Chapter X: Solace!
“Magandang gabi po, Ingkong Romolo, mga kasama” bati ni Solomon sa kanila “magandang gabi naman sayo, Solomon” bati din niya “maupo ka” sabi ni Ingkong Romolo na umupo sa harapan nila si Solomon. Tumingin si Solomon sa limang konseho ng mga lobo na nakaupo sa harapan niya na napagitnaan nila si Ingkong Romolo “balita namin nagising na muli ang kaibigan mo, kumusta na siya?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. “Mabuti po siya pinuno, maayos ho ang kalagayan niya” balita ni Solomon sa kanila “bakit hindi mo sinabi agad sa amin na naglalakad na muli ang bampirang yun sa mundong ibabaw, Solomon?” tanong ni Leticia sa kanya na nakaupo sa kanan ni Ingkong Romolo.
“Kailangan ko ho bang ibalita sa inyo ang bawat galaw ng kaibigan ko?” tanong ni Solomon sa kanila “anong klaseng tanong yan?!” tanong ni Felimon na nakaupo sa kaliwa ni Ingkong Romolo. “Alam mong hindi siya totoong bampira, ni hindi siya pwedeng tawaging bampira o mortal” sabi ni Leticia “Abscheulichkeit (Abomination)” bigkas ni Mariano na nakaupo sa kanan ni Leticia “tumahimik kayo!” sabi ni Ingkong sa kanilang tatlo at natahimik sila. “Alam naming me kasundoan kayo ni Julian, Solomon. Pero tandaan mo kung sino ang dapat mauna” paalala ni Ingkong Romolo sa kanya “si Julian ang susi para mahanap natin ang Aklat ng Dilim” sabi ni Hen. Dante sa kanya.
“Patawarin niyo po ako pero hinding-hindi ko gagamitin ang kaibigan ko para sa binabalak niyo” sabi ni Solomon sa kanila “KATARANTADUHAN!” sigaw ni Felimon na tumayo ito pero hinawakan siya ni Ingkong Romolo sa kamay. “Huminahon ka Felimon, tandaan mo ako parin ang namumuno sa konsehong ito” sabi ni Ingkong sa kanya na kumalma ito at umupo ito sa upoan niya “naiintindihan kong matalik mo siyang kaibigan Solomon at alam ko din ang tungkol sa kasundoan niyo” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Ingkong, kayo na po mismo ang nagturo sa akin na huwag na huwag kong sisirain ang isang salita, kung sisirain ko ito lahat ng pinag-usapan ay malalagay lang sa wala” sabi ni Solomon sa kanya na napangiti ang matandang lobo sa sinabi niya.
“Solomon” tawag ni Hen. Dante sa kanya na nilingon niya ito “wala na si Isagani at si Maria pati narin ang mga anak nila” balita ni Hen. Dante na nagulat si Solomon nung marinig niya ito. “Wa… wala na sila?” gulat na tanong niya “oo, pinatay sila kaya ngayon kailangan namin ang tulong mo para mahanap natin ang Aklat ng Dilim” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Ano ang kinalaman ng Aklat ng Dilim sa pagkamatay nila?” tanong ni Solomon sa kanya na nagkatinginan sila Ingkong Romolo at Hen. Dante na tumango ang una. “Mga aswang ang pumatay sa kanila” balita ni Hen. Dante kay Solomon na nagulat siya nung marinig ito “pa.. paano nangyari ito? Hindi ba wala na ang mga aswang nung napatay natin ang Reyna nila?” tanong ni Solomon.
“Yun ang pinagtataka namin kung paano sila nabuhay muli” sabi ni Leticia “hanggang buhay ang Aklat ng Dilim hindi mawawala ang mga aswang sa mundong ito” sabi ni Felimon na tumayo si Ingkong Romolo at lumapit siya kay Solomon. “Solomon, alam mo ba kung bakit nila pinatay ang pamilya ni Isagani?” tanong ni Ingkong sa kanya na umiling si Solomon “sila ang inatasan naming magbantay sa espada ni Hen. Lorenzo na ngayon ay hindi na namin alam kung nasaan” sabi niya kay Solomon. “Alam mo kung ano ang peligrong darating sa atin kung magsama ang Aklat ng Dilim at ang Espada ng Liwanag, Solomon” paalala ni Ingkong Romolo sa kanya na napayuko ang ulo ni Solomon at tumayo siya.
“Ingkong, hindi po ako nangangako pero.. gagawin ko po sa abot ng aking makakaya” sabi niya sa pinuno nila “alam kong alam mo kung nasaan si Julian, Solomon” sabi ni Hen. Dante sa kanya. “Oo, pero ako na ang kakausap sa kanya kung maari” pakiusap ni Solomon sa kanila “ibibigay namin sayo ang panahon, Solomon” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “salamat po, pinuno!” sabi ni Solomon na niyuko niya ang ulo niya at umalis na siya. “Ipagkatiwala mo ba talaga sa kanya ito, Ingkong?” tanong ni Hen. Dante kay Ingkong Romolo “bigyan natin siya ng panahon, hindi madali sa kanya ang lahat, kilala mo si Solomon mananaig parin sa kanya ang nararapat” sabi ni Ingkong sa kanya “kaya ba talaga niyang patayin si Julian?” tanong ni Hen. Dante “panahon, panahon lang ang makakapagsabi niyan, Dante” sagot ni Ingkong Romolo.
Dahan-dahan na akong nagkamalay at me naririnig akong mga taong nag-uusap sa loob ng.. nasaan nga ba ako? “Ano ho ba ang ginagawa niyo dito manang?” tanong nung lalake “me masamang sinyalis akong naramdaman kaya ako napasugod dito” sabi nung.. teka boses ni manang Sonya ito ah?. Binuka ko ang mata ko at nakita kong nag-uusap silang dalawa sa sala at nakahiga na ako ngayon sa sofa. “Hindi na dapat kayo pumunta dito, mapanganib ang sitwasyon” sabi nung lalake kay manang Sonya “alam ko Julian pero nag-aalala ako sayo” sabi ni manang Sonya kay.. Julian. “Manang..” sabi nung Julian na kita kong lumingon sila sa akin kaya pinikit ko ang mata ko at nagkukunwaring tulog.
“Alam kong gising ka, Isabella” sabi ni manang sa akin nung binuka ko ang mata ko nakita kong nakayuko ito malapit sa akin na agad akong bumangon at tumalon sa likod ng sofa. “Huwag kayong lalapit me baril… (kinapa ko ang beywang ko pero wala ang baril ko kaya kinuha ko yung flower vase) me vase ako pamalo sa inyo!” banta ko sa kanila. “Haayy.. Issa huminahon ka magpapaliwanag ako” sabi ni manang Sonya sa akin na hindi ako naniwala sa kanya. “Isabella please huminahon ka” sabi niya sa akin dahil nagpapanic na ako at hinahampas ko na siya ng vase kaya lumayo siya at tiningnan nila ako “manang matatagalan tayo nito” sabi nung Julian kay manang Sonya “sige, gawin mo” sabi ni manang sa kanya “ano?” takang tanong ko na tiningnan ako sa mata at bigla nalang akong nanigas at natumba na agad niya akong sinalo at hiniga sa sofa.
“Patawarin mo ako, Isabella” sabi ni Julian sa akin na pilit kong gumalaw pero hindi ako makagalaw pero buti nalang nakapagsalita pa ako “ano ang gagawin niyo sa akin?” tanong ko sa kanila. “Wala” sagot niya sa akin na nginitian ako at tumayo siya at hinarap si manang Sonya “manang, delikado kayo dito kailangan niyo ng umalis” sabi ni Julian sa kanya “alam ko, tatawagan ko si Nerissa para buksan niya ang portal patungo sa bahay” sabi ni manang Sonya. “Portal? Ano ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ko sa kanila na nung binaba ni manang Sonya ang telepono niya bigla nalang humangin sa loob ng apartment at nagulat nalang ako nung me biglang bumukas na pinto sa gitna ng sala.
“Kumilos na kayo manang ako na ang bahala kay Isabella” sabi ni Julian na tumango lang ang matanda at pumasok ito na bigla itong nawala “ah..ano.. ano ang nangyari.. ba.. bakit nawala si manang?” gulat kong tanong kay Julian. “Pumasok sa loob ng portal si manang Zora” sagot niya sa akin “Zora?” tanong ko na binuhat niya ako “patawarin mo ako Isabella pero delikado tayo dito kung magtatagal tayo sa lugar mo” sabi niya sa akin nung binuhat niya ako at naglakad siya patungo sa sinasabi niyang portal. “HOY ANO ANG GAGAWIN MO?!” tanong ko sa kanya “papasok tayo sa portal para makatakas sa kanila” sabi niya sa akin “kanila? Sinong sila?” tanong ko sa kanya.
“Mamaya ko na ipapaliwanag sayo” sabi ni Julian na napalingon siya sa bintana at bigla nalang nabasag ang mga ito at me mga naglalakihang aso ang pumasok sa loob “AAAAHHHH!!!” napasigaw ako sa takot nung nakita ko ang mahahabang pangil nila. “JULIAN!” nagsalita ang itim na aso at mabilis itong lumapit sa amin na tinadyakan niya ito sa mukha at napaatras ito kaya nakuha niya ang pagkakataon na tumalon sa loob ng portal, Habang nasa portal kami nakita ako ang mga asong nakatingin sa amin at maya-maya ay bigla silang nawala nung lumabas na si Julian sa kabilang pinto ng portal. “Ano ang nangyari?” tanong ni manang Sonya sa kanya “pinasok nila ang tahanan ni Isabella” sagot ni Julian na pinahiga niya ako sa sofa at nakita ko sa gilid ng portal si Nerissa na nakataas ang kamay niya at nung binaba niya ito bigla nalang nagsara at nawala ang portal.
“Nay, nararamdaman ko ang mga lobo sa kabilang dulo” sabi niya sa nanay niya “oo, nagmamasid pala sila sa amin buti nalang napansin ni Julian kung hindi malalagay sa peligro ang buhay namin” sabi ni manang Sonya. “Tenyente” sabi ni Nerissa na nakatingin silang tatlo sa akin, lumapit sa akin si manang Sonya at umupo ito sa mesa “walang mangyayaring masama sayo dito, Isabella” sabi niya sa akin. “Ligtas ka sa amin Tenyente hindi kami masamang tao” sabi ni Nerissa sa akin na hindi naman nagsalita si Julian “ano ba kayo? bakit.. parang…” nagugulohan ako sa sitwasyon “ipapaliwanag ko sayo pero bago yan kumalma ka ha?” sabi ni manang Sonya sa akin.
“Bibitawan ka ni Julian sa pagpaparalisa niya sa katawan mo basta mangako ka sa amin na hindi ka mag-iiskandalo kagaya kanina dun sa apartment mo” sabi ni manang Sonya sa akin na tumango ako. “Tandaan mo ito Isabella hindi ka pwedeng magsinungaling sa amin dahil yang si Julian” sabi niya na tiningnan ko si Julian “nababasa niya ang iniisip mo” dagdag niya na inalis ko sa isipan ko ang tumakas. “Pangako!” sabi ko sa kanya na nilingon lang niya si Julian at nakagalaw na muli ako, umupo ako sa sofa at nakatingin lang ako sa kanila na tumayo si manang Sonya at lumayo ito sa akin na tingin ko sinisiguro lang niya na hindi ko siya gagamitin bilang panangga sa pagtakas ko.
“Ngayon, sabihin niyo sa akin kung sino kayo” sabi ko sa kanila na nagkatinginan silang tatlo at unang nagsalita si manang Sonya “bago ko ikwento sayo kung sino kaming tatlo, sasabihin ko muna sayo ang totoo naming pangalan” sabi ni manang Sonya. “Ako si Zoraida ang taga payo at punong ministro ng itim na mahika sa kaharian ni Reyna Lucia” umpisa niya “sa kaliwa ko ay si Julian, isa sa mga katiwala at sundalo ng mahal na Reyna” pakilala niya. “At ito naman na nakilala mo sa pangalang Nerissa hindi siya ordinaryong tao” kita kong nakangiti siya nung tumingin siya kay Nerissa “hindi talaga Nerissa ang pangalan ko Tenyente” sabi ni Nerissa “ako si Jasmine, anak ako ng isang Diwata na inampon ni nanay Zoraida nung napatay ng mga aswang ang mga magulang ko” kwento niya sa akin.
“Ma.. mga maligno pala kayo?” gulat na tanong ko sa kanila “hindi kami maligno Isabella, mga nilalang kaming hindi kapareho mo, hindi kami mga mortal” sabi ni Zoraida sa akin “sa mga nakikita ko ganun ang konklusyon ko sa inyo, hindi niyo maikakaila na ganun nga kayo” sabi ko sa kanya. “Tawagin mo na kami sa kung ano ang gusto mo, hindi kami nananakit ng tao at hindi kami nambibiktima ng tao” sabi ni Julian sa akin na kita kong umalis si Neri…. Jasm… yung dalaga na pumunta ito ng kusina. “Uumpisahan ko na ang pagkwento sayo Isabella” sabi ni Zoraida sa akin na bigla nalang lumapit sa akin si Julian at nilagay niya ang dalawang daliri niya sa noo ko “mas mabilis ito kesa ikwento mo sa kanya, manang Zora” sabi niya na bigla nagdilim ang paligid at nawala silang lahat.
Me mga lugar at tao akong nakikita sa harapan ko at me magandang babae na nakatayo sa terrace na me kausap itong binata, nakikita ko sa mukha nila na nag-eenjoy sila sa pag-uusap nilang dalawa. Sumunod na scenario me nakita akong malaking mama na tinuturoan niya ngayon ang binata kung paano gumamit ng espada, me nakita din akong isang magandang babae at maputi na nagtatago sa likod ng poste habang nakatingin sa kanila. “Morietta, ano ang ginagawa mo dyan?” tanong nung magandang babae na nakausap nung binata sa terrace kanina “wala kamahalan” sagot niya dun sa babae na siya pala ang Reyna Lucia na tinutukoy ni Zoraida.
Marami akong nakita sa paglalakbay ko sa nakaraan nilang dalawa ni Zoraida, mga sundalo na nakasuot ng lumang damit pandigma, mga bakal na kanyon, malaking palasyo na tahimik sa umaga at sobrang saya paggabi. Mga naglalakihang puno na sa baba nito me mga taong akala ko mga puno din pero teka.. nakakapaglakad sila.. mga naglalakihang aso.. teka.. ito yung mga lobo pero bakit sila nagkatuwaan at nagtatawanan? “Kakampi namin noon ang mga lobo” sabi ni Julian na nakatayo na ito sa gilid ko “kakampi? Kung kakampi mo sila bakit ka nila hinahanting?” tanong ko sa kanya “me nangyari kasi noon” sagot niya sa akin na biglang dumilim muli ang paligid at ang sumunod na scenario ay ang isang silid kung saan nagtitipon silang lahat at nakita kong…. “… me nangyari sayo?” tanong ko sa kanya “oo” sagot niya sa akin.
Nakita ko kung paano nila binigay ang buhay nila para sa kanya na napatingin ako kay Julian at kita kong titig-na-titig siya sa Reyna na pansin kong naluha siya “i’m sorry” sabi ko sa kanya na napatingin siya sa akin. Marami pa siyang pinakita sa akin tungkol sa kahapon nila at kung paano sila sinalakay ng mga aswang “grabe pala ang nangyari sa inyo” sabi ko sa kanya na kinuha niya ang kamay ko at naramdaman kong malamig ang kamay niya ng biglang dumilim ang paligid at ang sumunod na scenario ay isang kubo sa gubat. Me panyo akong nakita sa gilid ng pinto ng kubo na tumingin ako kay Julian at tumango lang ito kaya lumapit ako sa pinto at kinuha ang panyo at dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Me nakita akong babaeng abala sa ginagawa niya “hello…” sabi ko dun sa babae na hindi ako pinansin “mahal ko!” narinig ko galing sa likuran ko na nagulat ako nung makita ko kung sino. “Ang binata sa palasyo, ikaw ito Julian?” tanong ko sa kanya na tumango siya at tiningnan namin ang binata na lumapit sa dalaga at mas lalo akong nagulat nung lumingon ang babae sa binata at nagyakapan silang dalawa. “Im.. imposible!” sabi ko na napaatras ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko, tumingin sa akin si Julian at biglang dumilim ang paligid at naramdaman ko nalang na inalis ni Julian ang mga daliri niya sa noo ko at napatingin ako sa kanya na kita kong me luhang dumaloy sa mga mata niya.
Lumutang siya papalayo sa akin at tumalikod ito “ikaw….. tayo…. “sabi ko na hindi ako makapaniwala sa pinakita niya “imposible.. baka.. gawa-gawa mo lang ito.. gawa-gawa niyo lang ito!” galit kong sabi sa kanila. “Hindi kami nagsisinungaling sayo, Isabella” sabi ni Zoraida sa akin “hindi! sinasabi ng taong ito na magsyota kami noon? tapos sasabihin niyong hindi! malaking kalokohan ito!” sabi ko sa kanya. “Dalawang daang taon na si Julian, Tenyente” sabi ni Jasmine sa akin “weeee.. hahaha niloloko niyo ako eh” sabi ko sa kanila “Julian” tawag ni Zoraida sa kanya na lumingon ito sa akin at tumingin sa mga mata ko at bigla nalang akong napalingon sa paligid ko nung nakita kong nasa kubo na uli ako at sa maliit ng silid ng kubo nakita ko ang dalawa na nagtatalik sa ibabaw ng kama kaya iniiwas ko ang tingin ko na bigla akong bumalik sa sala sa bahay ni Zoraida.
“PINAGLOLOKO NIYO BA AKO, HA?!” sabi ko sa kanila “SASABIHIN NIYO SA AKIN NA NABUBUHAY AKO NOON AT… MGA TARANTADO KAYO!” sigaw ko sa kanila na nakalimutan kong wala pala sa holster ko ang baril ko nung kinapa ko ito. Lumapit sa akin si Julian na binantaan ko siya “huwag kang lalapit sa akin gago ka marunong ako sa self-defense” sabi ko sa kanya na sinuntok ko ito pero tumagos lang ang kamao ko sa mukha niya nung naging anino siya. Umilag ako nung nakita kong ilalagay ulit niya ang dalawang daliri niya sa noo ko na akala ko nakatakas ako sa kanya nung kumlios ako pakaliwa na nakita ko nalang nakatayo na pala ito sa harapan ko at nailagay nga niya ang dalawang daliri niya sa noo ko at bigla akong napunta sa isang malaking bahay, me mga lumang gamit at lumang damit ang sinusuot ng mga tao.
Nakita kong nagkakagulo sila at tumakbo ang babae… no… ako pababa ng hagdanan at papunta sa sala kung saan naghihintay si Julian.. nagyakapan silang dalawa na kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya kay Julian. “LUMAYO KA SA KANYA, ISABELLA!” narinig ko sa likuran ko ang boses… teka… pamilyar sa akin ang boses na ito… nilingon ko ito at nagulat ako nung makita ko kung sino. “Pa… papa….” sabi ko na tinaas nito ang baril niya na tila tinutok ito sa akin at kinalabit niya ang gatilyo kaya napayuko ako na akala ko ako ang binaril niya “ISABELLAAA!” narinig ko ang sigaw mula sa kanan ko at nakita ko ang isang matandang babae na bigla itong hinimatay. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong tinamaan sa tyan ang babae na bigla nalang silang nawala ni Julian at hinabol sila sa labas ni… at kita kong nagpapaputok ito at nagsisigaw sa galit.
Ang sumunod na scenario ang hindi ko na nakayanan nung makita ko silang dalawa sa isang isla at doon umiyak ako nung nakita kong namatay… namatay ako… dahil sa tama ng bala sa tyan ko at…. biglang me kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Julian at nakita ko ang lungkot sa mukha niya, naluha ako habang pinapanood ko silang dalawa at nakita ko nung lumutang si Julian at sumigaw siya. “Patawarin mo ako, Isabella” sabi ni Julian sa akin na umiling lang ako at bigla nalang kaming bumalik sa sala ni Zoraida “hayaan mo muna siya Julian” sabi ni Zoraida na lumayo sa akin si Julian habang nagpapahid ako ng luha.
Hinayaan lang nila ako na ma absorb ko ang lahat ng yun na binigyan ako ng tubig at tissue ni Jasmine “gagamutin ko ang sugat mo, Tenyente” sabi niya sa akin na nilapit lang niya ang palad niya sa sugat ko at maya-maya nawala na ito. “Isa ito sa kakayahan ko, ang maghilom ng sugat at gumamot ng mga sakit” sabi niya sa akin “salamat” sabi ko na nginitian niya ako “alam mo, hindi talaga kami masama, si nanay palagi niyang sinasabi sa akin na gamitin namin ang kapangyarihan namin sa mabuting paraan hindi sa kasamaan” kwento niya sa akin. “Talaga bang diwata ka, Neri.. uhm.. Jasmine?” tanong ko sa kanya “gusto mong makita?” tanong niya sa akin “ah… ano?” takang tanong ko sa kanya na tumayo siya at biglang lumutang siya at lumiwanag ang buong katawan niya na kita kong nakaputi na ito at ang ganda niya.
“Ito talaga ang totoo kong anyo, Tenyente” sabi niya sa akin na kita kong me kapa siya at ang kinis ng kutis niya, humaba ang buhok niya hanggang beywang “JASMINE!” sigaw ni Zoraida na biglang bumalik sa anyo niya kanina si Jasmine. “Ano ba ang kabilin-bilinan ko sayo ha? Huwag na huwag mong gagawin yan!” pinagalitan siya ni Zoraida “eh.. pinakita ko lang naman kay Tenyente kung ano talaga ako nay” paliwanag niya “pa.. pasensya na po manang Zoraida” sabi ko sa kanya “ako po, ako po ang me kasalanan” dagdag ko na umiling lang siya. “Haayyy… kung ganun..” sabi niya na bigla nalang siyang nagbago at napaatras ako sa takot nung makita ko siya. “Ito naman ang totoo kong anyo” sabi ni manang Zoraida sa akin na kita kong napakagulo ng buhok niya, itim ang mga kuko, kulay pula ang mata at nakakatakot ang boses.
Bumalik agad siya sa anyo niya kanina “tama na nga yan, nagugutom ka ba Isabella?” tanong niya sa akin na napalunok ako ng laway at tumingin sa kanila “ah.. hi.. hindi po.. ma.. maraming salamat nalang po” sabi ko na natawa lang si Jasmine sa reaction ko. “Huwag kana mahiya” sabi ni manang Zoraida sa akin na inabot ang kamay ko at nagulat nalang ako dahil isang hatak lang napatayo niya ako at nahila papunta sa kusina. “Huwag kang mag-alala Tenyente hindi butiki, palaka o ano mang mga insekto ang mga pagkain namin” natatawang sabi ni Jasmine sa akin “tumahimik ka nga Jasmine, nakaraang linggo yun” sabi ni manang Zoraida sabay lagay ng pagkain sa harapan ko na umiwas ako ng tingin kaya natawa sa akin si Jasmine at nakita kong napangiti si Julian.
“Binibiro ka lang ni manang Zora, Isabella” sabi sa akin ni Julian na nakatayo lang ito sa gilid ng kusina “binibiro lang kita ikaw naman naniwala ka agad” natatawang sabi ni manang Zoraida sa akin. Tiningnan ko ang pagkain at nakita kong nilagang baka pala ang ulam nila at naglagay siya ng kanin sa mesa “sige na kain na tayo” sabi niya na unang kumuha ng pagkain si Jasmine “anak, me bisita tayo” sabi ni manang Zoraida na napahinto ito at inabot sa akin ang platong me kanin “Tenyente” sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung kukuha ba ako o hindi “huwag kana mahiya” sabi ni manang Zoraida na siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at biglang napahinto ito.
“Nay..” sabi ni Jasmine “Julian..” tawag niya “alam ko… maghanda kayo” sabi niya na nagulat ako nung naging anino siya at bigla itong nawala sa kinatatayuan niya “Jasmine kumilos kana” utos ni manang Zoraida sa kanya na tumayo agad ito. “Isabella, sumunod ka kay Jasmine” utos niya sa akin na nagtaka ako kung ano ang nangyayari sa kanila “tara Tenyente” yaya sa akin ni Jasmine na hinawakan niya ako sa kamay at dinala niya ako sa kwarto niya. “Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya na me kinuha ito sa loob ng kabinet niya “me kalaban sa labas” sabi niya na napahinto nalang ako at tumingin sa bintana “kalaban? ah.. anong kalaban?” tanong ko sa kanya.
“Ano Jasmine nakuha mo na?” tanong ni manang sa kanya “opo nay” sagot niya na nakita kong me hawak siyang itim na libro “akin na yan buksan mo na yung portal” utos niya sa anak niya. “Teka, aalis tayo?” takang tanong ko sa kanila “oo, delikado tayo dito parang nasundan nila tayo” sabi ni manang sa akin na nakita ko si Jasmine na tinaas ang mga kamay niya at me binigkas ito na hindi ko maintindihan at maya-maya lang ay me pintuan na bumukas sa loob ng kwarto katulad dun sa apartment ko. “Mauna na kayo ni Jasmine, Isabella at bantayan niyo ang aklat na ito” utos niya sa amin “nay” sabi ni Jasmine “huwag kang mag-alala nasa likod mo lang kami” sabi ni manang sa kanya.
“Tara na, Tenyente” tawag ni Jasmine sa akin na tinulak ako ni manang Zoraida papunta sa portal “basta sumunod ka lang kay Jasmine, Isabella” sabi niya sa akin na naunang pumasok sa loob ng portal si Jasmine. “Manang” tawag ko sa kanya “magmadali ka Isabella, papalapit na sila” sabi niya sa akin kaya pinikit ko ang mga mata ko at pumasok ako sa loob ng portal at nung binuka ko ang mga mata ko nakita kong nasa gitna kami ng gubat. “Tenyente dito!” tawag ni Jasmine sa akin na sumunod ako sa kanya at nakita kong me maliit na kubo sa isang puntod at tila pamilyar sa akin ang kubong ito.
Tama nga ako na parang nakapunta na ako sa kubong ito dahil pamilyar sa akin ang pintuan ng kubo “Tenyente pumasok kana sa loob” tawag sa akin ni Jasmine kaya pumasok na ako sa loob at sinara ko ang pinto. “Lumayo ka sa pintuan” utos niya sa akin kaya umatras ako at tumayo sa tabi niya “ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya na nginitian niya ako “manood ka lang” sabi niya na lumuhod ito sa lupa at parang nagdarasal siya nung pinagdikit niya ang palad niya. “llum barrera (light barrier)” bigkas niya nung binaba niya ang mga palad niya sa lupa at biglang suminag ang buong kubo ng ilang segundo at nawala din ito “ayan” sabi niya.
“Ah..ano ang ginawa mo?” tanong ko sa kanya “naglagay ako ng barrier sa buong kubo para walang sino o ano mang makapasok dito” sabi niya sa akin na nilagay niya sa mesa ang itim na libro. “Ano ito?” tanong ko sa kanya na tinuro ko ang malaking libro sa mesa “Aklat ng Dilim” sagot niya “Aklat ng… ano?” tanong ko “hehehe ito yung libro ng mga aswang, hindi ito ordinaryong libro Tenyente makapangyarihan ito kaya hindi ito dapat mapunta sa mga masamang tao” paliwanag niya sa akin. “Paano kung mabawi ito ng mga aswang, ano ang mangyayari?” tanong ko “mamamatay kami habang kayo magiging kasapi niya” sagot niya “magiging aswang ako? sa ganda kong ito? ayaw ko!” takot kong sabi sa kanya na tumawa lang siya.
“Huling ginamit ang librong ito dalawang daang taon na ang nakalipas at si Reyna Lucia ang huling nagbukas nito” kwento niya sa akin “ang tagal na pala, teka ito ba yung time na naging ano si.. ” sabi ko. “Oo, naging bampira si kuya Julian” sabi niya sa akin “babala Tenyente kahit anong mangyari huwag na huwag mong bubuksan ang librong ito” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko. “Mahahanap ito ng mga aswang kaya kahit curious ka sa nilalaman nito huwag na huwag mo itong bubuksan, me salita kasing dapat ka munang bigkasin bago mo ito bubuksan kaya pag hindi mo ito mabanggit at bubuksan mo ito” sabi nya. “Me mga aswang ang aataki sa atin, ganun ba?” sabi ko sa kanya “tama!” sabi niya na tumayo na siya at nagstretch ito “ang tagal nila nanay” sabi niya sa akin “baka parating na sila” sabi ko.
“Manang!” tawag ni Julian kay Zoraida na ngayon ay dumedepensa narin sa mga lobong pumasok sa loob ng bahay niya “Julian pumunta kana sa kwarto, dali!” tawag niya na ginamitan niya ng itim na mahika ang isang lobo at napatalsik niya ito palabas ng bahay niya. Nung napaatras ni Julian ang dalawang lobong umatake sa kanya agad siyang naging anino at dinaanan niya si Zoraida na hinawakan niya ito sa beywang at lumusot sila sa pader papunta sa kwarto. “Bukas ang portal!” sabi ni Zoraida na agad niyang kinuha ang espada at sabay silang pumasok at sinara ito ni Zoraida nung lumabas na sila na nakita pa nila ang mga lobo na papasok na sana sa portal. “Patawad manang Zora” sabi ni Julian sa kanya na tinapik lang siya ng matanda sa balikat at naglakad na ito papunta sa kubo.
Kinuha ni Zoraida ang celfon niya sa bulsa at tinawagan niya si Jasmine at maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kubo at lumabas ang dalaga. “Nay! bakit ang tagal niyo?” naiinip na tanong niya “marami kasi sila kaya natagalan kami” sagot ng matanda na una itong pumasok sa loob at naiwan muna sa labas si Julian at tumingin sa buong kubo. Nakita ko siyang nakatayo lang sa labas kaya lumabas ako na napansin niya ako “mag-usap tayo” sabi ko sa kanya. “Dito muna kami sa labas manang Zora, Jasmine” paalam niya sa kanila na tumango lang sila “gusto mo akong makausap?” tanong niya sa akin nung naglakad kami palayo sa kubo.
“Sa totoo lang hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi niyo sa akin pero sa mga nakikita ko..” umpisa ko na nakatingin lang siya at nakikinig sa akin “ewan ko.. nagugulohan ako” sabi ko sa kanya. “Huwag mo na gulohin pa ang isipan mo Isabella” sabi niya sa akin na lumapit siya kaya tinaas ko ang kamay ko at nakuha niya ang inisiip ko kaya umatras siya ng isang hakbang. “Alam kong hindi kapanipaniwala ang pinakita ko sayo pero kung nagugulohan ka parin” sabi niya sa akin na lumapit siya sa akin “ilagay mo ang kamay mo sa dibdib ko” sabi niya sa akin na napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin “magtiwala ka sa akin Isabella” sabi niya sa akin na nagdadalawang isip akong gawin ang sinasabi niya na naghihintay lang siya sa akin.
“Walang mawawala sayo kung gagawin mo lang ito” sabi niya sa akin kaya dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko sa dibdib niya at dinikit ko ito “ipikit mo ang mga mata mo” sabi niya sa akin na ginawa ko ito at nakiramdam ako. “Ha! Wala akong naramdaman sa dibdib mo” sabi ko sa kanya na wala akong naramdamang pintig galing sa puso niya na bigla nalang niyang nilagay ang kamay niya sa dibdib ko kaya napadilat ako at aalisin ko na sana ang kamay ko sa dibdib niya ng biglang me naramdaman ako galing sa puso niya. “Ah.. ba.. ano?” takang tanong ko na nagugulohan ako “nararamdaman mo ba?” tanong niya sa akin na napatango lang ako at kung paano tumibok ang puso ko ganun din ang pagtibok ng puso niya.
“Pinakita ko sayo yung parte kung saan namatay si Isabella… ang kasintahan ko noon” sabi niya na tumango ako “simula kasi nung pumanaw si Isabella, sumama sa pagpanaw niya ang puso ko” kwento niya sa akin. “Kaya nung narinig ko ang pintig ng puso mo ganun na din ang pagkabuhay ng puso ko” sabi niya sa akin na inalis niya ang kamay niya sa dibdib ko at hindi ko na naramdamang pumintig ang puso niya. “Bakit nawala?” tanong ko sa kanya “ikaw ang puso ko Isabella” sabi niya sa akin na ewan ko ba parang na touch ako sa sinabi niya at tila nag blush na ata ako sa pagiging romantiko ni Julian.
Nagkatinginan kaming dalawa at nagkahiyaan kami dahil biglang umiwas siya ng tingin sa akin “ah.. hin.. hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sa akin na pinakita ko sa kanya ang braso ko. “Mabuti naman” sabi niya na napangiti ako “teka..” sabi ko sa kanya na me naalala ako nung nakita ko ang mga mata niya “bakit?” tanong niya na bigla ko siyang binigyan ng straight jab sa mukha na napasigaw ako sa sakit. “Bakit mo ginawa yun, Isabella?” tanong niya sa akin “arraayy.. grrr..” sabi ko nung hinawakan ko at hinimas-himas ko ang mga kamay ko “Isabella… ” tawag niya sa akin na lumayo ako nung lumapit siya.
“Aminin mo sa akin, Julian” sabi ko sa kanya “aminin ang alen?” tanong niya “yang mata mo, yung lengwaheng narinig ko na binigkas ni manang Son.. o sino man siya kapareho yun sa lengwaheng ginamit ni Ben nung… GRRRRR..” galit kong sabi na tinatadyakan ko siya sa hita na parang wala lang sa kanya ito. Bigla siyang nawala at sumulpot ito sa likuran ko kaya umikot ako at bigla itong nawala at nakita ko itong nakatayo sa ilalim ng isang puno. “Patawad Isabella” sabi niya na kumuha ako ng bato at binato ko siya na tumama ito sa puno nung umilag siya at lumipat sa kabilang puno kaya kumuha ulit ako ng isa pang bato at binato ko ito sa kanya ng biglang nalang me sanga na bumalot sa kamay ko at inangat ako kaya napasigaw ako sa takot “AAAHHHHHHH!!!”
“ISABELLA!” tawag sa akin ni Julian na lumipad ito palapit sa akin at napahinto nalang siya at nakita kong niyuko niya ang ulo niya “ba.. bakit?” takang tanong ko sa kanya na lumingon ako sa kaliwa ko at nagulat ako sa nakita ko. “Hmmmm… ” narinig ko galing sa kanya na tumingin ito sa akin at tumingin ito kay Julian “kay tagal na ng panahon na hindi tayo nagkita, Julian” sabi nung puno sa kanya “matagal narin po, Haring Narra” sabi niya na napanganga ako. “Pu..puno nagsasalita?” gulat na tanong ko na tumawa ito “hindi nga normal sa inyong mga mortal ang makakita ng mga katulad namin” sabi niya sa akin “patawad po Haring Narra, hindi po namin sinasadyang gambalain kayo sa inyong pagpahinga” sabi ni Julian sa kanya.
“Wala yun, kaibigan” sabi niya kay Julian “at sino naman itong magandang binibini na tila matapang pa kay Morietta?” tanong nung puno kay Julian “hehehe.. siya po si Isabella” “Isabella?” gulat na tanong nung malaking puno. “Hindi po siya ang kasintahan ko noon mahal na Hari, siya po ang sumunod sa kanya nung pumanaw ang dating Isabella dalawang daang taon na ang nakalipas” paliwanag ni Julian. “Ah, siya ang bagong henerasyon” sabi nung Haring puno na dahan-dahan niya akong binaba “ipagpaumanhin mo binibini ang aksyon ko kanina” sabi niya sa akin na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya at bumaba narin si Julian at tumayo ito malapit sa akin. “Ano ang nangyari?” gulat na tanong ni manang Zoraida na narinig siguro nila nung sigaw ko kanina.
“Tenyente ok ka lang ba?” tanong ni Jasmine sa akin “tumahimik ka muna Jasmine at magbigay respeto ka kay Haring Narra” sabi ni manang Zoraida sa kanya na sabay nilang niyuko ang ulo nila “Zoraida, matagal na nga ang panahong hindi tayo nagkita, kumusta kana kaibigan?” tanong nung Haring Narra sa kanya. “Mabuti po ako kamahalan, ito nga po pala ang anak ko si Jasmine” pakilala ni manang Zoraida kay Jasmine “magandang gabi po, Haring Narra” bati niya sa Hari ng puno “magandang gabi naman sayo” bati ng puno sa kanya. “Kamahalan, ano po ang nangyari sa kaharian niyo?” tanong ni Julian sa kanya na tumingin ito sa paligid niya at biglang nagbago ang expression sa mukha niya na kanina nakangiti ito ngayon nababalutan na nag lungkot.
“Ang mga taong mortal ang gumawa nito, Julian. Hindi nila alam kung gaano ka importante ang mga puno sa kalikasan” sabi niya “naalala ko po noon, hanggang sa kabilang ilog ang nagtatayuang mga puno dito” kwento ni Julian. “Ito ang kinalalabasan sa pagdami ng mga tao sa lalawigan na ito, ang pagkalbo ng kagubatan ang naging dahilan din kaya lumala ang kalamidad sa lalawigang ito” kwento niya na gumalaw ito at bigla nalang itong nagbago ng anyo at naging hugis tao ito. “Ito ang tirahan namin Isabella pero sa nakikita mo ngayon, sinisira ng gobyerno at mga taong walang puwang sa kinabukasan ng mga anak nila ang pumatay sa tahanan namin” sabi ni Haring Narra sa akin na nahiya tuloy ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.
Natahimik kaming lahat habang nakatingin lang sa kagubatan ng napansin kong nakatingin si Haring Narra kay Jasmine “bakit po?” tanong ko sa kanya na humarap ito sa amin at tumingin sa bagay na nasa kamay ni Jasmine. “Tama ba itong nakikita ko?” tanong niya na napatingin kami kay Jasmine “oo kamahalan, tama po kayo yan po ang espada ni Hen. Lorenzo” sabi ni manang Zoraida. “Hahahaha… tila umuwi ata ang espada sa tahanan niya” sabi nito na lumapit ito kay Jasmine “pwede ko bang mahawakan?” tanong niya na tinaas ito ni Jasmine “mahal na Hari, baka masaktan kayo pag hinawakan niyo yan” babala ni manang Zoraida sa kanya. Nagulat siya nung hinawakan ni Haring Narra ang espada na biglang gumalaw ang lahat ng mga puno sa paligid namin nung tinaas niya ito sa ere.
“Hindi siguro sinabi sayo ni Reyna Lucia ang totoo ano, Zoraida?” tanong ni Haring Narra sa kanya “ano ang totoo?” tanong niya “ang angkan ni Lorenzo ang totoong gumawa ng espadang ito, hindi si Reyna Lucia” sabi niya. “Paano nangyari yun?” takang tanong niya “matagal ng hawak ito ng mga Bailan, ito ang espadang ginawa ng mga ninuno nila panlaban sa mga Anito” paliwanag ni Haring Narra. “Anito?” tanong ko “oo, yan ang tawag nila sa aming mga immortal” paliwanag ni Haring Narra “pero, kwento sa akin ni Reyna Lucia nandun siya mismo nung ginawa ang espadang ito” sabi ni manang Zoraida. “Oo, nandun siya pero hindi siya mismo ang gumawa nito kundi ang panday ng mga Bailan na si Resisyo” kwento ni Haring Narra.
“Bailan, ano ho ba sila?” tanong ko “ang mga Bailan Isabella ay angkan ng mga mandirigmang mortal, iba sila sa mga ordinaryong mortal” kwento ni manang Zoraida sa akin. “Itong si Hen. Lorenzo na me ari ng espadang yan isa din ba siyang Bailan?” tanong ko. “Oo, isang Bailan si Lorenzo at alam mo ba kung ilang taon siya nung pumanaw siya?” tanong ni Haring Narra sa akin “ilang taon po?” tanong ko “isang daan at dalawangput anim na taon” sabi niya sa akin “what?! ganun ka tagal?” gulat kong tanong sa kanya na natawa ang hari ng puno. “Iba ang mga Bailan Isabella” sabi ni Julian sa akin “me buhay pa bang Bailan sa panahong ito?” tanong ko sa kanila.
Ngumiti si Haring Narra at sinaksak sa lupa ang espada “kung me buhay pa bang Bailan ngayon? Ang sagot niyan ay wala na” sabi niya “pero, kung itatanong mo KUNG meron pa bang Bailan sa panahon ngayon ang sagot niyan ay OO” sabi niya sa akin. “Mahal na Hari nangako po kayo” sabi ni manang Zoraida sa kanya na tumingin sila kay Julian “alam ko Zoraida, pero wala na si Reyna Lucia at tingin ko panahon narin para malaman niya ang totoo” sabi ni Haring Narra sa kanya. “Pero…” sabi ni manang na tinaas ni Haring Narra ang kamay niya kaya natahimik nalang siya “ano ho ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ni Julian sa kanila na pati ako napaisip din sa pinag-uusapan nila.
“Julian, hindi ka ba nagtataka kung bakit malapit sayo si Reyna Lucia at malaki ang respeto sayo ng mga bampira?” tanong niya kay Julian. “Noon OO pero inalis ko ito sa isipan ko nung tumagal na ako sa palasyo, bakit niyo po naitanong?” sabi ni Julian. Tinaas niya ang mga kamay niya at biglang me lumabas na mga kahoy mula sa lupa “maupo muna kayo, dahil me ikukwento ako sa inyo” sabi ni Haring Narra sa amin. Sumunod naman kami sa kanya at nung nakaupo na kaming lahat tumayo siya sa harapan namin na parang teacher ito at mga estudyante niya kami “ano ho ba ang ikukwento niyo?” tanong ko sa kanya.
“Ang buhay ni Heneral Lorenzo at ang relasyon niya kay Reyna Lucia” sabi niya na napatayo si manang Zoraida “Haring Narra..” sabi niya na tiningnan lang siya nito at naupo uli siya. “Patawarin sana ako ni Lucia pero kailangan malaman ni Julian ang lahat” sabi ni Haring Narra “malaman ko po ang ano?” tanong ni Julian “ang totoong pagkatao ng ama mo, si Heneral Lorenzo” sagot niya.
Chapter XI: General Enzo and Her Majesty Lucia!
“Bago ko sisimulan ang kwento ni Lorenzo, ikukwento ko muna ang angkan niyang mga Bailan” sabi ni Haring Narra na lahat kami nakikinig lang sa kanya “ang mga Bailan ay orihinal na galing sa dagat pasipiko” pasimula niya. “Nanggaling sila sa isang isla kung saan sagana ito sa kalikasan at ang pangunahing pamumuhay nila ay ang pangingisda at pagsasaka, maliban sa kakayahan nilang ito hindi rin sila nagpapahuli pagdating sa digmaan” kwento ni Haring Narra. “Sa isang libong Bailan na nakatira sa islang yun, dalawang daan lang ang natira pagkatapos hampasin sila ng malakas na bagyo na nilamon ang buong isla nila.” kwento niya.
“Ganun pala ang nangyari sa kanila” sabi ko na nginitian ako ni Haring Narra “oo, sa dalawang daan na nakatakas sa kalamidad na yun limangpu lang ang nakarating dito sa Pilipinas” kwento ni Haring Narra. “Namatay yung iba?” pagputol ko sa kanya nung tinanong ko siya “Isabella!” tawag sa akin ni manang Zoraida “sorry po, tuloy lang po kayo Haring Narra” paumanhin ko na natawa ng mahina si Haring Narra. “Ang mga taong Lobo ang unang nakaharap nila at akala ng mga taong Lobo mga ordinaryong mortal lang sila kaya inuusig nila ang mga Bailan na umalis sa teritoryo nila” kwento ni Haring Narra.
“Lingid sa kaalaman ng mga Lobo ang limangpung Bailan na natira sa isang libong populasyon nila ay ang mga magigiting nilang mandirigma” napayuko ang ulo ni Haring Narra bago ito nagsalita “ang mga nasabing Lobo na umusig sa kanila hindi na nakabalik sa tribu nila” kwento niya na napamangha ako sa kinwento niya. “Sa pangyayaring yun hindi natanggap ng mga taong Lobo ang ginawa ng mga Bailan kaya naghigante sila pero ganun din ang nangyari sa mga Lobong umatake sa mga Bailan” kwento niya “sa pagkakataong ito nakita ng ama ko na si Haring Ugat ang posibilidad na magkakaubosan sila ng lahi kaya pumagitna siya para pigilan ang dalawang lahi” kwento niya na yumuko ito at bigla nalang me lumabas na kahoy sa ilalim ng lupa at naging truno ito na inupoan naman niya.
“Mabait ang ama ko at naiintindihan niya ang katayuan ng mga Bailan na mga estranghero mula sa ibang ibayo kaya kinupkop niya ang mga ito at tinuring na bisita dito sa kaharian namin” kwento ni Haring Narra. “Ikinagalit ito ng mga taong Lobo lalo na ang pinuno nilang si Damyan, kaya sumugod sila sa kaharian namin para hilingin na itakwil ang mga Bailan at hayaan itong mamatay sa labas ng kagubatan” tuloy niya. “Pero nagkaroon ng kakampi ang ama ko at yun ang Hari ng mga bampira na si Haring Voltaire kaya hindi nakaalma ang mga taong Lobo at hinayaan nalang kaming kupkupin ang mga Bailan” kwento niya. “So sa umpisa dito na talaga tumira ang mga Bailan?” tanong ko sa kanya “oo, lumipas ang panahon at ang limampung Bailan ay dumami hanggang sa nagpasya silang tumira malapit sa dagat at nirespeto ito ng ama ko” kwento niya.
“Nagkaroon din ng dayalogo ang mga taong Lobo at ang mga Bailan kaya natigil ang kanilang hidwaan at naghari ang kapayapaan sa buong lalawigan” kwento niya “Julian” tawag niya “opo, kamahalan?” sagot ni Julian. “Ang ama mo ay pinanganak kapareho ng araw nung ipinanganak din si Reyna Lucia” sabi ni Haring Narra na nagulat si Julian “kapareho ang araw ng kapanganakan nila?” gulat niyang tanong. “Oo” sagot ni manang Zoraida “hmmm… sa aming paniniwala isa itong sinyalis o kahulogan na ang dalawang nilalang pagpinanganak ng sabay ay tinakda sila para sa isa’t-isa” kwento ni Haring Narra. “Wow, parang fairy tale pala ang kwento nila” sabi ko na napangiti si Haring Narra “hindi pantasya Isabella” sabi niya “po?” tanong ko. “Ito ang kwento nila” sabi ni Haring Narra
1646 Lumang Pilipinas!
Pinanganak ng sabay sina Lorenzo at Reyna Lucia, nagdiriwang ang dalawang lahi sa kapanganakan sa susunod na henerasyon sa mga angkan nila. Isang gabing hindi matawaran ang tuwa at saya ng bawat lahi nila nung ipinanganak ang susunod sa linya ng mga magigiting at mamumuno sa bawat kaharian nila. Si Lorenzo sa mga Bailan habang si Lucia naman sa mga Bampira, nung nalaman ito ni Haring Ugat nagpdala siya ng dalawang mensahe sa dalawang angkan na gusto niyang makita ang dalawang bagong panganak ng mga supling. Tinugon agad ito ng dalawang angkan at nag-abot pa sila sa harap ni Haring Ugat nung pinresenta nila ang mga bagong myembro ng angkan nila.
“Binabati ko kayo Prinsepe Alister at Prinsesa Maureen sa napakaganda niyong anak na si Prinsesa Lucia” bati ni Haring Ugat sa kanila na nilingon niya ang mag-asawang Bailan. “Binabati ko din kayo Lam-ang at Nala sa magiting at napakalusog niyong anak na si Lorenzo” bati niya sa mag-asawa. “Maraming salamat po, Haring Ugat” sabi ni Lam-ang na niyuko nilang mag-asawa ang mga ulo nila “binabati ko din kayo, Prinsepe Alister at Prinsesa Maureen” bati din niya sa mag-asawang bampira na nagkamayan silang dalawa tanda ng pagiging magkaibigan nila ganun din ang mga esposa nila na natutuwa si Haring Ugat sa pinakitang pag-kakaisa ng dalawang angkan.
“Natutuwa ako at nagkakasundo ang mga pamilya niyo, natutuwa din akong ibalita na sa wakas magkakaroon narin ng kalaro ang anak kong si Narra” sabi ni Haring Ugat na nagtatago sa likod niya si Prinsepe Narra. “Huwag kana mahiya Narra batiin mo ang mga bago mong kaibigan” sabi ni Haring Narra sa kanya na ayaw niyang lumabas sa likod ng ama niya “hehehe pasensya na kayo sobrang mahiyain lang talaga ang anak ko” paumanhin ng Hari ng puno. “Hindi kayo dapat humingi ng paumanhin Haring Ugat naiintindihan po namin ito” sabi ni Prinsepe Alster na nginitian niya si Narra na nagtago agad ito sa likod ng ama niya.
Lumipas ang panahon at naging abala si Prinsesa Lucia sa pag-aaral niya habang naging malapit namang magkaibigan si Prinsepe Narra at si Lorenzo na halos araw-araw silang nagkikita at naglalaro sa gubat. Hindi kasi pinapalabas ni Prinsesa Maureen si Prinsesa Lucia dahil sa nag-iisang anak lang nila ito at natatakot din siya na baka me kung anong mangyari sa Prinsesa pagwala siya sa tabi niya “mama, pwede ho ba akong maglaro sa labas pagkatapos kong mag-aral?” tanong ni Prisesa Lucia sa mama niya “pasensya kana anak ha? Hindi lang muna ngayon” sagot ni Prinsesa Maureen. “Pero mama, nasa saktong edad na po ako at nandyan naman ang mga kawal para bantayan ako” sabi ni Prinsesa Lucia “anak, huwag matigas ang ulo ha?” sabi ng mama niya na napabugnot lang si Prinsesa Lucia.
1656: Sampung taon na si Lorenzo at nagsisimula narin itong mag ensayo sa paggamit ng espada at ibang kagamitan sa pandirigma, sa ganitong edad kasi sinisimulang turoan ang mga batang Bailan. “Lorenzo, sobrang hina ng mga palo mo, lakasan mo at bilisan mo ang paggalaw mo” sabi ng guro niyang si Amistad, isa sa Kapitan ng mga sundalo ng mga Bailan “ganyan at itaas mo ang ulo mo huwag kang yumuko, paano mo makikita ang kalaban mo kung nakayuko ang ulo mo” turo ng guro niya. Tinuroan din ni Amistad si Lorenzo kung paano pumana at gumamit ng patalim, isang araw habang nasa gubat sila nakakita sila ng Usa at si Lorenzo ang inatasang niyang hantingin ito para sa haponan nila.
“Kapitan, pasensya na po pero hindi ko ata kayang patayin ang isang nilalang ng walang kalaban-laban” rason ni Lorenzo sa kanya na si Amistad na mismo ang pumana sa Usa at isang tira lang niya natumba ito. “Ayaw mong pumatay? Pwes ito ang parusa mo, buhatin mo yan pabalik sa kampo natin” utos ng Kapitan sa kanya na napakamot nalang sa ulo si Lorenzo at binuhat ang matandang Usa na malaki pa sa katawan niya. “Pssst… Enzo…” mahinang tawag ni Narra sa kanya na nagtatago ito sa likod ng puno habang binubuhat niya ang malaking Usa, sininyasan siya ni Narra na magkita sila sa tabing ilog at tumango si Lorenzo.
Nung nakabalik na sila sa kampo nila nagpaalam si Lorenzo na maghuhugas lang ng katawan dahil sa dugo ng Usa na dumaloy sa katawan niya na pinayagan naman siya ni Amistad. Nagmamadaling tumakbo si Lorenzo papunta sa ilog at nakita niya si Narra na nagtatago sa likod ng puno “Enzo.. dito!” tawag ni Narra sa kanya na doon na siya sa bandang yun naghugas ng kamay “bakit ka nandito?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Wala kasi akong magawa, tara na laro muna tayo” yaya ni Narra sa kanya “hindi pwede, nag eensayo kami” sabi ni Lorenzo sa kanya “pag-eensayo ba yung pinabuhat ka niya ng patay na Usa?” tanong ni Narra sa kanya “ayaw ko kasing patayin kaya ako ang inatasan niyang magbuhat” sagot ni Lorenzo.
“Enzo, parang ikaw lang ata ang kilala kong Bailan na ayaw pumatay” natatawang sabi ni Narra “masama ba yun, Narra?” tanong ni Lorenzo sa kanya na natahimik ito bigla “tama naman yun, kaibigan pero kilala ang angkan niyo bilang magaling na mandirigma, darating ang panahon na tatawid ka sa puntong yun at kumitil ng buhay” sabi ni Narra sa kanya. “Alam ko yun, pero hanggang maaari dapat pairalin parin ang diplomasiya at bigyang pagkakataon ang bawat isa na intinidihin ang sitwasyon” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Hahaha para kang si ama kung magsalita Enzo” natatawang sabi ni Narra “si Haring Ugat nga ang nagsabi nun, ikaw talaga Narra hindi ka kasi nakikinig sa ama mo eh” sabi ni Lorenzo sa kanya na naghubad ito ng damit at tumalon sa ilog.
“PRINSEPE NARRA!” narinig nila ang tagabantay niya “aalis na ako Enzo, babalik ba kayo dito?” tanong ni Narra sa kanya “hindi ko alam, papadalhan nalang kita ng ibon kung babalik kami dito” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Sige, at paparating na si Acacia tiyak papagalitan nanaman ako nito” sabi ni Narra na tumakbo ito palayo sa ilog sa ibang direksyon na dinaanan ni Acacia. Tuloy lang sa paglangoy si Lorenzo at pagkatapos niyang maligo nagdamit na siya at bumalik sa kampo nila na ngayon ay malapit ng maluto ang Usa na pinana ni Kap. Amistad kanina. “Bakit ang tagal mo, Lorenzo?” tanong ng Kapitan sa kanya “naligo na po ako Kapitan para pagdating ko sa bahay hindi magagalit si nanay” rason ni Lorenzo.
1662: Desisais anyos na si Lorenzo at sa anim na taong pag-eensayo niya sa larangan ng pandirigma naging dalubhasa na siya nito at tumalas narin ang pandinig niya na kahit tibok ng puso na isang Usa maririnig na niya ito kung saan at gaano kalayo ito. Naging lalong malapit sila ni Prinsepe Narra na ngayon ay sinisimulan naring turoan sa responsibilidad niya sa kaharian nila para balang araw kung bababa na sa truno ang ama niyang si Haring Ugat alam na niya ang dapat niyang gawin. Habang si Prinsesa Lucia naman ay nasa Romania at nagsisimula naring matutong humawak ng espada at mismong lolo pa niyang si Haring Voltaire ang nagturo sa kanya sa larangan ng pandirigma at paggamit sa kapangyarihan niya.
Nagkikita parin si Lorenzo at si Narra para maglaro at tumambay sa malaking bato sa gitna ng gubat, isang araw habang nakahiga sa ibabaw ng malaking bato si Lorenzo dahan-dahang lumapit sa kanya si Narra para gulatin siya. “Hehehe.. ” natatawa ng mahina si Narra habang papalapit na siya kay Lorenzo ng biglang “kung ano man ang binabalak mo Narra kalimutan mo na yan” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Awww.. ” sabi ni Narra na nilingon siya ni Lorenzo at tinawanan siya nito “nakalimutan ko matalas pala ang pandinig mo” sabi ni Narra sa kanya “tama! hehehehe naririnig ko ang tibok ng puso mo, kaibigan” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Talo talaga ako sayo pagdating sa gulatan” sabi ni Narra sa kanya na umupo nalang siya sa tabi ni Lorenzo at inabutan niya ito ng prutas at kumain sila.
Habang kumakain sila nakarinig sila ng iyak ng isang Usa sa malayo “saan galing yun?” tanong ni Narra na tumayo si Lorenzo at pinikit ang mga mata niya “sa silangan!” sabi niya. Agad siyang tumalon at tumakbo papunta sa umiiyak na Usa “HOY ENZO! HINTAYIN MO AKO!” tawag ni Narra sa kanya na nakita niyang mabilis itong tumakbo palayo sa kanya “si Enzo talaga!” sabi ni Narra na tumalon siya sa isang puno at pumasok siya nito. Narating na ni Lorenzo ang umiiyak na Usa at nakita niya ang dalawang lobo na umiikot nito “hoy! ano ang ginagawa niyo dito?” tanong ni Lorenzo sa kanila “bata, huwag kang makialam sa hapunan namin” sabi nung isang lobo sa kanya.
“Pinagbabawal ang pangangaso dito sa gubat kapag walang pahintulot mula kay Haring Ugat” sabi ni Lorenzo sa kanila “wala kaming pakialam, kung ayaw mong mamatay tumahimik ka nalang” sabi nung isang lobo sa kanya. “Hindi kayo taga rito ano?” tanong ni Lorenzo sa kanila na nilingon siya ng dalawang lobo at dahan-dahan itong lumapit sa kanya “hindi ka talaga tatahimik ano bata?” tanong nung isang lobo na nilabas na nito ang mahabang pangil niya. Hinugot ni Lorenzo ang espada niya at naghanda narin siya “tingin mo makakatulong yang espada mo laban sa amin?” tanong nung nasa kaliwa na pinalibutan siya ng dalawa. “Gilas, gagawin nating panghimagas ang batang ito” sabi nung nasa kaliwa ni Lorenzo “hahaha tama ka masarap itong panghimagas” sagot naman nung isa.
“Panghimagas ha?” tanong ni Lorenzo sa kanila na sabay siyang inatake ng dalawang lobo na agad siyang tumalon paharap at gumulong siya sa lupa na nagtama ang dalawang lobo nung ginawa niya ito. Agad na tumayo si Lorenzo at hinanda ang sarili sa pag-atake ng dalawa “hahaha” tinawanan niya ang dalawa na agad bumangon yung isa at galit itong tumakbo palapit sa kanya “AKIN KA NGAYON!” sigaw nito. Tumalon ito at tinaas ang isang paa na ngayon ay nakalabas ang ang mahabang kuko niya at nung malapit na siya agad tumalon pakaliwa si Lorenzo kaya nakailag siya at saktong hinamapas niya ito ng espada niya na naputol ang paa nito. “GRAAAAWWWW!!!” napasigaw ito sa sakit nung bumagsak ito sa lupa “GILAASSS!” sigaw nung kasamahan niya na mabilis itong bumangon at tumingin kay Lorenzo.
“PAPATAYIN KITAAAA!” sigaw nito at mabilis itong tumakbo papunta kay Lorenzo na bigla nalang itong napahinto nung me mga ugat na bumalot sa katawan niya “pasensya na Enzo kung nahuli ako” paumanhin ni Narra. “Palagi naman eh” natatawang sagot ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Narra ang lobong binalutan niya ng ugat at hinigpitan pa niya ang pagkabalot nito “AAAAAHHHWOOOOOOOO” umalolong ito at napansin nilang bumangon narin ang kasamahan niya. “PINUTOL MO ANG PAA KO!” sigaw nito kay Lorenzo na kahit putol ang isang paa nito sumugod parin ito kay Lorenzo na bigla nalang itong napadapa sa lupa at bumalot sa katawan ng lobo ang itim na kadena at hinila ito paatras papunta sa puno at ginapos ito.
Nagulat sila pareho nung makita ito at kumalma na si Lorenzo nung makita ang itim na kadena dahil kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito “haayyy.. pareho kayo ni Narra palaging huli sa lahat” sabi ni Lorenzo. “Pasensya na kayong dalawa hindi ko naman akalain na magkakaroon pala ng ganitong pangyayari habang wala ako” sagot nito kay Lorenzo “hahaha maayos lang yun ang importante nandito kana, Zoraida” sabi ni Lorenzo na lumabas sa likod ng puno si Zoraida (14 yrs old). “Zoraida!” tawag ni Narra sa kanya na ginapos din niya sa puno ang lobong nahuli niya at nag-abot silang tatlo sa gitna “akala niyo ito ang katapusan, nagkakamali kayo!” banta nung isang lobo sa kanila.
“Ano ang gagawin natin sa kanila?” tanong ni Zoraida sa kanila “una, gamutin mo muna ang sugat niya Zora” sabi ni Lorenzo “Narra, magpadala ka ng sulat sa tribu ng mga lobo at ipaalam mo sa kanila na me ligaw na mga lobo ang pumasok sa gubat niyo” utos ni Lorenzo sa kanila. “SIge” sabi ni Narra na pumasok ito sa loob ng isang puno at nawala ito habang ginamot naman ni Zoraida ang kamay ng isang Lobo na ngayon ay nagkatawang tao na. “PAPATAYIN NAMIN KAYO!” sabi nung naputol ang kamay na nagpupumiglas silang dalawa para makawala sa pagkakagapos “mag si tigil kayong dalawa!” sabi ni Zoraida sa kanila “ma swerte kayo at sila ni Enzo ang nakaharap niyo kung hindi matagal na kayong patay” dagdag niya na napatigil ang dalawa.
“Zora” tawag ni Lorenzo na lumayo si Zoraida sa lobo nung nagamot na niya ito “alam ko ang lahat ng mga lobo sa tribu ni Haring Damyan, kaninong tribu kayo galing?” tanong ni Lorenzo sa kanila na hindi siya nito sinagot. Bumalik na si Narra kasama ang mga tauhan niya kaya binitawan na nila ang mga lobo at ginapos nila ito at pinaupo sa lupa “kahamalan kami na po ang bahala sa kanila” sabi nung isang tauhan ni Narra. “Sige dalhin niyo na sila palabas ng gubat at ibigay sila sa mga taong lobo” utos ni Narra sa kanila “masusunod po, kamahalan” sagot nung sundalo niya “Lorenzo ba kamo ang pangalan mo?” tanong nung Gilas sa kanya na tumingin si Lorenzo sa kanya. “Tatandaan ko ang pangalan mo” sabi nito bago sila dinala ng mga tauhan ni Narra paalis sa gubat.
“Lorenzo” tawag ni Zoraida na nilingon niya ito “bakit?” tanong niya “me masama akong pangitain sa lobong yun” sabi niya “anong pangitain?” tanong ni Narra “na hindi ito ang huling pagkikita niyo” sabi ni Zoraida. “Hahaha ikaw talaga Zora masyadong seryoso” natatawang sabi ni Lorenzo sa kanya na una itong naglakad pabalik sa malaking batong tinatambayan nila ni Narra “bakit ka nga pala naparito, Zoraida?” tanong ni Narra. “Naparito ako dahil inutosan ako ni Inang Zenaida para ipaabot kay Lorenzo ang gamot para kay ginang Nala” sagot ni Zoraida “me sakit ang nanay mo, Enzo?” tanong ni Narra “oo, ilang araw na siyang inuubo kaya humingi ng panlunas si tatay kay manang Zenaida” sabi ni Lorenzo sa kanya.
Naupo na silang tatlo sa ibabaw ng malaking puno at tiningnan ni Zoraida kung me sugat ba si Lorenzo “hindi nila ako tinamaan mabuti lang ako Zora” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Mabuti ng makasiguro, alam mong makamandag ang mga pangil at kuko nila” sabi ni Zoraida “nandyan ka naman para gamutin ako” nakangiting sabi ni Lorenzo na sinapak siya ni Zoraida ng mahina sa balikat. “Pero napaisip ako dun sa dalawang lobo kung sino at taga saan sila” sabi ni Narra “alamin nalang natin kay Dante tiyak malalaman niya kung sino ang mga yun” sabi ni Lorenzo na tumayo siya at inunat ang katawan.
“Malapit ng dumilim kailangan ko ng umuwi” sabi ni Zoraida na tumayo narin ito at bumaba sa malaking bato na siniko ni Lorenzo si Narra at nahiya ito “ah… Zoraida.. i..ihahatid na kita palabas ng gubat” sabi ni Narra. “Sige” sabi ni Zoraida na patagong natawa si Lorenzo dahil alam niyang me gusto si Narra kay Zoaraida “Enzo, ibigay mo agad yan kay ginang Nala” sabi ni Zoraida na tumango lang si Lorenzo at umalis na sila ni Narra. Tiningnan lang ni Lorenzo ang dalawa nung papalayo na ito at tumalon siya pababa sa malaking bato at nagsimulang maglakad pabalik sa kanila na dumaan pa ito muna sa ilog para maligo.
Nakagawian na niyang maligo bago umuwi sa kanila dahil alam niyang papagalitan siya ng nanay niya pag hindi siya naligo o mangangamoy pawis siya. Gaya ng dati hubo’t-hubad siyang naligo sa ilog at nagpalutang-lutang lang siya habang nakatingin sa kalawakan na kita niyang nag-iiba na ang kulay nito dahil palubog na ang araw. Sumisid siya pailalim at nakita niya ang mga isda na lumalangoy sa paligid niya at umangat siya at paglabas niya sa ibabaw “ang sarap ng….” napatigil nalang siya nung maramdaman niyang me taong nakatayo sa gilid ng ilog kaya lumangoy siya papunta sa gilid at umahon siya. Nakahood ito kaya hindi niya makita ang mukha kaya dahan-dahan niyang dinampot ang damit niya at sinuot niya ito na nakatayo lang ang taong nakahood malayo sa kinatatayuan niya.
Nung nakabihis na si Lorenzo nakita niyang me lumabas na espada sa damit nung tao at agad umabante ito papunta sa kanya kaya hinugot niya ang espada niya at dinepensahan niya ang sarili niya. Tinulak niya ito palayo na agad itong tumalon papunta sa kanya kaya gumulong siya paharap at yung lupa ang nasaksak ng kalaban niya na agad siyang bumangon at humanda. “Magaling!” sabi nung kalaban niya “salamat!” sagot niya na umabante siya at dumepensa ang kalaban niya at nag espadahan silang dalawa hanggang sa narating nila ang malaking bato. Natulak si Lorenzo sa puno at napasandal siya nito na agad umabante ang kalaban niya para saksakin siya pero nakailag siya. Sabay yuko niya at binigyan niya ng leg sweep ang kalaban niya at natumba ito at nabitawan ang espada niya.
Tumalon si Lorenzo para saksakin niya ito pero nahawakan ng kalaban niya ang kamay niyang me hawak ng espada at gumulong silang dalawa habang nag-aagawan sa espada niya. Huminto sila sa tabi ng malaking bato habang nakahawak yung kalaban niya sa kamay niya “malakas ka” sabi nung kalaban niya “ikaw din” sagot niya na pilit tinulak ni Lorenzo ang espada sa lalamunan ng kalaban niya. Tinuhod si Lorenzo sa gilid kaya napaalis siya ng konte sa kalaban niya na nagmamadali siyang bumalik sa pwesto at nilagay ang espada niya sa lalamunan ng kalaban niya pati din ito nung me lumabas na espada sa palad niya.
Pareho silang me espada sa lalamunan nila kaya napatigil silang dalawa at nagpakiramdaman “haahh..haahh..haahhh..” humihingal si Lorenzo dahil sa pagod na nanginginig na ang kamay niyang nakahawak sa espada niya. “Hinihingal kana.. pagod?” tanong nung kalaban niya na parang hindi ito napagod “alam mo naman na kagagaling ko lang sa ilog at kanina me dalawang lobo din kaming nakalaban” sagot ni Lorenzo sa kanya. “Haayyy.. ito ba ang pinagkakaabalahan mo habang wala ako ha, Enzo?” tanong nito “hindi ah!” sagot niya na inalis niya ang espada sa lalamunan ng kalaban niya pati din ito. “Kumusta kana?” tanong ni Lorenzo “mabuti lang ako… ikaw?” tinanong siya “mabuti na ako ngayong nandito kana” sabi ni Lorenzo na inalis niya ang hood na nakatabon sa mukha at nakita niyang nakangiti ito “Lucia” sabi niya.
Magkatabi silang nakahiga sa ibabaw ng malaking bato habang nakatingin lang sa kalawakan “natutuwa ka bang makita ako, Enzo?” tanong ni Lucia sa kanya na nginitian niya ito. “Oo naman, ikaw?” tanong niya na nag-isip muna si Lucia at sabing “hmmm… hindi ko alam” kaya dumapa si Lorenzo at tumingin kay Lucia “hindi mo alam?” tanong niya na tumalikod si Lucia sa kanya. “Oh? Tinalikuran lang ako” sabi ni Lorenzo na patagong natawa si Lucia sa kanya na humiga muli si Lorenzo “kung ganun eh hindi narin ako natutuwang makita ka” sabi ni Lorenzo na agad humarap sa kanya si Lucia. Nilagay ni Lucia ang kaliwang kamay niya sa dibdib ni Lorenzo at tumingin ito sa mata niya “kahit kelan man hindi ka nawala sa isipan ko, hindi ka nawala sa puso ko, nananabik akong makita ka habang nasa Romania ako” sabi niya na napangiti si Lorenzo.
“Hehehe.. alam ko yun” sabi ni Lorenzo sa kanya na biglang bumangon si Lucia at umupo ito “bakit?” tanong niya na bumngon din siya at umupo “wala… wala na si mama Enzo” sabi ni Lucia na nagulat si Lorenzo. “Bakit? Ano ang nangyari?” tanong niya “sinalakay kami ng mga taong bayan nung nandun kami sa palasyo” kwento niya “sinakripisyo ni mama ang buhay niya para lang makatakas kami kaya.. huhu…” naiyak siya kaya inakbayan siya ni Lorenzo kaya sumandal si Lucia sa dibdib niya. “Kinalulungkot ko ang nangyari sa inyo Lucia” sabi niya habang hinihimas niya ang kaliwang braso nito. “Dapat nakaraang buwan pa kami nakabalik dito pero dahil sa nangyari nagtago muna kami at hinayaang humupa ang sitwasyon” kwento ni Lucia na hinalikan siya ni Lorenzo sa noo.
“Ang importante nandito kana at walang nangyari sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na tumingin sa kanya si Lucia at naghalikan silang dalawa at yumakap ng mahigpit sa kanya si Lucia at umiyak ito sa dibdib niya. “Kumusta na nga pala ang papa mo?” tanong ni Lorenzo “nasugatan si papa pero ginagamot na siya ngayon ng mga tauhan ni lolo” sagot niya “ikaw? Hindi ka ba nasugatan?” tanong ni Lorenzo “hindi” sagot niya “mabuti naman” sabi ni Lorenzo na niyakap niya ng mahigpit si Lucia. Naglakad-lakad silang dalawa sa gubat habang magkahawak kamay at dumating sila sa isang puntod na malapit sa pangpang at tumayo silang dalawa dun habang nakatingin sila sa bilog na buwan.
“Mangako ka sa akin Lorenzo” sabi ni Lucia na napatingin sa kanya ang binata at humarap sa kanya si Lucia “mangako ka sa akin na hindi ka mawawala sa tabi ko” sabi ni Lucia sa kanya na ngumiti si Lorenzo. Lumuhod siya sa harap ni Lucia at kinuha nito ang kanang kamay niya at hinalikan niya ito “nangangako ako, mahal ko” sabi ni Lorenzo sa kanya na lumapit sa kanya si Lucia at niyakap nito ang ulo ni Lorenzo at niyakap naman ng binata ang beywang niya. “Pero..” sabi ni Lorenzo “tandaan mo Lucia, tao lang ako, isang mortal na marami man akong kayang gawin pero hindi magiging sapat para mabuhay ng matagal” paalala ni Lorenzo sa kanya.
“Mahal ko, me paraan naman para mabuhay ka ng matagal para magsama tayo ng habang buhay” sabi ni Lucia sa kanya na ngumiti si Lorenzo “patawad mahal ko, alam mong isa akong Bailan pinagbabawal sa kultura namin ang iniisip mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. Hinila patayo ni Lucia si Lorenzo at hinawakan niya ito sa mukha “mortal, Bailan, Lobo, Engkanto, Taong Puno o ano ka pa man kung gugustohin kong mabuhay ka ng matagal kasama ko walang kultura o paniniwala man ang makakapagpigil sa pagmamahalan natin” sabi ni Lucia sa kanya. “Mahal kita Lucia pero… mananatili parin akong mortal.. ipinangak akong mortal.. gusto ko din mamatay bilang mortal sa natural na takbo ng buhay ko” sabi ni Lorenzo sa kanya. Napaluha si Lucia dahil alam niyang darating ang panahon na iiwan siya ni Lorenzo at kahit siya pa ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong mundo wala siyang magagawa para pigilan ito.
Naglakad na sila pabalik sa malaking bato ng mapansin ni Lucia na me dalawang taong nakatingin sa kanila sa malayo kaya hinawakan niya sa balikat si Lorenzo na napansin naman ito ng binata. “Kelan ulit tayo magkikita?” tanong ni Lorenzo sa kanya “sa susunod na bilog ang buwan, Enzo” sabi ni Lucia sa kanya na nagyakap silang dalawa at naghalikan sila. Naglakad na si Lucia patungo sa dalawang taong naghihintay sa kanya at sinuot niya muli ang hood niya “paalam mahal ko” sabi ni Lorenzo na nilingon siya nito at nginitian siya. “Kamahalan” sabi nung isang tauhan niya “tayo na” sabi ni Lucia sa kanila na bigla nalang silang nawala at napangiti nalang si Lorenzo at kinuha ang gamot na binigay ni Zoraida kanina at umuwi narin siya.
Pagdating niya sa kubo nila hinanda niya agad ang gamot ng nanay niya at binigay niya agad ito nung pagkatapos na niyang ilaga ang dahong binigay ni Zoraida “bakit ang tagal mo, Lorenzo?” tanong ng nanay niya. “Me ginawa pa kasi kami ni Narra nay at naligo narin ako bago ako umuwi” rason niya habang iniinom ng nanay niya ang gamot na hinanda niya at umubo ito pagkatapos “haaa… ” galing sa nanay Nala niya at nginitian siya nito. “Mabuti na po kayo nay?” tanong ni Lorenzo “haayy sa wakas nakakahinga narin ako ng maayos, anak” sabi ng nanay niya na tumalab agad ang gamot na binigay ni Zoraida sa kanya. “Ipaabot mo kay Zenaida ang pasasalamat ko pagnagkita muli kayo ni Zoraida, Enzo” sabi ng nanay niya “makakarating po, inay, teka asan ho ba si tatay?” tnaong niya “oonga pala pumunta ka sa kubo ng lolo mo nagpupulong sila ngayon dun” sabi ng nanay niya.
Pagkatapos ligpitin ang mga ginamit niya kanina sa kusina nagpaalam siya sa nanay niyang pumunta sa kubo ng lolo niya, naupo lang sa tabi si Lorenzo habang nagpupulong ang mga matataas na opisyal ng komyunidad nila. “Ano ang gagawin natin pinuno?” tanong nung isang opisyal “nakausap ko na si Haring Ugat at si Haring Damyan tungkol nito at sinabi ko na sa kanila na hindi tayo sasama sa gyera nila maliban lang kung aatakihin tayo” sagot ng pinuno nila na si Balin lolo ni Lorenzo. “Maghihintay pa ba tayo na aatakihin tayo bago tayo kikilos?” tanong nung isa pang opisyal “hmmm.. wala tayo sa lugar para sumali sa gyera nila Gilman” sabi ni Balin “teritoryo ang pinag-aawayan nila at hindi sinasakop ng mga aswang ang teritoryo natin kaya wala tayong dahilan para sumali” sagot ni Balin sa kanya.
Sumang-ayon kay Balin ang ibang opisyal habang yung iba naman ay nagdadalawang isip pa “kung nangangamba kayo na baka isali nila tayo, ipapangako ko sa inyo na walang buhay ng Bailan ang mawawala” sabi ni Balin sa kanila na tumango silang lahat. “Maghanda kayo kung ito ang paraan para maging kampante kayo, wala din namang masama kung maghanda tayo, hindi ba?” sabi ni Balin sa kanila na sumang-ayon silang lahat. “Me idaragdag pa ba kayo o hinaing na gusto niyong iparating sa ibang opisyalis?” tanong ni Balin sa kanila na walang sumagot sa kanila kaya tinapos na niya ang pagpupulong nila at isa-isa na silang lumabas sa kubo niya. “Lorenzo” tawag ni Gilman sa kanya nung makita siyang nakaupo sa gilid “magandang gabi po, ginoong Gilman” bati ni Lorenzo.
Lumapit sa kanila ang ama niyang si Lam-ang “anak, kanina ka pa ba dito?’ tanong niya “kakarating ko lang po, ama” sagot niya “Lam-ang tila nagbibinata na ang anak mong si Lorenzo” sabi ni Gilman na natawa lang ang ama niya. “Oo, binata na si Lorenzo at sa darating na panahon siya na ang susunod na mamumuno sa komyunidad natin” sabi ng ama niya “hahaha tama ka Lam-ang” sabi ni Balin na naglakad ito palapit sa kanila “lolo” tawag ni Lorenzo sa kanya na tinapik naman siya nito sa balikat. “Me napupusoan ka na ba, Lorenzo?” tanong ni Gilman sa kanya na biglang nahiya si Lorenzo “wa..bakit po niyo natanong?” tanong niya “Pinunong Balin, Hen. Lam-ang hindi niyo naitatanong nagdadalaga narin ang anak kong si Lala” sabi ni Gilman.
“Tama, magkasing edad lang sila ni Lorenzo” sabi ni Lam-ang na tiningnan niya si Lorenzo “gusto ko sanang ikasundo si Lo..” pinutol siya ni Balin “Gilman, hayaan mo ang apo ko ang pumili ng babaeng mapupusoan niya” sabi ni Balin sa kanya. “Ah.. hindi ko naman po inalis kay Lorenzo ang pagpili niya gusto ko lang ibigay alam sa kanya na gusto ko siyang maging parte ng pamilya ko” sabi ni Gilman. “At ipares siya kay Lala na alam kong me gusto din kay Lorenzo” sabi ni Gilman na nagulat silang tatlo sa sinabi niya “pwes kung ganun bigyan natin sila ng pagkakataong magsama” sabi ni Hen. Lam-ang “Lam-ang” tawag ni Balin sa kanya “patawad ama pero kilala mo ang apo mo na puro paglalaro at pag ensayo nalang ang nasa isip nito” sabi ni Lam-ang sa kanya “hayaan mo muna siyang maranasan ang pagkabinata niya” sabi ni Balin sa kanya “o..opo ama” sagot ni Hen. Lam-ang.
Nagpaalam na si Gilman at naiwan silang tatlo sa kubo “tandaan mo Lam-ang, hindi kita sinunod sa tradisyon natin na ipagkasundo sa ibang pamilya kaya huwag mong gawin ito sa nag-iisa kong apo” paalala ni Balin sa kanya. “Patawad po ama, Lorenzo” sabi ni Hen. Lam-ang “wala hong problema yun ama, naiintindihan ko po” sabi ni Lorenzo sa kanya “si Lorenzo ipagkasundo kay Lala?” biglang sabi ni Kap. Amistad na nakatayo na ngayon sa me pintoan ng kubo “Kapitan, kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Hen. Lam-ang sa kanya “hindi po Heneral, narinig ko lang po ang parte na ipagkasundo si Lorenzo kay Lala, hahahaha si Lorenzo at Lala? Parang langis at tubig ang dalawa hahaha” natatawang sabi ni Kap. Amistad “Kapitan” tawag ni Balin sa kanya na natahimik ito at niyuko ang ulo “patawad po, Pinuno” sabi niya.
“Pumasok ka dito Kapitan” yaya ni Balin sa kanya kaya pumasok ito sa loob at naupo sa harapan niya nung nasa mesa na silang apat. “Paumahin po kung nahuli ako sa pagpupulong pinunong Balin” paumanhin niya. “Walang anuman yun, ano ang balita Kap. Amistad?” tanong ni Balin sa kanya “masama po, pinuno” sagot niya “bakit?” tanong ni Hen. Lam-ang “Pinuno, Heneral naghahanda na po ang mga aswang para sumalakay sa ibang kaharian, binalita ito ni Hen. Romolo sa akin na naghahanda na din ang mga Lobo sa mangyayari” balita niya. “Masama ito, ama” sabi ni Hen. Lam-ang sa ama niya na napahawak sa baba si Balin at nag-isip ito. “Lolo, ano ho ba ang gagawin natin?’ tanong ni Lorenzo sa kanya na tumayo ito kaya napaatras silang dalawa ni Hen. Lam-ang at lumuhod sa harapan niya pati narin si Kap. Amistad.
“Hindi tayo gagalaw hanggang hindi tayo kailangan ng mga kaalyado natin, Heneral Lam-ang” sabi ni Balin “po?” tanong niya “Ipagbigay alam sa mga tauhan natin na maghanda sila sa posibilidad na mangyayari” utos ni Balin sa kanya. “Masusunod po, pinuno” sabi ni Hen. Lam-ang “Kapitan Amistad!” tawag ni Balin “po?” “magpadala ka ng sulat sa mga taong Lobo at ipaalam mo sa kanila na nasa likod nila tayo at handa tayong lalaban kung kailanganin nila tayo” utos ni Balin “masusunod, pinuno” sabi niya na umalis na silang dalawa ni Heneral Lam-ang. “Lolo, ano ho ba ang gusto niyong gawin ko?” tanong ni Lorenzo “Enzo, umuwi ka sa inyo at bantayan mo ang nanay Nala mo” utos ng lolo niya.
“Pero pinuno, dalubhasa na po ako sa pandirigma kailanganin niyo po ang abilidad ko sa pakikipaglaban” sabi ni Lorenzo “hindi na muna ngayon Lorenzo” sabi ng lolo niya na naglakad ito “umuwi kana sa inyo at alagaan mo ang nanay mo” utos niya “masusunod po… lolo” sagot niya. Nakita niya sa labas na abala ang mga tauhan nila sa paghahanda sa mga kagamitan nilang pandigma at nakita niya ang ama niyang inuutosan ang mga sundalo nila. Naka alarma ang buong komyunidad nila at gising ang lahat ng mga tao dahil kasalukoynag nag-aaway ang pwersa ng mga taong puno at Lobo laban sa mga aswang.
“Ama!” tawag ni Lorenzo na nakasuot ito ng damit na pandigma “Lorenzo, bumalik kana sa loob ng kubo at bantayan mo ang nanay mo” utos ng tatay niya “hindi ama, tutulong po ako sa inyo” sabi niya. “Anak, mas makakatulong ka sa akin kung nasa tabi ka ng nanay mo” sabi ni Hen. Lam-ang sa kanya “sundin mo nalang ang inuutos ni Heneral Lam-ang, Lorenzo” sabi ni Kapitan Amistad sa kanya na ngayon ay naka damit pandigma narin. “Pero Kapitan nakahanda na po ako…” “huwag kana makipagtalo pa Lorenzo” sabi ng tatay niya “o.. opo ama” sagot ni Lorenzo “ano yun?” tanong ni Kap. Amistad “ah.. opo Heneral!” sabi ni Lorenzo at bumalik na siya sa kubo nila “anak” tawag ng nanay niya na ngayon ay nakadamit pandigma narin ito “nay, dito lang daw tayo sabi ni ama” sabi niya na tumango ang nanay niya at umupo ito.
Lumipas ang magdamag at nakatanggap sila ng balita na tapos na ang gyera at binalita sa kanila na napatay ang Hari ng mga Aswang na si Magno “masamang pangitain ito, ama” sabi ni Hen. Lam-ang kay Balin. “Ilagay parin sa alerto ang komyunidad natin, hindi natin alam baka gaganti ang mga aswang sa nangyari sa Hari nila” utos ni Balin sa mga tauhan niya. Samantala, nagpatawag ng pagpupulong si Haring Ugat at nagtitipon silang lahat sa kaharian niya. Dumating ang mga pinuno ng mga Lobo, Bampira, Engkanto at Bailan na agad nagsalita si Haring Damyan tungkol sa nakuha nilang aklat ng mga aswang “kami ang dapat humawak niyan” sabi niya “at tingin mo karapat-dapat ka sa aklat na yan, Damyan?” tanong ni Haring Helius ng mga Engkanto.
“Ipagpalagay natin na mapanganib ang aklat na ito, hindi ba ang dapat humawak nito ay ang mga nilalang na hindi kayang gamitin ang aklat na ito?” sabi ni Haring Ugat na napatingin siya kay Balin. Tumayo si Balin at nagsalita siya “salamat sa sinabi niyo Haring Ugat pero hindi ko po matatanggap ang aklat na yan” sabi niya na nagsalita agad si Damyan “ayaw niya sa aklat na yan pwes akin nalang yan!” sabi niya. “Hindi nga pwede Damyan dahil uhaw ka din sa kapangyarihan” pagtutol ni Haring Helius na biglang tumayo si Damyan at huhugotin na sana niya ang sandata niya ng biglang bumulwak ng apoy si Haring Voltaire sa ere kaya napatigil silang dalawa.
“Patawad sa inyong lahat pero naiirita na kasi ako sa bangayan ng dalawang ito” sabi ni Haring Voltaire “kung nag-aaway kayo dahil sa aklat na yan bakit hindi nalang natin ito sunogin” suhistyon niya na inayawan ng dalawang hari. “Kung maaari lang sana Haring Voltaire pero makapangyarihan ang aklat na ito kaya hindi ito masisira kahit ano man ang gagawin natin nito” sabi ni Haring Ugat “pwes, sa akin mo nalang ibigay yan” sabi ni Haring Voltaire. “Bakit sa’yo?” tanong ni Haring Damyan “dahil hindi ako katulad mo na naghahangad ng mas mataas pang kapangyarihan at hindi rin ako katulad mo Helius na kinokonsiderang mababa sa akin ang lahat ng nilalang” sabi ni Haring Voltaire na sinang-ayunan siya ni Haring Ugat at ni Balin.
“Wala bang tututol sa hiling ni Haring Voltaire?” tanong ni Haring Ugat sa kanila na umayaw si Damyan pero natalo din siya dahil tatlo laban sa isa ang bumoto na mapunta kay Haring Voltaire ang Aklat ng Dilim. Galit na umalis sa pagtitipon si Haring Damyan at nagbanta na pa ito “sa oras na gagamitin mo ang aklat na yan, Voltaire ako na mismo ang papatay sayo” sabi niya bago siya umalis na si Hen. Romolo na ang humingi ng paumanhin sa kanila. Bumalik narin sa kaharian niya si Haring Helius gamit ang portal at naiwan si Haring Voltaire at Balin sa harap ni Haring Ugat “aalagaan ko ang aklat na ito, kaibigan” sabi ni Haring Voltaire “aasahan ko yan, kaibigan” sabi ni Haring Ugat na nagpaalam narin ang Hari ng mga Bampira na babalik sa palasyo niya.
“Voltaire” tawag ni Haring Ugat sa kanya na lumingon ito “aasahan ko na hindi mo gagamitin ang aklat na yan” nakangiting sabi niya na ngumiti din sa kanya si Haring Voltaire “makakaasa ka kaibigan, Balin” sagot niya. “Haring Voltaire, nasa likod mo lang din kaming mga Bailan pero sa oras na bubuksan mo ang aklat na yan” sabi ni Balin sa kanya “huwag kang mag-alala, Balin” sabi ni Haring Voltaire sa kanya “nga pala, ipinapaabot ng mahal kong apo ang pagmamahal niya kay Lorenzo” sabi ni Haring Voltaire bago ito tumalikod at kasama ang mga tauhan niya na bigla nalang silang nawala. “Hmm… ” narinig ni Haring Ugat galing kay Balin “huwag mo sanang ikasama ito, Balin” sabi ni Haring Ugat “hindi kamahalan, karapatan ni Lorenzo ang pumuli ng babaeng mapupusoan niya, pero.. hindi ko lang inaasahan na si Lucia ang mamahalin niya” sabi ni Balin na napangiti si Haring Ugat.
Lumipas ang panahon at natahimik na muli ang buong lalawigan, tumataas narin ang edad ni Lorenzo na siya na ngayon ang tumatayong Kapitan sa hukbong ng mga Bailan habang si Amistad naman ay tumaas narin ang ranggo niya. “Heneral” tawag ni Lorenzo sa kanya na niyuko nito ang ulo niya “Kapitan Enzo, ano ang balita sa labas?” tanong niya “nakahanda na po ang mga tauhan natin para sa ating paglalakbay” balita niya “magaling, sige susunod na ako” sabi niya habang naghahanda ito sa sarili. Habang sa palasyo ng mga Bampira naghahanda narin sila para sa koronasyon ni Prinsepe Alister para pumalit sa ama niyang si Haring Voltaire na ngayon ay tinamaan ng matinding karamdaman.
“Ama, akala ko ho ba hindi nagkakasakit ang isang bampira?” tanong ni Prinsesa Lucia sa ama niyang si Prinsepe Alister “oo, pero hindi sakit ang meron ang lolo mo kundi sumpa” sagot ng ama niya. “Sumpa?” takang tanong ni Prinsesa Lucia “oo anak, bago namatay ang Hari ng mga aswang nag-iwan ito ng sumpa sa sino mang hahawak sa Aklat ng Dilim” kwento niya sa anak niya “kaya huwag na huwag kang lalapit sa aklat na yun, naiintindihan mo ba Lucia?” sabi ng ama niya “naiintindihan ko po, ama” sagot ni Prinsesa Lucia. “Kamahalan, nandito na po ang mga panauhin niyo” sabi ng isa sa mga tauhan niya “mabuti, anak maghanda kana din ha?” sabi ng papa niya “opo, ama” sagot ni Prinsesa Lucia.
“Binabati kita Prinsepe Alister” bati ni Haring Ugat nung dumalo ito sa koronasyon niya “maraming salamat, Haring Ugat dito po kayo” turo ni Prinsepe Alister sa kanya, dumating din ang mga Lobo at mga Engkanto. Huling dumating sila Lorenzo na binati nila si Prinsepe Alister at nagbigay sila ng pasalubong sa kanya para sa nalalapit niyang koronasyon “maraming salamat Pinunong Lam-ang, aasahan ko ang suporta mo sa pagkakaisa nating lahat” sabi ni Prinsepe Alister sa kanya. “Maaasahan mo, Prinsepe Alister” sagot ni Lam-ang sa kanya na nagkangitian si Lorenzo at si Lucia “dito tayo kaibigan” yaya ni Prinsepe Alister sa kanila na naiwang nakatayo si Lorenzo at si Lucia na agad hinila palabas ni Lucia si Lorenzo nung lumayo na ang mga magulang nila at pumunta sila sa likod ng palasyo malapit sa hardin nila.
“Natutuwa ako para kay Prinsepe Alister, Lucia” sabi ni Lorenzo na nginitian siya ni Lucia at hinila siya nito papasok sa hardin nila “dito tayo” sabi ni Lucia. “ano ang gagawin natin..” hindi niya ito natuloy dahil siniil siya ng halik ni Lucia. “Nasasabik na ako sayo, mahal ko” sabi ni Lucia sa kanya na niyakap siya nito ng mahigpit “ako din, mahal” sagot ni Lorenzo na tumingin siya sa paligid. “Bakit?” tanong ni Lucia na bigla siyang hinalikan ni Lorenzo sa leeg na napasinghap siya at napayakap sa ulo nito “oohh… Enzoo.. :” umungol si Lucia na binaba ni Lorenzo ang dalwang kamay niya papunta sa pwet ni Lucia at pinsil niya ito. “Oooohhh.. mahal ko…” sabi ni Lucia na naghalikan silang dalawa.
Napatigil sila nung makarinig sila ng ingay sa kaliwa nila “me tao” mahinang sabi ni Lorenzo na niyakap siya sa beywang ni Lucia at bigla silang naging anino at lumipad paitaas at nagulat nalang si Lorenzo nung nasa loob na sila sa silid ni Lucia. “Paano?” takang tanong ni Lorenzo na bumitaw si Lucia sa kanya at naglakad ito papunta sa kama niya na dahan-dahan nitong hinubad ang suot niya at hubo’t-hubad na ito nung nakatayo siya sa gilid ng kama niya at tumingin kay Lorenzo. Hindi nakagalaw si Lorenzo sa nakita niya at napalunok siya ng laway nung makita niyang humiga sa kama si Lucia at kinakawayan siya nito para lumapit sa kanya. “Oh mahal ko” sabi ni Lorenzo na naglakad narin siya palapit sa kama at hinubad narin niya ang mga damit niya at hubo’t-hubad na siyang gumapang at pumatong sa ibabaw ni Lucia.
Hinimas niya ang mukha ni Lucia habang nagkatinginan silang dalawa “mahal ko… ” sabi ni Lorenzo “mahal… ibibigay ko ang lahat sayo” sabi ni Lucia sa kanya na bumukaka ito na naramdaman ni Lorenzo ang pagkababae ni Lucia nung tumama ang ulo ng alaga niya sa hiwa nito. “Oh mahal ko” sabi ni Lorenzo na naghalikan silang dalawa na inabot ni Lucia ang pwet niya at hinila niya ito dahilan para maipasok ang ulo ng titi ng binata sa hiwa niya. “Aaahhh… mahal…” sabi ni Lucia nung bumaon na ito sa loob niya “mahal.. napakaganda mo talaga” sabi ni Lorenzo na naghalikan muli silang dalawa at gumulong sila para si Lucia na ang nasa ibabaw niya
Inupoan ni Lucia ang titi ni Lorenzo dahilan para maibaon ito sa lagusan niya na napapikit ang dalaga at napasinghap ito nung naramdaman ang hapdi sa pagkababae niya. “Nasaktan ba kita, mahal?” tanong ni Lorenzo na bumangon ito at niyakap si Lucia. “Medjo.. pero kakayanin ko” sabi ni Lucia na nagkatinginan silang dalawa at naghalikan sila “aaahhhh..” napaungol si Lucia nung gumalaw siya sa ibabaw ni Lorenzo na napahalik sa dibdib ang binata at napaungol na din ito sa ginawa sa kanya ni Lucia. “Mahal… mahal kooohhhh..” sabi ni Lorenzo na tinulak siya pahiga ni Lucia at tinaas baba ni Lucia ang sarili niya kay Lorenzo na napapikit ang binata sa sarap na nararamdaman niya.
Dumapa sa ibabaw niya si Lucia at niyakap siya nito na yumakap din si Lorenzo sa kanya at naghalikan sila habang si Lorenzo na ang gumalaw para mailabas pasok ang alaga niya sa lagusan ni Lucia. Gumulong ulit sila na si Lorenzo na ang nasa ibabaw niya at bumukaka si Lucia at binalot niya ang mga binti sa beywang ni Lorenzo “oohh.. mahal… ” sabi ni Lucia na nagkatinginan sila ni Lorenzo. “Mahal na mahal kita… ” sabi ni Lorenzo sa kanya na napangiti si Lucia at pumikit ito sabay taas ng ulo niya nung maramdman niyang malapit na niyang maabot ang gloria “mahal.. mahaall..” sabi niya kay Lorenzo na ngayon ay bumibilis narin ang paglabas pasok ng alaga niya sa lagusan ni Lucia.
“Mahal.. mahal… ” tawag ni Lorenzo sa kanya dahil nakita niyang humaba ang pangil ni Lucia kaya nangangamba siyang makagat nito “mahal.. ” tawag muli niya na tumigil siya sa pagbayo sa dalaga. Biglang bumuka ang mata ni Lucia na nakita ni Lorenzo na nawala ang puting parte ng mata ng dalaga na puro itim nalang ito at tumingin ito sa kanya “BAKIT KA TUMIGIL” sigaw ni Lucia sa kanya na gumulong silang dalawa at napaibabaw sa kanya si Lucia. “Luciaaa…” tawag ni Lorenzo sa kanya na nilagay niya ang braso niya sa harapan niya dahil pilit nilalapit ni Lucia ang mukha nito sa leeg niya. Habang nangyayari ito gumagalaw narin ang balakang ni Lucia na napapapikit si Lorenzo dahil nararamdaman niyang malapit narin siyang labasan kaya pinilit niyang huwag mangyari ito dahil mawawalan siya ng lakas pagnagkataon.
“Luciaaaa.. ako itooohhhh..” sabi ni Lorenzo sa kanya na ginamitan na niya talaga ng lakas sa pagtulak para lang mapalayo niya ang mukha ni Lucia sa leeg niya na ngayon ay tumutulo na ang laway sa mukha at leeg niya. Biglang bumigat si Lucia na hindi na niya ito maitulak kaya pinatong niya ang kaliwang paa niya sa beywang ni Lucia at tinulak niya ito kasabay din ng pagtulak niya sa mukha ng dalaga na nahila siya nito nung natumba paalis sa kanya si Lucia. Nasa ibabaw na siya ngayon ni Lucia at kita niyang pilit nitong bumangon na pinigilan niya ito kaya wala siyang ibang paraan kundi kantutin ng mabilis ang dalaga. “Paa.. aahhh..ahhh. Luciaaahhhh…” ungol niya na napahiga narin sa kama si Lucia at napayakap ito sa kanya na kinalmot pa siya sa likod “GRAAAAAHHHHH.. ” napasigaw siya sa hapdi nung bumaon ang kuko ng dalaga.
Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at mabilis niyang kinantot si Lucia na nakikita niyang bumabalik narin ito sa sarili niya nung maramdaman niyang pumipintig ang kalamnan ng dalaga. “Oooohhh…. ” umungol si Lucia at biglang pumikit ito at nakita ni Lorenzo na bumalik na sa dati ang ipin niya at sa isang kadyot mabilis na lumuhod si Lorenzo at hinawakan niya ang titi niya na tumalsik ang maraming tamod niya sa katawan ng dalaga. “HAAAAA..HAAA..AAAHHHHH….” napaungol ng malakas si Lorenzo nung nilabasan na siya at kita niyang parang natutulog si Lucia at napailing nalang siya sa muntikan ng mangyari sa kanya kanina.
Humiga siya sa tabi ng dalaga na nakita niyang mahimbing na itong natutulog, hinalikan niya sa labi si Lucia at nilinis ang tamod niya sa katawan ng dalaga at kinumotan niya ito pagkatapos. “Mahal.. mahal..” ginising niya ito dahil malapit na ang seremonya ng koronasyo ng papa niya “mahal… mahal…” pagising ni Lorenzo kay Lucia ng bigla nalang siyang hinawakan sa leeg ni Lucia at dumilat ito. “Ma… mahal….” sabi ni Lorenzo na hinawakan niya ang kamay ni Lucia na pareho silang hubo’t-hubad na lumuntang sa ibabaw ng kama “Lu.. ciaaa…” sabi ni Lorenzo sa kanya na hinila siya palapit kay Lucia at binitawan siya nito na bumagsak siya sa ibabaw ng kama. Umuubo siya habang sumisinghap ng hangin at napatingin siya kay Lucia na nakalutang parin sa ibabaw niya “Lucia…” tawag niya sa dalaga na nakita niya ang pagkakabae nito.
Tumayo si Lorenzo at kita niyang nakatitig lang sa pader si Lucia na parang tulala ito kaya niyakap niya sa beywang ang dalaga at hinila niya ito pababa “mahal… ” tawag niya sa dalaga na parang natauhan ito at tumingin sa kanya. “Mahal..” sabi ni Lucia na nginitian siya ni Lorenzo “sa susunod… mag-iingat na tayo pagnagtalik ulit tayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na nagulat si Lucia nung makita ang marka ng kamay niya sa leeg ng binata. “Wala ito mahal ko” sabi ni Lorenzo sa kanya na niyakap siya ni Lucia “patawarin mo ako mahal ko” sabi ni Lucia sa kanya “wala yun pangako” sabi ni Lorenzo sa kanya na hinalikan niya sa labi si Lucia kaya kumalma na ito.
Nagbihis na silang dalawa at dahan-dahang bumaba sa hagdanan at nagmasid na baka me makakita sa kanilang dalawa pero ang hindi nila alam nakita na pala sila ni Haring Voltaire nung lumabas sila sa silid ni Lucia. Nagtipon na ang lahat sa silid ng truno at naghihintay nalang sila sa pagbaba ni Haring Voltaire para masimulan na ang seremonyas, pumwesto si Lucia sa tabi ng papa niya habang si Lorenzo naman ay tumayo sa likuran ng ama niyang si Lam-ang. “Saan ka ba nagsusuot Lorenzo?” tanong ng ama niya “ah kinausap ko lang po si Prinsesa Lucia ama” sagot niya na nakatingin sa kanya si Hen. Amistad at hinila siya nito palapit “kinausap mo lang ba talaga?” mahinang tanong nito na natawa lang si Lam-ang.
“MAGBIGAY PUGAY KAYO SA MAHAL NA HARI!” sigaw nung nasa pintuan na lahat sila napatingin doon at niyuko nilang lahat ang ulo nila nung pumasok si Haring Voltaire na naglakad ito sa gitna papunta sa truno niya. Humarap silang lahat nung nakatayo na si Haring Voltaire sa harap ng truno niya “salamat at nakadalo kayong lahat sa gabi ng koronasyon ng anak kong si Prinsepe Alister” panimula niya. “Nagpapasalamat din ako sa mga tumulong at sumuporta sa aming kaharian lalo na sa kaibigan kong si Haring Ugat” sabi niya na niyuko ni Haring Ugat ang ulo niya pagbigay respeto kay Haring Voltaire.
Nagsimula na ang seremonyas sa loob ng palasyo pero sa labas nito me nangyayaring hindi nila inaasahan dahil isa-isang nawawala ang mga sundalong bampira na nagbabantay sa paligid nito pati narin ang mga lobo na inatasang tumulong sa kanila. “Huwag kayong mag-ingay, talasan niyo ang pandinig at mga mata niyo” utos ng isang Kapitan sa mga tauhan niya “opo, Kapitan” sagot ng mga tauhan niya na dahan-dahan narin silang lumapit sa palasyo. “Kapitan” tawag nung isang tauhan niya at tinuro ang grupo ng mga bampira na nakatayo malapit sa pintuan ng palasyo “hindi tayo dadaan dyan, sa taas tayo” sabi ng Kapitan nila na agad silang lumipad papunta sa bubong na pinana nila ang mga bampirang nagbabantay dito at agad silang dumapo na nagmamadali silang tumakbo papunta sa pintuan.
Chapter XII: Trouble!
“Alam niyo na ang gagawin niyo” utos ng Kapitan na naghiwalay ang sampung tauhan niya para gawin ang inuutos niya habang naghahanda narin ito para sa plano nila mamaya. “Kapitan nasa baba po silang lahat” sabi nung isang tauhan niya. “Sumunod ka sa akin kailangan natin silang bigyan ng oras para gawin ang trabaho nila” sabi nung Kapitan na bumaba sila sa hagdanan papunta sa seremonyas. Habang sa baba naman ay nagsisimula na ang koronasyon ni Prinsepe Alister na hinubad na ni Haring Voltaire ang korona niya para siya na ang maglagay nito sa ulo ng anak niya. “Ikaw, Prinsepe Alister ang magiging tagapagmana sa truno ko” sabi ni Haring Voltaire na bigla nalang itong napatigil at tumingin sa kisame “ama?” takang tanong ni Prinsepe Alister na pati ang mga ibang lahi nagtataka din.
“Amistad, Lorenzo maghanda kayo” sabi ni Lam-ang sa kanila pati narin ang mga Lobo, Engkanto at mga taong puno “ano po ba ang problema, ama?” tanong ni Lucia sa ama niya na hinawakan siya nito sa kamay. “Maghanda ka anak” sabi ni Prinsepe Alister sa kanya na nilingon niya si Lorenzo na ngayon ay nakahawak na sa hawakan ng espada niya at nakatingin din sa kanya ito. “Mga kaibigan ko, ipagpaumanhin niyo ang pagputol ko sa seremonyas na ito” sabi ni Haring Voltaire sa mga bisita nila. “Tila me bisita tayong hindi natin inaasahang dadalo sa okasyon na ito” sabi niya na lahat sila napatingin sa kisame ng silid at hinugot nila ang mga sandata nila. Nakita nila sa kisame ang pinuno ng grupong pumasok sa palasyo “magandang gabi sa inyong lahat” bati niya sa kanila na dumapo ito sa gitna kasama ang tauhan niya.
“Naparito ako para bawiin ang aklat na kinuha niyo sa kaharian namin” sabi niya na biglang hinugot nito ang espada niya at sabing “mamamatay ang sino mang hahadlang sa pakay ko” sabi ng Kapitan ng mga aswang. “Ang tapang mong pumasok sa palasyo ko, Aswang!” sabi ni Haring Voltaire sa kanya na nagbago ng anyo ang aswang at tumangkad ito at lumaki ang katawan “ma swerte kayo nung sumalakay kayo sa kaharian namin dahil wala ako, pero ngayon ipapakita ko sa inyo ang kamalasang naghihintay sa inyong lahat!” banta niya na unang umatake ang mga Lobo sa kanya na agad niya itong napatay.
“Hen. Amistad, Lorenzo tulongan niyong lumabas ang mga bisita” utos ni Lam-ang sa kanila na agad silang kumilos pati narin ang ibang mga lahi at giniyahan nilang lumabas ang ibang panauhin ng palasyo. “HAHAHA TINGIN NIYO MAKAKATAKAS KAYO?” sigaw ng higanting aswang na biglang humaba ang espada niya at hinampas niya ito sa mga bisitang tumakbo palabas ng pinto at nahiwa niya ito. “DUWAG!!!” sigaw ni Hen. Vladimir ng mga bampira na lumabas ang espada sa palad niya at inatake niya ang aswang na natuhog siya sa espada ng aswang at binato siya nito sa pader “AMA!!!” sigaw ng isang bata na nakatayo malapit sa truno ni Haring Voltaire.
Nakita siya ni Kap. Lorenzo kaya agad niya itong sinalubong nung tumakbo ang bata papunta kay Hen. Vlad dahil nakita niyang aatakihin muli ng higanting aswang ang sugatan niyang ama. Tinaas ni Kap. Lorenzo ang espada niya kaya nasalo ng espada niya ang espada ng higanting aswang “bata… tumakbo kana.. delikado ka dito!” sabi niya dun sa bata na umiiyak itong nakaluhod sa tabi ng ama niya. “HAH! MA SWERTE KANG BATA KA!” sigaw nung higanting aswang na kumilos narin ang ibang mga lahi para pigilan siya pero nung nasugatan nila ito bigla nalang silang nagulat at napaatras nung makita nilang umusok ang sugat ng aswang at agad itong naghilom. “Im.. imposible!” sabi ni Heneral Romolo nung makita ito “mga kasama, delikado ito!” sigaw niya na napaatras din ang ibang mga hukbong.
“Kayo na ang bahala dito sisiguradohin ko kung nandun pa ba ang Aklat ng Dilim” sabi ni Haring Voltaire kay Prinsepe Alister “masusunod ama” sagot niya na agad umalis ang hari at tinawag ni Prinsepe Alister ang mga tauhan niya. “Ama” tawag ni Lucia “anak, dito ka lang sa tabi” sabi niya sa anak niya at inutosan niya ang mga tauhan niya na kumalat sa labas baka me iba pang mga aswang sa paligid at yung iba pinabantay niya kay Prinsesa Lucia. Natulak nila palabas ang higanting aswang kaya lumabas narin sila kaya nilapitan ni Kap. Lorenzo ang bata na ngayon ay umiiyak sa tabi ni Hen. Vlad “bata, bakit hindi ka umalis kanina?” tanong niya.
“Huhuhu.. ama ko po kasi siya.. huhuh..” naiiyak niyang sabi na nakita ni Kap. Lorenzo na pumanaw na ang Heneral dahil sa sugat niya sa dibdib “Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na agad itong lumapit sa kanila. “HENERAL!” tawag ng mga tauhan niya na lahat sila nalungkot nung makitang patay na si Heneral Vladimir “Lucia, bantayan mo ang batang ito tutulongan ko sila sa labas” sabi ni Kap. Lorenzo. “Tutulong ako” sabi nung bata na kinuha ang espada ng ama niya “naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hindi ka makakatulong sa kanila kung lalabas ka, mapapahamak ka lang” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya. “Pero mahal na Prinsesa ang ama ko po” sabi niya “ako na ang bahala bata, igaganti ko ang ama mo” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya “dito ka lang ha” sabi ni Prinsesa Lucia na tumango lang ito.
HIndi napansin ni Haring Voltaire na nasa likod pala niya si Haring Damyan, Haring Ugat, Haring Helius at si Lam-ang “saan mo ba itinago ang Aklat ng Dilim, Voltaire?” tanong ni Haring Damyan na nagulat ito. “Nandyan pala kayo!” sabi niya na tumango lang sila at sumunod sa kanya pababa sa hagdanan “nilagay namin sa isang ligtas at tagong lugar dito sa ilalim ng palasyo ang Aklat ng DIlim” sabi ni Haring Voltaire. Pagdating nila sa pinakailalim ng palasyo nakita nila sa dulo ng hallway na bukas na ang pinto “NAKAPASOK SILA!” sigaw ni Haring Voltaire na nagmamadali silang tumakbo papunta sa silid na hinarangan sila ng limang aswang.
“Kami na ang bahala sa kanila Haring Voltaire” sabi ni Lam-ang sa kanya na dumiretso siya kasama si Haring Damyan papasok sa silid at mabilis na natalo ng tatlo ang liimang aswang at sumunod na sila sa loob. Habang sa taas naman naghanda na si Lorenzo sa gamit niya para tumulong sa labas na pinigilan siya nung bata at inabot sa kanya ang espada ng papa niya para ipagamit sa kanya. “Salamat bata, gusto ko bantayan mo si Prinsesa Lucia ha?” utos niya sa bata “masusunod po, Kapitan” sagot nung bata na nginitian niya ito “kayong tatlo sumunod kayo sa akin kayo namang tatlo bantayan niyo ang mahal na Prinsesa” utos niya sa sundalong bampira “masusunod po, Kapitan” sagot nila.
“Mahal, mag-ingat ka” sabi ni Lucia sa kanya “huwag kang mag-alala” sabi ni Lorenzo sa kanya “tayo na” tawag ni Lorenzo sa mga tauhan ni Lucia at sumunod sila sa kanya at lumabas sila ng palasyo. Pagdating nila sa labas nakita niyang natumba ang ibang mga kasamahan niya habang yung iba naman ay pinapana ang higanting aswang pero hindi nila ito napatumba dahil mabilis na maghilom ang mga sugat niya. Napaisip ng sandali si Lorenzo at tumitingin siya sa paligid “Kapitan?” tanong nung isang bampira sa kanya “kumuha kayo ng tela at basain niyo ng langis” utos niya sa tatlo na hindi ito nagtanong basta sumunod lang sa kanya ang mga ito at tumakbo siya papunta kay Heneral Amistad na ngayon ay hinihingal na sa pagod.
“Heneral!” tawag niya “Kap. Lorenzo, kumusta ang Prinsesa?” tanong niya “ligtas siya, Heneral tila pagod na ata kayo?” biro niya kay Hen. Amistad “ngayon lang ako nakalaban ng ganito, sobrang tigas at tapang ng aswang na yan” sabi niya. “Me plano ako Heneral kung papayagan niyo ako” sabi ni Kap. Lorenzo “ano ang plano mo, bata?” tanong ni Hen. Romolo sa kanya “Heneral Romolo, alam ko na po ang kahinaan ng aswang na yan” sabi ni Kap. Lorenzo sa kanya. “Alam mo?!” gulat niyang tanong na napatingin si Hen. Romolo kay Hen. Amistad “ipaliwanag mo sa kanya Kap. Enzo” sabi ni Hen. Amistad.
“Yung espadang gamit niya, humahaba ito, ibig sabihin hindi siya bihasa o dalubhasa pagdating sa panglapitang labanan” paliwanag ni Kap. Lorenzo “paano mo nalaman ito? Parang ang bilis mo atang nakuha ang taktika niya” gulat na tanong ni Hen. Romolo. “Alam kong isang beses lang nagtama ang mga esapada namin pero nakikita ko po na ganun lang ang kakayahan niya” paliwanag ni Kap. Lorenzo “yung kapangyarihan niyang mabilis maghilom ang mga sugat niya ang kompirmasyon ko nito” dagdag niya na bumalik na yung mga bampira na me dalang basang tela. “Ano ang gagawin mo dyan?” tanong ni Kap. Dante ng mga Lobo “Heneral” sabi ni Kap. Lorenzo kay Hen. Amistad na tumango ito. “Mga kasama, lumayo kayo!” sigaw niya sa lahat ng kaalyado nila at lumayo sila sa higanting aswang.
Sinaksak ni Kap. Lorenzo ang espada niya sa lupa at tinali niya sa hawakan ng espada niya ang dulo ng basang tela habang hawak ng kaliwang kamay niya ang espada ni Hen. Vladimir at humanda siya. “Sige Lorenzo, ipakita mo sa kanila kung paano lumaban ang purong dugong Bailan” sabi ni Hen. Amistad na nagsigawan ang mga tauhan nila. “BAILAN!” sigaw ni Hen. Amistad “HAH!” sagot ng mga tauhan nila sabay takbo ni Kap. Lorenzo palapit sa higanting aswang na humarap ito sa kanya “HAHAHA PURONG DUGO HA! TINGNAN NATIN!” sigaw nung higanting aswang na hinanda niya ang espada niya. Humaba ang espada niya nung tinutok niya ito kay Kap. Lorenzo na ngayon ay malapit na sa kanya “HINDI KA MAKAKALAPIT SA AKIN!” sigaw ng higanting aswang na dumepensa si Kap. Lorenzo gamit ang espada ni Hen. Vlad.
“TINGIN MO MAKAKATULONG SAYO ANG ESPADANG YAN!” sigaw ng higanting aswang na hinila niya ang espada niya na nagspark pa ito nung humagod ito sa espada na hawak ni Kap. Lorenzo. Nakakuha ng opening si Kap. Lorenzo nung limang talampakan nalang siya sa higanting aswang kaya hinila niya ang telang nakatali sa kanang kamay niya na lumipad papunta sa kanya ang espada niya na agad siyang yumuko. Nakatingin ang higanting aswang sa kanya at hindi niya nakita o napansin ang ginawa ni Kap. Lorenzo kaya bumalik sa dati ang espada niya at tinaas niya ito para hampasin si Kap. Lorenzo.
“AKIN KA NGAYON!” sigaw ng aswang na huli na siya nung makita niya ang espadang lumipad papunta sa kanya at hindi na siya nakareact nung tumama ito sa dibdib niya na agad din namang tumakbo si Kap. Lorenzo paikot sa kanya para matali ang higanting aswang at hinila niya ang telang nakatali nito na bumuka ang sugat sa dibdib ng higanting aswang.
“AAAAHHHHHHHHH!” sumigaw ito sa sakit dahilan kaya nabitawan niya ang espada niya na agad namang gumalaw palapit si Kap. Lorenzo sa kanya at sinaksak niya ito sa tagiliran gamit ang espada ni Hen. Vladimir. Napaluhod ang higanting aswang na ka level na ni Kap. Lorenzo ang ulo nito at kita niya sa mukha ng aswang na nasasaktan ito “HA..hahaha.. tingin mo… katapusan ko na? hahaha..” tumawa lang ito. Dinampot ni Kap. Lorenzo ang espada ng aswang at sinaksak niya ito sa dibdib katabi sa espada niya na tumagos ito sa likuran ng aswang “GRAAAAHHHHHH!!!!” napasigaw ito sa sakit. Hinawakan ni Kap. Lorenzo ang dalawang espada at pinaghiwalay niya ito na bumuka pa lalo ang sugat ng higanting aswang na ngayon ay nagpupumiglas itong makawala sa pagkatali niya.
“GRAAAAHHHHHHHH!” nagsisigaw ito habang pilit nitong kumawala sa basang telang nakatali sa katawan niya na nakita ni Kap. Lorenzo na dahan-dahan naring naghilom ang sugat nito kaya umatras siya. “LORENZO!” sigaw ni Hen. Amistad na akala niya umatras si Kap. Lorenzo dahil natakot ito pero nagulat silang lahat sa ginawa niya nung sinuntok ni Lorenzo ang dibdib ng higanting aswang na pumasok ang kamay niya. “GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!” napasigaw pa lalo ang higanting aswang nung hinugot ni Kap. Lorenzo ang puso ng aswang na tinaas niya ito at pinasubo niya ito sa aswang kaya natahimik ito. Alam niyang hindi pa ito tapos dahil nakita niyang dahan-dahan ng sumara ang sugat sa dibdib ng aswang kaya hinugot niya ang espada ng aswang at tinaga niya ito sa leeg at naputol ito.
Gumulong ang ulo ng higanting aswang sa paanan ng mga Lobo na nasa bibig pa nito ang puso niya at sinindihan ni Kap. Lorenzo ang basang tela at lumiyab ito. Hindi nakapagsalita ang mga sundalong nasa paligid niya lalong-lalo na ang mga matataas na tao sa ibang hukbong “parang… nakakatakot” mahinang sabi ni Kap. Dante pagkatapos niyang makita ang ginawa ni Kap. Lorenzo sa higanting aswang. “Ito pala.. ang abilidad ng isang Bailan” sabi ni Hen. Romolo na napatingin siya kay Hen. Amistad na nakangiti lang itong nakatingin kay Kap. Lorenzo. Nung naabo na ang higanting aswang kinuha niya ang esapada niya at naglakad siya pabalik sa naghihintay na si Prinsesa Lucia at anak ni Hen. Vladimir at binalik niya ang espada dun sa bata “tinupad ko ang pangako ko, bata” sabi niya dun sa bata na napamangha ito sa ginawa niya.
“HINDI PA TAYO TAPOS, HALUGHUGIN ANG BUONG PALASYO BAKA ME MGA ASWANG PA SA PALIGID!” sigaw ni Hen. Romolo na kumalat agad ang buong sandatahan nila habang lumapit naman sila kina Prinsesa Lucia at Kap. Lorenzo. “Kap. Lorenzo” tawag niya “Heneral” sagot ni Kap. Lorenzo “nakakatakot ang abilidad mo, kung papayag ka, kukunin kita bilang isa sa mga Kapitan ko” sabi ni Hen. Romolo. “Hahaha.. hindi maari yan kaibigan” sabi ni Hen. Amistad “si Lorenzo ang papalit sa akin balang araw at sa darating na panahon magiging pinuno ito ng buong Bailan” sabi ni Hen. Amistad. Samantala nahuli ni Haring Voltaire at Damyan ang natitirang aswang sa loob ng silid at napatay nila ito “tapos na, Voltaire” sabi ni Haring Damyan sa kanya “oo, tapos na sa wakas” sagot ni Haring Voltaire na nakita nilang pumasok ang tatlo sa silid.
“Napatay na namin sila” sabi ni Haring Helius “napatay narin namin ang mga aswang dito” sabi ni Haring Damyan na nakita ni Haring Voltaire ang Aklat ng Dilim sa sahig kaya dinampot niya ito at napahinto nalang siya sa nakita niya. “Kumusta ang aklat, Voltaire?” tanong ni Haring Helius “ah..ma.. mabuti. ligtas ang Aklat ng Dilim” sagot ni Haring Voltaire sabay sara nito sa pahina at binalik niya ito sa lalagyanano. “Bumalik na tayo sa taas para tingnan kung ano na ang nangyari doon” sabi ni Haring Ugat na bigla nalang natunaw ang mga aswang at nawala na ito “sige mauna na kayo at sisiguradohin kong hindi na nila ito makukuha” sabi ni Haring Voltaire na iniwan na siya ng apat at tumingin siya muli sa pahinang nabasa niya kanina at nanlaki ang mga mata niya sa tuwa at sinara na niya ang aklat at umalis na siya.
Nagtipon silang lahat sa silid ng truno at humingi ng paumanhin si Haring Voltaire sa pangyayari “wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa amin, Haring Voltaire” sabi ni Haring Ugat sa kanya. “Ipagpaliban lang muna natin ang koronasyon ng anak ko habang sinisiguro muna namin ang seguridad ng palasyo” sabi ni Haring Voltaire na naiintindihan ito ng lahat. Nagsalo-salo nalang sila pagkatapos nilang pagtulongang linisin ang nawasak na mga gamit at pader ng palasyo at nung lumalim na ang gabi isa-isa na silang nagpaalam sa hari ng palasyo para bumalik sa kani-kanilang Kaharian. “Mahal, magpapaalam na kami sa inyo” sabi ni Kap. Lorenzo na niyakap siya ni Prinsesa Lucia na tiningnan sila ng lahat “tayo na anak” tawag ni Lam-ang sa kanya pagkatapos nilang magpaalam sa Hari at Prinsepe umalis na sila.
Sumakay na sila sa kabayo nila palabas ng gate ng mapansin ni Hen. Amistad ang isang batang nakatayo sa gitna ng daan “hoy bata, tumabi ka!” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na namukhaan ito ni Kap. Lorenzo. “Heneral, kilala ko po siya” sabi niya “kilala mo ang batang ito, Lorenzo?” tanong niya “sino ba siya anak?” tanong ni Lam-ang “anak siya ni Hen. Vladimir” sagot ni Lorenzo na bumaba ito sa kabayo niya at nilapitan niya ang bata. “Bata, bakit ka nandito?” tanong niya “wala na po ang ama ko” sabi nung bata “hmm.. kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo pero hindi ka dapat lumabas ng palasyo” sabi ni Lorenzo sa kanya “sasama po ako sa inyo” sabi nung bata na nagulat silang lahat. “Hindi pwede” sabi ni Lorenzo sa kanya na hindi parin umalis sa harapan nila ang bata.
“Lorenzo!” tawag ng ama niya “ama, gusto daw sumama ng batang ito sa atin” sabi niya “HA!” sabi ni Hen. Amistad “hindi pwede anak, alam mo ang kumyunidad natin” sabi ni Lam-ang kay Lorenzo. “Bata, patawad pero hindi ka namin pwedeng isama, isa pa wala kang pahintulot sa mama mo at sa Hari” sabi ni Lorenzo sa kanya “wala na rin po ang mama ko, desisyon ko pong sumama sa inyo” sabi nung bata. “Bakit ba gusto mong sumama sa amin?” tanong ni Hen. Amistad na tumingin yung bata kay Lorenzo “gusto ko pong turoan mo ako kung paano lumaban” sabi ng bata na nagkatinginan silang lahat.
“Lorenzo!” tawag ni Prinsesa Lucia na lumapit sa kanila ito kasama ang ibang tauhan niya “kamahalan” bati nilang lahat sa kanya “ano ang nangyari dito?” tanong ni Prinsesa Lucia. “Yung bata kanina gustong sumama sa amin” sabi niya na nilapitan ito ni Prinsesa Lucia at kinumbinsi niya itong bumalik sa palasyo na umayaw ito at nagmamatigas na gustong sumama kina Lorenzo. “Mahal na Prinsesa gusto ko pong sumama sa kanya para matuto kung paano humawak ng espada at paano lumaban” sabi nung bata. Napatingin si Prinsesa Lucia kay Lorenzo at kay Lam-ang “haayy.. Enzo, disisyon mo ito” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya na naptingin siya sa ama niyang si Lam-ang at kay Heneral Amistad. “Problema mo yan Lorenzo” sabi ni Lam-ang na nauna ito “hahaha.. nasa sayo na yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na sumunod ito sa pinuno niyang si Lam-ang na napakamot sa ulo si Lorenzo.
Pinayagan ito ni Prinsesa Lucia nung tinanggap ni Lorenzo ang bata kaya binigyan nila ito ng kabayo para magamit niya at umalis na sila pabalik sa lugar nila “ilang taon ka na ba, bata?” tanong ni Lorenzo. “Sampung taon po, Kapitan” sagot nung bata “hahaha sakto sa edad yan Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad na natawa ang mga tauhan nila “hindi ko alam kung ano ang ituturo ko sayo, bata” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Nakita ko po kayong lumaban kanina, gusto ko po yung ginawa niyo” sabi nung bata sa kanya “kung gusto mo si Hen. Amistad dapat ang magturo sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Oh, bakit mo ibibigay sa akin ang batang ito, Kapitan? Ikaw ang hinihiling niya hindi ako” sabi ng Heneral sa kanya.
“Ikaw ang guro ko at sayo ko natutonan ang lahat ng mga abilidad ko ngayon” sabi ni Lorenzo sa kanya habang bumabyahe sila pabalik sa kanila “hahahah nagpapalusot ka pa” natatawang sabi ni Heneral Amistad sa kanya. “Lorenzo” tawag ng ama niya “opo ama?” tanong niya “pumayag ka sa hiling ng bata at tinanggap mo ang responsibilidad, kaya huwag mong ipasa sa iba ang katungkolan mo” sabi ni Lam-ang sa kanya. “Tandaan mo Kapitan, tinutupad ng Bailan ang pangako niya” paalala ng isang tauhan niya na napailing nalang si Lorenzo at tiningnan ang bata “haayy… kung magsasama tayo ng matagal dapat malaman ko ang pangalan mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Ano nga pala ang pangalan mo, bata?” tanong ni Hen. Amistad “ako po si Guillermo” sagot niya “hmm… Guillermo ha? Guille nalang ang itawag ko sayo” sabi ni Lorenzo sa kanya na napangiti ang bata sa kanya.
Pinatira ni Lorenzo si Guillermo sa labas ng kumyonidad nila dahil pinagbabawal ng konseho nila ang magpatira ng ibang lahi kaya nagtayo ng kubo si Lorenzo sa liblib na lugar na hindi gaano mapasukan ng sinag ng araw. “Pasensya kana Guille kung dito kita pinatira” paumahin ni Lorenzo sa kanya “naiintindihan ko po, Kapitan” sagot niya “teka, uhm.. ano ba ang..” hindi makatanong ng diretso si Lorenzo kay Guille sa pagkain niya “huwag kayong mag-alala Kapitan, umiinom po ako ng dugo ng hayop” sagot ng diretso ni Guille na napangiti lang si Leronzo. “Pasensya kana Guille ha?” sabi niya “wala po yun, Kapitan” sagot ni Guillermo. “Sige, magpahinga kana at magsisimula tayo mamayang gabi” sabi ni Lorenzo sa kanya na natuwa si Guillermo.
Nung gabing yun sinimulan na ni Lorenzo ang pagturo kay Guillermo kung paano humawak ng espada “kahoy?” tanong ni Guillermo nung inabutan siya nito ni Lorenzo. “Oo, ito ang unang sandata mo at habang nag-eensayo ka para matutong gumamit ng espada yan muna ang gagamitin mo” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Sundin mo lang ang kilos ko” sabi niya na sumunod sa galaw niya si Guillermo at ineensayo din niya si Guillermo sa pagpapalakas ng katawan niya. Bumibisita din si Prinsesa Lucia sa kanila habang nag eensayo sila ni Lorenzo at dinadalhan din niya ng damit at makakain si Guillermo dahil alam niyang hindi sapat sa kanya ang nakukuha niya sa gubat.
Lumipas ang panahon at naging bihasa narin si Guillermo sa paghawak at paggamit ng espada at tinuturoan din ito ni Lorenzo sa mga stratehiya pagdating sa pandigma at kung paano talunin ang kalaban gamit ang lakas niya. “Kapitan, salamat po sa lahat ng tinuro niyo sa akin” sabi ni Guillermo isang gabi nung nagpapahinga sila pagkatapos nilang mag-ensayo “wala yun Guille, tulong ko na din sayo yan” sabi niya. “Ano ang gagawin mo pagkatapos natin dito?” tanong ni Lorenzo sa kanya “sasali po ako sa hukbong ng mga bampira para magsilbi sa Prinsesa” sabi niya “hindi kay Haring Voltaire?” tanong ni Lorenzo “hindi Kapitan” sagot niya na napangiti si Lorenzo. “Tama lang din pala na tinuroan kita” nakangiting sabi ni Lorenzo na napangiti si Guillermo.
Naglalakad na sila pabalik sa kubo ng mapansin ni Lorenzo na me sumusunod sa kanila “hmmm..” lang siya “Kapitan?” tanong ni Guillermo “wala, kumusta ang kondisyon mo?” tanong ni Lorenzo. “Maayos lang ako Kapitan, napapansin ko pong gumagaan na yung espadang ginagamit ko” sagot niya “magaling, ibig sabihin nasanay kana sa bigat niyan” sabi ni Lorenzo “oonga po” sabi ni Guillermo. Napansin ni Lorenzo na palapit na palapit na sa kanila yung sumusunod sa kanila kaya humawak agad siya sa hawakan ng espada niya at nung nakita niya ito sa gilid ng mata niya inalis niya ang kamay niya sa espada niya at napangiti siya.
Tuloy lang sa pagkwento si Guillermo tungkol sa kondisyon niya at sa plano niya pagbalik sa kaharian ng mga bampira ng biglang yumuko si Lorenzo na nagulat nalang si Guillermo nung me tumalon sa kanya. “AAAHHH…HOY..HOY ARAAAAYYYYY…” napasigaw siya nung kinakagat-kagat siya sa balikat “hahahaha” natatawa lang si Lorenzo nung nakita niya ito “KAPITAN.. TULONGAN MO AKO!” humingi ng tulong si Guillermo sa kanya na sumandal lang si Lorenzo sa puno at nanood lang sa kanila. “Gamitin mo ang tinuro ko sayo, Guille” sabi ni Lorenzo sa kanya na binuhat ni Guillermo ang umatake sa kanya at binato niya ito palayo sa kanya. “GRRRRRR” narinig nila galing sa umatake sa kanila na kita nilang ang dungis ng mukha at sobrang lagkit ng buhok nito.
Bubunotin na sana ni Guillermo ang espada niya ng pinigilan siya ni Lorenzo “pero Kapitan, delikado siya” sabi ni Guillermo sa kanya “kumalma ka Guille at tiningnan mo siya ng mabuti” sabi ni Lorenzo sa kanya. Inalis ni Guille ang kamay niya sa espada niya at tiningnan ang taong umatake sa kanya “bata?” gulat niyang sabi na napatango si Lorenzo sa kanya “tingnan mo ang bibig niya” sabi ni Lorenzo na nakita nilang me pangil ito. “Bampira siya” sabi ni Guillermo na me kinuha si Lorenzo sa bag niya at nilapitan niya ito “Kapitan! Baka kagatin ka niyan!” babala ni Guillermo sa kanya “kalma lang Guille, tinatakot mo siya” sabi ni Lorenzo.
“Ta… ako pa ang nanakot sa kanya?” sabi ni Guillermo na humawak muli ito sa hawakan ng espada niya “Guille, sabi kong huwag!” utos ni Lorenzo sa kanya na sumunod lang siya “bata, nagugutom ka ba?” tanong ni Lorenzo sa kanya. Umatras yung bata palayo sa kanya “huwag kang matakot, halika lapit ka” sabi ni Lorenzo sa kanya. Nagdadalawang isip itong lumapit sa kanya “alam kong nagugutom ka ito kunin mo” sabi ni Lorenzo na inabutan niya ito ng maliit na pouch na urong-sulong ang batang lumapit sa kanya. “Kapitan” tawag ni Guillermo “dyan ka lang Guille, huwag kang gumalaw” utos ni Lorenzo sa kanya na agad kinuha ng bata yung pouch at lumayo ito ng konte at sinubo niya ito sa bibig niya na nakita ni Lorenzo na napapikit ito nung nalasahan ang laman ng pouch.
“Meron pa akong marami dito kung gusto mo” nakangiting sabi ni Lorenzo na dahan-dahang lumapit sa kanya ang bata at kinuha ang tatlong pouch sa palad niya at bigla nalang itong umupo sa lupa at sinubo ito. Lumapit sa kanila si Guillermo nung napansin ito ng bata bigla nalang itong nag “grrrr..” “Kapitan!” tawag ni Guillermo “dyan ka lang Guille” utos ni Lorenzo sa kanya na tumigil siya at bumalik sa pagkain ang bata sa binigay ni Lorenzo. “Ang baho mo” sabi ni Lorenzo sa kanya na tumingin sa kanya ang bata “gusto ko pa” sabi bigla nung bata na nagkatinginan si Lorenzo at Guillermo “heto, marami pa ako dito” binigyan pa siya ni Lorenzo na pansin niyang kumalma na ang bata at kita niyang naging kampante na ito sa kanya.
Tumayo na si Lorenzo at binigyan pa niya ng limang pouch ang bata at iniwan na nila ito, habang naglalakad sila napansin narin ito ni Guille na sumusunod ito sa kanila “Kapitan” sabi niya “oo, napapansin ko” sabi ni Lorenzo. “Hayaan mo lang siya” sabi ni Lorenzo na hinayaan lang nila itong sumunod sa kanila pabalik sa kubo nila at nung nasa harap na sila ng kubo nakita nilang sumilip ang bata sa likod ng puno. “Kapitan?” “hayaan mo lang siya, pumasok na tayo sa loob” sabi ni Lorenzo sa kanya na hindi nila sinara ang pinto at makalipas ang ilang sandali biglang dumungaw ang bata sa pinto na nginitian siya ni Lorenzo nung makita niya ito at naglakay ng limang pouch sa plato at nilagay sa mesa.
“Halika, pasok ka” yaya ni Lorenzo sa kanya na agad itong pumasok nung nakita niya ang limang pouch sa mesa “ang baho mo!” sabi ni Guille sa kanya na sinara na ni Lorenzo ang pinto dahil malapit ng lalabas ang araw. Sinabayan narin nila ang bata sa mesa habang nagtatakip ng ilong si Guillermo dahil parang ilang taon ng hindi naliligo ang batang ito “mamayang gabi papaligoan natin siya” sabi ni Lorenzo. “Dapat lang, kung titira siya kasama natin dito dapat maligo siya” sabi ni Guillermo na nag “grrrrrr” lang sa kanya ang bata na natawa lang si Lorenzo “ako nga pala si Enzo, siya naman si Guille, ano ang pangalan mo?” tanong niya sa bata na kita niyang tumulo pa yung dugo sa gilid ng bibig nito “Morietta” sagot nung bata sa kanya.
Nung gabing yan pinaligoan ni Lorenzo si Morietta at nakita nila na maganda pala ito, dinalhan narin niya ito ng damit at pagkatapos binigyan niya ito ng pouch na me lamang dugo at sinama narin nila ito sa training ground nila. Nakaupo lang sa tabi si Morietta habang pinapanood silang nag-eensayo ng biglang tumayo ito kaya napatigil silang dalawa “bakit, Morietta?” tanong ni Lorenzo sa kanya “me papalapit sa atin” sabi niya “Guille” sabi ni Lorenzo na tumango ito at lumapit siya kay Morietta. Tumayo lang si Lorenzo at pinikit niya ang mga mata niya “ano ang ginagawa niya?” tanong ni Morietta “nakikiramdam siya sa paligid” sagot ni Guillermo na nakita nilang napangiti si Lorenzo
“Mahal” sabi ni Lorenzo na kumalma si Guillermo “mahal?” takang tanong ni Morietta “ang mahal na Prinsesa” sabi ni Guille na niluhod niya ang isang tuhod niya sa lupa at niyuko ang ulo niya pati narin si Lorenzo. “Ano ang..” takang tanong ni Morietta na bigla nalang niyang nakita si Prinsesa Lucia na nakatayo sa harap ni Lorenzo at pinatayo siya nito “Guillermo” tawag ni Prinsesa Lucia sa kanya na tumayo din ito “mahal na Prinsesa, maligayang pagdating po” bati niya “salamat, Guilllermo” sabi niya “kinagagalak kitang makita, mahal” sabi ni Lorenzo sa kanya na nagyakapan silang dalawa. Napansin ni Prinsesa Lucia si Morietta “mahal na Prinsesa siya po si Morietta” pakilala ni Guille sa kanya na hinawakan niya ito sa ulo at niyuko ang ulo ni Morietta.
“Magbigay pugay ka sa mahal na Prinsesa” sabi ni Guillermo sa kanya na pilit inaalis ni Morietta ang kamay niya “Guillermo, hindi mo dapat ginawa sa kanya yan” sabi ni Prinsesa Lucia sa kanya. “Patawad po, kamahalan” sabi ni Guillermo na inalis niya agad ang kamay niya sa ulo ni Morietta na tinadyakan siya nito sa tuhod na napayuko siya sa sakit at agad tumakbo si Morietta sa likuran ni Lorenzo. “Ikaw naman kasi Guille” sabi ni Lorenzo sa kanya “pasensya na po” sabi ni Guillermo “huwag ka sa akin humingi ng pasensya” sabi ni Lorenzo sa kanya na napabugnot nalang si Guillermo at nilabas ni Morietta ang dila niya para asarin siya na natawa lang si Prinsesa Lucia sa kanila.
“Saan ka pala galing at nasaan ang mga magulang mo?” tanong ni Prinsesa Lucia kay Morietta “taga ibang lalawigan po ako, wala na po ang mga magulang ko” sagot niya “ano ang nangyari sa kanila?” tanong ni Prinsesa Lucia. Napayuko ang ulo ni Morietta at naluha ito “pinatay po sila nung sumalakay ang mga taong lobo sa lugar namin, pinatakas ako ng mama ko kaya po ako napadpad dito” kwento ni Morietta. “Merong tribu ang mga taong lobo dito pero hindi sila kagaya dun sa mga umatake sa inyo” sabi ni Lorenzo sa kanya “paano kung… katulad sila dun sa mga taong lobo sa pinaggalingan ko?” takot na sabi ni Morietta. Nilagay ni Lorenzo ang kamay niya sa ulo ni Morietta at sabing “hanggang kasama mo ako, walang sino man ang mananakit sayo” nginitian niya si Morietta.
Samantala sa palasyo nagsisimula ng magkulong si Haring Voltaire sa silid niya habang pinag-aaralan niya ang nabasa niya sa isang pahina sa Aklat ng Dilim “papa, si Alister ito” kinatok siya ng Prinsepe na di niya ito binuksan. “Papa! papa!” tawag niya na di siya nito pinansin “papa, ano ho ba ang nangyari?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya “hindi ko alam anak, ilang linggo naring nagkukulong ang lolo mo sa silid niya” sagot ni Prinsepe Alister. “Nag-aalala na ako sa kanya, papa” sabi ni Prinsesa Lucia “ako din anak, hayaan lang muna natin siya baka lalabas na yan siya mamaya” sabi ni Prinsepe Alister at umalis sila sa harap ng pinto ng kwarto ng Hari at sa loob nito nagsisimula ng bumuo ng plano kung paano niya maisakatuparan ang binabalak niya.
Bumisita muli si Prinsesa Lucia sa tatlo na ngayon ay tinuroan narin ni Lorenzo si Morietta kung paano lumaban na napapansin ni Prinsesa Lucia na gumagaling na si Guillermo at nahahabol na niya ang bilis at lakas ni Lorenzo. Nung natapos na sila naupo silang apat sa mesa sa loob ng kubo “nag-aalala ako sa lolo ko, Lorenzo” sabi ni Prinsesa Lucia “hindi ba me karamdaman ang mahal na Hari?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Oo, kaya nga lalo kaming nag-aalala sa kanya lalo na ngayon na nagkukulong lang siya sa kwarto niya” sabi ni Lucia “mahal na Prinsesa bigyan lang po natin siya ng panahon” sabi ni Guillermo na napangiti sa kanya si Lucia. “Guillermo, kelan ka ba babalik sa palasyo?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya na tumingin siya kay Lorernzo.
“Dalawang buwan Prinsesa” sagot ni Kap. Lorenzo sa kanya na napangiti si Guillermo sa sagot niya “aasahan ko yan” sabi ni Prinsesa Lucia na nagtawanan silang apat, tuloy lang sila sa kwentohan nila ng biglang dumating ang isa sa tauhan ni Prinsesa Lucia. “Ano ang nangyari?” tanong niya “mahal na Prinsesa kailangan po kayo sa palasyo” sabi nito na agad siyang tumayo at nagpaalam sa tatlo “sasamahan ko na po kayo, kamahalan” sabi ni Guillermo. “Hindi dito ka nalang, tuloy mo ang pag-ensayo mo” sabi ni Prinsesa Lucia na sinamahan nila ito sa labas at pagkatapos magpaalam naging anino sila at nawala sila bigla. “Sana walang nangyari sa palasyo” sabi ni Guillermo “nandun si Prinsepe Alister sigurado akong ligtas sila doon” sabi ni Lorenzo na niyaya niya pabalik ng kubo si Guillemo pero hindi parin mawala ang pag-aalala niya sa Prinsesa.
Pagdating ni Prinsesa Lucia sa palasyo nakita niya ang papa niyang nakadapa sa sahig at tila me sugat ito sa braso “PAPA!” sigaw niya na nagmamadali silang pinatayo ang Prinsepe “papa, ano ho ang nangyari sa inyo?” tanong ni Prinsesa Lucia. Tinulak siya palayo ni Prinsepe Alister at nilabas nito ang espada niya na napatumba sa sahig si Prinsesa Lucia at nakita niyang naglaban ang ama niya at ang lolo niya. “LOLO, PAPA ITIGIL NIYO NA ITO!” sigaw niya sa dalawa na walang nagawa ang mga tauhan nila dahil sa tuwing lalapit sila pinagtataga sila ni Haring Voltaire. Pinigilan ng mga tauhan nila si Prinsesa Lucia dahil pilit niyang lumapit sa dalawa at natatakot sila sa buhay niya dahil parang baliw na si Haring Voltaire.
“Tawagin si Kapitan Lorenzo, humingi kayo ng tulong sa kanya” utos ni Prinsesa Lucia sa tauhan niya na nagmamadali itong umalis at nagulat sila nung sinaksak ni Haring Voltaire si Prinsepe Alister sa balikat. “PAPAAAAA!” sigaw ni Prinsesa Lucia “AAAAHHHH” napasigaw si Prinsepe Alister “TUMAKBO KA ANAK!” sigaw niya kay Prinsesa Lucia na iniwan ni Haring Voltare si Prinsepe Alister na napahiga sa sahig at nilapitan si Prinsesa Lucia. “Huwag niyong hayaang makalapit ang Hari kay Prinsesa Lucia” utos ni Kap. Zandro sa mga tauhan niya na lahat sila nilabas ang mga espada nila “ANO ITO! BINUNOTAN NIYO AKO NG ESPADA NIYO?!” sigaw ni Haring Voltaire sa kanila na binugahan sila ng apoy nito na agad binuhat ni Kap. Zandro si Prinsesa Lucia at binato niya ito sa pader para makaiwas ito na sila ang nasunog sa binugang apoy ni Haring Voltaire.
“HUWAAAAGGGGG!” sigaw ni Prinsesa Lucia na lumapit sa kanya ang Hari at hinawakan siya nito sa braso at hinila siya pababa sa kulongan nila at pinasok siya doon sa loob. “LOLO ANO ITONG NANGYAYARI SA INYO?” tanong ni Prinsesa Lucia sa kanya “kapangyarihan apo, kapangyarihan” sabi ni Haring Voltaire na hinubad niya ang korona niya at binigay niya ito sa kanya. Pinasuot niya ito kay Prinsesa Lucia at sabing “ikaw ang taga pagmana sa kaharian ko, Lucia… simula ngayon ikaw na ang Reyna” sabi ni Haring Voltaire bago niya sinara ang pinto at kinandado ito. “LOLO! LOLO! LOLO!” pagsisigaw ni Lucia na umiyak ito sa loob ng kulongan at pilit binuksan ang pinto para tulongan ang papa niya.
Nung nakabalik na sa taas si Haring Voltaire pinatay niya ang mga tauhan niya na humadlang sa kanya at pagkatapos kinaladkad niya si Prinsepe Alister papunta sa silid ng truno niya. “Papa.. ano ang gagawin niyo?” tanong ni Prinsepe Alister na pinahiga siya nito sa harapan ng truno niya na pumasok ang mga tauhan niya at pilit siyang pinapatigil sa ginagawa niya. “Huwag kayong makialam” sabi niya na binugahan niya ito ng apoy na nagtago sila sa panagga nila “PATAWARIN MO KAMI KAMAHALAN!” sigaw nung pinuno ng hukbong nila at pinagpapana nila si Haring Voltaire na nagalit ito lalo at bumuga ulit siya ng apoy na nasunog ang mga tauhan niya at dalawa nalang ang naiwan sa mga sundalong punasok sa silid.
“Patawad anak” sabi ni Haring Voltaire na nanlaki ang mata ni Prinsepe Alister nung makita niya ang Aklat ng Dilim na lumulutang sa harapan ng ama niya “AMA… HUWAG… HUWAG MONG GAMITIN YAN!” sigaw ni Prinsepe Alister. “KAMAHALAN.. ITIGIL NIYO NA PO ITO!” sigaw nung isang tauhan niya na nakadapa ito sa sahig dahil nasunog ng Hari ang mga paa niya “KAMAHALAN MAAWA PO KAYO.. HUWAG NIYONG ITULOY!” sigaw nung isa na bigla nalang lumiwanag ang Akalat ng Dilim. “HUWAAAGGGGGGGG” sabay sigaw nilang tatlo na biglang lumutang sa ere si Haring Voltaire “Sufletul convergente! (soul converging)” bigkas ni Haring Voltaire na lumabas ang mga kaluluwa ng tatlo at pumasok ito sa katawan niya. Biglang naging bato ang tatlo pagkatapos ang ritwal at lumiwanag ang katawan ng Hari at pagkatapos biglang sumabog ang silid nung sumigaw siya.
Napatapon sa gilid ng silid ang Aklat ng Dilim at naging kulay pula ang mga mata ng Hari at nararamdaman niyang lumalakas pa siya lalo sa tatlong kaluluwang pumasok sa katawan niya. “HAHAHAHA AKO NA ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT!” natatawang sabi niya na bigla nalang siyang pinagpapana ng mga tauhan niya na lahat ng panang tinira sa kanya napahinto ito sa ere at umikot ito at bumalik sa kanila. Nasira ang pader ng palasyo at lumabas si Haring Voltaire na nakita niya sa paligid ang maraming lobo na naghihntay sa kanya “SABI KO SAYO VOLTAIRE, ORAS NA GAGAMITIN MO ANG LIBRONG YAN AKO MISMO ANG PAPATAY SAYO!” sigaw ni Haring Damyan na ngayon ay nanggagalaiti narin sa galit.
Binalita kasi ni Lorenzo sa mga kaalyado nila ang nangyari sa loob ng palasyo nung nakarating ang bampira sa kubo nila ni Guillermo, ngayon naghahanda sila para pigilan si Haring Voltaire sa binabalak niya. “Tingin niyo matatalo niyo ako? Isa na akong Dyos!” sabi ni Haring Voltaire na hinugot ng mga taong lobo ang mga sandata nila pati narin ang mga bampira at lahat sila naghahanda sa pag-atake ni Haring Voltaire. “HAHAHAHA KAHIT SABAY-SABAY PA KAYONG UMATAKE SA AKIN HINDI NIYO AKO MATATALO!!” paghamon ni Haring Voltaire na bigla nalang sumulpot sa kaliwa niya si Haring Damyan at nakataas na ang espada niya para hampasin siya na bigla nalang itong napatigil sa ere nung tinaas ni Haring Voltaire ang kamay niya.
“Sabi ko sayo aso, hinding-hindi mo ako matatalo” sabi ni Haring Voltaire sa kanya na biglang me lumabas na espada sa kamay niya at lumipad ito patungo kay Haring Damyan. “AMA!” sigaw ni Hen. Romolo na agad niyang binato ang patalim niya at tumama ito sa espadang papalapit kay Haring Damyan kaya lumagpas sa kanya ito at hindi siya natamaan. “Pakialamerong aso!” galit na sabi ni Haring Voltaire na umatake ang mga lobo sa kanya kaya lumipad siya paitaas kasama si Haring Damyan at binugahan niya ng apoy ang mga lobong umatake sa kanya. “UMATRAS KAYO!” sigaw ni Hen. Romolo sa mga tauhan nila at pinahanda ni Kap. Dante ang mga tauhan nilang panain si Haring Voltaire.
“PATAYIN NIYO SIYA!” sigaw ni Kap. Dante na pinana ng mga sundalo nila si Haring Voltaire pero huminto lang ang mga bala nila sa ere at bumalik ito sa kanila kaya nagsitalunan at nagtago sila pero yung iba natamaan at napatay. Samantala sina Lorenzo, Guillermo at si Morietta pumasok sa loob ng palasyo para hanapin si Prinsesa Lucia “baka kinulong siya sa kwarto niya” sabi ni Guille kaya inutosan silang dalawa ni Kap. Lorenzo umakyat sa kwarto ni Prinsesa Lucia habang kasama naman niya ang bampirang inutosan ng Prinsesa papunta sa kulongan ng palasyo. Pagdating nila sa baba me nakabantay sa labas ng pinto ng kulongan “tumabi kayo!” sabi ni Lorenzo sa kanila na naghanda ito para lumaban sa kanya.
“Hindi niyo ba alam na nagkakagulo na sa labas” sabi nung bampirang kasama niya na hindi parin sila tumabi “wala na tayong panahon” sabi ni Lorenzo na hinugot niya ang espada niya at naglaban sila. Nung natalo na nila Lorenzo at kasama niya ang mga bantay agad nilang binuksan ang pintuan at nakita nilang nakahiga sa kama si Prinsesa Lucia at umiiyak ito “mahal ko!” tawag ni Lorenzo. Lumingon si Prinsesa Lucia at bumangon agad ito at yumakap sa kanya “mahal… huhuhu.. si papa.. wala na si papa” naiiyak na sabi ni Prinsesa Lucia “si Prinsepe Alister” sabi nung kasama nila na napasandal ito sa pader at nalungkot ito. “Mamaya na tayo mag-usap kailangan na nating umalis dito” sabi ni Lorenzo na hinila niya palabas ng kulongan si Lucia kasama ang sundalong tumawag sa kanya at pagdating nila sa taas nakasalubong nila si Guillermo at si Morietta.