KA-AFFAIR NI KHRAZZY 2 by: khrazzyforyou2019

Ka-affair ni khrazzy 2

Yes, natanggap ako as cashier sa SM Supermarket (wala pa yung mga hypermarket and SaveMore na yan).

Everything started so well naman sa work. Halos lahat naman ng mga kasama ko eh naging ka-close ko, even my supervisor, Mam Angel, na very friendly, ay naging malapit sa akin. Hanggang isang araw:

Customer Service (CS) (wait, alam naman siguro ng lahat na merong customer service section sa mga supermarkets, kung saan dun nagsstay mostly ang mga Supervisors and Assistant supervisors, then andun din ung “Paging System”. )

Ayun nga, bigla ko narining from CS:

“Bagger Gonzales to lane 6, bagger Gonzales to lane 6 please”

Narinig ko na si Mam Angel ang nagsalita, tapos bigla kong narealize na ako pala yung cashier na nasa Lane 6. Tiningnan ko kung sino ang bagger na nasa lane ko, si Joshua Gonzales, gwapo, medyo maputi, mukhang mabait. Ngumiti lang ako sa kanya nang mabilis at nagfocus na ulet sa ginagawa ko. Siguro kaya pinapunta sa lane ko c Joshua dahil nga medyo dumadami na ang mga customers. (Well, lagi naman kasi akong may bagger sa lane ko kasi isa ako s pinakamabilis na cashier noong panahon nayon, ilang beses din akong nakareceive ng award na “Hataw Cashier of the Month”).

Kinabukasan, Mid-shift ako, so 11am ang pasok ko, na-assign naman ako sa Lane 23, malayo na sa CS station, pero narinig ko na naman si mam Angel na pinapapunta c Joshua sa lane ko. Dun na ako medyo nagtaka, bakit parang sinasadya na ilagay sa lane ko si Joshua? Sinasadya nga ba o talagang nagkakataon? Baka nagkataon lang na same kami ng shift ni Joshua Hindi ko na lang muna pinansin yung bagay na yun.

Minsan, nagkasabay kami ni Mam Angel maglunch.

Mam Angel: O Jehn, kumusta naman si Joshua?

Me: Ha? Si Joshua? Bakit naman sa akin mo tinatanong? Jowa ko ba yun? hehe (haha Garapal lang sumagot sa Visor? haha Close na kasi po talga kami)

Mam Angel: Hahaha, naku, hindi pa ba? Ang bagal naman ni Joshua! Ako na nga gumagawa ng paraan para magkalapit kau, ang bagal naman dumiskarte..tsk tsk..

Me: ano bang sinasabi mo jan Mam Angel?

Mam Angel: hay naku, may crush kaya sayo si Joshua, nalaman ko, sinabi sa akin ng mga bagger, type ka daw ni Joshua..

Me: ay naqu mam, alam mo naman na may jowa ako noh.. di na ako available, taken na ako.

Mam Angel: Asus! Ano ka ba, wag mo naman pagsupladahan yung tao, mabait naman yun eh..

Me: ikaw tlaga mam, umiral na naman yang pagkalukaret mo hahaha. Ang landi mo hahah!!!

Mam Angel: haha baliw, mamaya nga pala sama ka may gimik. Madaming sasama, kasama din si Joshua, Scott tau, (dati yun ung madalas tambayan ng mga kasama ko sa trabaho, videoke rooms, tapos sa labas billiards.)

Me: pass muna ako sa ganyan mam, di ako pwede, di ako nakapagpaalam eh, mahirap na (Siyempre di pwede gumimik na di nagpaalam sa jowa kahit walang kwenta ang jowa haha)

Mam Angel: ano ba yan, di pa nga kayo mag asawa ganyan na agad?

Me: hayaan mo mam nextym na lang, magpapaalam na ako kahit wala pa schedule.

Bumalik na kami ni mam Angel sa work after namin magfreshen up. And Natuloy ang gimik na hindi ako kasama. Sanay naman na sila na hindi ako sumasama.

Kinabukasan, sa lane assignment ko:

Joshua: Hi jehn, kmusta kna? Bakit di ka sumama kagabi?

Me: o kaw pala Josh, di nga ako nakasama eh, umuwi na kasi ako ng maaga. Ska di ako nakapagpaalam kay Bf eh..

Josh: Gnun ba? sana nextym makasama ka, Nextweek may gimik ulet, tyming pa na birthday ko.

Me: Gnun ba? Advance ha. Hayaan mo ttry ko.

Mula nun, lagi na kaming nagbabatian ni Josh. Friends na kami. Walang malisya, hindi ko naman inungkat pa sa kanya yung sinabi ni mam Angel sa akin. Di rin naman niya inopen sa akin yun. Basta friends na kami. Mas lalo kaming naging close kasi palagi siya ina-assign sa lane ko. Pero kahit hndi siya i-assign sa lane ko e kusa siyang pumupwesto doon. Parang nahuhulog na nga loob ko sa kaniya pero di ko masyado iniintindi nararamdaman ko kasi nga may boyfriend ako.

Lumipas ang mga araw, nagkaproblema na naman ako sa Bf ko, may nabasa kasi akong text sa celfone niya. Eto nilalaman ng text:

(brod ang nakasave na name pero eto ang message, sinadya na ganun ang ipangalan para siguro di ko mahalata)

Brod: hon, asan ka na? wait na lang kita dito sa bahay nila Aimee, dito mo na lang ako sunduin ha?

Brod: Alam na ba ng ate mo na pupunta tau sa kanila sa Cavite? Sana magustuhan ako ng ate mo noh? Love you. Mis na kita

Sheettt…parang iba na ‘tong level na to ha? Tapos nung lumabas na siya at nabasa niya na yung message, bigla nagpaalam na may emergency daw sa trabaho niya baka kinabukasan na daw siya uuwi. (di kasi halata na nabasa ko yung message kasi double send, binura ko na ung text na nabasa ko).

Me: Sama ako

Juan: Wag na. Di kasi sure kung makakauwi ako agad, may pasok ka pa bukas.

Me: Closing naman shift ko bukas eh kaya ok lang na mapuyat ako.

Juan: Wag na nga sabi eh, sa trabaho yung aasikasuhin ko, tapos sasama ka? Hindi naman pwede.

Pinagpipilitan ko talaga na sasama ako, pero ayaw niya, hanggang sa di ko na napigilan na sabihin sa kanya na alam ko na kung saan siya pupunta. Wala siyang nasabi. Pero umalis pa din siya. Naiwan na naman ako na umiiyak at nagngingitngit.

Grabe noh? Ilang beses ba dapat magpaka-engot sa lovelife? Hindi na ako nadala eh!! Grabe noh? Malas ko sa mga lalaki!!!

Kinabukasan, pumasok pa din ako kahit na namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Nang Makita ako ni Josh ay bigla siyang lumapit sa akin.

Josh: O napano ‘yang mata mo?

Me: Wala

Josh: Sus wala daw,, anong nangyari?

Me: Wala nga.

Josh: Sige na nga, bahala ka kung ayaw mo sabihin, basta sama ka na lang sa birthday celebration ko mamaya ha.

Me: Yy hapi beerday pala, magpapainom ka ba?? (Nasa mood ako magpakalasing nung time na un)

Josh: Oo ba! Basta kasama ka mamaya.

Me: O sige, call ako. Kaso lang closing pa ako.

Josh: Ayos lang yan. Yung iba nating kasama closing pa din naman.

Halos maghapong nagtambay sa lane ko si Josh. Lagi niya akong pinapatawa kapag walang customer. Dahil sa kkakatawa ko e halos pikit na ang mata ko. Dahil nga medyo mugto ang mga mata ko at mejo singkit. Nawawala ang mata kapag tumatawa.. hahah (Nawawala? San napupunta? Hahah Joke!)

Natapos ang shift namin at kami nga ay natuloy sa inuman. Dahil hindi ako prepared, nakauniform pa ako. (Alam nyo ba yung uniform ng cashier dati? Yung somehow like bestida na hanggang above the knee na color blue? basta yun un. Tapos naka black sandals, and hindi ako nagsusuot ng stockings, unlike sa ibang mg aka-work ko na cashiers na nagsusuot ng stockings, pwede naman isearch na lang, sm supermarket cashier’s uniform.) Tapos yung iba kong mga kawork ay may baong damit pamalit, si Josh naman ay nagpalit lang ng tshirt at nagsuot ng jacket.

Bago kami makapagsimula, may nareceive akong text from Juan:

Juan: Di po me makakauwi ngaun, may kailangang tapusin dito sa work. The day after tomorrow na siguro ako makakapunta jan sa inyo. Pasensiya na po.

Pinigilan ko ang sarili ko na ma-badtrip. Kaya inisip ko na lang, Sign yun na pwede ako maglasing ngayon! Laklak pa more!!!

(di ako sure kung nagustuhan nyo story na 2 kasi dpa nagsisimula ang bakbakan.. pero hope u lyk it.

TBC…

Scroll to Top