalang at lumipat ako sa likuran at sinuboan ko ng chichirya si Boyet na kita kong natutuwa ito. “Mag enjoy ka lang ngayon Boyet” sabi ni Romero “pagdating ng Quezon City kalabuso ang matatanggap mo dun” dagdag niya “ok lang sir, basta ba sinisilbihan ako ni Tenyente seksi kahit ilang taon ok lang sa akin” nakangiting sabi nito sa akin na sinuntok ko siya sa balikat na natawa lang ito.

Nakalabas na kami ng Pangasinan at ilang oras nalang makakarating na kami ng Quezon City ng magpasya akong huminto muna kami dahil nakaramdam narin ako ng gutom “buti pa nga Tenyente” sabi ni Romero “naiihi narin ako” sabi ni Boyet. “Bilisan niyo lang sa banyo ako na bahala ang mag order sa pagkain natin” sabi ko sa kanila na tumungo sila sa banyo habang nakapila naman ako para umorder ng pagkain namin. Ilang tao nalang at ako na ang susunod nang me maramdaman akong panlalamig sa likuran ko. Kaya napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang bata na nakangiting nakatingin sa akin kaya nginitian ko din siya pero hindi parin nawawala ang panlalamig na nararamdaman ko sa mga oras na yun kaya panay lingon ko sa bata. Nung umorder na ako at pagkatapos kunin nung cashier ang pera ko nagulat nalang ako kasi nung sumunod sa akin isang babae na at hindi yung bata kanina. “ah.. ale, nasaan po ang anak niyo?” tanong ko sa kanya “anak?” takang tanong niya sa akin na umalis nalang ako.

Bumalik na yung dalawa galing banyo at si Romero na ang pinakuha ko sa pagkain namin habang bumalik na kami ni Boyet sa loob ng kotse “Tenyente” tawag niya sa akin “ano?” tanong ko “me nagkakagusto ata sayo” sabi niya sa akin “ha? Sino?” tanong ko na tinuro ng nguso niya ang asong nakaupo sa labas lang ng pintoan ko. “Kanina pa yan tingin ng tingin sayo” sabi ni Boyet sa akin na tiningnan ko ang aso at tama nga siya sa akin lang ito nakatingin na hindi man lang ito gumalaw nung me mga taong dumaan sa harapan at sa likuran niya. Lumabas na si Romero sa tindahan at kumain muna kami bago kami umalis “Tenyente” tawag ni Romero sa akin “bakit?” tanong ko “hindi mo man lang ba bibigyan ng pagkain yang bisita mo” sabi niya sa akin sabay turo sa itim na asong naka upo sa labas ng pintuan ko. Binaba ko yung bintana at hinagisan ko ito ng buto na hindi man lang ito gumalaw o kinain ang binigay ko sa kanya “busog ata” sabi ko na hindi nalang namin ito pinansin.

Pagkatapos kumain bumalik na kami sa daan at makalipas ang isang oras at kalahati nakarating na kami sa presinto at pinasok agad ng mga tauhan namin si Boyet sa selda pagktapos itong ibook “good job Rosales, Romero” bati sa amin ni Hepe. “Sir, tungkol dun sa nang ambush sa amin… ” “huwag mo na isipin yun Rosales, nakatanggap kami ng balita mula sa Alaminos na nahanap na nila ang mga taong tumambang sa inyo” balita niya sa akin. “Talaga sir? Saan?” tanong ko “sa kabilang bayan pero hindi na nila ito naabutang buhay” balita niya “napatay nila yung nang ambush sa amin?” tanong ko sa kanya. “Hindi, patay na nung inabutan nila ang mga suspek, meron kasing nag report sa kanila na nakarinig ng putok sa isang kubo kaya nung pinuntahan nila para imbisitagahn naabutan nalang nilang wala ng buhay yung tatlo” balita niya. “Ma swerte kayo kasi hindi kayo napatay ng mga taong yun” sabi ni Hepe sa amin.

“Me suspek ba sila sa gumawa nito?” tanong ko “wala, inassume nila na pumalpak yung plano nila tinumba ng mga kagrupo nila ang tatlo since nakita niyo nga ang mga mukha nila” sabi ni Hepe sa amin. “Pero sir, ang weird din kanina dahil nasa position na silang itumba kami bigla nalang silang umalis” kwento ni Romero na napaisip ang Hepe namin “hmmm… yun na nga din ang iniisip ko eh” sabi ni Hepe sa amin. “Bueno, you guys deserve a rest umuwi na kayo para makapagpahinga” sabi niya sa amin na nag agree kami ni Romero dahil pagod narin kami sa byahe at sa nangyari kanina kaya tumayo kami at sumaludo sa kanya bago kami lumabas ng opisina niya. “Haayyy makakapagpahinga narin ako ng maayos” sabi ni Romero sa akin “pahinga? Baka kakain ka lang?” biro ko sa kanya na natawa lang ito. “Mag diet ka, Romero” sabi ko sa kanya na inignore lang ang sinabi ko at sumaludo ito sa akin sabay alis nito.

Dumaan muna ako ng pharmacy para bumili ng gamot at nagmaneho na ako pauwi sa apartment ko, pagbukas ko ng pinto nakakita ako ng damit sa sahig “ano ito?” takang tanong ko at nakita kong wala na sa pwesto ang sofa ko sa sala kaya binunot ko ang baril ko. Me narinig akong kalabog sa kabilang kwarto kaya dahan-dahan akong humakbang papunta dun at dinikit ko ang tenga ko sa pintouan ng me marinig akong ingay sa loob kaya nagmamdali akong tinadyakan ang pinto at tinutok ko agad ang baril ko “FREEZE!” sigaw ko na napatigil ang dalawang tao sa ibabaw ng kama at nung sumilip ito sa ilalim ng kumot “hi, Issa!” bati sa akin ni Karen. “Anak ng put.. Karen!” sabi ko na kita kong me gumalaw sa tabi niya “sino nanaman yan?” tanong ko sa kanya na binalik ko sa holster ang baril ko “Issa, meet Kevin, Kevin siya si Issa, housemate ko” pakilala niya sa amin na nilabas nito ang ulo sa ilalim ng kumot “hi, nice to meet you” sabi nito na napailing nalang akong lumabas ng kwarto niya.

“Ang gulo ng apartment, hindi ka man lang naglinis” sabi ko sa kanya nung nasa sala na ako at kita kong naka bathrob lang itong sumunod sa akin “eh pasensya na akala ko kasi bukas kana uuwi eh” sabi niya sa akin. “Bukas?” tanong ko “bru, thursday ngayon” sabi niya sa akin na bigla kong naalala kung ano ang meron sa araw na ito “SHIT!” napamura nalang ako at nagmamadaling kinuha ang jacket ko at lumabas ng apartment. Nagmaneho na ako at nagmamadaling pumunta sa bahay ng mga magulang ko at pagdating ko sa gate nag busena ako na binuksan ako ng guard “magandang gabi ma’am” bati nito sa akin nung pinasok ko na yung kotse sa loob. “Sorry kung na late ako” sabi ko na nasa dinning table na silang lahat at naghahaponan “Isabella, buti at naalala mo ang anniversary namin ng papa mo” sabi sa akin ng mama nung humalik ako sa pisngi niya “pa, happy anniversary..” hindi ko natuloy dahil umiwas ito nung hahalikan ko na sana siya sa pisngi.

Galit sa akin ang papa ko dahil gusto niya ako ang susunod sa yapak niya bilang presidente ng kompanya, pero iba ang profession ang kinuha ko instead na maging business management well naging pulis ako. “Galit parin ho ba kayo sa akin?” tanong ko sa kanya nung naupo na ako sa kaliwa niya “Elizabeth, iabot mo nga sa akin ang ketchup” utos ng papa ko sa kapatid ko na kahit nasa tabi lang ng plato ko ang bote ang kapatid ko pa ang inutosan niya para iabot sa kanya. Kinuha ko ang bote ng ketchup at nilagay ko ito sa tabi ng plato niya na hindi man lang ito tumingin sa akin “Delia, kuhanan mo ako ng bago, hindi ko gusto ang boteng ito” utos niya sa maid namin na sa galit tumayo ako “bakit hindi mo nalang ako diretsohin papa!” sabi ko sa kanya na tumayo ito at sabing “nawalan na ako ng gana, pakisabi kay Delia na dalhan nalang ako ng kape sa study room ko” sabay lakad nito palayo sa mesa.

“Dahil ba hindi ko sinunod ang gusto niyo? Naging pulis ako instead na maging business management?” sabi ko sa kanya na huminto ito at lumingon sa amin “Nerissa, pakisabi sa driver na linisin ang kotse bukas, ayaw ko ang amoy nung kotseng tumabi sa kotse ko” insulto niya sa akin na umalis ito at pumasok sa study room niya. “PUNYE..” “ISABELLA!” sigaw ng mama ko na natahimik ako “haayy.. ” narinig ko galing sa kapatid ko kaya umalis nalang ako at kinuha ang jacket ko at lumabas ng bahay. “ISABELLA WAIT!” sigaw ni mama nung hinabol niya ako sa labas “pasensya na po ma, gusto ko lang pong umattend sa anniversary niyo pero…” sabi ko sa kanya “kilala mo na ang papa mo, Isabella” sabi niya sa akin “ikaw kasi, sobrang matigas ang ulo” sabi ni Elizabeth sa akin na nakatayo na ito sa me pintoan ng bahay.

“Elizabeth, tumahimik ka!” sabi ni mama sa kanya “ok lang yun, mama” sabi ko “huwag ka muna umalis, Isabella” sabi sa akin ni mama “patawarin niyo po ako, mama” sabi ko sa kanya na kita kong naluha ito. Niyakap ko si mama at nagpaalam narin ako sa kapatid ko at sumakay na ako sa sasakyan ko at umalis na ako “salamat mang Berto” pasalamat ko sa guard namin nung binuksan niya ang gate. Nagpahid ako ng luha nung papalayo na ako sa bahay namin at kinuha ko yung phone ko at me tinawagan ako “hey, available ka ba ngayon?.. good, i’ll be there in thirty… see you then” sabi ko sabay baba ko ng phone at binilisan ko ang pagtakbo ng kotse ko. Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa destinasyon ko at nagdoorbell ako pagkatapos kong iparada ang kotse ko sa harap ng apartment niya. “Hey” bati nito sa akin “hey, Ben!” bati ko din na pumasok ako sa loob ng apartment niya at agad ko siyang niyakap nung sinara niya ang pinto “what’s wrong?’ tanong niya “I need you!” sabi ko sa kanya na ngumiti ito “then, you have!” sagot niya.

Lumabas sa anino ng kotse si Julian at tumingin ito sa paligid, tumingin siya sa pangalawang palapag ng apartment at lumutang ito, naririnig niyang nagbago ang pagtibok ng puso nung babaeng sinundan niya at nagulat siya nung makita niya ito sa me bintana. Nakayakap ito sa leeg ng lalake habang naghahalikan silang dalawa, nakita niyang hinawakan nung lalake ang pwet ng babae at pinisil ito dahilan para magalit siya. “HINDIIIIIII!!!” sigaw niya na biglang napatigil ang dalawa nung yumanig ang buong apartment, naging anino agad si Julian at nagtago ito sa dilim “ano yun?” tanong nung lalake “huwag mo na pansinin yun, kailangan kita ngayon!” sabi nung babae na hinila niya ang lalake papasok sa kwarto at nagsara sila ng pinto. “Sa tagal ng panahon, siguro nagbago na ang puso ni Isabella” sabi ni Julian na lumutang siya papalapit sa pinto ng kwarto at lumusot siya na nakita niya ang dalawa na nakatayo sa tabi ng kama.

Tinulak ko si Ben sa kama at kita kong nagulat ito “hubad!’ utos ko sa kanya na hinubad nito ang sando at shorts niya “huwag, iwan mo yung boxers mo” sabi ko sa kanya na nakangiti itong binato ang damit niya sa sahig. Tinanggal ko ang baril ko na nilagay ko lang ito sa sahig at tinanggal ko na isa-isa ang damit ko na kita kong naeexicite siya “ah, ah, ah relax lang” sabi ko sa kanya dahil bumangon ito at umupo ito sa gilid ng kama. “Higa ka lang” sabi ko sa kanya na hinubad ko ang shirt at pantalon ko na naka bra at panty nalang ako sa harapan niya na napadila ito sa labi niya “I love watching you undress” sabi niya sa akin na napangiti ako sa kanya. “Hold on, babanyo lang ako” sabi ko sa kanya na kita kong gumalaw ito papunta sa desk niya malapit sa kama at nagbukas ito ng drawer “protection” nakangiting sabi niya sa akin na pinakita pa sa akin ang isang nakabalot pang condom na napangiti ako “good boy!” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa banyo.

Nakita ni Julian na nakahiga sa kama ang lalake na parang kinakagat nito ang isang bagay na kinuha niya sa drawer, hindi niya alam kong para saan ito dahil simula nung natulog siya wala na siyang alam sa makabagong mundong ito. Tumingin siya sa pinto ng banyo at lumusot ang paningin niya na nakita niyang nakaharap sa salamin ang babae at nakita niya ding hinubad nito ang pang-itaas na saplot niya. “Hmmm…” galing kay Julian na parang hindi ito mapakali sa mangyayari sa dawalnag nilalang sa silid na ito kaya sa sobrang selos niya nilapitan niya bigla si Ben at ginamitan niya ito ng kapangyarihan niya “Stati pana si treceti la somn (tumayo ka at matulog)” utos niya kay Ben na bigla itong tumayo at natulog sa isang kaway lang ng kamay niya. Lumutang si Ben sa ere na sumunod ito kay Julian at sabay silang nawala sa dilim, makalipas ang ilang segundo lumabas muli si Julian at nagpalit siya ng anyo.

“Are you ready, Benny?” tanong ko kay Ben nung binuksan ko ang pinto ng banyo at tumayo akong naka panty nalang, nakita kong nakatingin ito sa akin at biglang ngumiti ito sa tuwa sa suot ko “halika!” yaya niya sa akin na bumangon ito at lumapit sa akin. “Te iubesc (mahal kita)” sabi ni Ben sa akin na kinagulat ko “ano?” tanong ko sa kanya “ah.. hehehe.. sabi ko mahal kita” sabi niya sa akin na napangiti ako “anong lengwahe yun?” tanong ko na humalik na ito sa leeg ko. “Romanian” sagot niya nung dinidilaan niya ang ibabang parte ng tenga ko “am asteptat atat de mult timp pentru aceasta pentru dragostea mea (matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, mahal ko)” sabi niya sa akin na nawewerdohan na ako sa kanya. “Ben, stop talking like that.. baka ma turn off ako” sabi ko sa kanya na nararamdaman kong biglang uminit ang katawan ko sa mga dila at halik lang niya sa leeg ko.

Binuhat niya ako habang humahalik parin siya sa tenga ko at hiniga niya ako sa kama “oohhh Beeennn…” tawag ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya sa ulo, tumigil siya bigla at tumingin sa akin. Napansin kong tila nagbago ata ang kulay ng mga mata ni Ben, siguro ngayon ko lang ito napansin dahil hindi naman ako masyado nakatingin sa mga mata niya lalo na pagnagtatalik kami “mahal ko..” sabi niya sa akin na naghalikan kaming dalawa. Nakapatong na siya at dinikit niya ang katawan niya sa akin na naramdaman ko ang abs niya sa tiyan ko “ohh.. Beenn…” tawag ko uli sa kanya na dahan-dahan na itong bumaba ang mga halik niya sa leeg ko papunta sa dibdib ko. “Aaahhh…” napaungol ako nung maramdaman ko ang labi niyang bumalot sa utong ko, marahan niyang dinidilaan ito at inipit niya ito gamit ang labi niya.

Tumingin ako sa mga mata niya na lalo lang akong nalibugan sa mga tingin niya na parang iba ang sensasyong binibigay sa akin ni Ben ngayon, hindi kagaya dati na kailangan pa niya akong fingerin para umandar ang libog ko. Ngayon halik, dila at ipit ng labi lang niya nalilibugan na ako at nararamdaman kong namamasa na ang panty ko sa sobrang sarap ng ginagawa niya sa akin “ooohh..Dyos kooohh Beennn…” napaungol ako nung lumipat ang labi niya sa kabilang utong ko. Nakita kong nakangiti itong nakatingin sa akin kaya nginitian ko din siya at hinimas ko ang pisngi niya “hmmm… grabe kaahhh..” sabi ko sa kanya na hinalikan nito ang dibdib ko pababa sa tyan ko, sa pusod ko at itaas ng panty ko na tumingin muna ito sa akin “Isabella…” tawag niya sa pangalan ko na tinaas ko ang balakang ko at hinila nito pahubad ang panty ko.

“Esti la fel de frumos ca intotdeauna dragostea mea (maganda ka parin kahit kelan, mahal ko)” sabi niya sa akin na hindi ko na ito pinansin dahil sobrang nalilibugan na talaga ako sa kanya na niyuko nito ang ulo niya malapit sa hiwa ko at inamoy niya ito. “Parfum hipnotica dvs este ca intotdeauna (nakakabighani parin ang halimuyak mo)” hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya pero isa lang ang alam ko, mag-eenjoy ako sa gabing ito kasama si Ben. Hindi ko na maalala kung gaano kahaba ang dila niya pero yung pumasok sa lagusan ko kasing haba ng alaga niya nung kinantot niya ako “ooohh.. Beennn…” napaungol ako dahil sa haba at naabot nito ang kinailalim ng pekpek ko na tila kinikiliti nito ang G-spot ko. “Oohhhhh… oohhhh….ooohhhhh…” ungol nalang ako ng ungol habang napakapit ako sa kobre kama niya na halos mabaliw ako sa sarap sa ginagawa ng dila niya sa pekpek ko.

Hinimas niya ang magkabilang hita ko na napakapit ako sa suso ko at nilamas ko ito, parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na halos mabaliw ako sa sarap. Tinukod ko ang dalawang siko ko sa kama at tiningnan siya na nakita kong nakadikit ang labi nito sa hiwa ko habang gumagalaw sa loob ng lagusan ko ang dila niya “ohhh…ohh…ooohhhhh….” napaungol ako habang lamas-lamas ko parin ang suso ko. Nakita kong nilayo niya ng konte ang labi niya sa pekpek ko at kita ko ang dila nitong gumagalaw sa hiwa ko at nung hinila niya ito palabas nag “pop” pa ito na kita kong me tamod sa dulo ang dila niya na agad kong hinila ang ulo niya palapit sa akin at sinubo ito “hmmmm…..”. Nalasahan ko pa ang tamod ko sa dila niya at naghalikan kaming dalawa na gumulong kami at ako na ang nasa ibabaw niya.

Dinilaan ko ang labi niya pababa sa leeg at kinagat ito “aahhh… Isabellaaahh..” umungol siya na hindi ko na pinansin ang malamig niyang balat dahil sa libog “hmm.. Ben.. ang sarap nung ginawa mo” sabi ko sa kanya na tumingin lang ito sa akin. Umupo ako sa ibabaw niya na nilamas nito ang dede ko habang inaatras-abante ko ang pekpek ko sa inupoan ko ng titi niya na napanganga ito at tila nagustohan niya ang ginawa ko. Iba ang libog na dala ni Ben ngayon parang naninibago talaga ako sa kanya, kung ano man ito hindi ko na dapat pang tanongin dahil gustong-gusto ko ang ritwal naming dalawa ngayon. Dumapa ako sa ibabaw niya at naghalikan kami at iniwan ko ang labi niya nung bumaba ang labi ko sa leeg niya, sa dibdib niya, sa utong niya na gaya niya dinilaan ko din ito at inipit sa labi ko na napahawak siya sa ulo ko.

Bumaba ang labi ko pahalik sa tiyan niya, sa pusod niya at hinila ko pahubad ang boxers niya na nagulat ako at napakagat ng labi nung makita ko ang kahabaan ng alaga niya. “Ben..” tawag ko sa kanya dahil namangha ako sa kahabaan nito na dati hindi naman ito ganun kahaba. “Mahal ko, dulot ng libog at saya kaya ganyan yan kahaba at kalaki” sabi niya sa akin “pero… Ben…” sabi ko na umiling lang siya “hindi na importante ang detalye… atin ang gabing ito.. mahal kong Isabella” sabi niya sa akin na napakagat ako sa labi nung tiningnan ko ang alaga niya at pinikit ko nalang ang mga mata ko nung sinubo ko ito at narinig kong umungol siya. Taas-baba ang labi ko sa titi niya na halos napanganga na ako sa laki nito na hindi mapang-abot ang mga daliri ko sa bilogan nitong katawan. “Ben..” tawag ko sa kanya na huminga ako ng malalim bago ko sinubo ulit ang titi niya “aaahhhh….” napaungol siya sa ginawa ko.

Halos kasing laki ng braso ko ang katawan ng titi niya na ginanahan tuloy akong dilaan ang katawan nito nung nakatihaya lang ito sa puson niya na para akong asong dumidila ng buto. “Va sunt atat de frumoasa dragostea mea (ang ganda mo, mahal ko)” sabi niya sa akin na hindi ko na pinansin kung ano man ang ibig sabihin nun dahil baliw na baliw na ako sa laki ng titi niya na pinasok ko ang dalawang daliri ko sa pekpek ko para sukatin ito kung kakasya ba ito sa hiwa ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil ngayon lang ako makakatikim ng ganito kalaking batuta, kaya hinila niya ako papatong sa kanya at naghalikan kaming dalawa “hmmm… hmmmm…” siguro naririnig na niya yun na nalilibugan na talaga ako sa kanya. Kumukiskis ang alaga niya sa puson ko na halos mapiga na ito nung dinikit ko pa lalo ang katawan ko sa kanya na biglang gumulong kaming dalawa at napaibabaw na siya.

Nagbago narin ang hininga niya na tila nalilibugan narin ito “oohh..ohh… ipasok mo… ipasok mooohh…” sabi ko sa kanya na tumingin siya sa baba na nakapatong lang ang alaga niya sa puson ko. “Shit.. ipasok mo na.. please..” libog kong sabi sa kanya na umurong siya bigla na naramdaman kong dumagan ang katawan ng ari niya sa puson ko hanggang sa naramdaman ko ang ulo nito sa hiwa ko. “Mahal kita… aking Isabella..” sabi niya sa akin na bumukaka ako lalo na alam kong nararamdaman na niyang nakabuka na ngayon ang pekpek ko “ooh…hoooo…hoooo… please… please…. ipasok mo naahhh…” pagsamo ko sa kanya na tumingin ito sa mata ko. “Ma duc sa facem dragoste dupa doua sute de ani de asteptare I in sfarsit ai dragostea mea (dalawang daang taon akong naghihintay sayo, sa wakas magiging akin kana muli mahal ko)” sabi niya sa akin na napapikit ako nung maramdaman kong bumuka pa lalo ang hiwa ko nung nagsimula ng pumasok ang malaking troso niya sa lagusan ko.

Napakapit ako sa leeg niya at pinikit ko ang mga mata ko na nararamdaman ko ang pagpasok ng titi niya sa pekpek ko “ooohhh…” napaungol ako sa sarap at hapdi ng ginawa niya “Isabellaahhh…” tawag niya sa pangalan ko na nakanganga lang ako habang tuloy lang sa pagpasok ang titi niya sa loob ko. Pinakiramdaman ko kung hanggang saan aabot ang kahabaan ng titi niya sa lagusan ko dahil sa tagal naming pagdedate ni Ben alam ko kung hanggang saan lang ang titi niya sa loob ko. “Ooohhhhhh shiiiitttt…” napamura ako nung tuloy-tuloy parin ito nung naramdaman ko ang titi nitong lumagpas na sa hangganan ng haba ng titi ni Ben sa loob ko kaya binuka ko ang mga mata ko para siguradohin kung si Ben ba talaga ang kumantot sa akin, “Be… Ben… Ben… Beeeennnn….oohhh…” napaungol ako habang tinatawag ko ang pangalan niya.

Huminto siya bigla at tumingin sa akin kaya napatigil ako at tumingin din sa kanya “…haa…haa…haa….” para akong hinihingal na napapikit ko nalang ang mata ko nung maramdaman kong hinugot niya ang titi niya sa lagusan ko at tumigil ulit siya. Tumingin ako sa kanya na napapikit ulit ako nung binaon niya muli ang titi niya sa loob ko “Beenn…. oohhhh…hoooo…Beeennn…” napaungol ako habang tinatawag ko ang pangalan niya na tila nababasa niya kung ano ang gusto kong gawin niya sa akin. “Isabella..” tawag niya sa akin kaya tiningnan ko siya “Ben..” “Intotdeauna voi fi al tau si vei fi a mea iubitul meu (ako ay sayo at ikaw ay sa akin, aking mahal)” sabi niya sa akin na hinila ko ang ulo niya papalapit sa akin at naghalikan kami at doon nagsimula na siyang bumayo at sa bawat baon ng titi niya sa pekpek ko napakalmot ako sa likuran niya.

“Aaaahhhh…” narinig kong umungol siya nung tumalab ang mga kuko ko sa likuran niya at nung binaon niya ang titi niya pailalim sa pekpek ko kinalmot ko ito “aaahhh.. Isabellaaahhhhh….” napaungol siya na tila nagustohan niya ang ginawa ko. Pinulupot ko ang mga binti ko sa bewang niya at napakapit ako sa leeg niya nung binilisan na niya ang pagkantot sa akin na maririnig na siguro ng mga kapitbahay ang ingay ng kama. “Oh, oh, oh, oh, oh, oooohhhoooohhhh…” ungol lang ako ng ungol hanggang sa nilabasan na ako na hindi parin tumigil si Ben sa pagkantot sa akin “Be… Beenn..Beennn..ni…nila..aaahhh…nilabasan na akooohhh…aahhh..hooooo…” sabi ko sa kanya na lalo lang bumilis ang mga bayo niya sa akin at tila tunog nalang ng mga tumatamang balat namin ang naririnig ko at nawala na yung ingay ng kama.

“Isabellaahhh…” tawag niya sa pangalan ko na pagtingin ko sa mga mata niya nakita kong nagpalit ito bigla ng kulay na yung kulay asul kanina ngayon ay naging pula kaya napakapit nalang ako sa leeg niya at umiwas ng tingin sa kanya. “Aaahh…ah, ah, ah, ah, aaahhhhh….” umuungol narin siya “oh..oh..oh..oh…oh..ooohhhhh… dyosss..kooohhhh….” napaungol ako nung nilabasan na muli ako sa pangalawang pagkakataon na walang kapaguran si Ben sa pagkantot sa akin. Wala narin akong naramdamang kama sa likuran ko kaya natatakot na ako kaya tiningnan ko ulit siya at nagulat ako dahil ibang mukha na ngayon ang nakikita ko “Haa..haa…aahhhh….haaaa…..” imbes na sumigaw napaungol ako sa ginawa niya sa akin kaya pinikit ko nalang ang mata ko na biglang nakaramdaman muli ako ng orgasmo sa ginawa niya at maya-maya lang ay “aaahhhh… am aproape nu exista (malapit na ako)” sabi niya sa akin na hindi ko na pinansin.

Niyakap niya ako ng mahigpit at bumayo pa siya ng ilang beses “malapit na akoohhh.. mahal ko” sabi niya sa akin na nakakapit parin ako sa leeg niya at nakapulupot parin ang mga binti ko sa bewang niya. “Been… Beeennn….aaahhhh….” napaungol ulit ako dahil nakaramdam muli ako ng orgasmo sa pang-apat na beses na parang hihimatayin na ako sa sobrang pagod ng biglang bumitaw siya sa pagkayakap sa akin at ganun din ako at sabay bangon niya sa ibabaw ko at hinugot nito ang titi niya at sinalsal niya ito. “Haaaaa…haaaaa…aaahhhh….” napaungol siya ng malakas at nakita kong nangingintab niyang titi na tinutok niya ito sa tiyan ko at pinutok ang tamod niya doon. “Haaaaaahhhhh…..” napaungol pa ito habang tuloy lang siya sa pagsalsal sa titi niya habang ako ay parang nanlata sa sobrang pagod.

Pagkatapos niyang labasan nakaluhod lang itong nakatingin sa akin, hingal na hingal ako sa ginawa niya sa akin kaya hindi ko nalang ito kinausap at pinikit ko nalang ang mata ko. Naramdaman ko ang mga kamay nito sa gilid ko na parang gumapang ito para lumapit sa akin kaya nilingon ko ito at nakita kong nasa harapan na ng mukha ko ang mukha niya. “Mahal na mahal kita, aking Isabella” sabi niya sa akin sabay halik nito sa labi ko na parang me kung anong pampatulog ang labi niya dahil bigla nalang akong napapikit pagkatapos niya akong halikan. Naramdaman kong gumalaw ang kama at maya-maya ay naramdaman kong pinunasan nito ang tiyan ko at binihisan niya ako na pilit kong binuka ang mata ko nakita ko itong nakatayo sa gilid ng kama at nakatingin ito sa akin. “Bee….” tawag ko sa kanya na hindi ko na kinaya ang pagod at antok kaya nakatulog na ako.

Binihisan ni Julian si Issa pagkatapos niyang linisin ang tiyan nito at kinumotan niya, tumingin lang si Julian sa katawan niya at bumalik ito sa sarili niyang anyo at nakabihis narin siya. Gamit ang kapangyarihan niya, kinaway niya ang kamay niya at sabing “reveniti la camera (bumalik ka sa kwarto)” sabi niya na biglang lumabas si Ben sa likod ng anino ni Issa at nakahubad narin itong natutulog sa tabi niya. “Dragostea Mea aceasta nu va fi ultima noastra noapte acesta este doar inceputul (mahal ko, hindi ito ang huling gabi natin, umpisa palang ito)” sabi ni Julian sa kanya na yumuko ito at hinalikan niya sa pisngi si Issa at bigla itong naging anino at lumabas sa apartment. Nakatayo lang siya sa labas ng apartment habang nakatingin ito sa bintana ng kwarto ni Ben ng biglang me kung anong sumulpot sa likuran niya at nakaupo itong nakatingin sa kanya.

Isang itim na aso na kanina pa pala nakaabang sa kanya “Es war eine lange Zeit ihre Hoheit (kay tagal na, kaibigan)” sabi nung aso sa kanya “hmp! Das wurde lange alter mann (matagal na nga, matanda)” sagot ni Julian. Biglang tumayo ang aso at nagbago ito ng anyo at naging tao ito na ngumiti ito sa kanya “hindi ka man lang bumisita sa akin nung nagising ka, Julian” sabi nito sa kanya. “Pasensya kana, kaibigan” sagot niya na napansin niyang tumingin ang matanda sa bintana “alam mo ang kasundoan natin hindi ba?” tanong ng matanda sa kanya “Ja” sagot niya sa lengwaheng German. “Nicht zu vergessen mein freund (wag mong kalimutan, aking kaibigan)” sagot ng matanda sa lengwaheng German. Bigla silang nakarinig ng ingay sa kaliwa nila at nakita nilang me lumabas na apat pang aso.

“Dala mo ang mga alaga mo? Hindi ata tama yan” sabi ni Julian sa kanya “wala kang dapat ikabahala, mga anak ko sila alam nila ang kasundoan natin noon” paliwanag ng matanda sa kanya “mabuti kung ganun” sagot ni Julian. Naging tao din ang apat na aso at tumayo ito sa likod ng matanda “pasensya na kung nahuli kami sa pagdating, amang lobo” sabi nung nakakatanda sa apat “mabuti nang nauna ako, kesa sabay ko kayong humarap sa kanya” sabi nung ama nila. “Nakakapagsalita din ba sila sa lengwahe mo, kaibigan?” tanong ni Julian sa kanya na umiling ang matanda sa kanya “ako nalang ang natitirang lobo sa panahon natin, Julian” sabi ng matanda sa kanya “panahon, natin?” takang tanong niya “dalawang daang taon ka nga palang natulog at hindi mo alam ang nangyari sa paligid mo” sabi ng matanda sa kanya na sininyasan niya ang mga anak niya at nagsitakbuhan ito papalayo sa kanya at naging lobo. “Sumunod ka sa akin, ikukwento ko sayo ang nangyari nung panahong natulog ka” sabi ng matanda sa kanya na naging lobo din ito at hinintay si Julian na naging anino siya at sumunod sa matanda papalayo sa apartment ni Ben.

Chapter III: New World, Old Friends!

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa isang subdivision at huminto sila sa likod ng dalawang palapag na bahay “halika Julian, tuloy ka” yaya nung matandang lobo sa kanya na una silang pumasok kasunod ang apat na anak ni Solomon. “Maligayang pagdating, amang lobo” bati ng isang babae sa kanya na tumingin ito kay Julian at nagulat ito nung makita siya “Melinda” tawag ni Julian sa kanya. “I..ikaw…” sabi ng babae “Melinda, bisita natin si Julian” sabi ng amang lobo na dumaan ito sa harapan niya at yumuko si Melinda. “Pasensya kana kung maliit lang ang tahanan namin, kaibigan” sabi ng amang lobo. “Hindi ako namimili ng lugar alam mo yan, Solomon” sabi ni Julian sa kanya na napangiti ito “hindi ka parin pala nagbago, kaibigan” sabi ni Solomon sa kanya na naglakad si Julian at tumitingin-tingin sa paligid.

“Ngayon Solomon, ikwento mo sa akin kung ano ang nangyari sa mundo simula nung natulog ako” sabi ni Julian na umupo ang mga taong lobo sa upoan nila pati narin si Solomon at niyaya niyang umupo din si Julian. “Salamat kaibigan, pero pipiliin kong tumayo” sabi ni Julian sa kanya “wala ka bang tiwala sa amin?” tanong ng nakababatang lobo “Mariz!” tawag ni Solomon sa kanya “wala yun Solomon, me tiwala ako sa inyo kaya nga ako nandito, hindi ba?” sabi ni Julian sa kanya na natahimik lang si Mariz. “Pagpasensyahan mo na ang bunso ko, Julian” paumanhin ni Solomon sa kanya “wala sa akin yun, sanay na ako sa ganitong trato lalo na sa mga kalahi niyo” sabi ni Julian sa kanya.

“Bueno, sa pagdaan ng maraming taon marami narin ang nagbago sa paligid natin, nakita mo kanina ang mga nagliparang mga sasakyan at iba’t-ibang pagbabago sa lugar” pasimula ni Solomon na nakikinig lang si Julian. “Marami narin sa angkan naming mga lobo ang pumanaw na, yung iba sa edad nila at yung iba sa pakikipaglaban sa mga.. bampira” sabi ni Solomon na napatingin si Julian sa mga anak niya na isa sa kanila ay tila me maitim na balak sa kanya. “Kung me gusto kang gawin.. gawin mo na” sabi ni Julian sa panganay ni Solomon “kung gugustohin ko man hindi ko parin ito magagawa, dahil sa kasundoan niyo ng aking ama” sagot nito.

“Ramir! rumespeto ka at lumagay ka sa lugar!” sabi ni Solomon sa kanya “patawad po ama, hindi ko lang po kasi maiwasang makaramdam ng galit laban sa kanya” sagot ni Ramir sa kanya. “Alisin mo na ang galit sa puso mo Ramir, hindi natin kalaban si Julian bagkus kasapi natin siya” sabi ni Solomon sa kanila “paano po naging kasapi ng mga taong lobo ang isang bampira?” tanong ni Mariz sa ama niya na napalingon sa kanya si Julian at ngumiti siya. “Aaminin ko” panimula ni Julian “ilang angkan ng mga lobo ang napatay ko, ilang coven din ng mga bruha ang nawasak ko.. pero kung isasama mo ang bilang ng dalawang grupo hindi ito aabot sa kalahati ng bilang ng mga bampira ang napatay ko” kwento ni Julian sa kanila.

“Kaibigan, hindi mo na dapat pang banggiitin ang kahapong yun” sabi ni Solomon sa kanya na napatingin lang si Julian sa kanya “konte nalang ang natitirang bampira dito sa pilipinas, bilang nalang din ang angkan ng mga lobo dito” balita ni Solomon sa kanya. “Konte nalang?” tanong ni Julian “oo” sagot ni Solomon “bago ako natulog alam kong nasa isang daan ang angkan ng mga lobo dito sa bansa, halos me pitong coven ang mga bampira dito at alam kong dumadami pa sila pero paano naging konte nalang ang bilang?” takang tanong ni Julian sa kanya. Kita niyang tumingin si Solomon sa mga anak niya bago ito nagsalita “taong 1824 sampung taon ang nakalipas nung natulog ka me isang nilalang na bigla nalang nagpakita ng kakaibang lakas at bilis na pumukol sa aming mga lobo” kwento ni Solomon.

“Akala namin isa itong bampira dahil sa lakas ng mga kamao nito at sa bilis ng galaw niya hindi namin ito matatalo” kwento ni Solomon na tumayo ito at naglakad papunta kay Julian. “Ilang grupo narin ng mga taong lobo ang lumaban sa kanya pero isa-isa silang napatay nito na parang wala lang sa kanya, ni hindi man lang nila ito masugatan” dagdag niya. “Tapos?” tanong ni Julian “napilitan kaming kausapin ang isa sa mga angkan ng mga bampira, na nakatira lang malapit sa sinasakupan naming gubat na pati din pala sila nakasagupa ang taong ito” tuloy ni Solomon “mapa bampira man o taong lobo hindi sinasanto ng taong ito, kaya ito ang rason kaya naging konte nalang ang bilang ng mga taong lobo at bampira dito sa pilipinas” kwento ni Solomon. Napaisip nalang si Julian at napatingin sa malayo “ano ba ang kasarian niya?” tanong ni Julian.

“Hindi namin matukoy, iba ang kinikilos niya Julian.. parang ikaw kung kumilos sa tuwing ginagamit mo ang buong lakas mo” sabi ni Solomon sa kanya na nagulat si Julian sa narinig niya. “Baka ikaw yun bampira at nagkukunwari ka lang natutulog” sabi ni Ramir kay Julian “TUMAHIMIK KA, RAMIR!” sigaw ni Solomon sa kanya na parang aso itong umasta nung tumingin ito sa anak niya na napaatras si Ramir. “Gaya ng sinabi ko sa inyo, kasapi natin si Julian at hindi natin siya kalaban” sabi ni Solomon sa mga anak niya “kung ganun, me iba pang katulad niya ang nabubuhay sa mundong ito” sabi ni Melinda kay Solomon “sinabi sa akin ng nakababata kong kapatid bago ito binawian ng buhay, isang itim na nilalang na naghuhugis na tao ang sumalakay sa kanila. Me lakas ng sampung bampira, sampung lobo kung gumalaw ito at parang halimaw ito kung pumatay” kwento ni Melinda.

Napatingin sa kanya si Julian “me dapat ka bang sabihin sa amin Julian?” tanong ni Melinda sa kanya na napatingin sila kay Julian pati narin si Solomon. “Kung naghihintay kayo ng kasagutan, patawarin niyo ako dahil wala akong alam sa nilalang na tinutukoy niyo” sabi ni Julian sa kanila “tandaan niyo, simula nung namatay si…. (pagtigil niya)… sinamahan ko siya hanggang sa nagising ako kahapon” patuloy ni Julian. “Kung wala kang alam sa nilalang na ito paano natin siya mapipigilan?” tanong ni Melinda. “Meron akong kilala na alam kong me alam sa lahat ng ito” sabi ni Julian “sino, kaibigan?” tanong ni Solomon “ang mangkukulam na si Zoraida” sabi niya “si Zoraida? Hindi ba isa siya sa mga tauhan ni Reyna Lucia?” tanong ni Solomon “oo, kaya nakakasiguro akong me alam siya” sagot ni Julian.

“Teka, kung tauhan siya ng Reyna ng mga bampira ibig sabihin nito..” sabi ni Raul “oo, dalawang daang taon narin siya ngayon, siguro higit pa” sagot ni Solomon “paano natin siya mahahanap?” tanong ni Melinda “ang tanong dyan, kung buhay pa ba siya?” tanong ni Mariz. “Alam kong buhay pa siya, isa siya sa konseho sa kurte ni Reyna Lucia at siya ang nangunguna sa itim na mahika ng konseho kaya alam kong buhay pa siya hanggang ngayon” sabi ni Julian na naglakad ito patungo sa bintana. “Saan natin siya mahahanap?” tanong ni Solomon sa kanya “huwag kayong mag-alala, alam kong nasaan siya… kaya ako na ang lalapit sa kanya” sabi ni Julian sa kanila “samahan kana namin” sabi ni Ramir. “Huwag!” sabi ni Julian “bakit?” tanong ni Raul “isang taong lobo ang pumatay sa asawa niya, kung sasama kayo baka…” sabi ni Julian “aasahan ka namin, kaibigan” pagputol ni Solomon sa kanya.

Binuksan ni Julian ang bintana at lumingon siya sa kanila “huwag niyo akong sundan, alam ko ang pintig ng puso niyo” sabi niya sa kanila at naging anino muli siya at mabilis na lumabas sa bintana. “Ama, nakakasiguro ka bang mapagkakatiwalaan siya?” tanong ni Ramir sa kanya “oo, kahit itaya ko pa ang buhay ko” sabi ni Solomon sa kanya. “Ano ang susunod na gagawin natin?” tanong ni Raul “alam kong alam na din ng konseho ng mga lobo ang paggising ni Julian, maghahanda tayo alam kong ipapatawag nila tayo” sabi ni Solomon sa kanila “Solomon” tawag ni Melinda sa kanya nung me biglang sumulpot na itim na lobo sa pintoan nila “dito lang kayo, ako ang kailangan nila” sabi ni Solomon sa kanila at lumabas na yung lobo sa me pintoan. “Huwag kayong kumilos hangga’t hindi ko sinasabi, naiintindihan niyo?” sabi ni Solomon na umoo silang lahat at sumunod si Solomon sa lobong sumundo sa kanya.

“Hmmm… ” nagising ako makalipas ang ilang oras at bumangon ako para magbanyo at pagkatapos nakita kong mahimbing na natutulog sa kama si Ben “hmmm… Ben talaga” sabi ko na isa-isa ko ng dinamput ang mga damit ko sa sahig at nagbihis ako. “Ben.. uuwi na ako” paalam ko sa kanya na hindi ito nagising kaya hinalikan ko nalnag siya sa pisngi at lumabas ako ng apartment, ang lamig sa labas buti nalang me jacket ako sa sasakyan at sinuot ko ito. “Hmmm.. ang sarap ng ginawa ni Ben kagabi” nakangiti kong sabi nung nasa loob na ako ng sasakyan ko na sariwa parin sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi. Madilim pa sa labas at kita kong mag-aalas tres palang ng madaling araw kaya pinaandar ko na yung kotse at umalis na ako, habang nasa daan tiningnan ko ang phone ko at me tatlong miskols at dalawang text messages ako.

Huminto ako sa harap ng 7-11 para bumili ng kape at tumambay muna ako dun para basahin ang mga messages sa phone ko “Issa, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan” text galing kay mama. “Ate, nangungulit na si mama call us back” text galing sa kapatid ko “haayy.” nalang ako at tinuloy ang pag-inom ng kape ko ng biglang me namataan akong taong umaaligid sa kotse ko. Dala ang kape ko lumabas ako ng store para lapitan yung taong umaaligid sa kotse ko “me kailangan ka ba?” tanong ko dun sa taong nakatayo malapit sa trunk ng kotse ko. Nagulat ito nung marinig ako at napatingin ito sa akin “me kailangan ka ba sa kotse ko?” tanong ko sa kanya at ininom ko ang kape ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa baril ko na nasa gilid ko lang. “Ah.. wa..wala po!” sagot nito na umatras ito palayo sa kotse ko.

“Huwag kang gumalaw kundi babarilin kita” banta ko sa kanya na natataranta na ito “bakit ka umaaligid sa kotse ko ha?” tanong ko sa kanya “wa..wala po.. tinitingnan ko lang” sagot niya na kita kong nasa 15-17 taon ito. “Sigurado ka ba?” tanong ko sa kanya “o.opo!” sagot niya na tumango ako “sige, umalis kana!’ sabi ko sa kanya na mabilis itong tumakbo palayo sa parking lot ng tindahan “gago yun” sabi ko nung lumapit ako sa kotse ko at tiningnan ko ito baka kasi me ginawa siya. “Miss, ok lang ba kayo?” tanong sa akin nung cashier ng store “yeah, ok lang ako” sagot ko sa kanya na binuksan ko ang pintuan ng kotse “myembro ng grupo ng kabataan yun na nambubukas ng kotse dito sa lugar” balita sa akin ng cashier “ganun ba? Dapat hinuli ko na sana yun” sabi ko “oo, hindi ko alam pulis ka pala” sabi niya “Lt Isabella Rosales, QCPD” pakilala ko sa kanya “sige salamat” sabi ko at sumakay na ako sa kotse ko at pumasok narin ito sa store.

Pagdating ko ng apartment ko dumiretso na ako sa kwarto at hindi na ako nagpalit ng damit at bumagsak nalang ako sa kama at agad nagkumot, nakagawian ko na kasing mag panty lang at sando pagnatulog pero iba ang pagod na nararamdaman ko. Hindi kasi ako sanay matulog sa apartment ni Ben kahit na makailang rounds kami hindi parin ako natutulog dun hanggang umaga, nap lang yung tipong makakabawi ka sa lakas mo at ready kana umuwi o bumyahe. “Hmmm…..” nalang ako nung pinikit ko ang mga mata ko at nararamdaman ko na lilipad na ako papunta sa lugar ng panaginip ng biglang tumunog ang phone ko at napadilat nalang ako. “FUCK!” napamura nalang ako nung kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko kung sino “SHIT!” nasabi ko nalang at bumangon ako “yes Chief?” tanong ko sa linya.

Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa address na binigay ni Hepe sa akin “wow, good morning Tenyente!” bati sa akin ni Sgt. Romero “Alan, ano ang problema dito?” tanong ko sa kanya “dalawang katawan sa taas, dalawa sa baba, isa nasa sala at yung isa nasa kusina” balita niya sa akin. “Ugghh… ” nalang ako “Rosales” tawag ni Hepe sa akin “yes Sir!” sagot ko nung kinawayan niya ako kaya pumasok ako sa bahay. “Watch your step, Lieutenant” sabi nung agent ng SOCO sa akin “what the fuck!” mahinang sabi ko nung makita ko ang katawan ng biktima sa sofa “Rosales, over here” tawag ni Hepe sa akin kaya lumapit ako sa kanya. “Sir, ano po ang nangyari dito?” tanong ko sa kanya “by the looks of it, someone went wild in this house” sabi niya sa akin na kita sa katawan ng biktima ang maraming sugat at nakakalat ang dugo nito sa paligid.

“I want you to take care of this, Rosales” utos ni Hepe sa akin since ako ang senyor police sa scene maliban sa kanya “yes Sir!” sagot ko at lumabas na siya para harapin ang mga reporters. “Joe!” tawag ko dun sa isa sa SOCO team “hey, sexy!” bati niya sa akin “shut up! What’s going on here?” tanong ko sa kanya “well, the first victim in the living room suffers lacerations from the neck, chest, stomach and both legs” paliwanag niya. “What else do you have?” tanong ko “victim number two” sabi niya habang papunta kami sa kusina “suffers the same lacerations, so does victims three and four na nasa taas” paliwanag niya sa akin. “Teka, same lacerations sa katawan nila as in pareho ang locations ng mga sugat nila?” takang tanong ko sa kanya “yeah, at ang pinaka weird pa nito seconds lang ang pagitan ng pagkakahiwa sa mga sugat nila, parang synchronize ang pagkakapatay sa kanila” balita niya sa akin na napaisip din ako.

Umakyat ako sa taas at nandun pa ang SOCO na kumukuha ng mga ebidensya at litrato sa kwarto “oh God!” sabi ko nalang nung makita ko ang dalawang biktima sa kama. “Wear your gloves, Issa” sabi ni Thelma sa akin team lead ng SOCO. “Who do you think did this?” tanong ko sa kanya “don’t know, that is why we are here to find out” sabi niya sa akin na kinuha niya ang isang maliit na tela sa gilid ng kama at tiningnan niya ito ng mabuti. “What’s up?” tanong ko sa kanya nung tumayo ako sa likod niya “looks like evidence” nakangiting sabi niya at pinasok ito sa maliit na zip lock at pinakita ito sa akin “ano ang pagkakaiba nito sa mga damit dito sa kwarto?” tanong ko sa kanya “well Tenyente if you must know” sabi niya sabay akbay sa akin at sabing “this is a silk and me nakita ka bang silk sa buong kwarto o sa area kung saan ko ito nakita?” tanong niya sa akin na napatingin ako sa paligid at tumingin ako sa kanya “HMP!” nalang ako at nagsulat sa booklet ko.

“Sarhento, tapos na po kami” sabi nung tauhan niya “good, pack things up and bring all the evidence to our lab and inform the coroner na pwede na nilang kunin ang mga bangkay” utos niya sa tauhan niya “right away, ma’am” sagot nito. Bumaba na kami sa sala at nakita kong me kausap si Romero sa labas ng bahay “kamag-anak ng biktima” sabi ni Thelma sa akin “kakausapin ko lang” paalam ko sa kanya “go ahead” sabi niya at lumabas ako ng bahay. “Sarhento!” tawag ko kay Romero “Tenyente, ito nga pala si Silya pinsan ng may-ari ng bahay” pakilala sa akin ni Alan “i’m sorry for you loss” sabi ko kay Silya “salamat po, ano po ho ba ang nangyari sa pinsan ko?” naluluhang tanong niya sa akin “uhm.. sa presinto ko nalang ipaliwanag sa inyo, pwede ho bang sumama kayo sa amin?” tanong ko sa kanya “sige po, magpapaalam lang ako sa asawa ko” sabi niya “Romero, samahan mo siya at isabay mo narin siya papunta ng presinto” utos ko “sige Tenyente” sagot niya.

Pumasok muli ako sa bahay na nakita kong nagliligpit na ng gamit si Thelma “going back to the lab?” tanong ko sa kanya “yeah, dami pa naming ipaprocess na evidence, you look like hell!” sabi niya sa akin na napangiti lang ako. “Ben gave you that much huh?” nakangiting tanong niya sa akin “stupid!’ sagot ko sa kanya na natawa lang ito, alam kasi niya ang relasyon ko kay Ben at mga sex-sessions namin kaya alam nito kung ganito ang hitsura ko ibig sabihin nun kakagaling ko lang dun. “Ok lang yun girl, at least you had some hihihi” natatawang sabi nito “shut up, baka marinig ka nila” sabi ko sa kanya dahil mga ranking officers kami sa crime scene at ganito pa ang conversations namin. “Fine! But we should go out sometimes” sabi niya sa akin “alright, basta inform mo agad ako kung me results na kayo” sabi ko sa kanya “alright, Lt. Rosales” sabi niya na sumaludo pa ito sa akin bago ito umalis.

Sinara na namin ang bahay at nilagyan namin ito ng tape sa pintoan at ni lock namin ito “you two remain here” utos ko sa dalawang pulis namin “yes, ma’am” sagot nila at naglakad na ako papunta sa kotse ko. Kinuha ko yung maliit na libro ko at binasa ko ang sinulat ko kanina ng biglang me namataan akong taong nakatingin sa akin sa kanto kaya nilagay ko sa loob ang booklet ko at pinuntahan ang taong yun pero bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo. “TEKA!” sigaw ko sa kanya na patakbo na akong papunta sa kanya na tumakbo narin ito palayo sa akin kaya hinabol ko na ito “shit ang bilis niya” sabi ko nung makita kong papalayo na ito sa akin. Habang tumatakbo kinuha ko yung celfon ko sa bulsa at tinawagan ko si Romero “Alan.. hah..hah.. suspect…hah..hah..” habang kausap ko siya sa linya “Tenyente, ano ang nangyari sayo?” tanong niya sa akin.

“Spotted..hah.. someone suspicious…hah.. chasing him now” sabi ko sa kanya “understood, location?” tanong niya sa linya at sinabi ko sa kanya ang kalye nung makita ko ang sign sa kanto “affirmative! calling for back up!” sabi niya sa linya bago niya binaba ang phone. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at kita kong nahahabol ko na siya pero lumiko ito sa eskinita kaya lumiko din ako at nakita kong wala na siyang madadaanan dahil ktia kong pader na ang nasa dulo. “Shit…hah..hah..hah…” sabi ko nung huminto ako habang nagpapanic na itong naghanap ng daan para malusotan niya. “Bakit ka tumakbo?” tanong ko sa kanya nung nakahinga na ako ng maayos na hindi ako nito sinagot “ano ba ang pangalan mo?” tanong ko habang naglakad ako palapit sa kanya. Kita kong napatigil nalang ito at humarap sa akin dahil kita niyang wala na siyang malulusotan.

“Ano ang pangalan mo? Bakit ka ba tumakbo nung nilapitan kita?” sunod-sunod kong tanong sa kanya habang naglakad ako palapit sa kanya na nakita kong naka baseball cap pala ito, naka itim na damit at hindi ko makita kung ano ang suot niyang pantalon at sapatos. “Sasagutin mo ba ako o… ” napatigil nalang ako nung me parang may bakal na sumilaw na lumabas sa laylayan ng sweater niya pababa sa kamay niya kaya kinuha ko ang baril ko at tinutok ko ito sa kanya. “DROP YOUR WEAPON!” sigaw ko sa kanya na hindi ko makita ang mukha niya dahil sa konteng liwanag ng eskinitang kinatatayuan namin at kita kong pumorma ito na parang aatake ito kaya nagpaputok ako ng warning shot sa ere sabay tutok ko ulit sa kanya. “IBABA MO ANG PATALIM MO KUNG AYAW MONG MAMATAY!” sigaw ko sa kanya na bigla nalang itong umabante kaya wala akong nagawa kundi barilin siya.

Limang bala ang binitawan ko na alam kong tumama ito sa katawan niya na tila wala itong epekto sa kanya kaya nagpanic na tuloy ako at napaatras papalayo sa kanya at kinalabit ko muli ang gatilyo. Tatlong bala ang tumama sa dibdib niya wala parin itong epekto at kita kong ilang hakbang nalang siya sa akin at tinaas niya ang kamay niya at doon ko lang nakita ng maayos ang hawak niya. Isang mahabang espada ang hawak niya at tila katapusan ko na ata ito dahil sobrang lapit na nung espada niya sa leeg ko nung binaba na niya ito “AAHHHHH…” napasigaw ako sa takot ng biglang me sumulpot na tao sa pagitan naming dalawa na niyakap ako sa beywang at binuhat ako papalayo dun sa taong tatagain na sana ako. Naramdaman ko nalang na nakaupo na ako sa semento at kaharap ang taong lumigtas sa akin na namukhaan ko ito “i..ikaw…?” sabi ko sa kanya na kita kong nakatingin ito sa taong umatake sa akin.

Lumingon siya sa akin at nginitian ako “hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sa akin “…..” hindi ako nakasagot dahil sa sobrang gulat at kabado parin ako sa pangyayari kanina “huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanya” sabi niya sa akin. Lumingon siya sa kalaban ko at tumayo siya at nanlaki nalang ang mga mata ko nung binuka niya ang palad niya at me parang kung anong likidong lumabas dun at naging hugis espada ito. “Ah…” nalang ang nasabi ko at napansin kong kumilos narin ang taong nasa harapan namin kaya hinarap niya ito at walang sabing umabante sila pareho at nakita ko nalang na naglaban silang dalawa. Hindi ako makapaniwala, ni hindi nga ako makagalaw sa na saksihan ko ngayon dahil nung una akala ko namalikmata lang ako dahil nakita ko silang naging…. anino at tila lumulutang sila sa ere.

“To..totoo ba ito?” natanong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kinuha ko ang baril ko at bumangon ako “TUMIGIL KAYONG DALAWA!’ sigaw ko sa kanila na tinutokan ko sila ng baril ko. Biglang huminto ang dalawa at paglingon nila sa akin puro pulang mata lang ang nakikita ko sa mga mukha nila “ha..ah…aahh..” nalang ako at hinimatay na ako. “Isabella….” sabi ni Julian sa kanya na nakita nitong hinimatay ito nung makita sila “Julian…” sabi nung taong nasa harapan niya na napatingin si Julian sa kanya. “Bakit mo ako kilala?” tanong niya “EU sint fantoma din trecut si EU sunt aici ca sa te omoare (ako ang multo ng kahapon at nandito ako para patayin ka)” sagot nito sa kanya “Cine esti tu? (Sino ka ba?)” tanong ni Julian “Moartea! (kamatayan)” sagot nito “Moartea? Nu stiti cine ai de-a face cu (Kamatayan? Hindi mo ata alam kung sino ang kausap mo)” sabi ni Julian sa kanya na tinaas nung kausap niya ang mga sandata niya sa ere na tinatakot siya nito.

“Este ca toate aveti? (yan lang ba meron ka?) tanong ni Julian sa kanya na tinaas niya ang isang kamay niya at kagaya kanina me itim na likidong lumabas sa palad niya at naging espada din ito.. “Acum vom vedea daca intr-adevar ai sunt moartea (tingnan natin kung ikaw nga ba talaga si kamatayan)” sabi ni Julian sa kanya na sabay silang tumakbo at naging anino ulit sila at maririnig mo ang ingay ng mga espada nilang nagtatama. Makitang nasa ere silang dalawa habang naglalaban at nung natadyakan ni Julian ang kalaban niya sa mukha bumagsak ito sa semento kaya mabilis na nag dive si Julian para saksakin niya ito ng biglang nakailag ito at tumama ang espada niya sa semento. Napaatras ang kalaban niya at sumandal ito sa pader na tinaas ang espada nito para depensahan ang sarili niya.

Tumayo si Julian at hinugot ang espada niya sa semento at humarap siya sa kalaban niya na ngayon ay hinihingal at naghahanda sa pag-atake niya “akala ko ba ikaw si kamatayan?” tanong ni Julian sa kanya. Pinatong ni Julian ang isang espada niya sa balikat niya at nakatayo lang itong hinarap ang kalaban niya. “Sino ba ang nag-utos sayo?” tanong ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot “pwes, kung ayaw mo akong sagutin..” sabi ni Julian sa kanya na naging anino ang kalaban niya at umakyat ito sa pader pero bago pa man siya nakarating sa tuktok nasaksak na siya ni Julian at bumalik ito sa dati niyang anyo. Hinawakan siya ni Julian sa leeg at sinakal niya ito “sino ang nag-utos sayo?” tanong muli ni Julian sa kanya na hindi ito sumagot “Apoi moartea va fi a ta (pwes kamatayan ang para sayo)” sabi ni Julian na lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa leeg at hinampas niya ito gamit ang espada niya at naputol ang itaas na parte ng ulo ng kalaban niya.

Hindi agad ito namatay at nakapagsalita pa ito “Dragostea este moartea, moartea este dragoste (ang pag-ibig ay kamatayan, ang kamatayan ay pag-ibig)” sabi nito kay Julian na dahan-dahan na itong nasunog at naging abo ito na inihip ng hangin at nawala na ito sa kamay niya. Napa-isip si Julian sa sinabi nung kalaban niya at napatingin siya kay Isabella na nakadapa sa semento, napatingin siya sa silangan at kita niyang papalabas na ang araw kaya mabilis niyang binuhat si Isabella at pinaupo niya ito sa loob ng kotse niya at bago siya umalis hinalikan niya muna ito sa pisngi at naging anino na siya at umalis. Sakto lang at dumating si Sarhento Romero kasama ang ibang mga pulis “Tenyente! Tenyente!” ginising niya si Isabella at inutosan niya ang ibang mga pulis na mag-imbisitga sa paligid at ginigising niya si Isabella.

Mabilis ang kilos ni Julian para makaiwas sa liwanag ng araw “kailangan kong makahanap ng masisilungan” sabi niya na me nakita siyang abandunang gusali na agad siyang pumasok sa loob at sumandal sa pinakamadilim na parte nito. “Haaa… haa…hmmm…. dragostea este moartea, moartea este dragoste” inulit niya ang sinabi nung kalaban niya kanina, nakita niyang pumasok ang sinag ng araw sa loob ng gusali kaya tinakip niya ang kapa niya sa mukha niya at pinikit niya ang mga mata niya. “Julian… Julian… HOY! GISING!” nagising si Julian sa boses ng taong gumising sa kanya “kanina pa kita tinatawag” sabi nung lalaking gumising sa kanya na bumangon agad siya at lumuhod sa harap ng lalaking gumising sa kanya.

1790 Lumang Pilipinas….

“Pa.. pasensya na po Heneral!” paumanhin ni Julian nung nagising na siya at nakaluhod sa harap ni Guille, isang Heneral ng mga bampira sa sinasakupang kaharian ni Lucia ang Reyna ng mga bampira. “Tumayo ka na at maghanda ka” sabi niyo kay Julian “mag-eensayo ba tayo ngayon Heneral?” tanong ni Julian sa kanya “oo, pansin ko lumambot na yang katawan mo kaya mag-eensayo tayo hanggang madaling araw” sabi ni Hen. Guile sa kanya. Bata pa si Julian sa taong ito nasa desi-otso palang siya at sa lahat ng nakatira sa kahariang ito siya lang ang nag-iisang mortal at ngayon ay tinuturoan siya ni Hen. Guille kung paano lumaban gamit ang espada. “Maghanda ka!” sabi ni Hen. Guille sa kanya nung nasa training ground na sila at nagsimula na silang mag ensayo na wala pang kalahating oras ay napapagod na si Julian.

“Pa.. haa.. pasensya na po..ha.. Heneral..” sabi ni Julian nung hinihingal itong nakayuko sa harap niya “hmp! kalahating oras, Julian” sabi ng Heneral sa kanya na natuwa si Julian nung marining niya ito kaya umupo siya sa sahig at nagpahinga. “Pagod kana agad, Julian?” tinig ng babae na nagmula sa me pintoan at nung makita nila ito niluhod agad nina Hen, Guille at Julian ang isang tuhod nila sa sahig at niyuko ang ulo pagbigay respeto sa kanya. “Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo” sabi ni Reyna Lucia sa kanila “salamat po, kamahalan!” sabi ni Hen. Guille na tumayo ito at tinuro niya si Julian na tumayo din ito. “Tandaan mo ang tinuro ko sayo, Julian” sabi ni Hen. Guile sa kanya na pumorma na si Julian para depensahan ang sarili niya at nagsimula na uli sila sa ensayo nila.

Nakaupo lang sa silya si Reyna Lucia habang pinapanood silang dalawa “kamahalan” tawag ni Zoraida sa kanya na me dala itong maliit na plato at me papel itong nakalagay sa ibabaw. Yumuko ng konte si Zoraida at tinaas ang plato malapit lang kay Reyna Lucia “sulat” sabi ng Reyna “opo kamahalan, hinatid ng kartero yan kani-kanina lang” sagot ni Zoraida. Kinuha ito ng Reyna at binasa ang nakasulat nito “…… Heneral!” tawag niya na tumigil sila ni Julian sa pag-eensayo at agad lumapit sa kanya si Hen. Guille at lumuhod ito sa harapan niya “ano po yun, kamahalan?” tanong niya. “Nagpatawag ng pagpupulong ang Konseho ng Limang Angkan” sabi ng Reyna “pagpupulong?” tanong ng Heneral sa kanya “oo, maghanda kayo dahil aalis tayo bukas ng gabi” utos ng Reyna sa kanila “masusunod po, kamahalan!” sagot nilang dalawa ni Zoraida.

“Julian” tawag ng Reyna “kamahalan?” tanong ni Julian na yumuko din siya sa harapan niya “maghanda ka din, sasama ka sa amin bukas” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya na natuwa si Julian nung marinig ito. “Mahal na Reyna, kung papayag po kayo isang hukbong ng mga magagaling nating sundalo ang dadalhin natin” sabi ng Heneral kay Reyna Lucia “Guillermo, pagpupulong ito hindi gyera” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya. “Ah! pa..patawad po kamahalan, iniisip ko lang po kasi ang kaligtasan niyo” paliwanag ng Heneral sa kanya “naiintindihan ko yun pero ligtas ako, tayo sa pupuntahan natin” sabi ng Reyna sa kanya. “Kayo po ang masusunod, kamahalan” sabi ni Guille sa kanya “ikaw naman kasi Guillermo masyadong…. ” sabi ni Zoraida “gusto ko lang makasiguro na ligtas ang Reyna natin, Zoraida” pagputol ni Hen. Guille sa kanya.

“Huwag na kayong magtalo, maghanda nalang kayo para sa paglalakbay natin bukas” sabi ng Reyna sa kanila “opo, mahal na Reyna” sabay nilang sagot at naglakad na ang Reyna papunta sa pintoan “Julian” tawag niya na tumayo si Julian at sumunod sa kanya. “Mahal na Reyna, sigurado ho ba kayong isasama niyo ako bukas?” tanong ni Julian sa kanya nung naglakad na sila papunta sa terrace ng palasyo. “Oo naman, bakit? Ayaw mo ba?” tanong ng Reyna sa kanya “ah.. gusto ko po! Inisip ko lang po kasi na baka wala akong magawa kung me sumalakay sa atin” malungkot niyang sabi sa Reyna. “Hmm… huwag mong isipin yun Julian” sabi ng Reyna sa kanya nung nasa terrace na sila “tandaan mo ito Julian, lahat tayo me kanya-kanyang kakayahan kaya huwag mong isipin yan” paliwanag ng Reyna sa kanya.

“At kung me sasalakay man sa atin, huwag kang mag-alala nandito ako para ipagtanggol ka” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya “salamat po, kamahalan” sabi ni Julian na tumingin siya sa baba at nakita niya ang mga ilaw sa mga kabahayan at ang mga taong naglalakad sa kalye. “Tingin niyo po ba, magiging maganda ang pag-uusap niyo bukas?” tanong ni Julian na tumingin sa kanya ang Reyna at nginitian siya “mabuti ang pakay ng Konseho kaya masasabi kong maganda ang magiging resulta ng pagtitipon bukas” sagot ng Reyna na napangiti si Julian. “Me.. napupusoan ka na ba, Julian?” tanong bigla ng Reyna sa kanya “ha? ah.. eh… wa…wala pa po, kamahalan” nahihiya niyang sagot sa Reyna. “Hmm.. parang meron na ata.. hehehe..” natatawang sabi ng Reyna sa kanya na namula bigla si Julian sa hiya “alam mo ang isa sa mga abilidad ko Julian, kaya huwag mo ng itago sa akin” sabi ng Reyna na napangiti lang si Julian.

“Meron na po, mahal na Reyna” sagot ni Julian sa kanya “hmm… mabait ba siya?” tanong ng Reyna “hehehe.. o…opo.. ” sagot ni Julian “maganda ba siya katulad ko?” “hahaha, wala na pong gaganda pa sa inyo, mahal na Reyna” sagot ni Julian na natawa lang si ReynaLucia. “Ang importante hindi ang kagandahan ng mukha, kundi ang kagandahan ng loob, Julian” sabi ng Reyna sa kanya “salamat po sa payo, mahal na Reyna pero..” “pero?” tanong ng Reyna “ayaw ng angkan niya sa akin” sagot ni Julian na naramdaman ng Reyna ang lungkot sa boses niya. Tumingin si Reyna Lucia sa bilog na buwan “hindi lahat Julian sumasang-ayon sa gusto ng iba” sabi niya “tama po kayo kamahalan” sagot ni Julian. “Hmm.. pareho lang ba ang nararamdaman niyo?” tanong ng Reyna sa kanya “ah.. opo… nasabi na namin sa isa’t-isa ang nararamdaman namin” sagot ni Julian.

“Dragostea este moartea, moartea este dragoste (ang pag-ibig ay kamatayan, kamatayan ay pag-ibig)” sabi ng Reyna sa kanya napatingin si Julian kay Reyna Lucia. “Ano po ang ibig sabihin nun?” tanong ni Julian sa kanya “ibig sabihin nun, kamatayan ang kapalit ng pagmamahal na ibibigay mo” paliwanag ng Reyna sa kanya. “Bakit kamatayan?” tanong ni Julian “kasabihan yan sa aming mga bampira” kwento ng Reyna “dahil ang pag-ibig para sa aming mga bampira ay parang sinag ng araw na kung tatama ito sa puso namin ikamamatay namin ito” paliwanag ni Reyna Lucia. “Hindi po ba yung pag-ibig ay buhay at hindi kamatayan?” tanong ni Julian “hehehe… para sa mga taong mortal, oo. Pero sa aming mga bampira hindi, nasa dilim na ang puso namin Julian kaya hindi namin maiwasan ang maging masama” paliwanag ng Reyna.

“Hindi naman po kayo masama, pati ang mga tauhan niyo po” sabi ni Julian “dahil natuto kaming tanggapin ang nararapat at mamuhay kasama ang ibang mga lahi at mga mortal, Julian. Ang pag-ibig ay liwanag na nagmumula doon (turo niya sa taas) at ang puso namin ay hindi na pwedeng mailawan nito dahil nababalutan na ito ng dilim, tanging kapareho lang namin ang pwedeng magmahal sa amin” paliwanag ng Reyna sa kanya. “Ibig sabihin nito kung magmahal ang isang bampira sa mortal na katulad ko…” sabi ni Julian na napangiti ang Reyna sa kanya at sumagot ito “haharapin niya ang liwanag…”

Scroll to Top