Kakaibang Langit Naabot Ni Sky (Kabanata 4) by: freyacutie

Si Kuya Bads hiwalay sa asawa, 45 years old, at may tatlong anak. Dalawa ang nasa elementarya at ang panganay ay high school. Taga Oriental Mindoro sya at kasama nyang lumipat dito pansamantala ang pamilya para sa trabaho niya.

Si Kuya Nat ang pinakamatanda sa edad na 60 years old. Malapit na siyang magretire ngunit dahil gusto nya ang trabahong ito ay hindi pa magawang magpahinga. Lima ang anak nya na puro lalake at lahat ay nakatapos na nang kolehiyo. Taga rito sya sa Occidental Mindoro pero sa malayong bayan lamang dito. Kasama nya dito ang bunsong anak na halos kaedad ko raw. Medyo na-awkward akong tawagin syang Kuya dahil mas matanda pa sya sa Papa ko. Pumayag naman syang tawaging Tata Nat, yon daw ang tawag din ng mga tao sa barangay kung saan sya nakaassign bilang organizer.

Bagong kasal naman si Oscar. Taga Kalibo sya at ang asawa nya ay kasama na rin nya dito ngayon. Natanggap bilang guro sa pampublikong kolehiyo dito ang asawa niya. Magkababata sila at parehong 30 years old na.

Si Dennis ay may live-in partner at kasama din niya sa bahay. May isang anak sila na 5 years old. 26 years na si Dennis at ang kinakasama ay 23 years old.

Si Lenny ang office clerk at hindi siya sumasama sa field work. Isa din syang Accounting Management graduate kaya sya ang gumagawa ng mga reimbursement vouchers at iba pang mga may kinalaman sa finances lalo ang reporting, sabi ni Ate F. Matandang dalaga ang biro sa kanya dahil wala syang boyfriend ayon sa mga kasama kahit na 35 years old na. Taga Iloilo naman siya.

Si Bell ay single mom at maagang nagkaanak dahil nabuntis noong high school. 24 years old sya at ang anak ay 7 years old na. Taga Maynila din sya at naiwan ang anak doon sa pangangalaga ng kanyang Nanay.

Parehong single si Kat at Patricia. Pareho din silang taga Oriental Mindoro ngunit magkaibang bayan lang. 26 si Kat at 24 naman si Patricia.

Si Ate F ay may dalawang anak at ang asawa nya ay sundalo. Taga rito sya sa Occidental Mindoro ngunit sa kabilang bayan lang. Biyenan nya ang nag-aalaga sa mga anak sa umaga at siya naman sa gabi kapag nakauwi na.

OFW ang girlfriend ni Marlon. Nurse ito sa Doha, Qatar. 29 years old sya at taga Quezon City. Ang girlfriend nya naman ay 27 years old at isang taon na itong OFW.

Hindi pa rin ako nakakarecover sa awkwardness sa unang pagkikita namin ni Marlon kaya’t hindi ko siya magawang tignan. Ngayong hindi na siya nakasuot ng baseball cap ay mas lumitaw ang kagwupahun niya. Cleancut na parang pang sundalo, short-stubble beard, makapal ang kilay, matangos ang ilong at misteryosong mga mata. Malakas ang appeal at may awrang tila babaero.

Buong umaga ang ginugol namin para sa meeting. Unang lunes din kasi yon ng buwan kaya’t marami ang nakalista sa agenda. Magtatanghali na kami natapos sa meeting. Kasama pala sa budget ang lunch meal during meetings. Doon na rin kami sa conference room kumain.

“May dalawang linggo pa dito si Nina bago sya lumipat ng assignment. Ituturo niya sayo kung ano ang ginagawa niya sa reporting at sasamahan ka rin niya doon sa mga baranggay kung saan niya nakaassign bilang organizer.”

“Sige po.” Tugon ko habang kumakain pa rin. Magkatabi kami sa lamesa.

“Alam mo tuwing Monday lang talaga tayo kumpleto dito madalas para sa meetings. Bilang community organizer, malaking bahagi ng trabaho natin ang makisama sa mga tao. Kailangan makuha natin ang loob nila. Bago pa sila makikiparticipate sa mga gusto nating ipagawa sa kanila. Kaya minsan kailangan nating matulog sa mga barangay na yon o makisama sa mga mahahalagang okasyon nila.” Paliwanag ni Ate F.

“Naku, lalo pag fiesta Sky. Masaya ang fiesta sa mga barangay. Madalas kinukuha kami maging judge ng mga events nila. Sumasali din kami sa mga sportsfest nila lalo kung Municipal level yan. Nung nakaraan nagchampion ang team namin nina Marlon sa basketball.” Singit ni Dennis.

“May kunting exposure naman po ako. Noong college po nag-stay kami sa isang malayong baryo sa Batangas. Isang buwan din po kami doon bilang parte ng OJT namin at case study.” Sabi ko naman.

Pumasok sa conference room si Tata Nat at may dalang tray na puro mga tasa. May water dispenser sa may sulok ng room at may hot water option. Isa-isa niyang nilagyan ang mga tasa ng mainit na tubig at inilapag sa lamesa. Nilapag din niya sa lamesa ang mga 3-in-1 coffee.

“O kape na, kape na. Pampababa ng kinain.” Aya ni Tata Nat.

“Pero yong exposure nyo naman noong College Sky ay grupo kayo doon. Dito sa trabaho natin solo o buddy-buddy tayo. Yong mga beterano natin solo sila, tulad ni Kuya Nat at Kuya Bads. Itong si Marlon kaya din niyang i-organize ang mga tao kahit mag-isa lang sya.” Paliwanag pa ni Ate F.

“Naku yon pa namang area ni Nina ay malayo. Nahuli na kasi itong si Nina na-a-assign dito kaya napunta sya sa malayong barangay. Sila ni Marlon ang magkabuddy kasi si Marlon ang assigned doon sa pinakamalayong barangay.” Sabi ni Kuya Bads.

Napalunok ako sa narinig. So siya pala ang magiging partner ko? Tukso layuan mo ako.

“Wag mo muna intindihin yon Sky. Sa unang linggo mo, dito ka lang muna sa opisina para makasanayan mo yong mga ginagawa namin dito. Ipapakilala din kita sa mga katuwang nating mga departments ng LGU dito.” Agap naman ni Ate F.

“Paano po ang transportation papunta sa mga barangay? Saan po ang terminal?” Tanong ko.

Tumawa si Kat at Patricia.

“Walang regular na byahe dito sa mga barangay. Hindi ito tulad sa Maynila.” May katarayang tugon ni Patricia.

Tumikhim si Ate F. “Naka-motorsiklo kami dito Sky. Makikita mo ang mga motor na nakapark dyan sa labas ng office, yan ang ginagamit namin. Kaming dalawa lang ni Dennis ang naka-assign sa mga barangay na may accessible na masasakyan sa maghapon. Ang karamihan sa barangay may byahe pero may schedule lang sa maghapon.” Paliwanag ni Ate F. Bakas sa mukha niya ang kunting awa.

“Bale ang assigned area ay dalawang barangay. Magkatabi naman yon pero malayo. Sa kasunod na tatlong barangay yon ang area ni Marlon. May jeep na bumabyahe doon tuwing umaga, alas syete ang alis noon doon sa barangay at ala una ang alis dito sa bayan. Kaya kung wala kang motor at sasabay ka doon sa jeep, kinabukasan ka pa makakauwi.” Patuloy ni Ate F.

Kinabahan ako ng bahagya. Hindi naman ako takot sa mga bagong lugar ngunit mahirap ding matulog sa isang lugar na hindi ka pamilyar at walang kilala.

“Kaya nga sabay kayo ni Marlon na pumunta sa mga designated barangay niyo. Sasamahan ka niya pag nakaalis na si Nina. Kung kampante ka na doon sa mga barangay mo, pwedeng idaan ka lang niya doon at daanan ka uli niya sa pag-uwi nyo.” Sabi ni Tata Nat.

“O di kaya mag-aral kang magmotor,” nakataas ang kilay na sabat ni Kat.

Awkward na tumawa ang ilang kalalakihan.

“Pwede din naman yon Sky. Pero wag mong madaliin.” Sabad ni Oscar.

Napag-alaman ko na si Kat pala ay may sariling motor at nagmomotor nga syang mag-isa papunta sa barangay niya. Si Bell at si Oscar ang buddies. Si Oscar ang nagdadrive ng motor at nakikishare sa gasolina si Bell.

Si Patricia naman ay nakikisabay sa motor nina Tata Nat o kay Kuya Bads since mauunang madaanan ang mga barangay nya kasunod ang mga assigned barangays ng dalawang nakatatandang lalake sa grupo. Nakiki-share din sya sa gastos sa gasolina kung kanino man sya nakisabay.

Si Dennis ay may sarili ring motor kahit na may regular na transportasyon sa mga barangay niya.

Buong hapon naman ay ginugol namin para sa orientation nila sa akin. Kung saan ang mga bangko at ATM. Sinabi din nilang walang malls dito, pero alam ko na yon dahil sa research na ginawa ko. Sinabi din nilang hanggang 9PM lang ang mga restaurant at iba pang tindahan dito. Meron namang fast food chains dito tulad ng Jollibee at Chowking pero may lutuan din daw doon sa staff house kung gusto kong magluto.

Pagpatak ng 5PM ay nagtungo na kami sa staff house. Kasabay ko sa tricycle si Ate F. Ang staff house ay walking distance pala sa airport. Sa tabing-dagat ito.

“Dating maliit na resort ito Sky na pag-mamay-ari ng Mayor. May bago syang resort dyan sa may unahan na mas malaki kaya ipinasara niya ito noon. Isa ito sa mga nauna pang resort dito kaya may kalumaan ang mga kwarto Sky. Pero wag kang mag-alala dahil safe pa na rin naman.” Sabi ni Ate F pagkababa namin sa tricycle. Naroon na silang lahat na nakamotor. Ang mga kalalakihan na ang nagdala ng mga gamit ko.

Pagpasok sa gate ng resort ay mayroong sementadong pathway sa gitna, naghihiwalay sa magkabilaang hilera ng mga kwarto. May limang kwarto sa magkabilaang side ng hallway. Konkreto ang istruktura at yero ang bubong habang jalousie ang salamin ng mga bintana. Magkakaiba ang sukat ng mga kwarto base na rin sa layo ng pagitan ng mga pintuan nito. Ang tatlong kwarto sa may dulong bahagi ang maliit, habang mas malaki ang size noong dalawang kwarto na nauuna.

Sa dulo ng pathway ay may malaking gazebo-style na building. Ang mga poste ay sakop ang kabilaang dulo ng mga building. Konkreto ang sahig, halong kahoy at kawayan naman ang iilang bahagi na may dingding, at purong kahoy ang mga haligi. Ang bubong ay nipa.

Naroon pa sa harap ng gazebo ang dating front desk area. May katamtamang taas na kahoy na counter. Sa likod umano ng front desk ay ang cafeteria at kitchen. At sa likod noong gazebo ay ang beach.

Dinala nila ako sa may dulong kwarto sa kanang bahagi. May single bed, may cabinet, may maliit na lamesang kahot at isang upuan na kahoy din. May sariling CR na rin dito. Tama lang ito para sa isang tao. Binuksan ko ang gripo at napansing katamtaman lang ang daloy nito, kailangang maglagay ng tubig sa timba upang siguradong hindi mauubos ang tubig kung biglaang hihina ang daloy.

“Bakante ang katabi mong kwarto. Kasunod na kwarto ay si Bell. Si Patricia at si Kat naman and magkasama sa iisang kwarto doon sa kasunod. Dyan sa katapat mong kwarto si Marlon. At doon sa katabi ng kwarto nya ang kwarto ni Oscar at ng asawa niya.”

“Salamat, Ate. Magkano po pala ang renta natin dito?”

“Wag mong alalahanin yon. P500 lang ang renta dito. Gusto lang ng Mayor na may tao dito. Mas madali kasing masisira ang gusali kung walang tao.” Paliwanag ni Ate F. Naiwan na kaming dalawa sa loob ng kwarto. Nagbilin pa siya ng ilang mga dapat obserbahan doon sa staff house tulad nang walang security guard doon kaya’t mag-ingat umano at huwag bastang naglalakad ng mag-isa sa gabi.

“Kuryente na lang ang babayaran mong malaki dito. Pero kung gusto mong makatipid pwede kang bumili ng electric fan. Malamig naman dito lalo’t tabing dagat lang.”

Nagmeryenda kami sa may gazebo. Nakakarelax ang ambiance doon. Mukhang mapapadalas ako dito sa may tabing-dagat.

Pagkatapos magmerienda ay nagsiuwian na ang mga kasamang hindi dito nakatira. Naghanda naman para sa hapunan ang iba.

Ako ay naisip na magpahinga muna sa kwarto. Saka lang nakaramdam ng pagod.

Tumawag din ako kina Mama at Papa para balitaan sila sa unang araw ko dito. Miss ko na sila agad.

Nagkausap na rin kami ni Mark pero saglit lang dahil may dinner meeting din sila sa office. Kahit papano naging okay na kami at napatawad ko na siya. Mabuti na lang talaga at hindi nagbunga ang ginawa namin. Ngayon naman ay tila namimiss ko na sya lalo na bago nito binaba ang tawag ay nagpahabol pa ng, “Miss na uli kitang makantot, baby.”

Pilyo talaga. Pero kahit ganun ay nabuhay agad nya ang init sa katawan ko. Kaya naman naisipan kong maligo upang matupok ang init.

Pagkatapos kong maligo ay nakaidlip ako. Nagising ako ng maramdaman na sobrang lamig na sa kwarto. Pinatay ko ang aircon at binuksan ang bintanang nakaharap sa may gazebo. Kita pa rin ang dalampasigan mula roon.

Nakapatay na ang lahat ng ilaw maliban sa mga lights sa may dalawang poste sa magkabilaang gilid ng gate. Tanging tunog na lang ng humahampas na alon sa dalampasigan ang maririnig. Napagdesisyunan kong maglakad sa may dalampasigan. Nagsuot ako ng dobleng jacket sa manipis kong pantulog at lumabas na ng kwarto.

Umupo ako sa rattan na duyan sa may labas lang ng gazebo, nakaharap sa beach. Masyado ng madilim kung maglalakad pa ako hanggang sa tabing dagat. May maliit na beach cottage sa may unahan, malapit na sa may dalampasigan pero hindi na ako tumuloy doon.

Hingang-malalim. Haaay. Masarap talaga ang sariwang hangin.

“Hmmp.”

Napabalikwas ako nang makarinig ng munting pigil na ungol. Lumingon sa kaliwa’t kanan. Alas kwatro na kaninang pagsilip ko sa relo bago ako lumabas ng kwarto. Tahimik na ang paligid. At malayo pa ang kasunod na bahay dito dahil bakante din ang magkabilaang katabing lote namin.

“Hmmp.”

Lumingon uli ako magkabilaan at wala namang tao. Naaninag kong may gumalaw sa cottage sa unahan. May tao yata doon. Tumayo ako at naglakad ng dahan-dahan patungo roon. Wala akong suot na tsinelas, nakalimutan ko kasing bumili kanina, naiwan ko yong sakin sa bahay sa Manila.

Ang cottage ay open lang. May lamesang kahoy sa gitna at may upuang kahoy din na kasing haba noong lamesa. Nakatiin na tinungo ko ang isang malaking puno na ilang metro ang layo mula sa cottage.

“Ahh. Ahh. Sige pa.” boses ng babae yon.

“Shhh. Baka may makarinig sayo.” boses naman ng lalake.

Medyo pamilyar ang mga boses nila. Sumilip ako ng kunti. Madilim pa rin. Sa tunog ng mga ungol nila kasabay ng langitngit ng kahoy, sigurado akong nagse-sex sila.

Mas lumakas ang langitngit kaya sumilip pa ako. Siningkitan ko ang mata ko sa pag-asang makikita sila ng mas maigi. Nang naka-adjust ng kunti sa dilim ang mga mata ko ay naaninag ko sila.

Isang babae ang nakaupo sa lamesang kahoy at nakabukaka. Sa pagitan ng kanyang mga hita ay isang lalake. Hinawakan ng lalake ang dalawang suso ng babae. Impit na napahiyaw muli ang babae.

“Ughhh. Oscar. Ohhh”

“Shhh. Wag kang maingay Bell. Ohhh. Malapit na ko.”

Napatakip ako sa aking bibig. Si Bell at si Oscar may relasyon? Akala ko kasama ni Oscar ang asawa niya dito?

“Ohh shit. Bell ang sarap ng puke mo talaga.”

“Ahh. ohhh. Mas masarap ba ko sa asawa mo Oscar?” malanding tanong ni Bell.

Impit pa ring ungol at mga halinghing nila. Paminsan-minsang lumalakas ang boses kapag hindi na siguro napipigil ang sensasyon.

Hindi ko maialis ang titig ko sa kanila. Natakot din akong mapansin nila kapag gumalaw ako dito sa pwesto ko.

Maya-maya pa ay inilawan ni Oscar ang magkahugpong nilang katawan gamit ang flashlight sa cellphone. Inilawan din niya ang mukha ni Bell para mas lalong makita ang expression nitong sarap na sarap sa kantot. Kumpirmado ko na sila na nga yon.

“Ahhh. Shit. Sarap ng puke mo Bell. Mas masarap kang kantutin kesa sa asawa ko.” tila nagdedeliryong ungol ni Oscar.

“Ahhh. Shit. Oscar. Kala ko titigil na tayo kapag nandito na ang misis mo?”

Panandaliang huminto si Oscar sa pagbayo. Naglaplapan sila. Sabik na hinalikan at nilamas ni Oscar ang suso ni Bell.

May kalakihan din ang suso ni Bell siguro dahil may anak na sya. Tantiya ko ay 34B siguro. Medyo chubby si Bell at maliit lang sya, 5 ft siguro. Pero ang mukha nya ay baby face. Hindi ko nga naisip na may-anak na siya kung hindi nila nasabi.

“Hinahanap hanap ng titi ko ang puke mo. Ang sarap kasi. ohhh. shit.”

Patuloy ang ungol ng dalawa. Hindi siguro sila nilalamig dahil sa init ng ginagawa.

Si Oscar ay moreno. 5’5″ ang tangkad at malaman ng kunti ang katawan ngunit hindi naman chubby. Kayumanggi at cute si Oscar. Boy next door ang awra.

“Ako din Oscar. ahhh. Sarap ng kantot mo. bilisan mo at lalabasan na rin ako. Ohhh”

“Ahh shit ka Bell. Sarap nitong masabaw mong puke.”

Malalakas na ang ungol at halinghing ng dalawa. Nakaramdam ako ng init sa panonood sa kanila. Hindi ko maintindihan pero unti unting namasa ang puke ko. Tumigas din ang utong ko. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng pajama na suot. Hinaplos ko ang puke ko sa ibabaw ng aking panty. Sinabay ko sa galaw ng dalawang nagtatalik ang paghaplos sa aking puke. Ang kaliwang kamay ay itinakip ko sa aking bibig upang hindi kumawala ang mga ungol.

“Ahhh. Ahhh. Ito na Oscar.”

“Tanggapin mo ang tamod ko Bell. Ahhhh. Shit. Sarap mo talaga.”

“Ahhhhhhhh. Sarap Oscar.”

Sabay akong nakaraos sa kanila. Pigil na pigil akong umungol o kahit huminga sa takot na marinig nila.

“Bukas doon tayo matulog sa area mo. Kantutin uli kita.” Bulong ni Oscar sa pagitan ng mga halikan nilang dalawa.

Naghalikan at naglaplapan pa sila bago nagbihis.

Nang masiguro kong nakabalik na sila sa mga kwarto nila ay saka ako naglakad pabalik sa aking kwarto.

Paglagpas ko sa may front desk ay nakasalubong ko si Marlon. May kunting liwanag na kaya’t naaninag ko ang panunukso sa kanyang mukha.

Hinablot niyang bigla ang kanang kamay na ginamit kong panghaplos sa aking puke kanina. Inamoy niya iyon at sinipsip ang hintuturo.

Hinablot ko ang kamay at inis na binalingan si Marlon. Ngumisi ito at yumuko ng kunti sa kaliwang bahagi ko.

“Sarap naman nun Sky.” bulong ni Marlon sa kaliwang tenga ko.

Nilagpasan ko na sya at nagmadali na akong pumasok sa aking kwarto. Namumula ang pisngi ko sa hiya at init na dala ng napanood kina Bell at sa ginawa ni Marlon sa kamay ko.

Nahihibang na ba sya?

Nakita ba niyang sinilipan ko sina Oscar at Bell?

Itutuloy…

Author’s Note: Gagawan ko po ng side stories ang ibang mga involved sa main story na ito. Abangan ang adventures ni Bell at Oscar, isang hot momma at isang cheater boyfriend/husband.

Scroll to Top